Al-An'am · 12/165
Salin Transliterasyon — Al-An'am
قُل لِّمَن مَّا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قُل لِّلَّهِ ۚ كَتَبَ عَلَىٰ نَفْسِهِ الرَّحْمَةَ ۚ لَيَجْمَعَنَّكُمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۚ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنفُسَهُمْ فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ ۝١٢
Qul limam maa fis samaawaati wal ardi qul lillaah; kataba `alaa nafsihir rahmah; la yajma `annakum ilaa Yawmil Qiyaamati laa raiba feeh; allazeena khasirooo anfusahum fahum laa yu`minoon
📖 Sa Filipino
Ipagbadya (o Muhammad): “Sino baga kaya ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan?” Ipagbadya: “Si Allah. Kanyang itinalaga sa Kanyang Sarili (ang batas) ng Habag. Katotohanang kayo ay titipunin Niya nang sama-sama sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at tungkol dito, ito ay walang anumang alinlangan. Sila lamang na nagpatalo (nagwasak) ng kanilang kaluluwa ang hindi mananampalataya (kay Allah, bilang tanging Ilah [Diyos], at kay Muhammad bilang isa sa Kanyang mga Tagapagbalita, at sa Muling Pagkabuhay, atbp
🎧 Pakinggan

📜 Talata 10-14 — Al-An'am

10وَلَقَدِ اسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِّن قَبْلِكَ فَحَاقَ بِالَّذِينَ سَخِرُوا مِنْهُم مَّا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
At katotohanan, (marami) ng mga Tagapagbalita ang tinuya at pinagtawanan nang una pa sa iyo, datapuwa’t ang kanilang manunudyo ay napapaligiran ng pinakatampok na bagay na kanilang pinagtatawanan
11قُلْ سِيرُوا فِي الْأَرْضِ ثُمَّ انظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Magsipaglakbay kayo sa kalupaan at inyong malasin kung ano ang kinahinatnan ng mga nagsipagtakwil ng Katotohanan.”
12قُل لِّمَن مَّا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قُل لِّلَّهِ ۚ كَتَبَ عَلَىٰ نَفْسِهِ الرَّحْمَةَ ۚ لَيَجْمَعَنَّكُمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۚ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنفُسَهُمْ فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sino baga kaya ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan?” Ipagbadya: “Si Allah. Kanyang itinalaga sa Kanyang Sarili (ang batas) ng Habag. Katotohanang kayo ay titipunin Niya nang sama-sama sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at tungkol dito, ito ay walang anumang alinlangan. Sila lamang na nagpatalo (nagwasak) ng kanilang kaluluwa ang hindi mananampalataya (kay Allah, bilang tanging Ilah [Diyos], at kay Muhammad bilang isa sa Kanyang mga Tagapagbalita, at sa Muling Pagkabuhay, atbp
13۞ وَلَهُ مَا سَكَنَ فِي اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ
At Siya ang nag-aangkin ng anumang nananatili sa gabi at araw, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Puspos ng Karunungan
14قُلْ أَغَيْرَ اللَّهِ أَتَّخِذُ وَلِيًّا فَاطِرِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَهُوَ يُطْعِمُ وَلَا يُطْعَمُ ۗ قُلْ إِنِّي أُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ أَوَّلَ مَنْ أَسْلَمَ ۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Akin bagang tatangkilikin bilang isang wali (panginoon, tagapangalaga, bagay ng pagsamba) ang iba pa maliban kay Allah, ang Lumikha ng mga kalangitan at kalupaan? At Siya ang nagbibigay ng ikabubuhay na pagkain, datapuwa’t Siya ay hindi nangangailangan upang pakainin.” Ipagbadya: “Katotohanang ako ay pinag-utusan na manguna sa mga nagsusuko ng kanilang sarili kay Allah (bilang mga Muslim).” At ikaw (o Muhammad), ay huwag mapabilang sa lipon ng Mushrikun (mga mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp)
Al-An'amTalaan ng Quran
165Talata
MeccanRevelation
12Talata

Salin — Al-An'am 12

Surah Al-An'am Talata 12 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Ipagbadya (o Muhammad): “Sino baga kaya ang nag-aangkin ng lahat…

Surah Talata 12/165 — Al-An'am الأنعام (Meccan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-An'am Pakinggan, Al-An'am Salin, Al-An'am mp3, Al-An'am pdf. Talata 10–14. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers