وَالصَّافَّاتِ صَفًّا(1) Sapamamagitan(ngmgaanghel) nanahahanaysaantas |
فَالزَّاجِرَاتِ زَجْرًا(2) Sa pamamagitan (ng mga anghel) na matatag na nagtataboy sa (kasamaan) sa mabuting paraan |
فَالتَّالِيَاتِ ذِكْرًا(3) Sa pamamagitan (ng mga anghel) na nagdadala ng Aklat at ng Qur’an sa sangkatauhan mula kay Allah |
إِنَّ إِلَٰهَكُمْ لَوَاحِدٌ(4) Katotohanan! Katotohanan, ang inyong Ilah (diyos) ay Tanging Isa (si Allah) |
رَّبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَرَبُّ الْمَشَارِقِ(5) Na Panginoon ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at Panginoon ng lahat ng bawat hanggahan ng sinisikatan ng araw! (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya) |
إِنَّا زَيَّنَّا السَّمَاءَ الدُّنْيَا بِزِينَةٍ الْكَوَاكِبِ(6) Katotohanang Aming pinalamutihan ang pinakamababang kalangitan ng kagandahan (sa pamamagitan) ng mga bituin |
وَحِفْظًا مِّن كُلِّ شَيْطَانٍ مَّارِدٍ(7) At bilang bantay laban sa bawat naghihimagsik na demonyo (Satanas) |
لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى الْمَلَإِ الْأَعْلَىٰ وَيُقْذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٍ(8) Sila ay hindi makakarinig sa mataas na pangkat (mga anghel), sapagkat sila ay binabato (itinataboy) sa bawat panig |
دُحُورًا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ وَاصِبٌ(9) Na itinatakwil, at sa kanila ang patuloy (o masakit) na pagpaparusa |
إِلَّا مَنْ خَطِفَ الْخَطْفَةَ فَأَتْبَعَهُ شِهَابٌ ثَاقِبٌ(10) Maliban sa kanya na katulad nang nang- agaw ng isang bagay sa pamamagitan ng pagnanakaw at sila ay tinutugis ng naglalagablab na apoy na may nakakatusok na liwanag |
فَاسْتَفْتِهِمْ أَهُمْ أَشَدُّ خَلْقًا أَم مَّنْ خَلَقْنَا ۚ إِنَّا خَلَقْنَاهُم مِّن طِينٍ لَّازِبٍ(11) Kaya’ttanunginmo(OMuhammad, silanamapagsamba sa mga diyus-diyosan): “Sila ba ay higit na matibay bilang nilikha, o ang iba pa (katulad ng kabundukan, kalangitan, kalupaan, atbp.) na Aming nilikha?” Katotohanang Aming nilikha sila mula sa isang malagkit na putik |
بَلْ عَجِبْتَ وَيَسْخَرُونَ(12) Hindi, ikaw (o Muhammad) ay nagtataka (sa kanilang katigasan ng ulo) habang sila ay nangungutya (sa iyo at sa Qur’an) |
وَإِذَا ذُكِّرُوا لَا يَذْكُرُونَ(13) At kung sila ay pinapaalalahanan, sila ay hindi nagbibigay pahalaga |
وَإِذَا رَأَوْا آيَةً يَسْتَسْخِرُونَ(14) At kung sila ay makakita ng isang Ayah (isang tanda, katibayan), ay ginagawa nila itong katatawanan |
وَقَالُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُّبِينٌ(15) At sila ay nagsasabi: “Ito ay wala ng iba kundi maliwanag na panlilinlang!” |
أَإِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ(16) “Ano! Kung kami ay mamatay at maging alabok at mga buto, kami baga (ay katotohanan) na muling ibabangon?” |
أَوَآبَاؤُنَا الْأَوَّلُونَ(17) “Gayundin ang aming mga ninuno?” |
قُلْ نَعَمْ وَأَنتُمْ دَاخِرُونَ(18) Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay nga, at kayo ay aalispustain (dahilan sa inyong kasamaan).” |
فَإِنَّمَا هِيَ زَجْرَةٌ وَاحِدَةٌ فَإِذَا هُمْ يَنظُرُونَ(19) At ito ay isang matinding pagsabog lamang (alalaong baga, sa pangalawang pagtunog ng Tambuli), at pagmasdan! Sila ay mandidilat |
وَقَالُوا يَا وَيْلَنَا هَٰذَا يَوْمُ الدِّينِ(20) Sila ay magsasabi: “Ah! Kasawian sa amin! Ito ang Araw ng Paghuhukom!” |
هَٰذَا يَوْمُ الْفَصْلِ الَّذِي كُنتُم بِهِ تُكَذِّبُونَ(21) (At dito ay ipagbabadya): “Ito ang Araw ng Pagbubukod-bukod (Paghuhukom), na ang pagiging tunay ay palagi ninyong itinatatwa.” |
۞ احْشُرُوا الَّذِينَ ظَلَمُوا وَأَزْوَاجَهُمْ وَمَا كَانُوا يَعْبُدُونَ(22) (At ipagbabadya sa mga anghel): “Tipunin ninyo nang sama-sama ang nagsigawa ng kamalian gayundin ang kanilang mga kasama (mula sa mga demonyo) at ang kanilang sinasamba noon (na mga diyus-diyosan) |
مِن دُونِ اللَّهِ فَاهْدُوهُمْ إِلَىٰ صِرَاطِ الْجَحِيمِ(23) Bukod pa kay Allah, at ihantong sila sa daan ng Naglalagablab na Apoy (Impiyerno) |
وَقِفُوهُمْ ۖ إِنَّهُم مَّسْئُولُونَ(24) Datapuwa’t patigilin sila, sapagkat sila ay tatanungin |
مَا لَكُمْ لَا تَنَاصَرُونَ(25) “Ano ang nangyayari sa inyo? Bakit hindi kayo magtulungan sa isa’t isa (na kagaya noong ginagawa ninyo sa lupa)?” |
بَلْ هُمُ الْيَوْمَ مُسْتَسْلِمُونَ(26) Hindi, subalit sa Araw na ito, sila ay susuko (sa paghuhukom) |
وَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَاءَلُونَ(27) At sila ay babaling sa bawat isa at magtatanungan sa bawat isa |
قَالُوا إِنَّكُمْ كُنتُمْ تَأْتُونَنَا عَنِ الْيَمِينِ(28) Sila ay magsasabi: “Kayo yaong dumarating sa amin mula sa kanang bahagi (alalaong baga, sa kanang bahagi ng isa sa amin at nagpapaganda sa amin ng bawat kasamaan at mga tukso, nag-uutos sa amin sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at humahadlang sa amin sa Katotohanan, sa Kaisahan ni Allah at sa Islam at sa bawat mabubuting gawa) |
قَالُوا بَل لَّمْ تَكُونُوا مُؤْمِنِينَ(29) Sila ay magsisisagot: “Hindi, kayo rin sa inyong sarili ay walang pananampalataya |
وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيْكُم مِّن سُلْطَانٍ ۖ بَلْ كُنتُمْ قَوْمًا طَاغِينَ(30) At kami ay walang kapamahalaan sa inyo. Hindi! Datapuwa’t kayo ay mga tao na nagmamalabis sa paglabag (palasuway, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig)!” |
فَحَقَّ عَلَيْنَا قَوْلُ رَبِّنَا ۖ إِنَّا لَذَائِقُونَ(31) Kaya’t ngayon, ang Salita ng aming Panginoon ay binigyang katarungan laban sa amin, na katiyakang (dapat naming) lasapin (ang kaparusahan sa aming kasalanan) |
فَأَغْوَيْنَاكُمْ إِنَّا كُنَّا غَاوِينَ(32) Kaya’t aming iniligaw kayo; sapagkat katotohanang kami rin sa aming sarili ay naliligaw.” |
فَإِنَّهُمْ يَوْمَئِذٍ فِي الْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ(33) Katotohanang sa Araw na ito, silang lahat ay maghahati sa kaparusahan |
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَفْعَلُ بِالْمُجْرِمِينَ(34) Katiyakang sa ganitong (paraan), ang Aming pakikitungo sa Mujrimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, palasuway kay Allah, walang pananalig, atbp) |
إِنَّهُمْ كَانُوا إِذَا قِيلَ لَهُمْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا اللَّهُ يَسْتَكْبِرُونَ(35) Katotohanang kapag sila ay pinagsasabihan ng: La ilaha ill Allah (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), ay pinatatambok nila ang kanilang sarili sa kapalaluan (alalaong baga, sila ay nagtatatwa sa katotohanan) |
وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُو آلِهَتِنَا لِشَاعِرٍ مَّجْنُونٍ(36) At sila ay nagsasabi: “Ano? Tatalikdan ba namin ang aming mga diyos dahilan lamang sa isang makata na nasisiraan ng bait?” |
بَلْ جَاءَ بِالْحَقِّ وَصَدَّقَ الْمُرْسَلِينَ(37) Hindi! Siya (Muhammad) ay dumatal na may (ganap) na katotohanan (alalaong baga, dala niya ang Islam, Qur’an at paniniwala sa Kaisahan ni Allah), at siya ay nagpapatotoo (sa mensahe) ng mga Tagapagbalita (noon pang una na nagdala ng Pananampalataya ni Allah, ang Islam at Kanyang Kaisahan) |
إِنَّكُمْ لَذَائِقُو الْعَذَابِ الْأَلِيمِ(38) Katotohanang kayo (na mga pagano sa Makkah), inyong lalasapin ang kasakit-sakit na kaparusahan |
وَمَا تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(39) At kayo ay gagantihan ng wala ng iba maliban lamang sa inyong mga ginawa (masasamang gawa, kasalanan, pagsuway kay Allah, atbp) |
إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(40) Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (matatapat, masunurin, tunay na may pananalig sa Islam at Kaisahan ni Allah) |
أُولَٰئِكَ لَهُمْ رِزْقٌ مَّعْلُومٌ(41) Sasakanila ang nakatakdang biyaya (panustos, sa Paraiso) |
فَوَاكِهُ ۖ وَهُم مُّكْرَمُونَ(42) Mga bungangkahoy; at sila ay pararangalan |
فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ(43) Sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso) |
عَلَىٰ سُرُرٍ مُّتَقَابِلِينَ(44) Na nakaharap sa bawat isa sa matataas na diban |
يُطَافُ عَلَيْهِم بِكَأْسٍ مِّن مَّعِينٍ(45) Sa palibot nila ay idudulot ang kopa ng inumin mula sa malinaw na dalisdis (dalisay na alak) |
بَيْضَاءَ لَذَّةٍ لِّلشَّارِبِينَ(46) Na tulad sa kaputian ng kristal, na ang lasa ay masarap sa mga umiinom |
لَا فِيهَا غَوْلٌ وَلَا هُمْ عَنْهَا يُنزَفُونَ(47) Na ligtas sa Ghoul (hindi magiging mabigat o masakit ang ulo, walang sakit sa tiyan, hindi nakakapinsala sa katawan, walang damdamin ng kasalanan) mula (sa pag-inom), gayundin naman, sila ay hindi makadarama nang pagkalango |
وَعِندَهُمْ قَاصِرَاتُ الطَّرْفِ عِينٌ(48) At sa tabi nila ay mayroong mga busilak na babae; na nagpipigil sa kanilang pagtingin (na hindi nagnanais sa iba maliban sa kanilang asawa), na may malalaki at magagandang mata |
كَأَنَّهُنَّ بَيْضٌ مَّكْنُونٌ(49) (Maselan at dalisay) na (wari bang natatakpang) itlog na binabantayan |
فَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَاءَلُونَ(50) At sila ay haharap sa bawat isa at magkapanabay na magtatanungan |
قَالَ قَائِلٌ مِّنْهُمْ إِنِّي كَانَ لِي قَرِينٌ(51) Ang isa sa kanila ay magsasabi: “Katotohanang ako ay may isang malapit na kasama (sa kalupaan) |
يَقُولُ أَإِنَّكَ لَمِنَ الْمُصَدِّقِينَ(52) Na lagi nang nagsasabi: “Ikaw ba ay isa sa mga tunay na nananalig (sa Muling Pagkabuhay matapos ang kamatayan) |
أَإِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَدِينُونَ(53) Na kung tayo ay mamatay at maging alabok at mga buto, katotohanang bang tayo (ay muling ibabangon) upang tumanggap ng gantimpala o kaparusahan (ayon sa ating mga gawa)?” |
قَالَ هَلْ أَنتُم مُّطَّلِعُونَ(54) (Ang isang tao) ay nagsabi: “Nais mo bang tumingin sa dakong ibaba?” |
فَاطَّلَعَ فَرَآهُ فِي سَوَاءِ الْجَحِيمِ(55) Kaya’t siya ay tumingin sa ibaba at kanyang nakita siya sa gitna ng Apoy |
قَالَ تَاللَّهِ إِن كِدتَّ لَتُرْدِينِ(56) Siya ay nagsabi: “Sa pamamagitan (sa Ngalan) ni Allah! Malapit mo na (sana) akong nadala sa pagkapanganyaya ng aking kaluluwa |
وَلَوْلَا نِعْمَةُ رَبِّي لَكُنتُ مِنَ الْمُحْضَرِينَ(57) At kung hindi sa Habag ng aking Panginoon (Allah), walang pagsala na ako ay isa sa mga napasama roon (sa Impiyerno)!” |
أَفَمَا نَحْنُ بِمَيِّتِينَ(58) (Ang tunay na sumasampalataya ay nagsabi): Tayo ba ay hindi na (muling) mamamatay |
إِلَّا مَوْتَتَنَا الْأُولَىٰ وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِينَ(59) Maliban sa ating unang kamatayan, at tayo ba ay hindi paparusahan (makaraang tayo ay pumasok sa Paraiso) |
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ(60) Katotohanang ito ang Sukdol na Tagumpay |
لِمِثْلِ هَٰذَا فَلْيَعْمَلِ الْعَامِلُونَ(61) Sa katulad nito, hayaan ang lahat ay magsikap, sa mga nagnanais na magsikap |
أَذَٰلِكَ خَيْرٌ نُّزُلًا أَمْ شَجَرَةُ الزَّقُّومِ(62) Ito bang (Paraiso) ay higit na mainam sa pagsasaya o ang puno ng Zaqqum (isang kahindik-hindik na puno sa Impiyerno) |
إِنَّا جَعَلْنَاهَا فِتْنَةً لِّلظَّالِمِينَ(63) Katotohanang Aming ginawa ito (bilang) isang buntot sa Zalimun (mapagsamba sa mga diyus- diyosan, walang pananalig, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp) |
إِنَّهَا شَجَرَةٌ تَخْرُجُ فِي أَصْلِ الْجَحِيمِ(64) Katotohanang ito ay isang puno na tumutubo sa kailaliman ng Impiyerno |
طَلْعُهَا كَأَنَّهُ رُءُوسُ الشَّيَاطِينِ(65) Na ang supling (usbong) ng kanyang buwig ay katulad ng ulo ng mga demonyo |
فَإِنَّهُمْ لَآكِلُونَ مِنْهَا فَمَالِئُونَ مِنْهَا الْبُطُونَ(66) Katotohanang sila ay kakain nito at ang kanilang tiyan ay mapupuno ng mga ito |
ثُمَّ إِنَّ لَهُمْ عَلَيْهَا لَشَوْبًا مِّنْ حَمِيمٍ(67) At bukod pa rito, sila ay bibigyan ng kumukulong tubig upang inumin na magiging magkasangkap (ang pinakulong tubig at Zaqqum sa kanilang tiyan) |
ثُمَّ إِنَّ مَرْجِعَهُمْ لَإِلَى الْجَحِيمِ(68) At pagkatapos, katotohanang sila ay ibabalik sa Naglalagablab na Apoy ng Impiyerno |
إِنَّهُمْ أَلْفَوْا آبَاءَهُمْ ضَالِّينَ(69) Katotohanang kanilang natagpuan ang kanilang mga ninuno sa maling Landas |
فَهُمْ عَلَىٰ آثَارِهِمْ يُهْرَعُونَ(70) Kaya’t sila rin ay nagmadali na sundan ang kanilang mga yapak |
وَلَقَدْ ضَلَّ قَبْلَهُمْ أَكْثَرُ الْأَوَّلِينَ(71) At katotohanan, ang mga tao noong una ay naligaw rin bago pa sa kanila |
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا فِيهِم مُّنذِرِينَ(72) Datapuwa’tkatotohanangnoonpaman, silaaypinadalhan na Namin ng mga tagapagbabala (mga Tagapagbalita) |
فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُنذَرِينَ(73) Kaya’t pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga pinaalalahanan (subalit hindi nakinig) |
إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(74) Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (matapat, masunurin, tunay na may pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) |
وَلَقَدْ نَادَانَا نُوحٌ فَلَنِعْمَ الْمُجِيبُونَ(75) (Noon), katotohanang si Noe ay nanikluhod saAmin, at Kami ang Pinakamainam sa mga dumirinig (sa panalangin) |
وَنَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ(76) At Aming iniadya siya at ang kanyang pamayanan sa malaking kapinsalaan (sa pagkalunod) |
وَجَعَلْنَا ذُرِّيَّتَهُ هُمُ الْبَاقِينَ(77) At ginawa Namin ang kanyang kalahian na mamalagi (sa kalupaan) at ang mga nakaligtas (alalaong baga, si Shem, Ham at Japheth) |
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِي الْآخِرِينَ(78) At iniwan Namin sa kanya (ang magandang ala-ala) para sa kanyang mga lahi na susunod sa darating na panahon |
سَلَامٌ عَلَىٰ نُوحٍ فِي الْعَالَمِينَ(79) “Salamun (Kapayapaan) at pagbati kay Noe (mula sa Amin) at sa lahat ng mga nilalang!” |
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(80) Katotohanan, sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan sa kapakanan ni Allah na walang pagpapasikat o naghahangad ng papuri, bagkus ay gumagawa nito ayon sa pag-uutos ni Allah) |
إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ(81) Katotohanang siya ay isa sa Aming tagapaglingkod na may pananalig |
ثُمَّ أَغْرَقْنَا الْآخَرِينَ(82) At Aming nilunod ang iba (na walang pananampalataya, buktot, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, atbp) |
۞ وَإِنَّ مِن شِيعَتِهِ لَإِبْرَاهِيمَ(83) At katotohanan, ang isa sa mga sumunod sa kanya (Noe) sa landas (ng Islam at Kaisahan ni Allah) ay si Abraham |
إِذْ جَاءَ رَبَّهُ بِقَلْبٍ سَلِيمٍ(84) Pagmasdan! Nang siya ay lumapit sa kanyang Panginoon na may dalisay na puso (tanging kay Allah lamang ang kanyang pagsamba at malinis siya sa dumi ng pananalig sa mga diyus-diyosan) |
إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ مَاذَا تَعْبُدُونَ(85) Pagmasdan! Nang sinabi niya sa kanyang ama at sa mga tao: “Ano baga yaong inyong sinasamba?” |
أَئِفْكًا آلِهَةً دُونَ اللَّهِ تُرِيدُونَ(86) “Ito ay isang kabulaanan, mga diyus-diyosan bukod pa kay Allah, ang inyong pinaninikluhuran?” |
فَمَا ظَنُّكُم بِرَبِّ الْعَالَمِينَ(87) “At ano ang inyong pag-aakala tungkol sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang?” |
فَنَظَرَ نَظْرَةً فِي النُّجُومِ(88) At siya ay tumanaw nang malalim sa mga bituin (upang sila ay linlangin) |
فَقَالَ إِنِّي سَقِيمٌ(89) At siya ay nagsabi: “Katotohanang ako ay maysakit (dahil sa salot na bigay ng mga bituin). [Ginawa niya ang pamamaraang ito upang siya ay makapanatili sa templo ng kanilang mga diyus-diyosan at kanyang mawasak ang mga ito, at upang siya ay hindi mapasama sa kanilang paganong pagdiriwang] |
فَتَوَلَّوْا عَنْهُ مُدْبِرِينَ(90) Kaya’t sila ay tumalikod sa kanya, at nagsilisan (dahilan sa pangangamba sa kanyang sakit) |
فَرَاغَ إِلَىٰ آلِهَتِهِمْ فَقَالَ أَلَا تَأْكُلُونَ(91) At siya (Abraham) ay humarap sa kanilang mga diyus-diyosan at nagsabi: “Hindi ba ninyo kakainin ang mga handog sa harapan ninyo |
مَا لَكُمْ لَا تَنطِقُونَ(92) At ano ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi nagsasalita?” |
فَرَاغَ عَلَيْهِمْ ضَرْبًا بِالْيَمِينِ(93) At siya ay lumapit sa kanila at kanyang sinuntok (hinampas) sila ng (kanyang) kanang kamay |
فَأَقْبَلُوا إِلَيْهِ يَزِفُّونَ(94) At dumating (ang mga sumasamba sa mga diyus- diyosan) na nagmamadali patungo sa kanya (Abraham) |
قَالَ أَتَعْبُدُونَ مَا تَنْحِتُونَ(95) Siya (Abraham) ay nagsabi: “Sinasamba ba ninyo ang mga bagay na (kayo rin sa inyong sarili) ang lumilok |
وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ وَمَا تَعْمَلُونَ(96) Datapuwa’t si Allah ang lumikha sa inyo at sa ginawa ng inyong mga kamay!” |
قَالُوا ابْنُوا لَهُ بُنْيَانًا فَأَلْقُوهُ فِي الْجَحِيمِ(97) Sila ay nagsabi: “Inyong igawa siya ng pugon at itapon siya sa naglalagablab na apoy!” |
فَأَرَادُوا بِهِ كَيْدًا فَجَعَلْنَاهُمُ الْأَسْفَلِينَ(98) (Ito ay hindi magtatagumpay). At sila ay nagbalak nang laban sa kanya, datapuwa’t Aming inilaan sila sa pinakaaba |
وَقَالَ إِنِّي ذَاهِبٌ إِلَىٰ رَبِّي سَيَهْدِينِ(99) Siya (Abraham) ay nagsabi (matapos na makaligtas siya sa apoy): “Katotohanang ako ay patutungo sa aking Panginoon! Siya ang mamamatnubay sa akin!” |
رَبِّ هَبْ لِي مِنَ الصَّالِحِينَ(100) “o aking Panginoon! Ako ay pagkalooban Ninyo ng (mabuting) anak na lalaki mula sa matutuwid!” |
فَبَشَّرْنَاهُ بِغُلَامٍ حَلِيمٍ(101) Kaya’t ibinigay Namin sa kanya ang magandang balita ng matimtimang anak (na lalaki, si Ismail) |
فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ السَّعْيَ قَالَ يَا بُنَيَّ إِنِّي أَرَىٰ فِي الْمَنَامِ أَنِّي أَذْبَحُكَ فَانظُرْ مَاذَا تَرَىٰ ۚ قَالَ يَا أَبَتِ افْعَلْ مَا تُؤْمَرُ ۖ سَتَجِدُنِي إِن شَاءَ اللَّهُ مِنَ الصَّابِرِينَ(102) At nang ang (anak na) lalaki ay sumapit na sa hustong gulang, siya (Abraham) ay nagsabi: “o aking anak! Ako ay nanaginip na iaalay kita bilang sakripisyo (kay Allah); iyong sabihin kung ano ang iyong nasasaloob!” (Ang anak) ay nagsabi: “o aking ama! Inyong sundin kung ano ang sa inyo ay ipinag-utos. Insha Allah (Kung pahihintulutan ni Allah), matatagpuan ninyo ako (kung ito ang kalooban ni Allah) na isang mapagbata.” |
فَلَمَّا أَسْلَمَا وَتَلَّهُ لِلْجَبِينِ(103) At nang sila ay kapwa nagsuko ng kanilang sarili (sa pagsunod kay Allah), at kanyang inihiga na siya na nakapatirapa sa kanyang noo (upang isakripisyo) |
وَنَادَيْنَاهُ أَن يَا إِبْرَاهِيمُ(104) Amin (Allah) siyang tinawag: “o Abraham |
قَدْ صَدَّقْتَ الرُّؤْيَا ۚ إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(105) Iyo nang natupad nang ganap ang panaginip!” Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan na ganap na nagsasagawa ng mga ito tungo sa kapakanan ni Allah ng walang kapalaluan at hindi naghihintay ng papuri o katanyagan, bagkus ay gumagawa nito ayon sa pag-uutos ni Allah) |
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْبَلَاءُ الْمُبِينُ(106) Katotohanang ito ay isang tunay na lantad na pagsubok |
وَفَدَيْنَاهُ بِذِبْحٍ عَظِيمٍ(107) At siya ay tinubos (iniligtas) Namin sa isang malaking sakripisyo (ipinalit sa kanya ang isang hayop, alalaong baga, isang lalaking tupa) |
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِي الْآخِرِينَ(108) At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon |
سَلَامٌ عَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ(109) “Salamun (Kapayapaan) at pagbati kay Abraham!” |
كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(110) Kaya’t katotohanang sa ganito Namin binibiyayaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran) |
إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ(111) Katotohanang siya ay isa sa Aming tagapaglingkod na nananampalataya |
وَبَشَّرْنَاهُ بِإِسْحَاقَ نَبِيًّا مِّنَ الصَّالِحِينَ(112) At Aming ginawaran siya ng magandang balita (nang pagdating) ni Isaac, isang propeta, isa sa mga matutuwid |
وَبَارَكْنَا عَلَيْهِ وَعَلَىٰ إِسْحَاقَ ۚ وَمِن ذُرِّيَّتِهِمَا مُحْسِنٌ وَظَالِمٌ لِّنَفْسِهِ مُبِينٌ(113) Aming ginawaran siya at si Isaac ng biyaya, at mula sa kanilang lahi, (ang iba) ay gumagawa ng kabutihan at ang ilan ay gumagawa ng kamalian |
وَلَقَدْ مَنَنَّا عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَارُونَ(114) At muli (tulad din noong una), Aming ibinigay ang Aming paglingap kay Moises at Aaron |
وَنَجَّيْنَاهُمَا وَقَوْمَهُمَا مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ(115) At Aming iniadya sila at ang kanilang pamayanan sa malaking kasiphayuan |
وَنَصَرْنَاهُمْ فَكَانُوا هُمُ الْغَالِبِينَ(116) At sila ay tinulungan Namin, at sila ay nagsipagtagumpay |
وَآتَيْنَاهُمَا الْكِتَابَ الْمُسْتَبِينَ(117) At iginawad Namin sa kanila ang Kasulatan na nagpapaliwanag sa mga bagay-bagay |
وَهَدَيْنَاهُمَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيمَ(118) At sila ay pinatnubayan Namin sa Matuwid na Landas |
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِمَا فِي الْآخِرِينَ(119) At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon |
سَلَامٌ عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَارُونَ(120) “Salamun (Kapayapaan) at pagbati kina Moises at Aaron!” |
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(121) Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran) |
إِنَّهُمَا مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ(122) Sapagkat sila ay dalawa sa Aming mga tagapaglingkod na nananampalataya |
وَإِنَّ إِلْيَاسَ لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ(123) At katotohanang si Elias ay isa rin sa Aming mga Tagapagbalita |
إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَلَا تَتَّقُونَ(124) Pagmasdan! Nang kanyang ipahayag sa kanyang pamayanan: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah?” |
أَتَدْعُونَ بَعْلًا وَتَذَرُونَ أَحْسَنَ الْخَالِقِينَ(125) “Kayo ba ay magsisidalangin kay Baal (isang tanyag na diyus-diyosan sa kanilang pamayanan na kanilang sinasamba) atinyongtatalikuranang Pinakamainamsalahat ng mga Manlilikha?” |
اللَّهَ رَبَّكُمْ وَرَبَّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ(126) “Si Allah, ang inyong Panginoon at Tagapagtaguyod, at Panginoon at Tagapagtaguyod ng inyong ninuno noong pang una?” |
فَكَذَّبُوهُ فَإِنَّهُمْ لَمُحْضَرُونَ(127) Datapuwa’t kanilang itinakwil siya (Elias), at katotohanan na walang pagsala na sila ay tatawagin (sa kaparusahan) |
إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(128) Maliban sa mga piling tagapaglingkod ni Allah (sa kanilang lipon) |
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِي الْآخِرِينَ(129) At iniwan Namin sa kanila (ang isang magandang ala-ala, upang makintal sa isipan) ng mga sali’t saling lahi (na susunod) sa darating na panahon |
سَلَامٌ عَلَىٰ إِلْ يَاسِينَ(130) “Salamun (Kapayapaan) at pagbati kay Ilyasin (Elias)!” |
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(131) Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan at katuwiran tungo sa kapakanan ni Allah) |
إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِينَ(132) Katotohanang siya ay isa sa Aming tagapaglingkod na nananampalataya |
وَإِنَّ لُوطًا لَّمِنَ الْمُرْسَلِينَ(133) At katotohanang si Lut ay isa sa Aming mga Tagapagbalita |
إِذْ نَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ أَجْمَعِينَ(134) Pagmasdan! Nang Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, silang lahat |
إِلَّا عَجُوزًا فِي الْغَابِرِينَ(135) Maliban sa isang matandang babae (ang kanyang asawa) na isa sa mga nagpaiwan |
ثُمَّ دَمَّرْنَا الْآخَرِينَ(136) At Aming winasak ang natira (alalaong baga, ang mga bayan ng Sodom na nasa lugar ng Patay na Dagat [Dead Sea] sa Palestina |
وَإِنَّكُمْ لَتَمُرُّونَ عَلَيْهِم مُّصْبِحِينَ(137) Katotohanang kayo ay dumaraan (sa kanilang pook) sa umaga |
وَبِاللَّيْلِ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ(138) At sa gabi; kayo baga ay hindi nakakaunawa |
وَإِنَّ يُونُسَ لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ(139) At katotohanang si Jonah ay isa sa Aming mga Tagapagbalita |
إِذْ أَبَقَ إِلَى الْفُلْكِ الْمَشْحُونِ(140) Nang siya ay tumakbo (na parang isang alipin) sa barko na puno ng karga |
فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ الْمُدْحَضِينَ(141) Siya (ay pumayag) na magpalabunutan, at siya ay isa sa mga talunan |
فَالْتَقَمَهُ الْحُوتُ وَهُوَ مُلِيمٌ(142) Kaya’t isang (malaking) isda ang lumulon sa kanya, at siya ang dapat sisihin sa kanyang ginawa |
فَلَوْلَا أَنَّهُ كَانَ مِنَ الْمُسَبِّحِينَ(143) Datapuwa’t kung siya ay hindi (lamang) humingi ng kapatawaran at lumuwalhati kay Allah |
لَلَبِثَ فِي بَطْنِهِ إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ(144) Katotohanan na walang pagsala na mananatili siya sa tiyan (ng isda) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay |
۞ فَنَبَذْنَاهُ بِالْعَرَاءِ وَهُوَ سَقِيمٌ(145) Subalit siya ay iniluwa Namin sa patag na pasigan (ng dagat) samantalang (siya) ay may sakit |
وَأَنبَتْنَا عَلَيْهِ شَجَرَةً مِّن يَقْطِينٍ(146) At Aming pinatubo sa ibabaw (sa tabi) niya ang isang malabay na puno |
وَأَرْسَلْنَاهُ إِلَىٰ مِائَةِ أَلْفٍ أَوْ يَزِيدُونَ(147) At Aming isinugo siya (sa isang misyon) sa isang daang libong tao o higit pa |
فَآمَنُوا فَمَتَّعْنَاهُمْ إِلَىٰ حِينٍ(148) At sila ay nagsisampalataya, kaya’t Aming hinayaan na sila ay magsaya sa kaunting sandali |
فَاسْتَفْتِهِمْ أَلِرَبِّكَ الْبَنَاتُ وَلَهُمُ الْبَنُونَ(149) Kaya’t ngayon (O Muhammad), iyong tanungin sila kung ano ang kanilang palagay. Tunay kaya baga na ang inyong Panginoon (ay mayroon lamang) ng mga anak na babae, at ang kanila ay mga anak na lalaki |
أَمْ خَلَقْنَا الْمَلَائِكَةَ إِنَاثًا وَهُمْ شَاهِدُونَ(150) o nilikha ba Namin ang mga babaeng anghel, samantalang sila ang mga saksi |
أَلَا إِنَّهُم مِّنْ إِفْكِهِمْ لَيَقُولُونَ(151) Pagmasdan! Sila (mga paganong Quraish) ay nagsasabi mula sa kanilang mga kabulaanan (gawa-gawang kasinungalingan) ng |
وَلَدَ اللَّهُ وَإِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ(152) “Si Allah ay nagkaroon ng mga anak (alalaong baga, ang mga anghel ay mga anak na babae ni Allah)?” Katotohanang sila ay mga sinungaling |
أَصْطَفَى الْبَنَاتِ عَلَى الْبَنِينَ(153) Siya (Allah) baga ay pumili ng mga anak na babae kaysa sa mga anak na lalaki |
مَا لَكُمْ كَيْفَ تَحْكُمُونَ(154) Ano ang nangyayari sa inyo? Paano kayo humahatol |
أَفَلَا تَذَكَّرُونَ(155) Hindi baga kayo tatanggap ng paala-ala |
أَمْ لَكُمْ سُلْطَانٌ مُّبِينٌ(156) o mayroon ba kayong maliwanag na kapamahalaan |
فَأْتُوا بِكِتَابِكُمْ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(157) Kung gayon, inyong dalhin ang (inyong) Aklat (ng kapamahalaan) kung kayo ay makatotohanan |
وَجَعَلُوا بَيْنَهُ وَبَيْنَ الْجِنَّةِ نَسَبًا ۚ وَلَقَدْ عَلِمَتِ الْجِنَّةُ إِنَّهُمْ لَمُحْضَرُونَ(158) At sila ay kumatha (naggawa-gawa ng kasinungalingan) na may pagkakamag-anak sa pagitan Niya at ng mga Jinn, datapuwa’t ang mga Jinn na rin (ang lubos na nakakaalam) na sila ay tatawagin upang magsulit sa Kanya |
سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ(159) Luwalhatiin si Allah! (Siya ay ganap na malaya) sa lahat ng bagay na kanilang itinatambal sa Kanya |
إِلَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(160) (Sila ay nasa kamalian) maliban sa mga tagapaglingkod ni Allah na Kanyang pinili (sa Kanyang Habag, alalaong baga, mga tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah at hindi nag-aakibat ng mga huwad na bagay kay Allah) |
فَإِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُونَ(161) Kaya’t katotohanang kayong (mga pagano), at ang inyong mga sinasamba (na diyus- diyosan) |
مَا أَنتُمْ عَلَيْهِ بِفَاتِنِينَ(162) Ay hindi makakapagligaw (sa kanila na tunay na sumasampalataya kay Allah na makalimot at lumayo sa Kanya) |
إِلَّا مَنْ هُوَ صَالِ الْجَحِيمِ(163) Maliban sa kanila na nakatakdang masunog sa Naglalagablab na Apoy (Impiyerno) |
وَمَا مِنَّا إِلَّا لَهُ مَقَامٌ مَّعْلُومٌ(164) walang sinuman sa amin (mga anghel) ang hindi nakakaalam sa aming takdang kalalagyan (o puwesto) |
وَإِنَّا لَنَحْنُ الصَّافُّونَ(165) Katotohanan, kaming (mga anghel) ay nakatindig sa mga hanay sa pagdarasal (na katulad din ninyong mga Muslim sa inyong pagdarasal) |
وَإِنَّا لَنَحْنُ الْمُسَبِّحُونَ(166) At katotohanan, kaming (mga anghel), kami ay sumasambit ng kaluwalhatian (ni Allah sa aming pananalangin)!” |
وَإِن كَانُوا لَيَقُولُونَ(167) At katotohanang sila (mga paganong Arabo) ay laging nagsasabi |
لَوْ أَنَّ عِندَنَا ذِكْرًا مِّنَ الْأَوَّلِينَ(168) “Kung kami lamang ay nakatanggap ng Mensahe noong una (bago dumatal si Propeta Muhammad bilang isang Tagapagbalita ni Allah) |
لَكُنَّا عِبَادَ اللَّهِ الْمُخْلَصِينَ(169) Katotohanang kami ay walang pagsala na magiging tagapaglingkod ni Allah, matapat at matimtiman (at tunay na nananampalataya sa Kanyang Kaisahan at sa Islam)!” |
فَكَفَرُوا بِهِ ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ(170) Datapuwa’t (ngayon na ang Qur’an ay dumating), sila ay nagtakwil dito (sa Qur’an at kay Propeta Muhammad at sa lahat ng kanyang mga dinalang kapahayagan); ngunit hindi magtatagal ay kanilang mapag-aalaman!” |
وَلَقَدْ سَبَقَتْ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا الْمُرْسَلِينَ(171) At katotohanan, ang Aming Salita ay pumalaot na noon pa mang una sa Aming mga tagapaglingkod, ang mga Tagapagbalita na Aming isinugo |
إِنَّهُمْ لَهُمُ الْمَنصُورُونَ(172) At Katotohanang Siya Ay Ginawaran Magsikap Tagumpay |
وَإِنَّ جُندَنَا لَهُمُ الْغَالِبُونَ(173) At ang Aming mga tagapaglingkod, katotohanang sila ay magwawagi |
فَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتَّىٰ حِينٍ(174) Kaya’t tumalikod ka sa kanila (O Muhammad), nang pansamantala |
وَأَبْصِرْهُمْ فَسَوْفَ يُبْصِرُونَ(175) At pagmasdan mo sila, at makikita nila (ang kaparusahan) |
أَفَبِعَذَابِنَا يَسْتَعْجِلُونَ(176) Sila baga ay naghahanap na madaliin ang Aming Kaparusahan |
فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمْ فَسَاءَ صَبَاحُ الْمُنذَرِينَ(177) Datapuwa’t kung ito ay pababain na sa kanilang bakuran sa harapan nila, kasamaan ang magiging umaga ng mga pinaalalahanan (subalit hindi nakinig) |
وَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتَّىٰ حِينٍ(178) Kaya’t talikuran mo sila (O Muhammad), nang pansamantala |
وَأَبْصِرْ فَسَوْفَ يُبْصِرُونَ(179) At pagmasdan, kanilang makikita (ang kaparusahan) |
سُبْحَانَ رَبِّكَ رَبِّ الْعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ(180) Maluwalhati ang iyong Panginoon! Ang Panginoon ng Karangalan at Kapangyarihan! (Siya ay ganap na malaya) sa lahat ng mga itinatambal nila sa Kanya |
وَسَلَامٌ عَلَى الْمُرْسَلِينَ(181) At kapayapaan sa mga Tagapagbalita |
وَالْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ(182) At ang lahat ng mga Pagpupuri ay kay Allah, ang Panginoon at Tagapanustos ng lahat ng mga nilalang |