ص ۚ وَالْقُرْآنِ ذِي الذِّكْرِ(1) Sad (titik Sa): Sa pamamagitan ng Qur’an na tigib ng pagpapaala-ala (na ito ang katotohanan) |
بَلِ الَّذِينَ كَفَرُوا فِي عِزَّةٍ وَشِقَاقٍ(2) Hindi, ang mga walang pananampalataya ay nasa huwad na kapalaluan at pagtutol |
كَمْ أَهْلَكْنَا مِن قَبْلِهِم مِّن قَرْنٍ فَنَادَوا وَّلَاتَ حِينَ مَنَاصٍ(3) Ilan na bang mga sali’t saling lahi na una pa sa kanila ang Aming winasak? Sa katapusan, sila ay nanikluhod (ng habag), nang wala ng panahon na sila ay maliligtas |
وَعَجِبُوا أَن جَاءَهُم مُّنذِرٌ مِّنْهُمْ ۖ وَقَالَ الْكَافِرُونَ هَٰذَا سَاحِرٌ كَذَّابٌ(4) Kaya’t sila (mga paganong Arabo) ay nagtataka na ang isang Tagapagbabala (Muhammad) ay isinugo sa kanila mula sa kanilang lipon! At ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Ang (Propetang ito, Muhammad) ay isang manggagaway na nagsasalaysay ng kasinungalingan!” |
أَجَعَلَ الْآلِهَةَ إِلَٰهًا وَاحِدًا ۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيْءٌ عُجَابٌ(5) “Ginawa ba niyang lahat ang mga diyos na maging Isang Diyos (Allah)? Katotohanang ito ay isang naiibang bagay!” |
وَانطَلَقَ الْمَلَأُ مِنْهُمْ أَنِ امْشُوا وَاصْبِرُوا عَلَىٰ آلِهَتِكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيْءٌ يُرَادُ(6) At ang mga pinuno sa kanila ay lumalayo (ng walang pasensiya) at (nagsasabi): “Magsialis na kayo at maging matimtiman sa inyong mga diyos! Sapagkat katotohanang ito ay isang gawang bagay (na laban sa inyo) |
مَا سَمِعْنَا بِهَٰذَا فِي الْمِلَّةِ الْآخِرَةِ إِنْ هَٰذَا إِلَّا اخْتِلَاقٌ(7) Hindi namin kailanman narinig (ang katulad nito) sa lipon ng mga tao ng huling relihiyon, ito ay wala ng iba kundi isang hinabing kuwento!” |
أَأُنزِلَ عَلَيْهِ الذِّكْرُ مِن بَيْنِنَا ۚ بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ مِّن ذِكْرِي ۖ بَل لَّمَّا يَذُوقُوا عَذَابِ(8) Ano? Ang Paala-ala baga ay ipinadala lamang sa kanya (sa gitna ng mga tao) mula sa karamihan namin? Hindi! Datapuwa’t sila ay nag-aalinlangan hinggil sa Aking Paala-ala (Qur’an)! Hindi! Datapuwa’t hindi pa nila nalalasap (ang Aking) Kaparusahan |
أَمْ عِندَهُمْ خَزَائِنُ رَحْمَةِ رَبِّكَ الْعَزِيزِ الْوَهَّابِ(9) O mayroon ba silang mga Kaban ng Habag ng inyong Panginoon, - ang Kataas-taasan sa Kapangyarihan, ang Tagapagkaloob ng mga Biyaya ng walang pasubali |
أَمْ لَهُم مُّلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ فَلْيَرْتَقُوا فِي الْأَسْبَابِ(10) o kanila ba ang kapamahalaan at paghahari sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito? Kung tunay ngang gayon, hayaan silang pumanhik sa lahat ng paraang kanilang magagawa (sa kalangitan) |
جُندٌ مَّا هُنَالِكَ مَهْزُومٌ مِّنَ الْأَحْزَابِ(11) (At sapagkat itinakwil nila ang Mensahe ni Allah), sila ay magiging talunan na katulad ng magkakaanib (na pangkat o tao) nang unang panahon (na nagapi) |
كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَعَادٌ وَفِرْعَوْنُ ذُو الْأَوْتَادِ(12) Bago pa sa kanila (ay marami na) ang nagpabulaan sa mga Tagapagbalita. Ang pamayanan ni Noe; at ni A’ad; at ni Paraon - ang panginoon ng pakikipagsapalaran (na sa gayong paraan ay kanyang pinarurusahan ang mga tao) |
وَثَمُودُ وَقَوْمُ لُوطٍ وَأَصْحَابُ الْأَيْكَةِ ۚ أُولَٰئِكَ الْأَحْزَابُ(13) At ni Thamud, at pamayanan ni Lut, at ang mga nananahan sa kakahuyan; sila ang mga magkakaanib |
إِن كُلٌّ إِلَّا كَذَّبَ الرُّسُلَ فَحَقَّ عِقَابِ(14) wala isa man (sa kanila) ang hindi nagtakwil sa mga Tagapagbalita, kaya’t ang Aking Kaparusahan ay sumapit na makatarungan sa kanila |
وَمَا يَنظُرُ هَٰؤُلَاءِ إِلَّا صَيْحَةً وَاحِدَةً مَّا لَهَا مِن فَوَاقٍ(15) At sila ay naghihintay lamang sa isang Matinding Sigaw (alalaong baga, ang pag-ihip sa Tambuli ni Anghel Israfil - Sarafil), at (sa sandaling ito ay sumapit), ito ay hindi magbabawa o maglulubay (hanggang ang lahat ay maglaho maliban kay Allah [ang tunay na diyos na Puspos ng Kamahalan, Kasaganaan at Karangalan) |
وَقَالُوا رَبَّنَا عَجِّل لَّنَا قِطَّنَا قَبْلَ يَوْمِ الْحِسَابِ(16) Sila ay nagsasabi: “o Panginoon! Madaliin Ninyo sa amin ang Inyong Qittana (paghatol, alalaong baga, ang Talaan ng mabubuti at masasamang gawa upang ito ay aming mamalas), bago pa dumatal ang Araw ng Pagsusulit!” |
اصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَاذْكُرْ عَبْدَنَا دَاوُودَ ذَا الْأَيْدِ ۖ إِنَّهُ أَوَّابٌ(17) Maging matiyaga (o Muhammad) sa anumang sinasabi nila, at iyong alalahanin ang Aming tagapaglingkod na si david, isang tao na ginawaran ng katatagan at kapangyarihan. Katotohanang siya ay lagi nang lumilingon sa lahat ng bagay at sa pagsisisi (kay Allah) |
إِنَّا سَخَّرْنَا الْجِبَالَ مَعَهُ يُسَبِّحْنَ بِالْعَشِيِّ وَالْإِشْرَاقِ(18) Katotohanang Aming ginawa ang kabundukan na magsisambit ng mga pagpupuri sa Amin na kasama siya (david), sa sandali ng dapithapon at bukang liwayway |
وَالطَّيْرَ مَحْشُورَةً ۖ كُلٌّ لَّهُ أَوَّابٌ(19) At gayundin, ang mga ibon ay nagtitipon na kasama niya (david) at lumilingon kay Allah (sa pagluwalhati sa Kanyang Kapurihan) |
وَشَدَدْنَا مُلْكَهُ وَآتَيْنَاهُ الْحِكْمَةَ وَفَصْلَ الْخِطَابِ(20) Aming pinatatag ang kanyang kaharian at siya ay ginawaran Namin ng karunungan at makatarungang paghatol sa pagsasalita at pagpapasya |
۞ وَهَلْ أَتَاكَ نَبَأُ الْخَصْمِ إِذْ تَسَوَّرُوا الْمِحْرَابَ(21) Nakarating na ba sa inyo ang kasaysayan ng mga May Usapin (Nagtatalo-talo)? Pagmasdan, nang sila ay umakyat sa bakod tungo sa (kanyang) Mihrab (isang lugar na pinagdarasalan o isang pribadong silid) |
إِذْ دَخَلُوا عَلَىٰ دَاوُودَ فَفَزِعَ مِنْهُمْ ۖ قَالُوا لَا تَخَفْ ۖ خَصْمَانِ بَغَىٰ بَعْضُنَا عَلَىٰ بَعْضٍ فَاحْكُم بَيْنَنَا بِالْحَقِّ وَلَا تُشْطِطْ وَاهْدِنَا إِلَىٰ سَوَاءِ الصِّرَاطِ(22) Nang sila ay tumungo kay david, siya ay nagulumihanan sa kanila, ngunit sila ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Kami ay dalawang (tao) na may usapin (pagtatalo), ang isa ay nakagawa ng kamalian sa isa, kaya’t kami ay iyong hatulan ng may katotohanan, at kami ay huwag mong turingan ng di-katarungan, datapuwa’t kami ay iyong gabayan sa Tuwid na Landas |
إِنَّ هَٰذَا أَخِي لَهُ تِسْعٌ وَتِسْعُونَ نَعْجَةً وَلِيَ نَعْجَةٌ وَاحِدَةٌ فَقَالَ أَكْفِلْنِيهَا وَعَزَّنِي فِي الْخِطَابِ(23) “Katotohanan, ang taong ito ay aking kapatid (sa pananampalataya), siya ay mayroong siyamnapu at siyam na tupang babae, samantalang ako ay mayroon (lamang) isang tupang babae, at siya ay nagsabi: “Ibigay mo yaon sa akin, at ako ay natalo niya sa pagsasalita (pangangatwiran).” |
قَالَ لَقَدْ ظَلَمَكَ بِسُؤَالِ نَعْجَتِكَ إِلَىٰ نِعَاجِهِ ۖ وَإِنَّ كَثِيرًا مِّنَ الْخُلَطَاءِ لَيَبْغِي بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ إِلَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَقَلِيلٌ مَّا هُمْ ۗ وَظَنَّ دَاوُودُ أَنَّمَا فَتَنَّاهُ فَاسْتَغْفَرَ رَبَّهُ وَخَرَّ رَاكِعًا وَأَنَابَ ۩(24) (Si david ay nangusap na hindi muna nakinig sa inihihinaing): “Siya ay walang alinlangan na nakagawa sa iyo ng kamalian nang kanyang hingin ang nag-iisa mong babaeng tupa upang idagdag sa kanyang (kawan) ng babaeng tupa. At katotohanang marami sa mga magkakasama ang nang-aapi ng iba, maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, at sila ay iilan lamang. At si david ay nakaramdam na siya ay Aming sinubukan at humingi siya ng kapatawaran sa kanyang Panginoon, nanikluhod, at yumuko (sa pagpapatirapa), at bumaling (kay Allah) sa pagsisisi |
فَغَفَرْنَا لَهُ ذَٰلِكَ ۖ وَإِنَّ لَهُ عِندَنَا لَزُلْفَىٰ وَحُسْنَ مَآبٍ(25) Kaya’t siya ay pinatawad Namin, at katotohanang sasakanya ang pagiging malapit niya sa Amin, at ng isang mainam na lugar (ng huling) Pagbabalik (Paraiso) |
يَا دَاوُودُ إِنَّا جَعَلْنَاكَ خَلِيفَةً فِي الْأَرْضِ فَاحْكُم بَيْنَ النَّاسِ بِالْحَقِّ وَلَا تَتَّبِعِ الْهَوَىٰ فَيُضِلَّكَ عَن سَبِيلِ اللَّهِ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَضِلُّونَ عَن سَبِيلِ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ بِمَا نَسُوا يَوْمَ الْحِسَابِ(26) O David! Katotohanang ikaw ay ginawa Namin na maging tagapagmana sa kalupaan, kaya’t ikaw ay humatol sa pagitan ng mga tao sa katotohanan (at katarungan), at huwag mong sundin ang iyong pagnanasa, sapagkat ito ang magliligaw sa iyo sa Landas ni Allah. Katotohanang sila na naglilibot nang ligaw sa landas ni Allah ay makakasumpong ng matinding kaparusahan sapagkat kinalimutan nila ang Araw ng Pagsusulit |
وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاءَ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا بَاطِلًا ۚ ذَٰلِكَ ظَنُّ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ فَوَيْلٌ لِّلَّذِينَ كَفَرُوا مِنَ النَّارِ(27) At hindi Namin nilikha ang kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito ng walang kadahilanan! Ito ang napag-aakala ng mga hindi sumasampalataya! Datapuwa’t kasawian sa mga walang pananampalataya (sa Islam at KaisahanniAllah) mulasaApoy(ng Impiyerno) |
أَمْ نَجْعَلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ كَالْمُفْسِدِينَ فِي الْأَرْضِ أَمْ نَجْعَلُ الْمُتَّقِينَ كَالْفُجَّارِ(28) Ituturing ba Namin na magkatulad ang mga sumasampalataya (sa Islam at Kaisahan ni Allah) at nagsisigawa ng kabutihan sa Mufsidun (mga mapagsamba sa mga diyus-diyosan at mapaggawa ng kabuktutan) sa kalupaan? Ituturing ba Namin ang Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na labis na nangangamba kay Allah at nagsisikap na malayo sa kasamaan at umiiwas sa Kanyang ipinagbabawal) bilang mga Fujjar (tampalasan, kriminal, walang pananalig, buktot, buhong, atbp) |
كِتَابٌ أَنزَلْنَاهُ إِلَيْكَ مُبَارَكٌ لِّيَدَّبَّرُوا آيَاتِهِ وَلِيَتَذَكَّرَ أُولُو الْأَلْبَابِ(29) Naririto ang isang Aklat (Qur’an) na Aming ipinanaog sa iyo na puspos ng biyaya, upang sila ay makapagmuni-muni sa mga Talata (Tanda) nito, at upang ang mga tao na may pang-unawa ay makatanggap ng paala- ala |
وَوَهَبْنَا لِدَاوُودَ سُلَيْمَانَ ۚ نِعْمَ الْعَبْدُ ۖ إِنَّهُ أَوَّابٌ(30) At kay david ay Aming ibinigay si Solomon (bilang anak). Gaano kainam siyang tagapaglingkod! Katotohanang siyaaylagingbumabalingsaAminsapagsisisi |
إِذْ عُرِضَ عَلَيْهِ بِالْعَشِيِّ الصَّافِنَاتُ الْجِيَادُ(31) Pagmasdan, itinambad sa kanyang harapan nang kinahapunan ang mga kabayo na lubos na sinanay at may mataas na lahi (na magagamit sa Jihad tungo sa Kapakanan ni Allah) |
فَقَالَ إِنِّي أَحْبَبْتُ حُبَّ الْخَيْرِ عَن ذِكْرِ رَبِّي حَتَّىٰ تَوَارَتْ بِالْحِجَابِ(32) At siya ay nagsabi: “Tunay ngang higit kong pinahahalagahan ang kayamanan (mga kabayo) kaysa sa pag-aala-ala sa aking Panginoon (sa panghapong [Asr] pagdarasal)”, hanggang ang oras ay lumipas at ang (araw) ay natakpan na ng lambong (ng gabi) |
رُدُّوهَا عَلَيَّ ۖ فَطَفِقَ مَسْحًا بِالسُّوقِ وَالْأَعْنَاقِ(33) At kanyang sinabi: “dalhin silang (mga kabayo) muli sa akin”. At sinimulan niyang paraanin ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanilang mga binti at kanilang leeg (hanggang sa huling kabayo) |
وَلَقَدْ فَتَنَّا سُلَيْمَانَ وَأَلْقَيْنَا عَلَىٰ كُرْسِيِّهِ جَسَدًا ثُمَّ أَنَابَ(34) At katotohanang Aming sinubukan si Solomon at Aming inilagay sa kanyang luklukan ang Jasadan (isang demonyo, upang pansamantalang mawala ang kanyang pinamamahalaang kaharian) datapuwa’t nakabalik siya (sa kanyang luklukan at kaharian sa pamamagitan ng Kanyang Habag) kay Allah ng may pagsunod at sa pagsisisi |
قَالَ رَبِّ اغْفِرْ لِي وَهَبْ لِي مُلْكًا لَّا يَنبَغِي لِأَحَدٍ مِّن بَعْدِي ۖ إِنَّكَ أَنتَ الْوَهَّابُ(35) Siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay patawarin Ninyo at Inyong pagkalooban ako ng isang kaharian na hindi mapapasakamay ng iba pagkatapos ko. Katotohanang Kayo ang Tagapagbigay ng mga Biyaya nang walang pasubali |
فَسَخَّرْنَا لَهُ الرِّيحَ تَجْرِي بِأَمْرِهِ رُخَاءً حَيْثُ أَصَابَ(36) At ipinailalim Namin ang Hangin sa kanyang kapangyarihan na umihip nang mabanayad sa kanyang pag- uutos anuman ang kanyang naisin |
وَالشَّيَاطِينَ كُلَّ بَنَّاءٍ وَغَوَّاصٍ(37) At gayundin ang mga demonyo sa lipon ng mga Jinn (na kasama) ang lahat ng uri ng mga manggagawa at manlalangoy |
وَآخَرِينَ مُقَرَّنِينَ فِي الْأَصْفَادِ(38) At gayundin ang iba pa na natatalian ng mga kadena |
هَٰذَا عَطَاؤُنَا فَامْنُنْ أَوْ أَمْسِكْ بِغَيْرِ حِسَابٍ(39) (winika ni Allah kay Solomon): “Ito ang Aming mga biyaya, kung ito man ay iyong ibigay (sa iba) o angkinin ito, walang pagsusulit ang itatanong (sa iyo).” |
وَإِنَّ لَهُ عِندَنَا لَزُلْفَىٰ وَحُسْنَ مَآبٍ(40) At katotohanang siya ay nasiyahan sa pagiging malapit sa Amin, at ng isang mainam na huling Pagbabalik (Paraiso) |
وَاذْكُرْ عَبْدَنَا أَيُّوبَ إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ أَنِّي مَسَّنِيَ الشَّيْطَانُ بِنُصْبٍ وَعَذَابٍ(41) At alalahanin ang Aming tagapaglingkod na si Job, nang siya ay manawagan sa Amin (na nagsasabi): “Katotohanan, ang demonyo ay naggawad sa akin ng siphayo (sa pagkakaroon ng sakit) at ng pagdurusa (sa pagkawala ng aking kayamanan) |
ارْكُضْ بِرِجْلِكَ ۖ هَٰذَا مُغْتَسَلٌ بَارِدٌ وَشَرَابٌ(42) (At winika ni Allah sa kanya): “Ipadyak mo ang iyong paa sa lupa; naririto ang sibol ng tubig upang ikaw ay makapaghugas, malamig, at nakakapagpaginhawang inumin.” |
وَوَهَبْنَا لَهُ أَهْلَهُ وَمِثْلَهُم مَّعَهُمْ رَحْمَةً مِّنَّا وَذِكْرَىٰ لِأُولِي الْأَلْبَابِ(43) At ibinalik Naming muli sa kanya ang kanyang angkan at pinarami ito sa gayon ding bilang, bilang isang Habag mula sa Amin at isang Paala-ala sa mga may pang-unawa |
وَخُذْ بِيَدِكَ ضِغْثًا فَاضْرِب بِّهِ وَلَا تَحْنَثْ ۗ إِنَّا وَجَدْنَاهُ صَابِرًا ۚ نِّعْمَ الْعَبْدُ ۖ إِنَّهُ أَوَّابٌ(44) “At hawakan mo ang isang bungkos ng manipis na damo at iyong hampasin (ang iyong asawa) at huwag mong sirain ang iyong sumpa (pangako).” Katotohanang siya ay natagpuan Namin na lubos na matiyaga at matimtiman. Gaano kainam siyang tagapaglingkod! Katotohanang siya ay laging bumabaling sa Amin sa pagsisisi |
وَاذْكُرْ عِبَادَنَا إِبْرَاهِيمَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ أُولِي الْأَيْدِي وَالْأَبْصَارِ(45) At alalahanin ang Aming mga tagapaglingkod na si Abraham, Isaac at Hakob, na nagtataglay ng katatagan (sa pagsamba sa Amin), gayundin ng pang-unawa sa pananampalataya |
إِنَّا أَخْلَصْنَاهُم بِخَالِصَةٍ ذِكْرَى الدَّارِ(46) Katotohanang sila ay hinirang Namin sa pamamagitan nang pagkakaloob sa kanila ng mabuting bagay (ang pag-aala-ala sa tahanan sa Kabilang Buhay at ang kanilang pagpapaala-ala at pag-aanyaya sa mga tao na sundin si Allah at gumawa ng mabuting bagay tungo sa Kabilang Buhay) |
وَإِنَّهُمْ عِندَنَا لَمِنَ الْمُصْطَفَيْنَ الْأَخْيَارِ(47) At sila sa Aming Paningin ay katotohanang nasa lipon ng mga Hinirang at Pinakamainam |
وَاذْكُرْ إِسْمَاعِيلَ وَالْيَسَعَ وَذَا الْكِفْلِ ۖ وَكُلٌّ مِّنَ الْأَخْيَارِ(48) At alalahanin si Ismail, Elisha at Dhul-Kifl; ang bawat isa sa kanila ay nasa lipon ng mga Pinakamainam |
هَٰذَا ذِكْرٌ ۚ وَإِنَّ لِلْمُتَّقِينَ لَحُسْنَ مَآبٍ(49) Ito ay isang Paala-ala at katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah ng higit at gumagawa ng mabubuting bagay ayon sa Kanyang pag-uutos), ay mayroong isang magandang lugar ng huling Pagbabalik (Paraiso) |
جَنَّاتِ عَدْنٍ مُّفَتَّحَةً لَّهُمُ الْأَبْوَابُ(50) Isang Halamanan ng Walang Hanggan (Paraiso), na ang pintuan ay ibubukas sa kanila |
مُتَّكِئِينَ فِيهَا يَدْعُونَ فِيهَا بِفَاكِهَةٍ كَثِيرَةٍ وَشَرَابٍ(51) rito sila ay magpapahingalay; dito sila ay magsisitawag sa mga bungangkahoy na masagana, at sa malinamnam na inumin |
۞ وَعِندَهُمْ قَاصِرَاتُ الطَّرْفِ أَتْرَابٌ(52) At sa piling nila ay mga busilak na babae na tumitingin lamang sa kanilang asawa na katulad nila ang gulang |
هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِيَوْمِ الْحِسَابِ(53) Ito ang pangako sa inyo (na Muttaqun, mga matutuwid at matimtimang tao) sa Araw ng Pagsusulit |
إِنَّ هَٰذَا لَرِزْقُنَا مَا لَهُ مِن نَّفَادٍ(54) (Sa kanila ay ipagbabadya): “Katotohanang ito ang Kasaganaan mula sa Amin na hindi magmamaliw.” |
هَٰذَا ۚ وَإِنَّ لِلطَّاغِينَ لَشَرَّ مَآبٍ(55) Oo, ito nga! Datapuwa’t sa Taghun (mga mapaggawa ng kamalian, palasuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, kriminal, buhong, atbp.) sasakanila ang lugar ng kasamaan (Apoy ng Impiyerno) sa huling Pagbabalik |
جَهَنَّمَ يَصْلَوْنَهَا فَبِئْسَ الْمِهَادُ(56) Sa Impiyerno! dito sila ay masusunog, at tunay ngang kasamaan ang lugar na ito para mamahinga |
هَٰذَا فَلْيَذُوقُوهُ حَمِيمٌ وَغَسَّاقٌ(57) Oo, ito nga! Kaya’t hayaang ito ay lasapin nila. Isang kumukulong likido; at likido na maitim, madumi (mula sa nana ng sugat) at lubhang malamig |
وَآخَرُ مِن شَكْلِهِ أَزْوَاجٌ(58) At iba pang kaparusahan na katulad nito, lahat, nang sama-sama |
هَٰذَا فَوْجٌ مُّقْتَحِمٌ مَّعَكُمْ ۖ لَا مَرْحَبًا بِهِمْ ۚ إِنَّهُمْ صَالُو النَّارِ(59) Ito ay isang pangkat na papasok na kasama ninyo (sa Apoy ng Impiyerno). walang pagsalubong sa kanila! Katotohanang sila ay masusunog sa Apoy |
قَالُوا بَلْ أَنتُمْ لَا مَرْحَبًا بِكُمْ ۖ أَنتُمْ قَدَّمْتُمُوهُ لَنَا ۖ فَبِئْسَ الْقَرَارُ(60) (Ang mga ligaw na tagasunod ay magsasabi sa nagligaw na mga pinuno): “Hindi, kayo rin! Wala ring pagsalubong sa inyo! Kayo (na mga manlilinlang) ang naging dahilan ng aming pagkapasok dito (sapagkat kami ay iniligaw ninyo sa buhay sa kalupaan), kaya’t pagkasama-sama ng lugar na ito para himpilan!” |
قَالُوا رَبَّنَا مَن قَدَّمَ لَنَا هَٰذَا فَزِدْهُ عَذَابًا ضِعْفًا فِي النَّارِ(61) Sila ay magsasabi: “O Panginoon! Kung sinuman ang nagdala sa amin sa katatayuang ito, idagdag Ninyo sa kanila ang dalawang beses na kaparusahan sa Apoy!” |
وَقَالُوا مَا لَنَا لَا نَرَىٰ رِجَالًا كُنَّا نَعُدُّهُم مِّنَ الْأَشْرَارِ(62) At sila ay magsasabi: “Ano ang nangyari sa amin, na hindi namin nakita ang mga tao na noon ay lagi naming ibinibilang sa lipon ng masasama?” |
أَتَّخَذْنَاهُمْ سِخْرِيًّا أَمْ زَاغَتْ عَنْهُمُ الْأَبْصَارُ(63) Sila ba ay itinuring namin bilang isang bagay ng panunuya, o ang aming mga mata kaya ay nabigo na mahiwatigan sila?” |
إِنَّ ذَٰلِكَ لَحَقٌّ تَخَاصُمُ أَهْلِ النَّارِ(64) Katiyakang ito ang tunay na katotohanan, ang magkapanabay na pagtatalo ng mga tao ng Apoy |
قُلْ إِنَّمَا أَنَا مُنذِرٌ ۖ وَمَا مِنْ إِلَٰهٍ إِلَّا اللَّهُ الْوَاحِدُ الْقَهَّارُ(65) Ipagbadya mo (o Muhammad): “Ako ay isa lamang tagapagbabala at wala ng ibang Ilah (diyos) maliban kay Allah (na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba), ang Nag-iisa, ang Kataas-taasan, ang Hindi Mapapasubalian |
رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا الْعَزِيزُ الْغَفَّارُ(66) Ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lagi nang Nagpapatawad.” |
قُلْ هُوَ نَبَأٌ عَظِيمٌ(67) Ipagbadya: “ Ito (ang Qur’an) ay isang dakilang balita |
أَنتُمْ عَنْهُ مُعْرِضُونَ(68) Na inyong nilalayuan |
مَا كَانَ لِيَ مِنْ عِلْمٍ بِالْمَلَإِ الْأَعْلَىٰ إِذْ يَخْتَصِمُونَ(69) wala akong kaalaman sa mga pinuno (ng anghel) sa kaitaasan nang sila ay nagsisipagtalo at nagsasang-usapan sa kani-kanilang sarili (tungkol sa paglikha kay Adan) |
إِن يُوحَىٰ إِلَيَّ إِلَّا أَنَّمَا أَنَا نَذِيرٌ مُّبِينٌ(70) Ito lamang ang ipinahayag sa akin; ako ay marapat na magbigay ng babala sa lahat nang maliwanag.” |
إِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي خَالِقٌ بَشَرًا مِّن طِينٍ(71) Pagmasdan! Nang ang iyong Panginoon ay nagwika sa mga anghel: “Katotohanang Ako ay lilikha ng tao mula sa malagkit na putik.” |
فَإِذَا سَوَّيْتُهُ وَنَفَخْتُ فِيهِ مِن رُّوحِي فَقَعُوا لَهُ سَاجِدِينَ(72) Nang Aking mahubog siya at mahingahan siya ng Aking espiritu (kanyang kaluluwa), kayo ay magsiluhod at magpatirapa sa kanya (bilang paggalang at hindi pagsamba) |
فَسَجَدَ الْمَلَائِكَةُ كُلُّهُمْ أَجْمَعُونَ(73) Kaya’t ang mga anghel ay nagpatira sa kanilang sarili, lahat sila nang sama-sama |
إِلَّا إِبْلِيسَ اسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ الْكَافِرِينَ(74) Maliban kay Iblis (isang Jinn na kasama ng mga anghel); siya ay mapagpalalo at naging isa sa mga palasuway sa pananampalataya (walang pananalig sa Karunungan ni Allah) |
قَالَ يَا إِبْلِيسُ مَا مَنَعَكَ أَن تَسْجُدَ لِمَا خَلَقْتُ بِيَدَيَّ ۖ أَسْتَكْبَرْتَ أَمْ كُنتَ مِنَ الْعَالِينَ(75) (Si Allah) ay nagwika: “o Iblis! Ano ang pumipigil sa iyong sarili na magpatirapa sa kanya na Aking nilikha ng Aking mga Kamay? Ikaw ba ay lubhang mapagmataas (upang magpatirapa kay Adan)? o ikaw ba ay isa sa mga mataas (sa kapangyarihan)?” |
قَالَ أَنَا خَيْرٌ مِّنْهُ ۖ خَلَقْتَنِي مِن نَّارٍ وَخَلَقْتَهُ مِن طِينٍ(76) (Si Iblis) ay nagsabi: “Ako ay higit na mainam sa kanya. Ako ay nilikha Ninyo mula sa apoy, at siya ay Inyong nilikha mula sa malagkit na putik.” |
قَالَ فَاخْرُجْ مِنْهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٌ(77) (Si Allah) ay nagwika: “Kung gayon, ikaw ay lumayas dito, sapagkat ikaw ay katotohanang itinakwil at isinumpa |
وَإِنَّ عَلَيْكَ لَعْنَتِي إِلَىٰ يَوْمِ الدِّينِ(78) At katotohanan, ang Aking sumpa ay mananatili sa iyo hanggang sa Araw ng Paghuhukom.” |
قَالَ رَبِّ فَأَنظِرْنِي إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ(79) (Si Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay bigyan Ninyo ng palugit hanggang sa araw na (ang mga patay) ay ibabangon!” |
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ الْمُنظَرِينَ(80) (Si Allah) ay nagwika: “Katotohanan, ang palugit ay ipinagkaloob sa iyo |
إِلَىٰ يَوْمِ الْوَقْتِ الْمَعْلُومِ(81) Hanggang sa araw ng takdang panahon.” |
قَالَ فَبِعِزَّتِكَ لَأُغْوِيَنَّهُمْ أَجْمَعِينَ(82) (Si Iblis) ay nagsabi: “Kung gayon, sa pamamagitan ng Inyong Kapangyarihan, aking hahatakin silanglahatsapagkaligaw(saTuwid na Landas) |
إِلَّا عِبَادَكَ مِنْهُمُ الْمُخْلَصِينَ(83) Malibansa Inyong mga lingkod sa lipon nila (na matatapat, masunurin, tunay na may pananalig at pinadalisay [ng Inyong biyaya) |
قَالَ فَالْحَقُّ وَالْحَقَّ أَقُولُ(84) (Si Allah) ay nagwika: “Ito ang Katotohanan, at ang Katotohanan ay aking sinasabi |
لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنكَ وَمِمَّن تَبِعَكَ مِنْهُمْ أَجْمَعِينَ(85) walang pagsala na Aking pupunuin ang Impiyerno na kasama ka (Iblis) at sila na susunod sa iyo (sangkatauhan), lahat (kayo) nang sama- sama.” |
قُلْ مَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ وَمَا أَنَا مِنَ الْمُتَكَلِّفِينَ(86) Ipagbadya (o Muhammad): “wala akong hinihintay na kabayaran sa inyo rito (sa Qur’an), gayundin, ako ay hindi isa sa Mutakallifun (sila na nagkukunwari at gumagawa ng mga kabulaanan) |
إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ لِّلْعَالَمِينَ(87) Ito (ang Qur’an) ay isa lamang Paala-ala sa lahat ng mga nilalang |
وَلَتَعْلَمُنَّ نَبَأَهُ بَعْدَ حِينٍ(88) At katiyakang inyong mapag-aalaman ang katotohanan nito, makaraan lamang ang sandaling (paghihintay).” |