Surah Ash-Shuara with Filipino

  1. Surah mp3
  2. More
  3. Filipino
The Holy Quran | Quran translation | Language Filipino | Surah Shuara | الشعراء - Ayat Count 227 - The number of the surah in moshaf: 26 - The meaning of the surah in English: The Poets.

طسم(1)

 Ta, Sin, Mim (mga titik Ta, Sa, Ma)

تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْمُبِينِ(2)

 Ito ang mga Talata ng lantad na Aklat (ang Qur’an na ipinangako ni Allah sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, upang ang mga bagay ay maging maliwanag

لَعَلَّكَ بَاخِعٌ نَّفْسَكَ أَلَّا يَكُونُوا مُؤْمِنِينَ(3)

 Maaaring ikaw (o Muhammad) ay magtangka na pumatay sa iyong sarili ng may kapighatian, sa dahilang sila ay hindi sumampalataya sa iyong pagka-Propeta at sa iyong Mensahe (ng Kaisahan ni Allah at ng Islam)

إِن نَّشَأْ نُنَزِّلْ عَلَيْهِم مِّنَ السَّمَاءِ آيَةً فَظَلَّتْ أَعْنَاقُهُمْ لَهَا خَاضِعِينَ(4)

 Kung Aming naisin, ay Aming maipapanaog sa kanila mula sa kalangitan ang isang tanda, at dahil dito, ay iyuyuko nila ang kanilang leeg sa kapakumbabaan

وَمَا يَأْتِيهِم مِّن ذِكْرٍ مِّنَ الرَّحْمَٰنِ مُحْدَثٍ إِلَّا كَانُوا عَنْهُ مُعْرِضِينَ(5)

 Datapuwa’t wala pang bagong kapahayagan mula sa Pinakamapagpala (Allah) ang dumating sa kanila nang hindi nila tinalikuran

فَقَدْ كَذَّبُوا فَسَيَأْتِيهِمْ أَنبَاءُ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ(6)

 Kaya’t katotohanang itinakwil nila (ang Katotohanan, ang Qur’an), at ang balita nang kanilang tinutuya ay sasapit sa kanila

أَوَلَمْ يَرَوْا إِلَى الْأَرْضِ كَمْ أَنبَتْنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ(7)

 Hindi baga nila namamasdan ang kalupaan, - kung gaano karami ang lahat ng uri ng mabuting pananim na Aming pinatubo rito

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ(8)

 Katotohanang naririto ang Ayah (Katibayan o Tanda), datapuwa’t ang karamihan sa kanila (mga pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, atbp., na hindi nananalig sa Muling Pagkabuhay) ay hindi sumasampalataya

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(9)

 At katotohanan ang inyong Panginoon! Siya ang tunay na Pinakamakapang-yarihan, ang Pinakamaawain

وَإِذْ نَادَىٰ رَبُّكَ مُوسَىٰ أَنِ ائْتِ الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ(10)

 At (alalahanin) nang ang iyong Panginoon ay tumawag kay Moises (na nagsa-sabi): “Pumaroon ka sa mga tao na Zalimun (buktot, buhong, pagano, atbp)

قَوْمَ فِرْعَوْنَ ۚ أَلَا يَتَّقُونَ(11)

 Sa mga tao ni Paraon. Hindi baga nila pangangambahan si Allah at magiging matuwid sa kabutihan?”

قَالَ رَبِّ إِنِّي أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ(12)

 Siya (Moises) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Ako ay nangangamba na ako ay kanilang pasisinungalingan

وَيَضِيقُ صَدْرِي وَلَا يَنطَلِقُ لِسَانِي فَأَرْسِلْ إِلَىٰ هَارُونَ(13)

 Ang aking dibdib ay naninikip, at ang aking dila ay naninigas (at hindi makakapangusap), kaya’t suguin ninyo si Aaron (na sumama sa akin)

وَلَهُمْ عَلَيَّ ذَنبٌ فَأَخَافُ أَن يَقْتُلُونِ(14)

 “At sila ay may paratang na krimen laban sa akin, at ako ay nangangamba na ako ay kanilang papatayin.”

قَالَ كَلَّا ۖ فَاذْهَبَا بِآيَاتِنَا ۖ إِنَّا مَعَكُم مُّسْتَمِعُونَ(15)

 Si Allah ay nagwika: “Hindi! Kayo ay kapwa pumaroon doonnamaydalangmgaTanda mulasaAmin. Katotohanang Kami ay nasa sa inyo at nakikinig.”

فَأْتِيَا فِرْعَوْنَ فَقُولَا إِنَّا رَسُولُ رَبِّ الْعَالَمِينَ(16)

 “At kung kayo ay kapwa dumating na kay Paraon, inyong ipahayag: “Kami ay mga Tagapagbalita ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang

أَنْ أَرْسِلْ مَعَنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ(17)

 “Kaya’t hayaan (mong) ang Angkan ng Israel ay sumama sa amin.”

قَالَ أَلَمْ نُرَبِّكَ فِينَا وَلِيدًا وَلَبِثْتَ فِينَا مِنْ عُمُرِكَ سِنِينَ(18)

 (Si Paraon) ay nagsabi (kay Moises): “Hindi baga ikaw ay pinalaki namin bilang aming anak? At ikaw ay namuhay sa amin sa maraming taon ng iyong buhay

وَفَعَلْتَ فَعْلَتَكَ الَّتِي فَعَلْتَ وَأَنتَ مِنَ الْكَافِرِينَ(19)

 At ikaw ay gumawa ng isang gawa (na batid mong) ikaw ang may gawa (alalaong baga, ang krimen nang pagpatay sa isang tao). At ikaw ay isa sa mga walang utang na loob.”

قَالَ فَعَلْتُهَا إِذًا وَأَنَا مِنَ الضَّالِّينَ(20)

 Si Moises ay nagsabi: “Nagawa ko yaon nang ako ay wala pang muwang (sa mga pag-uutos at mensahe ng aking Panginoon)

فَفَرَرْتُ مِنكُمْ لَمَّا خِفْتُكُمْ فَوَهَبَ لِي رَبِّي حُكْمًا وَجَعَلَنِي مِنَ الْمُرْسَلِينَ(21)

 “Kaya’t ako ay tumakas sa iyo nang ako ay matakot sa iyo. Datapuwa’t ang aking Panginoon ay nagkaloob sa akin ng Hukman (alalaong baga, ng karunungang pangrelihiyon, kaalaman, tamang paghatol, pagka-Propeta) at Kanyang hinirang ako bilang isa sa mga Tagapagbalita

وَتِلْكَ نِعْمَةٌ تَمُنُّهَا عَلَيَّ أَنْ عَبَّدتَّ بَنِي إِسْرَائِيلَ(22)

 At ito ang nakaraang pabor (utang na loob) na tinutunton mo sa akin, - na iyong inalipin ang Angkan ng Israel.”

قَالَ فِرْعَوْنُ وَمَا رَبُّ الْعَالَمِينَ(23)

 Si Paraon ay nagsabi: “At sino ang Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)?”

قَالَ رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ(24)

 Si Moises ay nagpahayag: “(Siya) ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, kung ikaw ay naghahanap ng katiyakan upang mahikayat.”

قَالَ لِمَنْ حَوْلَهُ أَلَا تَسْتَمِعُونَ(25)

 Si Paraon ay nagsabi sa mga naroroon: “Hindi baga ninyo narinig (ang kanyang sinabi)

قَالَ رَبُّكُمْ وَرَبُّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ(26)

 Si Moises ay nagsabi: “(Siya) ang iyong Panginoon at Panginoon ng iyong mga ninuno!”

قَالَ إِنَّ رَسُولَكُمُ الَّذِي أُرْسِلَ إِلَيْكُمْ لَمَجْنُونٌ(27)

 Si Paraon ay nagsabi: “Katotohanan, ang inyong Tagapagbalita na isinugo sa inyo ay isang nasisiraan ng bait!”

قَالَ رَبُّ الْمَشْرِقِ وَالْمَغْرِبِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ إِن كُنتُمْ تَعْقِلُونَ(28)

 Si Moises ay nagsabi: “(Siya) ang Panginoon ng Silangan at Kanluran, at lahat ng nasa pagitan nito, kung inyo lamang nauunawaan!”

قَالَ لَئِنِ اتَّخَذْتَ إِلَٰهًا غَيْرِي لَأَجْعَلَنَّكَ مِنَ الْمَسْجُونِينَ(29)

 Si Paraon ay nagsabi: “Kung ikaw ay pipili ng ilah (diyos) na iba pa sa akin, katiyakang ipipiit kita na kasama ng ibang mga bilanggo.”

قَالَ أَوَلَوْ جِئْتُكَ بِشَيْءٍ مُّبِينٍ(30)

 Si Moises ay nagsabi: “Kahit na dalhin ko sa iyo ang isang bagay na maliwanag (at nakakahikayat)?”

قَالَ فَأْتِ بِهِ إِن كُنتَ مِنَ الصَّادِقِينَ(31)

 Si Paraon ay nagsabi: “Kung gayon, dalhin mo yaon dito, kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan!”

فَأَلْقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعْبَانٌ مُّبِينٌ(32)

 Kaya’t inihagis (ni Moises) ang kanyang tungkod, at pagmasdan, ito ay isang ahas na naglulumantad

وَنَزَعَ يَدَهُ فَإِذَا هِيَ بَيْضَاءُ لِلنَّاظِرِينَ(33)

 At inilabas niya ang kanyang kamay, at pagmasdan, ito ay naging ganap na kaputian sa mga nakakamasid

قَالَ لِلْمَلَإِ حَوْلَهُ إِنَّ هَٰذَا لَسَاحِرٌ عَلِيمٌ(34)

 Si (Paraon) ay nagsabi sa mga pinuno sa paligid niya: “Katotohanan! Ito ay walang pagsala na isang bihasang manggagaway (o salamangkero)

يُرِيدُ أَن يُخْرِجَكُم مِّنْ أَرْضِكُم بِسِحْرِهِ فَمَاذَا تَأْمُرُونَ(35)

 Ibig niyang itaboy kayo sa inyong lupain sa pamamagitan ng kanyang pangga-gaway, kaya’t ano ang inyong maipapayo, at ano ang inyong maipag-uutos?”

قَالُوا أَرْجِهْ وَأَخَاهُ وَابْعَثْ فِي الْمَدَائِنِ حَاشِرِينَ(36)

 Sila ay nagsabi: “Pigilan mo siya at ang kanyang kapatid (nang pansamantala), at magpadala ka ng mga tagatawag sa mga lungsod

يَأْتُوكَ بِكُلِّ سَحَّارٍ عَلِيمٍ(37)

 Upang dalhin sa iyo ang lahat ng magagaling na manggagaway.”

فَجُمِعَ السَّحَرَةُ لِمِيقَاتِ يَوْمٍ مَّعْلُومٍ(38)

 Kaya’t ang mga manggagaway ay inihanay na lahat sa takdang araw at oras na itinalaga

وَقِيلَ لِلنَّاسِ هَلْ أَنتُم مُّجْتَمِعُونَ(39)

 At ipinagbadya sa mga tao: “Kayo rin ba ay magsisihanay

لَعَلَّنَا نَتَّبِعُ السَّحَرَةَ إِن كَانُوا هُمُ الْغَالِبِينَ(40)

 Upang ating masundan ang mga manggagaway (na kapanalig ni Paraon sa kanyang relihiyon ng kawalang paniniwala), kung sila ay magtatagumpay.”

فَلَمَّا جَاءَ السَّحَرَةُ قَالُوا لِفِرْعَوْنَ أَئِنَّ لَنَا لَأَجْرًا إِن كُنَّا نَحْنُ الْغَالِبِينَ(41)

 Kaya’t nang ang mga manggaway ay dumating, sila ay nagsabi kay Paraon: “Mayroon bang tiyak na gantimpala na aming tatamuhin kung kami ay manalo?”

قَالَ نَعَمْ وَإِنَّكُمْ إِذًا لَّمِنَ الْمُقَرَّبِينَ(42)

 Siya ay nagsabi: “oo, at kayo ay katiyakan na mapapabilang sa mga malalapit (sa akin).”

قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ أَلْقُوا مَا أَنتُم مُّلْقُونَ(43)

 Si Moises ay nagsabi sa kanila: “Ihagis ninyo kung ano ang gusto ninyong ihagis!”

فَأَلْقَوْا حِبَالَهُمْ وَعِصِيَّهُمْ وَقَالُوا بِعِزَّةِ فِرْعَوْنَ إِنَّا لَنَحْنُ الْغَالِبُونَ(44)

 Kaya’t inihagis nila ang kanilang mga lubid at kanilang mga tungkod, at nagsabi: “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Paraon, kami ang siyang tunay na magtatagumpay!”

فَأَلْقَىٰ مُوسَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ تَلْقَفُ مَا يَأْفِكُونَ(45)

 Nang magkagayon, ay inihagis ni Moises ang kanyang tungkod, at pagmasdan, nilagom nitong lahat ang mga kabulaanan na kanilang ipinamalas

فَأُلْقِيَ السَّحَرَةُ سَاجِدِينَ(46)

 At ang mga manggagaway ay lumugmok na nagpapatirapa

قَالُوا آمَنَّا بِرَبِّ الْعَالَمِينَ(47)

 Na nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

رَبِّ مُوسَىٰ وَهَارُونَ(48)

 Ang Panginoon ni Moises at Aaron.”

قَالَ آمَنتُمْ لَهُ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّهُ لَكَبِيرُكُمُ الَّذِي عَلَّمَكُمُ السِّحْرَ فَلَسَوْفَ تَعْلَمُونَ ۚ لَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُم مِّنْ خِلَافٍ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمْ أَجْمَعِينَ(49)

 Si (Paraon) ay nagsabi: “Kayo ay naniwala na sa kanya bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot. Katotohanang siya ay inyong pinuno, na nagturo sa inyo ng salamangka! Kaya’t katotohanang mapag-aalaman ninyo. Katotohanang aking puputulin ang inyong mga kamay at paa sa magkabilang panig, at kayong lahat ay aking pahihirapan (ititirik sa krus).”

قَالُوا لَا ضَيْرَ ۖ إِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ(50)

 Sila ay nagsabi: “walang kapinsalaan! Katotohanang sa aming Panginoon (Allah), kaming lahat ay magbabalik

إِنَّا نَطْمَعُ أَن يَغْفِرَ لَنَا رَبُّنَا خَطَايَانَا أَن كُنَّا أَوَّلَ الْمُؤْمِنِينَ(51)

 Katotohanan! Kami ay lubusang umaasa na ang aming Panginoon ay magpapatawad ng aming mga kasalanan, sapagkat kami ang una sa mga sumasampalataya (sa pagka-Propeta ni Moises at sa ipinahayag sa kanya ni Allah).”

۞ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنْ أَسْرِ بِعِبَادِي إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ(52)

 At binigyang inspirasyon Namin si Moises na nagsasabi: “Kaunin mo ang Aking mga alipin sa gabi, katotohanang kayo ay tutugisin.”

فَأَرْسَلَ فِرْعَوْنُ فِي الْمَدَائِنِ حَاشِرِينَ(53)

 Nang magkagayon, si Paraon ay nagpadala ng mga tagatawag sa mga lungsod

إِنَّ هَٰؤُلَاءِ لَشِرْذِمَةٌ قَلِيلُونَ(54)

 (Na nagsasabi): “Katotohanang sila ay isa lamang maliit na lipon

وَإِنَّهُمْ لَنَا لَغَائِظُونَ(55)

 At katotohanang sila ay gumawa ng bagay na nakapagbigay poot sa atin

وَإِنَّا لَجَمِيعٌ حَاذِرُونَ(56)

 Datapuwa’t tayo ay mga nananahan dito na nakahanda at ganap na napasa-bihan.”

فَأَخْرَجْنَاهُم مِّن جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ(57)

 Kaya’t Aming itinaboy sila mula sa mga halamanan at dalisdis

وَكُنُوزٍ وَمَقَامٍ كَرِيمٍ(58)

 Sa mga kayamanan at sa lahat ng uri ng marangal na lugar

كَذَٰلِكَ وَأَوْرَثْنَاهَا بَنِي إِسْرَائِيلَ(59)

 Kaya’t (itinaboy Namin ang mga tao ni Paraon) at hinayaan Namin ang Angkan ng Israel ang humalili (o magmana) sa kanila

فَأَتْبَعُوهُم مُّشْرِقِينَ(60)

 Kaya’t kanilang tinugis sila sa sandali nang pagsikat ng araw

فَلَمَّا تَرَاءَى الْجَمْعَانِ قَالَ أَصْحَابُ مُوسَىٰ إِنَّا لَمُدْرَكُونَ(61)

 At nang ang dalawang pangkat ay magtagpo sa isa’t isa, ang pamayanan ni Moises ay nagsabi: “Katiyakang tayo ay kanilang malulupig.”

قَالَ كَلَّا ۖ إِنَّ مَعِيَ رَبِّي سَيَهْدِينِ(62)

 Si (Moises) ay sumagot: “Hindi, katotohanan! Nasa panig ko ang aking Panginoon, ako ay Kanyang papatnubayan.”

فَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنِ اضْرِب بِّعَصَاكَ الْبَحْرَ ۖ فَانفَلَقَ فَكَانَ كُلُّ فِرْقٍ كَالطَّوْدِ الْعَظِيمِ(63)

 At binigyang inspirasyon Namin si Moises (at sa kanya ay winika): “Hampasin mo ng iyong tungkod ang dagat.” At ito ay nahati, at ang bawat gilid ng (tubig-dagat) ay naging malaki at matibay na anyo ng bundok

وَأَزْلَفْنَا ثَمَّ الْآخَرِينَ(64)

 At makaraaan, hinayaan Naming ang mga iba (sa pangkat ni Paraon) ay sumapit sa lugar na yaon

وَأَنجَيْنَا مُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُ أَجْمَعِينَ(65)

 At iniligtas Namin si Moises at ang lahat ng kasama niya

ثُمَّ أَغْرَقْنَا الْآخَرِينَ(66)

 At Aming nilunod ang mga iba (ang pangkat ni Paraon)

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ(67)

 Katotohanan! Katiyakang naririto ang isang Tanda (o isang Katibayan), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(68)

 At katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya lamang ang tunay na Pinakama- kapangyarihan, ang Pinakamaawain

وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ إِبْرَاهِيمَ(69)

 At isalaysay mo sa kanila ang kasaysayan ni Abraham

إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ مَا تَعْبُدُونَ(70)

 Nang sabihin niya sa kanyang ama at sa kanyang mga tao: “Ano baga ang inyong sinasamba?”

قَالُوا نَعْبُدُ أَصْنَامًا فَنَظَلُّ لَهَا عَاكِفِينَ(71)

 Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasamba sa mga imahen, at sa kanila kami ay lagi nang matimtiman.”

قَالَ هَلْ يَسْمَعُونَكُمْ إِذْ تَدْعُونَ(72)

 Siya (Abraham) ay nagsabi: “Kayo ba ay naririnig nila, kung kayo ay tumatawag (sa kanila)

أَوْ يَنفَعُونَكُمْ أَوْ يَضُرُّونَ(73)

 o sila ba ay nagbibigay ng kapakinabangan sa inyo o pinipinsala nila (kayo)?”

قَالُوا بَلْ وَجَدْنَا آبَاءَنَا كَذَٰلِكَ يَفْعَلُونَ(74)

 Sila ay nagsabi: “Hindi, nguni’t nakagisnan na namin ang aming mga ninuno na gumagawa ng ganito.”

قَالَ أَفَرَأَيْتُم مَّا كُنتُمْ تَعْبُدُونَ(75)

 Siya(Abraham) aynagsabi:“Nagmamasidbakayosamga bagay na inyong sinasamba?”

أَنتُمْ وَآبَاؤُكُمُ الْأَقْدَمُونَ(76)

 “Kayo, at ang inyong mga ninuno noon pa sa panahong sinauna?”

فَإِنَّهُمْ عَدُوٌّ لِّي إِلَّا رَبَّ الْعَالَمِينَ(77)

 Katotohanan! Sila ay aking mga kaaway, maliban sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

الَّذِي خَلَقَنِي فَهُوَ يَهْدِينِ(78)

 Na lumikha sa akin, at Siya na Tanging namamatnubay sa akin

وَالَّذِي هُوَ يُطْعِمُنِي وَيَسْقِينِ(79)

 At Siya ang nagpapakain at nagbibigay sa akin ng inumin

وَإِذَا مَرِضْتُ فَهُوَ يَشْفِينِ(80)

 At kung ako ay maysakit, Siya ang nagbibigay lunas sa akin

وَالَّذِي يُمِيتُنِي ثُمَّ يُحْيِينِ(81)

 At Siya ang maggagawad sa akin ng kamatayan, at Siya rin ang magbabangon sa akin sa (muling) pagkabuhay

وَالَّذِي أَطْمَعُ أَن يَغْفِرَ لِي خَطِيئَتِي يَوْمَ الدِّينِ(82)

 At sa Kanya, ako ay nanalig na (Siya ay) magpapatawad ng aking mga kamalian sa Araw ng Kabayaran, (ang Araw ng Muling Pagkabuhay)

رَبِّ هَبْ لِي حُكْمًا وَأَلْحِقْنِي بِالصَّالِحِينَ(83)

 Aking Panginoon! Inyong gawaran ako ng Hukman (alalaong baga, karunungang pangrelihiyon, kaalaman, pagka-Propeta), at ako ay Inyong ibilang sa mga matutuwid

وَاجْعَل لِّي لِسَانَ صِدْقٍ فِي الْآخِرِينَ(84)

 At Inyongpagkaloobanakongkarangal-rangalnabanggit sa mga darating na sali’t saling lahi

وَاجْعَلْنِي مِن وَرَثَةِ جَنَّةِ النَّعِيمِ(85)

 At Inyong gawin ako na isa sa mga tagapagmana ng Paraiso ng Kasiyahan

وَاغْفِرْ لِأَبِي إِنَّهُ كَانَ مِنَ الضَّالِّينَ(86)

 At patawarin Ninyo ang aking ama, katotohanang siya ay isa sa mga nalilihis (ng landas)

وَلَا تُخْزِنِي يَوْمَ يُبْعَثُونَ(87)

 At ako ay huwag Ninyong alisan ng biyaya sa Araw (na ang lahat ng mga nilikha) ay muling ibabangon (sa pagkabuhay)

يَوْمَ لَا يَنفَعُ مَالٌ وَلَا بَنُونَ(88)

 Sa Araw na ang kayamanan o maging mga anak (na lalaki) ay hindi makaka-panaig

إِلَّا مَنْ أَتَى اللَّهَ بِقَلْبٍ سَلِيمٍ(89)

 Maliban sa kanya na magdadala kay Allah ng isang malinis na puso (malinis sa pagsamba sa mga diyus-diyosan [shirk] at kapaimbabawan [Nifaq]).”

وَأُزْلِفَتِ الْجَنَّةُ لِلْمُتَّقِينَ(90)

 At ang Paraiso ay itatambad nang malapit sa Muttaqun (mga mabubuti, banal at matutuwid na tao na higit na nangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal, at labis na nagmamahal kay Allah sa pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos)

وَبُرِّزَتِ الْجَحِيمُ لِلْغَاوِينَ(91)

 At ang Apoy (Impiyerno) ay ilalantad nang ganap sa paningin ng mga makasalanan

وَقِيلَ لَهُمْ أَيْنَ مَا كُنتُمْ تَعْبُدُونَ(92)

 At sa kanila ay ipagbabadya:“Nasaansila(mgadiyus-diyosannaitinatambal nila bilang karibal ni Allah) na lagi ninyong sinasamba

مِن دُونِ اللَّهِ هَلْ يَنصُرُونَكُمْ أَوْ يَنتَصِرُونَ(93)

 Maliban pa kay Allah? Sila ba ay makakapagbigay ng tulong sa inyo (o di kaya) ay matutulungan nila ang kanilang sarili?”

فَكُبْكِبُوا فِيهَا هُمْ وَالْغَاوُونَ(94)

 (Kung magkagayon), sila ay ihahagis (sa Apoy) na una ang kanilang mukha, sila at ang Ghawun (mga demonyo at lahat ng mga nasa kamalian)

وَجُنُودُ إِبْلِيسَ أَجْمَعُونَ(95)

 At ang buong lipon ni Iblis (Satanas) nang sama-sama

قَالُوا وَهُمْ فِيهَا يَخْتَصِمُونَ(96)

 Sila ay magsasabi habang sila ay nagtatalo (at nagsisisihan) doon

تَاللَّهِ إِن كُنَّا لَفِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(97)

 Sa (Ngalan) ni Allah, katiyakang tayo ay nasa maliwanag na kamalian

إِذْ نُسَوِّيكُم بِرَبِّ الْعَالَمِينَ(98)

 Nang aming itinuring kayo (mga huwad na diyos) bilang kapantay (sa pagsamba) sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

وَمَا أَضَلَّنَا إِلَّا الْمُجْرِمُونَ(99)

 At wala ng iba pa ang naghatid sa amin sa kamalian kung hindi ang Mujrimun (si Iblis [Satanas] at mga tao na buhong, pagano, buktot, mapang-api, atbp

فَمَا لَنَا مِن شَافِعِينَ(100)

 Ngayon, kami ay walang mga tagapamagitan

وَلَا صَدِيقٍ حَمِيمٍ(101)

 Gayundin ng isang malapit na kaibigan (upang kami ay tulungan)

فَلَوْ أَنَّ لَنَا كَرَّةً فَنَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ(102)

 (oh!) Kung kami ay mayroon lamang na isa pang pagkakataon na makabalik (sa kalupaan), katiyakang kami ay mapapabilang sa mga sumasampalataya

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ(103)

 Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(104)

 At katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya ang tunay na Pinakamakapangya-rihan, ang Pinakamaawain

كَذَّبَتْ قَوْمُ نُوحٍ الْمُرْسَلِينَ(105)

 Ang mga tao (pamayanan) ni Noe ay nagpasinungaling sa mga Tagapagbalita

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ نُوحٌ أَلَا تَتَّقُونَ(106)

 Nang ang kanilang kapatid na si Noe ay nangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ(107)

 Ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(108)

 Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ(109)

 walang anumang gantimpala ang hinihingi ko sa inyo para rito (sa aking pagbibigay ng Mensahe ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(110)

 Kaya’t panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah, pangambahan Siya at ako ay inyong sundin.”

۞ قَالُوا أَنُؤْمِنُ لَكَ وَاتَّبَعَكَ الْأَرْذَلُونَ(111)

 Sila ay nagsasabi: “Kami ba ay mananampalataya sa iyo, kung ang mga sumusunod lamang sa iyo ay pawang mga hamak (walang sinasabi sa lipunan)?”

قَالَ وَمَا عِلْمِي بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(112)

 Siya (Noe) ay nagsabi: “At ano ba ang aking kaalaman, kung anuman ang kanilang ginagawa

إِنْ حِسَابُهُمْ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّي ۖ لَوْ تَشْعُرُونَ(113)

 Ang talaan (ng kanilang gawa) ay tanging nasa aking Panginoon, kung inyo (lamang) nalalaman

وَمَا أَنَا بِطَارِدِ الْمُؤْمِنِينَ(114)

 At hindi ko gagawin na itaboy ang mga sumasampalataya

إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ مُّبِينٌ(115)

 Ako ay isa lamang lantad na tagapagbabala.”

قَالُوا لَئِن لَّمْ تَنتَهِ يَا نُوحُ لَتَكُونَنَّ مِنَ الْمَرْجُومِينَ(116)

 Sila ay nagsasabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Noe! Katiyakang ikaw ay mapapabilang sa mga babatuhin (hanggang kamatayan).”

قَالَ رَبِّ إِنَّ قَوْمِي كَذَّبُونِ(117)

 Siya (Noe) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Katotohanan, ang aking pamayanan ay nagpasinungaling sa akin

فَافْتَحْ بَيْنِي وَبَيْنَهُمْ فَتْحًا وَنَجِّنِي وَمَن مَّعِيَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ(118)

 Kaya’t Kayo ang humatol sa pagitan ko at nila, at Inyong iligtas ako at ang mga sumasampalataya na kapiling ko.”

فَأَنجَيْنَاهُ وَمَن مَّعَهُ فِي الْفُلْكِ الْمَشْحُونِ(119)

 At Aming iniligtas siya at ang kanyang mga kasama sa nalululanang barko

ثُمَّ أَغْرَقْنَا بَعْدُ الْبَاقِينَ(120)

 At Aming nilunod ang mga naiwan (mga hindi sumasampalataya) matapos ang pagliligtas sa Al-Baqin (kay Noe at sa kanyang mga kasama na sumasampalataya)

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ(121)

 Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(122)

 At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain

كَذَّبَتْ عَادٌ الْمُرْسَلِينَ(123)

 (Ang mga tao) ni A’ad ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ هُودٌ أَلَا تَتَّقُونَ(124)

 Nang ang kanilang kapatid na si Hud ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ(125)

 Katotohanang ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(126)

 Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ(127)

 walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

أَتَبْنُونَ بِكُلِّ رِيعٍ آيَةً تَعْبَثُونَ(128)

 Kayo ba ay nagtatayo ng mga matataas na palasyo sa bawat mataas na burol, bagama’t kayo ay hindi nananahan doon

وَتَتَّخِذُونَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمْ تَخْلُدُونَ(129)

 At nag-aangkin ba kayo sa inyong sarili ng mga palasyo (maiinam na mga gusali), na wari bang maninirahan kayo roon sa panghabang panahon

وَإِذَا بَطَشْتُم بَطَشْتُمْ جَبَّارِينَ(130)

 At kung kayo ay manaklot, kayo ay nananaklot bilang mga (pinunong) malulupit

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(131)

 Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

وَاتَّقُوا الَّذِي أَمَدَّكُم بِمَا تَعْلَمُونَ(132)

 At panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya, pangambahan Siya na nagkaloob sa inyo ng lahat (ng magagandang bagay) na inyong nalalaman

أَمَدَّكُم بِأَنْعَامٍ وَبَنِينَ(133)

 Kayo ay pinagkalooban Niya ng hayupan (bakahan) at mgaanak

وَجَنَّاتٍ وَعُيُونٍ(134)

 Atmgahalamananatdalisdis

إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ(135)

 Katotohanan, aking pinangangambahan para sa inyo ang kaparusahan ng dakilang Araw.”

قَالُوا سَوَاءٌ عَلَيْنَا أَوَعَظْتَ أَمْ لَمْ تَكُن مِّنَ الْوَاعِظِينَ(136)

 Sila ay nagsabi: “walang pagkakaiba sa amin kung ikaw ay mangaral o hindi ka kabilang sa mga nangangaral

إِنْ هَٰذَا إِلَّا خُلُقُ الْأَوَّلِينَ(137)

 Ito ay wala ng iba maliban sa mga kaugalian at paniniwala noong panahong sinauna

وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِينَ(138)

 At kami ay hindi mapaparusahan.”

فَكَذَّبُوهُ فَأَهْلَكْنَاهُمْ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ(139)

 Kaya’t siya ay pinabulaanan nila, at Aming winasak sila. Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(140)

 At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapang-yarihan, ang Pinakamaawain

كَذَّبَتْ ثَمُودُ الْمُرْسَلِينَ(141)

 (Ang mga tao) ni Thamud ay nagpabulaan sa Tagapagbalita

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ صَالِحٌ أَلَا تَتَّقُونَ(142)

 Nang ang kanilang kapatid na si Salih ay nagbadya sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allahatsusundin Siya

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ(143)

 Akoayisangmapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(144)

 Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ(145)

 walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)

أَتُتْرَكُونَ فِي مَا هَاهُنَا آمِنِينَ(146)

 Kayo baga ay maiiwan nang ligtas sa lugar na kinaroroonan ng inyong mga pag-aari

فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ(147)

 Sa mga halamanan at dalisdis

وَزُرُوعٍ وَنَخْلٍ طَلْعُهَا هَضِيمٌ(148)

 At sa mga bukirin ng mais at palmera (datiles) na may malalambot na sungot (o talulot, Eng. spadix)

وَتَنْحِتُونَ مِنَ الْجِبَالِ بُيُوتًا فَارِهِينَ(149)

 At kayo ay umuukit ng mga tahanan sa gilid ng kabundukan na may natatanging kaalaman

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(150)

 Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

وَلَا تُطِيعُوا أَمْرَ الْمُسْرِفِينَ(151)

 At huwag ninyong sundin ang pag-uutos ng Almusrifun (alalaong baga, ang kanilang mga pinuno na buktot, pagano, kriminal, atbp)

الَّذِينَ يُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ وَلَا يُصْلِحُونَ(152)

 Na gumagawa ng mga katampalasanan sa kalupaan at tumatangging magbagong buhay.”

قَالُوا إِنَّمَا أَنتَ مِنَ الْمُسَحَّرِينَ(153)

 Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga inalihan ng demonyo

مَا أَنتَ إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُنَا فَأْتِ بِآيَةٍ إِن كُنتَ مِنَ الصَّادِقِينَ(154)

 Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin. Kaya’t dalhin mo sa amin ang isang Tanda kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan.”

قَالَ هَٰذِهِ نَاقَةٌ لَّهَا شِرْبٌ وَلَكُمْ شِرْبُ يَوْمٍ مَّعْلُومٍ(155)

 Siya (Salih) ay nagsabi: “Naririto ang isang babaeng kamelyo; siya ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), at kayo ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), sa maraming beses, sa araw na itinalaga

وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابُ يَوْمٍ عَظِيمٍ(156)

 At huwag ninyong hipuin siya ng may pinsala, baka ang kaparusahan ng dakilang Araw ay sumaklot sa inyo.”

فَعَقَرُوهَا فَأَصْبَحُوا نَادِمِينَ(157)

 Datapuwa’t kanilang pinatay siya (babaeng kamelyo), at pagkaraan sila ay nagsisi

فَأَخَذَهُمُ الْعَذَابُ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ(158)

 Kaya’t ang kaparusahan ay sumaklot sa kanila. Katotohanang naririto ang isang tunay na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(159)

 At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain

كَذَّبَتْ قَوْمُ لُوطٍ الْمُرْسَلِينَ(160)

 Ang mga tao ni Lut (yaong mga nagsipanahan sa mga bayan ng Sodom at Palestina) ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ لُوطٌ أَلَا تَتَّقُونَ(161)

 Nang ang kanilang kapatid na si Lut ay nagsabi sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ(162)

 Katotohanang ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(163)

 Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ(164)

 wala akong hinihinging gantimpala mula sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

أَتَأْتُونَ الذُّكْرَانَ مِنَ الْعَالَمِينَ(165)

 Nagsisitungo kayo sa mga kalalakihan ng Aalamin (sangkatauhan)

وَتَذَرُونَ مَا خَلَقَ لَكُمْ رَبُّكُم مِّنْ أَزْوَاجِكُم ۚ بَلْ أَنتُمْ قَوْمٌ عَادُونَ(166)

 At iniiwan ninyo ang mga nilikha ni Allah (mga kababaihan) para inyong maging mga asawa? Hindi, kayo ay mga taong lumagpas sa hangganan ng pagsuway (makasalanan)!”

قَالُوا لَئِن لَّمْ تَنتَهِ يَا لُوطُ لَتَكُونَنَّ مِنَ الْمُخْرَجِينَ(167)

 Sila ay nagsabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Lut! Katotohanang ikaw ay isa sa mapapabilang sa mga itataboy!”

قَالَ إِنِّي لِعَمَلِكُم مِّنَ الْقَالِينَ(168)

 Siya (Lut) ay nagsabi: “Ako ay katotohanang isa sa mga tumututol nang may matinding pagkagalit at poot sa inyong (masamang) ginagawa (sodomya, pakikipagniig sa kapwa lalaki)

رَبِّ نَجِّنِي وَأَهْلِي مِمَّا يَعْمَلُونَ(169)

 Aking Panginoon! Inyong iligtas ako at ang aking pamilya sa kanilang ginagawa.”

فَنَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ أَجْمَعِينَ(170)

 Kaya’t Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, silang lahat

إِلَّا عَجُوزًا فِي الْغَابِرِينَ(171)

 Maliban sa isang matandang babae (ang kanyang asawa) na isa sa mga nagpaiwan

ثُمَّ دَمَّرْنَا الْآخَرِينَ(172)

 At pagkaraan ay Aming winasak ang mga iba pa

وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِم مَّطَرًا ۖ فَسَاءَ مَطَرُ الْمُنذَرِينَ(173)

 At pinaulan Namin sa kanila ang ulan (ng pagpaparusa). At gaano kasama ang naging ulan ng mga pinaalalahanan

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ(174)

 Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(175)

 At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain

كَذَّبَ أَصْحَابُ الْأَيْكَةِ الْمُرْسَلِينَ(176)

 Ang mga naninirahan sa Al-Aiyka (malapit sa Madyan o Midian) ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita

إِذْ قَالَ لَهُمْ شُعَيْبٌ أَلَا تَتَّقُونَ(177)

 Nang si Shu’aib ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ(178)

 Ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(179)

 Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ(180)

 walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)

۞ أَوْفُوا الْكَيْلَ وَلَا تَكُونُوا مِنَ الْمُخْسِرِينَ(181)

 Magbigay ng tamang sukat at huwag maghangad ng kasahulan (sa mga iba)

وَزِنُوا بِالْقِسْطَاسِ الْمُسْتَقِيمِ(182)

 At magtimbang ng tunay at tumpak na timbang

وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ(183)

 At huwag manlinlang ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanilang mga ari-arian, at huwag ding gumawa ng kasamaan, na gumagawa ng katiwalian at panloloko sa kalupaan

وَاتَّقُوا الَّذِي خَلَقَكُمْ وَالْجِبِلَّةَ الْأَوَّلِينَ(184)

 At pangambahan Siya na lumikha sa inyo at sa mga sali’t saling lahi noong panahong sinauna.”

قَالُوا إِنَّمَا أَنتَ مِنَ الْمُسَحَّرِينَ(185)

 Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga inalihan ng demonyo

وَمَا أَنتَ إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُنَا وَإِن نَّظُنُّكَ لَمِنَ الْكَاذِبِينَ(186)

 Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin, at katiyakan, kami ay nag-aakala na ikaw ay isa sa mga sinungaling

فَأَسْقِطْ عَلَيْنَا كِسَفًا مِّنَ السَّمَاءِ إِن كُنتَ مِنَ الصَّادِقِينَ(187)

 Kaya’t hayaan ang isang bahagi (piraso) ng kalangitan ay bumagsak sa amin kung ikaw ay kabilang sa nagsasabingkatotohanan!”

قَالَ رَبِّي أَعْلَمُ بِمَا تَعْمَلُونَ(188)

 Siya(Shuaib) aynagsabi: “Ang aking Panginoon ang Ganap na Nakakaalam ng anumang inyong ginagawa.”

فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمْ عَذَابُ يَوْمِ الظُّلَّةِ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ(189)

 Datapuwa’t kanilang pinabulaanan siya, kaya’t ang kaparusahan ng araw ng anino (isang madilim na ulap) ay sumaklot sa kanila, katiyakang ito ang kaparusahan ng dakilang Araw

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُم مُّؤْمِنِينَ(190)

 Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(191)

 At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangya- rihan, ang Pinakamaawain

وَإِنَّهُ لَتَنزِيلُ رَبِّ الْعَالَمِينَ(192)

 At katotohanan, ito (ang Qur’an) ay isang kapahayagan mula sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)

نَزَلَ بِهِ الرُّوحُ الْأَمِينُ(193)

 Na ipinanaog ng mapagkakatiwalaang ruh (Espiritu, si Gabriel Arkanghel) mula (kay Allah)

عَلَىٰ قَلْبِكَ لِتَكُونَ مِنَ الْمُنذِرِينَ(194)

 Sa iyong puso (o Muhammad), upang ikaw ay maging (isa) sa mga tagapag-babala

بِلِسَانٍ عَرَبِيٍّ مُّبِينٍ(195)

 Sa malinaw na wikang Arabik

وَإِنَّهُ لَفِي زُبُرِ الْأَوَّلِينَ(196)

 At katotohanan, ito (ang Qur’an at ang pagkapahayag nito kay Propeta Muhammad) ay (ipinahayag) sa mga Kasulatan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) sa mga naunang tao

أَوَلَمْ يَكُن لَّهُمْ آيَةً أَن يَعْلَمَهُ عُلَمَاءُ بَنِي إِسْرَائِيلَ(197)

 Hindi pa ba isang tanda sa kanila na ang mga pantas (na katulad ni Abdullah bin Salam na yumakap sa Islam) mula sa Angkan ng Israel ay nakakaalam (na ito ay katotohanan)

وَلَوْ نَزَّلْنَاهُ عَلَىٰ بَعْضِ الْأَعْجَمِينَ(198)

 At kung Aming inihayag ito (ang Qur’an) sa kaninuman na hindi Arabe (o Arabo)

فَقَرَأَهُ عَلَيْهِم مَّا كَانُوا بِهِ مُؤْمِنِينَ(199)

 At kanyang dinalit ito sa kanila, sila ay hindi magsisipaniwala rito

كَذَٰلِكَ سَلَكْنَاهُ فِي قُلُوبِ الْمُجْرِمِينَ(200)

 Kaya’t hinayaan Namin ito (ang pagtatakwil sa Qur’an) na magsipasok sa puso ng Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, atbp)

لَا يُؤْمِنُونَ بِهِ حَتَّىٰ يَرَوُا الْعَذَابَ الْأَلِيمَ(201)

 Hindi sila mananampalataya rito hanggang sa kanilang makita ang masakit na Kaparusahan

فَيَأْتِيَهُم بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(202)

 Ito ay daratal sa kanila sa isang iglap, sa sandaling ito ay hindi nila napag-aakala

فَيَقُولُوا هَلْ نَحْنُ مُنظَرُونَ(203)

 (At kung magkagayon) sila ay magsasabi: “Kami ba ay maaaring bigyan ng kaunting panahon (palugit)?”

أَفَبِعَذَابِنَا يَسْتَعْجِلُونَ(204)

 Sila ba kung gayon ay magnanais na ang Aming Kaparusahan ay madaliin sa kanila

أَفَرَأَيْتَ إِن مَّتَّعْنَاهُمْ سِنِينَ(205)

 Sabihin sa Akin; kung hinayaan Namin na sila ay magpakasaya sa maraming taon

ثُمَّ جَاءَهُم مَّا كَانُوا يُوعَدُونَ(206)

 At pagkatapos ay dumatal sa kanila (ang kaparusahan) na sa kanila ay ipinangako

مَا أَغْنَىٰ عَنْهُم مَّا كَانُوا يُمَتَّعُونَ(207)

 Ang lahat ng bagay na kanilang pinagpapasasaan ay hindi makakatulong sa kanila

وَمَا أَهْلَكْنَا مِن قَرْيَةٍ إِلَّا لَهَا مُنذِرُونَ(208)

 At kailanman ay hindi Namin winasak ang anumang pamayanan, maliban na sila ay binigyan ng mga tagapagbabala

ذِكْرَىٰ وَمَا كُنَّا ظَالِمِينَ(209)

 Sa pamamagitan ng Pagpapaala-ala, at Kami kailanman ay laging makatarungan

وَمَا تَنَزَّلَتْ بِهِ الشَّيَاطِينُ(210)

 At hindi ang mga demonyo ang nagpapanaog nito (ang Qur’an)

وَمَا يَنبَغِي لَهُمْ وَمَا يَسْتَطِيعُونَ(211)

 Ito ay hindi makakatugon sa kanilang naisin, gayundin naman, sila ay hindi maaaring (makagawa nito)

إِنَّهُمْ عَنِ السَّمْعِ لَمَعْزُولُونَ(212)

 Katotohanan, sila ay inilipat nang malayo upang duminig dito

فَلَا تَدْعُ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ فَتَكُونَ مِنَ الْمُعَذَّبِينَ(213)

 Kaya’t huwag kayong manawagan kay Allah na may kasama pang ibang ilah (diyos), kung magkagayon, kayo ay mapapabilang sa mga tatanggap ng kaparusahan

وَأَنذِرْ عَشِيرَتَكَ الْأَقْرَبِينَ(214)

 At paalalahanan mo (o Muhammad) ang iyong tribo at malalapit na kamag-anak

وَاخْفِضْ جَنَاحَكَ لِمَنِ اتَّبَعَكَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ(215)

 At maging mabait at mapagpakumbaba sa mga sumasampalataya na sumusunod sa iyo

فَإِنْ عَصَوْكَ فَقُلْ إِنِّي بَرِيءٌ مِّمَّا تَعْمَلُونَ(216)

 At kung sila ay sumuway sa iyo, iyong ipagbadya: “Ako ay walang kaalaman sa inyong ginagawa.”

وَتَوَكَّلْ عَلَى الْعَزِيزِ الرَّحِيمِ(217)

 At ilagak mo ang iyong pagtitiwala sa Pinakamakapangyarihan, ang Pinaka-maawain

الَّذِي يَرَاكَ حِينَ تَقُومُ(218)

 Na nakakamasid sa iyo (o Muhammad) kung ikaw ay nakatindig (na mag-isa sa pagdarasal ng Tahajjud sa gabi)

وَتَقَلُّبَكَ فِي السَّاجِدِينَ(219)

 At sa iyong mga kilos, sa gitna ng mga nagpapatirapa (kay Allah, na kasama ka sa pagdarasal ng mga takdang panalangin)

إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ(220)

 Katotohanan! Siya, at Siya lamang ang Lubos na Nakakarinig, ang Puspos ng Kaalaman

هَلْ أُنَبِّئُكُمْ عَلَىٰ مَن تَنَزَّلُ الشَّيَاطِينُ(221)

 Ipapaalam Ko ba sa inyo (O mga tao) kung kanino bumababa ang mga demonyo

تَنَزَّلُ عَلَىٰ كُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٍ(222)

 Sila ay bumababa sa bawat sinungaling (na nagsasabi ng mga kabulaanan), at makasalanang tao

يُلْقُونَ السَّمْعَ وَأَكْثَرُهُمْ كَاذِبُونَ(223)

 Na nakikinig (sa mga demonyo at kanilang ibinubuhos kung anuman ang kanilang marinig tungkol sa nakalingid mula sa mga anghel), at karamihan sa kanila ay mga sinungaling

وَالشُّعَرَاءُ يَتَّبِعُهُمُ الْغَاوُونَ(224)

 At sa mga makata, ang mga nasa kamalian ay sumusunod sa kanila

أَلَمْ تَرَ أَنَّهُمْ فِي كُلِّ وَادٍ يَهِيمُونَ(225)

 Hindi baga ninyo namamasdan na sila ay nagsasalita tungkol sa lahat ng mga bagay (na nagpupuri sa iba, maging tama man o mali) sa kanilang mga tula

وَأَنَّهُمْ يَقُولُونَ مَا لَا يَفْعَلُونَ(226)

 At sila ay nagsasabi ng bagay na hindi nila ginagawa

إِلَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَذَكَرُوا اللَّهَ كَثِيرًا وَانتَصَرُوا مِن بَعْدِ مَا ظُلِمُوا ۗ وَسَيَعْلَمُ الَّذِينَ ظَلَمُوا أَيَّ مُنقَلَبٍ يَنقَلِبُونَ(227)

 Maliban sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah), at gumagawa ng mga kabutihan at laging may pag-aala-ala kay Allah, at sumasagot rin (nang patula) sa mga walang katarungang tula (na dinadalit ng mga paganong makata laban sa mga Muslim). At sila na gumagawa ng kamalian ay makakaalam kung anong pagbagsak ang sa kanila ay babagsak


More surahs in Filipino:


Al-Baqarah Al-'Imran An-Nisa'
Al-Ma'idah Yusuf Ibrahim
Al-Hijr Al-Kahf Maryam
Al-Hajj Al-Qasas Al-'Ankabut
As-Sajdah Ya Sin Ad-Dukhan
Al-Fath Al-Hujurat Qaf
An-Najm Ar-Rahman Al-Waqi'ah
Al-Hashr Al-Mulk Al-Haqqah
Al-Inshiqaq Al-A'la Al-Ghashiyah

Download surah Ash-Shuara with the voice of the most famous Quran reciters :

surah Ash-Shuara mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Ash-Shuara Complete with high quality
surah Ash-Shuara Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Ash-Shuara Bandar Balila
Bandar Balila
surah Ash-Shuara Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Ash-Shuara Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Ash-Shuara Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Ash-Shuara Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Ash-Shuara Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Ash-Shuara Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Ash-Shuara Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Ash-Shuara Fares Abbad
Fares Abbad
surah Ash-Shuara Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Ash-Shuara Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Ash-Shuara Al Hosary
Al Hosary
surah Ash-Shuara Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Ash-Shuara Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Monday, November 18, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب