ن ۚ وَالْقَلَمِ وَمَا يَسْطُرُونَ(1) Nun (titik Na). Sa pamamagitan ng Panulat at sa isinulat (ng mga anghel) sa (Talaan ng mga tao) |
مَا أَنتَ بِنِعْمَةِ رَبِّكَ بِمَجْنُونٍ(2) Ikaw nga (o Muhammad), sa pamamagitan ng biyaya ng iyong Panginoon ay hindi isang baliw |
وَإِنَّ لَكَ لَأَجْرًا غَيْرَ مَمْنُونٍ(3) Katotohanan na sasaiyo (O Muhammad), ang gantimpala na walang maliw |
وَإِنَّكَ لَعَلَىٰ خُلُقٍ عَظِيمٍ(4) At katotohanang ikaw (o Muhammad) aynag-aangkinngkapuri-puringasalatmataas na pamantayan ng pag-uugali |
فَسَتُبْصِرُ وَيُبْصِرُونَ(5) Hindi maglalaon na iyong mapagmamasdan at kanilang mapagmamasdan |
بِأَييِّكُمُ الْمَفْتُونُ(6) Kung sino sa inyo ang inaalihan ng pagkabaliw |
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِ وَهُوَ أَعْلَمُ بِالْمُهْتَدِينَ(7) Katotohanan, ang iyong Panginoon ang lubos na nakakaalam kung sino (sa karamihan ng mga tao) ang napaligaw sa Tamang Landas at lubos Niyang talastas kung sino sa inyo ang sumusunod sa Tamang Patnubay |
فَلَا تُطِعِ الْمُكَذِّبِينَ(8) Kaya’t huwag mong sundin (O Muhammad) ang mga nagtatatwa (sa Kaisahan ni Allah at nagpapabulaan sa Kanyang mga Talata, sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, atbp) |
وَدُّوا لَوْ تُدْهِنُ فَيُدْهِنُونَ(9) Ang kanilang hangarin ay pumayag ka na makipagkasundo sa kanila (sa pananampalataya mula sa iyong kagandahang loob), kaya’t sila (rin) ay makikipagkasundo sa iyo |
وَلَا تُطِعْ كُلَّ حَلَّافٍ مَّهِينٍ(10) At huwag mong dinggin ang mga tao na nanunumpa ng lubhang marami (sa kasinungalingan), at maipapalagay na walang halaga |
هَمَّازٍ مَّشَّاءٍ بِنَمِيمٍ(11) Na mapangwasak (sa katotohanan) at nagkakalat ng paninirang-puri |
مَّنَّاعٍ لِّلْخَيْرِ مُعْتَدٍ أَثِيمٍ(12) Na pumipigil sa mga kabutihan at lumalabag (sa utos) sa pagiging palalo, at nababalot ng mga kasalanan |
عُتُلٍّ بَعْدَ ذَٰلِكَ زَنِيمٍ(13) Marahas (at malupit), at sa lahat ng mga ito, ay may alinlangan sa pagkapanganak (anak sa labas) |
أَن كَانَ ذَا مَالٍ وَبَنِينَ(14) (Gayon siya), sapagkat siya ay nagtataglay ng mga kayamanan at maraming anak |
إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا قَالَ أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ(15) Na kung ang Aming mga Talata (ng Qur’an) ay ipinaparinig sa kanya, siya ay nagsasabi : “Mga kathang kuwento lamang ng mga tao ng panahong sinauna (lumipas)!” |
سَنَسِمُهُ عَلَى الْخُرْطُومِ(16) Tatatakan Namin ang kanyang ilong |
إِنَّا بَلَوْنَاهُمْ كَمَا بَلَوْنَا أَصْحَابَ الْجَنَّةِ إِذْ أَقْسَمُوا لَيَصْرِمُنَّهَا مُصْبِحِينَ(17) Katotohanang Aming sinubukan sila na katulad rin ng ginawa Naming pagsubok sa mga Tao ng Halamanan, nang sila ay magkaisa na kanilang pipitasin ang mga bunga (ng Halamanan) sa kinaumagahan |
وَلَا يَسْتَثْنُونَ(18) At sila ay hindi nag- aatubili (kung ito ang Kalooban ni Allah) |
فَطَافَ عَلَيْهَا طَائِفٌ مِّن رَّبِّكَ وَهُمْ نَائِمُونَ(19) At dumating (sa halamanan) ang isang pagdalaw ng inyong Panginoon (na may taglay na bagay, ang Apoy) nang kinagabihan at sumunog sa lahat ng palibot habang sila ay natutulog |
فَأَصْبَحَتْ كَالصَّرِيمِ(20) Kaya’t sa kinaumagahan, ang halamanan ay natulad sa nasalantang lugar at maitim, (na ang kanyang bunga ay natipon na) |
فَتَنَادَوْا مُصْبِحِينَ(21) At nang lumiwanag na (ang umaga), sila ay nagtawagan sa isa’t isa |
أَنِ اغْدُوا عَلَىٰ حَرْثِكُمْ إِن كُنتُمْ صَارِمِينَ(22) Na nagsasabi: “Kayo ay magsiparoon sa inyong bukirin kung nais ninyong anihin ang mga bunga.” |
فَانطَلَقُوا وَهُمْ يَتَخَافَتُونَ(23) Kaya’t sila ay nagsilakad na nagsasalitaan ng lihim sa isa’t-isa sa mahinang tinig (na nagsasabi) |
أَن لَّا يَدْخُلَنَّهَا الْيَوْمَ عَلَيْكُم مِّسْكِينٌ(24) Huwag hayaan ang sinumang mahirap na tao na makapasok sa (halamanan) sa araw na ito |
وَغَدَوْا عَلَىٰ حَرْدٍ قَادِرِينَ(25) At sinimulan nila ang umaga na may matibay na hangarin, na nag-aakala na sila ay may kapangyarihan (na hadlangan ang mahirap sa pagkuha ng anuman sa mga bunga nito) |
فَلَمَّا رَأَوْهَا قَالُوا إِنَّا لَضَالُّونَ(26) Ngunit nang kanilang mamasdan (ang halamanan), sila ay nagsipagsabi: “Katotohanang tayo ay napaligaw sa ating patutunguhan!” |
بَلْ نَحْنُ مَحْرُومُونَ(27) (At sila ay nagsabi): “Tunay ngang tayo ay pinagkaitan sa mga bunga (ng ating paghihirap)!” |
قَالَ أَوْسَطُهُمْ أَلَمْ أَقُل لَّكُمْ لَوْلَا تُسَبِّحُونَ(28) Ang pinakamagaling (makatarungan) sa kanila ay nagsabi: “Hindi ba aking tinuran sa inyo: Bakit hindi ninyo luwalhatiin si Allah?” |
قَالُوا سُبْحَانَ رَبِّنَا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ(29) At sila ay nagbadya: “Luwalhatiin ang ating Panginoon! Katotohanang kami ay naging Zalimun (mga mapaggawa ng kamalian, buktot, tampalasan)!” |
فَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَلَاوَمُونَ(30) At sila ay bumaling sa isa’t-isa na nagsasalita ng panunumbat |
قَالُوا يَا وَيْلَنَا إِنَّا كُنَّا طَاغِينَ(31) Na nagsasabi: “Kasawian sa atin! Tunay ngang tayo ay mga Taghub (mapaglabag sa kautusan at palasuway, atbp) |
عَسَىٰ رَبُّنَا أَن يُبْدِلَنَا خَيْرًا مِّنْهَا إِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا رَاغِبُونَ(32) Tayo ay umasam na mangyaring pahintulutan ng ating Panginoon na tayo ay pagkalooban Niya ng higit na mainam (na halamanan) kaysa rito. Katotohanang kami ay nagbalik- loob sa aming Panginoon (na naghahangad ng mabuti na Siya ay magpapatawad sa aming kasalanan at magbibigay ng gantimpala sa Kabilang Buhay).” |
كَذَٰلِكَ الْعَذَابُ ۖ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَكْبَرُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ(33) At ito ang kaparusahan (sa buhay na ito), datapuwa’t katotohanang higit na matindi ang kaparusahan sa Kabilang Buhay, kung kanila lamang nababatid |
إِنَّ لِلْمُتَّقِينَ عِندَ رَبِّهِمْ جَنَّاتِ النَّعِيمِ(34) Katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na may pagkatakot kay Allah at umiiwas sa lahat ng masama at kasalanan na Kanyang ipinagbawal, at nagmamahal sa Kanya ng labis), ay sasakanila ang Hardin ng Kaligayahan (Paraiso) sa harapan ng kanilang Panginoon |
أَفَنَجْعَلُ الْمُسْلِمِينَ كَالْمُجْرِمِينَ(35) Ituturing ba Namin na magkatulad ang mga sumasampalataya (mga Muslim) sa mga makasalanan (mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp) |
مَا لَكُمْ كَيْفَ تَحْكُمُونَ(36) Ano ang nagpapagulo (suliranin) sa inyo? Paano kayo humahatol |
أَمْ لَكُمْ كِتَابٌ فِيهِ تَدْرُسُونَ(37) At mayroon baga kayong Kasulatan na sa pamamagitan nito, kayo ay may mapag-aaralan |
إِنَّ لَكُمْ فِيهِ لَمَا تَخَيَّرُونَ(38) Na sa pamamagitan nito ay mapapasainyo ang anumang inyong piliin |
أَمْ لَكُمْ أَيْمَانٌ عَلَيْنَا بَالِغَةٌ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۙ إِنَّ لَكُمْ لَمَا تَحْكُمُونَ(39) o mayroon ba kayong Kasunduan sa Amin na (inyong) sinumpaan, na makakaabot sa Araw ng Paghuhukom (at magkakaloob) na inyong matatamasa ang anumang inyong hilingin |
سَلْهُمْ أَيُّهُم بِذَٰلِكَ زَعِيمٌ(40) Iyong tanungin sila (o Muhammad) kung alin sa kanila ang makakapanagot dito |
أَمْ لَهُمْ شُرَكَاءُ فَلْيَأْتُوا بِشُرَكَائِهِمْ إِن كَانُوا صَادِقِينَ(41) o mayroon ba silang mga katambal (sa Diyos)? Hayaang dalhin nila ang kanilang mga katambal (sa diyos), kung sila ay nagsasabi ng katotohanan |
يَوْمَ يُكْشَفُ عَن سَاقٍ وَيُدْعَوْنَ إِلَى السُّجُودِ فَلَا يَسْتَطِيعُونَ(42) (Alalahanin) ang Araw na ang lulod (alalaong baga, ang pagiging huwad) ay matatambad, at sila ay pag-uutusan na magpatirapa (kay Allah), datapuwa’t (sila na mapagkunwari) ay hindi makakagawa nito |
خَاشِعَةً أَبْصَارُهُمْ تَرْهَقُهُمْ ذِلَّةٌ ۖ وَقَدْ كَانُوا يُدْعَوْنَ إِلَى السُّجُودِ وَهُمْ سَالِمُونَ(43) Ang kanilang mga mata ay nakatuon sa lupa, at ang pagkaaba ay bumabalot sa kanila, sapagkat napagtanto nila (na sa buhay sa mundong ito), sila ay pinag-utusan na magpatirapa (sa pag-aalay ng panalangin), habang sila ay buo pa (malusog at mainam) at hindi nasasaktan (subalit sila ay hindi sumunod) |
فَذَرْنِي وَمَن يُكَذِّبُ بِهَٰذَا الْحَدِيثِ ۖ سَنَسْتَدْرِجُهُم مِّنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ(44) Kaya’t Ako ay hayaan ninyo na humarap sa kanila na nagpasinungaling sa Kapahayagang ito (ang Qur’an). Sila ay Aming parurusahan ng dahan-dahan sa lahat ng paraan na hindi nila napag-uunawa |
وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ(45) Ang mahabang pagkakataon (at palugit) ay Aking ipagkakaloob sa kanila. Katotohanan, ang Aking balak ay makapangyarihan |
أَمْ تَسْأَلُهُمْ أَجْرًا فَهُم مِّن مَّغْرَمٍ مُّثْقَلُونَ(46) o ikaw ba (o Muhammad) ay humingi ng ganting biyaya sa kanila, kaya’t sila ay nasadlak sa mabigat na pagkakautang |
أَمْ عِندَهُمُ الْغَيْبُ فَهُمْ يَكْتُبُونَ(47) o nasa kanila bang mga kamay ang susi ng Al-Ghaib (mga nalilingid na bagay), upang ito ay kanilang maisulat |
فَاصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ وَلَا تَكُن كَصَاحِبِ الْحُوتِ إِذْ نَادَىٰ وَهُوَ مَكْظُومٌ(48) Kaya’t maghintay ng may pagtitiyaga sa Pasya ng iyong Panginoon, at huwag matulad sa Kasamahan ng Isda, nang siya ay manikluhod (sa Amin) samantalang siya ay nasa matinding kapighatian. (Tunghayan ang Qur’an) |
لَّوْلَا أَن تَدَارَكَهُ نِعْمَةٌ مِّن رَّبِّهِ لَنُبِذَ بِالْعَرَاءِ وَهُوَ مَذْمُومٌ(49) Kung nangyaring ang Biyaya ng kanyang Panginoon ay hindi sumapit sa kanya, katotohanang siya (ay naiwan sa tiyan ng Isda, datapuwa’t Aming pinatawad siya), kaya’t siya ay itinapon sa hantad na dalampasigan habang siya ang dapat sisihin |
فَاجْتَبَاهُ رَبُّهُ فَجَعَلَهُ مِنَ الصَّالِحِينَ(50) Datapuwa’t pinili siya ng kanyang Panginoon at inihanay siya sa lipon ng mga matutuwid |
وَإِن يَكَادُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَيُزْلِقُونَكَ بِأَبْصَارِهِمْ لَمَّا سَمِعُوا الذِّكْرَ وَيَقُولُونَ إِنَّهُ لَمَجْنُونٌ(51) At katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya ay halos palagpasin ka ( o mabilis na makaraan) sa pamamagitan ng kanilang namumuhing mga mata kung kanilang napapakinggan ang Paala-ala (ang Babala, ang Qur’an) at sila ay nagsasabi: “Katotohanang siya (Muhammad) ay isang baliw!” |
وَمَا هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ لِّلْعَالَمِينَ(52) Datapuwa’t ito ay wala ng iba, maliban na isang Paala-ala sa lahat ng mga nilalang |