Al-A'raf · 30/206
Salin Transliterasyon — Al-A'raf
فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيْهِمُ الضَّلَالَةُ ۗ إِنَّهُمُ اتَّخَذُوا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ مِن دُونِ اللَّهِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُم مُّهْتَدُونَ ٣٠
Transliteration
Fareeqan hadaa wa fareeqan haqqa `alaihimud dalaalah; innahumut takhazush Shayaateena awliyaaa`a min doonil laahi wa yahsaboona annnahum muhtadoon
Salin (Sa Filipino)
📖 Sa Filipino
Ang isang pangkat ay Kanyang pinatnubayan, at ang isang pangkat ay nararapat na mapasakamalian; (sapagkat) katiyakang kanilang tinangkilik ang mga diyablo bilang Auliya (mga tagapangalaga at kawaksi) sa halip ni Allah, at nag-aakala na sila ay napapatnubayan
Additional reference in Melayu
🎧 Pakinggan
📜 Talata 28-32 — Al-A'raf
28وَإِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً قَالُوا وَجَدْنَا عَلَيْهَا آبَاءَنَا وَاللَّهُ أَمَرَنَا بِهَا ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ لَا يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ ۖ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
At nang sila ay gumawa ng isang Fahisha (masamang gawa, na lumilibot nang paikot sa Ka’ba na nakahubad, at ng lahatnguringbawalnapakikipagtalik, atbp.), silaaynagsabi: “Hindi, si Allah ay hindi kailanman nag-uutos ng Fahisha?” Kayo baga ay nagsasalita tungkol kay Allah ng bagay na hindi ninyo nababatid
29قُلْ أَمَرَ رَبِّي بِالْقِسْطِ ۖ وَأَقِيمُوا وُجُوهَكُمْ عِندَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَادْعُوهُ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ ۚ كَمَا بَدَأَكُمْ تَعُودُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ay nag-utos ng katarungan at (nagwika) na Siya lamang ang marapat ninyong harapin (alalaong baga, huwag kayong sumamba sa iba pa maliban kay Allah at humarap sa Qibla, ang Ka’ba sa Makkah sa sandali nang inyong pagdarasal) sa bawat isa at lahat ng lugar ng pagsamba sa pananalangin (at huwag humarap sa iba pang huwad na diyos at mga imahen), at panikluhuran lamang Siya at ituon ang inyong matapat na pananampalataya sa Kanya sa pamamagitan ng hindi pag-aakibat ng anumang katambal sa Kanya, at may pagnanais na ginagawa ninyo ang mga gawang ito tungo sa Kapakanan lamang ni Allah. At sa pasimula, Kanyang inilabas kayo (sa pagkabuhay o pagkakaroon ng buhay), sa gayon din, kayo ay itatambad sa pagiging buo (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) [sa dalawang pangkat, ang isa ay nabibiyayaan (mga sumasampalataya), at ang isa ay kahabag-habag (mga hindi sumasampalataya)
30فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيْهِمُ الضَّلَالَةُ ۗ إِنَّهُمُ اتَّخَذُوا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ مِن دُونِ اللَّهِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُم مُّهْتَدُونَ
Ang isang pangkat ay Kanyang pinatnubayan, at ang isang pangkat ay nararapat na mapasakamalian; (sapagkat) katiyakang kanilang tinangkilik ang mga diyablo bilang Auliya (mga tagapangalaga at kawaksi) sa halip ni Allah, at nag-aakala na sila ay napapatnubayan
31۞ يَا بَنِي آدَمَ خُذُوا زِينَتَكُمْ عِندَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَكُلُوا وَاشْرَبُوا وَلَا تُسْرِفُوا ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْرِفِينَ
o Angkan ni Adan! Maglagay kayo ng palamuti (sa pamamagitan ng pagsusuot ng malinis na damit), habang nagdarasal at lumalakad nang palibot (ang Tawaf) sa Ka’ba, at (kayo) ay kumain at uminom, datapuwa’t huwag mag- aksaya sa pagiging maluho, katiyakang Siya (Allah) ay hindi nalulugod sa mga maluluho
32قُلْ مَنْ حَرَّمَ زِينَةَ اللَّهِ الَّتِي أَخْرَجَ لِعِبَادِهِ وَالطَّيِّبَاتِ مِنَ الرِّزْقِ ۚ قُلْ هِيَ لِلَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا خَالِصَةً يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sino ang nagbawal sa magagandang (kaloob) na iginawad ni Allah para sa Kanyang mga alipin, at ng At-Tayyibat (lahat ng uri ng Halal [mga pinahihintulutang bagay at mga pagkain]) na dalisay at malinis?” Ipagbadya: “Ang mga ito, sa buhay sa mundong ito, ay para sa mga sumasampalataya, (at) tanging-tangi para sa kanila (na sumasampalataya) sa Araw ng Muling Pagkabuhay (alalaong baga, ang mga hindi sumasampalataya ay hindi makakahati sa kanila).” Sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga Batas Islamiko) sa masusing paraan sa mga tao na may kaalaman
Al-A'rafTalaan ng Quran
206Talata
MeccanRevelation
30Talata
Salin — Al-A'raf 30
Surah Al-A'raf Talata 30 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Ang isang pangkat ay Kanyang pinatnubayan, at ang isang pangkat…Surah Talata 30/206 — Al-A'raf الأعراف (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-A'raf Pakinggan, Al-A'raf Salin, Al-A'raf mp3, Al-A'raf pdf. Talata 28–32. Sa Filipino: Melayu.
العربية
English
Bahasa Indonesia
Türkçe
Русский
فارسی
Français
اردو
বাংলা
Deutsch
Español
中文
हिन्दी
Português
Italiano
ภาษาไทย
Polski
Nederlands
Shqip
Kiswahili
O'zbek
தமிழ்
Melayu
Bosanski
Soomaali
Azərbaycan
کوردی
한국어
日本語
Svenska
Dansk
Norsk
پښتو
മലയാളം
සිංහල
Tamazight
Hausa
አማርኛ
Български
Тоҷикӣ
Қазақша
Filipino
سنڌي
Yorùbá
Fulfulde
Татарча
ئۇيغۇرچە
Кыргызча
ਪੰਜਾਬੀ
Jawa
తెలుగు
မြန်မာ
ગુજરાતી
Oromo
मराठी
Tiếng Việt
Malagasy
Нохчийн
Wolof
ދިވެހި
ಕನ್ನಡ
Українська
Ελληνικά
ქართული
ខ្មែរ
دری
Qafar af
Maranao
नेपाली
Banal na Quran
Tuesday, August 18, 2026
Don't forget us in your sincere prayers








