Wa iz taqoolu lillazeee an`amal laahu `alaihi wa an`amta `alaihi amsik `alaika zawjaka wattaqil laaha wa tukhfee fee nafsika mal laahu mubdeehi wa takhshan naasa wallaahu ahaqqu an takhshaah; falammaa qadaa Zaidum minhaa wataran zawwajnaa kahaa likay laa yakoona `alal mu`mineena harajun feee azwaaji ad`iyaaa`ihim izaa qadaw minhunna wataraa; wa kaana amrul laahi af`oolaa
📖 Salin (Sa Filipino)
📖 Sa Filipino
At alalahanin! Nang iyong sabihin sa kanya (Zaid ibn Harithah, ang pinalayang alipin ng Propeta) na nakatanggap ng biyaya (liwanag) mula kay Allah (sa pamamagitan nang pagbibigay ng patnubay sa kanya sa Islam) at ng iyong paglingap (o Muhammad, sa kanya): “Panatilihin mo sa iyo (sa pagkakaroon ng kasal) ang iyong asawa (Zainab), at pangambahan mo si Allah.” Datapuwa’t ikinubli mo (Muhammad) sa iyong puso (alalaong baga, ang bagay na ipinaalam na ni Allah sa iyo na siya [Zainab] ay Kanyang ibibigay sa iyo sa pag-aasawa), ang bagay na nais na maging lantad ni Allah; pinangambahan mo (Muhammad) ang mga tao (alalaong baga, na si Muhammad ay ikinasal sa diborsyadang asawa ng kanyang alipin), datapuwa’t higit na katumpakan na ikaw (Muhammad) ay mangamba kay Allah. At nang pawalang bisa ni Zaid (ang kanyang kasal sa pamamagitan ng diborsyo) sa kanya [Zainab], ay Aming pinagsama kayo ([Muhammad at Zainab] sa kasal) upang sa gayon, (sa darating na panahon), ay wala ng maging sagabal sa mga sumasampalataya (tungkol sa bagay) ng kanilang pag-aasawa sa (naging) mga asawa ng kanilang mga ampong lalaki, kung ang huli (mga ampong lalaki) ay magpawalang bisa (ng kanilang kasal o magdiborsyo) sa kanila. At ang pag-uutos ni Allah ay marapat na maganap
🌐 Additional reference in Melayu
🌐 Melayu
Dan (ingatlah wahai Muhammad) ketika engkau berkata kepada orang yang telah dikurniakan oleh Allah (dengan nikmat Islam) dan yang engkau juga telah berbuat baik kepadanya: "Jangan ceraikan isterimu itu dan bertaqwalah kepada Allah", sambil engkau menyembunyikan dalam hatimu perkara yang Allah akan menyatakannya; dan engkau pula takut kepada (cacian manusia padahal Allah jualah yang berhak engkau takuti (melanggar perintahNya). Kemudian setelah Zaid selesai habis kemahuannya terhadap isterinya (dengan menceraikannya), Kami kahwinkan engkau dengannya supaya tidak ada keberatan atas orang-orang yang beriman untuk berkahwin dengan isteri-isteri anak-anak angkat mereka, apabila anak-anak angkat itu telah selesai habis kemahuannya terhadap isterinya (lalu menceraikannya). Dan sememangnya perkara yang dikehendaki Allah itu tetap berlaku.
An’amta ‘alayhi: ang biyayang iginawad mo sa kanya (ang pagpapalaya mula sa pagkaalipin).
Amsik ‘alayka zawjak: panatilihin mo ang iyong asawa at huwag mong hiwalayan.
Tukhfi fi nafsik: itinatago mo sa iyong sarili (O Propeta) ang bagay na ipinahayag sa iyo ni Allah.
Watar: pangangailangan o layunin (sa kontekstong ito: ang pagnanais na hiwalayan ang asawa).
Ad’iya’ihim: ang mga itinuturing na anak sa pamamagitan ng pag-aampon (hindi tunay na anak).
Haraj: kasalanan o paghihirap.
Paliwanag ng Talata:
Alalahanin mo, O Propeta Muhammad, noong sinasabi mo sa taong pinagkalooban ni Allah ng biyaya ng Islam—si Zayd ibn Harithah, na pinalaya mo mula sa pagkaalipin at itinuring mong anak—noong dumating siya sa iyo upang kumonsulta tungkol sa pagnanais niyang hiwalayan ang kanyang asawang si Zaynab bint Jahsh: “Panatilihin mo ang iyong asawa at huwag mo siyang hiwalayan, at matakot ka kay Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos.” Samantalang itinatago mo sa iyong sarili, O Propeta, ang bagay na ipinaalam sa iyo ni Allah—na si Zaynab ay magiging asawa mo pagkatapos ng paghihiwalay ni Zayd sa kanya—at natatakot ka sa sasabihin ng mga tao (mga mapagkunwari at mga Hudyo) na: “Si Muhammad ay nag-asawa ng dating asawa ng kanyang itinuturing na anak.” Ngunit si Allah ang higit na dapat mong katakutan at katakutan sa Kanya, hindi ang mga tao. Kaya nang matapos ni Zayd ang kanyang pagnanais kay Zaynab—ibig sabihin, nang hiwalayan niya ito at natapos na ang kanyang panahon ng paghihintay (‘iddah)—ipinakasal ka Namin sa kanya (Zaynab). Ginawa Namin ito upang walang maging paghihirap o kasalanan sa mga mananampalataya sa pag-aasawa sa mga dating asawa ng kanilang mga itinuturing na anak (sa pamamagitan ng pag-aampon) kapag natapos na ng mga ito ang kanilang pagnanais sa kanila at hiwalayan na nila sila. Ang utos ni Allah ay tiyak na mangyayari, walang makakahadlang dito, at ito ay isang pagpapawalang-bisa sa kaugalian ng panahon ng kamangmangan (Jahiliyyah) na nagbabawal sa pag-aasawa sa dating asawa ng isang itinuturing na anak.
Mga Aral na Makukuha:
Ang pag-aampon sa Islam ay hindi nagbabago ng tunay na pagkatao ng isang tao; ang itinuring na anak ay hindi tunay na anak, kaya hindi ipinagbabawal ang pag-aasawa sa kanyang dating asawa pagkatapos ng paghihiwalay.
Ang takot kay Allah ay dapat na higit sa takot sa mga tao; ang pagsunod sa Kanyang kalooban ay higit na mahalaga kaysa sa pag-iwas sa mga sasabihin ng iba.
Ang mga utos ni Allah ay naglalayong magbigay ng kaginhawahan at alisin ang paghihirap sa mga mananampalataya, hindi upang magpahirap sa kanila.
Ang Propeta Muhammad (saw) ay isang perpektong halimbawa sa pagsunod sa mga ipinag-uutos ni Allah, kahit na ito ay sumasalungat sa kaugalian ng lipunan noong kanyang panahon.
Ang pag-aasawa sa Islam ay isang banal na ugnayan na may mga tuntunin at layunin; ang pagbabago ng mga batas ay nagpapakita ng karunungan ni Allah sa paggabay sa Kanyang mga lingkod tungo sa kabutihan.
At alalahanin! Nang iyong sabihin sa kanya (Zaid ibn Harithah, ang pinalayang alipin ng Propeta) na nakatanggap ng biyaya (liwanag) mula kay Allah (sa pamamagitan nang pagbibigay ng patnubay sa kanya sa Islam) at ng iyong paglingap (o Muhammad, sa kanya): “Panatilihin mo sa iyo (sa pagkakaroon ng kasal) ang iyong asawa (Zainab), at pangambahan mo si Allah.” Datapuwa’t ikinubli mo (Muhammad) sa iyong puso (alalaong baga, ang bagay na ipinaalam na ni Allah sa iyo na siya [Zainab] ay Kanyang ibibigay sa iyo sa pag-aasawa), ang bagay na nais na maging lantad ni Allah; pinangambahan mo (Muhammad) ang mga tao (alalaong baga, na si Muhammad ay ikinasal sa diborsyadang asawa ng kanyang alipin), datapuwa’t higit na katumpakan na ikaw (Muhammad) ay mangamba kay Allah. At nang pawalang bisa ni Zaid (ang kanyang kasal sa pamamagitan ng diborsyo) sa kanya [Zainab], ay Aming pinagsama kayo ([Muhammad at Zainab] sa kasal) upang sa gayon, (sa darating na panahon), ay wala ng maging sagabal sa mga sumasampalataya (tungkol sa bagay) ng kanilang pag-aasawa sa (naging) mga asawa ng kanilang mga ampong lalaki, kung ang huli (mga ampong lalaki) ay magpawalang bisa (ng kanilang kasal o magdiborsyo) sa kanila. At ang pag-uutos ni Allah ay marapat na maganap
Katotohanan, ang mga Muslim (sila na sumusuko kay Allah sa Islam), lalaki at babae, ang mga sumasampalatayang lalaki at babae (na nananalig sa Kaisahan ni Allah), ang mga matimtiman at masunuring lalaki at babae (kay Allah), ang mgalalakiatbabaenanagsasabingkatotohanan(sakanilang pananalita at gawa), ang mga lalaki at babae na matiyaga (sa pagsasagawa ng lahat ng mga tungkulin na iniatas ni Allah at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal), ang mga lalaki at babae na nagpapakumbaba (sa harapan ng kanilang Panginoon, - Allah), ang mga lalaki at babae na nagbibigay ng kawanggawa (ang katungkulang kawanggawa, ang Zakah, [gayundin] ang boluntaryong kawanggawa tulad ng limos, tulong, atbp.), ang mga lalaki at babae na nag-aayuno (ang katungkulang pag-aayuno sa buwan ng ramadhan at mga boluntaryong pag-aayuno o Nawafil), ang mga lalaki at babae na nagpapanatili sa kanilang kalinisan (sa mga bawal na pakikipagtalik), ang mga lalaki at babae na labis na nag-aala-ala kay Allah sa pamamagitan ng kanilang mga dila at puso (habang nakaupo, nakatayo at nakahimlay at dumadalit ng mga pagpupuri at pagluwalhati sa Kanya), sa kanila ay inihanda ni Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
Hindi marapat sa isang nananampalataya, lalaki man o babae, na kung ang isang bagay ay napagpasyahan na ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita, na magkaroon pa kayo ng pamimilian sa kanilang pasya; at kung sinuman ang sumuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, katotohanang siya ay napaligaw sa maling landas
At alalahanin! Nang iyong sabihin sa kanya (Zaid ibn Harithah, ang pinalayang alipin ng Propeta) na nakatanggap ng biyaya (liwanag) mula kay Allah (sa pamamagitan nang pagbibigay ng patnubay sa kanya sa Islam) at ng iyong paglingap (o Muhammad, sa kanya): “Panatilihin mo sa iyo (sa pagkakaroon ng kasal) ang iyong asawa (Zainab), at pangambahan mo si Allah.” Datapuwa’t ikinubli mo (Muhammad) sa iyong puso (alalaong baga, ang bagay na ipinaalam na ni Allah sa iyo na siya [Zainab] ay Kanyang ibibigay sa iyo sa pag-aasawa), ang bagay na nais na maging lantad ni Allah; pinangambahan mo (Muhammad) ang mga tao (alalaong baga, na si Muhammad ay ikinasal sa diborsyadang asawa ng kanyang alipin), datapuwa’t higit na katumpakan na ikaw (Muhammad) ay mangamba kay Allah. At nang pawalang bisa ni Zaid (ang kanyang kasal sa pamamagitan ng diborsyo) sa kanya [Zainab], ay Aming pinagsama kayo ([Muhammad at Zainab] sa kasal) upang sa gayon, (sa darating na panahon), ay wala ng maging sagabal sa mga sumasampalataya (tungkol sa bagay) ng kanilang pag-aasawa sa (naging) mga asawa ng kanilang mga ampong lalaki, kung ang huli (mga ampong lalaki) ay magpawalang bisa (ng kanilang kasal o magdiborsyo) sa kanila. At ang pag-uutos ni Allah ay marapat na maganap
Hindi isang kasalanan sa Propeta ang anumang bagay na ginawang legal (pinahihintulutan) ni Allah sa kanya. Ito ang Pamamaraan ni Allah sa mga tao (mga Propeta) ng panahong lumipas. At ang Pag-uutos ni Allah ay isang Utos na naitakda na
(Ito ang kinagisnan) ng mga nangangaral ng Mensahe ni Allah at nangangamba sa Kanya, at walang kinatatakutan maliban kay Allah. At Sapat na si Allah upang tawagin (ang mga tao) upang magsulit
SurahQuran.com was founded as a humble effort to serve the Noble Book and the pure Sunnah, to invite people to Allah, and to make the religious sciences accessible according to the methodology of the Quran and Sunnah. We praise and thank Allah for His grace, and we ask Him to accept our work and make it sincere for His noble Face.