Duhan suresi çevirisi Filipince

  1. Suresi mp3
  2. Başka bir sure
  3. Filipince
Kuranı Kerim türkçe meali | Kur'an çevirileri | Filipince dili | Duhan Suresi | الدخان - Ayet sayısı 59 - Moshaf'taki surenin numarası: 44 - surenin ingilizce anlamı: The Smoke.

حم(1)

 Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)

وَالْكِتَابِ الْمُبِينِ(2)

 Sa pamamagitan ng lantad na Aklat (ang Qur’an), na nagbibigay kaliwanagan sa mga bagay

إِنَّا أَنزَلْنَاهُ فِي لَيْلَةٍ مُّبَارَكَةٍ ۚ إِنَّا كُنَّا مُنذِرِينَ(3)

 Ipinanaog Namin ito (ang Qur’an) sa pinagpalang Gabi (alalaong baga, ang Gabi ng Qadr, [sa buwan ng ramadhan, ang pangsiyam na buwan ng kalendaryong Islamiko]). Katotohanang Kami ay lagi nang nagbababala (sa sangkatauhan, na ang Aming Kaparusahan ay sasapit sa kanila na hindi nananalig sa Aming Kaisahan at pagiging Panginoon at sa Kaisahan ng PagsambasaAmin)

فِيهَا يُفْرَقُ كُلُّ أَمْرٍ حَكِيمٍ(4)

 dito(sanatatanging Gabi) ayitinakda ang lahat ng mga (pag-uutos) sa mga pangyayari (alalaong baga, lahat ng mga bagay tungkol sa kamatayan, pagsilang, ikabubuhay, kapinsalaan, atbp. [sa susunod] na buong taon ayon sa itinalaga ni Allah

أَمْرًا مِّنْ عِندِنَا ۚ إِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ(5)

 “Amran” (alalaong baga, ang pag-uutos sa Qur’an o ang Katakdaan ng bawat bagay) sa pamamagitan ng Aming pag-uutos. Katotohanang Kami ay lagi nang nagsusugo (ng mga Tagapagbalita)

رَحْمَةً مِّن رَّبِّكَ ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ(6)

 (Bilang) Habag mula sa inyong Panginoon. Katotohanan! Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakaalam

رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ(7)

 Ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, kung kayo (lamang) ay may tiyak na pananalig

لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ رَبُّكُمْ وَرَبُّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ(8)

 La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Siya ang naggagawad ng buhay at gayundin ng kamatayan, ang inyong Panginoon (na nagkakandili sa inyo), at ang Panginoon ng nauna ninyong mga lahi (ninuno)

بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ يَلْعَبُونَ(9)

 Hindi! Sila ay naglalaro sa pag-aalinlangan

فَارْتَقِبْ يَوْمَ تَأْتِي السَّمَاءُ بِدُخَانٍ مُّبِينٍ(10)

 Kung gayon, kayo ay maghintay sa Araw na ang alapaap ay maglalabas ng usok na (inyong) mamamasdan

يَغْشَى النَّاسَ ۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمٌ(11)

 Na lalambong sa mga tao. Ito ay isang Kasakit-sakit na Kaparusahan

رَّبَّنَا اكْشِفْ عَنَّا الْعَذَابَ إِنَّا مُؤْمِنُونَ(12)

 (At sila ay magsasabi): “o aming Panginoon! Pawiin Ninyo sa amin ang Kaparusahang ito, katiyakang kami ay tunay na sasampalataya!”

أَنَّىٰ لَهُمُ الذِّكْرَىٰ وَقَدْ جَاءَهُمْ رَسُولٌ مُّبِينٌ(13)

 Paano silang magkakaroon ng paala-ala (sa sandaling ang Kaparusahan ay sumapit sa kanila), gayong ang isang Tagapagpaala-ala ay dumatal na sa kanila na nagpapaliwanag sa mga bagay nang malinaw

ثُمَّ تَوَلَّوْا عَنْهُ وَقَالُوا مُعَلَّمٌ مَّجْنُونٌ(14)

 Datapuwa’t sila ay tumalikod sa kanya (Muhammad) at nagsabi: “Isang tinuruan lamang (ng ibang tao), isang tao na may sira ang pag-iisip!”

إِنَّا كَاشِفُو الْعَذَابِ قَلِيلًا ۚ إِنَّكُمْ عَائِدُونَ(15)

 Katotohanang pansamantala Naming papawiin ang Kaparusahan sa ngayon. Katotohanang kayo ay magbabalik loob

يَوْمَ نَبْطِشُ الْبَطْشَةَ الْكُبْرَىٰ إِنَّا مُنتَقِمُونَ(16)

 Sa Araw na kayo ay Aming susukulin ng matinding Sakmal. Katotohanang Aming igagawad ang kabayaran

۞ وَلَقَدْ فَتَنَّا قَبْلَهُمْ قَوْمَ فِرْعَوْنَ وَجَاءَهُمْ رَسُولٌ كَرِيمٌ(17)

 At katotohanang Aming sinubukan nang una pa sa kanila ang mga tao ni Paraon nang dumatal sa kanila ang isang matimtimang Tagapagbalita (Moises)

أَنْ أَدُّوا إِلَيَّ عِبَادَ اللَّهِ ۖ إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ(18)

 Na nagsasabi: “Ibalik mo sa akin ang mga tagapaglingkod ni Allah (alalaong baga, ang Angkan ng Israel). Katotohanang ako sa inyo ay isang Tagapagbalita na karapat-dapat sa lahat (ng inyong) pagtitiwala

وَأَن لَّا تَعْلُوا عَلَى اللَّهِ ۖ إِنِّي آتِيكُم بِسُلْطَانٍ مُّبِينٍ(19)

 At huwag kayong maging mapagmalaki (sa inyong sarili) ng laban kay Allah. Katotohanang ako ay dumatal sa inyo na may maliwanag na kapamahalaan

وَإِنِّي عُذْتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمْ أَن تَرْجُمُونِ(20)

 At tunay ngang ako ay lumuluhog ng kaligtasan mula sa aking Panginoon at inyong Panginoon, baka ako ay inyong batuhin (o saktan o tawagin akong isang manggagaway)

وَإِن لَّمْ تُؤْمِنُوا لِي فَاعْتَزِلُونِ(21)

 Datapuwa’t kung ako ay hindi ninyo paniwalaan, kung gayon, magsilayo kayo sa akin at ako ay iwan ninyong mag-isa.”

فَدَعَا رَبَّهُ أَنَّ هَٰؤُلَاءِ قَوْمٌ مُّجْرِمُونَ(22)

 (Nguni’t sila ay palalo), kaya’t siya (Moises) ay humibik sa kanyang Panginoon (na nagsasabi): “Katotohanang sila ang mga tao na Mujrimun (mga tampalasan, walang pananalig, makasalanan, kriminal, atbp.).”

فَأَسْرِ بِعِبَادِي لَيْلًا إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ(23)

 (Si Allah ay nagwika): “At sa gabi, humayo ka na kasama ang Aking mga lingkod, katotohanang kayo ay tutugisin.”

وَاتْرُكِ الْبَحْرَ رَهْوًا ۖ إِنَّهُمْ جُندٌ مُّغْرَقُونَ(24)

 At iwan ninyo ang dagat na parang tudling (na tahimik at nahahati), sapagkat sila ay lipon (na nakatakdang) malunod

كَمْ تَرَكُوا مِن جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ(25)

 Gaano karaming halamanan at mga batis ang maiiwan (ng mga tao ni Paraon)

وَزُرُوعٍ وَمَقَامٍ كَرِيمٍ(26)

 At mga bukirin ng mais at mabubuting lugar

وَنَعْمَةٍ كَانُوا فِيهَا فَاكِهِينَ(27)

 At mga kaaliwan ng buhay na labis nilang kinatutuwaan

كَذَٰلِكَ ۖ وَأَوْرَثْنَاهَا قَوْمًا آخَرِينَ(28)

 Kaya’t ito nga (ang kanilang naging hantungan)! At ginawa Namin ang mga tao (Angkan ng Israel) na siyang magmana (ng kaharian ng Ehipto)

فَمَا بَكَتْ عَلَيْهِمُ السَّمَاءُ وَالْأَرْضُ وَمَا كَانُوا مُنظَرِينَ(29)

 At ang kalangitan at kalupaan ay hindi lumuha sa kanila, gayundin naman sila ay hindi binigyan ng palugit

وَلَقَدْ نَجَّيْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ مِنَ الْعَذَابِ الْمُهِينِ(30)

 At katotohanang iniligtas Namin ang Angkan ng Israel sa Kaaba-abang Kaparusahan

مِن فِرْعَوْنَ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَالِيًا مِّنَ الْمُسْرِفِينَ(31)

 Mula kay Paraon, katotohanang siya ay mapagpalalo at kabilang sa Musrifun (mga tampalasan, sila na lumalagpas sa hangganan ng paggugol at sa iba pang bagay at gumagawa ng malalaking kasalanan)

وَلَقَدِ اخْتَرْنَاهُمْ عَلَىٰ عِلْمٍ عَلَى الْعَالَمِينَ(32)

 At Aming pinili ang Angkan ng Israel nang higit sa lahat ng mga nilalalang (sa panahon ni Moises) ng may Kaalaman

وَآتَيْنَاهُم مِّنَ الْآيَاتِ مَا فِيهِ بَلَاءٌ مُّبِينٌ(33)

 At iginawad sa kanila ang mga Tanda na naroroon ang maliliwanag na pagsubok

إِنَّ هَٰؤُلَاءِ لَيَقُولُونَ(34)

 Katotohanan, ang mga taong ito (Quraish) ay nagsasabi

إِنْ هِيَ إِلَّا مَوْتَتُنَا الْأُولَىٰ وَمَا نَحْنُ بِمُنشَرِينَ(35)

 “wala ng iba pa maliban sa aming unang kamatayan, at kami ay hindi na muling ibabangon

فَأْتُوا بِآبَائِنَا إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(36)

 Kaya’t ibangon mong muli ang aming mga ninuno kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan!”

أَهُمْ خَيْرٌ أَمْ قَوْمُ تُبَّعٍ وَالَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ أَهْلَكْنَاهُمْ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا مُجْرِمِينَ(37)

 Sila ba ay higit na mainam o ang mga tao ng “Tubba” at sila na nauna sa kanila? Sila ay Aming winasak sapagkat katotohanang sila ay Mujrimun (mga walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, atbp)

وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لَاعِبِينَ(38)

 At hindi Namin nilikha ang kalangitan at ang kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito bilang isang laro lamang

مَا خَلَقْنَاهُمَا إِلَّا بِالْحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ(39)

 Hindi Namin nilikha sila maliban na may katotohanan (alalaong baga, upang suriin at subukan ang mga masunurin at palasuway at upang gantimpalaan ang palasunod at parusahan ang palasuway), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam

إِنَّ يَوْمَ الْفَصْلِ مِيقَاتُهُمْ أَجْمَعِينَ(40)

 Katotohanan, ang Araw ng Paghuhukom (kung si Allah ay hahatol na sa pagitan ng mga nilalang) ay siyang sandali na itinalaga sa kanilang lahat

يَوْمَ لَا يُغْنِي مَوْلًى عَن مَّوْلًى شَيْئًا وَلَا هُمْ يُنصَرُونَ(41)

 Sa Araw kung ang mawlan (isang malapit na kamag- anak) ay hindi makakaasa ng tulong sa mawlan (isang malapit na kamag-anak), at walang tulong ang kanilang matatanggap

إِلَّا مَن رَّحِمَ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ هُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(42)

 Maliban sa kanya na gawaran ng Habag ni Allah. Katotohanang Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain

إِنَّ شَجَرَتَ الزَّقُّومِ(43)

 Katotohanan, ang puno ng Zaqqum

طَعَامُ الْأَثِيمِ(44)

 Ang siyang magiging pagkain ng mga Makasalanan

كَالْمُهْلِ يَغْلِي فِي الْبُطُونِ(45)

 Na tulad ng kumukulong langis, ito ay kukulo sa mga tiyan

كَغَلْيِ الْحَمِيمِ(46)

 Na katulad ng pagkulo nang nakakabanling tubig

خُذُوهُ فَاعْتِلُوهُ إِلَىٰ سَوَاءِ الْجَحِيمِ(47)

 (At dito ay ipagbabadya): “Sakmalin siya at kaladkarin siya sa gitna ng Naglalagablab na Apoy

ثُمَّ صُبُّوا فَوْقَ رَأْسِهِ مِنْ عَذَابِ الْحَمِيمِ(48)

 Kaya’t ibuhos sa kanyang ulo ang Kaparusahan ng Kumukulong Tubig

ذُقْ إِنَّكَ أَنتَ الْعَزِيزُ الْكَرِيمُ(49)

 Lasapin mo (ito)! Katotohanang ikaw (ay nagkukunwari) na makapangyarihan, ang mapagbigay

إِنَّ هَٰذَا مَا كُنتُم بِهِ تَمْتَرُونَ(50)

 Katotohanang ito ang iyong pinag-aalinlanganan noon!”

إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي مَقَامٍ أَمِينٍ(51)

 Katotohanan, ang Muttaqun (mga matimtiman at matuwid na tao na nangangamba kay Allah ng labis at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at nagmamahal kay Allah ng higit at nagsasagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos), ay mapapasalugar ng Kapanatagan (Paraiso)

فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ(52)

 Sa gitna ng Halamanan at mga Batis

يَلْبَسُونَ مِن سُندُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُّتَقَابِلِينَ(53)

 Na nadaramtan ng madulas na sutla at (gayundin) ng makapal na sutla, na nakaharap sa isa’t isa

كَذَٰلِكَ وَزَوَّجْنَاهُم بِحُورٍ عِينٍ(54)

 (Kaya’t ito ang mangyayari), at sila ay Aming ipapangasawa sa Houris (lubhang maputing mga babae na nilikha ni Allah ngunit hindi mula sa supling ni Adan, na may tampok na itim ng mata at puti ng mata)

يَدْعُونَ فِيهَا بِكُلِّ فَاكِهَةٍ آمِنِينَ(55)

 Sila ay tatawag dito sa lahat ng uri ng bungangkahoy sa kapayapaan at kapanatagan

لَا يَذُوقُونَ فِيهَا الْمَوْتَ إِلَّا الْمَوْتَةَ الْأُولَىٰ ۖ وَوَقَاهُمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ(56)

 Sila ay hindi kailanman makakalasap ng kamatayan dito maliban sa unang kamatayan (sa buhay sa mundong ito), at Kanyang ililigtas sila sa Kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy

فَضْلًا مِّن رَّبِّكَ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ(57)

 Bilang isang Biyaya mula sa iyong Panginoon! Ito ang sukdol na tagumpay

فَإِنَّمَا يَسَّرْنَاهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ(58)

 Katiyakang Aming ginawa ito (ang Qur’an) na magaan sa iyong dila upang sila ay makaala-ala

فَارْتَقِبْ إِنَّهُم مُّرْتَقِبُونَ(59)

 Kung gayon, maghintay ka (o Muhammad); katotohanang sila (rin) ay naghihintay


Filipince diğer sureler:

Bakara suresi Âl-i İmrân Nisâ suresi
Mâide suresi Yûsuf suresi İbrâhîm suresi
Hicr suresi Kehf suresi Meryem suresi
Hac suresi Kasas suresi Ankebût suresi
As-Sajdah Yâsîn suresi Duhân suresi
fetih suresi Hucurât suresi Kâf suresi
Necm suresi Rahmân suresi vakıa suresi
Haşr suresi Mülk suresi Hâkka suresi
İnşikâk suresi Alâ suresi Gâşiye suresi

En ünlü okuyucuların sesiyle Duhan Suresi indirin:

Surah Ad-Dukhaan mp3: yüksek kalitede dinlemek ve indirmek için okuyucuyu seçerek
Duhan Suresi Ahmed El Agamy
Ahmed El Agamy
Duhan Suresi Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
Duhan Suresi Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
Duhan Suresi Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
Duhan Suresi Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
Duhan Suresi Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
Duhan Suresi Ali Al Hudhaifi
Ali Al Hudhaifi
Duhan Suresi Fares Abbad
Fares Abbad
Duhan Suresi Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
Duhan Suresi Muhammad Jibril
Muhammad Jibril
Duhan Suresi Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
Duhan Suresi Al Hosary
Al Hosary
Duhan Suresi Al-afasi
Mishari Al-afasi
Duhan Suresi Nasser Al Qatami
Nasser Al Qatami
Duhan Suresi Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Friday, November 22, 2024

Bizim için dua et, teşekkürler