Al-An'am · 96/165
Salin Transliterasyon — Al-An'am
فَالِقُ الْإِصْبَاحِ وَجَعَلَ اللَّيْلَ سَكَنًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ حُسْبَانًا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ ۝٩٦
Faaliqul isbaahi wa ja`alal laila sakananw washh shamsa walqamara husbaanaa; zaalika taqdeerul `Azeezil `Aleem
📖 Sa Filipino
Siya (Allah) ang nagpapabiyak ng pagsikat ng araw (mula sa kadiliman). Itinadhana Niya ang gabi sa pamamahinga at kapanatagan, at ng araw at buwan sa pagbibilang (o paggunita ng panahon). Ito ang (Kanyang) paraan ng pagsukat (pagbilang at pagtatalaga), ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Ganap na Maalam

🎧 Pakinggan


📜 Talata 94-98 — Al-An'am

94وَلَقَدْ جِئْتُمُونَا فُرَادَىٰ كَمَا خَلَقْنَاكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَتَرَكْتُم مَّا خَوَّلْنَاكُمْ وَرَاءَ ظُهُورِكُمْ ۖ وَمَا نَرَىٰ مَعَكُمْ شُفَعَاءَكُمُ الَّذِينَ زَعَمْتُمْ أَنَّهُمْ فِيكُمْ شُرَكَاءُ ۚ لَقَد تَّقَطَّعَ بَيْنَكُمْ وَضَلَّ عَنكُم مَّا كُنتُمْ تَزْعُمُونَ
At katotohanan, kayong lahat ay nanggaling sa Amin na nag-iisa (na walang kayamanan, mga kasama o anupamang bagay), nang kayo ay Aming likhain sa pasimula. Iniwan ninyong lahat ang mga bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo. Hindi Namin namalas sa inyo ang inyong mga tagapamagitan na inyong inaangkin na mga katambal ni Allah. Ngayon, ang lahat ng relasyon sa pagitan ninyo ay pinutol na, at ang lahat ng inyong ipinangangalandakan ay naglaho sa inyo
95۞ إِنَّ اللَّهَ فَالِقُ الْحَبِّ وَالنَّوَىٰ ۖ يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَمُخْرِجُ الْمَيِّتِ مِنَ الْحَيِّ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ
Katotohanan! Si Allah ang nagpapapangyari na ang butil at buto ng bungangkahoy (tulad ng palmera [datiles]) ay mabiyak at mag-usbong. Pinapangyari Niya ang buhay na magmula sa patay, at Siya ang nagpapapangyari na magmula sa patay ang pagkabuhay. Siya si Allah, kung gayon, paano kayong napaligaw sa katotohanan
96فَالِقُ الْإِصْبَاحِ وَجَعَلَ اللَّيْلَ سَكَنًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ حُسْبَانًا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ
Siya (Allah) ang nagpapabiyak ng pagsikat ng araw (mula sa kadiliman). Itinadhana Niya ang gabi sa pamamahinga at kapanatagan, at ng araw at buwan sa pagbibilang (o paggunita ng panahon). Ito ang (Kanyang) paraan ng pagsukat (pagbilang at pagtatalaga), ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Ganap na Maalam
97وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ النُّجُومَ لِتَهْتَدُوا بِهَا فِي ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ ۗ قَدْ فَصَّلْنَا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ
Siya (Allah) ang nagtalaga sa inyo ng mga bituin, upang inyong mapatnubayan ang inyong landas sa pamamagitan ng kanilang tulong (sa inyo) sa gitna ng kadiliman sa kalupaan at karagatan. Katiyakan, Aming ipinaliwanag sa masusing paraan ang Aming Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) sa mga tao na may kaalaman
98وَهُوَ الَّذِي أَنشَأَكُم مِّن نَّفْسٍ وَاحِدَةٍ فَمُسْتَقَرٌّ وَمُسْتَوْدَعٌ ۗ قَدْ فَصَّلْنَا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَفْقَهُونَ
Siya (Allah) ang lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan), at nagkaloob sa inyo ng lugar na pananahanan (sa kalupaan o sa sinapupunan ng ina), at ng lugar na inyong kahihimpilan (sa kalupaan [sa inyong libingan] o sa himaymay ng inyong ama). Katotohanan, Aming ipinaliwanag sa masusing paraan ang Aming kapahayagan (ang Qur’an) sa mga tao na may pang-unawa
Al-An'amTalaan ng Quran
165Talata
MeccanRevelation
96Talata

Salin — Al-An'am 96

Surah Al-An'am Talata 96 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Siya (Allah) ang nagpapabiyak ng pagsikat ng araw (mula sa…

Surah Talata 96/165 — Al-An'am الأنعام (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-An'am Pakinggan, Al-An'am Salin, Al-An'am mp3, Al-An'am pdf. Talata 94–98. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers