Al-Baqarah · 225/286
Salin Transliterasyon — Al-Baqarah
لَّا يُؤَاخِذُكُمُ اللَّهُ بِاللَّغْوِ فِي أَيْمَانِكُمْ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا كَسَبَتْ قُلُوبُكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٌ ۝٢٢٥
Laa yu`aakhi zukumul laahu billaghwi feee aymaa nikum wa laakiny yu`aakhi zukum bimaa kasabat quloo bukum; wallaahu Ghafoorun Haleem
📖 Sa Filipino
Si Allah ay hindi tatawag sa inyo upang magsulit sa mga panunumpa na hindi ninyo kusang ginawa datapuwa’t kayo ay Kanyang tatawagin upang magsulit sa mga naging layon ng inyong puso, at Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamapagpaumanhin
🎧 Pakinggan

📜 Talata 223-227 — Al-Baqarah

223نِسَاؤُكُمْ حَرْثٌ لَّكُمْ فَأْتُوا حَرْثَكُمْ أَنَّىٰ شِئْتُمْ ۖ وَقَدِّمُوا لِأَنفُسِكُمْ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّكُم مُّلَاقُوهُ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ
Ang inyong mga asawa ay isang taniman ng binhi kaya’t makipagniig sa inyong mayamang taniman sa anumang paraan na inyong naisin (makipagniig kayo sa inyong mga asawa hangga’t ito ay nasa loob ng kanilang kaluba at hindi sa likuran), kung kailan at paano ninyo ibig, datapuwa’t umusal ng mabuting gawa (manalangin na pagkalooban kayo ng mabuting mga supling) para sa inyong mga sarili; at inyong pangambahan si Allah at inyong maalaman na Siya ay inyong makakatipan (sa Kabilang Buhay), at iyong ibigay (o Muhammad) sa mga sumasampalataya ang magandang balita
224وَلَا تَجْعَلُوا اللَّهَ عُرْضَةً لِّأَيْمَانِكُمْ أَن تَبَرُّوا وَتَتَّقُوا وَتُصْلِحُوا بَيْنَ النَّاسِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At huwag ninyong gamitin (ang Ngalan) ni Allah bilang dahilan sa inyong mga panunumpa (pamamanata), na makapigil sa inyong paggawa ng kabutihan, o makagawa ng kabanalan at magbigay ng kapayapaan sa sangkatauhan; sapagkat si Allah ang Tanging Isa na Ganap na Nakakarinig at Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay (alalaong baga, huwag manumpa nang labis at kung kayo ay nakapanumpa nang laban sa paggawa ng bagay na mabuti, kung gayon, magbigay ng kabayaran para sa sumpa at gumawa ng mabuti)
225لَّا يُؤَاخِذُكُمُ اللَّهُ بِاللَّغْوِ فِي أَيْمَانِكُمْ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا كَسَبَتْ قُلُوبُكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٌ
Si Allah ay hindi tatawag sa inyo upang magsulit sa mga panunumpa na hindi ninyo kusang ginawa datapuwa’t kayo ay Kanyang tatawagin upang magsulit sa mga naging layon ng inyong puso, at Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamapagpaumanhin
226لِّلَّذِينَ يُؤْلُونَ مِن نِّسَائِهِمْ تَرَبُّصُ أَرْبَعَةِ أَشْهُرٍ ۖ فَإِن فَاءُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ
Ang mga nagsigawa ng panata na hindi makikipagtalik sa kanilang mga asawa ay nararapat na maghintay ng apat na buwan, ngunit kung sila ay magbalik (magbago ang kanilang pasya sa loob ng ganitong panahon), katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
227وَإِنْ عَزَمُوا الطَّلَاقَ فَإِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At kung sila ay magpasya sa pakikipaghiwalay (diborsyo), kung gayon, si Allah ang Lubos na Nakakarinig at Ganap na Nakakabatid ng lahat ng bagay
Al-BaqarahTalaan ng Quran
286Talata
MedinanRevelation
225Talata

Salin — Al-Baqarah 225

Surah Al-Baqarah Talata 225 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Si Allah ay hindi tatawag sa inyo upang magsulit sa…

Surah Talata 225/286 — Al-Baqarah البقرة (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-Baqarah Pakinggan, Al-Baqarah Salin, Al-Baqarah mp3, Al-Baqarah pdf. Talata 223–227. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers