Surah As-Saaffat with Filipino

  1. Surah mp3
  2. More
  3. Filipino
The Holy Quran | Quran translation | Language Filipino | Surah Assaaffat | الصافات - Ayat Count 182 - The number of the surah in moshaf: 37 - The meaning of the surah in English: Those Who Set The Ranks.

وَالصَّافَّاتِ صَفًّا(1)

 Sapamamagitan(ngmgaanghel) nanahahanaysaantas

فَالزَّاجِرَاتِ زَجْرًا(2)

 Sa pamamagitan (ng mga anghel) na matatag na nagtataboy sa (kasamaan) sa mabuting paraan

فَالتَّالِيَاتِ ذِكْرًا(3)

 Sa pamamagitan (ng mga anghel) na nagdadala ng Aklat at ng Qur’an sa sangkatauhan mula kay Allah

إِنَّ إِلَٰهَكُمْ لَوَاحِدٌ(4)

 Katotohanan! Katotohanan, ang inyong Ilah (diyos) ay Tanging Isa (si Allah)

رَّبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَرَبُّ الْمَشَارِقِ(5)

 Na Panginoon ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at Panginoon ng lahat ng bawat hanggahan ng sinisikatan ng araw! (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya)

إِنَّا زَيَّنَّا السَّمَاءَ الدُّنْيَا بِزِينَةٍ الْكَوَاكِبِ(6)

 Katotohanang Aming pinalamutihan ang pinakamababang kalangitan ng kagandahan (sa pamamagitan) ng mga bituin

وَحِفْظًا مِّن كُلِّ شَيْطَانٍ مَّارِدٍ(7)

 At bilang bantay laban sa bawat naghihimagsik na demonyo (Satanas)

لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى الْمَلَإِ الْأَعْلَىٰ وَيُقْذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٍ(8)

 Sila ay hindi makakarinig sa mataas na pangkat (mga anghel), sapagkat sila ay binabato (itinataboy) sa bawat panig

دُحُورًا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ وَاصِبٌ(9)

 Na itinatakwil, at sa kanila ang patuloy (o masakit) na pagpaparusa

إِلَّا مَنْ خَطِفَ الْخَطْفَةَ فَأَتْبَعَهُ شِهَابٌ ثَاقِبٌ(10)

 Maliban sa kanya na katulad nang nang- agaw ng isang bagay sa pamamagitan ng pagnanakaw at sila ay tinutugis ng naglalagablab na apoy na may nakakatusok na liwanag

فَاسْتَفْتِهِمْ أَهُمْ أَشَدُّ خَلْقًا أَم مَّنْ خَلَقْنَا ۚ إِنَّا خَلَقْنَاهُم مِّن طِينٍ لَّازِبٍ(11)

 Kaya’ttanunginmo(OMuhammad, silanamapagsamba sa mga diyus-diyosan): “Sila ba ay higit na matibay bilang nilikha, o ang iba pa (katulad ng kabundukan, kalangitan, kalupaan, atbp.) na Aming nilikha?” Katotohanang Aming nilikha sila mula sa isang malagkit na putik

بَلْ عَجِبْتَ وَيَسْخَرُونَ(12)

 Hindi, ikaw (o Muhammad) ay nagtataka (sa kanilang katigasan ng ulo) habang sila ay nangungutya (sa iyo at sa Qur’an)

وَإِذَا ذُكِّرُوا لَا يَذْكُرُونَ(13)

 At kung sila ay pinapaalalahanan, sila ay hindi nagbibigay pahalaga

وَإِذَا رَأَوْا آيَةً يَسْتَسْخِرُونَ(14)

 At kung sila ay makakita ng isang Ayah (isang tanda, katibayan), ay ginagawa nila itong katatawanan

وَقَالُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُّبِينٌ(15)

 At sila ay nagsasabi: “Ito ay wala ng iba kundi maliwanag na panlilinlang!”

أَإِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ(16)

 “Ano! Kung kami ay mamatay at maging alabok at mga buto, kami baga (ay katotohanan) na muling ibabangon?”

أَوَآبَاؤُنَا الْأَوَّلُونَ(17)

 “Gayundin ang aming mga ninuno?”

قُلْ نَعَمْ وَأَنتُمْ دَاخِرُونَ(18)

 Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay nga, at kayo ay aalispustain (dahilan sa inyong kasamaan).”

فَإِنَّمَا هِيَ زَجْرَةٌ وَاحِدَةٌ فَإِذَا هُمْ يَنظُرُونَ(19)

 At ito ay isang matinding pagsabog lamang (alalaong baga, sa pangalawang pagtunog ng Tambuli), at pagmasdan! Sila ay mandidilat

وَقَالُوا يَا وَيْلَنَا هَٰذَا يَوْمُ الدِّينِ(20)

 Sila ay magsasabi: “Ah! Kasawian sa amin! Ito ang Araw ng Paghuhukom!”

هَٰذَا يَوْمُ الْفَصْلِ الَّذِي كُنتُم بِهِ تُكَذِّبُونَ(21)

 (At dito ay ipagbabadya): “Ito ang Araw ng Pagbubukod-bukod (Paghuhukom), na ang pagiging tunay ay palagi ninyong itinatatwa.”

۞ احْشُرُوا الَّذِينَ ظَلَمُوا وَأَزْوَاجَهُمْ وَمَا كَانُوا يَعْبُدُونَ(22)

 (At ipagbabadya sa mga anghel): “Tipunin ninyo nang sama-sama ang nagsigawa ng kamalian gayundin ang kanilang mga kasama (mula sa mga demonyo) at ang kanilang sinasamba noon (na mga diyus-diyosan)

مِن دُونِ اللَّهِ فَاهْدُوهُمْ إِلَىٰ صِرَاطِ الْجَحِيمِ(23)

 Bukod pa kay Allah, at ihantong sila sa daan ng Naglalagablab na Apoy (Impiyerno)

وَقِفُوهُمْ ۖ إِنَّهُم مَّسْئُولُونَ(24)

 Datapuwa’t patigilin sila, sapagkat sila ay tatanungin

مَا لَكُمْ لَا تَنَاصَرُونَ(25)

 “Ano ang nangyayari sa inyo? Bakit hindi kayo magtulungan sa isa’t isa (na kagaya noong ginagawa ninyo sa lupa)?”

بَلْ هُمُ الْيَوْمَ مُسْتَسْلِمُونَ(26)

 Hindi, subalit sa Araw na ito, sila ay susuko (sa paghuhukom)

وَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَاءَلُونَ(27)

 At sila ay babaling sa bawat isa at magtatanungan sa bawat isa

قَالُوا إِنَّكُمْ كُنتُمْ تَأْتُونَنَا عَنِ الْيَمِينِ(28)

 Sila ay magsasabi: “Kayo yaong dumarating sa amin mula sa kanang bahagi (alalaong baga, sa kanang bahagi ng isa sa amin at nagpapaganda sa amin ng bawat kasamaan at mga tukso, nag-uutos sa amin sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at humahadlang sa amin sa Katotohanan, sa Kaisahan ni Allah at sa Islam at sa bawat mabubuting gawa)

قَالُوا بَل لَّمْ تَكُونُوا مُؤْمِنِينَ(29)

 Sila ay magsisisagot: “Hindi, kayo rin sa inyong sarili ay walang pananampalataya

وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيْكُم مِّن سُلْطَانٍ ۖ بَلْ كُنتُمْ قَوْمًا طَاغِينَ(30)

 At kami ay walang kapamahalaan sa inyo. Hindi! Datapuwa’t kayo ay mga tao na nagmamalabis sa paglabag (palasuway, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig)!”

فَحَقَّ عَلَيْنَا قَوْلُ رَبِّنَا ۖ إِنَّا لَذَائِقُونَ(31)

 Kaya’t ngayon, ang Salita ng aming Panginoon ay binigyang katarungan laban sa amin, na katiyakang (dapat naming) lasapin (ang kaparusahan sa aming kasalanan)

فَأَغْوَيْنَاكُمْ إِنَّا كُنَّا غَاوِينَ(32)

 Kaya’t aming iniligaw kayo; sapagkat katotohanang kami rin sa aming sarili ay naliligaw.”

فَإِنَّهُمْ يَوْمَئِذٍ فِي الْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ(33)

 Katotohanang sa Araw na ito, silang lahat ay maghahati sa kaparusahan

إِنَّا كَذَٰلِكَ نَفْعَلُ بِالْمُجْرِمِينَ(34)

 Katiyakang sa ganitong (paraan), ang Aming pakikitungo sa Mujrimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, palasuway kay Allah, walang pananalig, atbp)

إِنَّهُمْ كَانُوا إِذَا قِيلَ لَهُمْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا اللَّهُ يَسْتَكْبِرُونَ(35)

 Katotohanang kapag sila ay pinagsasabihan ng: La ilaha ill Allah (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), ay pinatatambok nila ang kanilang sarili sa kapalaluan (alalaong baga, sila ay nagtatatwa sa katotohanan)

وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُو آلِهَتِنَا لِشَاعِرٍ مَّجْنُونٍ(36)

 At sila ay nagsasabi: “Ano? Tatalikdan ba namin ang aming mga diyos dahilan lamang sa isang makata na nasisiraan ng bait?”

بَلْ جَاءَ بِالْحَقِّ وَصَدَّقَ الْمُرْسَلِينَ(37)

 Hindi! Siya (Muhammad) ay dumatal na may (ganap) na katotohanan (alalaong baga, dala niya ang Islam, Qur’an at paniniwala sa Kaisahan ni Allah), at siya ay nagpapatotoo (sa mensahe) ng mga Tagapagbalita (noon pang una na nagdala ng Pananampalataya ni Allah, ang Islam at Kanyang Kaisahan)

إِنَّكُمْ لَذَائِقُو الْعَذَابِ الْأَلِيمِ(38)

 Katotohanang kayo (na mga pagano sa Makkah), inyong lalasapin ang kasakit-sakit na kaparusahan

وَمَا تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(39)

 At kayo ay gagantihan ng wala ng iba maliban lamang sa inyong mga ginawa (masasamang gawa, kasalanan, pagsuway kay Allah, atbp)

إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(40)

 Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (matatapat, masunurin, tunay na may pananalig sa Islam at Kaisahan ni Allah)

أُولَٰئِكَ لَهُمْ رِزْقٌ مَّعْلُومٌ(41)

 Sasakanila ang nakatakdang biyaya (panustos, sa Paraiso)

فَوَاكِهُ ۖ وَهُم مُّكْرَمُونَ(42)

 Mga bungangkahoy; at sila ay pararangalan

فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ(43)

 Sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso)

عَلَىٰ سُرُرٍ مُّتَقَابِلِينَ(44)

 Na nakaharap sa bawat isa sa matataas na diban

يُطَافُ عَلَيْهِم بِكَأْسٍ مِّن مَّعِينٍ(45)

 Sa palibot nila ay idudulot ang kopa ng inumin mula sa malinaw na dalisdis (dalisay na alak)

بَيْضَاءَ لَذَّةٍ لِّلشَّارِبِينَ(46)

 Na tulad sa kaputian ng kristal, na ang lasa ay masarap sa mga umiinom

لَا فِيهَا غَوْلٌ وَلَا هُمْ عَنْهَا يُنزَفُونَ(47)

 Na ligtas sa Ghoul (hindi magiging mabigat o masakit ang ulo, walang sakit sa tiyan, hindi nakakapinsala sa katawan, walang damdamin ng kasalanan) mula (sa pag-inom), gayundin naman, sila ay hindi makadarama nang pagkalango

وَعِندَهُمْ قَاصِرَاتُ الطَّرْفِ عِينٌ(48)

 At sa tabi nila ay mayroong mga busilak na babae; na nagpipigil sa kanilang pagtingin (na hindi nagnanais sa iba maliban sa kanilang asawa), na may malalaki at magagandang mata

كَأَنَّهُنَّ بَيْضٌ مَّكْنُونٌ(49)

 (Maselan at dalisay) na (wari bang natatakpang) itlog na binabantayan

فَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَاءَلُونَ(50)

 At sila ay haharap sa bawat isa at magkapanabay na magtatanungan

قَالَ قَائِلٌ مِّنْهُمْ إِنِّي كَانَ لِي قَرِينٌ(51)

 Ang isa sa kanila ay magsasabi: “Katotohanang ako ay may isang malapit na kasama (sa kalupaan)

يَقُولُ أَإِنَّكَ لَمِنَ الْمُصَدِّقِينَ(52)

 Na lagi nang nagsasabi: “Ikaw ba ay isa sa mga tunay na nananalig (sa Muling Pagkabuhay matapos ang kamatayan)

أَإِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَدِينُونَ(53)

 Na kung tayo ay mamatay at maging alabok at mga buto, katotohanang bang tayo (ay muling ibabangon) upang tumanggap ng gantimpala o kaparusahan (ayon sa ating mga gawa)?”

قَالَ هَلْ أَنتُم مُّطَّلِعُونَ(54)

 (Ang isang tao) ay nagsabi: “Nais mo bang tumingin sa dakong ibaba?”

فَاطَّلَعَ فَرَآهُ فِي سَوَاءِ الْجَحِيمِ(55)

 Kaya’t siya ay tumingin sa ibaba at kanyang nakita siya sa gitna ng Apoy

قَالَ تَاللَّهِ إِن كِدتَّ لَتُرْدِينِ(56)

 Siya ay nagsabi: “Sa pamamagitan (sa Ngalan) ni Allah! Malapit mo na (sana) akong nadala sa pagkapanganyaya ng aking kaluluwa

وَلَوْلَا نِعْمَةُ رَبِّي لَكُنتُ مِنَ الْمُحْضَرِينَ(57)

 At kung hindi sa Habag ng aking Panginoon (Allah), walang pagsala na ako ay isa sa mga napasama roon (sa Impiyerno)!”

أَفَمَا نَحْنُ بِمَيِّتِينَ(58)

 (Ang tunay na sumasampalataya ay nagsabi): Tayo ba ay hindi na (muling) mamamatay

إِلَّا مَوْتَتَنَا الْأُولَىٰ وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِينَ(59)

 Maliban sa ating unang kamatayan, at tayo ba ay hindi paparusahan (makaraang tayo ay pumasok sa Paraiso)

إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ(60)

 Katotohanang ito ang Sukdol na Tagumpay

لِمِثْلِ هَٰذَا فَلْيَعْمَلِ الْعَامِلُونَ(61)

 Sa katulad nito, hayaan ang lahat ay magsikap, sa mga nagnanais na magsikap

أَذَٰلِكَ خَيْرٌ نُّزُلًا أَمْ شَجَرَةُ الزَّقُّومِ(62)

 Ito bang (Paraiso) ay higit na mainam sa pagsasaya o ang puno ng Zaqqum (isang kahindik-hindik na puno sa Impiyerno)

إِنَّا جَعَلْنَاهَا فِتْنَةً لِّلظَّالِمِينَ(63)

 Katotohanang Aming ginawa ito (bilang) isang buntot sa Zalimun (mapagsamba sa mga diyus- diyosan, walang pananalig, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp)

إِنَّهَا شَجَرَةٌ تَخْرُجُ فِي أَصْلِ الْجَحِيمِ(64)

 Katotohanang ito ay isang puno na tumutubo sa kailaliman ng Impiyerno

طَلْعُهَا كَأَنَّهُ رُءُوسُ الشَّيَاطِينِ(65)

 Na ang supling (usbong) ng kanyang buwig ay katulad ng ulo ng mga demonyo

فَإِنَّهُمْ لَآكِلُونَ مِنْهَا فَمَالِئُونَ مِنْهَا الْبُطُونَ(66)

 Katotohanang sila ay kakain nito at ang kanilang tiyan ay mapupuno ng mga ito

ثُمَّ إِنَّ لَهُمْ عَلَيْهَا لَشَوْبًا مِّنْ حَمِيمٍ(67)

 At bukod pa rito, sila ay bibigyan ng kumukulong tubig upang inumin na magiging magkasangkap (ang pinakulong tubig at Zaqqum sa kanilang tiyan)

ثُمَّ إِنَّ مَرْجِعَهُمْ لَإِلَى الْجَحِيمِ(68)

 At pagkatapos, katotohanang sila ay ibabalik sa Naglalagablab na Apoy ng Impiyerno

إِنَّهُمْ أَلْفَوْا آبَاءَهُمْ ضَالِّينَ(69)

 Katotohanang kanilang natagpuan ang kanilang mga ninuno sa maling Landas

فَهُمْ عَلَىٰ آثَارِهِمْ يُهْرَعُونَ(70)

 Kaya’t sila rin ay nagmadali na sundan ang kanilang mga yapak

وَلَقَدْ ضَلَّ قَبْلَهُمْ أَكْثَرُ الْأَوَّلِينَ(71)

 At katotohanan, ang mga tao noong una ay naligaw rin bago pa sa kanila

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا فِيهِم مُّنذِرِينَ(72)

 Datapuwa’tkatotohanangnoonpaman, silaaypinadalhan na Namin ng mga tagapagbabala (mga Tagapagbalita)

فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُنذَرِينَ(73)

 Kaya’t pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga pinaalalahanan (subalit hindi nakinig)

إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(74)

 Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (matapat, masunurin, tunay na may pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)

وَلَقَدْ نَادَانَا نُوحٌ فَلَنِعْمَ الْمُجِيبُونَ(75)

 (Noon), katotohanang si Noe ay nanikluhod saAmin, at Kami ang Pinakamainam sa mga dumirinig (sa panalangin)

وَنَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ(76)

 At Aming iniadya siya at ang kanyang pamayanan sa malaking kapinsalaan (sa pagkalunod)

وَجَعَلْنَا ذُرِّيَّتَهُ هُمُ الْبَاقِينَ(77)

 At ginawa Namin ang kanyang kalahian na mamalagi (sa kalupaan) at ang mga nakaligtas (alalaong baga, si Shem, Ham at Japheth)

وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِي الْآخِرِينَ(78)

 At iniwan Namin sa kanya (ang magandang ala-ala) para sa kanyang mga lahi na susunod sa darating na panahon

سَلَامٌ عَلَىٰ نُوحٍ فِي الْعَالَمِينَ(79)

 “Salamun (Kapayapaan) at pagbati kay Noe (mula sa Amin) at sa lahat ng mga nilalang!”

إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(80)

 Katotohanan, sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan sa kapakanan ni Allah na walang pagpapasikat o naghahangad ng papuri, bagkus ay gumagawa nito ayon sa pag-uutos ni Allah)

إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ(81)

 Katotohanang siya ay isa sa Aming tagapaglingkod na may pananalig

ثُمَّ أَغْرَقْنَا الْآخَرِينَ(82)

 At Aming nilunod ang iba (na walang pananampalataya, buktot, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, atbp)

۞ وَإِنَّ مِن شِيعَتِهِ لَإِبْرَاهِيمَ(83)

 At katotohanan, ang isa sa mga sumunod sa kanya (Noe) sa landas (ng Islam at Kaisahan ni Allah) ay si Abraham

إِذْ جَاءَ رَبَّهُ بِقَلْبٍ سَلِيمٍ(84)

 Pagmasdan! Nang siya ay lumapit sa kanyang Panginoon na may dalisay na puso (tanging kay Allah lamang ang kanyang pagsamba at malinis siya sa dumi ng pananalig sa mga diyus-diyosan)

إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ مَاذَا تَعْبُدُونَ(85)

 Pagmasdan! Nang sinabi niya sa kanyang ama at sa mga tao: “Ano baga yaong inyong sinasamba?”

أَئِفْكًا آلِهَةً دُونَ اللَّهِ تُرِيدُونَ(86)

 “Ito ay isang kabulaanan, mga diyus-diyosan bukod pa kay Allah, ang inyong pinaninikluhuran?”

فَمَا ظَنُّكُم بِرَبِّ الْعَالَمِينَ(87)

 “At ano ang inyong pag-aakala tungkol sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang?”

فَنَظَرَ نَظْرَةً فِي النُّجُومِ(88)

 At siya ay tumanaw nang malalim sa mga bituin (upang sila ay linlangin)

فَقَالَ إِنِّي سَقِيمٌ(89)

 At siya ay nagsabi: “Katotohanang ako ay maysakit (dahil sa salot na bigay ng mga bituin). [Ginawa niya ang pamamaraang ito upang siya ay makapanatili sa templo ng kanilang mga diyus-diyosan at kanyang mawasak ang mga ito, at upang siya ay hindi mapasama sa kanilang paganong pagdiriwang]

فَتَوَلَّوْا عَنْهُ مُدْبِرِينَ(90)

 Kaya’t sila ay tumalikod sa kanya, at nagsilisan (dahilan sa pangangamba sa kanyang sakit)

فَرَاغَ إِلَىٰ آلِهَتِهِمْ فَقَالَ أَلَا تَأْكُلُونَ(91)

 At siya (Abraham) ay humarap sa kanilang mga diyus-diyosan at nagsabi: “Hindi ba ninyo kakainin ang mga handog sa harapan ninyo

مَا لَكُمْ لَا تَنطِقُونَ(92)

 At ano ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi nagsasalita?”

فَرَاغَ عَلَيْهِمْ ضَرْبًا بِالْيَمِينِ(93)

 At siya ay lumapit sa kanila at kanyang sinuntok (hinampas) sila ng (kanyang) kanang kamay

فَأَقْبَلُوا إِلَيْهِ يَزِفُّونَ(94)

 At dumating (ang mga sumasamba sa mga diyus- diyosan) na nagmamadali patungo sa kanya (Abraham)

قَالَ أَتَعْبُدُونَ مَا تَنْحِتُونَ(95)

 Siya (Abraham) ay nagsabi: “Sinasamba ba ninyo ang mga bagay na (kayo rin sa inyong sarili) ang lumilok

وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ وَمَا تَعْمَلُونَ(96)

 Datapuwa’t si Allah ang lumikha sa inyo at sa ginawa ng inyong mga kamay!”

قَالُوا ابْنُوا لَهُ بُنْيَانًا فَأَلْقُوهُ فِي الْجَحِيمِ(97)

 Sila ay nagsabi: “Inyong igawa siya ng pugon at itapon siya sa naglalagablab na apoy!”

فَأَرَادُوا بِهِ كَيْدًا فَجَعَلْنَاهُمُ الْأَسْفَلِينَ(98)

 (Ito ay hindi magtatagumpay). At sila ay nagbalak nang laban sa kanya, datapuwa’t Aming inilaan sila sa pinakaaba

وَقَالَ إِنِّي ذَاهِبٌ إِلَىٰ رَبِّي سَيَهْدِينِ(99)

 Siya (Abraham) ay nagsabi (matapos na makaligtas siya sa apoy): “Katotohanang ako ay patutungo sa aking Panginoon! Siya ang mamamatnubay sa akin!”

رَبِّ هَبْ لِي مِنَ الصَّالِحِينَ(100)

 “o aking Panginoon! Ako ay pagkalooban Ninyo ng (mabuting) anak na lalaki mula sa matutuwid!”

فَبَشَّرْنَاهُ بِغُلَامٍ حَلِيمٍ(101)

 Kaya’t ibinigay Namin sa kanya ang magandang balita ng matimtimang anak (na lalaki, si Ismail)

فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ السَّعْيَ قَالَ يَا بُنَيَّ إِنِّي أَرَىٰ فِي الْمَنَامِ أَنِّي أَذْبَحُكَ فَانظُرْ مَاذَا تَرَىٰ ۚ قَالَ يَا أَبَتِ افْعَلْ مَا تُؤْمَرُ ۖ سَتَجِدُنِي إِن شَاءَ اللَّهُ مِنَ الصَّابِرِينَ(102)

 At nang ang (anak na) lalaki ay sumapit na sa hustong gulang, siya (Abraham) ay nagsabi: “o aking anak! Ako ay nanaginip na iaalay kita bilang sakripisyo (kay Allah); iyong sabihin kung ano ang iyong nasasaloob!” (Ang anak) ay nagsabi: “o aking ama! Inyong sundin kung ano ang sa inyo ay ipinag-utos. Insha Allah (Kung pahihintulutan ni Allah), matatagpuan ninyo ako (kung ito ang kalooban ni Allah) na isang mapagbata.”

فَلَمَّا أَسْلَمَا وَتَلَّهُ لِلْجَبِينِ(103)

 At nang sila ay kapwa nagsuko ng kanilang sarili (sa pagsunod kay Allah), at kanyang inihiga na siya na nakapatirapa sa kanyang noo (upang isakripisyo)

وَنَادَيْنَاهُ أَن يَا إِبْرَاهِيمُ(104)

 Amin (Allah) siyang tinawag: “o Abraham

قَدْ صَدَّقْتَ الرُّؤْيَا ۚ إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(105)

 Iyo nang natupad nang ganap ang panaginip!” Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan na ganap na nagsasagawa ng mga ito tungo sa kapakanan ni Allah ng walang kapalaluan at hindi naghihintay ng papuri o katanyagan, bagkus ay gumagawa nito ayon sa pag-uutos ni Allah)

إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْبَلَاءُ الْمُبِينُ(106)

 Katotohanang ito ay isang tunay na lantad na pagsubok

وَفَدَيْنَاهُ بِذِبْحٍ عَظِيمٍ(107)

 At siya ay tinubos (iniligtas) Namin sa isang malaking sakripisyo (ipinalit sa kanya ang isang hayop, alalaong baga, isang lalaking tupa)

وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِي الْآخِرِينَ(108)

 At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon

سَلَامٌ عَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ(109)

 “Salamun (Kapayapaan) at pagbati kay Abraham!”

كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(110)

 Kaya’t katotohanang sa ganito Namin binibiyayaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran)

إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ(111)

 Katotohanang siya ay isa sa Aming tagapaglingkod na nananampalataya

وَبَشَّرْنَاهُ بِإِسْحَاقَ نَبِيًّا مِّنَ الصَّالِحِينَ(112)

 At Aming ginawaran siya ng magandang balita (nang pagdating) ni Isaac, isang propeta, isa sa mga matutuwid

وَبَارَكْنَا عَلَيْهِ وَعَلَىٰ إِسْحَاقَ ۚ وَمِن ذُرِّيَّتِهِمَا مُحْسِنٌ وَظَالِمٌ لِّنَفْسِهِ مُبِينٌ(113)

 Aming ginawaran siya at si Isaac ng biyaya, at mula sa kanilang lahi, (ang iba) ay gumagawa ng kabutihan at ang ilan ay gumagawa ng kamalian

وَلَقَدْ مَنَنَّا عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَارُونَ(114)

 At muli (tulad din noong una), Aming ibinigay ang Aming paglingap kay Moises at Aaron

وَنَجَّيْنَاهُمَا وَقَوْمَهُمَا مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ(115)

 At Aming iniadya sila at ang kanilang pamayanan sa malaking kasiphayuan

وَنَصَرْنَاهُمْ فَكَانُوا هُمُ الْغَالِبِينَ(116)

 At sila ay tinulungan Namin, at sila ay nagsipagtagumpay

وَآتَيْنَاهُمَا الْكِتَابَ الْمُسْتَبِينَ(117)

 At iginawad Namin sa kanila ang Kasulatan na nagpapaliwanag sa mga bagay-bagay

وَهَدَيْنَاهُمَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيمَ(118)

 At sila ay pinatnubayan Namin sa Matuwid na Landas

وَتَرَكْنَا عَلَيْهِمَا فِي الْآخِرِينَ(119)

 At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon

سَلَامٌ عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَارُونَ(120)

 “Salamun (Kapayapaan) at pagbati kina Moises at Aaron!”

إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(121)

 Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran)

إِنَّهُمَا مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ(122)

 Sapagkat sila ay dalawa sa Aming mga tagapaglingkod na nananampalataya

وَإِنَّ إِلْيَاسَ لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ(123)

 At katotohanang si Elias ay isa rin sa Aming mga Tagapagbalita

إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَلَا تَتَّقُونَ(124)

 Pagmasdan! Nang kanyang ipahayag sa kanyang pamayanan: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah?”

أَتَدْعُونَ بَعْلًا وَتَذَرُونَ أَحْسَنَ الْخَالِقِينَ(125)

 “Kayo ba ay magsisidalangin kay Baal (isang tanyag na diyus-diyosan sa kanilang pamayanan na kanilang sinasamba) atinyongtatalikuranang Pinakamainamsalahat ng mga Manlilikha?”

اللَّهَ رَبَّكُمْ وَرَبَّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ(126)

 “Si Allah, ang inyong Panginoon at Tagapagtaguyod, at Panginoon at Tagapagtaguyod ng inyong ninuno noong pang una?”

فَكَذَّبُوهُ فَإِنَّهُمْ لَمُحْضَرُونَ(127)

 Datapuwa’t kanilang itinakwil siya (Elias), at katotohanan na walang pagsala na sila ay tatawagin (sa kaparusahan)

إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(128)

 Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (sa kanilang lipon)

وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِي الْآخِرِينَ(129)

 At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon

سَلَامٌ عَلَىٰ إِلْ يَاسِينَ(130)

 “Salamun (Kapayapaan) at pagbati kay Ilyasin (Elias)!”

إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(131)

 Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran tungo sa kapakanan ni Allah)

إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ(132)

 Katotohanang siya ay isa sa Aming tagapaglingkod na nananampalataya

وَإِنَّ لُوطًا لَّمِنَ الْمُرْسَلِينَ(133)

 At katotohanang si Lut ay isa sa Aming mga Tagapagbalita

إِذْ نَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ أَجْمَعِينَ(134)

 Pagmasdan! Nang Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, silang lahat

إِلَّا عَجُوزًا فِي الْغَابِرِينَ(135)

 Maliban sa isang matandang babae (ang kanyang asawa) na isa sa mga nagpaiwan

ثُمَّ دَمَّرْنَا الْآخَرِينَ(136)

 At Aming winasak ang natira (alalaong baga, ang mga bayan ng Sodom na nasa lugar ng Patay na Dagat [Dead Sea] sa Palestina

وَإِنَّكُمْ لَتَمُرُّونَ عَلَيْهِم مُّصْبِحِينَ(137)

 Katotohanang kayo ay dumaraan (sa kanilang pook) sa umaga

وَبِاللَّيْلِ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ(138)

 At sa gabi; kayo baga ay hindi nakakaunawa

وَإِنَّ يُونُسَ لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ(139)

 At katotohanang si Jonah ay isa sa Aming mga Tagapagbalita

إِذْ أَبَقَ إِلَى الْفُلْكِ الْمَشْحُونِ(140)

 Nang siya ay tumakbo (na parang isang alipin) sa barko na puno ng karga

فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ الْمُدْحَضِينَ(141)

 Siya (ay pumayag) na magpalabunutan, at siya ay isa sa mga talunan

فَالْتَقَمَهُ الْحُوتُ وَهُوَ مُلِيمٌ(142)

 Kaya’t isang (malaking) isda ang lumulon sa kanya, at siya ang dapat sisihin sa kanyang ginawa

فَلَوْلَا أَنَّهُ كَانَ مِنَ الْمُسَبِّحِينَ(143)

 Datapuwa’t kung siya ay hindi (lamang) humingi ng kapatawaran at lumuwalhati kay Allah

لَلَبِثَ فِي بَطْنِهِ إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ(144)

 Katotohanan na walang pagsala na mananatili siya sa tiyan (ng isda) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay

۞ فَنَبَذْنَاهُ بِالْعَرَاءِ وَهُوَ سَقِيمٌ(145)

 Subalit siya ay iniluwa Namin sa patag na pasigan (ng dagat) samantalang (siya) ay may sakit

وَأَنبَتْنَا عَلَيْهِ شَجَرَةً مِّن يَقْطِينٍ(146)

 At Aming pinatubo sa ibabaw (sa tabi) niya ang isang malabay na puno

وَأَرْسَلْنَاهُ إِلَىٰ مِائَةِ أَلْفٍ أَوْ يَزِيدُونَ(147)

 At Aming isinugo siya (sa isang misyon) sa isang daang libong tao o higit pa

فَآمَنُوا فَمَتَّعْنَاهُمْ إِلَىٰ حِينٍ(148)

 At sila ay nagsisampalataya, kaya’t Aming hinayaan na sila ay magsaya sa kaunting sandali

فَاسْتَفْتِهِمْ أَلِرَبِّكَ الْبَنَاتُ وَلَهُمُ الْبَنُونَ(149)

 Kaya’t ngayon (O Muhammad), iyong tanungin sila kung ano ang kanilang palagay. Tunay kaya baga na ang inyong Panginoon (ay mayroon lamang) ng mga anak na babae, at ang kanila ay mga anak na lalaki

أَمْ خَلَقْنَا الْمَلَائِكَةَ إِنَاثًا وَهُمْ شَاهِدُونَ(150)

 o nilikha ba Namin ang mga babaeng anghel, samantalang sila ang mga saksi

أَلَا إِنَّهُم مِّنْ إِفْكِهِمْ لَيَقُولُونَ(151)

 Pagmasdan! Sila (mga paganong Quraish) ay nagsasabi mula sa kanilang mga kabulaanan (gawa-gawang kasinungalingan) ng

وَلَدَ اللَّهُ وَإِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ(152)

 “Si Allah ay nagkaroon ng mga anak (alalaong baga, ang mga anghel ay mga anak na babae ni Allah)?” Katotohanang sila ay mga sinungaling

أَصْطَفَى الْبَنَاتِ عَلَى الْبَنِينَ(153)

 Siya (Allah) baga ay pumili ng mga anak na babae kaysa sa mga anak na lalaki

مَا لَكُمْ كَيْفَ تَحْكُمُونَ(154)

 Ano ang nangyayari sa inyo? Paano kayo humahatol

أَفَلَا تَذَكَّرُونَ(155)

 Hindi baga kayo tatanggap ng paala-ala

أَمْ لَكُمْ سُلْطَانٌ مُّبِينٌ(156)

 o mayroon ba kayong maliwanag na kapamahalaan

فَأْتُوا بِكِتَابِكُمْ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(157)

 Kung gayon, inyong dalhin ang (inyong) Aklat (ng kapamahalaan) kung kayo ay makatotohanan

وَجَعَلُوا بَيْنَهُ وَبَيْنَ الْجِنَّةِ نَسَبًا ۚ وَلَقَدْ عَلِمَتِ الْجِنَّةُ إِنَّهُمْ لَمُحْضَرُونَ(158)

 At sila ay kumatha (naggawa-gawa ng kasinungalingan) na may pagkakamag-anak sa pagitan Niya at ng mga Jinn, datapuwa’t ang mga Jinn na rin (ang lubos na nakakaalam) na sila ay tatawagin upang magsulit sa Kanya

سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ(159)

 Luwalhatiin si Allah! (Siya ay ganap na malaya) sa lahat ng bagay na kanilang itinatambal sa Kanya

إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(160)

 (Sila ay nasa kamalian) maliban sa mga tagapaglingkod ni Allah na Kanyang pinili (sa Kanyang Habag, alalaong baga, mga tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah at hindi nag-aakibat ng mga huwad na bagay kay Allah)

فَإِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُونَ(161)

 Kaya’t katotohanang kayong (mga pagano), at ang inyong mga sinasamba (na diyus- diyosan)

مَا أَنتُمْ عَلَيْهِ بِفَاتِنِينَ(162)

 Ay hindi makakapagligaw (sa kanila na tunay na sumasampalataya kay Allah na makalimot at lumayo sa Kanya)

إِلَّا مَنْ هُوَ صَالِ الْجَحِيمِ(163)

 Maliban sa kanila na nakatakdang masunog sa Naglalagablab na Apoy (Impiyerno)

وَمَا مِنَّا إِلَّا لَهُ مَقَامٌ مَّعْلُومٌ(164)

 walang sinuman sa amin (mga anghel) ang hindi nakakaalam sa aming takdang kalalagyan (o puwesto)

وَإِنَّا لَنَحْنُ الصَّافُّونَ(165)

 Katotohanan, kaming (mga anghel) ay nakatindig sa mga hanay sa pagdarasal (na katulad din ninyong mga Muslim sa inyong pagdarasal)

وَإِنَّا لَنَحْنُ الْمُسَبِّحُونَ(166)

 At katotohanan, kaming (mga anghel), kami ay sumasambit ng kaluwalhatian (ni Allah sa aming pananalangin)!”

وَإِن كَانُوا لَيَقُولُونَ(167)

 At katotohanang sila (mga paganong Arabo) ay laging nagsasabi

لَوْ أَنَّ عِندَنَا ذِكْرًا مِّنَ الْأَوَّلِينَ(168)

 “Kung kami lamang ay nakatanggap ng Mensahe noong una (bago dumatal si Propeta Muhammad bilang isang Tagapagbalita ni Allah)

لَكُنَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(169)

 Katotohanang kami ay walang pagsala na magiging tagapaglingkod ni Allah, matapat at matimtiman (at tunay na nananampalataya sa Kanyang Kaisahan at sa Islam)!”

فَكَفَرُوا بِهِ ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ(170)

 Datapuwa’t (ngayon na ang Qur’an ay dumating), sila ay nagtakwil dito (sa Qur’an at kay Propeta Muhammad at sa lahat ng kanyang mga dinalang kapahayagan); ngunit hindi magtatagal ay kanilang mapag-aalaman!”

وَلَقَدْ سَبَقَتْ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا الْمُرْسَلِينَ(171)

 At katotohanan, ang Aming Salita ay pumalaot na noon pa mang una sa Aming mga tagapaglingkod, ang mga Tagapagbalita na Aming isinugo

إِنَّهُمْ لَهُمُ الْمَنصُورُونَ(172)

 At Katotohanang Siya Ay Ginawaran Magsikap Tagumpay

وَإِنَّ جُندَنَا لَهُمُ الْغَالِبُونَ(173)

 At ang Aming mga tagapaglingkod, katotohanang sila ay magwawagi

فَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتَّىٰ حِينٍ(174)

 Kaya’t tumalikod ka sa kanila (O Muhammad), nang pansamantala

وَأَبْصِرْهُمْ فَسَوْفَ يُبْصِرُونَ(175)

 At pagmasdan mo sila, at makikita nila (ang kaparusahan)

أَفَبِعَذَابِنَا يَسْتَعْجِلُونَ(176)

 Sila baga ay naghahanap na madaliin ang Aming Kaparusahan

فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمْ فَسَاءَ صَبَاحُ الْمُنذَرِينَ(177)

 Datapuwa’t kung ito ay pababain na sa kanilang bakuran sa harapan nila, kasamaan ang magiging umaga ng mga pinaalalahanan (subalit hindi nakinig)

وَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتَّىٰ حِينٍ(178)

 Kaya’t talikuran mo sila (O Muhammad), nang pansamantala

وَأَبْصِرْ فَسَوْفَ يُبْصِرُونَ(179)

 At pagmasdan, kanilang makikita (ang kaparusahan)

سُبْحَانَ رَبِّكَ رَبِّ الْعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ(180)

 Maluwalhati ang iyong Panginoon! Ang Panginoon ng Karangalan at Kapangyarihan! (Siya ay ganap na malaya) sa lahat ng mga itinatambal nila sa Kanya

وَسَلَامٌ عَلَى الْمُرْسَلِينَ(181)

 At kapayapaan sa mga Tagapagbalita

وَالْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ(182)

 At ang lahat ng mga Pagpupuri ay kay Allah, ang Panginoon at Tagapanustos ng lahat ng mga nilalang


More surahs in Filipino:


Al-Baqarah Al-'Imran An-Nisa'
Al-Ma'idah Yusuf Ibrahim
Al-Hijr Al-Kahf Maryam
Al-Hajj Al-Qasas Al-'Ankabut
As-Sajdah Ya Sin Ad-Dukhan
Al-Fath Al-Hujurat Qaf
An-Najm Ar-Rahman Al-Waqi'ah
Al-Hashr Al-Mulk Al-Haqqah
Al-Inshiqaq Al-A'la Al-Ghashiyah

Download surah As-Saaffat with the voice of the most famous Quran reciters :

surah As-Saaffat mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter As-Saaffat Complete with high quality
surah As-Saaffat Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah As-Saaffat Bandar Balila
Bandar Balila
surah As-Saaffat Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah As-Saaffat Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah As-Saaffat Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah As-Saaffat Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah As-Saaffat Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah As-Saaffat Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah As-Saaffat Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah As-Saaffat Fares Abbad
Fares Abbad
surah As-Saaffat Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah As-Saaffat Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah As-Saaffat Al Hosary
Al Hosary
surah As-Saaffat Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah As-Saaffat Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Saturday, January 18, 2025

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب