Katotohanan, ang mga Muslim (sila na sumusuko kay Allah sa Islam), lalaki at babae, ang mga sumasampalatayang lalaki at babae (na nananalig sa Kaisahan ni Allah), ang mga matimtiman at masunuring lalaki at babae (kay Allah), ang mgalalakiatbabaenanagsasabingkatotohanan(sakanilang pananalita at gawa), ang mga lalaki at babae na matiyaga (sa pagsasagawa ng lahat ng mga tungkulin na iniatas ni Allah at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal), ang mga lalaki at babae na nagpapakumbaba (sa harapan ng kanilang Panginoon, - Allah), ang mga lalaki at babae na nagbibigay ng kawanggawa (ang katungkulang kawanggawa, ang Zakah, [gayundin] ang boluntaryong kawanggawa tulad ng limos, tulong, atbp.), ang mga lalaki at babae na nag-aayuno (ang katungkulang pag-aayuno sa buwan ng ramadhan at mga boluntaryong pag-aayuno o Nawafil), ang mga lalaki at babae na nagpapanatili sa kanilang kalinisan (sa mga bawal na pakikipagtalik), ang mga lalaki at babae na labis na nag-aala-ala kay Allah sa pamamagitan ng kanilang mga dila at puso (habang nakaupo, nakatayo at nakahimlay at dumadalit ng mga pagpupuri at pagluwalhati sa Kanya), sa kanila ay inihanda ni Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
🌐 Additional reference in Melayu
🌐 Melayu
Sesungguhnya orang-orang lelaki yang Islam serta orang-orang perempuan yang Islam, dan orang-orang lelaki yang beriman serta orang-orang perempuan yang beriman, dan orang-orang lelaki yang taat serta orang-orang perempuan yang taat, dan orang-orang lelaki yang benar serta orang-orang perempuan yang benar, dan orang-orang lelaki yang sabar serta orang-orang perempuan yang sabar, dan orang-orang lelaki yang merendah diri (kepada Allah) serta orang-orang perempuan yang merendah diri (kepada Allah), dan orang-orang lelaki yang bersedekah serta orang-orang perempuan yang bersedekah, dan orang-orang lelaki yang berpuasa serta orang-orang perempuan yang berpuasa, dan orang-orang lelaki yang memelihara kehormatannya serta orang-orang perempuan yang memelihara kehormatannya, dan orang-orang lelaki yang menyebut nama Allah banyak-banyak serta orang-orang perempuan yang menyebut nama Allah banyak-banyak, Allah telah menyediakan bagi mereka semuanya keampunan dan pahala yang besar.
Al-Muslimīn wal-Muslimāt: Ang mga nagpapasakop at sumusunod sa kautusan ng Allah, kalalakihan at kababaihan.
Al-Qānitīn wal-Qānitāt: Ang mga masunurin at mapagpakumbabang sumasamba sa Allah.
Al-Khāshi'īn wal-Khāshi'āt: Ang mga may takot sa Allah at nagpapakumbaba sa Kanya.
Al-Ḥāfiẓīn furūjahum wal-Ḥāfiẓāt: Ang mga nag-iingat ng kanilang mga ari (katauhan) mula sa bawal na gawain.
Interpretasyon ng Talata:
Katotohanang si Allah ay nangako ng malaking gantimpala at kapatawaran sa mga kalalakihan at kababaihang Muslim na nagpapasakop sa Kanyang kautusan, at sa mga kalalakihan at kababaihang mananampalataya na may matatag na pananampalataya sa Kanya. Kabilang dito ang mga lalaki at babaeng masunurin sa Allah at sa Kanyang Sugo, ang mga lalaki at babaeng matapat sa kanilang mga sinasabi at ginagawa, ang mga lalaki at babaeng matiyaga sa pagsunod sa mga utos ng Allah, sa pag-iwas sa mga bawal, at sa pagtitiis sa mga pagsubok ng buhay. Gayundin, ang mga lalaki at babaeng may takot sa Allah at nagpapakumbaba sa Kanya, ang mga lalaki at babaeng nagbibigay ng kawanggawa (zakat at boluntaryong donasyon), ang mga lalaki at babaeng nag-aayuno sa buwan ng Ramadan at sa mga boluntaryong pag-aayuno, ang mga lalaki at babaeng nag-iingat ng kanilang mga ari mula sa bawal na relasyon at nagtatakip ng kanilang mga kahihiyan, at ang mga lalaki at babaeng laging nag-aalaala sa Allah nang madalas sa kanilang mga puso at dila, lihim man o hayagan. Para sa lahat ng mga ito, si Allah ay naghanda ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at isang napakalaking gantimpala sa Araw ng Paghuhukom, na siyang Paraiso.
Mga Aral na Makukuha:
Ang katarungan ng Islam: Ang mga gantimpala at mga gawaing mabuti ay hindi lamang para sa kalalakihan kundi pati na rin sa kababaihan; pareho silang may karapatan sa gantimpala ng Allah ayon sa kanilang mga ginawa.
Ang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan sa harap ng Allah sa mga gawaing espiritwal at moral.
Ang pagbanggit ng iba't ibang katangian ng mabubuting tao ay nagpapakita ng lawak ng Islam — ito ay sumasaklaw sa pananampalataya, pagsamba, katapatan, pagtitiis, kalinisang-puri, at pag-alaala sa Allah.
Ang pag-alaala sa Allah nang madalas ay isang daan tungo sa kapatawaran at malaking gantimpala; ito ay nagpapalakas ng koneksyon ng isang Muslim sa kanyang Panginoon sa lahat ng oras.
Ang talatang ito ay nagbibigay ng pag-asa sa lahat ng nagsisikap na maging mabuti — ang pangako ng Allah ay tiyak: kapatawaran at Paraiso para sa mga nagtataglay ng mga katangiang ito.
Katotohanan, ang mga Muslim (sila na sumusuko kay Allah sa Islam), lalaki at babae, ang mga sumasampalatayang lalaki at babae (na nananalig sa Kaisahan ni Allah), ang mga matimtiman at masunuring lalaki at babae (kay Allah), ang mgalalakiatbabaenanagsasabingkatotohanan(sakanilang pananalita at gawa), ang mga lalaki at babae na matiyaga (sa pagsasagawa ng lahat ng mga tungkulin na iniatas ni Allah at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal), ang mga lalaki at babae na nagpapakumbaba (sa harapan ng kanilang Panginoon, - Allah), ang mga lalaki at babae na nagbibigay ng kawanggawa (ang katungkulang kawanggawa, ang Zakah, [gayundin] ang boluntaryong kawanggawa tulad ng limos, tulong, atbp.), ang mga lalaki at babae na nag-aayuno (ang katungkulang pag-aayuno sa buwan ng ramadhan at mga boluntaryong pag-aayuno o Nawafil), ang mga lalaki at babae na nagpapanatili sa kanilang kalinisan (sa mga bawal na pakikipagtalik), ang mga lalaki at babae na labis na nag-aala-ala kay Allah sa pamamagitan ng kanilang mga dila at puso (habang nakaupo, nakatayo at nakahimlay at dumadalit ng mga pagpupuri at pagluwalhati sa Kanya), sa kanila ay inihanda ni Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
At manatiling tahimik sa inyong mga tahanan, at huwag kayong gumawa ng nakakaakit na paglalantad ng inyong sarili na kagaya noong panahon ng kamangmangan at magsipag-alay kayo ng palagiang pagdarasal (Iqamat-us- Salah), magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sundin ninyo si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita. Hinahangad lamang ni Allah na mawala ang lahat ng Ar- Rijs (mga masasamang gawa, kasalanan, atbp.) sa inyo, o kayong mga kasapi ng Pamilya (ng Propeta), at gawin kayong dalisay at walang bahid dungis
At alalahanin (o kayong mga kasapi ng pamilya ng Propeta, ang mga biyaya ng inyong Panginoon), ang mga dinadalit at ipinaparinig sa inyo sa inyong mga tahanan na mga Tanda (mga Talata ng Qur’an at Sawikain ng Propeta) ni Allah at Kanyang Karunungan; katotohanang si Allah ay Ganap na Mapitagan at Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay
Katotohanan, ang mga Muslim (sila na sumusuko kay Allah sa Islam), lalaki at babae, ang mga sumasampalatayang lalaki at babae (na nananalig sa Kaisahan ni Allah), ang mga matimtiman at masunuring lalaki at babae (kay Allah), ang mgalalakiatbabaenanagsasabingkatotohanan(sakanilang pananalita at gawa), ang mga lalaki at babae na matiyaga (sa pagsasagawa ng lahat ng mga tungkulin na iniatas ni Allah at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal), ang mga lalaki at babae na nagpapakumbaba (sa harapan ng kanilang Panginoon, - Allah), ang mga lalaki at babae na nagbibigay ng kawanggawa (ang katungkulang kawanggawa, ang Zakah, [gayundin] ang boluntaryong kawanggawa tulad ng limos, tulong, atbp.), ang mga lalaki at babae na nag-aayuno (ang katungkulang pag-aayuno sa buwan ng ramadhan at mga boluntaryong pag-aayuno o Nawafil), ang mga lalaki at babae na nagpapanatili sa kanilang kalinisan (sa mga bawal na pakikipagtalik), ang mga lalaki at babae na labis na nag-aala-ala kay Allah sa pamamagitan ng kanilang mga dila at puso (habang nakaupo, nakatayo at nakahimlay at dumadalit ng mga pagpupuri at pagluwalhati sa Kanya), sa kanila ay inihanda ni Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
Hindi marapat sa isang nananampalataya, lalaki man o babae, na kung ang isang bagay ay napagpasyahan na ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita, na magkaroon pa kayo ng pamimilian sa kanilang pasya; at kung sinuman ang sumuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, katotohanang siya ay napaligaw sa maling landas
At alalahanin! Nang iyong sabihin sa kanya (Zaid ibn Harithah, ang pinalayang alipin ng Propeta) na nakatanggap ng biyaya (liwanag) mula kay Allah (sa pamamagitan nang pagbibigay ng patnubay sa kanya sa Islam) at ng iyong paglingap (o Muhammad, sa kanya): “Panatilihin mo sa iyo (sa pagkakaroon ng kasal) ang iyong asawa (Zainab), at pangambahan mo si Allah.” Datapuwa’t ikinubli mo (Muhammad) sa iyong puso (alalaong baga, ang bagay na ipinaalam na ni Allah sa iyo na siya [Zainab] ay Kanyang ibibigay sa iyo sa pag-aasawa), ang bagay na nais na maging lantad ni Allah; pinangambahan mo (Muhammad) ang mga tao (alalaong baga, na si Muhammad ay ikinasal sa diborsyadang asawa ng kanyang alipin), datapuwa’t higit na katumpakan na ikaw (Muhammad) ay mangamba kay Allah. At nang pawalang bisa ni Zaid (ang kanyang kasal sa pamamagitan ng diborsyo) sa kanya [Zainab], ay Aming pinagsama kayo ([Muhammad at Zainab] sa kasal) upang sa gayon, (sa darating na panahon), ay wala ng maging sagabal sa mga sumasampalataya (tungkol sa bagay) ng kanilang pag-aasawa sa (naging) mga asawa ng kanilang mga ampong lalaki, kung ang huli (mga ampong lalaki) ay magpawalang bisa (ng kanilang kasal o magdiborsyo) sa kanila. At ang pag-uutos ni Allah ay marapat na maganap
SurahQuran.com was founded as a humble effort to serve the Noble Book and the pure Sunnah, to invite people to Allah, and to make the religious sciences accessible according to the methodology of the Quran and Sunnah. We praise and thank Allah for His grace, and we ask Him to accept our work and make it sincere for His noble Face.