سورة القمر بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة القمر | Al Qamar - عدد آياتها 55 - رقم السورة في المصحف: 54 - معنى السورة بالإنجليزية: The Moon.

اقْتَرَبَتِ السَّاعَةُ وَانشَقَّ الْقَمَرُ(1)

Ang oras (ng Paghuhukom) ay papalapit na, at ang buwan ay nagbitak sa pagkakalansag (ang mga tao sa Makkah ay humiling kay Propeta Muhammad na magpamalas siya ng Himala, kaya’t ipinakita niya sa kanila ang pagkabiyak ng buwan)

وَإِن يَرَوْا آيَةً يُعْرِضُوا وَيَقُولُوا سِحْرٌ مُّسْتَمِرٌّ(2)

Datapuwa’t kung sila ay nakakamalas ng isang Tanda, sila ay tumatalikod at nagsasabi: “Ito ay pansamantalang salamangka lamang!”

وَكَذَّبُوا وَاتَّبَعُوا أَهْوَاءَهُمْ ۚ وَكُلُّ أَمْرٍ مُّسْتَقِرٌّ(3)

Itinakwil nila (ang Babala, ang Qur’an) at sinunod nila ang kanilang sariling pagnanasa, datapuwa’t ang lahat ng bagay ay mayroong kanyang takdang oras (ayon sa uri ng kanyang mga gawa, para sa mga gumagawa ng kabutihan, ang kanyang gawa ay maghahatid sa kanya sa Paraiso at gayundin naman, ang masamang gawa ay maghahantong sa kanya sa Impiyerno)

وَلَقَدْ جَاءَهُم مِّنَ الْأَنبَاءِ مَا فِيهِ مُزْدَجَرٌ(4)

At katotohanan na mayroong dumatal sa kanila na mga Tagubilin (ang Qur’an), na rito ay may (sapat na Babala) upang mapaalalahanan sila (sa kasamaan)

حِكْمَةٌ بَالِغَةٌ ۖ فَمَا تُغْنِ النُّذُرُ(5)

Na Hinog na Karunungan (ang Qur’an), datapuwa’t (ang pangaral) ng mga tagapagbabala ay hindi nagbigaysakanilangkapakinabangan

فَتَوَلَّ عَنْهُمْ ۘ يَوْمَ يَدْعُ الدَّاعِ إِلَىٰ شَيْءٍ نُّكُرٍ(6)

Kaya’tsilaaylayuan mo (o Muhammad). Sa Araw na ang Tagatawag ay tatawag (sa kanila) sa isang kasindak-sindak na pagtitipon

خُشَّعًا أَبْصَارُهُمْ يَخْرُجُونَ مِنَ الْأَجْدَاثِ كَأَنَّهُمْ جَرَادٌ مُّنتَشِرٌ(7)

Sila ay magsisilabas at tatambad mula sa kanilang libingan na ang kanilang mata ay nakatungo (sa ibaba) at (namamanhid) na katulad ng mga kulisap na nagsisipangalat

مُّهْطِعِينَ إِلَى الدَّاعِ ۖ يَقُولُ الْكَافِرُونَ هَٰذَا يَوْمٌ عَسِرٌ(8)

Na nagmamadali, at ang kanilang mga mata ay nakamulagat patungo sa Tagatawag! Ang mga hindi sumasampalataya ay magsasabi: “Napakahirap ng Araw na ito!”

۞ كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ فَكَذَّبُوا عَبْدَنَا وَقَالُوا مَجْنُونٌ وَازْدُجِرَ(9)

Noong panahong sinauna, ang pamayanan ni Noe ay nagtakwil (sa kanilang Tagapagbalita) at nagtatwa sa Aming alipin at nagsabi: “Narito ang isang inaalihan ng demonyo!” At siya ay walang pakundangan nilang sinalansang at itinaboy

فَدَعَا رَبَّهُ أَنِّي مَغْلُوبٌ فَانتَصِرْ(10)

Kaya’t nanikluhod siya sa kanyang Panginoon (na nagsasabi): “Ako ay kanilang kinakayan-kayanan, kaya’t ako ay tulungan (Ninyo)!”

فَفَتَحْنَا أَبْوَابَ السَّمَاءِ بِمَاءٍ مُّنْهَمِرٍ(11)

Kaya’t Aming ibinukas ang mga Tarangkahan ng Kalangitan na may mga tubig na bumubuhos

وَفَجَّرْنَا الْأَرْضَ عُيُونًا فَالْتَقَى الْمَاءُ عَلَىٰ أَمْرٍ قَدْ قُدِرَ(12)

At Aming hinayaan ang kalupaan na madaluyan ng mga dalisdis, upang ang mga tubig (ng kalangitan at kalupaan) ay magpanagpo (at tumaas) sa layunin ng (Aming) pag-uutos

وَحَمَلْنَاهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلْوَاحٍ وَدُسُرٍ(13)

At Aming isinakay sila sa isang (Arko o Barko) na gawa sa malalapad na tablang kahoy na pinatibay ng mga himaymay ng palmera at mga pako

تَجْرِي بِأَعْيُنِنَا جَزَاءً لِّمَن كَانَ كُفِرَ(14)

Na lumulutang sa ibabaw ng tubig sa pagsubaybay ng Aming mga Mata, bilang isang gantimpala sa kanya na itinakwil ng may pang-uupasala

وَلَقَد تَّرَكْنَاهَا آيَةً فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ(15)

At katotohanang hinayaan Namin yaon na maiwan (sa kalupaan) bilang isang Tanda (sa lahat ng panahon); kung gayon, mayroon kayang sinuman ang makakaala-ala (o tatanggap ng tagubilin)

فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ(16)

(Pagmasdan) kung gaano (kalagim-lagim) ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْآنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ(17)

At katotohanang Aming ginawa ang Qur’an na madaling maunawaan at magunita, kung gayon, mayroon bagang sinuman ang makakaala-ala (o tatanggap ng tagubilin)

كَذَّبَتْ عَادٌ فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ(18)

Ang mga tribo ni A’ad ay nagpabulaan (sa katotohanan ng kanilang Propetang si Hud, ), kaya’t pagmasdan kung gaano kalagim-lagim ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala

إِنَّا أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيحًا صَرْصَرًا فِي يَوْمِ نَحْسٍ مُّسْتَمِرٍّ(19)

Katotohanang Aming ipinadala sa kanila ang magaspang na tunog ng humahagupit na Hangin, sa Araw ng kasindak-sindak na kasamaan at patuloy na kapinsalaan

تَنزِعُ النَّاسَ كَأَنَّهُمْ أَعْجَازُ نَخْلٍ مُّنقَعِرٍ(20)

Na bumubunot sa mga tao, na wari bang sila ay mga ugat ng punong palmera na hinuhugot (mula sa lupa)

فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ(21)

(Kaya’t pagmasdan), kung gaano (kalagim-lagim) ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْآنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ(22)

At katotohanang ginawa Namin ang Qur’an na magaan at madaling maintindihan at maala-ala; kung gayon, mayroon bang sinuman ang makakaala-ala (o tatanggap ng tagubilin)

كَذَّبَتْ ثَمُودُ بِالنُّذُرِ(23)

(At gayundin naman), ang tribo ni Thamud ay nagpabulaan din sa mga Babala

فَقَالُوا أَبَشَرًا مِّنَّا وَاحِدًا نَّتَّبِعُهُ إِنَّا إِذًا لَّفِي ضَلَالٍ وَسُعُرٍ(24)

Sapagkat sila ay nagsasabi: “Ano! Isang tao! Na isa lamang mula sa ating lipon! Susundin ba namin ang katulad niya? Katotohanan, ang aming kaisipan ay mapapaligaw at kami ay nababaliw!”

أَأُلْقِيَ الذِّكْرُ عَلَيْهِ مِن بَيْنِنَا بَلْ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرٌ(25)

Ang Tagubilin ba ay tanging ibinigay lamang sa kanya (sa dinami-dami namin)? Tunay nga, siya ay sinungaling, isang walang galang

سَيَعْلَمُونَ غَدًا مَّنِ الْكَذَّابُ الْأَشِرُ(26)

Ah! Mapag-aalaman nila sa kinabukasan, kung sino ang sinungaling at walang galang

إِنَّا مُرْسِلُو النَّاقَةِ فِتْنَةً لَّهُمْ فَارْتَقِبْهُمْ وَاصْطَبِرْ(27)

Sapagkat katotohanang ipapadala Namin sa kanila ang babaeng kamelyo bilang isang pagsubok sa kanila. Kaya’t pagmasdan mo sila (o Saleh) at papanaigin mo sa iyong sarili ang pagtitiyaga

وَنَبِّئْهُمْ أَنَّ الْمَاءَ قِسْمَةٌ بَيْنَهُمْ ۖ كُلُّ شِرْبٍ مُّحْتَضَرٌ(28)

At ipaalam mo sa kanila na ang tubig ay hahatiin sa pagitan (ng babaeng kamelyo) at nila. Ang bawat isa ay may karapatan na uminom at ang bawat pag-inom ay minamatyagan

فَنَادَوْا صَاحِبَهُمْ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ(29)

Datapuwa’t tinawag nila ang kanilang kasamahan at bumunot siya ng (isang espada) at inulos siya (babaeng kamelyo)

فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ(30)

Ah! Kung gayon, gaano (kalagim-lagim) ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala

إِنَّا أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ صَيْحَةً وَاحِدَةً فَكَانُوا كَهَشِيمِ الْمُحْتَظِرِ(31)

Katotohanang ipinadala Namin sa kanila ang isang Matinding Pagsabog at sila ay natulad sa mga tuyong sanga (at sungot) ng puno na ginagamit bilang pambakod sa kulungan ng hayop

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْآنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ(32)

At katotohanan na ginawa Namin na magaan ang Qur’an upang maunawaan at maala-ala. Kaya’t mayroon bang sinuman ang makakaala-ala (o tatanggap ng tagubilin)

كَذَّبَتْ قَوْمُ لُوطٍ بِالنُّذُرِ(33)

Ang pamayanan ni Lut ay nagpabulaan sa mga Babala

إِنَّا أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ حَاصِبًا إِلَّا آلَ لُوطٍ ۖ نَّجَّيْنَاهُم بِسَحَرٍ(34)

Pagmasdan! Katotohanang ipinadala Namin sa kanila ang nagngangalit na Unos ng umuulang bato (na nagwasak sa kanilang lahat), maliban sa mga kasambahay ni Lut, na Aming iniligtas sa pagdatal ng bukang liwayway

نِّعْمَةً مِّنْ عِندِنَا ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي مَن شَكَرَ(35)

Bilang isang Biyaya mula sa Amin; sa gayon Namin ginagantimpalaan ang mga nagbibigay sa Amin ng pasasalamat (sa pamamagitan ng pagsunod sa Amin)

وَلَقَدْ أَنذَرَهُم بَطْشَتَنَا فَتَمَارَوْا بِالنُّذُرِ(36)

At katotohanang (si Lut) ay nagbabala sa kanila ng Aming Pagsukol (kaparusahan), datapuwa’t sila ay nag- aalinlangan sa mga Babala

وَلَقَدْ رَاوَدُوهُ عَن ضَيْفِهِ فَطَمَسْنَا أَعْيُنَهُمْ فَذُوقُوا عَذَابِي وَنُذُرِ(37)

At katotohanang sila ay nagnais na hiyain ang kanyang panauhin (sa pamamagitan ng pagsasabi nila na makipagtalik sa kanyang (Lut) mga bisita), datapuwa’t binulag Namin ang kanilang mga mata, (at Kami ay nagwika): “Lasapin ninyo ngayon ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala!”

وَلَقَدْ صَبَّحَهُم بُكْرَةً عَذَابٌ مُّسْتَقِرٌّ(38)

At katotohanang nang kinaumagahan, ang walang maliw na Kaparusahan ay sumakmal sa kanila

فَذُوقُوا عَذَابِي وَنُذُرِ(39)

“Kaya’t inyong lasapin ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala.”

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْآنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ(40)

At katotohanang ginawa Namin ang Qur’an na magaan upang maunawaan at maala-ala, kaya’t mayroon ba kayang sinuman ang makakaala-ala (o tatanggap ng tagubilin)

وَلَقَدْ جَاءَ آلَ فِرْعَوْنَ النُّذُرُ(41)

At katotohanan, ang mga Babala ay dumatal sa mga tao ni Paraon (sa pamamagitan ni Moises atAaron)

كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذْنَاهُمْ أَخْذَ عَزِيزٍ مُّقْتَدِرٍ(42)

(Ang mga tao) ay nagpabulaan sa lahat ng Aming mga Tanda, kaya’t Aming sinakmal sila ng Kaparusahan na nagmula sa Isang Kataas-taasan sa Kapangyarihan, na nakakapagpatupad ng Kanyang kautusan (walang Hanggang Kapangyarihan)

أَكُفَّارُكُمْ خَيْرٌ مِّنْ أُولَٰئِكُمْ أَمْ لَكُم بَرَاءَةٌ فِي الزُّبُرِ(43)

Ang iyo bang mga tao na walang pananampalataya (o Quraish!) ay higit na mabuti kaysa kanila (mga pamayanan ni Noe, Lut, Salih at mga tao ni Paraon, atbp. na mga winasak)? o sila ba ay ligtas at hindi napapailalim (laban sa Aming Kaparusahan) sa mga Banal na Kasulatan

أَمْ يَقُولُونَ نَحْنُ جَمِيعٌ مُّنتَصِرٌ(44)

o sila ba ay nagsasabi: “Kami ay marami sa bilang at kami ay makakapagtanggol ng aming sarili at magtatagumpay”

سَيُهْزَمُ الْجَمْعُ وَيُوَلُّونَ الدُّبُرَ(45)

Hindi magtatagal, ang karamihan sa kanila ay malalagay sa pagtakas, at sila ay tatalilis

بَلِ السَّاعَةُ مَوْعِدُهُمْ وَالسَّاعَةُ أَدْهَىٰ وَأَمَرُّ(46)

Tunay nga! Ang oras (ng Paghuhukom) ay ang Sandali na ipinangako sa kanila (para sa kanilang lubos na kabayaran), at ang oras na yaon ang Pinakamasakit at Pinakamasaklap

إِنَّ الْمُجْرِمِينَ فِي ضَلَالٍ وَسُعُرٍ(47)

Katotohanan, ang Mujrimun (mga makasalanan, mapagsamba sa diyus- diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp.) ay nasa kamalian (sa mundong ito) at masusunog (sa Impiyerno sa Kabilang Buhay)

يَوْمَ يُسْحَبُونَ فِي النَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ ذُوقُوا مَسَّ سَقَرَ(48)

Sa Araw na sila ay hihilahin sa Apoy at ang kanilang mukha ay isusugba sa Apoy (at sa kanila ay ipagsusulit:) “Lasapin ninyo at damhin ang Impiyerno!”

إِنَّا كُلَّ شَيْءٍ خَلَقْنَاهُ بِقَدَرٍ(49)

Katotohanang Aming nilikha ang lahat ng bagay sa Qadar (hustong anyo at ganap na sukat, isang maka-diyos na Pagtatakda [pag-uutos] ng lahat ng bagay bago pa ang paglikha sa kanila na katulad nang nakasulat sa Aklat ng mga Pag-uutos – Al Lauh Al Mahfuz

وَمَا أَمْرُنَا إِلَّا وَاحِدَةٌ كَلَمْحٍ بِالْبَصَرِ(50)

At ang Aming Pag- uutos ay isa lamang, na katulad ng (isang) kurap ng mata

وَلَقَدْ أَهْلَكْنَا أَشْيَاعَكُمْ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ(51)

At katotohanang (sa panahong sinauna) ayAming winasak ang mga pangkat na katulad nila, kaya’t mayroon bang sinuman ang makakaala-ala (at tatanggap ng tagubilin)

وَكُلُّ شَيْءٍ فَعَلُوهُ فِي الزُّبُرِ(52)

At ang lahat at bawat isa na kanilang ginawa ay nakatala sa (kanilang) mga Aklat (ng Gawa)

وَكُلُّ صَغِيرٍ وَكَبِيرٍ مُّسْتَطَرٌ(53)

At ang lahat ng mga bagay, maliit man at malaki ay nakatala (sa Al Lauh Al Mahfuz noon pa man, bago pa ito mangyari). [Tunghayan ang Qur’an]

إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَنَهَرٍ(54)

Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na umiiwas sa lahat ng kasamaan na Kanyang ipinagbabawal at nagmamahal ng labis kay Allah sa pamamagitan ng paggawa ng mga kabutihan at pagsunod sa lahat ng Kanyang ipinag-uutos), sila ay mananahan sa gitna ng Halamanan at mga Ilog (Paraiso)

فِي مَقْعَدِ صِدْقٍ عِندَ مَلِيكٍ مُّقْتَدِرٍ(55)

Na matatag na nagkakatipon sa Katotohanan (alalaong baga, ang Paraiso), na malapit sa paningin ng Isang Hari na Walang Hanggan sa Kapangyarihan (Allah, ang Pinagpala, ang Kataas-taasan, ang nag-aangkin ng Kamahalan at Karangalan)


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة القمر بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة القمر كاملة بجودة عالية
سورة القمر أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة القمر خالد الجليل
خالد الجليل
سورة القمر سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة القمر سعود الشريم
سعود الشريم
سورة القمر عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة القمر عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة القمر علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة القمر فارس عباد
فارس عباد
سورة القمر ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة القمر محمد جبريل
محمد جبريل
سورة القمر محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة القمر الحصري
الحصري
سورة القمر العفاسي
مشاري العفاسي
سورة القمر ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة القمر ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Wednesday, January 22, 2025

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب