Sa yaqooloona salaasatur raabi`uhum kalbuhum wa yaqooloona khamsatun saadisuhum kalbuhum rajmam bilghaib; wa yaqooloona sab`atunw wa saaminuhum kalbuhum; qur Rabbeee a`lamu bi`iddatihim maa ya`lamuhum illaa qaleel; falaa tumaari feehim illaa miraaa`an zaahiranw wa laa tastafti feehim minhum ahadaa
📖 Salin (Sa Filipino)
📖 Sa Filipino
(Ang ilan) ay nagsasabi na sila ay tatlo, ang aso ay bilang pang-apat sa lipon nila; (ang iba) ay nagsasabi na sila ay lima, ang aso ay bilang pang-anim, na humuhula sa nalilingid; (ngunit ang mga iba) ay nagsasabi na sila ay pito, ang aso ay bilang pangwalo. Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang ganap na nakakatalos ng kanilang bilang; walang nakakaalam sa kanila maliban sa ilan lamang.” Kaya’t huwag ninyong pagtalunan (ang kanilang bilang, atbp.), maliban (lamang) kung mayroong maliwanag na katibayan (na Aming ipinahayag sa iyo). At huwag kang sumangguni sa isa man sa kanila (mga tao ng Kasulatan, Hudyo at Kristiyano) ng tungkol sa naging buhay (naging kalagayan) ng mga tao ng Yungib
🌐 Additional reference in Melayu
🌐 Melayu
(Sebahagian dari) mereka akan berkata: "Bilangan Ashaabul Kahfi itu tiga orang, yang keempatnya ialah anjing mereka "; dan setengahnya pula berkata:"Bilangan mereka lima orang, yang keenamnya ialah anjing mereka" - secara meraba-raba dalam gelap akan sesuatu yang tidak diketahui; dan setengahnya yang lain berkata: "Bilangan mereka tujuh orang, dan yang kedelapannya ialah anjing mereka". Katakanlah (wahai Muhammad): "Tuhanku lebih mengetahui akan bilangan mereka, tiada yang mengetahui bilangannya melainkan sedikit". Oleh itu, janganlah engkau berbahas dengan sesiapapun mengenai mereka melainkan dengan bahasan (secara sederhana) yang nyata (keterangannya di dalam Al-Quran), dan janganlah engkau meminta penjelasan mengenai hal mereka kepada seseorangpun dari golongan (yang membincangkannya).
رَجْمًا بِالغَيْبِ – paghuhula o pagsasabi nang walang tiyak na kaalaman; haka-haka lamang.
فَلَا تُمَارِ – huwag makipagtalo.
مِرَاءً ظَاهِرًا – pakikipagtalo na mababaw at malinaw, batay sa katotohanang ipinahayag sa iyo.
وَلَا تَسْتَفْتِ – huwag magtanong o humingi ng impormasyon.
Interpretasyon ng Talata:
Sa talatang ito, isinalaysay ng Allah ang mga pagkakaiba-iba ng opinyon ng mga tao tungkol sa bilang ng mga kabataan sa yungib (Ashabul Kahf). May mga magsasabi na sila ay tatlo, at ang ikaapat ay ang kanilang aso. May iba namang magsasabi na sila ay lima, at ang ikaanim ay ang kanilang aso — ngunit ang mga pahayag na ito ay pawang haka-haka lamang, walang matibay na ebidensya. At may isang pangkat na magsasabi na sila ay pito, at ang ikawalo ay ang kanilang aso — at ito ang tama ayon sa ipinahayag ng Allah sa Kanyang Propeta.
Pagkatapos, iniutos ng Allah sa Kanyang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) na sabihin: "Ang aking Panginoon ang higit na nakaaalam sa kanilang bilang." Walang nakaaalam ng kanilang tunay na bilang maliban sa kakaunting tao na pinagkalooban ng Allah ng kaalaman tungkol dito. Kaya't hindi dapat makipagtalo ang Propeta sa mga tao ng Kasulatan (Ahlul Kitab) tungkol sa bagay na ito, maliban sa isang malinaw at panlabas na pakikipagtalakayan — ibig sabihin, banggitin lamang ang ipinahayag sa kanya ng Allah nang walang pagdedetalye o paglalim sa mga bagay na hindi niya tiyak. At hindi rin siya dapat magtanong sa kanila tungkol sa bilang o kalagayan ng mga kabataan, sapagkat wala silang tunay na kaalaman hinggil dito.
Mga Aral na Makukuha:
Ang tunay na kaalaman ay nasa Allah lamang; hindi dapat makipagtalo ang tao sa mga bagay na hindi niya tiyak, bagkus ay dapat siyang manatili sa kung ano ang ipinahayag ng Allah.
Ang pagiging mapagpakumbaba sa harap ng kaalaman ng Allah ay tanda ng pananampalataya — hindi natin kailangang malaman ang lahat ng detalye, ang mahalaga ay ang pagsunod sa gabay ng Qur'an.
Ang Islam ay nagtuturo ng katahimikan at pag-iwas sa walang saysay na pagtatalo; mas mainam na ituon ang pansin sa mga aral at mensahe ng kuwento kaysa sa mga numerong hindi naman mahalaga sa pananampalataya.
Ang kuwento ng mga kabataan sa yungib ay nagpapatibay sa pananampalataya sa kapangyarihan ng Allah at sa Kanyang proteksyon sa mga matatapat na mananampalataya, na nagbibigay-inspirasyon sa atin na magtiwala sa Kanya sa lahat ng pagkakataon.
(Ang ilan) ay nagsasabi na sila ay tatlo, ang aso ay bilang pang-apat sa lipon nila; (ang iba) ay nagsasabi na sila ay lima, ang aso ay bilang pang-anim, na humuhula sa nalilingid; (ngunit ang mga iba) ay nagsasabi na sila ay pito, ang aso ay bilang pangwalo. Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang ganap na nakakatalos ng kanilang bilang; walang nakakaalam sa kanila maliban sa ilan lamang.” Kaya’t huwag ninyong pagtalunan (ang kanilang bilang, atbp.), maliban (lamang) kung mayroong maliwanag na katibayan (na Aming ipinahayag sa iyo). At huwag kang sumangguni sa isa man sa kanila (mga tao ng Kasulatan, Hudyo at Kristiyano) ng tungkol sa naging buhay (naging kalagayan) ng mga tao ng Yungib
Sapagkat kung kayo ay kanilang makikilala, ay kanilang babatuhin kayo (hanggang mamatay o kanilang aabusuhin o sasaktan kayo), o kayo ay ibabalik nilang muli sa kanilang (lihis) na pananalig, at sa gayong pangyayari, kayo ay hindi magtatagumpay.”
At ginawa Namin na ang kanilang naging katayuan ay maalaman ng mga tao, upang kanilang mabatid na ang pangako ni Allah ay tunay at walang maging pag-aalinlangan sa oras (Araw ng Paghuhukom). (Gunitain) nang sila (na mga tao ng lungsod) ay magtalo-talo sa kanilang sarili tungkol sa kanilang naging kalagayan, sila ay nagsabi: “Magsipagtayo kayo ng gusali sa ibabaw nila, ang kanilang Panginoon ang higit na nakakaalam sa kanila,” at sila na nagwagi sa kanilang panukala ay nagsabi (mas higit marahil yaong mga hindi sumasampalataya): “Katotohanang kami ay magtatayo ng isang lugar ng pagsamba sa ibabaw nila.”
(Ang ilan) ay nagsasabi na sila ay tatlo, ang aso ay bilang pang-apat sa lipon nila; (ang iba) ay nagsasabi na sila ay lima, ang aso ay bilang pang-anim, na humuhula sa nalilingid; (ngunit ang mga iba) ay nagsasabi na sila ay pito, ang aso ay bilang pangwalo. Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang ganap na nakakatalos ng kanilang bilang; walang nakakaalam sa kanila maliban sa ilan lamang.” Kaya’t huwag ninyong pagtalunan (ang kanilang bilang, atbp.), maliban (lamang) kung mayroong maliwanag na katibayan (na Aming ipinahayag sa iyo). At huwag kang sumangguni sa isa man sa kanila (mga tao ng Kasulatan, Hudyo at Kristiyano) ng tungkol sa naging buhay (naging kalagayan) ng mga tao ng Yungib
Maliban (na sabihin), “Kung pahihintulutan ni Allah!” At alalahanin mo ang iyong Panginoon kung ikaw ay nakalimot at magsabi: “Maaaring ang aking Panginoon ay mamamatnubay sa akin ng higit na malapit sa katotohanan kaysa rito.”
SurahQuran.com was founded as a humble effort to serve the Noble Book and the pure Sunnah, to invite people to Allah, and to make the religious sciences accessible according to the methodology of the Quran and Sunnah. We praise and thank Allah for His grace, and we ask Him to accept our work and make it sincere for His noble Face.