Al-Baqarah · 211/286
Salin Transliterasyon — Al-Baqarah
سَلْ بَنِي إِسْرَائِيلَ كَمْ آتَيْنَاهُم مِّنْ آيَةٍ بَيِّنَةٍ ۗ وَمَن يُبَدِّلْ نِعْمَةَ اللَّهِ مِن بَعْدِ مَا جَاءَتْهُ فَإِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ ۝٢١١
Sal Banee Israaa`eela kam aatainaahum min aayatim baiyinah; wa mai yubaddil ni`matal laahi mim ba`di maa jaaa`athu fa innallaaha shadeedul`iqaab
📖 Sa Filipino
Inyong tanungin ang Angkan ng Israel kung gaano karami ang maliliwanag na Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) na Aming ipinadala sa kanila. Datapuwa’t kung sinuman, matapos na ang Paglingap ni Allah ay sumakanya, ay magpalit nito (alalaong baga, bumalik sa kawalan ng pananalig at tumalikdan sa relihiyon ni Allah, ang Islam), kung gayon, katotohanang si Allah ay Mahigpit sa Kaparusahan
🎧 Pakinggan

📜 Talata 209-213 — Al-Baqarah

209فَإِن زَلَلْتُم مِّن بَعْدِ مَا جَاءَتْكُمُ الْبَيِّنَاتُ فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
At kung kayo ay magbalik muli (sa kawalan ng pananalig) matapos ang maliwanag na mga Tanda (si Propeta Muhammad, ang Qur’an at Islam) ay dumatal sa inyo, kung gayon, inyong maalaman na si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
210هَلْ يَنظُرُونَ إِلَّا أَن يَأْتِيَهُمُ اللَّهُ فِي ظُلَلٍ مِّنَ الْغَمَامِ وَالْمَلَائِكَةُ وَقُضِيَ الْأَمْرُ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ
Sila baga ay naghihintay sa anuman, maliban pa na si Allah ay dumatal sa kanila sa lilim ng mga ulap at kasama (Niya) ang mga anghel at ang katanungan (ay mapagpasyahan)? Datapuwa’t ang lahat ng katanungan ay nagbabalik lahat kay Allah (upang hatulan)
211سَلْ بَنِي إِسْرَائِيلَ كَمْ آتَيْنَاهُم مِّنْ آيَةٍ بَيِّنَةٍ ۗ وَمَن يُبَدِّلْ نِعْمَةَ اللَّهِ مِن بَعْدِ مَا جَاءَتْهُ فَإِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ
Inyong tanungin ang Angkan ng Israel kung gaano karami ang maliliwanag na Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) na Aming ipinadala sa kanila. Datapuwa’t kung sinuman, matapos na ang Paglingap ni Allah ay sumakanya, ay magpalit nito (alalaong baga, bumalik sa kawalan ng pananalig at tumalikdan sa relihiyon ni Allah, ang Islam), kung gayon, katotohanang si Allah ay Mahigpit sa Kaparusahan
212زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُوا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا وَيَسْخَرُونَ مِنَ الَّذِينَ آمَنُوا ۘ وَالَّذِينَ اتَّقَوْا فَوْقَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ وَاللَّهُ يَرْزُقُ مَن يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ
Ang buhay sa mundong ito ay kaakit-akit sa mga hindi sumasampalataya at sila ay nanunuya sa mga sumasampalataya. Datapuwa’t sila na sumusunod sa mga Pag-uutos ni Allah at umiiwas sa mga bagay na Kanyang ipinagbabawal ay mangingibabaw sa kanila sa Araw ng Muling Pagkabuhay; sapagkat si Allah ang nagkakaloob ng Kanyang Biyaya (Pagpapala, Kasaganaan, Karangalan, atbp. sa Araw ng Muling Pagkabuhay) nang walang sukat sa sinumang Kanyang naisin
213كَانَ النَّاسُ أُمَّةً وَاحِدَةً فَبَعَثَ اللَّهُ النَّبِيِّينَ مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ وَأَنزَلَ مَعَهُمُ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ لِيَحْكُمَ بَيْنَ النَّاسِ فِيمَا اخْتَلَفُوا فِيهِ ۚ وَمَا اخْتَلَفَ فِيهِ إِلَّا الَّذِينَ أُوتُوهُ مِن بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ۖ فَهَدَى اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا لِمَا اخْتَلَفُوا فِيهِ مِنَ الْحَقِّ بِإِذْنِهِ ۗ وَاللَّهُ يَهْدِي مَن يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُّسْتَقِيمٍ
Ang sangkatauhan ay isang pamayanan lamang at si Allah ang nagsusugo ng mga Tagapagbalita na may taglay na magandang balita at paala-ala; at sa kanila ay Kanyang ipinagkaloob ang Aklat sa katotohanan upang kanilang mahatulan ang mga tao sa mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan; datapuwa’t ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), matapos ang maliwanag na mga Katibayan (tanda, aral, kapahayagan, atbp.) ay dumatal sa kanila, ay hindi (lamang) nagkaiba-iba sa kanilang mga sarili, (bagkus), tangi pa rito, ay (sa kanilang) makasariling paghihimagsik. SiAllah, sapamamagitanng Kanyang Biyaya ay namatnubay sa mga sumasampalataya sa Katotohanan tungkol sa mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan. Sapagkat si Allah ang namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan sa Tuwid na Landas
Al-BaqarahTalaan ng Quran
286Talata
MedinanRevelation
211Talata

Salin — Al-Baqarah 211

Surah Al-Baqarah Talata 211 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Inyong tanungin ang Angkan ng Israel kung gaano karami ang…

Surah Talata 211/286 — Al-Baqarah البقرة (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-Baqarah Pakinggan, Al-Baqarah Salin, Al-Baqarah mp3, Al-Baqarah pdf. Talata 209–213. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers