Surah Al-Infitar
PDF —
19 Talata Meccan PDF
Built right in your browser — download starts automatically

Surah Al-Infitar pdf — I-download (Filipino)

Surah Al-Infitar pdf Filipino — I-download Surah Al-Infitar Salin. Al-Infitar (Meccan) 19 Talata.



Surah Al-Infitar
19 Talata · Meccan · Filipino
bismillah
ﭑﭒﭓﭔ
Kung ang kalangitan ay magbitak sa pagkalansag
ﭕﭖﭗﭘ
At kung ang mga bituin (at buntala) ay mahulog at magsipangalat
ﭙﭚﭛﭜ
At kung ang karagatan ay sumabog sa pag- agos (at matuyuan ng tubig)
ﭝﭞﭟﭠ
At kung ang mga libingan ay bumaligtad (upang iluwa ang kanilang laman)
ﭡﭢﭣﭤﭥﭦ
(Sa gayon), ang bawat tao (kaluluwa) ay makakaalam kung ano ang kanyang ipinadala at (kung ano) ang kanyang iniwan (na masama at mabuti)
ﭧﭨﭩﭪﭫﭬﭭ
o Tao! Ano ang nagtulak sa iyo upang magwalang bahala sa iyong Panginoon, ang Tigib ng Biyaya
ﭮﭯﭰﭱﭲ
Na lumikha sa iyo, at humubog sa iyo ng ganap, at nagbigay sa iyo ng angkop na sukat
ﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹ
Sa anumang anyo na Kanyang naisin, ikaw ay Kanyang inilagay na magkasama (sa katawan, isipan, ispiritwal, atbp)
ﭺﭻﭼﭽﭾ
Hindi! Datapuwa’t itinatwa ninyo ang Araw ng Kabayaran (gantimpala sa mabubuting gawa at kaparusahan sa masasamang gawa)
ﭿﮀﮁﮂ
Datapuwa’t katotohanan na may mga anghel na nangangalaga sa inyo (upang magsulit)
ﮃﮄﮅ
Kiraman Katibin, (mabuti at kapuri-puri [sa Paningin ni Allah]), na nagtatala (ng inyong mga gawa)
ﮆﮇﮈﮉ
Batid nila ang (lahat) ninyong ginagawa
ﮊﮋﮌﮍﮎ
Katotohanan, ang Abrar (mga matutuwid at matimtimang tao), sasakanila ang Kaligayahan (sa Paraiso)
ﮏﮐﮑﮒﮓ
At katotohanan, ang Fujjar (mga tampalasan, walang pananampalataya, makasalanan at mapaggawa ng kabuktutan), sasakanila ang Naglalagablab na Apoy (ng Impiyerno)
ﮔﮕﮖﮗ
Sila ay magsisipasok dito upang lasapin ang nag-aapoy na ningas sa Araw ng Kabayaran
ﮘﮙﮚﮛﮜ
At sila (na mga Fujjar) ay hindi mawawala rito (alalaong baga, hindi sila makakatakas sa Impiyerno)
ﮝﮞﮟﮠﮡﮢ
At ano ang makakapaghantong sa iyo upang maalaman kung ano ang Araw ng Kabayaran
ﮣﮤﮥﮦﮧﮨﮩ
At muli, ano ang makakapaghantong sa iyo upang maalaman kung ano ang Araw ng Kabayaran
ﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕ
(Ito ang) Araw na walang sinumang tao (kaluluwa) ang may anumamg kapangyarihan (upang makagawa) ng kahit na ano sa ibang tao (kaluluwa). At sa Araw na ito, tanging kay Allah lamang ang Lubos na Pag-uutos at Pasya

Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers