Surah Yunus with Filipino

  1. Surah mp3
  2. More
  3. Filipino
The Holy Quran | Quran translation | Language Filipino | Surah Yunus | يونس - Ayat Count 109 - The number of the surah in moshaf: 10 - The meaning of the surah in English: Jonah.

الر ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْحَكِيمِ(1)

 Alif, Lam, Ra (mga titik A, La, Ra)

أَكَانَ لِلنَّاسِ عَجَبًا أَنْ أَوْحَيْنَا إِلَىٰ رَجُلٍ مِّنْهُمْ أَنْ أَنذِرِ النَّاسَ وَبَشِّرِ الَّذِينَ آمَنُوا أَنَّ لَهُمْ قَدَمَ صِدْقٍ عِندَ رَبِّهِمْ ۗ قَالَ الْكَافِرُونَ إِنَّ هَٰذَا لَسَاحِرٌ مُّبِينٌ(2)

 Isa bagang kamangha-manghang bagay para sa sangkatauhan na Aming ipinahayag ang Aming Inspirasyon sa isang tao mula sa kanilang lipon (alalaong baga, si Propeta Muhammad)? Na kanyang paalalahanan ang sangkatauhan (sa nalalapit na kaparusahan sa Impiyerno), at magparating ng mabuting balita sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Propetang si Muhammad), na kanilang tatamuhin mula sa kanilang Panginoon ang gantimpala sa kanilang mabubuting gawa. Datapuwa’t ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Ito ay tunay at isang maliwanag na panggagaway (alalaong baga, si Propeta Muhammad at ang Qur’an)!”

إِنَّ رَبَّكُمُ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۖ يُدَبِّرُ الْأَمْرَ ۖ مَا مِن شَفِيعٍ إِلَّا مِن بَعْدِ إِذْنِهِ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ(3)

 Katotohanan, ang inyong Panginoon ay si Allah, na lumikha sa mga kalangitan at kalupaan sa anim na Araw, at in-Istawa (itinindig) Niya ang Kanyang Luklukan (ng kapamahalaan na naaayon sa Kanyang Kamahalan), na nagpapatupad at nagpapagalaw sa mga pangyayari ng lahat ng bagay. walang sinuman ang makakapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan. Siya si Allah, ang inyong Panginoon, kaya’t tanging paglingkuran lamang Siya. Kung gayon, kayo ba ay walang pag-aala-ala

إِلَيْهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا ۖ وَعْدَ اللَّهِ حَقًّا ۚ إِنَّهُ يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ لِيَجْزِيَ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ بِالْقِسْطِ ۚ وَالَّذِينَ كَفَرُوا لَهُمْ شَرَابٌ مِّنْ حَمِيمٍ وَعَذَابٌ أَلِيمٌ بِمَا كَانُوا يَكْفُرُونَ(4)

 Sa Kanya ang pagbabalik ninyong lahat. Ang pangako ni Allah ay tunay at tiyak. Siya ang nagpasimula ng paglikha at muli Niyang uulitin ito, upang Kanyang magantimpalaan ng may katarungan ang mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah) at nagsisigawa ng kabutihan. Datapuwa’t sila na nagtatakwil sa Kanya ay makakalasap ng kumukulong inumin at kasakit-sakit na kaparusahan dahilan sa kanilang pagsalungat sa Kanya

هُوَ الَّذِي جَعَلَ الشَّمْسَ ضِيَاءً وَالْقَمَرَ نُورًا وَقَدَّرَهُ مَنَازِلَ لِتَعْلَمُوا عَدَدَ السِّنِينَ وَالْحِسَابَ ۚ مَا خَلَقَ اللَّهُ ذَٰلِكَ إِلَّا بِالْحَقِّ ۚ يُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ(5)

 Siya ang lumikha sa araw bilang isang kumikislap na bagayatsabuwanbilangisangliwanagat Kanyangbinigyang sukat ang mga ito sa mga antas (ng pag-inog) upang inyong mabilang ang mga taon (at buwan) at mapagbalikan ang panahon. Hindi ito nilikha ni Allah maliban sa katotohanan at katampatan. Kaya’t sa ganito Niya ipinapaliwanag nang masusi ang Kanyang Ayat (mga tanda, katibayan, talata, aral, kapahayagan, atbp.) sa mga tao na may pang-unawa

إِنَّ فِي اخْتِلَافِ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَمَا خَلَقَ اللَّهُ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يَتَّقُونَ(6)

 Katotohanan! Sa pagpapalitan ng gabi at araw at sa lahat ng mga nilikha ni Allah sa mga kalangitan at kalupaan, ito ay Ayat (mga tanda, katibayan, talata, aral, atbp.) sa mga tao na nagpapanatili ng kanilang tungkulin kay Allah at labis na may pangangamba sa Kanya

إِنَّ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا وَرَضُوا بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَاطْمَأَنُّوا بِهَا وَالَّذِينَ هُمْ عَنْ آيَاتِنَا غَافِلُونَ(7)

 Katotohanan, sila na hindi umaasam ng pakikipagtipan sa Amin at nararahuyo at nasisiyahan lamang sa pangkasalukuyang buhay sa mundong ito, at hindi nagbibigay ng pagpapahalaga sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, talata, aral, atbp)

أُولَٰئِكَ مَأْوَاهُمُ النَّارُ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ(8)

 Ang kanilang hantungan ay Apoy, na siyang bunga ng kasamaan na kanilang kinita

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ يَهْدِيهِمْ رَبُّهُم بِإِيمَانِهِمْ ۖ تَجْرِي مِن تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ(9)

 Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah, kaugnay na rin ang iba pang anim na artikulo ng Pananampalataya, alalaong baga, ang sumampalataya lamang kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Kasulatan, sa Kanyang mga Tagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at sa Al- Qadar [Banal na Kasasapitan] at sa Islam), at nagsisigawa ng kabutihan, ang kanilang Panginoon ang mamamatnubay sa kanilang Pananalig; sa kanilang ibaba ay magsisidaloy ang mga ilog sa Hardin ng Kasiyahan (Paraiso)

دَعْوَاهُمْ فِيهَا سُبْحَانَكَ اللَّهُمَّ وَتَحِيَّتُهُمْ فِيهَا سَلَامٌ ۚ وَآخِرُ دَعْوَاهُمْ أَنِ الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ(10)

 Ang kanilang panambitan dito ay: “Subhanaka Allahumma (Luwalhatiin Kayo, O Allah)!” at “Salamun (Kapayapaan)” ang kanilang magiging batian dito (sa Paraiso), at ang pinakamalapit sa kanilang panambitan ay: “Alhamdu Lillahi Rabb-il Alamin (Ang lahat ng mga pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah, ang Tagapanustos at Tagapagtangkilik ng lahat ng mga nilalang)!”

۞ وَلَوْ يُعَجِّلُ اللَّهُ لِلنَّاسِ الشَّرَّ اسْتِعْجَالَهُم بِالْخَيْرِ لَقُضِيَ إِلَيْهِمْ أَجَلُهُمْ ۖ فَنَذَرُ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ(11)

 At kung mamadaliin lamang ni Allah para sa sangkatauhan ang kasamaan (na kanilang kinita), kung paano nila minamadali ang mabuti, ang kanilang palugit (o hantungan) ay naigawad na noon pa. Datapuwa’t hinayaan Namin ang mga tao na hindi umaasa ng pakikipagtipan sa Amin, sa kanilang mga pagsuway, na gumagala rito at doon sa pagkaguliham

وَإِذَا مَسَّ الْإِنسَانَ الضُّرُّ دَعَانَا لِجَنبِهِ أَوْ قَاعِدًا أَوْ قَائِمًا فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُ ضُرَّهُ مَرَّ كَأَن لَّمْ يَدْعُنَا إِلَىٰ ضُرٍّ مَّسَّهُ ۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلْمُسْرِفِينَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(12)

 At kung ang kasahulan ay dumatal sa tao, siya ay naninikluhod sa Amin, na nakahimlay sa kanyang tagiliran, o nakaupo o nakatayo. Datapuwa’t kung mapawi na Namin ang kanyang dinaramdam, siya ay nagdaraan sa kanyang landas na wari bang Kami ay hindi niya pinanikluhuran sa kasahulan na sumaling sa kanya! Kaya’t napag-aakala ng Musrifun (sila na nagpapabulaan kay Allah at sa Kanyang mga Propeta at lumalabag sa batas ni Allah sa paggawa ng lahat ng uri ng krimen at mga kasalanan) na ang kanilang ginagawa ay makatuwiran

وَلَقَدْ أَهْلَكْنَا الْقُرُونَ مِن قَبْلِكُمْ لَمَّا ظَلَمُوا ۙ وَجَاءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِالْبَيِّنَاتِ وَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْقَوْمَ الْمُجْرِمِينَ(13)

 Katotohanang Aming winasak ang mga henerasyon na nauna sa inyo nang sila ay nagsigawa ng kamalian, samantalang ang kanilang mga Tagapagbalita ay dumatal sa kanila na may maliwanag na Tanda (Katibayan), datapuwa’t sila ay hindi nagsisampalataya! Kaya’t sa ganito Namin ginagantihan ang Mujrimun (mga walang pananalig, makasalanan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, pagano, tampalasan, atbp)

ثُمَّ جَعَلْنَاكُمْ خَلَائِفَ فِي الْأَرْضِ مِن بَعْدِهِمْ لِنَنظُرَ كَيْفَ تَعْمَلُونَ(14)

 At nilikha Namin na kayo ang sumunod sa mga naunang henerasyon sa maraming sali’t saling lahi sa kalupaan upang mapagmalas Namin kung paano kayo magsisigawa

وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ ۙ قَالَ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا ائْتِ بِقُرْآنٍ غَيْرِ هَٰذَا أَوْ بَدِّلْهُ ۚ قُلْ مَا يَكُونُ لِي أَنْ أُبَدِّلَهُ مِن تِلْقَاءِ نَفْسِي ۖ إِنْ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ ۖ إِنِّي أَخَافُ إِنْ عَصَيْتُ رَبِّي عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ(15)

 At kung ang Aming maliliwanag na Ayat (mga Talata, aral, kapahayagan, atbp.) ay ipinahahayag sa kanila, sila na hindi umaasam ng pakikipagtipan sa Amin ay nagsasabi: “Dalhin mo sa amin ang Qur’an na iba pa rito, o (iyong) baguhin ito”. Ipagbadya (o Muhammad): “wala sa akin ang kapamahalaan upang baguhin ito, sinusunod ko lamang kung ano ang ipinahayag sa akin. Katotohanan, kung ako ay susuway sa aking Panginoon, ako ay nangangamba sa kaparusahan ng dakilang Araw (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).”

قُل لَّوْ شَاءَ اللَّهُ مَا تَلَوْتُهُ عَلَيْكُمْ وَلَا أَدْرَاكُم بِهِ ۖ فَقَدْ لَبِثْتُ فِيكُمْ عُمُرًا مِّن قَبْلِهِ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ(16)

 Ipagbadya (O Muhammad): “Kung ninais (lamang) ni Allah, hindi ko sana ito ipinahayag sa inyo, gayundin naman ay hindi Niya ito ipapaalam sa inyo. Katotohanang ako ay pumisan sa inyo sa aking habang buhay bago pa (dumatal) ito. wala baga kayong pang-unawa?”

فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِآيَاتِهِ ۚ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الْمُجْرِمُونَ(17)

 Sino pa ba kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na kumakatha ng kasinungalingan laban kay Allah o nagtatatwa sa Kanyang Ayat (mga tanda, katibayan, talata, aral, kapahayagan, atbp.)? Katotohanan, ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananampalataya, kriminal, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.) ay hindi magtatagumpay

وَيَعْبُدُونَ مِن دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمْ وَلَا يَنفَعُهُمْ وَيَقُولُونَ هَٰؤُلَاءِ شُفَعَاؤُنَا عِندَ اللَّهِ ۚ قُلْ أَتُنَبِّئُونَ اللَّهَ بِمَا لَا يَعْلَمُ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ(18)

 At sila ay naglilingkod maliban pa kay Allah sa mga bagay na hindi makakapinsala sa kanila o makakapagbigay sa kanila ng kapakinabangan, at sila ay nagsasabi: “Ito ang aming mga tagapamagitan kay Allah”. Ipagbadya: “Kayo baga ay nagsasabi ng mga bagay na hindi nababatid ni Allah sa mga kalangitan at kalupaan?” Luwalhatiin Siya! Higit Siyang Mataas sa lahat ng mga itinatambal nila sa Kanya

وَمَا كَانَ النَّاسُ إِلَّا أُمَّةً وَاحِدَةً فَاخْتَلَفُوا ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ فِيمَا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ(19)

 Ang sangkatauhan (noon) ay isa lamang pamayanan (alalaong baga, may isang paniniwala lamang sa nag- iisang Diyos, at sa isang relihiyon, ang Islam), datapuwa’t sila ay nagkahidwa-hidwa nang lumaon. At kung hindi (lamang) sa Salita na ipinarating noong una mula sa inyong Panginoon, ang kanilang pagkakahidwa-hidwa ay naayos na sana sa kani-kanilang sarili tungkol sa bagay na hindi nila pinagkakasunduan

وَيَقُولُونَ لَوْلَا أُنزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِّن رَّبِّهِ ۖ فَقُلْ إِنَّمَا الْغَيْبُ لِلَّهِ فَانتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُم مِّنَ الْمُنتَظِرِينَ(20)

 At sila ay nagsasabi: “Bakit kaya hindi ipinanaog sa kanya ang anumang Tanda mula sa kanyang Panginoon?” Ipagbadya: “Ang bagay na nalilingid ay angkin lamang ni Allah. Kaya’t kayo ay maghintay; ako rin ay maghihintay na kasama ninyo (sa paghuhukom ni Allah).”

وَإِذَا أَذَقْنَا النَّاسَ رَحْمَةً مِّن بَعْدِ ضَرَّاءَ مَسَّتْهُمْ إِذَا لَهُم مَّكْرٌ فِي آيَاتِنَا ۚ قُلِ اللَّهُ أَسْرَعُ مَكْرًا ۚ إِنَّ رُسُلَنَا يَكْتُبُونَ مَا تَمْكُرُونَ(21)

 At nang hinayaan Naming lumasap ang sangkatauhan ng habag (mula sa Amin) matapos ang kagipitan ay dumatal sa kanila, (inyong) pagmasdan! Sila ay nagbabalak (ng masama) laban sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, talata, aral, atbp.)! Ipagbadya: “Si Allah ay higit na Maagap sa pagbabalak!” Katotohanan, ang Aming mga Tagapagbalita (mga anghel) ay nagtatala ng lahat ng inyong binabalak

هُوَ الَّذِي يُسَيِّرُكُمْ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا كُنتُمْ فِي الْفُلْكِ وَجَرَيْنَ بِهِم بِرِيحٍ طَيِّبَةٍ وَفَرِحُوا بِهَا جَاءَتْهَا رِيحٌ عَاصِفٌ وَجَاءَهُمُ الْمَوْجُ مِن كُلِّ مَكَانٍ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ أُحِيطَ بِهِمْ ۙ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ لَئِنْ أَنجَيْتَنَا مِنْ هَٰذِهِ لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ(22)

 Siya (Allah) ang nagpapahintulot upang matahak ninyo ang kalupaan at karagatan, at nang kayo ay nakasakay na sa barko, kayo ay naglalayag sa kaaya-ayang ihip ng hangin, at kayo ay nagsisipagsaya dahil dito. Datapuwa’t nang dumating ang nag-aalimpuyong hangin at mga malalaking alon sa kanilang paligid, at nang napag-akala nila na sila ay lalagumin na (ng dagat) ay pinanikluhuran nila si Allah nang matapat at dalisay na pananampalataya na tangi lamang sa Kanya, na nagsasabi: “Kung kami ay Inyong ililigtas, kami ay tunay na tatanaw ng utang na loob ng pasasalamat!”

فَلَمَّا أَنجَاهُمْ إِذَا هُمْ يَبْغُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ ۗ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّمَا بَغْيُكُمْ عَلَىٰ أَنفُسِكُم ۖ مَّتَاعَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ ثُمَّ إِلَيْنَا مَرْجِعُكُمْ فَنُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(23)

 Datapuwa’t nang sila ay mailigtas na Niya, (inyong) pagmasdan! Sila ay nagsilabag (sa pag-uutos ni Allah) sa kalupaan, sa pagsuway sa katuwiran! o sangkatauhan! Ang inyong paghihimagsik (pagsuway kay Allah) ay isa lamang kasahulan ng inyong sariling kaluluwa, - isang maigsing pananagana sa pangkasalukuyang buhay sa mundong ito, (at sa katapusan), sa Amin ang inyong pagbabalik, at ipamamalas Namin sa inyo ang katotohanan ng inyong ginawa

إِنَّمَا مَثَلُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا كَمَاءٍ أَنزَلْنَاهُ مِنَ السَّمَاءِ فَاخْتَلَطَ بِهِ نَبَاتُ الْأَرْضِ مِمَّا يَأْكُلُ النَّاسُ وَالْأَنْعَامُ حَتَّىٰ إِذَا أَخَذَتِ الْأَرْضُ زُخْرُفَهَا وَازَّيَّنَتْ وَظَنَّ أَهْلُهَا أَنَّهُمْ قَادِرُونَ عَلَيْهَا أَتَاهَا أَمْرُنَا لَيْلًا أَوْ نَهَارًا فَجَعَلْنَاهَا حَصِيدًا كَأَن لَّمْ تَغْنَ بِالْأَمْسِ ۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ(24)

 Katotohanan, ang kahalintulad ng pangkasalukuyang buhay sa mundong ito ay tulad ng ulan na pinamalisbis Namin mula sa alapaap, at sa pagsipsip ng kalupaan, ito ay naghatid ng mga pag-aani ng maraming bunga na nagsisilbing pagkain ng mga tao at mga hayop hanggang nang ang kalupaan ay mapuspos ng ginintuang pahiyas at kagandahan, ang mga tao na nagmamay-ari nito ay nag- aakalang sila ay may kapamahalaan sa lahat dito. At dito, ang Aming pag-uutos ay nakakaabot sa gabi o sa araw, at ginawa Namin ito na parang nalinisan ng traktorang pang- ani, na wari bang ito ay hindi nanagana kahapon (lamang). Kaya’t sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga tanda, katibayan, talata, aral, atbp.) nang masinsinan, sa mga tao na may pagmumuni-muni

وَاللَّهُ يَدْعُو إِلَىٰ دَارِ السَّلَامِ وَيَهْدِي مَن يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُّسْتَقِيمٍ(25)

 Si Allah ay nananawagan tungo sa Tahanan ng Kapayapaan (alalaong baga, sa Paraiso, sa pamamagitan nang pagtanggap sa Islam, ang relihiyon ni Allah, at sa paggawa ng mga kabutihan at pag-iwas sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at masasamang gawa). Pinapatnubayan Niya ang sinumang Kanyang maibigan sa matuwid na landas

۞ لِّلَّذِينَ أَحْسَنُوا الْحُسْنَىٰ وَزِيَادَةٌ ۖ وَلَا يَرْهَقُ وُجُوهَهُمْ قَتَرٌ وَلَا ذِلَّةٌ ۚ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ(26)

 At sa mga nagsigawa ng kabutihan ay may mabuting gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso), tunay, may higit pa rito (alalaong baga, ang pagkakaroon ng karangalan na mamalas ang Mukha ni Allah)! walang anumang kadiliman o alikabok at kahihiyan ang lalambong sa kanilang mukha! Sila ang magsisitahan sa Paraiso upang manatilili rito magpakailanman

وَالَّذِينَ كَسَبُوا السَّيِّئَاتِ جَزَاءُ سَيِّئَةٍ بِمِثْلِهَا وَتَرْهَقُهُمْ ذِلَّةٌ ۖ مَّا لَهُم مِّنَ اللَّهِ مِنْ عَاصِمٍ ۖ كَأَنَّمَا أُغْشِيَتْ وُجُوهُهُمْ قِطَعًا مِّنَ اللَّيْلِ مُظْلِمًا ۚ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ(27)

 At sa mga nagsigawa ng kasamaan, ang kabayaran ng kasamaan ay (katumbas) na kasamaan din, isang kaaba-abang kahihiyan ang tatakip sa kanilang mukha. walang sinumang tagapagtanggol ang maaasahan nila mula kay Allah. Ang kanilang mukha ay matatakpan, na tila ba mula sa mga piraso ng kadiliman ng gabi. Sila ang magsisitahan sa Apoy, mananatili sila rito magpakailanman

وَيَوْمَ نَحْشُرُهُمْ جَمِيعًا ثُمَّ نَقُولُ لِلَّذِينَ أَشْرَكُوا مَكَانَكُمْ أَنتُمْ وَشُرَكَاؤُكُمْ ۚ فَزَيَّلْنَا بَيْنَهُمْ ۖ وَقَالَ شُرَكَاؤُهُم مَّا كُنتُمْ إِيَّانَا تَعْبُدُونَ(28)

 At sa Araw na silang lahat ay Aming titipunin, ay Aming ipagsasaysay sa kanila na nagtatambal sa Amin sa iba pang diyos: “Humimpil kayo sa inyong lugar! Kayo at ang inyong mga katambal (na inyong sinamba sa makamundong buhay). At sila ay Aming pagbubukud-bukurin, at ang kanilang (itinuturing) na mga katambal ay magsasabi: “Hindi kami yaong inyong sinamba

فَكَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ إِن كُنَّا عَنْ عِبَادَتِكُمْ لَغَافِلِينَ(29)

 Sapat na si Allah bilang saksi sa pagitan natin, katotohanang wala kaming kaalaman sa inyong pagsamba sa amin!”

هُنَالِكَ تَبْلُو كُلُّ نَفْسٍ مَّا أَسْلَفَتْ ۚ وَرُدُّوا إِلَى اللَّهِ مَوْلَاهُمُ الْحَقِّ ۖ وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا يَفْتَرُونَ(30)

 dito! Ang lahat ng tao ay makakabatid (nang buong ganap) sa naging bunga ng kanilang mga gawa noon, at sila ay ibabalik kay Allah, ang kanilang Nagmamay-aring Panginoon, at ang kanilang huwad na mga diyus-diyosan ay maglalaho sa kanilang harapan

قُلْ مَن يَرْزُقُكُم مِّنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ أَمَّن يَمْلِكُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَمَن يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَيُخْرِجُ الْمَيِّتَ مِنَ الْحَيِّ وَمَن يُدَبِّرُ الْأَمْرَ ۚ فَسَيَقُولُونَ اللَّهُ ۚ فَقُلْ أَفَلَا تَتَّقُونَ(31)

 Ipagbadya: “Sino ang nagkakaloob sa inyo (ng mga panustos) mula sa langit at mula sa lupa? o sino baga ang nagmamay-ari ng pandinig at paningin? At sino baga ang nagpapanumbalik ng buhay mula sa mga patay at ng patay sa pagkabuhay? At sino baga ang namamahala sa lahat ng pangyayari ng mga bagay-bagay? Sila ay kagyat na magsasabi: “Si Allah”. Ipagbadya: “Hindi baga kayo nangangamba sa kaparusahan ni Allah (sa inyong pag- aakibat ng mga katambal sa Kanya sa pagsamba)?”

فَذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمُ الْحَقُّ ۖ فَمَاذَا بَعْدَ الْحَقِّ إِلَّا الضَّلَالُ ۖ فَأَنَّىٰ تُصْرَفُونَ(32)

 Siya si Allah, ang tunay mong Panginoon, ang Tagapanustos at Tagapagtangkilik. Kaya’t matapos ang Katotohanan, ano pa ang natitira rito maliban sa kamalian? Paano kayo kung gayon napalayo (sa tamang landas)

كَذَٰلِكَ حَقَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى الَّذِينَ فَسَقُوا أَنَّهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ(33)

 Kaya’t ito ang Salita ng iyong Panginoon na makatuwiran laban sa mga naghihimagsik (sumusuway kay Allah), katotohanang sila ay hindi mananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at kay Muhammad bilang Tagapagbalita ni Allah)

قُلْ هَلْ مِن شُرَكَائِكُم مَّن يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ ۚ قُلِ اللَّهُ يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ(34)

 Ipagbadya: “Mayroon kaya baga sa mga diyus-diyosan na itinatambal ninyo kay Allah ang nagpasimula ng paglikha at magpapanumbalik nito?” Ipagbadya: “Si Allah ang nagpasimula ng paglikha at muling magpapanumbalik nito. Kung gayon, paano kayo napaligaw nang malayo (sa katotohanan)?”

قُلْ هَلْ مِن شُرَكَائِكُم مَّن يَهْدِي إِلَى الْحَقِّ ۚ قُلِ اللَّهُ يَهْدِي لِلْحَقِّ ۗ أَفَمَن يَهْدِي إِلَى الْحَقِّ أَحَقُّ أَن يُتَّبَعَ أَمَّن لَّا يَهِدِّي إِلَّا أَن يُهْدَىٰ ۖ فَمَا لَكُمْ كَيْفَ تَحْكُمُونَ(35)

 Ipagbadya: “Mayroon kaya baga sa mga diyus-diyosan na itinatambal ninyo kay Allah ang makakapamatnubay sa inyo sa Katotohanan?” Ipagbadya: “Si Allah, Siya ang namamatnubay sa Katotohanan. Siya kaya na nakakapamatnubay sa Katotohanan ay higit na may karapatan upang sundin o siya kaya na hindi nakakapamatnubay sa kanyang sarili maliban na siya ay patnubayan? Kung gayon, ano ang nangyayari sa inyo? Paano kayo humahatol?”

