Al-Maidah · 33/120
Salin Transliterasyon — Al-Maidah
إِنَّمَا جَزَاءُ الَّذِينَ يُحَارِبُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَسْعَوْنَ فِي الْأَرْضِ فَسَادًا أَن يُقَتَّلُوا أَوْ يُصَلَّبُوا أَوْ تُقَطَّعَ أَيْدِيهِمْ وَأَرْجُلُهُم مِّنْ خِلَافٍ أَوْ يُنفَوْا مِنَ الْأَرْضِ ۚ ذَٰلِكَ لَهُمْ خِزْيٌ فِي الدُّنْيَا ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ ۝٣٣
Innamaa jazaaa`ul lazeena yuhaariboonal laaha wa Rasoolahoo wa yas`awna fil ardi fasaadan ai yuqattalooo aw yusallabooo aw tuqatta`a aideehim wa arjuluhum min khilaafin aw yunfaw minalard; zaalika lahum khizyun fid dunyaa wa lahum fil Aakhirati `azaabun `azeem
📖 Sa Filipino
Ang kabayaran ng mga naghahamon ng digmaan laban kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita at gumagawa ng kalokohan (kabuktutan) sa buong kalupaan ay katulad lamang (na sila) ay mapatay o mapako sa krus, o ang kanilang mga kamay at paa ay putulin sa magkabilang panig, o ang ipatapon sa kalupaan. Ito ang kanilang kahihiyan sa mundong ito, at ang malaking kaparusahan ay sasakanila sa Kabilang Buhay

🎧 Pakinggan


📜 Talata 31-35 — Al-Maidah

31فَبَعَثَ اللَّهُ غُرَابًا يَبْحَثُ فِي الْأَرْضِ لِيُرِيَهُ كَيْفَ يُوَارِي سَوْءَةَ أَخِيهِ ۚ قَالَ يَا وَيْلَتَا أَعَجَزْتُ أَنْ أَكُونَ مِثْلَ هَٰذَا الْغُرَابِ فَأُوَارِيَ سَوْءَةَ أَخِي ۖ فَأَصْبَحَ مِنَ النَّادِمِينَ
(At hindi naglaon), si Allah ay nagpadala ng uwak na kumakahig sa lupa upang ipakita sa kanya na itago (ilibing) niya ang patay na katawan ng kanyang kapatid. Siya (na salarin) ay nagsabi: “Kasawian sa akin! Hindi man lamang ako nagkaroon ng kakayahan na tulad ng uwak na ito upang aking itago ang patay na katawan ng aking kapatid?” At siya ay naging isa sa mga nagsisisi
32مِنْ أَجْلِ ذَٰلِكَ كَتَبْنَا عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَنَّهُ مَن قَتَلَ نَفْسًا بِغَيْرِ نَفْسٍ أَوْ فَسَادٍ فِي الْأَرْضِ فَكَأَنَّمَا قَتَلَ النَّاسَ جَمِيعًا وَمَنْ أَحْيَاهَا فَكَأَنَّمَا أَحْيَا النَّاسَ جَمِيعًا ۚ وَلَقَدْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا بِالْبَيِّنَاتِ ثُمَّ إِنَّ كَثِيرًا مِّنْهُم بَعْدَ ذَٰلِكَ فِي الْأَرْضِ لَمُسْرِفُونَ
At dahilan dito, Aming ipinag-utos sa Angkan ng Israel, na ang sinumang nakapatay ng isang tao, maliban na lamang kung ito (ay kabayaran) sa (krimen) ng sadyang pagpatay ng tao, o sa pagkakalat ng kabuktutan sa kalupaan, – ito ay ituturing na katulad ng isa na pumatay ng buong sangkatauhan, at kung sinuman ang magligtas ng isang buhay, ito ay ituturing na katulad ng isa na nagligtas sa buhay ng buong sangkatauhan. At katotohanang dumatal sa kanila ang Aming mga Tagapagbalita na may maliliwanag na katibayan at mga tanda, gayunpaman, makaraan ito, marami sa kanila ang nagpatuloy na lumagpas sa hangganan (halimbawa ay pang-aapi ng walang katarungan na lagpas sa lahat ng hangganan na itinakda ni Allah sa pamamagitan ng paggawa ng malalaking kasalanan) dito sa kalupaan
33إِنَّمَا جَزَاءُ الَّذِينَ يُحَارِبُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَسْعَوْنَ فِي الْأَرْضِ فَسَادًا أَن يُقَتَّلُوا أَوْ يُصَلَّبُوا أَوْ تُقَطَّعَ أَيْدِيهِمْ وَأَرْجُلُهُم مِّنْ خِلَافٍ أَوْ يُنفَوْا مِنَ الْأَرْضِ ۚ ذَٰلِكَ لَهُمْ خِزْيٌ فِي الدُّنْيَا ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Ang kabayaran ng mga naghahamon ng digmaan laban kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita at gumagawa ng kalokohan (kabuktutan) sa buong kalupaan ay katulad lamang (na sila) ay mapatay o mapako sa krus, o ang kanilang mga kamay at paa ay putulin sa magkabilang panig, o ang ipatapon sa kalupaan. Ito ang kanilang kahihiyan sa mundong ito, at ang malaking kaparusahan ay sasakanila sa Kabilang Buhay
34إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا مِن قَبْلِ أَن تَقْدِرُوا عَلَيْهِمْ ۖ فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ
Maliban sa kanila (na tumalilis at pagkatapos) ay nagbalik (bilang mga Muslim) na may pagsisisi bago sila nahulog sa inyong kapangyarihan, sa gayong kalagayan, inyong maalaman na si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
35يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَابْتَغُوا إِلَيْهِ الْوَسِيلَةَ وَجَاهِدُوا فِي سَبِيلِهِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Inyong ganapin ang inyong tungkulin kay Allah at (inyong) pangambahan Siya. Hanapin ninyo ang paraan upang mapalapit sa Kanya at magsikap kayo nang mataman tungo sa Kanyang Kapakanan hanggang sa inyong makakaya upang kayo ay maging matagumpay
Al-MaidahTalaan ng Quran
120Talata
MedinanRevelation
33Talata

Salin — Al-Maidah 33

Surah Al-Maidah Talata 33 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Ang kabayaran ng mga naghahamon ng digmaan laban kay Allah…

Surah Talata 33/120 — Al-Maidah المائدة (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-Maidah Pakinggan, Al-Maidah Salin, Al-Maidah mp3, Al-Maidah pdf. Talata 31–35. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers