Surah Az-Zukhruf with Filipino

  1. Surah mp3
  2. More
  3. Filipino
The Holy Quran | Quran translation | Language Filipino | Surah Zukhruf | الزخرف - Ayat Count 89 - The number of the surah in moshaf: 43 - The meaning of the surah in English: The Gold Adornments.

حم(1)

 Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)

وَالْكِتَابِ الْمُبِينِ(2)

 Sa pamamagitan ng hayag naAklat na nagsasaad na maging maliwanag ang lahat ng bagay (ang Qur’an)

إِنَّا جَعَلْنَاهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لَّعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ(3)

 Katotohanang Aming ginawa ang Qur’an sa (wikang) Arabik upang inyong maunawaan (ang kanyang kahulugan at kanyang mga paala- ala)

وَإِنَّهُ فِي أُمِّ الْكِتَابِ لَدَيْنَا لَعَلِيٌّ حَكِيمٌ(4)

 At katotohanang ito (Qur’an) ay nasa Ina ng Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz), sa Aming harapan, at katiyakang Mataas sa Karangalan at Tigib sa Karunungan

أَفَنَضْرِبُ عَنكُمُ الذِّكْرَ صَفْحًا أَن كُنتُمْ قَوْمًا مُّسْرِفِينَ(5)

 Hindi baga Namin (kayo paaalalahanan) at Aming kukunin ang Paala-ala (Qur’an) sa inyo sapagkat kayo ay mga tao na Musrifun (mga lumampas sa lahat ng hangganan ng pagsuway bilang mga mapagsamba sa mga diyus- diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, makasalanan, atbp)

وَكَمْ أَرْسَلْنَا مِن نَّبِيٍّ فِي الْأَوَّلِينَ(6)

 At ilan na nga ba ang propeta na Aming isinugo sa mga tao noon pang una

وَمَا يَأْتِيهِم مِّن نَّبِيٍّ إِلَّا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ(7)

 At walang sinumang propeta ang dumatal sa kanila na hindi nila pinagtawanan at tinuya

فَأَهْلَكْنَا أَشَدَّ مِنْهُم بَطْشًا وَمَضَىٰ مَثَلُ الْأَوَّلِينَ(8)

 Kaya’t Aming winasak ang mga tao, na higit ang lakas kaysa rito; at ito ang halimbawa ng mga pumanaw na noon pang una (bago pa sa kanila)

وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ الْعَزِيزُ الْعَلِيمُ(9)

 At katiyakang kung sila ay inyong tatanungin, “Sino ang lumikha ng kalangitan at kalupaan?” Tunay nga nilang sasabihin: “Ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman ang lumikha sa kanila.”

الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ مَهْدًا وَجَعَلَ لَكُمْ فِيهَا سُبُلًا لَّعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ(10)

 Na Siyang lumikha sa kalupaan na tila higaan (nakalatag), at gumawa sa inyo rito ng mga daan (at landas) upang kayo ay makatagpo ng patnubay (sa pagtahak)

وَالَّذِي نَزَّلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً بِقَدَرٍ فَأَنشَرْنَا بِهِ بَلْدَةً مَّيْتًا ۚ كَذَٰلِكَ تُخْرَجُونَ(11)

 Na nagpapamalisbis (sa tuwi- tuwina) ng ulan mula sa alapaap sa ganap na sukat; at Aming pinasigla sa pagkabuhay ang lupaing tigang; sa gayunding paraan, kayo ay ibabangon (mula sa mga patay)

وَالَّذِي خَلَقَ الْأَزْوَاجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ الْفُلْكِ وَالْأَنْعَامِ مَا تَرْكَبُونَ(12)

 At Siyang lumikha ng lahat ng bagay na may katambal (kapares), at gumawa sa inyo ng mga barko at hayupan na inyong masasakyan

لِتَسْتَوُوا عَلَىٰ ظُهُورِهِ ثُمَّ تَذْكُرُوا نِعْمَةَ رَبِّكُمْ إِذَا اسْتَوَيْتُمْ عَلَيْهِ وَتَقُولُوا سُبْحَانَ الَّذِي سَخَّرَ لَنَا هَٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُ مُقْرِنِينَ(13)

 Upang kayo ay makaupo nang matatag at lapat sa kanilang mga likod, at kung kayo ay nakaupo na, ay inyong maaala-ala ang (magandang) biyaya ng inyong Panginoon, at magsasabi: “Luwalhatiin Siya na nagbigay sa mga ito na mapailalim sa aming kapamahalaan, para sa aming (gamit), sapagkat ito ay hindi kailanman namin makakamtan (sa aming mga gawa)

وَإِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنقَلِبُونَ(14)

 At katotohanang sa Aming Panginoon, katiyakang kami ay magbabalik!”

وَجَعَلُوا لَهُ مِنْ عِبَادِهِ جُزْءًا ۚ إِنَّ الْإِنسَانَ لَكَفُورٌ مُّبِينٌ(15)

 Datapuwa’t sila ay nag-aakibat sa ilan sa Kanyang mga alipin ng katambal sa Kanya (sa pagsasabi na Siya ay may anak o mga supling at nagtuturing sa kanila bilang mga karibal sa pagsamba sa Kanya). Katotohanan, ang tao ay maliwanag na walang pasasalamat

أَمِ اتَّخَذَ مِمَّا يَخْلُقُ بَنَاتٍ وَأَصْفَاكُم بِالْبَنِينَ(16)

 Ano! Siya ba ay kumuha ng mga anak na babae mula sa bagay na Siya sa Kanyang Sarili ang lumikha, at pumili para sa inyo ng mga anak na lalaki

وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحْمَٰنِ مَثَلًا ظَلَّ وَجْهُهُ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ(17)

 At kung ang isa sa kanila ay makatanggap ng balita (ng pagsilang) ng isa sa kanilang inihahalintulad sa Pinakamagbigay (Allah) {tulad ng isang batang babae}, ang kanyang mukha ay nagdidilim, nalulumbay, at siya ay napupuspos ng kapighatian

أَوَمَن يُنَشَّأُ فِي الْحِلْيَةِ وَهُوَ فِي الْخِصَامِ غَيْرُ مُبِينٍ(18)

 (Inihahalintulad baga nila kay Allah) ang isang nilikha na pinalaki sa pagsusuot ng mga palamuti (alalaong baga, ang mga babae), na sa isang pagtatalo ay hindi makapagbigay nang malinaw na pagsusulit sa kanyang sarili

وَجَعَلُوا الْمَلَائِكَةَ الَّذِينَ هُمْ عِبَادُ الرَّحْمَٰنِ إِنَاثًا ۚ أَشَهِدُوا خَلْقَهُمْ ۚ سَتُكْتَبُ شَهَادَتُهُمْ وَيُسْأَلُونَ(19)

 At itinuturing nila ang mga anghel, na sila sa kanilang sarili ay alipin ng Pinakamapagbigay (Allah); na mga babae. Napagmalas ba nila ang kanilang pagkalikha? Ang kanilang katibayan ay itatala, at sila ay tatanungin upang magsulit

وَقَالُوا لَوْ شَاءَ الرَّحْمَٰنُ مَا عَبَدْنَاهُم ۗ مَّا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ(20)

 (Ah!) Sila ay nagsasabi: “Kung ito ang naging Kalooban ng Pinakamapagbigay (Allah), hindi sana natin sinamba (ang huwad na mga diyus-diyosan). Sa ganito, sila ay walang anumang kaalaman! wala silang ginagawa kundi ang kasinungalingan

أَمْ آتَيْنَاهُمْ كِتَابًا مِّن قَبْلِهِ فَهُم بِهِ مُسْتَمْسِكُونَ(21)

 Ano? Sila ba ay pinagkalooban Namin ng Aklat bago pa rito (sa Qur’an), na kanilang pinanananganan

بَلْ قَالُوا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِم مُّهْتَدُونَ(22)

 Hindi! Sila ay nagsasabi: “Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa isang tanging paraan at paniniwala, at aming pinatnubayan ang aming sarili sa kanilang mga yapak.”

وَكَذَٰلِكَ مَا أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ فِي قَرْيَةٍ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتْرَفُوهَا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِم مُّقْتَدُونَ(23)

 At gayundin naman, Kami ay hindi nagsugo ng isang Tagapagbabala bago pa sa iyo (o Muhammad) sa anumang bayan (pamayanan), na ang mga maalwan sa lipon nila ay hindi nagsabi ng ganito: “Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa isang tanging paraan ng pananalig, at walang pagsala na aming susundin ang kanilang mga yapak.”

۞ قَالَ أَوَلَوْ جِئْتُكُم بِأَهْدَىٰ مِمَّا وَجَدتُّمْ عَلَيْهِ آبَاءَكُمْ ۖ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلْتُم بِهِ كَافِرُونَ(24)

 (Ang tagapagbabala) ay nagsabi: “Kahit na magdala ako sa inyo ng higit na mainam na patnubay kaysa sa natagpuan ninyong sinusunod ng inyong mga ninuno?” Sila ay nagsabi: “Katotohanang kami ay hindi nananalig sa mga bagay na ipinadala sa iyo.”

فَانتَقَمْنَا مِنْهُمْ ۖ فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ(25)

 Kaya’t Kami ay naningil ng ganti sa kanila, ngayon, inyong pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtakwil (sa katotohanan, sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)

وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ إِنَّنِي بَرَاءٌ مِّمَّا تَعْبُدُونَ(26)

 Pagmasdan! Nang si Abraham ay nagsabi sa kanyang amaatsakanyangpamayanan:“Katotohanangakoaywalang kinalaman sa anumang inyong sinasamba

إِلَّا الَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُ سَيَهْدِينِ(27)

 Maliban sa Kanya(natangikolamangsinasamba), nalumikhasaakin, at walang pagsala na ako ay Kanyang gagabayan.”

وَجَعَلَهَا كَلِمَةً بَاقِيَةً فِي عَقِبِهِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ(28)

 At iniwan niya ang Salita (La ilaha ill Allah, Wala ng iba pang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), isang Salita na mananatili sa kanyang mga lahi na susunod sa kanya (ito ay ang pananalig sa tunay na Kaisahan ni Allah), upang sila ay magsipagbalik loob (sa pagsisisi at tumanggap ng paala-ala mula kay Allah)

بَلْ مَتَّعْتُ هَٰؤُلَاءِ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ جَاءَهُمُ الْحَقُّ وَرَسُولٌ مُّبِينٌ(29)

 Hindi! Datapuwa’t Ako (Allah) ay nagbigay ng magagandang bagay sa buhay na ito sa kanila (mga mapagsamba sa diyus-diyosan) at sa kanilang mga ninuno upang maging maligaya, hanggang sa dumatal sa kanila ang Katotohanan (Qur’an), at ng isang Tagapagbalita (Muhammad) upang magbigay paliwanag sa mga bagay-bagay

وَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ وَإِنَّا بِهِ كَافِرُونَ(30)

 At nang ang Katotohanan (Qur’an) ay dumatal sa kanila, ang (mga hindi sumasampalataya sa Qur’an) ay nagsabi: “Ito ay isang salamangka, at kami ay hindi naniniwala rito.”

وَقَالُوا لَوْلَا نُزِّلَ هَٰذَا الْقُرْآنُ عَلَىٰ رَجُلٍ مِّنَ الْقَرْيَتَيْنِ عَظِيمٍ(31)

 At sila ay nagsasabi: “Bakit kaya ang Qur’an na ito ay hindi ipinanaog sa ilang dakilang lalaki ng dalawang bayan (Makkah at Taif)

أَهُمْ يَقْسِمُونَ رَحْمَتَ رَبِّكَ ۚ نَحْنُ قَسَمْنَا بَيْنَهُم مَّعِيشَتَهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَرَفَعْنَا بَعْضَهُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجَاتٍ لِّيَتَّخِذَ بَعْضُهُم بَعْضًا سُخْرِيًّا ۗ وَرَحْمَتُ رَبِّكَ خَيْرٌ مِّمَّا يَجْمَعُونَ(32)

 Sila baga ang naghahati- hati sa Habag ng iyong Panginoon? Kami (Allah) ang naghahati-hati sa gitna nila ng kanilang ikabubuhay sa mundong ito, at Aming itinaas ang iba sa kanila sa hanay (katatayuan), upang ang iba ay mabigyan nila ng gawain sa kanilang hanapbuhay. Datapuwa’t ang Habag (Paraiso) ng iyong Panginoon (o Muhammad) ay higit na mainam (sa kayamanan ng mundong ito) na kanilang natipon

وَلَوْلَا أَن يَكُونَ النَّاسُ أُمَّةً وَاحِدَةً لَّجَعَلْنَا لِمَن يَكْفُرُ بِالرَّحْمَٰنِ لِبُيُوتِهِمْ سُقُفًا مِّن فِضَّةٍ وَمَعَارِجَ عَلَيْهَا يَظْهَرُونَ(33)

 At kung hindi lamang na ang sangkatauhan ay hahantong sa pagiging isang pamayanan (lahat ng mga hindi sumasampalataya na naghahangad sa makamundong buhay lamang), Amin sanang pagkakalooban ang mga hindi sumasampalataya sa Pinakamapagbigay (Allah) ng pilak na mga bubong para sa kanilang bahay, at (pilak) na mga hagdan upang sila ay makapanhik

وَلِبُيُوتِهِمْ أَبْوَابًا وَسُرُرًا عَلَيْهَا يَتَّكِئُونَ(34)

 At ng (pilak) na mga pintuan para sa kanilang bahay, at ng mga diban at luklukan (na yari sa pilak) upang kanilang pagpahingalayan

وَزُخْرُفًا ۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَالْآخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلْمُتَّقِينَ(35)

 At gayundin ng mga palamuting ginto. Magkagayunman, ang lahat ng ito (alalaong baga, ang mga bubong, pinto, hagdan, luklukan, atbp.) ay walang saysay maliban sa isang pagsasaya sa pangkasalukuyang buhay sa mundong ito. Ang Kabilang Buhay sa Paningin ng inyong Panginoon ay para sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na nangangamba kay Allah nang labis at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah nang higit at nagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos)

وَمَن يَعْشُ عَن ذِكْرِ الرَّحْمَٰنِ نُقَيِّضْ لَهُ شَيْطَانًا فَهُوَ لَهُ قَرِينٌ(36)

 At kung sinuman ang tumalikod sa pag-aala-ala sa Pinakamapagbigay (Allah), Kami ay nagtalaga sa kanya ng demonyo (Satanas) upang kanyang maging Qarin (matalik na kasama)

وَإِنَّهُمْ لَيَصُدُّونَهُمْ عَنِ السَّبِيلِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُم مُّهْتَدُونَ(37)

 At katotohanan, sila (na mga demonyo) ang humahadlang sa kanila sa Landas (ni Allah), datapuwa’t napag-aakala nila na sila ay tunay na napapatnubayan

حَتَّىٰ إِذَا جَاءَنَا قَالَ يَا لَيْتَ بَيْنِي وَبَيْنَكَ بُعْدَ الْمَشْرِقَيْنِ فَبِئْسَ الْقَرِينُ(38)

 At sa kalaunan, kung (siya na ganoon) ay lumapit sa Amin, siya ay nagsasabi (sa kanyang Qarin o masamang kasama): “Sana ang naging pagitan nating dalawa ay katulad ng pagkakalayo ng Silangan at Kanluran.” (Sa sandali nang pakikipagharap kay Allah o sa oras ng Paghuhukom, ang nalinlang na kaluluwa ay makakakita sa katotohanan at maghahangad na sana ay malayo siya kay Satanas). Ah! (Tunay) ngang masamang (uri) ng kasama

وَلَن يَنفَعَكُمُ الْيَوْمَ إِذ ظَّلَمْتُمْ أَنَّكُمْ فِي الْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ(39)

 walang magiging kapakinabangan sa iyo sa Araw na ito (o ikaw na tumalikod sa pag-aala-ala kay Allah at sa pagsamba sa Kanya, atbp.), sapagkat ikaw ay nakagawa ng kabuktutan, at sa Araw na ito, ikaw (at ang iyong mga Qarin, masamang mga kasama) ay magiging kabahagi sa kaparusahan

أَفَأَنتَ تُسْمِعُ الصُّمَّ أَوْ تَهْدِي الْعُمْيَ وَمَن كَانَ فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(40)

 Ikaw ba (o Muhammad) ay makakagawa na makarinig ang bingi, o iyong mabigyan ng patnubay ang bulag o siya kaya na namamayagpag sa malaking kamalian

فَإِمَّا نَذْهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنْهُم مُّنتَقِمُونَ(41)

 At kahit na ikaw (o Muhammad) ay Aming kunin, katotohanang Kami ay maghihiganti laban sa kanila

أَوْ نُرِيَنَّكَ الَّذِي وَعَدْنَاهُمْ فَإِنَّا عَلَيْهِم مُّقْتَدِرُونَ(42)

 o (kung) Aming ipamamalas sa iyo kung ano ang Aming banta (ipinangako) sa kanila, kung gayon, katotohanang Kami ang may ganap na pag-uutos (kapangyarihan) laban sa kanila

فَاسْتَمْسِكْ بِالَّذِي أُوحِيَ إِلَيْكَ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُّسْتَقِيمٍ(43)

 Kaya’t ikaw ay manangan (o Muhammad) nang taimtim sa kapahayagan na Aming ipinadala sa iyo. Katotohanang ikaw ay nasa isang Tuwid na Landas

وَإِنَّهُ لَذِكْرٌ لَّكَ وَلِقَوْمِكَ ۖ وَسَوْفَ تُسْأَلُونَ(44)

 At katotohanan, (ang Qur’an) ay katiyakang Paala-ala sa iyo (O Muhammad) at sa iyong pamayanan (mga Quraish at iyong mga tagasunod); at hindi magtatagal, kayong lahat ay itatambad upang magsulit

وَاسْأَلْ مَنْ أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ مِن رُّسُلِنَا أَجَعَلْنَا مِن دُونِ الرَّحْمَٰنِ آلِهَةً يُعْبَدُونَ(45)

 At iyong tanungin (o Muhammad) ang Aming mga Tagapagbalita na Aming isinugo nang una pa sa iyo: “Kami (Allah) baga ay nagtalaga ng anumang mga diyos tangi pa sa Pinakamapagbigay (Allah) upang sambahin?”

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ الْعَالَمِينَ(46)

 At katotohanang isinugo Namin si Moises na taglay ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) kay Paraon at sa kanyang mga pinuno (na nag-aanyaya sa Islam, ang relihiyon ni Allah). Siya (Moises) ay nagsabi: “Katotohanang ako ay Tagapagbalita ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang.”

فَلَمَّا جَاءَهُم بِآيَاتِنَا إِذَا هُم مِّنْهَا يَضْحَكُونَ(47)

 Datapuwa’t nang sila (Moises at Aaron) ay pumaroon sa kanila na taglay ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), pagmalasin, sila ay nagtawa sa kanila

وَمَا نُرِيهِم مِّنْ آيَةٍ إِلَّا هِيَ أَكْبَرُ مِنْ أُخْتِهَا ۖ وَأَخَذْنَاهُم بِالْعَذَابِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ(48)

 Kami (Allah) ay nagpamalas sa kanila ng Ayat (mga tanda, atbp.) sa tuwi-tuwina, na higit na dakila kaysa sa kanilang kasama; at Aming sinakmal sila ng kaparusahan upang sila ay tumalikod (sa pagsamba sa mga diyus-diyosan) at magbalik loob (sa Amin)

وَقَالُوا يَا أَيُّهَ السَّاحِرُ ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ إِنَّنَا لَمُهْتَدُونَ(49)

 At sila ay nagsabi (kay Moises): “o ikaw na manggagaway! Tawagan mo ang iyong Panginoon para sa amin ng ayon sa Kanyang kasunduan sa iyo; katotohanang kami ay tatanggap ng patnubay.”

فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الْعَذَابَ إِذَا هُمْ يَنكُثُونَ(50)

 Datapuwa’t nang Aming palisin ang kaparusahan sa kanila, pagmasdan, sila ay sumira sa kanilang salita (na sila ay mananampalataya kung Aming ibsan ang kaparusahan sa kanila)

وَنَادَىٰ فِرْعَوْنُ فِي قَوْمِهِ قَالَ يَا قَوْمِ أَلَيْسَ لِي مُلْكُ مِصْرَ وَهَٰذِهِ الْأَنْهَارُ تَجْرِي مِن تَحْتِي ۖ أَفَلَا تُبْصِرُونَ(51)

 At si Paraon ay nagpahayag sa kanyang pamayanan, na nagsasabi: “O aking pamayanan! Hindi baga ang pamamahala sa Ehipto ay tangi lamang sa akin, at sa mga ilog na nagsisidaloy sa ilalim (ng aking kinatatayuan). Hindi baga ninyo napagmamalas

أَمْ أَنَا خَيْرٌ مِّنْ هَٰذَا الَّذِي هُوَ مَهِينٌ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ(52)

 Hindi baga ako ay higit na mainam sa kanya (Moises), siya na Mahin (walang dangal at hindi iginagalang, mahina at kasuklam-suklam), at halos hindi makapangusap sa kanyang sarili nang maliwanag?”

فَلَوْلَا أُلْقِيَ عَلَيْهِ أَسْوِرَةٌ مِّن ذَهَبٍ أَوْ جَاءَ مَعَهُ الْمَلَائِكَةُ مُقْتَرِنِينَ(53)

 “ Bakit kaya hindi siya ginawaran ng mga gintong pulseras o di kaya ang mga anghel ay pinasama sa kanya?”

فَاسْتَخَفَّ قَوْمَهُ فَأَطَاعُوهُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ(54)

 Sa ganito nilinlang at iniligaw (ni Paraon) ang kanyang pamayanan, at sila ay sumunod sa kanya. Katotohanang sila ay Fasiqun (mga tao na palasuway at mapaghimagsik kay Allah)

فَلَمَّا آسَفُونَا انتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَاهُمْ أَجْمَعِينَ(55)

 Kaya’t nang kanilang pinagalit Kami, Aming pinarusahan sila at nilunod silang lahat

فَجَعَلْنَاهُمْ سَلَفًا وَمَثَلًا لِّلْآخِرِينَ(56)

 At Aming ginawa silang halintulad (bilang aral sa mga susunod na henerasyon pagkatapos nila) at bilang halimbawa sa mga darating na henerasyon

۞ وَلَمَّا ضُرِبَ ابْنُ مَرْيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوْمُكَ مِنْهُ يَصِدُّونَ(57)

 At nang ang anak ni Maria ay hinirang na isang halimbawa (alalaong baga, si Hesus ay sinasamba na tulad ng kanilang mga diyus-diyosan), pagmasdan!, ang iyong mga tao ay nagkakamayaw (sa pagtatawa)

وَقَالُوا أَآلِهَتُنَا خَيْرٌ أَمْ هُوَ ۚ مَا ضَرَبُوهُ لَكَ إِلَّا جَدَلًا ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ خَصِمُونَ(58)

 At nagsasabi: “Ang aming mga diyos baga ay higit na mainam o siya kaya (Hesus)? Inihahalintulad lamang nila ito hindi sa anupaman liban sa pagtatalo-talo. Hindi! Sila ay mga palaaway na tao

إِنْ هُوَ إِلَّا عَبْدٌ أَنْعَمْنَا عَلَيْهِ وَجَعَلْنَاهُ مَثَلًا لِّبَنِي إِسْرَائِيلَ(59)

 Siya (Hesus) ay hindi hihigit pa sa isang alipin. Aming iginawad ang Aming paglingap sa kanya at Aming ginawa siyang halimbawa sa Angkan ng Israel (alalaong baga, siya ay nilikha na walang ama)

وَلَوْ نَشَاءُ لَجَعَلْنَا مِنكُم مَّلَائِكَةً فِي الْأَرْضِ يَخْلُفُونَ(60)

 At kung ito lamang ay Aming Kalooban, magagawa Namin (na wasakin kayong lahat na mga tao) at ipalit sa inyo ang mga anghel dito sa kalupaan

وَإِنَّهُ لَعِلْمٌ لِّلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا وَاتَّبِعُونِ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُّسْتَقِيمٌ(61)

 At siya (Hesus, na anak ni Maria) ay magiging isang Tanda (sa pagdating) ng oras (Araw ng Muling Pagkabuhay; [na si Hesus ay mananaog sa lupa bago dumatal ito]), kaya’t huwag kayong mag-alinlangan (sa Oras), datapuwa’t Ako ay inyong sundin; ito ang Tuwid na Landas (tungo kay Allah at sa Paraiso)

وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ الشَّيْطَانُ ۖ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُّبِينٌ(62)

 Huwag ninyong hayaan si Satanas na humadlang sa inyo (sa Tamang Pananalig). Katotohanang siya sa inyo ay isang lantad na kaaway

وَلَمَّا جَاءَ عِيسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ قَالَ قَدْ جِئْتُكُم بِالْحِكْمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُم بَعْضَ الَّذِي تَخْتَلِفُونَ فِيهِ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(63)

 Nang si Hesus ay dumatal na may Maliwanag na mga Katibayan (mula sa Amin), siya ay nagsabi: “Ako ay dumatal sa inyo na may Hikmah (karunungan ng isang propeta), upang aking gawing maliwanag sa inyo ang ilan (sa mga bagay-bagay) na inyong pinagtatalunan; kaya’t inyong pangambahan si Allah at ako ay inyong sundin.”

إِنَّ اللَّهَ هُوَ رَبِّي وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُّسْتَقِيمٌ(64)

 “Katotohanang si Allah, Siya ang aking Panginoon at inyong Panginoon; kaya’ttanging Siyaanginyongsambahin; ito (lamang) ang Matuwid na Landas.”

فَاخْتَلَفَ الْأَحْزَابُ مِن بَيْنِهِمْ ۖ فَوَيْلٌ لِّلَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْ عَذَابِ يَوْمٍ أَلِيمٍ(65)

 Datapuwa’t ang mga sekta sa pagitan nila ay nabulid sa hindi pagkakasundo- sundo; kaya’t kasawian sa mga gumagawa ng kamalian (sa pamamagitan ng pagtuturing ng mga bagay kay Hesus na walang katotohanan) mula sa kaparusahan ng kahindik- hindik na Araw (ang Araw ng Muling Pagkabuhay)

هَلْ يَنظُرُونَ إِلَّا السَّاعَةَ أَن تَأْتِيَهُم بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(66)

 Sila baga’y nagsisipaghintay lamang sa Oras, na ito ay dumatal sa kanila nang kaginsa-ginsa, habang ito ay hindi nila napag-aakala

الْأَخِلَّاءُ يَوْمَئِذٍ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ إِلَّا الْمُتَّقِينَ(67)

 Ang mga magkakaibigan sa Araw na ito ay magiging magkaaway, ang bawa’t isa sa kanila; maliban sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga masasamang gawa at kasalanan at gumagawa ng kabutihan na ipinag-utos ni Allah)

يَا عِبَادِ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمُ الْيَوْمَ وَلَا أَنتُمْ تَحْزَنُونَ(68)

 (At dito ay ipagsusulit): “o Aking mga lingkod (tagapagsamba)! Sa Araw na ito ay walang pangangamba sa inyo, gayundin kayo ay hindi mamimighati

الَّذِينَ آمَنُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا مُسْلِمِينَ(69)

 (Kayo) na mga nagsisampalataya sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) at mga Muslim (buong ganap na nagsitalima sa kapasyahan at Kaisahan ni Allah at sa Islam)

ادْخُلُوا الْجَنَّةَ أَنتُمْ وَأَزْوَاجُكُمْ تُحْبَرُونَ(70)

 Magsipasok kayo sa Halamanan (Paraiso), kayo at ang inyong mga asawa, sa kaligayahan

يُطَافُ عَلَيْهِم بِصِحَافٍ مِّن ذَهَبٍ وَأَكْوَابٍ ۖ وَفِيهَا مَا تَشْتَهِيهِ الْأَنفُسُ وَتَلَذُّ الْأَعْيُنُ ۖ وَأَنتُمْ فِيهَا خَالِدُونَ(71)

 Sa buong paligid nila ay idudulot ang mga kubyertos at kopita na gawa sa ginto; (naroroong) lahat ang anumang bawat naisin ng kanilang kaluluwa, ang lahat ng bagay na magbibigay ligaya sa kanilang paningin; at kayo ay magsisipanahan dito magpakailanman

وَتِلْكَ الْجَنَّةُ الَّتِي أُورِثْتُمُوهَا بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(72)

 Ito ang Paraiso na itinakda sa inyo na inyong manahin dahilan sa inyong (mabubuting) gawa na ginawa ninyo (sa buhay sa mundong ito)

لَكُمْ فِيهَا فَاكِهَةٌ كَثِيرَةٌ مِّنْهَا تَأْكُلُونَ(73)

 Naririto sa inyo ang masaganang bungangkahoy na inyong kakainin (sa inyong maibigan)

إِنَّ الْمُجْرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَالِدُونَ(74)

 Katotohanan, ang Mujrimun (mga tampalasan, kriminal, makasalanan, walang pananalig kay Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Kanyang Propetang si Muhammad, buktot, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp.) ay nasa Kaparusahan ng Impiyerno upang manahan dito magpakailanman

لَا يُفَتَّرُ عَنْهُمْ وَهُمْ فِيهِ مُبْلِسُونَ(75)

 (Ang Kaparusahan) ay hindi magbabawa sa kanila, at sila ay ihuhulog sa pagkawasak na may matinding pagsisisi, kapighatian at kasawian at kawalang pag-asa

وَمَا ظَلَمْنَاهُمْ وَلَٰكِن كَانُوا هُمُ الظَّالِمِينَ(76)

 Kailanman ay hindi Kami nagbigay nang kamalian o naging di makatarungan sa kanila, datapuwa’t sila ay Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp)

وَنَادَوْا يَا مَالِكُ لِيَقْضِ عَلَيْنَا رَبُّكَ ۖ قَالَ إِنَّكُم مَّاكِثُونَ(77)

 Sila ay magsisitaghoy: “o Malik (ang Tagapagbantay ng Impiyerno)! Hayaan ang iyong Panginoon ay magbigay wakas sa amin!” Siya ay magsasabi: “Hindi, katotohanang kayo ay mananatili rito magpakailanman!”

لَقَدْ جِئْنَاكُم بِالْحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَكُمْ لِلْحَقِّ كَارِهُونَ(78)

 Tunay ngang inihayag Namin sa inyo ang Katotohanan (sa pagsusugo kay Muhammad na may taglay na Qur’an), datapuwa’t ang karamihan sa inyo ay nasusuklam sa Katotohanan

أَمْ أَبْرَمُوا أَمْرًا فَإِنَّا مُبْرِمُونَ(79)

 Ano! Sila ba ay nagsigawa ng ilang balakin (sa kanilang mga sarili)? Datapuwa’t Kami rin ay may balak

أَمْ يَحْسَبُونَ أَنَّا لَا نَسْمَعُ سِرَّهُمْ وَنَجْوَاهُم ۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيْهِمْ يَكْتُبُونَ(80)

 o napag- aakala baga nila na hindi Namin naririnig ang kanilang mga lihim at kanilang mga lingid na usapan at pagsasanggunian? Tunay nga (na Kami ay makakagawa), at ang Aming mga Tagapagbalita (mga itinakdang anghel sa sangkatauhan) ay nasa lipon nila upang magtala

قُلْ إِن كَانَ لِلرَّحْمَٰنِ وَلَدٌ فَأَنَا أَوَّلُ الْعَابِدِينَ(81)

 Ipagbadya (O Muhammad): “Kung ang Pinakamapagpala (Allah) ay may anak na lalaki, (o mga supling na inyong iniaakibat sa Kanya), kung gayon, ako ang magiging una sa mga sasamba sa Kanya (datapuwa’t Siya, si Allah ay walang anak na lalaki o mga supling, kaya’t ako ang unang nagtatatwa at sumasalansang ng inyong paniniwala at una sa mga sasampalataya sa Kanya lamang at magpapatotoo na Siya ay walang mga anak).”

سُبْحَانَ رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ(82)

 Kaluwalhatian sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at sa Panginoon ng Luklukan! Higit Siyang mataas sa lahat ng mga inihahalintulad (sa Kanya)

فَذَرْهُمْ يَخُوضُوا وَيَلْعَبُوا حَتَّىٰ يُلَاقُوا يَوْمَهُمُ الَّذِي يُوعَدُونَ(83)

 Kaya’t hayaan sila na mangusap ng walang katuturan at magsipaglaro hanggang sa kanilang sapitin ang kanilang Araw na sa kanila ay ipinangako

وَهُوَ الَّذِي فِي السَّمَاءِ إِلَٰهٌ وَفِي الْأَرْضِ إِلَٰهٌ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْعَلِيمُ(84)

 Siya (lamang, si Allah) ang tanging Ilah (diyos na dapat sambahin) sa kalangitan at Ilah (diyos na dapat sambahin) sa kalupaan; at Siya ay Tigib ng Karunungan at Puspos ng Kaalaman

وَتَبَارَكَ الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَعِندَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ(85)

 At kapuri-puri Siya na nag-aangkin ng lahat ng Kaharian sa kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, atnasa Kanyalamangangkaalamansa Oras, atsa Kanya kayong (lahat) ay magbabalik

وَلَا يَمْلِكُ الَّذِينَ يَدْعُونَ مِن دُونِهِ الشَّفَاعَةَ إِلَّا مَن شَهِدَ بِالْحَقِّ وَهُمْ يَعْلَمُونَ(86)

 At yaong mga sinasamba nila maliban sa Kanya ay walang anumang kapangyarihan upang makapamagitan; maliban sa kanila na nagbibigay saksi sa Katotohanan (alalaong baga, sumampalataya sa Kaisahan ni Allah, at sumunod sa Kanyang mga pag-uutos), at may ganap na kaalaman (tungkol sa katotohanan ng Kaisahan ni Allah)

وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَهُمْ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ(87)

 At kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang lumikha sa kanila, walang pagsala na kanilang sasabihin: “Si Allah.” Paano sila kung gayon naligaw (sa katotohanan at sa pagsamba kay Allah na Siyang lumikha sa kanila)

وَقِيلِهِ يَا رَبِّ إِنَّ هَٰؤُلَاءِ قَوْمٌ لَّا يُؤْمِنُونَ(88)

 (Si Allah ay may Kaalaman) sa panambitan (ni Propeta Muhammad) na nagsasabi: “o aking Panginoon, katotohanang sila ang mga tao na walang pananalig!”

فَاصْفَحْ عَنْهُمْ وَقُلْ سَلَامٌ ۚ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ(89)

 Kaya’t tumalikod ka (O Muhammad) sa kanila, at ikaw ay magsabi: “Salam (Kapayapaan)!” Subalit (hindi magtatagal) ay kanilang mapag-aalaman! [Ang pag-uutos sa Talatang ito ay pinawalang saysay sa pamamagitan ng mga pahayag ng mga Talata ng pakikipaglaban laban sa kanila, talatang 9:5 ng Qur’an]


More surahs in Filipino:


Al-Baqarah Al-'Imran An-Nisa'
Al-Ma'idah Yusuf Ibrahim
Al-Hijr Al-Kahf Maryam
Al-Hajj Al-Qasas Al-'Ankabut
As-Sajdah Ya Sin Ad-Dukhan
Al-Fath Al-Hujurat Qaf
An-Najm Ar-Rahman Al-Waqi'ah
Al-Hashr Al-Mulk Al-Haqqah
Al-Inshiqaq Al-A'la Al-Ghashiyah

Download surah Az-Zukhruf with the voice of the most famous Quran reciters :

surah Az-Zukhruf mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Az-Zukhruf Complete with high quality
surah Az-Zukhruf Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Az-Zukhruf Bandar Balila
Bandar Balila
surah Az-Zukhruf Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Az-Zukhruf Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Az-Zukhruf Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Az-Zukhruf Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Az-Zukhruf Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Az-Zukhruf Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Az-Zukhruf Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Az-Zukhruf Fares Abbad
Fares Abbad
surah Az-Zukhruf Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Az-Zukhruf Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Az-Zukhruf Al Hosary
Al Hosary
surah Az-Zukhruf Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Az-Zukhruf Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Wednesday, December 18, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب