Al-Baqarah · 255/286
Salin Transliterasyon — Surah Al-Baqarah
اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ ۚ لَا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلَا نَوْمٌ ۚ لَّهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ مَن ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِندَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۚ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِّنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ ۚ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ ۖ وَلَا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا ۚ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ ۝٢٥٥
Allahu laaa ilaaha illaa Huwal Haiyul Qaiyoom; laa taakhuzuhoo sinatunw wa laa nawm; lahoo maa fissamaawaati wa maa fil ard; man zal lazee yashfa`u indahooo illaa bi-iznih; ya`lamu maa baina aydeehim wa mww khalfahum wa laa yuheetoona bishai`im min `ilmihee illaa bimaa shaaa`; wasi`a Kursiyyuhus samaawaati wal arda wa laa ya`ooduho hifzuhumaa; wa Huwal Aliyyul `Azeem
📖 Sa Filipino
Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Lalaging Buhay, ang may Sariling Kasapatan, ang Tagapanustos at Nangangalaga ng lahat (ng mga nilalang). Ang antok ay hindi makakapanaig sa Kanya gayundin ang pagkaidlip. Siya ang nag-aangkin ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino kaya baga ang makakapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Talastas Niya kung ano ang nangyayari (sa Kanyang mga nilikha) sa mundong ito (noon, pagkaraan, ngayon, bukas, sa kanilang harapan at sa kanilang likuran), at ang kanilang kasasapitan sa Kabilang Buhay. At sila ay hindi makakapagtamo ng anumang karunungan maliban na Kanyang naisin. Ang Kanyang Kursi (Luklukan) ay humahangga sa mga kalangitan at kalupaan at Siya ay hindi napapagal sa pagbabantay at pagpapanatili sa kanila sapagkat Siya ang Kataas-taasan, ang Sukdol sa Kaluwalhatian. (Ayat-ul-Kursi)

🎧 Pakinggan
📜

Salin — Tafsir

Mga Kahulugan ng mga Salita:

  • الْحَيُّ (Al-Hayy): Ang Buhay na walang katapusan, na may ganap na buhay na walang anumang pagkukulang.
  • الْقَيُّومُ (Al-Qayyum): Ang siyang nagpapanatili at namamahala sa lahat ng mga nilikha, at hindi Siya nangangailangan sa kanila.
  • سِنَةٌ (Sina): Ang antok o pag-aantok na nauuna sa pagtulog.
  • يَئُودُهُ (Ya'uduhu): Hindi nagpapabigat o hindi nagiging mahirap sa Kanya.
  • الْكُرْسِيّ (Al-Kursi): Isang nilikha na mas malaki kaysa sa mga langit at lupa, at ang kaanyuan nito ay hindi nalalaman maliban sa Allah.

Ang Tafsir (Paliwanag):

Si Allah ay ang tanging Diyos na karapat-dapat sambahin; walang ibang diyos maliban sa Kanya. Siya ang Al-Hayy na may ganap at walang hanggang buhay, at ang Al-Qayyum na siyang nagpapanatili sa lahat ng nilikha at namamahala sa kanilang mga gawain. Hindi Siya inaantok at hindi rin natutulog, sapagkat ang Kanyang buhay at pamamahala ay ganap at walang pagkukulang. Sa Kanya nagmamay-ari ng lahat ng nasa mga langit at nasa lupa; walang sinuman ang makapamamagitan sa Kanya para sa iba maliban sa Kanyang pahintulot. Batid Niya ang lahat ng nangyari sa nakaraan at ang lahat ng mangyayari sa hinaharap, at walang sinuman sa Kanyang mga nilikha ang makakaalam ng anuman sa Kanyang kaalaman maliban sa Kanyang itinakda na ipaalam. Ang Kanyang Kursi ay sumasaklaw sa mga langit at sa lupa dahil sa laki at lawak nito, at hindi nagpapabigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ang Kataas-taasan sa Kanyang Sarili, kapangyarihan, at kadakilaan, at Siya ang Dakila sa Kanyang paghahari at kapamahalaan.


Mga Aral at Bunga (Mga Benepisyo):

  1. Ang pagkilala sa kadakilaan ni Allah at sa Kanyang ganap na kapangyarihan ay nagbibigay sa puso ng katahimikan at kapanatagan, sapagkat ang sinumang nagtitiwala sa Allah na buhay at nagpapanatili sa lahat ay hindi mawawalan ng pag-asa.
  2. Ang pagkaalam na ang lahat ng nasa mga langit at lupa ay pag-aari ni Allah ay nagtuturo sa atin ng pagpapakumbaba at pagtitiwala sa Kanya sa lahat ng pagkakataon.
  3. Ang pagkaalam na walang sinuman ang makapamamagitan maliban sa Kanyang pahintulot ay nagpapalalim sa ating pag-asa sa Kanyang awa at nagtuturo sa atin na huwag umasa sa sinuman maliban sa Kanya.
  4. Ang pagkaalam na ang Kanyang kaalaman ay sumasaklaw sa lahat, nakaraan at hinaharap, ay nagpapalakas ng ating pananampalataya at nagtuturo sa atin na maging maingat sa ating mga gawa, sapagkat alam Niya ang lahat ng ating ginagawa.
  5. Ang pagkaalam na hindi nagpapabigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga langit at lupa ay nagpapakita ng Kanyang ganap na kapangyarihan, na nagtutulak sa atin na laging magpasalamat at magpuri sa Kanya.


📜 Talata 253-257 — Surah Al-Baqarah

253۞ تِلْكَ الرُّسُلُ فَضَّلْنَا بَعْضَهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۘ مِّنْهُم مَّن كَلَّمَ اللَّهُ ۖ وَرَفَعَ بَعْضَهُمْ دَرَجَاتٍ ۚ وَآتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ ۗ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلَ الَّذِينَ مِن بَعْدِهِم مِّن بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ وَلَٰكِنِ اخْتَلَفُوا فَمِنْهُم مَّنْ آمَنَ وَمِنْهُم مَّن كَفَرَ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلُوا وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيدُ
Silang mga Tagapagbalita! Sila na Aming biniyayaan ng mga pabuya, ang ilan ay higit sa iba (sa kapanagutan at tungkulin), sa ilan sa kanila, si Allah ay nakipag-usap; ang ilan ay Kanyang itinaas sa antas (ng karangalan); at kay Hesus na anak ni Maria, Kami ay nagbigay ng maliwanag na Tanda at Katibayan at siya ay pinatatag Namin ng Banal na Espiritu (ruh-ul-Qudus o Gabriel). At kung ninais lamang ni Allah, ang mga sumunod na lahi ay hindi makikipaglaban laban sa isa’t isa pagkaraang ang maliwanag na Kapahayagan ni Allah ay dumatal sa kanila, datapuwa’t sila ay nagkaiba-iba, ang ilan sa kanila ay sumampalataya at ang iba ay hindi sumampalataya. At kung ninais ni Allah, sila ay hindi sana makikipaglaban sa isa’t isa, datapuwa’t si Allah ay gumagawa ng Kanyang maibigan
254يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَنفِقُوا مِمَّا رَزَقْنَاكُم مِّن قَبْلِ أَن يَأْتِيَ يَوْمٌ لَّا بَيْعٌ فِيهِ وَلَا خُلَّةٌ وَلَا شَفَاعَةٌ ۗ وَالْكَافِرُونَ هُمُ الظَّالِمُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Gumugol kayo sa mga bagay na ipinagkaloob Namin sa inyo bago sumapit ang Araw na rito ay walang pakiusapan at pakikipagkaibigan at pamamagitan. At ang nagtatakwil ng pananampalataya, sila ang Zalimun (mga tampalasan, buktot, buhong, pagano, atbp)
255اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ ۚ لَا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلَا نَوْمٌ ۚ لَّهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ مَن ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِندَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۚ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِّنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ ۚ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ ۖ وَلَا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا ۚ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ
Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Lalaging Buhay, ang may Sariling Kasapatan, ang Tagapanustos at Nangangalaga ng lahat (ng mga nilalang). Ang antok ay hindi makakapanaig sa Kanya gayundin ang pagkaidlip. Siya ang nag-aangkin ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino kaya baga ang makakapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Talastas Niya kung ano ang nangyayari (sa Kanyang mga nilikha) sa mundong ito (noon, pagkaraan, ngayon, bukas, sa kanilang harapan at sa kanilang likuran), at ang kanilang kasasapitan sa Kabilang Buhay. At sila ay hindi makakapagtamo ng anumang karunungan maliban na Kanyang naisin. Ang Kanyang Kursi (Luklukan) ay humahangga sa mga kalangitan at kalupaan at Siya ay hindi napapagal sa pagbabantay at pagpapanatili sa kanila sapagkat Siya ang Kataas-taasan, ang Sukdol sa Kaluwalhatian. (Ayat-ul-Kursi)
256لَا إِكْرَاهَ فِي الدِّينِ ۖ قَد تَّبَيَّنَ الرُّشْدُ مِنَ الْغَيِّ ۚ فَمَن يَكْفُرْ بِالطَّاغُوتِ وَيُؤْمِن بِاللَّهِ فَقَدِ اسْتَمْسَكَ بِالْعُرْوَةِ الْوُثْقَىٰ لَا انفِصَامَ لَهَا ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
walang pamimilit sa pananampalataya. Ang katotohanan ay bukod sa kamalian. Sinuman ang hindi manampalataya sa Taghut (mga diyus- diyosan, idolo, imahen, anupamang sinasamba maliban pa kay Allah tulad ng anghel, banal na tao, propeta, satanas, bato, libingan, Hesus na anak ni Maria, krus, atbp.) at manalig kay Allah ay nakasakmal ng tunay na mapagkakatiwalaang tangan na hindi masisira. At si Allah ang Nakakarinig at Nakakabatid ng lahat ng bagay
257اللَّهُ وَلِيُّ الَّذِينَ آمَنُوا يُخْرِجُهُم مِّنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا أَوْلِيَاؤُهُمُ الطَّاغُوتُ يُخْرِجُونَهُم مِّنَ النُّورِ إِلَى الظُّلُمَاتِ ۗ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Si Allah ang wali (Tagapangalaga o Tagapagbantay) ng mga mayroong pananalig; mula sa kailaliman ng kadiliman ay Kanyang ginabayan sila sa liwanag. At sa mga nagtatakwil sa pananampalataya, ang kanilang kapanalig ay Taghut (mga diyus-diyosan, mga likhang bagay na sinasamba, atbp.), sila ay kanilang kinuha mula sa liwanag tungo sa kadiliman. Sila ang mananahan sa Apoy, at sila ay mananatili rito magpakailanman
Al-BaqarahTalaan ng Quran
286Talata
MedinanRevelation
255Talata

Salin — Al-Baqarah 255

Ayat al-Kursi — Surah Al-Baqarah Talata 255 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos…

Surah Talata 255/286 — Surah Al-Baqarah البقرة (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Surah Al-Baqarah Pakinggan, Surah Al-Baqarah Salin, Surah Al-Baqarah mp3, Surah Al-Baqarah pdf. Talata 253–257. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Monday, September 7, 2026

Don't forget us in your sincere prayers