Fussilat · 41/54
Salin Transliterasyon — Fussilat
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِالذِّكْرِ لَمَّا جَاءَهُمْ ۖ وَإِنَّهُ لَكِتَابٌ عَزِيزٌ ۝٤١
Inna Lazeena kafaroo biz Zikri lammaa jaa`ahum wa innahoo la Kitaabun `Azeez
📖 Sa Filipino
Katotohanan! Sila na hindi nananalig sa Paala-ala (Qur’an) nang ito ay dumatal sa kanila (ay tatanggap ng kaparusahan). At katiyakan na ito ay isang Kapuri-puri at Kagalang-galang na Aklat (sapagkat ito ay Pahayag ni Allah at Kanyang pinangalagaan ito sa anumang pagbabago at kamalian)
🎧 Pakinggan

📜 Talata 39-43 — Fussilat

39وَمِنْ آيَاتِهِ أَنَّكَ تَرَى الْأَرْضَ خَاشِعَةً فَإِذَا أَنزَلْنَا عَلَيْهَا الْمَاءَ اهْتَزَّتْ وَرَبَتْ ۚ إِنَّ الَّذِي أَحْيَاهَا لَمُحْيِي الْمَوْتَىٰ ۚ إِنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
At ang ilan sa Kanyang mga Tanda (ay ito), na inyong napagmamasdan ang kalupaan na tuyot, datapuwa’t nang magpamalisbis Kami ng tubig (ulan) sa mga ito, ito ay sumigla sa pagkabuhay at nagpatubo (sa mga halaman). Katotohanang Siya na nagbigay ng buhay, walang pagsala, (Siya) ay makakapagbigay ng buhay sa patay (sa Araw ng Pagbangon). Katotohanan! Siya ay makakagawa ng lahat ng bagay
40إِنَّ الَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِي آيَاتِنَا لَا يَخْفَوْنَ عَلَيْنَا ۗ أَفَمَن يُلْقَىٰ فِي النَّارِ خَيْرٌ أَم مَّن يَأْتِي آمِنًا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ اعْمَلُوا مَا شِئْتُمْ ۖ إِنَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Katotohanan, sila na tumatalikod sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ay hindi nalilingid sa Amin. Siya kaya na ihahagis sa Apoy ay higit na mainam, o siya kaya na darating na napapangalagaan sa Araw ng Pagkabuhay? Gawin ninyo ang inyong nais. Katotohanan! Siya ang Ganap na Nakakamasid ng inyong ginagawa (ito ay isang matinding babala sa mga hindi sumasampalataya)
41إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِالذِّكْرِ لَمَّا جَاءَهُمْ ۖ وَإِنَّهُ لَكِتَابٌ عَزِيزٌ
Katotohanan! Sila na hindi nananalig sa Paala-ala (Qur’an) nang ito ay dumatal sa kanila (ay tatanggap ng kaparusahan). At katiyakan na ito ay isang Kapuri-puri at Kagalang-galang na Aklat (sapagkat ito ay Pahayag ni Allah at Kanyang pinangalagaan ito sa anumang pagbabago at kamalian)
42لَّا يَأْتِيهِ الْبَاطِلُ مِن بَيْنِ يَدَيْهِ وَلَا مِنْ خَلْفِهِ ۖ تَنزِيلٌ مِّنْ حَكِيمٍ حَمِيدٍ
Ang kasinungalingan ay hindi sasanib dito (Qur’an), maging sa harapan o likuran nito. Ito ay ipinadala ng Isang Tigib ng Karunungan, ng Isang Karapat-dapat sa lahat ng Pagpupuri
43مَّا يُقَالُ لَكَ إِلَّا مَا قَدْ قِيلَ لِلرُّسُلِ مِن قَبْلِكَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغْفِرَةٍ وَذُو عِقَابٍ أَلِيمٍ
wala nang nabanggit sa iyo (o Muhammad), maliban sa nabanggit sa mga Tagapagbalita na nauna sa iyo. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang Nagtataglay ng lahat ng pagpapatawad, gayundin ng Paghahawak ng kasakit-sakit na kaparusahan
FussilatTalaan ng Quran
54Talata
MeccanRevelation
41Talata

Salin — Fussilat 41

Surah Fussilat Talata 41 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Katotohanan! Sila na hindi nananalig sa Paala-ala (Qur’an) nang ito…

Surah Talata 41/54 — Fussilat فصلت (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Fussilat Pakinggan, Fussilat Salin, Fussilat mp3, Fussilat pdf. Talata 39–43. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers