Fussilat · 19/54
Salin Transliterasyon — Fussilat
وَيَوْمَ يُحْشَرُ أَعْدَاءُ اللَّهِ إِلَى النَّارِ فَهُمْ يُوزَعُونَ ۝١٩
Wa yawma yuhsharu a`daaa`ul laahi ilan Naari fahum yooza`oon
📖 Sa Filipino
At (alalahanin) ang Araw na ang mga kaaway ni Allah ay titipunin nang sama-sama sa Apoy; sila ay magsisilakad sa hanay

🎧 Pakinggan


📜 Talata 17-21 — Fussilat

17وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيْنَاهُمْ فَاسْتَحَبُّوا الْعَمَىٰ عَلَى الْهُدَىٰ فَأَخَذَتْهُمْ صَاعِقَةُ الْعَذَابِ الْهُونِ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
At kay Thamud, sila ay Aming pinakitaan, at ginawang maliwanag sa kanila ang Landas ng Katotohanan (Kaisahan ni Allah at Islam) sa pamamagitan ng Aming Tagapagbalita (alalaong baga, ipinakita sa kanila ang landas ng tagumpay), datapuwa’t pinili nila ang pagiging bulag (ng kanilang puso) kaysa sa patnubay. Kaya’t ang Sa’iqa (kidlat ng kaparusahan, mapaminsalang sigaw, pinsala) ng pagkaaba ang sumakmal sa kanila dahilan sa kanilang kinita
18وَنَجَّيْنَا الَّذِينَ آمَنُوا وَكَانُوا يَتَّقُونَ
Datapuwa’t Aming iniligtas ang mga sumasampalataya at nangangamba kay Allah at nagsisigawa ng kabutihan
19وَيَوْمَ يُحْشَرُ أَعْدَاءُ اللَّهِ إِلَى النَّارِ فَهُمْ يُوزَعُونَ
At (alalahanin) ang Araw na ang mga kaaway ni Allah ay titipunin nang sama-sama sa Apoy; sila ay magsisilakad sa hanay
20حَتَّىٰ إِذَا مَا جَاءُوهَا شَهِدَ عَلَيْهِمْ سَمْعُهُمْ وَأَبْصَارُهُمْ وَجُلُودُهُم بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At hanggang kanilang sapitin (ang Apoy), ang kanilang pandinig, ang kanilang paningin, at ang kanilang balat ay magbibigay patotoo laban sa kanila sa (lahat) nilang mga ginawa
21وَقَالُوا لِجُلُودِهِمْ لِمَ شَهِدتُّمْ عَلَيْنَا ۖ قَالُوا أَنطَقَنَا اللَّهُ الَّذِي أَنطَقَ كُلَّ شَيْءٍ وَهُوَ خَلَقَكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Sila ay magsasabi sa kanilang balat: “Bakit kayo nagbibigay patotoo laban sa amin? Sila (ang kanilang balat) ay magsasabi: “Si Allah ay nagpapangyari sa amin na makapangusap, (Siya) na nagbigay sa lahat na makapangusap; at Siya ang lumikha sa inyo noong una at sa Kanya rin kayo magbabalik.”
FussilatTalaan ng Quran
54Talata
MeccanRevelation
19Talata

Salin — Fussilat 19

Surah Fussilat Talata 19 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : At (alalahanin) ang Araw na ang mga kaaway ni Allah…

Surah Talata 19/54 — Fussilat فصلت (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Fussilat Pakinggan, Fussilat Salin, Fussilat mp3, Fussilat pdf. Talata 17–21. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers