Al-Baqarah · 103/286
Salin Transliterasyon — Al-Baqarah
وَلَوْ أَنَّهُمْ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَمَثُوبَةٌ مِّنْ عِندِ اللَّهِ خَيْرٌ ۖ لَّوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ ۝١٠٣
Wa law annahum aamanoo wattaqaw lamasoobatum min `indillaahi khairun law kaanoo ya`lamoon
📖 Sa Filipino
Kung pinangalagaan lamang nila ang kanilang Pananampalataya at binantayan ang kanilang sarili sa kasamaan, higit na mainam sana ang gantimpala mula kay Allah kung kanila lamang nalalaman
🎧 Pakinggan

📜 Talata 101-105 — Al-Baqarah

101وَلَمَّا جَاءَهُمْ رَسُولٌ مِّنْ عِندِ اللَّهِ مُصَدِّقٌ لِّمَا مَعَهُمْ نَبَذَ فَرِيقٌ مِّنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ كِتَابَ اللَّهِ وَرَاءَ ظُهُورِهِمْ كَأَنَّهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
At nang dumatal sa kanila ang isang Tagapagbalita (Muhammad) mula kay Allah na nagpapatotoo kung ano ang tinanggap nila, ang isang pangkat sa lipon nila (ang Angkan ng Kasulatan) ay naghagis ng Aklat ni Allah sa kanilang likuran na wari bang (ito ay isang bagay) na hindi nila nababatid
102وَاتَّبَعُوا مَا تَتْلُو الشَّيَاطِينُ عَلَىٰ مُلْكِ سُلَيْمَانَ ۖ وَمَا كَفَرَ سُلَيْمَانُ وَلَٰكِنَّ الشَّيَاطِينَ كَفَرُوا يُعَلِّمُونَ النَّاسَ السِّحْرَ وَمَا أُنزِلَ عَلَى الْمَلَكَيْنِ بِبَابِلَ هَارُوتَ وَمَارُوتَ ۚ وَمَا يُعَلِّمَانِ مِنْ أَحَدٍ حَتَّىٰ يَقُولَا إِنَّمَا نَحْنُ فِتْنَةٌ فَلَا تَكْفُرْ ۖ فَيَتَعَلَّمُونَ مِنْهُمَا مَا يُفَرِّقُونَ بِهِ بَيْنَ الْمَرْءِ وَزَوْجِهِ ۚ وَمَا هُم بِضَارِّينَ بِهِ مِنْ أَحَدٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَيَتَعَلَّمُونَ مَا يَضُرُّهُمْ وَلَا يَنفَعُهُمْ ۚ وَلَقَدْ عَلِمُوا لَمَنِ اشْتَرَاهُ مَا لَهُ فِي الْآخِرَةِ مِنْ خَلَاقٍ ۚ وَلَبِئْسَ مَا شَرَوْا بِهِ أَنفُسَهُمْ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ
Sinusunod nila kung ano ang dinadalit ng mga demonyo (ang kasinungalingan ng salamangka) sa panahon ni Solomon. Si Solomon ay hindi nawalan ng pananampalataya, datapuwa’t ang mga demonyo ay hindi sumampalataya, na nagtuturo sa mga tao ng salamangka at mga bagay-bagay na dumatal sa Babilonia sa dalawang anghel, si Harut at si Marut, datapuwa’t ang sinuman sa kanilang dalawa ay hindi nagturo sa kaninuman (ng gayong bagay) hangga’t hindi sila nakakapagsabi: “Kami ay para sa pagsubok lamang, kaya’t huwag kayong mawalan ng pananalig (sa pamamagitan ng pag-aaral ng ganitong salamangka mula sa amin). Napag-aralan nila sa kanila (mga anghel) ang mga paraan upang magtanim ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng lalaki at kanyang asawa. Datapuwa’t hindi nila masasaktan ang sinuman malibang pahintulutan ni Allah. At natutuhan nila kung ano ang pumipinsala sa kanila at nagbibigay kapakinabangan sa kanila. At batid nila na ang mga tumatangkilik (sa salamangka) ay walang bahagi ng kaligayahan sa Kabilang Buhay. At kabuktutan ang kabayarang halaga, na kanilang ipinagbili ang kanilang kaluluwa kung kanila lamang nalalaman
103وَلَوْ أَنَّهُمْ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَمَثُوبَةٌ مِّنْ عِندِ اللَّهِ خَيْرٌ ۖ لَّوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ
Kung pinangalagaan lamang nila ang kanilang Pananampalataya at binantayan ang kanilang sarili sa kasamaan, higit na mainam sana ang gantimpala mula kay Allah kung kanila lamang nalalaman
104يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَقُولُوا رَاعِنَا وَقُولُوا انظُرْنَا وَاسْمَعُوا ۗ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ
O kayong may pananalig! Huwag ninyong sabihin (sa Tagapagbalita) ang “raina” (Maging maingat, makinig ka sa amin at kami ay makikinig sa iyo), datapuwa’t magsabi kayo ng “Unzurna” (Hayaang kami ay makaunawa) at makinig (sa kanya). At sa mga walang pananampalataya ay mayroong kasakit-sakit na kaparusahan
105مَّا يَوَدُّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ وَلَا الْمُشْرِكِينَ أَن يُنَزَّلَ عَلَيْكُم مِّنْ خَيْرٍ مِّن رَّبِّكُمْ ۗ وَاللَّهُ يَخْتَصُّ بِرَحْمَتِهِ مَن يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ
Hindi kailanman hinangad ng mga walang pananampalataya sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), gayundin ng mga mapagsamba sa diyus-diyosan, na magnais na may anumang magandang bagay na dumatal sa inyo mula sa inyong Panginoon. Subalit si Allah ang humihirang mula sa Kanyang Habag ng sinumang Kanyang mapusuan, at si Allah ang Panginoon ng Nag-uumapaw na Biyaya
Al-BaqarahTalaan ng Quran
286Talata
MedinanRevelation
103Talata

Salin — Al-Baqarah 103

Surah Al-Baqarah Talata 103 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Kung pinangalagaan lamang nila ang kanilang Pananampalataya at binantayan ang…

Surah Talata 103/286 — Al-Baqarah البقرة (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-Baqarah Pakinggan, Al-Baqarah Salin, Al-Baqarah mp3, Al-Baqarah pdf. Talata 101–105. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers