Yas`aloonaka `anish Shahril Haraami qitaalin feehi qul qitaahun feehi kabeerunw wa saddun `an sabeelil laahi wa kufrum bihee wal Masjidil Haraami wa ikhraaju ahlihee minhu akbaru `indal laah; walfitnatu akbaru minal qatl; wa laa yazaaloona yuqaatiloonakum hatta yaruddookum `an deenikum inis tataa`oo; wa mai yartadid minkum `an deenihee fayamut wahuwa kaafirun fa ulaaa`ika habitat a`maaluhum fid dunyaa wal aakhirati wa ulaaa`ika ashaabun Naari hum feehaa khaalidoon
📖 Salin (Sa Filipino)
📖 Sa Filipino
Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan (ang una, pampito, panlabing- isa at panlabingdalawang buwan ng Kalendaryong Islamiko). Ipagbadya: “Ang pakikipaglaban dito ay isang matinding pagsuway (at pagmamalabis), datapuwa’t ang higit na pagsuway sa Paningin ni Allah ay ang pagpigil sa sangkatauhan na sumunod sa Landas ni Allah, ang hindi manampalataya sa Kanya, at pumigil na makapasok sila sa Banal na Bahay Dalanginan (Masjid Al-Haram sa Makkah) at itaboy ang nagsisipanirahan dito, at ang Al-Fitnah (kawalan ng pananampalataya at pagsamba sa mga diyus- diyosan) ay higit na masama sa pagpatay. At sila ay hindi kailanman titigil sa pakikipaglaban sa inyo hanggang sa kayo ay kanilang mailugso (mailigaw) sa inyong relihiyon (Paniniwala sa Iisang Diyos at sa Islam) hangga’t kanilang magagawa. At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang Pananampalataya at mamatay na walang pananalig, kung gayon, ang kanyang mga gawa ay mawawala sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at sila ang magsisipanirahan sa Apoy. Sila ay mananahan dito magpakailanman
🌐 Additional reference in Melayu
🌐 Melayu
Mereka bertanya kepadamu (wahai Muhammad), mengenai (hukum) berperang dalam bulan yang dihormati; katakanlah: "Peperangan dalam bulan itu adalah berdosa besar, tetapi perbuatan menghalangi (orang-orang Islam) dari jalan Allah dan perbuatan kufur kepadaNya, dan juga perbuatan menyekat (orang-orang Islam) ke Masjid Al-Haraam (di Makkah), serta mengusir penduduknya dari situ, (semuanya itu) adalah lebih besar lagi dosanya di sisi Allah. Dan (ingatlah), angkara fitnah itu lebih besar (dosanya) daripada pembunuhan (semasa perang dalam bulan yang dihormati). Dan mereka (orang-orang kafir itu) sentiasa memerangi kamu hingga mereka (mahu) memalingkan kamu dari ugama kamu kalau mereka sanggup (melakukan yang demikian); dan sesiapa di antara kamu yang murtad (berpaling tadah) dari ugamanya (ugama Islam), lalu ia mati sedang ia tetap kafir, maka orang-orang yang demikian, rosak binasalah amal usahanya (yang baik) di dunia dan di akhirat, dan mereka itulah ahli neraka, kekal mereka di dalamnya (selama-lamanya).
الشهر الحرام – Ang banal na buwan na ipinagbabawal ang pakikipaglaban dito, tulad ng Rajab, Dhul-Qa'dah, Dhul-Hijjah, at Muharram.
صد عن سبيل الله – Paghadlang sa mga tao sa landas ng Islam at pagpigil sa kanila na makapasok dito.
كفر به – Ang kawalan ng pananampalataya kay Allah at sa Kanyang mga tanda.
المسجد الحرام – Ang Banal na Mosque sa Mecca.
إخراج أهله منه – Ang pagpapalayas sa mga naninirahan dito, tulad ng Propeta Muhammad (saw) at mga Muslim.
الفتنة – Ang shirk (pagsamba sa iba maliban kay Allah) at pag-uusig sa mga mananampalataya.
حبطت أعمالهم – Nasayang at nawalan ng halaga ang kanilang mabubuting gawa.
Interpretasyon ng Talata:
Tinatanong ka ng mga tao, O Propeta, tungkol sa pakikipaglaban sa banal na buwan. Sagutin mo sila: Ang pakikipaglaban sa banal na buwan ay isang malaking kasalanan sa paningin ni Allah. Ngunit ang paghadlang sa mga tao sa landas ni Allah, ang kawalan ng pananampalataya sa Kanya, ang pagpigil sa mga mananampalataya na makapasok sa Banal na Mosque, at ang pagpapalayas sa mga naninirahan dito—na siyang mga tunay na tagapangalaga nito—ay higit na malaking kasalanan sa paningin ni Allah kaysa sa pakikipaglaban sa banal na buwan. Ang shirk at pag-uusig sa mga mananampalataya ay higit na matindi kaysa sa pagpatay.
Ang mga hindi naniniwala ay hindi titigil sa pakikipaglaban sa inyo, O mga mananampalataya, hanggang sa maialis nila kayo sa inyong relihiyon, kung kaya nila. Ngunit sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang relihiyon at mamatay habang siya ay hindi naniniwala, ang kanyang mga mabubuting gawa ay mawawalan ng halaga sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Sila ang mga maninirahan sa Apoy, at doon sila mananatili magpakailanman.
Mga Aral na Mapupulot:
Ang pagprotekta sa relihiyon at sa mga banal na lugar ay higit na mahalaga kaysa sa pag-iwas sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan, lalo na kung ang layunin ay ipagtanggol ang pananampalataya.
Ang shirk at pang-aapi sa mga mananampalataya ay kabilang sa pinakamabigat na kasalanan sa paningin ni Allah, higit pa sa pagpatay.
Ang katatagan sa relihiyon ay isang malaking biyaya; ang pagtalikod dito ay nagpapawalang-bisa sa lahat ng mabubuting gawa at nagdadala sa walang hanggang kaparusahan.
Ang mga kaaway ng Islam ay hindi titigil sa paglaban sa mga Muslim, kaya nararapat na maging matatag at mapagbantay sa pagtatanggol ng pananampalataya.
Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa mga pansamantalang bagay sa mundo, kundi sa pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok, na may pag-asa sa gantimpala ni Allah sa Kabilang Buhay.
Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan (ang una, pampito, panlabing- isa at panlabingdalawang buwan ng Kalendaryong Islamiko). Ipagbadya: “Ang pakikipaglaban dito ay isang matinding pagsuway (at pagmamalabis), datapuwa’t ang higit na pagsuway sa Paningin ni Allah ay ang pagpigil sa sangkatauhan na sumunod sa Landas ni Allah, ang hindi manampalataya sa Kanya, at pumigil na makapasok sila sa Banal na Bahay Dalanginan (Masjid Al-Haram sa Makkah) at itaboy ang nagsisipanirahan dito, at ang Al-Fitnah (kawalan ng pananampalataya at pagsamba sa mga diyus- diyosan) ay higit na masama sa pagpatay. At sila ay hindi kailanman titigil sa pakikipaglaban sa inyo hanggang sa kayo ay kanilang mailugso (mailigaw) sa inyong relihiyon (Paniniwala sa Iisang Diyos at sa Islam) hangga’t kanilang magagawa. At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang Pananampalataya at mamatay na walang pananalig, kung gayon, ang kanyang mga gawa ay mawawala sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at sila ang magsisipanirahan sa Apoy. Sila ay mananahan dito magpakailanman
Itinatanong nila sa iyo (o Muhammad) kung ano ang kanilang dapat gugulin (sa kawanggawa). Ipagbadya: “Anumang kayamanan na inyong gugulin mula sa mabuti ay para sa mga magulang at kamag-anak, at sa mga ulila, at sa mga humihingi at sa mga naglalakbay (na walang masilungan). At anuman ang inyong ginawa na mabuti, tunay na talastas ito ni Allah.”
Ang Jihad (ang banal na pakikipagpunyagi sa Islam) ay ipinag-utos sa inyo (o mga Muslim) bagama’t ito ay hindi ninyo nais; maaari na hindi ninyo naiibigan ang isang bagay na mainam sa inyo at naiibigan naman ninyo ang isang bagay na masama sa inyo. Datapuwa’t si Allah ang nakakaalam at ito ay hindi ninyo nalalaman
Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan (ang una, pampito, panlabing- isa at panlabingdalawang buwan ng Kalendaryong Islamiko). Ipagbadya: “Ang pakikipaglaban dito ay isang matinding pagsuway (at pagmamalabis), datapuwa’t ang higit na pagsuway sa Paningin ni Allah ay ang pagpigil sa sangkatauhan na sumunod sa Landas ni Allah, ang hindi manampalataya sa Kanya, at pumigil na makapasok sila sa Banal na Bahay Dalanginan (Masjid Al-Haram sa Makkah) at itaboy ang nagsisipanirahan dito, at ang Al-Fitnah (kawalan ng pananampalataya at pagsamba sa mga diyus- diyosan) ay higit na masama sa pagpatay. At sila ay hindi kailanman titigil sa pakikipaglaban sa inyo hanggang sa kayo ay kanilang mailugso (mailigaw) sa inyong relihiyon (Paniniwala sa Iisang Diyos at sa Islam) hangga’t kanilang magagawa. At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang Pananampalataya at mamatay na walang pananalig, kung gayon, ang kanyang mga gawa ay mawawala sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at sila ang magsisipanirahan sa Apoy. Sila ay mananahan dito magpakailanman
Katotohanan, ang mga nagsisampalataya at mga nagsilikas (dahilan sa Pananampalataya ni Allah, ang Islam) at nagsikap na mainam tangi sa Kapakanan ni Allah, sila ay mayroong pag-asa ng Habag ni Allah; at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) tungkol sa nakalalasing na inumin at ang pagsusugal. Ipagbadya: “Sa mga ito ay mayroong malaking kasalanan at ilang kapakinabangan sa mga tao; datapuwa’t ang kasalanan ay higit sa kapakinabangan.” At itinatanong nila sa iyo kung magkano ang dapat nilang gugulin (sa kawanggawa). Ipagbadya: “Kung ano ang lumalabis sa inyong pangangailangan.” Kaya’t sa ganito ginawa ni Allah na maging maliwanag sa inyo ang Kanyang mga Batas upang kayo ay magkaroon ng pang-unawa - (ang kautusan sa talatang ito tungkol sa nakalalasing na inumin at pagsusugal ay sinusugan [o pinawalang bisa] sa pamamagitan ng talata sa Surah
SurahQuran.com was founded as a humble effort to serve the Noble Book and the pure Sunnah, to invite people to Allah, and to make the religious sciences accessible according to the methodology of the Quran and Sunnah. We praise and thank Allah for His grace, and we ask Him to accept our work and make it sincere for His noble Face.