وَمَا يَتَّبِعُ أَكْثَرُهُمْ إِلَّا ظَنًّا ۚ إِنَّ الظَّنَّ لَا يُغْنِي مِنَ الْحَقِّ شَيْئًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِمَا يَفْعَلُونَ(36)

 At ang karamihan sa kanila ay sumusunod sa wala bagkus ay mga haka-haka lamang. Katiyakan, ang mga haka-haka lamang ay hindi makakapanaig sa Katotohanan. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa

وَمَا كَانَ هَٰذَا الْقُرْآنُ أَن يُفْتَرَىٰ مِن دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِن تَصْدِيقَ الَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ وَتَفْصِيلَ الْكِتَابِ لَا رَيْبَ فِيهِ مِن رَّبِّ الْعَالَمِينَ(37)

 At itong Qur’an ay hindi maaaring maipahayag ng iba maliban pa kay Allah (ang Panginoon ng mga kalangitan at kalupaan), bagkus ito ang nagpapatunay ng kapahayagan (rebelasyon) na dumating noong pang una (alalaong baga, ang Torah [mga Batas], Ebanghelyo, atbp.), at isang ganap na paliwanag sa Aklat (alalaong baga, sa mga batas at alituntunin, atbp. na ipinag-utos sa sangkatauhan), na rito ay walang alinlangan mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang

أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۖ قُلْ فَأْتُوا بِسُورَةٍ مِّثْلِهِ وَادْعُوا مَنِ اسْتَطَعْتُم مِّن دُونِ اللَّهِ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(38)

 o sila ba ay nagsasabi: “Siya (Muhammad) ay nanghuwad lamang nito?” Ipagbadya: “dalhin ninyo kung gayon ang isang Surah (kabanata) na katulad nito, at tawagin ninyo kung sinuman ang inyong nais maliban kay Allah, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan!”

بَلْ كَذَّبُوا بِمَا لَمْ يُحِيطُوا بِعِلْمِهِ وَلَمَّا يَأْتِهِمْ تَأْوِيلُهُ ۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۖ فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الظَّالِمِينَ(39)

 Hindi, itinatakwil nila ito; ang kaalaman dito ay hindi nila mapaglirip, bago pa man ang paliwanag ay sumapit sa kanila. Kaya’t ang mga nauna sa kanila ay nagsipagtakwil. Kaya’t inyong pagmasdan kung ano ang kinasapitan ng Zalimun (mga mapaggawa ng kabuktutan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp)

وَمِنْهُم مَّن يُؤْمِنُ بِهِ وَمِنْهُم مَّن لَّا يُؤْمِنُ بِهِ ۚ وَرَبُّكَ أَعْلَمُ بِالْمُفْسِدِينَ(40)

 At sa karamihan nila ay mayroong iba na sumasampalataya rito, datapuwa’t ang iba sa karamihan nila ay hindi sumasampalataya rito, at ang iyong Panginoon ay Ganap na Nakakabatid kung sino ang Mufsidun (mga mapaggawa ng kasamaan, sinungaling, buktot, atbp)

وَإِن كَذَّبُوكَ فَقُل لِّي عَمَلِي وَلَكُمْ عَمَلُكُمْ ۖ أَنتُم بَرِيئُونَ مِمَّا أَعْمَلُ وَأَنَا بَرِيءٌ مِّمَّا تَعْمَلُونَ(41)

 At kung ikaw ay kanilang pabulaanan, iyong ipagbadya: “Sa akin ang aking mga gawa at sa inyo ang inyong mga gawa! wala kayong pananagutan sa aking mga ginagawa at wala rin akong pananagutan sa inyong mga ginagawa!”

وَمِنْهُم مَّن يَسْتَمِعُونَ إِلَيْكَ ۚ أَفَأَنتَ تُسْمِعُ الصُّمَّ وَلَوْ كَانُوا لَا يَعْقِلُونَ(42)

 At ang iba sa karamihan nila ay dumirinig sa iyo (o Muhammad), subalit kaya mo bang gawin na ang bingi ay makarinig, kahit na sila ay walang pang-unawa

وَمِنْهُم مَّن يَنظُرُ إِلَيْكَ ۚ أَفَأَنتَ تَهْدِي الْعُمْيَ وَلَوْ كَانُوا لَا يُبْصِرُونَ(43)

 At ang iba sa karamihan nila ay nagmamasid sa iyo (o Muhammad), subalit kaya mo bang patnubayan ang bulag, kahit na sila ay hindi nakakakita

إِنَّ اللَّهَ لَا يَظْلِمُ النَّاسَ شَيْئًا وَلَٰكِنَّ النَّاسَ أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ(44)

 Katotohanan! Si Allah ay hindi magliligaw (nang palayo sa kabutihan) sa sangkatauhan sa anupaman, datapuwa’t ang sangkatauhan ang nagligaw sa kanilang sarili

وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ كَأَن لَّمْ يَلْبَثُوا إِلَّا سَاعَةً مِّنَ النَّهَارِ يَتَعَارَفُونَ بَيْنَهُمْ ۚ قَدْ خَسِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِلِقَاءِ اللَّهِ وَمَا كَانُوا مُهْتَدِينَ(45)

 At sa Araw na sila ay Kanyang titipunin (sa muling pagbangon), dito nila mapagtatanto na wari bang sila ay namalagi lamang ng isang oras sa isang araw (sa buhay sa mundong ito). Mapagkikilala nila ang isa’t isa. Tunay na masaklap ang kahihinatnan ng mga nagtatakwil sa pakikipagtipan kay Allah, at sila ay hindi napapatnubayan

وَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ ثُمَّ اللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا يَفْعَلُونَ(46)

 Kahit na ipamalas Namin sa iyo (sa panahon ng iyong buhay, o Muhammad) ang ilan sa mga ipinangako Namin sa kanila (na kaparusahan), - o bawiin Namin ang iyong buhay, - magkagayunman ay sa Amin (pa rin) ang kanilang pagbabalik, at higit sa lahat, si Allah ang nakakasaksi sa kanilang ginagawa

وَلِكُلِّ أُمَّةٍ رَّسُولٌ ۖ فَإِذَا جَاءَ رَسُولُهُمْ قُضِيَ بَيْنَهُم بِالْقِسْطِ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ(47)

 At sa bawat Ummah (isang pamayanan o isang bansa) ay mayroong isang Tagapagbalita; kung ang kanilang Tagapagbalita ay dumatal, ang mga bagay-bagay ay hahatulan sa pagitan nila ng may katarungan, at sila ay hindi mapapalungi

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(48)

 At sila ay nagsasabi: “Kailan kaya magaganap ang pangakong ito (Araw ng Muling Pagkabuhay), - kung ikaw ay nagsasaysay ng katotohanan?”

قُل لَّا أَمْلِكُ لِنَفْسِي ضَرًّا وَلَا نَفْعًا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۗ لِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌ ۚ إِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ فَلَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ(49)

 Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay walang kapangyarihan sa anupamang kasahulan o kapakinabangan sa aking sarili maliban sa anumang pahintulutan ni Allah. Sa bawat Ummah (isang pamayanan o isang bansa) ay mayroong natataningang panahon; kung ang katakdaan ay sumapit na, wala ni isang oras (o isang sandali) ang makakaantala rito, o di kaya ay wala ni isang oras (o isang sandali) ang makakapanguna rito

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَتَاكُمْ عَذَابُهُ بَيَاتًا أَوْ نَهَارًا مَّاذَا يَسْتَعْجِلُ مِنْهُ الْمُجْرِمُونَ(50)

 Ipagbadya: “Sabihin ninyo sa akin; kung ang Kanyang kaparusahan ay sumapit sa inyo sa araw man o maging sa gabi, - ano kayang bahagi nito ang mamadaliin ng Mujrimun (mga mapaggawa ng kabuktutan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp)

أَثُمَّ إِذَا مَا وَقَعَ آمَنتُم بِهِ ۚ آلْآنَ وَقَدْ كُنتُم بِهِ تَسْتَعْجِلُونَ(51)

 Magsisipaniwala ba kayo rito, kung sa wakas ito ay dumatal sa inyo? (Sa kanila ay ipagsasaysay:) “Ah! Ano? Ngayon (kayo ay naniniwala)? Hindi ba ito ang ninanais ninyo noon na madaliin?”

ثُمَّ قِيلَ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا ذُوقُوا عَذَابَ الْخُلْدِ هَلْ تُجْزَوْنَ إِلَّا بِمَا كُنتُمْ تَكْسِبُونَ(52)

 At sa kanila na nagpalungi sa kanilang sarili ay ipagsasaysay: “Lasapin ninyo ang walang hanggang kaparusahan! Hindi baga kayo ay binayaran lamang (ng ayon) sa anumang inyong kinita!”

۞ وَيَسْتَنبِئُونَكَ أَحَقٌّ هُوَ ۖ قُلْ إِي وَرَبِّي إِنَّهُ لَحَقٌّ ۖ وَمَا أَنتُم بِمُعْجِزِينَ(53)

 At inuusisa ka nila (o Muhammad) na ipaalam sa kanila, (at sila ay nagsasabi): “Ito ba ay totoo (alalaong baga, ang Kaparusahanatangpagtatatagng Oras, angArawng Muling Pagkabuhay)?” Ipagbadya: “Tunay nga, sa pamamagitan ng aking Panginoon! Ito ang sakdal na katotohanan! At kayo ay hindi makakatakas dito!”

وَلَوْ أَنَّ لِكُلِّ نَفْسٍ ظَلَمَتْ مَا فِي الْأَرْضِ لَافْتَدَتْ بِهِ ۗ وَأَسَرُّوا النَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُا الْعَذَابَ ۖ وَقُضِيَ بَيْنَهُم بِالْقِسْطِ ۚ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ(54)

 At kung ang bawat kaluluwa na napalungi (sa pamamagitan ng di paniniwala kay Allah at pagsamba sa mga diyus-diyosan) ay nagtataglay ng lahat ng mga kayamanan na nasa kalupaan, at balakin niyang ipambayad ito (sa kanyang kaligtasan, at ito ay hindi tatanggapin), sila ay makadarama sa kanilang puso ng pagsisisi kung mapagmalas na nila ang kaparusahan, at sila ay huhukuman sa katarungan, at walang pagkapalungi (di katarungan) ang ipapataw sa kanila

أَلَا إِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ أَلَا إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ(55)

 Katotohanan, hindi baga si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan? walang alinlangan, katiyakang ang Pangako ni Allah ay totoo. Datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaunawa

هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ(56)

 Siya (Allah) ang tanging nagkakaloob ng buhay, at naggagawad ng kamatayan, at kayong lahat sa Kanya ay magbabalik

يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَتْكُم مَّوْعِظَةٌ مِّن رَّبِّكُمْ وَشِفَاءٌ لِّمَا فِي الصُّدُورِ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِّلْمُؤْمِنِينَ(57)

 o Sangkatauhan! dumatal sa inyo ang mabuting pagpapayo (Qur’an) mula sa inyong Panginoon (na nag- uutosnglahatngmabutiatnagbabawalnglahatngmasama), at isang kagalingan (sa sakit ng kawalang kamuwangan, pag-aalinlangan, pagkukunwari at pagkakahidwa, atbp.) na nasa inyong dibdib, - isang Patnubay at Habag (na nagpapaliwanag sa mga bawal at mga pinahihintulutang bagay) sa mga sumasampalataya

قُلْ بِفَضْلِ اللَّهِ وَبِرَحْمَتِهِ فَبِذَٰلِكَ فَلْيَفْرَحُوا هُوَ خَيْرٌ مِّمَّا يَجْمَعُونَ(58)

 Ipagbadya: “Sa mga Biyaya ni Allah at sa Kanyang Habag (alalaong baga, ang Islam at Qur’an); - dito, hayaang sila ay mangagalak.” Ito ay higit na mabuti sa anumang kayamanang kanilang nakamtan

قُلْ أَرَأَيْتُم مَّا أَنزَلَ اللَّهُ لَكُم مِّن رِّزْقٍ فَجَعَلْتُم مِّنْهُ حَرَامًا وَحَلَالًا قُلْ آللَّهُ أَذِنَ لَكُمْ ۖ أَمْ عَلَى اللَّهِ تَفْتَرُونَ(59)

 Ipagbadya (o Muhammad, sa mga sumasamba sa diyus-diyosan): “Sabihin ninyo sa akin, anong mga panustos (na kabuhayan) ang ipinanaog sa inyo ni Allah! At ginawa ninyo ito bilang pinahihintulutan at ipinagbabawal.” Ipagbadya (o Muhammad: “Ito ba ay pinahintulutan sa inyo ni Allah (upang gawin ito) o kayo ba ay nagsisigawa ng kasinungalingan laban kay Allah?”

وَمَا ظَنُّ الَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَشْكُرُونَ(60)

 At ano ang inaakala ng mga kumakatha ng mga kasinungalingan laban kay Allah, sa Araw ng Muling Pagkabuhay? (alalaong baga, sila ba ay nag-aakala na sila ay patatawarin at hindi papatawan ng kaparusahan. Hindi, sila ay lalasap ng walang hanggang kaparusahan sa Apoy ng Impiyerno). Katotohanang si Allah ay Tigib ng Biyaya sa sangkatauhan, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang utang na loob ng pasasalamat

وَمَا تَكُونُ فِي شَأْنٍ وَمَا تَتْلُو مِنْهُ مِن قُرْآنٍ وَلَا تَعْمَلُونَ مِنْ عَمَلٍ إِلَّا كُنَّا عَلَيْكُمْ شُهُودًا إِذْ تُفِيضُونَ فِيهِ ۚ وَمَا يَعْزُبُ عَن رَّبِّكَ مِن مِّثْقَالِ ذَرَّةٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ وَلَا أَصْغَرَ مِن ذَٰلِكَ وَلَا أَكْبَرَ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُّبِينٍ(61)

 At kung anuman ang ginagawa mo (o Muhammad), at kung anumang bahagi ng Qur’an ang iyong dinadalit, - at kung anuman ang ginagawa ninyo (o Sangkatauhan, mabuti man o masama), Kami ang Saksi rito, nang ito ay inyong ginagawa. At walang anuman ang nalilingid sa inyong Panginoon kahima’t ito ay kasingbigat ng atomo o kasingliit ng langgam dito sa kalupaan at kalangitan, gayundin naman kung ito ay higit o kulang, bagkus ay nasa isang maliwanag na Talaan

أَلَا إِنَّ أَوْلِيَاءَ اللَّهِ لَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ(62)

 walang alinlangan! Katotohanan, ang mga Kapanalig ni Allah (Auliya, alalaong baga, sila na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at labis na nangangamba sa Kanya sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at higit na nagmamahal kay Allah sa pamamagitan nang paggawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos), walang pangangamba ang sasapit sa kanila, gayundin, sila ay hindi malulumbay

الَّذِينَ آمَنُوا وَكَانُوا يَتَّقُونَ(63)

 Sila na sumasampalataya kay Allah (at sa Kanyang Kaisahan) at may pagkatakot sa Kanya sa pamamagitan nang pag-iwas sa mga masasamang gawain at kasalanan at nagsisigawa ng mga kabutihan

لَهُمُ الْبُشْرَىٰ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الْآخِرَةِ ۚ لَا تَبْدِيلَ لِكَلِمَاتِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ(64)

 Sasakanila ang Mabuting Balita, dito sa buhay sa pangkasalukuyang mundo at sa Kabilang Buhay. Walang mababago sa mga Salita ni Allah, ito ang tunay na Malunggating Tagumpay

وَلَا يَحْزُنكَ قَوْلُهُمْ ۘ إِنَّ الْعِزَّةَ لِلَّهِ جَمِيعًا ۚ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ(65)

 At huwag bayaan na ang kanilang mga pangungusap ay maghatid kalumbayan sa iyo (o Muhammad), sapagkat ang lahat ng kapangyarihan at karangalan ay kay Allah lamang. Siya ang Ganap na Nakakarinig ng lahat ng bagay, ang Puspos ng Kaalaman

أَلَا إِنَّ لِلَّهِ مَن فِي السَّمَاوَاتِ وَمَن فِي الْأَرْضِ ۗ وَمَا يَتَّبِعُ الَّذِينَ يَدْعُونَ مِن دُونِ اللَّهِ شُرَكَاءَ ۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ(66)

 walang alinlangan! Si Allah lamang ang nag-aangkin ng anupamang nasa kalangitan at anupamang nasa kalupaan. At ang mga sumasamba at nananawagan sa mga iba maliban pa kay Allah, sa katotohanan, sila ay hindi sumusunod sa mga inaakala nilang (kapulutong) ni Allah, bagkus sila ay sumusunod lamang sa mga haka-haka at kumakatha lamang sila ng mga kasinungalingan

هُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِتَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يَسْمَعُونَ(67)

 Siya nga (Allah) ang naggawad sa inyo ng gabi upang kayo ay makapagpahingalay at ng araw upang ang mga bagay ay inyong mamasdan. Katotohanang dito ay mayroong Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) sa mga tao na dumirinig (at nagmumuni-muni)

قَالُوا اتَّخَذَ اللَّهُ وَلَدًا ۗ سُبْحَانَهُ ۖ هُوَ الْغَنِيُّ ۖ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ إِنْ عِندَكُم مِّن سُلْطَانٍ بِهَٰذَا ۚ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ(68)

 Sila (ang mga Hudyo, Kristiyano at Pagano) ay nagsasabi: “Si Allah ay nagkaroon ng anak (na lalaki, o mga supling).” Luwalhatiin Siya! Siya ay Masagana (hindi nangangailangan ng anupaman). Sa Kanya ang anupamang nasa mga kalangitan at kalupaan. wala kayong karapatan na sabihin ito. Nagsasalita baga kayo kay Allah ng mga (bagay) na hindi ninyo napag-uunawa

قُلْ إِنَّ الَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ لَا يُفْلِحُونَ(69)

 Ipagbadya: “Katotohanan, ang mga nagsisigawa ng kasinungalingan laban kay Allah ay hindi magsisipagtagumpay

مَتَاعٌ فِي الدُّنْيَا ثُمَّ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ ثُمَّ نُذِيقُهُمُ الْعَذَابَ الشَّدِيدَ بِمَا كَانُوا يَكْفُرُونَ(70)

 Isa lamang maigsing pagsasaya rito sa mundo!, - at sa Amin ang kanilang pagbabalik, at igagawad Namin sa kanila ang pinakamasakit na kaparusahan sapagkat sila ay hindi sumampalataya (kay Allah at nagpabulaan sa Kanyang mga Tagapagbalita, nagtatatwa at humahamon sa Kanyang Ayat [mga katiyaban, tanda, kapahayagan, atbp)

۞ وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ نُوحٍ إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ إِن كَانَ كَبُرَ عَلَيْكُم مَّقَامِي وَتَذْكِيرِي بِآيَاتِ اللَّهِ فَعَلَى اللَّهِ تَوَكَّلْتُ فَأَجْمِعُوا أَمْرَكُمْ وَشُرَكَاءَكُمْ ثُمَّ لَا يَكُنْ أَمْرُكُمْ عَلَيْكُمْ غُمَّةً ثُمَّ اقْضُوا إِلَيَّ وَلَا تُنظِرُونِ(71)

 At ipagbadya sa kanila ang balita tungkol kay Noe, nang sabihin niya sa kanyang pamayanan: “o aking mga tao, kung ang aking pananatili sa inyo at ang aking pagpapaala- ala sa inyo ng Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) ni Alah ay mahirap para sa inyo, kung gayon, ako ay lubos na nagpapasakop kay Allah. Kaya’t isagawa ninyo ang inyong balak, kayo at ang inyong mga kabig, at huwag hayaan ang inyong balak ay magbigay alinlangan sa inyo. At igawad ninyo sa akin ang inyong hatol at ako ay huwag (ninyong) bigyan ng pagkakataon

فَإِن تَوَلَّيْتُمْ فَمَا سَأَلْتُكُم مِّنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُسْلِمِينَ(72)

 Datapuwa’t kung kayo ay magsitalikod (sa pagyakap ng tunay na Islam at pagsamba sa mga iba maliban pa kay Allah), kung gayon, walang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo, ang aking gantimpala ay mula lamang kay Allah, at ako ay pinag- utusan na maging isa sa mga Muslim (na sumusunod lamang sa mga batas ni Allah).”

فَكَذَّبُوهُ فَنَجَّيْنَاهُ وَمَن مَّعَهُ فِي الْفُلْكِ وَجَعَلْنَاهُمْ خَلَائِفَ وَأَغْرَقْنَا الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۖ فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُنذَرِينَ(73)

 Kanilang itinakwil siya (Noe), subalit Aming iniligtas siya at ang kanyang mga kasama sa barko, at sila ay ginawa Naming mga lahi na naghali-halihi (nagpasalin-salin) sa bawat isa, samantalang Aming nilunod ang mga nagpasinungaling sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, aral, kapahayagan, atbp.). Kaya’t pagmasdan ang kinahinatnan ng mga pinaalalahanan

ثُمَّ بَعَثْنَا مِن بَعْدِهِ رُسُلًا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ فَجَاءُوهُم بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا بِمَا كَذَّبُوا بِهِ مِن قَبْلُ ۚ كَذَٰلِكَ نَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِ الْمُعْتَدِينَ(74)

 Kaya’t pagkatapos niya (Noe), Kami ay nagsugo ng mga Tagapagbalita sa kanyang pamayanan. Sila ay nagdala sa kanila ng mga Maliliwanag na Katibayan, datapuwa’t tumutol silang paniwalaan ang sa kanila ay ipinahayag noon pang una. Kaya’t sa ganito Namin tinatakpan ang puso ng mga nagmamalabis sa paglabag (na nagtatakwil sa Kaisahan ni Allah at sumusuway sa Kanya)

ثُمَّ بَعَثْنَا مِن بَعْدِهِم مُّوسَىٰ وَهَارُونَ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ بِآيَاتِنَا فَاسْتَكْبَرُوا وَكَانُوا قَوْمًا مُّجْرِمِينَ(75)

 At pagkaraan nila ay Aming isinugo sina Moises at Aaron kay Paraon at sa kanyang mga pinuno na dala ang Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.). Datapuwa’t sila ay nag-asal ng may kapalaluan at sila ay Mujrimun (mga walang paniniwala, makasalanan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, kriminal, atbp)

فَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ مِنْ عِندِنَا قَالُوا إِنَّ هَٰذَا لَسِحْرٌ مُّبِينٌ(76)

 Kaya’t nang dumatal sa kanila ang katotohanan mula sa Amin, sila ay nagsasabi: “Katiyakang ito ay isang malinaw na salamangka.”

قَالَ مُوسَىٰ أَتَقُولُونَ لِلْحَقِّ لَمَّا جَاءَكُمْ ۖ أَسِحْرٌ هَٰذَا وَلَا يُفْلِحُ السَّاحِرُونَ(77)

 Si Moises ay nagbadya: “Sinasabi ba ninyo (ito) hinggil sa Katotohanan nang ito ay dumatal sa inyo? Ito ba ay salamangka? Datapuwa’t ang mga salamangkero ay hindi magtatagumpay.”

قَالُوا أَجِئْتَنَا لِتَلْفِتَنَا عَمَّا وَجَدْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا وَتَكُونَ لَكُمَا الْكِبْرِيَاءُ فِي الْأَرْضِ وَمَا نَحْنُ لَكُمَا بِمُؤْمِنِينَ(78)

 Sila ay nagsasabi: “Kayo ba ay pumunta sa amin upang pagbawalan kami sa pagsunod sa pananalig na minana namin sa aming mga ninuno, - at upang kayong dalawa ay maging dakila sa kalupaan? Kayong dalawa ay hindi namin paniniwalaan!”

وَقَالَ فِرْعَوْنُ ائْتُونِي بِكُلِّ سَاحِرٍ عَلِيمٍ(79)

 At si Paraon ay nag-utos: “dalhin ninyo sa akin ang bawat magagaling na manggagaway (salamangkero).”

فَلَمَّا جَاءَ السَّحَرَةُ قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ أَلْقُوا مَا أَنتُم مُّلْقُونَ(80)

 At nang ang mga manggagaway (salamangkero) ay dumating, si Moises ay nagsabi sa kanila: “Inyong ihagis (sa ibaba) ang nais ninyong ihagis!”

فَلَمَّا أَلْقَوْا قَالَ مُوسَىٰ مَا جِئْتُم بِهِ السِّحْرُ ۖ إِنَّ اللَّهَ سَيُبْطِلُهُ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُصْلِحُ عَمَلَ الْمُفْسِدِينَ(81)

 At nang kanilang maihagis (ito) sa ibaba, si Moises ay nagwika: “Ang inyong dinala ay panggagaway (salamangka), katiyakang si Allah ay magpapawalang bisa rito. Katotohanang si Allah ay hindi nagbibigay ng kaganapan sa mga gawa ng Al-Mufsidun (mga mapanglinlang, makasalanan, tiwali, atbp.).”

وَيُحِقُّ اللَّهُ الْحَقَّ بِكَلِمَاتِهِ وَلَوْ كَرِهَ الْمُجْرِمُونَ(82)

 At si Allah ang magtatatag at magpapamalas sa inyo ng Katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang mga Salita, kahima’t ang Mufsidun (mga buktot, kriminal, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig, atbp.) ay lubhang mamuhi rito.”

فَمَا آمَنَ لِمُوسَىٰ إِلَّا ذُرِّيَّةٌ مِّن قَوْمِهِ عَلَىٰ خَوْفٍ مِّن فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِمْ أَن يَفْتِنَهُمْ ۚ وَإِنَّ فِرْعَوْنَ لَعَالٍ فِي الْأَرْضِ وَإِنَّهُ لَمِنَ الْمُسْرِفِينَ(83)

 Datapuwa’t walang sinuman ang naniwala kay Moises maliban sa mga angkan ng kanyang mga tao (pamayanan) dahilan sa kanilang pangangamba kay Paraon at sa kanyang mga pinuno na baka sila ay kanilang pagmalupitan; at katotohanang si Paraon ay isang palalo, mapagmalupit sa kalupaan, katiyakang siya ay isa sa Musrifun (mga buktot at mapagsamba sa diyus-diyosan, nagpapabulaan sa katotohanan at gumagawa ng lahat ng uri ng kasalanan)

وَقَالَ مُوسَىٰ يَا قَوْمِ إِن كُنتُمْ آمَنتُم بِاللَّهِ فَعَلَيْهِ تَوَكَّلُوا إِن كُنتُم مُّسْلِمِينَ(84)

 At si Moises ay nagbadya: “O aking pamayanan! Kung kayo ay nagsisisampalataya kay Allah, kung gayon, lubusin ninyo ang pagtitiwala sa Kanya kung kayo ay mga Muslim (na tumatalima sa Kanyang Kalooban).”

فَقَالُوا عَلَى اللَّهِ تَوَكَّلْنَا رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا فِتْنَةً لِّلْقَوْمِ الظَّالِمِينَ(85)

 Sila ay nagsabi: “Kay Allah ay ibinigay namin ang aming pagtitiwala. Aming Panginoon! Kami ay huwag Ninyong gawin na isang pagsubok sa mga tao na Zalimun (mga buktot, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, pagano, tampalasan, atbp. [alalaong baga, na kami ay huwag nilang mapangibabawan ng kanilang kasamaan)

وَنَجِّنَا بِرَحْمَتِكَ مِنَ الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ(86)

 At Inyong iadya kami sa pamamagitan ng Inyong Habag sa mga hindi nananampalatayang tao.”

وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ وَأَخِيهِ أَن تَبَوَّءَا لِقَوْمِكُمَا بِمِصْرَ بُيُوتًا وَاجْعَلُوا بُيُوتَكُمْ قِبْلَةً وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ(87)

 At pinatnubayan Namin si Moises at ang kanyang kapatid (na nagsasabi): “Magsipanirahan kayo at ng inyong angkan sa Ehipto, at gawin ninyo ang inyong mga tirahan bilang lugar ng inyong pagsamba, at mag-alay ng palagiang pagdalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salah) at maghatid ng Masayang Balita sa mga nananampalataya.”

وَقَالَ مُوسَىٰ رَبَّنَا إِنَّكَ آتَيْتَ فِرْعَوْنَ وَمَلَأَهُ زِينَةً وَأَمْوَالًا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا رَبَّنَا لِيُضِلُّوا عَن سَبِيلِكَ ۖ رَبَّنَا اطْمِسْ عَلَىٰ أَمْوَالِهِمْ وَاشْدُدْ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُوا حَتَّىٰ يَرَوُا الْعَذَابَ الْأَلِيمَ(88)

 At si Moises ay nagsabi: “o aming Panginoon! Katotohanang ipinagkaloob Ninyo kay Paraon at sa kanyang mga pinuno ang kinang at kayamanan sa buhay sa mundong ito, aming Panginoon! Upang mapatnugutan nila ang mga tao na maligaw sa Inyong Landas. Aming Panginoon! Salantahin Ninyo ang kanilang kayamanan at patigasin Ninyo ang kanilang puso upang sila ay hindi manampalataya hanggang sa mamasdan nila ang kasakit- sakit na kaparusahan.”

قَالَ قَدْ أُجِيبَت دَّعْوَتُكُمَا فَاسْتَقِيمَا وَلَا تَتَّبِعَانِّ سَبِيلَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ(89)

 Si Allah ay nagwika: “Katotohanan, ang inyong panambitan ay aking dininig. Kaya’t manatili kayo sa tuwid na landas (alalaong baga, inyong ipagpatuloy ang paggawa ng kabutihan at matiyagang pangangaral ng Mensahe ni Allah) at huwag ninyong sundin ang landas ng mga hindi nakakabatid ng Katotohanan (alalaong baga, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah, at gayundin sa pananalig sa Gantimpala ni Allah; ang Paraiso, atbp.).”

۞ وَجَاوَزْنَا بِبَنِي إِسْرَائِيلَ الْبَحْرَ فَأَتْبَعَهُمْ فِرْعَوْنُ وَجُنُودُهُ بَغْيًا وَعَدْوًا ۖ حَتَّىٰ إِذَا أَدْرَكَهُ الْغَرَقُ قَالَ آمَنتُ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا الَّذِي آمَنَتْ بِهِ بَنُو إِسْرَائِيلَ وَأَنَا مِنَ الْمُسْلِمِينَ(90)

 At dinala Namin ang mga Angkan ng Israel sa kabilang ibayo ng dagat, at si Paraon at ang kanyang mga kabig ay tumugaygay sa kanila ng may pagkagalit at pang-aapi hanggang sa sumapit (ang sandali) na sila ay malulunod, siya ay nagsabi: “Ako ay nananampalataya sa La ilaha illa (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), na wala ng iba pang diyos maliban kay Allah,” na siyang pinananampalatayaan ng mga Angkan ng Israel, at ako ay isa sa mga Muslim (na sumusuko sa Kalooban ni Allah).”

آلْآنَ وَقَدْ عَصَيْتَ قَبْلُ وَكُنتَ مِنَ الْمُفْسِدِينَ(91)

 Ngayon (ikaw ay naniniwala), bagama’t noon, ikaw ay nagtakwil sa katotohanan at ikaw ay isa sa Mufsidun (mga buktot, makasalanan, tampalasan, atbp)

فَالْيَوْمَ نُنَجِّيكَ بِبَدَنِكَ لِتَكُونَ لِمَنْ خَلْفَكَ آيَةً ۚ وَإِنَّ كَثِيرًا مِّنَ النَّاسِ عَنْ آيَاتِنَا لَغَافِلُونَ(92)

 Kaya’t sa araw na ito ay Aming pananatilihin ang iyong (patay) na katawan (mula sa dagat) upang ikaw ay maging isang Tanda sa mga tao na isisilang pagkatapos mo! Katotohanang marami sa sangkatauhan ang hindi sumusunod sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp)

وَلَقَدْ بَوَّأْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ مُبَوَّأَ صِدْقٍ وَرَزَقْنَاهُم مِّنَ الطَّيِّبَاتِ فَمَا اخْتَلَفُوا حَتَّىٰ جَاءَهُمُ الْعِلْمُ ۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِي بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ(93)

 At katotohanang Aming itinira ang mga Angkan ng Israel sa isang karangal-rangal na lugar (Sham at Ehipto), at Aming pinagkalooban sila ng mga mabubuting bagay, at sila ay nagkaroon ng pagkakahidwa-hidwa matapos ang kaalaman ay dumatal sa kanila. Katotohanang si Allah ang hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Muling Pagkabuhay sa mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan

فَإِن كُنتَ فِي شَكٍّ مِّمَّا أَنزَلْنَا إِلَيْكَ فَاسْأَلِ الَّذِينَ يَقْرَءُونَ الْكِتَابَ مِن قَبْلِكَ ۚ لَقَدْ جَاءَكَ الْحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُمْتَرِينَ(94)

 Kaya’t kung ikaw (O Muhammad) ay may pag- aalinlangan sa mga bagay na ipinahayag Namin sa iyo (alalaong baga, na ang iyong pangalan ay nakasulat sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo), kung gayon, ay iyong tanungin ang mga nagbabasa ng Aklat (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) na una pa sa iyo. Katiyakan, ang Katotohanan ay dumatal sa iyo mula sa iyong Panginoon. Kaya’t huwag kang mapabilang sa mga may pag-aalinlangan (dito)

وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِ اللَّهِ فَتَكُونَ مِنَ الْخَاسِرِينَ(95)

 At huwag kang mapabilang sa mga nagpapasinungaling sa Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ni Allah, kung magkagayon, ikaw ay isa sa mga mapapaligaw

إِنَّ الَّذِينَ حَقَّتْ عَلَيْهِمْ كَلِمَتُ رَبِّكَ لَا يُؤْمِنُونَ(96)

 Katotohanan! Sila, na ang Salita (Poot) ni Allah ay binigyang katarungan laban sa kanila, ay hindi mananampalataya

وَلَوْ جَاءَتْهُمْ كُلُّ آيَةٍ حَتَّىٰ يَرَوُا الْعَذَابَ الْأَلِيمَ(97)

 Kahima’t ang bawat Tanda ay dumatal sa kanila, - hanggang sa kanilang mamasdan ang kasakit- sakit na kaparusahan

فَلَوْلَا كَانَتْ قَرْيَةٌ آمَنَتْ فَنَفَعَهَا إِيمَانُهَا إِلَّا قَوْمَ يُونُسَ لَمَّا آمَنُوا كَشَفْنَا عَنْهُمْ عَذَابَ الْخِزْيِ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَمَتَّعْنَاهُمْ إِلَىٰ حِينٍ(98)

 Mayroon baga kayang bayan (pamayanan) na sumampalataya (makaraang mamasdan [nila] ang kaparusahan), at ang kanilang Pananalig (sa sandaling yaon) ay nakapagligtas sa kanila (sa kaparusahan)? (Ang kasagutan ay wala), maliban sa mga tao ni Jonas; nang sila ay sumampalataya, ay Aming pinalis sa kanila ang kaparusahan ng kahihiyan sa buhay ng (pangkasalukuyang) mundo, at pansamantala Naming binayaan sila na maging masaya

وَلَوْ شَاءَ رَبُّكَ لَآمَنَ مَن فِي الْأَرْضِ كُلُّهُمْ جَمِيعًا ۚ أَفَأَنتَ تُكْرِهُ النَّاسَ حَتَّىٰ يَكُونُوا مُؤْمِنِينَ(99)

 At kung ninais lamang ng iyong Panginoon, ang lahat ng mga nasa kalupaan ay sasampalataya, lahat sila, nang sama-sama. Kaya’t ikaw (O Muhammad), iyong pasunurin ang sangkatauhan hanggang sa sila ay maging mananampalataya

وَمَا كَانَ لِنَفْسٍ أَن تُؤْمِنَ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَيَجْعَلُ الرِّجْسَ عَلَى الَّذِينَ لَا يَعْقِلُونَ(100)

 walang kakayahan ang sinumang tao na manampalataya, maliban sa pamamagitan ng kapahintulutan ni Allah, at Kanyang igagawad ang poot sa mga hindi dumirinig

قُلِ انظُرُوا مَاذَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَمَا تُغْنِي الْآيَاتُ وَالنُّذُرُ عَن قَوْمٍ لَّا يُؤْمِنُونَ(101)

 Ipagbadya: “Pagmasdan, ano baga kaya ang nasa kalangitan at kalupaan,” datapuwa’t maging ang Ayat (mga tanda, kapahayagan, aral, katibayan, atbp.) o mga Tagapagbabala ay hindi makakapagbigay ng kapakinabangan sa mga hindi sumasampalataya

فَهَلْ يَنتَظِرُونَ إِلَّا مِثْلَ أَيَّامِ الَّذِينَ خَلَوْا مِن قَبْلِهِمْ ۚ قُلْ فَانتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُم مِّنَ الْمُنتَظِرِينَ(102)

 Kaya’t sila baga ay naghihintay (sa anuman) maliban (sa kapinsalaan na nangyari) sa panahon ng mga tao na nauna sa kanila? Ipagbadya: “Kayo ay maghintay, ako (rin) ay maghihintay sa lipon ninyo na naghihintay.”

ثُمَّ نُنَجِّي رُسُلَنَا وَالَّذِينَ آمَنُوا ۚ كَذَٰلِكَ حَقًّا عَلَيْنَا نُنجِ الْمُؤْمِنِينَ(103)

 Nguni’t (sa katapusan), Aming iniligtas ang Aming mga Tagapagbalita at ang mga sumampalataya! Ito ay isang katungkulan sa Amin na iligtas ang mga nananampalataya

قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِن كُنتُمْ فِي شَكٍّ مِّن دِينِي فَلَا أَعْبُدُ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِن دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِنْ أَعْبُدُ اللَّهَ الَّذِي يَتَوَفَّاكُمْ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ(104)

 Ipagbadya (o Muhammad): “o kayong sangkatauhan! Kung kayo ay nag-aalinlangan sa aking relihiyon (Islam), kung gayon, inyong maalaman na kailanman ay hindi ko sasambahin ang inyong sinasamba maliban lamang kay Allah. Datapuwa’t sinasamba ko si Allah na nagkakaloob sa inyo ng kamatayan, at ako ay pinag-utusan na maging isa sa mga nananampalataya.”

وَأَنْ أَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفًا وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُشْرِكِينَ(105)

 (At ito ay ipinahayag sa akin): “Ituon mo ang iyong mukha (o Muhammad) nang lubos sa relihiyong Hanifan (Kaisahan ni Allah at Pagsamba lamang sa Kanya, sa Islam), at ikaw kailanman ay huwag mapabilang sa Mushrikun (mga sumasamba sa maraming diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.).”

وَلَا تَدْعُ مِن دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنفَعُكَ وَلَا يَضُرُّكَ ۖ فَإِن فَعَلْتَ فَإِنَّكَ إِذًا مِّنَ الظَّالِمِينَ(106)

 At huwag kang manawagan sa mga iba pa na kasama si Allah, sila na hindi makakapagbigay sa iyo ng kapakinabangan, at hindi rin makakapagbigay sa iyo ng kasahulan, datapuwa’t kung ito ay iyong gawin, walang pagsala na ikaw ay magiging isa sa Zalimun (mga buktot, mapaggawa ng mga kamalian, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, atbp)

وَإِن يَمْسَسْكَ اللَّهُ بِضُرٍّ فَلَا كَاشِفَ لَهُ إِلَّا هُوَ ۖ وَإِن يُرِدْكَ بِخَيْرٍ فَلَا رَادَّ لِفَضْلِهِ ۚ يُصِيبُ بِهِ مَن يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۚ وَهُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ(107)

 At kung si Allah ay maggawad sa iyo ng kasakitan, walang sinuman ang makakapawi nito maliban sa Kanya, at kung naisin Niya ang anumang kabutihan sa iyo, walang sinuman ang makakahadlang sa Kanyang biyaya na Kanyang ipinararating sa sinuman sa Kanyang mga alipin na Kanyang maibigan. At Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمُ الْحَقُّ مِن رَّبِّكُمْ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَن ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۖ وَمَا أَنَا عَلَيْكُم بِوَكِيلٍ(108)

 Ipagbadya: “o kayong sangkatauhan! Ngayon, ang Katotohanan (alalaong baga, ang Qur’an at si Propeta Muhammad) ay dumatal sa inyo mula sa inyong Panginoon. Kaya’t kung sinuman ang tumanggap ng patnubay, ginawa niya ito tungo sa kapakanan ng kanyang sarili, at kung sinuman ang maligaw, ginawa niya ito tungo sa kasahulan ng kanyang sarili, at ako (Muhammad) ay hindi itinalaga sa inyo bilang isang wakil (na makakapamatnubay sa inyo upang pilitin kayo na mapatnubayan).”

وَاتَّبِعْ مَا يُوحَىٰ إِلَيْكَ وَاصْبِرْ حَتَّىٰ يَحْكُمَ اللَّهُ ۚ وَهُوَ خَيْرُ الْحَاكِمِينَ(109)

 At (ikaw, o Muhammad), iyong sundin ang kapahayagan na ipinarating sa iyo, at maging matimtiman hanggang sa igawad ni Allah ang Kanyang paghatol. At Siya ang Pinakaganap sa lahat ng mga Hukom. ProPetA huD


More surahs in Filipino:


Al-Baqarah Al-'Imran An-Nisa'
Al-Ma'idah Yusuf Ibrahim
Al-Hijr Al-Kahf Maryam
Al-Hajj Al-Qasas Al-'Ankabut
As-Sajdah Ya Sin Ad-Dukhan
Al-Fath Al-Hujurat Qaf
An-Najm Ar-Rahman Al-Waqi'ah
Al-Hashr Al-Mulk Al-Haqqah
Al-Inshiqaq Al-A'la Al-Ghashiyah

Download surah Yunus with the voice of the most famous Quran reciters :

surah Yunus mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Yunus Complete with high quality
surah Yunus Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Yunus Bandar Balila
Bandar Balila
surah Yunus Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Yunus Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Yunus Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Yunus Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Yunus Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Yunus Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Yunus Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Yunus Fares Abbad
Fares Abbad
surah Yunus Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Yunus Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Yunus Al Hosary
Al Hosary
surah Yunus Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Yunus Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Friday, November 22, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب