Ibrahim · 15/52
Salin Transliterasyon — Ibrahim
وَاسْتَفْتَحُوا وَخَابَ كُلُّ جَبَّارٍ عَنِيدٍ ۝١٥
Wastaftahoo wa khaaba kullu jabbaarin `aneed
📖 Sa Filipino
Datapuwa’t sila (ang mga Tagapagbalita) ay nanikluhod ng tagumpay at tulong (mula sa kanilang Panginoon, si Allah), at ang bawat suwail at palalong diktador (na tumatangging maniwala sa Kaisahan ni Allah) ay inihantong sa ganap na pagkalungi at pagkawasak

🎧 Pakinggan


📜 Talata 13-17 — Ibrahim

13وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِرُسُلِهِمْ لَنُخْرِجَنَّكُم مِّنْ أَرْضِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۖ فَأَوْحَىٰ إِلَيْهِمْ رَبُّهُمْ لَنُهْلِكَنَّ الظَّالِمِينَ
At sila na hindi sumasampalataya ay nagsabi sa kanilang mga Tagapagbalita: “Katotohanang kayo ay itataboy namin (palayo) sa aming lupain, o kayo ay magbabalik sa ating relihiyon.” Kaya’t ang kanilang Panginoon ay nagpahayag sa kanila: “Katotohanan, Aming wawasakin ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kabuktutan, walang pananalig, atbp)
14وَلَنُسْكِنَنَّكُمُ الْأَرْضَ مِن بَعْدِهِمْ ۚ ذَٰلِكَ لِمَنْ خَافَ مَقَامِي وَخَافَ وَعِيدِ
At katotohanan, Aming hahayaan kayo na manahan sa kanilang mga lupain pagkaraan nila. Ito ay para sa kanya na nakatindig ng may pagkatakot sa Aking harapan (sa Araw ng Muling Pagkabuhay o nangangamba sa Aking kaparusahan), at gayundin, ay may pangangamba sa Aking banta.”
15وَاسْتَفْتَحُوا وَخَابَ كُلُّ جَبَّارٍ عَنِيدٍ
Datapuwa’t sila (ang mga Tagapagbalita) ay nanikluhod ng tagumpay at tulong (mula sa kanilang Panginoon, si Allah), at ang bawat suwail at palalong diktador (na tumatangging maniwala sa Kaisahan ni Allah) ay inihantong sa ganap na pagkalungi at pagkawasak
16مِّن وَرَائِهِ جَهَنَّمُ وَيُسْقَىٰ مِن مَّاءٍ صَدِيدٍ
Sa harapan niya (ang bawat suwail, palalong diktador) ay Impiyerno, at siya aypaiinuminngkumukuloatnagnananangtubig
17يَتَجَرَّعُهُ وَلَا يَكَادُ يُسِيغُهُ وَيَأْتِيهِ الْمَوْتُ مِن كُلِّ مَكَانٍ وَمَا هُوَ بِمَيِّتٍ ۖ وَمِن وَرَائِهِ عَذَابٌ غَلِيظٌ
Iinumin niya ito nang laban sa kanyang kalooban, at makadarama siya ng matinding kahirapan sa paglunok nito pababa sa kanyang lalamunan, at ang kamatayan ay daratal sa kanya sa bawat panig, gayunpaman, siya ay hindi mamamatay at sa harapan niya ay may matinding pagpaparusa
IbrahimTalaan ng Quran
52Talata
MeccanRevelation
15Talata

Salin — Ibrahim 15

Surah Ibrahim Talata 15 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Datapuwa’t sila (ang mga Tagapagbalita) ay nanikluhod ng tagumpay at…

Surah Talata 15/52 — Ibrahim إبراهيم (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Ibrahim Pakinggan, Ibrahim Salin, Ibrahim mp3, Ibrahim pdf. Talata 13–17. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers