Al-Qasas · 83/88
Salin Transliterasyon — Surah Al-Qasas
تِلْكَ الدَّارُ الْآخِرَةُ نَجْعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوًّا فِي الْأَرْضِ وَلَا فَسَادًا ۚ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ ۝٨٣
Tilkad Daarul Aakhiratu naj`aluhaa lillazeena laa yureedoona `uluwwan fil ardi wa laa fasaadaa; wal `aaqibatu lilmuttaqeen
📖 Sa Filipino
Ang Tahanang yaon ng Kabilang Buhay (alalaong baga, ang Paraiso) ay Aming ipagkakaloob sa mga tao na hindi naghihimagsik laban sa katotohanan ng may kapalaluan at pang-aapi at hindi nagkakalat ng kabuktutan sa kalupaan, at ang Hantungan ay (higit na mainam) sa Muttaqun (mga matutuwidatmatimtimangtaonalabisnanangangambakay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbabawal at nagmamahal kay Allah ng labis sa pamamagitan nang pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-uutos)

🎧 Pakinggan
📜

Salin — Tafsir

Mga Kahulugan ng mga Salita:

  • ʿUluwwan (عُلُوًّا): Ang pagmamataas, pagmamalaki, at pang-aapi sa iba dahil sa kayabangan.
  • Fasādan (فَسَادًا): Ang katiwalian, kaguluhan, at paggawa ng mga kasalanan sa lupa.

Interpretasyon ng Talata:

Ang tahanang ito sa Kabilang Buhay—na siyang Paraiso—ay itinatalaga Namin para sa mga taong hindi naghahangad ng pagmamataas at kayabangan sa lupa, at hindi rin nagnanais na maghasik ng katiwalian o gumawa ng mga kasalanan. Sila ang mga taong mapagpakumbaba, sumusunod sa katotohanan, at umiiwas sa kasamaan. Ang mabuting wakas at tagumpay sa Kabilang Buhay ay para sa mga matuwid na may takot kay Allah—yaong mga sumusunod sa Kanyang mga utos at umiiwas sa Kanyang mga ipinagbabawal.

Mga Aral na Mapupulot:

  1. Ang Paraiso ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng kayabangan o pagmamalaki, kundi sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at pagsunod sa kalooban ng Allah.
  2. Ang tunay na karangalan ay hindi nasusukat sa posisyon o kayamanan sa mundong ito, kundi sa kabutihan ng puso at sa pag-iwas sa anumang uri ng katiwalian.
  3. Ang pagiging mapagpakumbaba at pag-iwas sa pang-aapi ay mga katangiang minamahal ng Allah at naglalapit sa tao sa Kanyang awa.
  4. Ang Islam ay nagtuturo sa atin na ang tunay na tagumpay ay nasa Kabilang Buhay, kaya't dapat nating unahin ang mga gawaing magdadala sa atin sa kaligayahang iyon.


📜 Talata 81-85 — Surah Al-Qasas

81فَخَسَفْنَا بِهِ وَبِدَارِهِ الْأَرْضَ فَمَا كَانَ لَهُ مِن فِئَةٍ يَنصُرُونَهُ مِن دُونِ اللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُنتَصِرِينَ
Kaya’t inutusan Namin ang lupa na lagumin siya at ang kanyang tahanan, at siya ay wala ni isa mang pangkat o kapanalig (kahit na maliit) upang tulungan siya laban kay Allah, gayundin, siya ay hindi kabilang sa kanila na maipagtatanggol ang kanilang sarili
82وَأَصْبَحَ الَّذِينَ تَمَنَّوْا مَكَانَهُ بِالْأَمْسِ يَقُولُونَ وَيْكَأَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَن يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ ۖ لَوْلَا أَن مَّنَّ اللَّهُ عَلَيْنَا لَخَسَفَ بِنَا ۖ وَيْكَأَنَّهُ لَا يُفْلِحُ الْكَافِرُونَ
At ang mga naiinggit sa kanyang katatayuan, kakahapon lamang, ay nagsimula nang mangusap sa kinabukasan: “Hindi baga ninyo nababatid na tunay ngang si Allah ang nagkakaloob ng anumang biyaya o nagkakait nito sa sinuman na Kanyang tagapaglingkod na Kanyang maibigan! At kung si Allah ay hindi naging mapagpala sa atin, maaari rin Niyang papangyarihin na lulunin din tayo ng lupa! Inyong mapag- alaman na ang mga walang pananampalataya ay hindi magsisipagtagumpay.”
83تِلْكَ الدَّارُ الْآخِرَةُ نَجْعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوًّا فِي الْأَرْضِ وَلَا فَسَادًا ۚ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ
Ang Tahanang yaon ng Kabilang Buhay (alalaong baga, ang Paraiso) ay Aming ipagkakaloob sa mga tao na hindi naghihimagsik laban sa katotohanan ng may kapalaluan at pang-aapi at hindi nagkakalat ng kabuktutan sa kalupaan, at ang Hantungan ay (higit na mainam) sa Muttaqun (mga matutuwidatmatimtimangtaonalabisnanangangambakay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbabawal at nagmamahal kay Allah ng labis sa pamamagitan nang pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-uutos)
84مَن جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِّنْهَا ۖ وَمَن جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَلَا يُجْزَى الَّذِينَ عَمِلُوا السَّيِّئَاتِ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Kung sinuman ang gumawa ng kabutihan (paniniwala sa Kaisahan ni Allah na kalakip ang mabubuting gawa), ang gantimpala para sa kanya ay higit na mainam (at marami) sa kanyang mga gawa; nguni’t kung sinuman ang magdala ng kasamaan (paniniwala sa mga diyus-diyosan kasama ng masasamang gawa), kung gayon, ang gumawa ng kasamaan ay parurusahan lamang (nang katapat) sa kanyang mga gawa
85إِنَّ الَّذِي فَرَضَ عَلَيْكَ الْقُرْآنَ لَرَادُّكَ إِلَىٰ مَعَادٍ ۚ قُل رَّبِّي أَعْلَمُ مَن جَاءَ بِالْهُدَىٰ وَمَنْ هُوَ فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ
Katotohanang Siya na nagbigay sa iyo (O Muhammad) ng Qur’an (alalaong baga, nag-utos sa iyo na sumunod sa mga batas nito at mangaral sa iba) ay walang pagsala na magdadala sa iyo pabalik sa Lugar ng Ma’ad (lugar ng pagbabalik, maaaring sa Makkah o Paraiso matapos ang iyong kamatayan, atbp.). Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang Lubos na Nakakatalos kung sino ang nagdadala ng tumpak na patnubay at kung sino ang nasa lantad na kamalian.”
Al-QasasTalaan ng Quran
88Talata
MeccanRevelation
83Talata

Salin — Al-Qasas 83

Surah Al-Qasas Talata 83 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Ang Tahanang yaon ng Kabilang Buhay (alalaong baga, ang Paraiso)…

Surah Talata 83/88 — Surah Al-Qasas القصص (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Surah Al-Qasas Pakinggan, Surah Al-Qasas Salin, Surah Al-Qasas mp3, Surah Al-Qasas pdf. Talata 81–85. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, September 8, 2026

Don't forget us in your sincere prayers