Luqman · 24/34
Salin Transliterasyon — Luqman
نُمَتِّعُهُمْ قَلِيلًا ثُمَّ نَضْطَرُّهُمْ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٍ ۝٢٤
Numatti`uhum qaleelan summa nadtarruhum ilaa `azaabin ghaleez
📖 Sa Filipino
Ipinagkaloob Namin sa kanila ang kasiyahan sa maigsing sandali; at sa katapusan, sila ay Aming itataboy sa kaparusahan na walang pagmamaliw

🎧 Pakinggan


📜 Talata 22-26 — Luqman

22۞ وَمَن يُسْلِمْ وَجْهَهُ إِلَى اللَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَقَدِ اسْتَمْسَكَ بِالْعُرْوَةِ الْوُثْقَىٰ ۗ وَإِلَى اللَّهِ عَاقِبَةُ الْأُمُورِ
At sinuman ang magsuko ng kanyang ganap na sarili kay Allah (alalaong baga, ang sumunod sa Islam at tamang pananampalataya, ang sumamba lamang kay Allah nang may mataos na Pananalig sa Kanyang 1] Kaisahan at Pamamanginoon, 2] Tanging sa Kanya lamang ang Pagsamba, 3] Kaisahan ng Kanyang mga Pangalan at Katangian), samantalang siya ay Muhsin (gumagawa ng kabutihan, at nagsasagawa nito tungo sa Kapakanan ni Allah ng walang pagpaparangalan at gumagawa nito ayon sa Sunna [pamamaraan] ng Tagapagbalita ni Allah na si Muhammad), katotohanang siya ay nakasakmal ng pinakamatatag at mapagkakatiwalaang dakot (ang La ilaha ill Allah, Wala ng iba pang diyos na karapat- dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). At kay Allah ang lahat ng bagay ay magbabalik tungo sa pagpapasya
23وَمَن كَفَرَ فَلَا يَحْزُنكَ كُفْرُهُ ۚ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ فَنُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Datapuwa’t kung sinuman ang magtakwil sa Pananampalataya, huwag hayaan ang kanilang pagtatakwil ay magbigay hapis sa iyo (o Muhammad); sa Amin ang kanilang pagbabalik, at ipapahayag Namin sa kanila ang katotohanan ng kanilang mga ginawa. Katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakabatid kung ano ang lahat ng nasa puso (ng mga tao)
24نُمَتِّعُهُمْ قَلِيلًا ثُمَّ نَضْطَرُّهُمْ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٍ
Ipinagkaloob Namin sa kanila ang kasiyahan sa maigsing sandali; at sa katapusan, sila ay Aming itataboy sa kaparusahan na walang pagmamaliw
25وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۚ قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
At kung sila ay iyong tatanungin (o Muhammad): “Sino ang lumikha ng kalangitan at kalupaan?”, sila ay katiyakang magsasabi: “Si Allah”. Ipagbadya: “Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah!” Datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman
26لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ
Si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan; katotohanang si Allah ay Al-Ghani (Masagana at hindi nangangailangan ng anuman), ang Karapat-dapat sa lahat ng pagpupuri
LuqmanTalaan ng Quran
34Talata
MeccanRevelation
24Talata

Salin — Luqman 24

Surah Luqman Talata 24 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Ipinagkaloob Namin sa kanila ang kasiyahan sa maigsing sandali; at…

Surah Talata 24/34 — Luqman لقمان (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Luqman Pakinggan, Luqman Salin, Luqman mp3, Luqman pdf. Talata 22–26. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers