سورة النمل بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة النمل | Naml - عدد آياتها 93 - رقم السورة في المصحف: 27 - معنى السورة بالإنجليزية: The Ants.

طس ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْقُرْآنِ وَكِتَابٍ مُّبِينٍ(1)

Ta, Sin (mga titik Ta, Sa). Ito ang mga Talata ng Qur’an, (at ito) ay isang Aklat (na nagpapaliwanag sa mga bagay) na maging malinaw

هُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ(2)

Isang Patnubay (sa Tamang Landas); at masayang balita sa mga sumasampalataya (na nananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)

الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُم بِالْآخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ(3)

Sila na nag-aalay ng mga panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salah), at nagkakaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sila ay sumasampalataya ng may katiyakan sa Kabilang Buhay (Muling Pagkabuhay, Kabayaran sa kanilang mabubuti at masasamang gawa, Paraiso at Impiyerno, atbp)

إِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ زَيَّنَّا لَهُمْ أَعْمَالَهُمْ فَهُمْ يَعْمَهُونَ(4)

Katotohanan, sila na hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay, Aming pinapangyari na ang kanilang mga gawa ay maging kasiya-siya sa kanila upang sila ay magsilibot na nabubulagan

أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَهُمْ سُوءُ الْعَذَابِ وَهُمْ فِي الْآخِرَةِ هُمُ الْأَخْسَرُونَ(5)

Sila ang magkakamit ng masamang kaparusahan (sa mundong ito), at sa Kabilang Buhay, sila ang matindi ang pagkatalo (higit na mawawalan)

وَإِنَّكَ لَتُلَقَّى الْقُرْآنَ مِن لَّدُنْ حَكِيمٍ عَلِيمٍ(6)

At katotohanan, ikaw (o Muhammad) ay tumatanggap ng Qur’an mula sa Tanging Isa, ang Ganap na Maalam, ang Puspos ng Karunungan

إِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهْلِهِ إِنِّي آنَسْتُ نَارًا سَآتِيكُم مِّنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ آتِيكُم بِشِهَابٍ قَبَسٍ لَّعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ(7)

(At alalahanin) nang sabihin ni Moises sa kanyang kasambahay: “Katotohanang ako ay nakapanagimpan ng apoy sa malayong lugar, ako ay mag-uuwi para sa inyo ng ilang kaalaman mula roon, o ako ay magdadala sa inyo ng isang nag-aapoy na bagay upang inyong mabigyan init ang inyong sarili.”

فَلَمَّا جَاءَهَا نُودِيَ أَن بُورِكَ مَن فِي النَّارِ وَمَنْ حَوْلَهَا وَسُبْحَانَ اللَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ(8)

Datapuwa’t nang siya ay pumaroon doon, siya ay tinawag: “Kinakasihan ang sinumang nasa Apoy, at kung sinuman ang nakapalibot doon! At Puspos ng Kaluwalhatian si Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang.”

يَا مُوسَىٰ إِنَّهُ أَنَا اللَّهُ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(9)

O Moises! Katotohanan! Ako si Allah, ang Pinakamakapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan

وَأَلْقِ عَصَاكَ ۚ فَلَمَّا رَآهَا تَهْتَزُّ كَأَنَّهَا جَانٌّ وَلَّىٰ مُدْبِرًا وَلَمْ يُعَقِّبْ ۚ يَا مُوسَىٰ لَا تَخَفْ إِنِّي لَا يَخَافُ لَدَيَّ الْمُرْسَلُونَ(10)

At iyong ihagis ang iyong tungkod! Datapuwa’t nang makita niya ito na gumagalaw na waring isang ahas, siya ay tumalikod na natatakot at siya ay hindi lumingon. (At dito ay ipinagbadya): “O Moises! Huwag kang matakot, katotohanangangmgaTagapagbalita ayhindinangangamba sa Aking Harapan

إِلَّا مَن ظَلَمَ ثُمَّ بَدَّلَ حُسْنًا بَعْدَ سُوءٍ فَإِنِّي غَفُورٌ رَّحِيمٌ(11)

Maliban sa kanya na nakagawa ng kamalian, at matapos yaon ay gumawa na mapalitan ang kasamaan ng kabutihan, at katiyakang Ako ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

وَأَدْخِلْ يَدَكَ فِي جَيْبِكَ تَخْرُجْ بَيْضَاءَ مِنْ غَيْرِ سُوءٍ ۖ فِي تِسْعِ آيَاتٍ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَقَوْمِهِ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ(12)

At ilagay mo ang iyong kamay sa iyong dibdib, malalantad ito na puti na walang pinsala. (Ito ay ilan) lamang sa siyam na mgaTanda (na iyong dadalhin) kay Paraon at sa kanyang pamayanan, sila ang mga tao na Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah).”

فَلَمَّا جَاءَتْهُمْ آيَاتُنَا مُبْصِرَةً قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ مُّبِينٌ(13)

Datapuwa’t nang ang Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, talata, tanda, atbp.) ay dumatal sa kanila na maliwanag na makikita, sila ay nagsabi: “Ito ay naglulumantad na salamangka.”

وَجَحَدُوا بِهَا وَاسْتَيْقَنَتْهَا أَنفُسُهُمْ ظُلْمًا وَعُلُوًّا ۚ فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ(14)

At sila ay nagpabulaan dito (sa mga Ayat) ng may kamalian at kapalaluan, bagama’t ang kanilang sarili ay sumasang-ayon dito (alalaong baga, ang gayong Ayat ay mula kay Allah at si Moises ay isang Tagapagbalita ni Allah, datapuwa’t hindi nila ibig na sumunod kay Moises, at namumuhi sila na manalig sa kanyang Mensahe ng Kaisahan ni Allah). Kaya’t inyong pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng Mufsidun (mga hindi nananampalataya, palasuway kay Allah, mapaggawa ng kasamaan, sinungaling)

وَلَقَدْ آتَيْنَا دَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ عِلْمًا ۖ وَقَالَا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٍ مِّنْ عِبَادِهِ الْمُؤْمِنِينَ(15)

At katotohanang Kami ay nagkaloob ng karunungan kina david at Solomon, at sila ay kapwa nagsabi: “Ang lahat ng Pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah na nagturing sa amin ng higit (sa karamihan) ng Kanyang maraming alipin na sumasampalataya!”

وَوَرِثَ سُلَيْمَانُ دَاوُودَ ۖ وَقَالَ يَا أَيُّهَا النَّاسُ عُلِّمْنَا مَنطِقَ الطَّيْرِ وَأُوتِينَا مِن كُلِّ شَيْءٍ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْفَضْلُ الْمُبِينُ(16)

At si Solomon ang nagmana (ng karunungan ni) david. Siya ay nagsabi: “o sangkatauhan! Kami ay tinuruan ng wika ng mga ibon, at sa aming lahat ay ipinagkaloob ang lahat ng bagay. Ito ay katotohanang isang Lantad na Biyaya (mula kay Allah)”

وَحُشِرَ لِسُلَيْمَانَ جُنُودُهُ مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنسِ وَالطَّيْرِ فَهُمْ يُوزَعُونَ(17)

At nagsipagtipon sa harapan ni Solomon ang mga lipon ng mga Jinn at tao, at mga ibon, at silang lahat ay itinalaga sa pag-uutos sa labanan (na nagmamartsa nang pasulong)

حَتَّىٰ إِذَا أَتَوْا عَلَىٰ وَادِ النَّمْلِ قَالَتْ نَمْلَةٌ يَا أَيُّهَا النَّمْلُ ادْخُلُوا مَسَاكِنَكُمْ لَا يَحْطِمَنَّكُمْ سُلَيْمَانُ وَجُنُودُهُ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(18)

Hanggang nang sila ay sumapit sa lambak ng mga langgam, ang isa sa mga langgam ay nagsabi: “o mga langgam! Magsipasok kayo sa inyong tirahan, kung hindi, baka si Solomon at ang kanyang mga lipon ay gumasak sa inyo, samantalang ito ay hindi nila napag-aakala.”

فَتَبَسَّمَ ضَاحِكًا مِّن قَوْلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوْزِعْنِي أَنْ أَشْكُرَ نِعْمَتَكَ الَّتِي أَنْعَمْتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَالِدَيَّ وَأَنْ أَعْمَلَ صَالِحًا تَرْضَاهُ وَأَدْخِلْنِي بِرَحْمَتِكَ فِي عِبَادِكَ الصَّالِحِينَ(19)

Kaya’t siya (Solomon) ay ngumiti, na namangha sa kanyang (langgam) pahayag at nagsabi: “Aking Panginoon! Bigyan (Ninyo) ako ng inspirasyon at ipagkaloob Ninyo sa akin ang kapangyarihan at kakayahan upang ako ay tumanaw ng utang na loob ng pasasalamat sa Inyong mga kaloob, na inyong iginawad sa akin at sa aking mga magulang, at upang ako ay makagawa ng mabubuting gawa na makakalugod sa Inyo, at ako ay tanggapin Ninyo sa Inyong Habag na kasama ng Inyong matutuwid na mga alipin.”

وَتَفَقَّدَ الطَّيْرَ فَقَالَ مَا لِيَ لَا أَرَى الْهُدْهُدَ أَمْ كَانَ مِنَ الْغَائِبِينَ(20)

Kanyang sinuri ang mga ibon at nagsabi: “Ano ang nangyayari sa inyo at hindi ko nakita ang Hoopoe? O siya ba ay isa mga lumiban? (Ang Hoopoe ay isa sa mga ibon na magaan at mabanayad na may lantad na iba’t ibang kulay ng pakpak [balahibo], at may dilaw na hibla sa kanyang ulo, isang dahilan upang siya ay tawaging ibon na may dugong bughaw

لَأُعَذِّبَنَّهُ عَذَابًا شَدِيدًا أَوْ لَأَذْبَحَنَّهُ أَوْ لَيَأْتِيَنِّي بِسُلْطَانٍ مُّبِينٍ(21)

Katotohanang siya ay aking parurusahan ng matinding kaparusahan, o siya ay (aking) kakatayin, malibang siya ay magdala ng maliwanag na dahilan (katwiran).”

فَمَكَثَ غَيْرَ بَعِيدٍ فَقَالَ أَحَطتُ بِمَا لَمْ تُحِطْ بِهِ وَجِئْتُكَ مِن سَبَإٍ بِنَبَإٍ يَقِينٍ(22)

Datapuwa’t ang Hoopoe ay hindi nanatili nang matagal, siya (ay lumitaw) at nagsabi: “Aking naunawaan (ang karunungan ng isang bagay) na hindi mo naunawaan at ako ay pumarito sa iyo mula sa Saba (Sheba) na may tunay na balita

إِنِّي وَجَدتُّ امْرَأَةً تَمْلِكُهُمْ وَأُوتِيَتْ مِن كُلِّ شَيْءٍ وَلَهَا عَرْشٌ عَظِيمٌ(23)

Natagpuan ko ang isang babae na namamahala sa kanila, at siya ay pinagkalooban ng lahat ng bagay na maaaring angkinin ng sinumang namamahala ng kalupaan, at siya ay mayroong dakilang luklukan

وَجَدتُّهَا وَقَوْمَهَا يَسْجُدُونَ لِلشَّمْسِ مِن دُونِ اللَّهِ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ فَصَدَّهُمْ عَنِ السَّبِيلِ فَهُمْ لَا يَهْتَدُونَ(24)

Aking natagpuan siya at ang kanyang pamayanan na sumasamba sa araw, at hindi kay Allah, at ginawa ni Satanas ang kanilang gawa na kasiya-siya sa kanila, at humadlang sa kanila tungo sa Landas (ni Allah), kaya’t sila ay walang patnubay

أَلَّا يَسْجُدُوا لِلَّهِ الَّذِي يُخْرِجُ الْخَبْءَ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَيَعْلَمُ مَا تُخْفُونَ وَمَا تُعْلِنُونَ(25)

‘Al- la’ (ang salitang ito ay mayroong dalawang kahulugan; a] dahil si Satanas ay humadlang sa kanila sa landas ni Allah, upang sila ay hindi sumamba (o magpatirapa) kay Allah, o b] Upang kanilang sambahin (magpatirapa sa harapan) ni Allah, na nagdala ng kaliwanagan kung ano ang nakalingid sa kalangitan at kalupaan at nakakatalos kung ano ang inyong ikinukubli o inilalantad

اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ ۩(26)

Allah, La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Panginoon ng Kataas- taasang Luklukan

۞ قَالَ سَنَنظُرُ أَصَدَقْتَ أَمْ كُنتَ مِنَ الْكَاذِبِينَ(27)

(Si Solomon) ay nagsabi: “Aming titingnan kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan o ikaw (ay isa) sa mga sinungaling

اذْهَب بِّكِتَابِي هَٰذَا فَأَلْقِهْ إِلَيْهِمْ ثُمَّ تَوَلَّ عَنْهُمْ فَانظُرْ مَاذَا يَرْجِعُونَ(28)

Humayo ka na dala ang aking sulat, at ihatid mo ito sa kanila, at pagkatapos ay lumayo ka sa kanila, at tingnan kung ano (ang sagot) na kanilang ibabalik.”

قَالَتْ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ إِنِّي أُلْقِيَ إِلَيَّ كِتَابٌ كَرِيمٌ(29)

Siya (Saba o Sheba) ay nagsabi: “o mga pinuno! Narito at inihatid sa akin ang isang marangal na sulat

إِنَّهُ مِن سُلَيْمَانَ وَإِنَّهُ بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ(30)

Katotohanang ito ay mula kay Solomon at katotohanang ito ay nagsasabi!: “Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.”

أَلَّا تَعْلُوا عَلَيَّ وَأْتُونِي مُسْلِمِينَ(31)

Huwag kayong maging mataas laban sa akin, datapuwa’t pumarito kayo sa akin bilang mga Muslim (mga tunay na sumasampalataya at tumatalima kay Allah ng may ganap na pagsuko).”

قَالَتْ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ أَفْتُونِي فِي أَمْرِي مَا كُنتُ قَاطِعَةً أَمْرًا حَتَّىٰ تَشْهَدُونِ(32)

Siya (Saba o Sheba) ay nagsabi: “o mga pinuno! Inyong pagpayuhan ako rito sa aking kalagayan. Hindi ako magpapasya sa ganitong kalagayan hanggang kayo ay wala sa aking harapan.”

قَالُوا نَحْنُ أُولُو قُوَّةٍ وَأُولُو بَأْسٍ شَدِيدٍ وَالْأَمْرُ إِلَيْكِ فَانظُرِي مَاذَا تَأْمُرِينَ(33)

Sila ay nagsabi: “Kami ay mayroong matinding lakas at malaking kakayahan para sa digmaan, datapuwa’t nasa sa iyo ang pag-uutos; kaya’t iyong pagnilaying mabuti kung ano ang iyong ipag-uutos.”

قَالَتْ إِنَّ الْمُلُوكَ إِذَا دَخَلُوا قَرْيَةً أَفْسَدُوهَا وَجَعَلُوا أَعِزَّةَ أَهْلِهَا أَذِلَّةً ۖ وَكَذَٰلِكَ يَفْعَلُونَ(34)

Siya (Saba o Sheba) ay nagsabi: “Katotohanang ang mga Hari, kung sila ay pumasok sa isang bayan (bansa), ito ay kanilang niyuyurakan, at ginagawa nila na ang pinakamarangal sa lipon ng kanyang mga tao ay maging aba. At ito ay kanilang ginagawa

وَإِنِّي مُرْسِلَةٌ إِلَيْهِم بِهَدِيَّةٍ فَنَاظِرَةٌ بِمَ يَرْجِعُ الْمُرْسَلُونَ(35)

Datapuwa’t katotohanang ako ay magpapadala sa kanya ng isang regalo, at tingnan kung ano (ang sagot) na ibabalik ng mga sugo.”

فَلَمَّا جَاءَ سُلَيْمَانَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالٍ فَمَا آتَانِيَ اللَّهُ خَيْرٌ مِّمَّا آتَاكُم بَلْ أَنتُم بِهَدِيَّتِكُمْ تَفْرَحُونَ(36)

Kaya’t nang (ang mga sugo na nagdala ng regalo) ay dumating kay Solomon, siya ay nagsabi: “Ako ba ay tutulungan ninyo sa kayamanan? Datapuwa’t kung anuman ang iginawad sa akin ni Allah ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay sa inyo! Hindi, kayo ay nagsasaya sa inyong regalo!”

ارْجِعْ إِلَيْهِمْ فَلَنَأْتِيَنَّهُم بِجُنُودٍ لَّا قِبَلَ لَهُم بِهَا وَلَنُخْرِجَنَّهُم مِّنْهَا أَذِلَّةً وَهُمْ صَاغِرُونَ(37)

(At si Solomon ay nagsabi sa pinuno ng kanyang mga sugo na nagdala ng regalo): “Magsibalik kayo sa kanila. Katotohanang tayo ay paparoon sa kanila na may mga pangkat na hindi nila masusupil, at sila ay ating itataboy mula roon na kahiya-hiya, at sila ay magiging hamak.”

قَالَ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ أَيُّكُمْ يَأْتِينِي بِعَرْشِهَا قَبْلَ أَن يَأْتُونِي مُسْلِمِينَ(38)

Siya (Solomon) ay nagsabi: “o mga pinuno! Sino sa inyo ang makakapagdala sa akin ng kanyang luklukan bago sila ay pumarito sa akin na nagsusuko ng kanilang sarili sa pagtalima?”

قَالَ عِفْرِيتٌ مِّنَ الْجِنِّ أَنَا آتِيكَ بِهِ قَبْلَ أَن تَقُومَ مِن مَّقَامِكَ ۖ وَإِنِّي عَلَيْهِ لَقَوِيٌّ أَمِينٌ(39)

Isang Ifrit (na malakas) mula sa mga Jinn ang nagsabi: “Ako ang maghahatid nito sa iyo bago ka tumindig sa iyong lugar (sanggunian). At katotohanang ako ay tunay na malakas at mapagkakatiwalaan sa gayong gawain.”

قَالَ الَّذِي عِندَهُ عِلْمٌ مِّنَ الْكِتَابِ أَنَا آتِيكَ بِهِ قَبْلَ أَن يَرْتَدَّ إِلَيْكَ طَرْفُكَ ۚ فَلَمَّا رَآهُ مُسْتَقِرًّا عِندَهُ قَالَ هَٰذَا مِن فَضْلِ رَبِّي لِيَبْلُوَنِي أَأَشْكُرُ أَمْ أَكْفُرُ ۖ وَمَن شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِ ۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّي غَنِيٌّ كَرِيمٌ(40)

At ang isa (sa kanila) na may karunungan sa Kasulatan ay nagsabi: “Ito ay aking dadalhin sa inyo sa isang kurap lamang ng mata!”, at nang makita (ni Solomon) na ito ay inilagay sa kanyang harapan, siya ay nagsabi: “Ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng aking Panginoon, - upang ako ay masubukan kung ako ay may pasasalamat o walang pagtanaw ng pasasalamat! At kung sinuman ang may pagtanaw ng pasasalamat, katiyakang ang kanyang pagbibigay ng pasasalamat (ay tungo sa kabutihan) ng kanyang sarili, at sinuman ang walang pagtanaw ng pasasalamat, (ang kanyang kawalan nang pagtanaw ng pasasalamat ay para lamang sa kasahulan ng kanyang sarili). Katiyakan, ang aking Panginoon ay Masagana (hindi nangangailangan ng anuman), ang Tigib ng Biyaya.”

قَالَ نَكِّرُوا لَهَا عَرْشَهَا نَنظُرْ أَتَهْتَدِي أَمْ تَكُونُ مِنَ الَّذِينَ لَا يَهْتَدُونَ(41)

Siya ay nagsabi: “Inyong ikubli (o gawing kunwari lamang) ang kanyang luklukan sa kanya (Saba o Sheba) upang ating mamalas kung siya ay mapapatnubayan (na makilala ang kanyang luklukan), o siya ay isa sa mga hindi napapatnubayan.”

فَلَمَّا جَاءَتْ قِيلَ أَهَٰكَذَا عَرْشُكِ ۖ قَالَتْ كَأَنَّهُ هُوَ ۚ وَأُوتِينَا الْعِلْمَ مِن قَبْلِهَا وَكُنَّا مُسْلِمِينَ(42)

Kaya’t nang siya (Saba o Sheba) ay dumating, ito ang sinabi sa kanya: “Ang iyo bagang luklukan ay katulad nito?” Siya ay nagsabi: “(Ito ay) tila katulad nga (ng aking luklukan).” At (si Solomon ay nagsabi): “Ang karunungan ay ipinagkaloob sa atin bago pa sa kanya, at kami ay tumalima kay Allah (sa Islam bilang mga Muslim nang una pa sa kanya).”

وَصَدَّهَا مَا كَانَت تَّعْبُدُ مِن دُونِ اللَّهِ ۖ إِنَّهَا كَانَتْ مِن قَوْمٍ كَافِرِينَ(43)

At ang kanyang sinasamba maliban pa kay Allah ay humadlang sa kanya (sa Islam), sapagkat siya ay isa sa mga tao na hindi sumasampalataya

قِيلَ لَهَا ادْخُلِي الصَّرْحَ ۖ فَلَمَّا رَأَتْهُ حَسِبَتْهُ لُجَّةً وَكَشَفَتْ عَن سَاقَيْهَا ۚ قَالَ إِنَّهُ صَرْحٌ مُّمَرَّدٌ مِّن قَوَارِيرَ ۗ قَالَتْ رَبِّ إِنِّي ظَلَمْتُ نَفْسِي وَأَسْلَمْتُ مَعَ سُلَيْمَانَ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ(44)

At ipinagbadya sa kanya (Saba o Sheba): “Pumasok ka sa Al-Sarh (isang ibabaw ng salamin na sa ilalim nito ay may tubig o isang Palasyo), datapuwa’t nang kanyang mamalas ito, kanyang napag-akala na ito ay lawa ng tubig at kanyang (inililis ang kanyang damit) at nahantad ang kanyang mga binti. At si Solomon ay nangusap: “Katotohanang ito ay Sarh (Palasyo) na pinakinis sa piraso (tipak) ng salamin.” Siya ay nagsabi: “O aking Panginoon! Katotohanang nasuong ang aking sarili sa kamalian, at ako ay sumusuko (sa Islam na kasama si Solomon, kay Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang).”

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ فَإِذَا هُمْ فَرِيقَانِ يَخْتَصِمُونَ(45)

At katotohanang isinugo Namin kay Thamud ang kanyang kapatid na si Salih na nagsasabi: “Tanging sambahin lamang si Allah (at wala ng iba). At pagmalasin! Sila ay naging dalawang pangkat (mga sumasampalataya at mga hindi sumasampalataya) na nagkakagalit sa isa’t isa.”

قَالَ يَا قَوْمِ لِمَ تَسْتَعْجِلُونَ بِالسَّيِّئَةِ قَبْلَ الْحَسَنَةِ ۖ لَوْلَا تَسْتَغْفِرُونَ اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ(46)

Siya (Salih) ay nagsabi: “o aking pamayanan! Bakit ninyo hinahanap na madaliin ang kasamaan (kaparusahan) nang una sa kabutihan (Habag ni Allah)? Bakit hindi ninyo paghanapin ang Pagpapatawad ni Allah upang kayo ay makatanggap ng habag?”

قَالُوا اطَّيَّرْنَا بِكَ وَبِمَن مَّعَكَ ۚ قَالَ طَائِرُكُمْ عِندَ اللَّهِ ۖ بَلْ أَنتُمْ قَوْمٌ تُفْتَنُونَ(47)

Sila ay nagsabi: “Kami ay nakakabanaag ng isang masamang pangitain mula sa iyo at sa mga kasama mo.” Siya ay nagsabi: “Ang inyong masamang pangitain ay na kay Allah, tunay nga, kayo ay mga tao na inilagay sa pagsubok.”

وَكَانَ فِي الْمَدِينَةِ تِسْعَةُ رَهْطٍ يُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ وَلَا يُصْلِحُونَ(48)

At mayroon sa lungsod na siyam na lalaki (mula sa mga anak ng kanilang mga pinuno) na gumagawa ng kabuktutan sa kalupaan at aayaw magbago

قَالُوا تَقَاسَمُوا بِاللَّهِ لَنُبَيِّتَنَّهُ وَأَهْلَهُ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِيِّهِ مَا شَهِدْنَا مَهْلِكَ أَهْلِهِ وَإِنَّا لَصَادِقُونَ(49)

Sila ay nagsabi: “Magsumpaan tayo sa isa’t isa sa pamamagitan (sa Ngalan) ni Allah na tayo ay gagawa ng isang lihim na pagsalakay sa gabi sa kanya at sa kanyang kasambahay, at pagkatapos ay titiyakin natin na masabi sa kanyang pinakamalapit na kamag-anak (ito): “Hindi namin nasaksihan ang pagkawasak ng kanyang kasambahay, at katotohanang kami ay nagsasabi ng katotohanan!”

وَمَكَرُوا مَكْرًا وَمَكَرْنَا مَكْرًا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(50)

Kaya’t sila ay nagsagawa ng isang balak, at Kami ay nagpakana ng isang balak habang ito ay hindi nila napag-aakala

فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ مَكْرِهِمْ أَنَّا دَمَّرْنَاهُمْ وَقَوْمَهُمْ أَجْمَعِينَ(51)

At pagmasdan kung ano ang kinahantungan ng kanilang pakana! Katotohanang Aming winasak sila at ang kanilang bansa (pamayanan), lahat nang sama-sama

فَتِلْكَ بُيُوتُهُمْ خَاوِيَةً بِمَا ظَلَمُوا ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِّقَوْمٍ يَعْلَمُونَ(52)

Ito ang kanilang mga bahay na tandisang napinsala sapagkat gumawa sila ng kamalian. Katotohanang narito ang isang tiyak na Ayah (isang aral o Tanda) sa mga tao na nakakaunawa

وَأَنجَيْنَا الَّذِينَ آمَنُوا وَكَانُوا يَتَّقُونَ(53)

At Aming iniligtas ang mga nagsisampalataya na nangangamba at sumusunod kay Allah

وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ وَأَنتُمْ تُبْصِرُونَ(54)

At (alalahanin) si Lut nang kanyang sabihin sa kanyang pamayanan (alalaong baga, ang bayan ng Sodom sa Palestina, ang lugar kung nasaan ngayon ang Patay na Dagat). Kayo baga ay gumagawa ng Fahishah (kasamaan, malaking kasalanan, lahat ng uri ng bawal na pakikipagtalik, sodomya, atbp.) habang inyong namamalas (ang isa’t isa na gumagawa ng kasamaan nang lantaran, atbp.)?”

أَئِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ شَهْوَةً مِّن دُونِ النِّسَاءِ ۚ بَلْ أَنتُمْ قَوْمٌ تَجْهَلُونَ(55)

Inyo bagang nilalapitan ang mga lalaki sa inyong mga pagnanasa kaysa sa mga babae? Tunay, kayo ay mga tao na umaasal ng walang kaisipan (katuturan).”

۞ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَن قَالُوا أَخْرِجُوا آلَ لُوطٍ مِّن قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ(56)

wala ng ibang kasagutan ang ibinigay ng kanyang pamayanan maliban na sila ay nagsabi: “Inyong itaboy ang pamilya ni Lut mula sa ating lungsod. Katotohanang sila ay mga tao na nagnanais na maging malinis at dalisay!”

فَأَنجَيْنَاهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ قَدَّرْنَاهَا مِنَ الْغَابِرِينَ(57)

Kaya’t Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya maliban sa kanyang asawa. Aming itinalagasiyanamapasamasamganagpaiwan

وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِم مَّطَرًا ۖ فَسَاءَ مَطَرُ الْمُنذَرِينَ(58)

Atpinaulan Namin sa kanila ang ulan (ng mga bato). Pagkasama-sama ng gayong ulan sa mga pinagbalaan

قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ وَسَلَامٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ الَّذِينَ اصْطَفَىٰ ۗ آللَّهُ خَيْرٌ أَمَّا يُشْرِكُونَ(59)

Ipagbadya (o Muhammad): “Ang pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah, at kapayapaan sa Kanyang mga alipin na Kanyang hinirang (para sa Kanyang Mensahe)! Higit bagang mainam si Allah, o (ang lahat) ng inyong iniaakibat na mga katambal (sa Kanya)?” [Di nga kasi, walang alinlangan, si Allah ang higit na mainam]

أَمَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنبَتْنَا بِهِ حَدَائِقَ ذَاتَ بَهْجَةٍ مَّا كَانَ لَكُمْ أَن تُنبِتُوا شَجَرَهَا ۗ أَإِلَٰهٌ مَّعَ اللَّهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ يَعْدِلُونَ(60)

Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at nagpapanaog sa inyo ng tubig (ulan) mula sa alapaap, na rito (sa lupa) ay Aming pinapangyari na tumubo ang kamangha- manghang halamanan na puspos ng kagandahan at kasiyahan? wala sa inyo ang kakayahan na magpapangyari nang paglaki ng kanyang mga puno. (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Hindi, sila ay mga tao na nag-aakibat ng mga kapantay (sa Kanya)!”

أَمَّن جَعَلَ الْأَرْضَ قَرَارًا وَجَعَلَ خِلَالَهَا أَنْهَارًا وَجَعَلَ لَهَا رَوَاسِيَ وَجَعَلَ بَيْنَ الْبَحْرَيْنِ حَاجِزًا ۗ أَإِلَٰهٌ مَّعَ اللَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ(61)

Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na gumawa sa kalupaan na matatag upang panahanan, at (Siya) na naglagay ng mga ilog sa gitna nito, at (Siya) na nagtindig dito ng matatatag na kabundukan, at (Siya) na nagtakda ng sagka sa pagitan ng dalawang dagat (ng maalat at manamis- namis na tubig). (Mayroon pa bang ) ibang diyos maliban kay Allah? Hindi, datapuwa’t karamihan sa kanila ay hindi nakakaunawa

أَمَّن يُجِيبُ الْمُضْطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَيَكْشِفُ السُّوءَ وَيَجْعَلُكُمْ خُلَفَاءَ الْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَّعَ اللَّهِ ۚ قَلِيلًا مَّا تَذَكَّرُونَ(62)

Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na sumasaklolo sa mga nalalagay sa panganib, kung siya ay naninikluhod sa Kanya, at Siya na nag-aalis sa kasamaan, at gumawa sa inyo na mga tagapagmana ng kalupaan, sa maraming henerasyon ng mga salit-saling lahi. (Mayroong pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Kakarampot lamang ang inyong naaala-ala

أَمَّن يَهْدِيكُمْ فِي ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَمَن يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَّعَ اللَّهِ ۚ تَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ(63)

Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na namamatnubay sa inyo sa kadiliman ng kalupaan at karagatan, at nagpapadala ng hangin bilang tagapagdala ng masayang balita, na umiihip sa harap ng Kanyang Habag (ang Ulan)? (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Higit Siyang Kataas-taasan sa lahat ng kanilang iniaakibat na mga katambal (sa Kanya)

أَمَّن يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ وَمَن يَرْزُقُكُم مِّنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَّعَ اللَّهِ ۚ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(64)

Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong tinatawag na mga diyos), [Siya] na nagpasimula ng paglikha, at matapos ito, ito ay Kanyang uulitin, at (Siya) ang nagkakaloob sa inyo (ng lahat ng bagay) mula sa kalangitan at kalupaan? (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Ipagbadya: “dalhin ninyo ang inyong mga katibayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”

قُل لَّا يَعْلَمُ مَن فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ الْغَيْبَ إِلَّا اللَّهُ ۚ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ(65)

Ipagbadya: “walang sinuman sa mga kalangitan at kalupaan ang nakakatalastas ng Ghaib (nalilingid) maliban kay Allah, at hindi rin nila mapaghihinuha kung kailan sila ibabangong muli (sa pagkabuhay).”

بَلِ ادَّارَكَ عِلْمُهُمْ فِي الْآخِرَةِ ۚ بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ مِّنْهَا ۖ بَلْ هُم مِّنْهَا عَمُونَ(66)

Hindi, sila ay walang kaalaman sa Kabilang Buhay. Hindi, sila ay nag-aalinlangan tungkol dito. Hindi, sila ay bulag tungkol dito

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَإِذَا كُنَّا تُرَابًا وَآبَاؤُنَا أَئِنَّا لَمُخْرَجُونَ(67)

At ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Kung kami ba ay maging alabok na, kami at ang aming mga ninuno, kami baga ay ibabangong muli

لَقَدْ وُعِدْنَا هَٰذَا نَحْنُ وَآبَاؤُنَا مِن قَبْلُ إِنْ هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ(68)

Tunay ngang kami ay pinangakuan nito, kami at ang aming mga ninuno noon pa, katotohanang ang mga ito ay wala ng iba maliban sa mga kuwento ng panahong sinauna.”

قُلْ سِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ(69)

Ipagbadya mo sa kanila (o Muhammad): “Magsipaglakbay kayo sa kalupaan at pagmalasin kung ano ang kinahantungan ng mga kriminal (sila na nagtakwil sa mga Tagapagbalita ni Allah at sumuway kay Allah).”

وَلَا تَحْزَنْ عَلَيْهِمْ وَلَا تَكُن فِي ضَيْقٍ مِّمَّا يَمْكُرُونَ(70)

At huwag kang magdalamhati sa kanila, gayundin ay huwag kang manliit (sa hapis) dahilan sa kanilang binabalak

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(71)

At sila (na mga hindi sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah) ay nagsasabi: “Kailan baga kaya ang pangakong ito (ay matutupad) kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan?”

قُلْ عَسَىٰ أَن يَكُونَ رَدِفَ لَكُم بَعْضُ الَّذِي تَسْتَعْجِلُونَ(72)

Ipagbadya: “Marahil ang inyong hiling na inyong minamadali ay maaaring malapit na sa likuran ninyo

وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَشْكُرُونَ(73)

Katotohanan, ang iyong Panginoon ay tigib ng biyaya sa sangkatauhan, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nagbibigay ng pasasalamat.”

وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعْلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمْ وَمَا يُعْلِنُونَ(74)

At katotohanan, ang iyong Panginoon ay nakakabatid kung ano ang ikinukubli ng kanilang dibdib at kung ano ang kanilang inilalantad

وَمَا مِنْ غَائِبَةٍ فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُّبِينٍ(75)

At walang anumang nalilingid sa kalangitan at kalupaan na hindi (nakatala) sa isang maliwanag na Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz)

إِنَّ هَٰذَا الْقُرْآنَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَكْثَرَ الَّذِي هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ(76)

Katotohanan, ang Qur’an na ito ay nagpapahayag sa Angkan ng Israel ng tungkol sa karamihan ng kanilang pinagkakahidwaan

وَإِنَّهُ لَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِّلْمُؤْمِنِينَ(77)

At katotohanang ito (ang Qur’an) ay isang Patnubay at isang Habag sa mga sumasampalataya

إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِي بَيْنَهُم بِحُكْمِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْعَلِيمُ(78)

Katotohanan, ang iyong Panginoon ay magpapasya sa pagitan nila (sa iba’t ibang mga sekta) sa pamamagitan ng Kanyang Kahatulan, at Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan

فَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۖ إِنَّكَ عَلَى الْحَقِّ الْمُبِينِ(79)

Kaya’t inyong ilagay ang inyong pagtitiwala kay Allah; katiyakang ikaw (o Muhammad) ay nasa (Landas) ng lantad na Katotohanan

إِنَّكَ لَا تُسْمِعُ الْمَوْتَىٰ وَلَا تُسْمِعُ الصُّمَّ الدُّعَاءَ إِذَا وَلَّوْا مُدْبِرِينَ(80)

Katotohanang hindi mo magagawa na ang patay ay makarinig (alalaong baga, ang mabigyang kapakinabangan sila, at gayundin ang mga hindi sumasampalataya), at ang bingi upang makarinig ng tawag, kung sila ay tumatalilis na nakatalikod

وَمَا أَنتَ بِهَادِي الْعُمْيِ عَن ضَلَالَتِهِمْ ۖ إِن تُسْمِعُ إِلَّا مَن يُؤْمِنُ بِآيَاتِنَا فَهُم مُّسْلِمُونَ(81)

At hindi mo maaakay ang bulag (upang hadlangan sila) sa pagkaligaw, magagawa mo lamang na makarinig ang mga sumasampalataya sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, tanda, aral, atbp.), at sila na nagsuko ng (kanilang sarili kay Allah sa Islam bilang mga Muslim)

۞ وَإِذَا وَقَعَ الْقَوْلُ عَلَيْهِمْ أَخْرَجْنَا لَهُمْ دَابَّةً مِّنَ الْأَرْضِ تُكَلِّمُهُمْ أَنَّ النَّاسَ كَانُوا بِآيَاتِنَا لَا يُوقِنُونَ(82)

At kung ang Salita (ng Kaparusahan) ay matupad laban sa kanila, Aming ilalabas mula sa kalupaan ang isang Halimaw (o Mabangis na Hayop) patungo sa kanila, na magsasalita sa kanila, sapagkat ang sangkatauhan ay hindi sumampalatayangmaykatiyakansaAmingAyat(mgaTalata ng Qur’an at kay Propeta Muhammad)

وَيَوْمَ نَحْشُرُ مِن كُلِّ أُمَّةٍ فَوْجًا مِّمَّن يُكَذِّبُ بِآيَاتِنَا فَهُمْ يُوزَعُونَ(83)

(At alalahanin) ang Araw na Aming titipunin sa bawat bansa ang isang pulutong ng mga nagtatwa ng Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), at (matapos ito), silang (lahat) ay titipunin (at itataboy sa lugar ng pagsusulit)

حَتَّىٰ إِذَا جَاءُوا قَالَ أَكَذَّبْتُم بِآيَاتِي وَلَمْ تُحِيطُوا بِهَا عِلْمًا أَمَّاذَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(84)

Hanggang nang sila ay sumapit (sa harapan ng Panginoon sa lugar ng pagsusulit), Siya ay magpapahayag: “Inyo bagang itinatwa ang Aking Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), nang ito ay hindi ninyo nauunawaan (sa punto) ng Karunungan, o ano ba (yaon) na lagi nang inyong ginagawa?”

وَوَقَعَ الْقَوْلُ عَلَيْهِم بِمَا ظَلَمُوا فَهُمْ لَا يَنطِقُونَ(85)

At ang salita (ng kaparusahan) ay matutupad laban sa kanila sapagkat sila ay nagsigawa ng kamalian at sila ay hindi makakapangusap (upang ipagtanggol ang kanilang sarili)

أَلَمْ يَرَوْا أَنَّا جَعَلْنَا اللَّيْلَ لِيَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ(86)

Hindi baga nila namamalas na Aming ginawa ang gabi para sa kanila upang magpahinga, at ng araw upang bigyan sila ng liwanag (at paningin)? Katotohanang naririto ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) sa mga tao na sumasampalataya

وَيَوْمَ يُنفَخُ فِي الصُّورِ فَفَزِعَ مَن فِي السَّمَاوَاتِ وَمَن فِي الْأَرْضِ إِلَّا مَن شَاءَ اللَّهُ ۚ وَكُلٌّ أَتَوْهُ دَاخِرِينَ(87)

At (alalahanin) ang Araw na ang tambuli ay hihipan, at ang lahat ng mga nasa kalangitan at lahat ng mga nasa kalupaan ay magigimbal, maliban sa kanya na maibigan ni Allah (na huwag mapabilang). At ang lahat ay paparoon sa Kanya na nangangayupapa

وَتَرَى الْجِبَالَ تَحْسَبُهَا جَامِدَةً وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ السَّحَابِ ۚ صُنْعَ اللَّهِ الَّذِي أَتْقَنَ كُلَّ شَيْءٍ ۚ إِنَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَفْعَلُونَ(88)

At inyong mapagmamalas ang mga kabundukan na inyong inaakala na siksik, datapuwa’t sila ay maglalaho na katulad ng paglalaho ng mga ulap. (Ito) ang Gawa ni Allah, na Siyang nagpapapangyari ng lahat ng bagay sa ganap na ayos sapagkat katotohanang Siya ang Ganap na Nakakaalam kung ano ang inyong ginagawa

مَن جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِّنْهَا وَهُم مِّن فَزَعٍ يَوْمَئِذٍ آمِنُونَ(89)

Sinuman ang magdala ng isang mabuting gawa (alalaong baga, ang pananalig sa Kaisahan ni Allah na kasama ang lahat ng gawa ng katuwiran), ay magkakaroon ng higit na mainam kaysa sa katumbas nito, at sila ay magiging ligtas sa lagim ng Araw na yaon

وَمَن جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَكُبَّتْ وُجُوهُهُمْ فِي النَّارِ هَلْ تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(90)

At sinuman ang magdala ng isang masamang gawa (alalaong baga, ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, kawalan ng pananalig sa Kaisahan ni Allah at bawat buktot at makasalanang gawa), sila ay ihahagis nang pasubasob sa kanilang mukha sa Apoy. (At sa kanila ay ipagbabadya): “Hindi baga kayo binayaran ng anuman maliban sa inyong ginawa?”

إِنَّمَا أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ رَبَّ هَٰذِهِ الْبَلْدَةِ الَّذِي حَرَّمَهَا وَلَهُ كُلُّ شَيْءٍ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُسْلِمِينَ(91)

Ako (Muhammad) ay pinag-utusan na sumamba lamang sa Panginoon ng lungsod na ito (Makkah), Siya na nagpabanal dito at sa Kanya (ang pagmamay-ari) sa lahat ng bagay. At ako ay pinag-utusan na mapabilang sa mga Muslim (na tumatalima kay Allah sa Islam)

وَأَنْ أَتْلُوَ الْقُرْآنَ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَن ضَلَّ فَقُلْ إِنَّمَا أَنَا مِنَ الْمُنذِرِينَ(92)

At upang dalitin ang Qur’an, kaya’t kung sinuman ang tumanggap ng patnubay, ay tumanggap nito para sa kapakanan ng kanyang sarili, at sinuman ang mapaligaw, iyong (sabihin sa kanya): “Ako ay isa lamang sa mga tagapagbabala.”

وَقُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ فَتَعْرِفُونَهَا ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ(93)

At ipagbadya (o Muhammad), sa mga pagano at mapagsamba sa diyus- diyosan, atbp.): “Ang lahat ng mga papuri at pasasalamat ay kay Allah. Ipamamalas Niya sa inyo ang Kanyang Ayat (mga Tanda, sa inyong sarili at sa sangtinakpan, o sa kaparusahan, atbp.), at inyong makikilala ito. At ang iyong Panginoon ang nakakatalos ng inyong ginagawa.”


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة النمل بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة النمل كاملة بجودة عالية
سورة النمل أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة النمل خالد الجليل
خالد الجليل
سورة النمل سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة النمل سعود الشريم
سعود الشريم
سورة النمل عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة النمل عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة النمل علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة النمل فارس عباد
فارس عباد
سورة النمل ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة النمل محمد جبريل
محمد جبريل
سورة النمل محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة النمل الحصري
الحصري
سورة النمل العفاسي
مشاري العفاسي
سورة النمل ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة النمل ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Monday, December 23, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب