Al-A'raf · 86/206
Salin Transliterasyon — Al-A'raf
وَلَا تَقْعُدُوا بِكُلِّ صِرَاطٍ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِهِ وَتَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ كُنتُمْ قَلِيلًا فَكَثَّرَكُمْ ۖ وَانظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ ۝٨٦
Wa laa taq`udoo bikulli siraatin too`idoona wa tasuddoona `an sabeelil laahi man aamana bihee wa abghoonahaa `iwajaa; waz kurooo iz kuntum qaleelan fakassarakum wanzuroo kaifa kaana `aaqibatul mufsideen
📖 Sa Filipino
At huwag maupo sa bawat daan, na nananakot at humahadlang tungo sa Landas ni Allah, sa mga sumasampalataya sa Kanya, at naghahanap na ito ay gawing baluktot. At alalahanin nang kayo ay iilan lamang, at Kanyang pinarami kayo. At pagmalasin kung ano ang kinahinatnan ng Mufsidun (mga buktot, tampalasan, buhong, sinungaling, atbp)
🎧 Pakinggan

📜 Talata 84-88 — Al-A'raf

84وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِم مَّطَرًا ۖ فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ
At nagpaulan Kami sa kanila ng ulan (ng mga bato). At pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp)
85وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُم بَيِّنَةٌ مِّن رَّبِّكُمْ ۖ فَأَوْفُوا الْكَيْلَ وَالْمِيزَانَ وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ
At (sa pamayanan) ng Madyan (Midian) ay (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Shu’aib. Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah, wala na kayong iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. (La ilaha ill Allah: wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Katotohanang isang maliwanag na Katibayan (Tanda) mula sa inyong Panginoon ang dumatal sa inyo; kaya’t magbigay ng tamang sukat at hustong timbang at huwag ipahamak sa kamalian ang mga tao sa kanilang mga bagay-bagay (na gawain), at huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan matapos na ito ay maitalaga sa ayos, ito ay higit na mainam sa inyo kung kayo ay sumasampalataya
86وَلَا تَقْعُدُوا بِكُلِّ صِرَاطٍ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِهِ وَتَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ كُنتُمْ قَلِيلًا فَكَثَّرَكُمْ ۖ وَانظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ
At huwag maupo sa bawat daan, na nananakot at humahadlang tungo sa Landas ni Allah, sa mga sumasampalataya sa Kanya, at naghahanap na ito ay gawing baluktot. At alalahanin nang kayo ay iilan lamang, at Kanyang pinarami kayo. At pagmalasin kung ano ang kinahinatnan ng Mufsidun (mga buktot, tampalasan, buhong, sinungaling, atbp)
87وَإِن كَانَ طَائِفَةٌ مِّنكُمْ آمَنُوا بِالَّذِي أُرْسِلْتُ بِهِ وَطَائِفَةٌ لَّمْ يُؤْمِنُوا فَاصْبِرُوا حَتَّىٰ يَحْكُمَ اللَّهُ بَيْنَنَا ۚ وَهُوَ خَيْرُ الْحَاكِمِينَ
At kung mayroong isang pangkat sa inyo na naniniwala sa ipinahayag sa akin at isang pangkat na hindi sumasampalataya, kayo ay maging matiyaga hanggang si Allah ay humatol sa pagitan natin, at Siya ang Pinakamahusay sa lahat ng Hukom.”
88۞ قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِن قَوْمِهِ لَنُخْرِجَنَّكَ يَا شُعَيْبُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَكَ مِن قَرْيَتِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۚ قَالَ أَوَلَوْ كُنَّا كَارِهِينَ
Ang mga pinuno ng mga palalo sa lipon ng kanyang pamayanan ay nagsabi: “Katiyakang ikaw ay aming itataboy, O Shu’aib, at sila na naniniwala sa iyo mula sa aming bayan, kung hindi, kayong (lahat) ay magbabalik sa aming relihiyon.” Siya (Shu’aib) ay nagsabi: “Kahit na ito ay aming kinasusuklaman
Al-A'rafTalaan ng Quran
206Talata
MeccanRevelation
86Talata

Salin — Al-A'raf 86

Surah Al-A'raf Talata 86 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : At huwag maupo sa bawat daan, na nananakot at humahadlang…

Surah Talata 86/206 — Al-A'raf الأعراف (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-A'raf Pakinggan, Al-A'raf Salin, Al-A'raf mp3, Al-A'raf pdf. Talata 84–88. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers