Az-Zumar · 52/75
Salin Transliterasyon — Az-Zumar
أَوَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَن يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ ۝٥٢
Awalam ya`lamooo annal laaha yabsutur rizqa limai yashaaa`u wa yaqdir; inna fee zaalika la Aayaatil liqamai yu`minoon
📖 Sa Filipino
Hindi baga nila nababatid na si Allah ang nagkakaloob ng mga ikabubuhay o nagkakait nito sa sinumang Kanyang maibigan? Katotohanan! Naririto ang mga Tanda sa mga may pananampalataya
🎧 Pakinggan

📜 Talata 50-54 — Az-Zumar

50قَدْ قَالَهَا الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُم مَّا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Katotohanan! Ang mga nauna sa kanila ay nagsasabi rin ng ganito. Datapuwa’t ang lahat ng kanilang ginawa ay walang kapakinabangan sa kanila
51فَأَصَابَهُمْ سَيِّئَاتُ مَا كَسَبُوا ۚ وَالَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْ هَٰؤُلَاءِ سَيُصِيبُهُمْ سَيِّئَاتُ مَا كَسَبُوا وَمَا هُم بِمُعْجِزِينَ
Kaya’tangbungangkanilangmasamanggawaaysumakmal sa kanila. At ang mapaggawa ng kamalian (sa lahing ito, sa mga tao, na ikaw Muhammad ay isinugo), ang masamang bunga ng kanilang gawa ay sasakmal din sa kanila, at sila ay hindi makakatakas
52أَوَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَن يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
Hindi baga nila nababatid na si Allah ang nagkakaloob ng mga ikabubuhay o nagkakait nito sa sinumang Kanyang maibigan? Katotohanan! Naririto ang mga Tanda sa mga may pananampalataya
53۞ قُلْ يَا عِبَادِيَ الَّذِينَ أَسْرَفُوا عَلَىٰ أَنفُسِهِمْ لَا تَقْنَطُوا مِن رَّحْمَةِ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَمِيعًا ۚ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ
Ipagbadya “ o Ibadi (Aking mga alipin) na nagkasala (sa pagsuway) laban sa kanilang kaluluwa (sa pamamagitan nang paggawa nang masasamang asal at kasalanan)! Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Habag ni Allah; sapagkat katotohanang si Allah ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
54وَأَنِيبُوا إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَأَسْلِمُوا لَهُ مِن قَبْلِ أَن يَأْتِيَكُمُ الْعَذَابُ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ
Datapuwa’t magsibaling kayo sa inyong Panginoon (sa pagtitika) at isuko (ninyo ang inyong sarili) sa Kanya, bago dumatal sa inyo ang pagpaparusa. Matapos ito, kayo ay hindi na matutulungan
Az-ZumarTalaan ng Quran
75Talata
MeccanRevelation
52Talata

Salin — Az-Zumar 52

Surah Az-Zumar Talata 52 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Hindi baga nila nababatid na si Allah ang nagkakaloob ng…

Surah Talata 52/75 — Az-Zumar الزمر (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Az-Zumar Pakinggan, Az-Zumar Salin, Az-Zumar mp3, Az-Zumar pdf. Talata 50–54. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers