Al-A'raf · 135/206
Salin Transliterasyon — Al-A'raf
فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الرِّجْزَ إِلَىٰ أَجَلٍ هُم بَالِغُوهُ إِذَا هُمْ يَنكُثُونَ ۝١٣٥
Falammaa kashafnaa `anhumur rijza ilaaa ajalin hum baalighoohu izaa hum yankusoon
📖 Sa Filipino
Datapuwa’tnangAming pawiin ang kaparusahan sa kanila sa isang natatakdaang panahon, na marapat nilang sapitin, pagmasdan! Sila ay sumira sa kanilang salita
🎧 Pakinggan

📜 Talata 133-137 — Al-A'raf

133فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ الطُّوفَانَ وَالْجَرَادَ وَالْقُمَّلَ وَالضَّفَادِعَ وَالدَّمَ آيَاتٍ مُّفَصَّلَاتٍ فَاسْتَكْبَرُوا وَكَانُوا قَوْمًا مُّجْرِمِينَ
Kaya’t Aming ipinadala sa kanila (ang mga ito): ang baha, ang mga tipaklong, ang mga kuto, ang mga palaka, at ang dugo: (bilang sunod-sunod) na mga maliliwanag na Tanda, datapuwa’t sila ay nanatili na mga palalo, at sila ay nasa lipon ng mga tao na Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp)
134وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيْهِمُ الرِّجْزُ قَالُوا يَا مُوسَى ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ ۖ لَئِن كَشَفْتَ عَنَّا الرِّجْزَ لَنُؤْمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرْسِلَنَّ مَعَكَ بَنِي إِسْرَائِيلَ
At nang ang kaparusahan ay sumapit sa kanila, sila ay nagsabi: “o Moises. Panikluhuran mo ang iyong Panginoon para sa amin dahilan sa Kanyang pangako sa iyo. Kung iyong papawiin ang kaparusahan sa amin, katotohanang kami ay sasampalataya sa iyo at hahayaan namin ang Angkan ng Israelayhumayonakasamamo.”
135فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الرِّجْزَ إِلَىٰ أَجَلٍ هُم بَالِغُوهُ إِذَا هُمْ يَنكُثُونَ
Datapuwa’tnangAming pawiin ang kaparusahan sa kanila sa isang natatakdaang panahon, na marapat nilang sapitin, pagmasdan! Sila ay sumira sa kanilang salita
136فَانتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَاهُمْ فِي الْيَمِّ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا عَنْهَا غَافِلِينَ
Kaya’t Kami ay kumuha ng kabayaran mula sa kanila. Sila ay Aming nilunod sa dagat, sapagkat itinakwil nila ang Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), at sila ay pabaya na kumuha ng babala mula sa kanila
137وَأَوْرَثْنَا الْقَوْمَ الَّذِينَ كَانُوا يُسْتَضْعَفُونَ مَشَارِقَ الْأَرْضِ وَمَغَارِبَهَا الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا ۖ وَتَمَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ الْحُسْنَىٰ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ بِمَا صَبَرُوا ۖ وَدَمَّرْنَا مَا كَانَ يَصْنَعُ فِرْعَوْنُ وَقَوْمُهُ وَمَا كَانُوا يَعْرِشُونَ
At Aming ginawa ang mga tao na itinuturing na mahina, na (kanilang) manahin ang mga silangang bahagi ng kalupaan at mga kanlurang bahagi niyaon na Aming binasbasan. Ang makatarungang pangako ng inyong Panginoon ay natupad para sa Angkan ng Israel dahilan sa kanilang pagbabata. At ganap Naming winasak ang lahat ng malalaking gawa at mga gusali na itinayo ni Paraon at ng kanyang mga tao
Al-A'rafTalaan ng Quran
206Talata
MeccanRevelation
135Talata

Salin — Al-A'raf 135

Surah Al-A'raf Talata 135 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Datapuwa’tnangAming pawiin ang kaparusahan sa kanila sa isang natatakdaang panahon,…

Surah Talata 135/206 — Al-A'raf الأعراف (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-A'raf Pakinggan, Al-A'raf Salin, Al-A'raf mp3, Al-A'raf pdf. Talata 133–137. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers