Yunus · 86/109
Salin Transliterasyon — Yunus
وَنَجِّنَا بِرَحْمَتِكَ مِنَ الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ ۝٨٦
Wa najjinaa birahmatika minal qawmil kaafireen
📖 Sa Filipino
At Inyong iadya kami sa pamamagitan ng Inyong Habag sa mga hindi nananampalatayang tao.”

🎧 Pakinggan


📜 Talata 84-88 — Yunus

84وَقَالَ مُوسَىٰ يَا قَوْمِ إِن كُنتُمْ آمَنتُم بِاللَّهِ فَعَلَيْهِ تَوَكَّلُوا إِن كُنتُم مُّسْلِمِينَ
At si Moises ay nagbadya: “O aking pamayanan! Kung kayo ay nagsisisampalataya kay Allah, kung gayon, lubusin ninyo ang pagtitiwala sa Kanya kung kayo ay mga Muslim (na tumatalima sa Kanyang Kalooban).”
85فَقَالُوا عَلَى اللَّهِ تَوَكَّلْنَا رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا فِتْنَةً لِّلْقَوْمِ الظَّالِمِينَ
Sila ay nagsabi: “Kay Allah ay ibinigay namin ang aming pagtitiwala. Aming Panginoon! Kami ay huwag Ninyong gawin na isang pagsubok sa mga tao na Zalimun (mga buktot, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, pagano, tampalasan, atbp. [alalaong baga, na kami ay huwag nilang mapangibabawan ng kanilang kasamaan)
86وَنَجِّنَا بِرَحْمَتِكَ مِنَ الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ
At Inyong iadya kami sa pamamagitan ng Inyong Habag sa mga hindi nananampalatayang tao.”
87وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ وَأَخِيهِ أَن تَبَوَّءَا لِقَوْمِكُمَا بِمِصْرَ بُيُوتًا وَاجْعَلُوا بُيُوتَكُمْ قِبْلَةً وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ
At pinatnubayan Namin si Moises at ang kanyang kapatid (na nagsasabi): “Magsipanirahan kayo at ng inyong angkan sa Ehipto, at gawin ninyo ang inyong mga tirahan bilang lugar ng inyong pagsamba, at mag-alay ng palagiang pagdalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salah) at maghatid ng Masayang Balita sa mga nananampalataya.”
88وَقَالَ مُوسَىٰ رَبَّنَا إِنَّكَ آتَيْتَ فِرْعَوْنَ وَمَلَأَهُ زِينَةً وَأَمْوَالًا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا رَبَّنَا لِيُضِلُّوا عَن سَبِيلِكَ ۖ رَبَّنَا اطْمِسْ عَلَىٰ أَمْوَالِهِمْ وَاشْدُدْ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُوا حَتَّىٰ يَرَوُا الْعَذَابَ الْأَلِيمَ
At si Moises ay nagsabi: “o aming Panginoon! Katotohanang ipinagkaloob Ninyo kay Paraon at sa kanyang mga pinuno ang kinang at kayamanan sa buhay sa mundong ito, aming Panginoon! Upang mapatnugutan nila ang mga tao na maligaw sa Inyong Landas. Aming Panginoon! Salantahin Ninyo ang kanilang kayamanan at patigasin Ninyo ang kanilang puso upang sila ay hindi manampalataya hanggang sa mamasdan nila ang kasakit- sakit na kaparusahan.”
YunusTalaan ng Quran
109Talata
MeccanRevelation
86Talata

Salin — Yunus 86

Surah Yunus Talata 86 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : At Inyong iadya kami sa pamamagitan ng Inyong Habag sa…

Surah Talata 86/109 — Yunus يونس (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Yunus Pakinggan, Yunus Salin, Yunus mp3, Yunus pdf. Talata 84–88. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers