As-Saff · 4/14
Salin Transliterasyon — As-Saff
إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الَّذِينَ يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِهِ صَفًّا كَأَنَّهُم بُنْيَانٌ مَّرْصُوصٌ ۝٤
Innal laaha yuhibbul lazeena yuqaatiloona fee sabeelihee saffan kaannahum bunyaanum marsoos
📖 Sa Filipino
Katotohanang si Allah ay nagmamahal sa mga tao na nakikipaglaban dahil sa Kanyang Kapakanan, (sa mga hanay) na sama-sama sa digmaan, na tila bang sila ay mga matitibay na moog na nasesementuhan

🎧 Pakinggan


📜 Talata 2-6 — As-Saff

2يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفْعَلُونَ
o kayong mga nananampalataya! Bakit kayo nagsasalita (ng mga bagay) na hindi ninyo tinutupad (ginagawa)
3كَبُرَ مَقْتًا عِندَ اللَّهِ أَن تَقُولُوا مَا لَا تَفْعَلُونَ
Tunay ngang kasuklam-suklam sa paningin ni Allah na kayo ay nagsasalita (ng mga bagay) na hindi ninyo tinutupad (ginagawa)
4إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الَّذِينَ يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِهِ صَفًّا كَأَنَّهُم بُنْيَانٌ مَّرْصُوصٌ
Katotohanang si Allah ay nagmamahal sa mga tao na nakikipaglaban dahil sa Kanyang Kapakanan, (sa mga hanay) na sama-sama sa digmaan, na tila bang sila ay mga matitibay na moog na nasesementuhan
5وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ لِمَ تُؤْذُونَنِي وَقَد تَّعْلَمُونَ أَنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ ۖ فَلَمَّا زَاغُوا أَزَاغَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ
At (alalahanin), nang si Moises ay nagbadya sa kanyang pamayanan: “o aking pamayanan! Bakit kayo ay hindi tumatalima sa akin, bagama’t nababatid ninyo ng may katiyakan na ako ay Tagapagbalita ni Allah na ipinadala sa inyo?” Kaya’t nang sila ay napaligaw sa kamalian, ay hinayaan ni Allah na ang kanilang puso ay mapaligaw (sa Kanyang landas) sapagkat si Allah ay hindi namamatnubay sa Fasiqun (mga naghihimagsik sa pagsuway)
6وَإِذْ قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ إِنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُم مُّصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيَّ مِنَ التَّوْرَاةِ وَمُبَشِّرًا بِرَسُولٍ يَأْتِي مِن بَعْدِي اسْمُهُ أَحْمَدُ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُم بِالْبَيِّنَاتِ قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ مُّبِينٌ
At (alalahanin) nang si Hesus, ang anak ni Maria, ay nagbadya: “o Angkan ng Israel! Ako ay isang Tagapagbalita ni Allah na ipinadala sa inyo, na nagpapatotoo sa Torah (mga Batas) na ipinadala (sa inyo) nang una pa sa akin, at nagbibigay sa inyo ng masayang balita ng isang Tagapagbalita na susunod sa akin, ang pangalang itatawag sa kanya ay Ahmad (alalaong baga, ang ibang pangalan ni Propeta Muhammad at ang literal na kahulugan nito [Ahmad] ay “siya na nagpupuri kay Allah ng higit pa sa iba”). Datapuwa’t nang siya (Ahmad) ay pumaroon sa kanila na may mga Maliwanag na Katibayan, sila ay nagsipagsabi: “Ito ay isang maliwanag na salamangka!”
As-SaffTalaan ng Quran
14Talata
MedinanRevelation
4Talata

Salin — As-Saff 4

Surah As-Saff Talata 4 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Katotohanang si Allah ay nagmamahal sa mga tao na nakikipaglaban…

Surah Talata 4/14 — As-Saff الصف (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: As-Saff Pakinggan, As-Saff Salin, As-Saff mp3, As-Saff pdf. Talata 2–6. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers