Al-Maidah · 117/120
Salin Transliterasyon — Al-Maidah
مَا قُلْتُ لَهُمْ إِلَّا مَا أَمَرْتَنِي بِهِ أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ ۚ وَكُنتُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا مَّا دُمْتُ فِيهِمْ ۖ فَلَمَّا تَوَفَّيْتَنِي كُنتَ أَنتَ الرَّقِيبَ عَلَيْهِمْ ۚ وَأَنتَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ ۝١١٧
Maa qultu lahum illaa maaa amartanee bihee ani`budul laaha Rabbeee wa Rabbakum; wa kuntu `alaihim shaheedam maa dumtu feehim falammaa tawaffaitanee kunta Antar Raqeeba `alaihim; wa Anta `alaa kulli shai`in Shaheed
📖 Sa Filipino
Kailanman ay hindi ako nangusap sa kanila, maliban lamang kung ano ang Inyong ipinag-utos sa akin na sabihin: “Sambahin ninyo si Allah, ang aking Panginoon at inyong Panginoon,” at ako ay isang saksi sa kanila habang ako ay naninirahan sa kanilang lipon, datapuwa’t nang ako ay Inyong kaunin, kayo ang Tagamasid sa kanila, at Kayo ang Saksi sa lahat ng bagay. (Ito ay isang dakilang paala- ala at isang babala sa mga Kristiyano sa buong mundo)
🎧 Pakinggan

📜 Talata 115-119 — Al-Maidah

115قَالَ اللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيْكُمْ ۖ فَمَن يَكْفُرْ بَعْدُ مِنكُمْ فَإِنِّي أُعَذِّبُهُ عَذَابًا لَّا أُعَذِّبُهُ أَحَدًا مِّنَ الْعَالَمِينَ
Si Allah ay nagwika: “Ako ay magpapanaog nito sa inyo, datapuwa’t kung sinuman sa inyo makaraan ito, ang bumalik sa kawalan ng pananalig, kung gayon, siya ay Aking parurusahan ng isang kaparusahan na hindi Ko pa nagawa sa sinuman sa lahat ng mga nilalang.”
116وَإِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ أَأَنتَ قُلْتَ لِلنَّاسِ اتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيْنِ مِن دُونِ اللَّهِ ۖ قَالَ سُبْحَانَكَ مَا يَكُونُ لِي أَنْ أَقُولَ مَا لَيْسَ لِي بِحَقٍّ ۚ إِن كُنتُ قُلْتُهُ فَقَدْ عَلِمْتَهُ ۚ تَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِي وَلَا أَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِكَ ۚ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ
At (gunitain) kung si Allah ay magwiwika (sa Araw ng Muling Pagkabuhay): “O Hesus na anak ni Maria! Iyo bang ipinahayag sa mga tao: “Inyong sambahin ako at ang aking ina bilang dalawang diyos bukod pa kay Allah?” Siya (Hesus) ay magsasabi: “Luwalhatiin Kayo! Hindi isang katampatan sa akin ang magsabi ng isang bagay na wala akong karapatan (na magsabi). Kung aking binigkas ang gayong bagay, katotohanang ito ay Inyong mababatid. Talos Ninyo kung ano ang nasa aking kalooban datapuwa’t hindi ko nalalaman ang nasa Inyong (Kalooban), katotohanang Kayo at Kayo lamang ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng nakatago at nakalingid.”
117مَا قُلْتُ لَهُمْ إِلَّا مَا أَمَرْتَنِي بِهِ أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ ۚ وَكُنتُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا مَّا دُمْتُ فِيهِمْ ۖ فَلَمَّا تَوَفَّيْتَنِي كُنتَ أَنتَ الرَّقِيبَ عَلَيْهِمْ ۚ وَأَنتَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ
Kailanman ay hindi ako nangusap sa kanila, maliban lamang kung ano ang Inyong ipinag-utos sa akin na sabihin: “Sambahin ninyo si Allah, ang aking Panginoon at inyong Panginoon,” at ako ay isang saksi sa kanila habang ako ay naninirahan sa kanilang lipon, datapuwa’t nang ako ay Inyong kaunin, kayo ang Tagamasid sa kanila, at Kayo ang Saksi sa lahat ng bagay. (Ito ay isang dakilang paala- ala at isang babala sa mga Kristiyano sa buong mundo)
118إِن تُعَذِّبْهُمْ فَإِنَّهُمْ عِبَادُكَ ۖ وَإِن تَغْفِرْ لَهُمْ فَإِنَّكَ أَنتَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Kung sila ay Inyong parusahan, sila ay Inyong mga alipin, at kung sila ay Inyong patawarin, katotohanang Kayo at Kayo lamang ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Ganap na Maalam
119قَالَ اللَّهُ هَٰذَا يَوْمُ يَنفَعُ الصَّادِقِينَ صِدْقُهُمْ ۚ لَهُمْ جَنَّاتٌ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ رَّضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
Si Allah ay magwiwika: “Ito ang Araw na ang mga matatapat ay makikinabang sa kanilang katapatan; sasakanila ang Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) – sila ay mananahan dito magpakailanman. Si Allah ay nalulugod sa kanila at sila ay gayundin sa Kanya. Ito ang dakilang tagumpay (Paraiso)
Al-MaidahTalaan ng Quran
120Talata
MedinanRevelation
117Talata

Salin — Al-Maidah 117

Surah Al-Maidah Talata 117 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Kailanman ay hindi ako nangusap sa kanila, maliban lamang kung…

Surah Talata 117/120 — Al-Maidah المائدة (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-Maidah Pakinggan, Al-Maidah Salin, Al-Maidah mp3, Al-Maidah pdf. Talata 115–119. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers