Muhammad · 22/38
Salin Transliterasyon — Muhammad
فَهَلْ عَسَيْتُمْ إِن تَوَلَّيْتُمْ أَن تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ وَتُقَطِّعُوا أَرْحَامَكُمْ ۝٢٢
Fahal `asaitum in tawallaitum an tufsidoo fil ardi wa tuqatti`ooo arhaamakum
📖 Sa Filipino
At kayo ba, kung kayo ay bigyan ng kapamahalaan, ay magsisigawa ng kabuktutan sa kalupaan, at inyong puputulin ang gapos ng pagkakaibigan at pagkakamag- anak

🎧 Pakinggan


📜 Talata 20-24 — Muhammad

20وَيَقُولُ الَّذِينَ آمَنُوا لَوْلَا نُزِّلَتْ سُورَةٌ ۖ فَإِذَا أُنزِلَتْ سُورَةٌ مُّحْكَمَةٌ وَذُكِرَ فِيهَا الْقِتَالُ ۙ رَأَيْتَ الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ يَنظُرُونَ إِلَيْكَ نَظَرَ الْمَغْشِيِّ عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِ ۖ فَأَوْلَىٰ لَهُمْ
Sila na sumasampalataya ay nagsasabi: “Bakit kaya hindi ipinanaog (sa amin) ang isang Surah (Kabanata ng Qur’an)? Datapuwa’t kung ang isang Surah na may tampok na kahulugan (na nagpapaliwanag at nag-uutos ng mga bagay-bagay) ay ipinanaog, at ang pakikipaglaban (Jihad, ang maka-Diyos na pakikidigma) ay nababanggit dito (alalaong baga, ipinag-uutos), iyong mapagmamalas ang mga tao na sa kanilang puso ay may karamdaman (ng pagkukunwari) na tumitingin sa iyo na (katulad ng) isang sulyap ng isang nangangapos ang hininga dahilan sa napipintong kamatayan. Ngunit higit na mainam sa kanila (na mapagkunwari, ang makinig kay Allah at tumalima sa Kanya)
21طَاعَةٌ وَقَوْلٌ مَّعْرُوفٌ ۚ فَإِذَا عَزَمَ الْأَمْرُ فَلَوْ صَدَقُوا اللَّهَ لَكَانَ خَيْرًا لَّهُمْ
Ang pagsunod (kay Allah) at mabubuting gawa (ay higit na mainam sa kanila). At kung ang mga bagay-bagay (ang paghahanda sa Jihad, ang maka-Diyos na pakikidigma) ay napagpasiyahan na, kung gayon, ito ay higit na makakabuti sa kanila kung sila ay tapat kay Allah
22فَهَلْ عَسَيْتُمْ إِن تَوَلَّيْتُمْ أَن تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ وَتُقَطِّعُوا أَرْحَامَكُمْ
At kayo ba, kung kayo ay bigyan ng kapamahalaan, ay magsisigawa ng kabuktutan sa kalupaan, at inyong puputulin ang gapos ng pagkakaibigan at pagkakamag- anak
23أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَعَنَهُمُ اللَّهُ فَأَصَمَّهُمْ وَأَعْمَىٰ أَبْصَارَهُمْ
Sila nga ang mga tao na isinumpa ni Allah, kaya’t Kanyang ginawa silang bingi at nadirimlan ang paningin
24أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ الْقُرْآنَ أَمْ عَلَىٰ قُلُوبٍ أَقْفَالُهَا
Hindi baga sila nagnanais na mainam na maunawaan ang Qur’an, o may sagka ba ang kanilang mga puso (upang makaunawa)
MuhammadTalaan ng Quran
38Talata
MedinanRevelation
22Talata

Salin — Muhammad 22

Surah Muhammad Talata 22 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : At kayo ba, kung kayo ay bigyan ng kapamahalaan, ay…

Surah Talata 22/38 — Muhammad محمد (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Muhammad Pakinggan, Muhammad Salin, Muhammad mp3, Muhammad pdf. Talata 20–24. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers