سوره هود به زبان فیلیپینی

  1. گوش دادن به سوره
  2. سورهای دیگر
  3. ترجمه سوره
قرآن کریم | ترجمه معانی قرآن | زبان فیلیپینی | سوره هود | هود - تعداد آیات آن 123 - شماره سوره در مصحف: 11 - معنی سوره به انگلیسی: Hud.

الر ۚ كِتَابٌ أُحْكِمَتْ آيَاتُهُ ثُمَّ فُصِّلَتْ مِن لَّدُنْ حَكِيمٍ خَبِيرٍ(1)

 Alif, Lam, Ra (mga titik A, La, Ra). (Itoayisang)Aklat, naangmgaTalata aypinagingganap(sa bawat anggulo ng karunungan, atbp.), at ipinaliwanag nang masusi, na nagmula sa Tanging Isa (Allah), na Siyang Lubos na Maalam at Ganap na Nakakabatid (ng lahat ng bagay)

أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا اللَّهَ ۚ إِنَّنِي لَكُم مِّنْهُ نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ(2)

 (Na nagsasabing) sambahin lamang si Allah. Katotohanang ako (Muhammad), ay mula sa Kanya para sa inyo bilang isang tagapagbabala at tagapaghatid ng Masayang Balita

وَأَنِ اسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ يُمَتِّعْكُم مَّتَاعًا حَسَنًا إِلَىٰ أَجَلٍ مُّسَمًّى وَيُؤْتِ كُلَّ ذِي فَضْلٍ فَضْلَهُ ۖ وَإِن تَوَلَّوْا فَإِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ كَبِيرٍ(3)

 At (nag-uutos sa inyo): “Hanapin ninyo ang pagpapatawad ng inyong Panginoon, at magsipanumbalik kayo sa Kanya ng may pagsisisi upang kayo ay mabiyayaan Niya ng mabuting pagsasaya sa natatatakdaang panahon, at ipagkaloob Niya ang Kanyang nag-uumapaw na Biyaya sa bawat nagmamay- ari ng biyaya (alalaong baga, ang mga tumutulong at naglilingkod sa mga nangangailangan at karapat-dapat sa pamamagitan ng kanyang lakas at kayamanan). Datapuwa’t kung kayo ay tumalikod, ako ay nangangamba para sa inyo sa kaparusahan ng dakilang Araw (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)

إِلَى اللَّهِ مَرْجِعُكُمْ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(4)

 Kay Allah ang inyong pagbabalik, at Siya ay may Kakayahan na makagawa ng lahat ng bagay

أَلَا إِنَّهُمْ يَثْنُونَ صُدُورَهُمْ لِيَسْتَخْفُوا مِنْهُ ۚ أَلَا حِينَ يَسْتَغْشُونَ ثِيَابَهُمْ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ(5)

 walang alinlangan! Itiniklop nila ang kanilang dibdib upang sila ay magkubli sa Kanya. Katotohanan, kahit na damitan nila ang kanilang sarili ng kasuutan, batid Niya kung ano ang kanilang ikinukubli at kung ano ang kanilang inilalantad. Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakaalam (ng pinakaubod na mga lihim) ng mga dibdib

۞ وَمَا مِن دَابَّةٍ فِي الْأَرْضِ إِلَّا عَلَى اللَّهِ رِزْقُهَا وَيَعْلَمُ مُسْتَقَرَّهَا وَمُسْتَوْدَعَهَا ۚ كُلٌّ فِي كِتَابٍ مُّبِينٍ(6)

 At walang (gumagalaw) na nilikha ang naririto sa kalupaan na ang ikinabubuhay ay hindi nanggaling kay Allah. At nababatid Niya ang kanilang pinananahanan at ang kanilang pinaglulunggaan (sa sinapupunan, sa libingan, atbp.), ang lahat ay nasa Maliwanag na Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz, ang Aklat ng mga Kautusan na [hawak] ni Allah

وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ وَكَانَ عَرْشُهُ عَلَى الْمَاءِ لِيَبْلُوَكُمْ أَيُّكُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا ۗ وَلَئِن قُلْتَ إِنَّكُم مَّبْعُوثُونَ مِن بَعْدِ الْمَوْتِ لَيَقُولَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُّبِينٌ(7)

 At Siya ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan sa anim na Araw at ang Kanyang Luklukan (noon) ay nasa ibabaw ng Tubig, upang Kanyang masubukan kayo kung sino sa inyo ang pinakamabuti sa pag-uugali. Datapuwa’t kung iyong sasabihin sa kanila: “Katotohanang kayo ay ibabangon pagkatapos ng kamatayan,” ang mga hindi sumasampalataya ay walang pagsala na magsasabi: “Ito ay walangibamalibansaisanglantadnasalamangka.”

وَلَئِنْ أَخَّرْنَا عَنْهُمُ الْعَذَابَ إِلَىٰ أُمَّةٍ مَّعْدُودَةٍ لَّيَقُولُنَّ مَا يَحْبِسُهُ ۗ أَلَا يَوْمَ يَأْتِيهِمْ لَيْسَ مَصْرُوفًا عَنْهُمْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ(8)

 Atkung inaantala Namin para sa kanila ang kaparusahan hanggang sa natatakdaang panahon, katiyakang sila ay magsasabi, “Ano ang pumipigil dito?” Katotohanan, sa araw na ito ay sasapit sa kanila, walang anupaman ang makapagpapaalis nito sa kanila, at sila ay ganap na mapapaligiran nito, na noon ay lagi nilang tinutuya

وَلَئِنْ أَذَقْنَا الْإِنسَانَ مِنَّا رَحْمَةً ثُمَّ نَزَعْنَاهَا مِنْهُ إِنَّهُ لَيَئُوسٌ كَفُورٌ(9)

 At kung iginawad Namin sa tao na lasapin ang Habag mula sa Amin, at matapos, ay alisin sa kanya ito, katotohanang siya ay nawawalan ng pag-asa at walang utang na loob ng pasasalamat

وَلَئِنْ أَذَقْنَاهُ نَعْمَاءَ بَعْدَ ضَرَّاءَ مَسَّتْهُ لَيَقُولَنَّ ذَهَبَ السَّيِّئَاتُ عَنِّي ۚ إِنَّهُ لَفَرِحٌ فَخُورٌ(10)

 Datapuwa’t kung Aming hayaan siya na lasapin ang magandang biyaya, pagkaraan ang kasamaan (kahirapan at kapinsalaan) ay dumapo sa kanya, walang pagsala na siya ay magsasabi: “Ang kamalasan at kasahulan ay lumisan sa akin.” Katotohanan, siya ay tandisang galak na galak at nagmamayabang (walang utang na loob ng pasasalamat kay Allah)

إِلَّا الَّذِينَ صَبَرُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ أُولَٰئِكَ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ(11)

 Maliban sa mga nagpapamalas ng pagtitiyaga at gumagawa ng mga kabutihan, sa kanila, ay mapapasakanila ang kapatawaran at malaking gantimpala (Paraiso)

فَلَعَلَّكَ تَارِكٌ بَعْضَ مَا يُوحَىٰ إِلَيْكَ وَضَائِقٌ بِهِ صَدْرُكَ أَن يَقُولُوا لَوْلَا أُنزِلَ عَلَيْهِ كَنزٌ أَوْ جَاءَ مَعَهُ مَلَكٌ ۚ إِنَّمَا أَنتَ نَذِيرٌ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ وَكِيلٌ(12)

 At kung sakali (o Muhammad) na iyong isuko ang bahagi ng anumang ipinahayag sa iyo, at ang iyong dibdib ay naninikip dito sapagkat sila ay nagsasabi, “Bakit kaya hindi ipinanaog sa kanya ang kayamanan, o di kaya ang anghel ay dumatal sa kanya?” Datapuwa’t ikaw ay isa lamang tagapagbabala. At si Allah ang wakil (ang Tagapamahala ng mga pangyayari, Tagapagkupkop, atbp.) sa lahat ng mga bagay

أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۖ قُلْ فَأْتُوا بِعَشْرِ سُوَرٍ مِّثْلِهِ مُفْتَرَيَاتٍ وَادْعُوا مَنِ اسْتَطَعْتُم مِّن دُونِ اللَّهِ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(13)

 o di kaya, sila ay nagsasabi, “ Siya (Propeta Muhammad) ay nanghuwad (nagpalsipika) lamang (ng Qur’an)”. Ipagbadya: “Magdala kayo kung gayon ng sampung huwad na Surah (mga kabanata) na katulad nito, at tawagin ninyo kung sinuman ang ibig ninyo, maliban pa kay Allah (upang tumulong sa inyo), kung kayo ay nangungusap ng katotohanan!”

فَإِلَّمْ يَسْتَجِيبُوا لَكُمْ فَاعْلَمُوا أَنَّمَا أُنزِلَ بِعِلْمِ اللَّهِ وَأَن لَّا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَهَلْ أَنتُم مُّسْلِمُونَ(14)

 At kung ikaw ay hindi nila tugunin, iyong maalaman na ang Kapahayagan (ang Qur’an) ay ipinanaog ni Allah ng may Karunungan at ang La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya)! Hindi baga kayo magiging mga Muslim (ang mga tumatalima sa Islam)

مَن كَانَ يُرِيدُ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا وَزِينَتَهَا نُوَفِّ إِلَيْهِمْ أَعْمَالَهُمْ فِيهَا وَهُمْ فِيهَا لَا يُبْخَسُونَ(15)

 Sinumang maghangad ng buhay sa mundong ito at sa kanyang kinang; sa kanila ay Aming babayaran nang ganap (ang kinita) ng kanilang mga gawa rito, at dito ay walang mababawas

أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَيْسَ لَهُمْ فِي الْآخِرَةِ إِلَّا النَّارُ ۖ وَحَبِطَ مَا صَنَعُوا فِيهَا وَبَاطِلٌ مَّا كَانُوا يَعْمَلُونَ(16)

 Sila yaong walang makakamtan sa Kabilang Buhay maliban sa Apoy; at dito ay walang kabuluhan ang kanilang mga gawa. At walang halaga ang kanilang ginagawa noon

أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّهِ وَيَتْلُوهُ شَاهِدٌ مِّنْهُ وَمِن قَبْلِهِ كِتَابُ مُوسَىٰ إِمَامًا وَرَحْمَةً ۚ أُولَٰئِكَ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۚ وَمَن يَكْفُرْ بِهِ مِنَ الْأَحْزَابِ فَالنَّارُ مَوْعِدُهُ ۚ فَلَا تَكُ فِي مِرْيَةٍ مِّنْهُ ۚ إِنَّهُ الْحَقُّ مِن رَّبِّكَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ(17)

 Sila ba (na mga Muslim) na tumatanggap ng maliliwanag na tanda (ang Qur’an) mula sa kanilang Panginoon, at sinundan ng isang Saksi (Muhammad) mula sa Kanya, (sila ba ay katumbas ng mga hindi sumasampalataya), at bago pa rito ay dumating ang Aklat ni Moises, isang patnubay at habag, sila ay nagsipaniwala rito, datapuwa’t yaong mga Sekta (mga Hudyo, Kristiyano at lahat ng mga di Muslim na bansa o pamayanan) na nagtatakwil dito (sa Qur’an), ang Apoy ang tagpuan na ipinangako sa kanila. Kaya’t huwag kayong mag-alinlangan tungkol dito (alalaong baga, sa mga pahayag na dala ni Muhammad at nagmula kay Allah, katiyakang sila ay papasok sa Impiyerno). walang pagsala, ito ang Katotohanan mula sa inyong Panginoon, datapuwa’t ang karamihan sa sangkatauhan ay hindi nananampalataya

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا ۚ أُولَٰئِكَ يُعْرَضُونَ عَلَىٰ رَبِّهِمْ وَيَقُولُ الْأَشْهَادُ هَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ كَذَبُوا عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ أَلَا لَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الظَّالِمِينَ(18)

 At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na kumakatha ng mga kasinungalingan laban kay Allah. Sila ang dadalhin sa harapan ng kanilang Panginoon, at ang mga saksi ay magsasabi: “Sila nga ang nagpasinungaling sa kanilang Panginoon!” walang alinlangan! Ang sumpa ni Allah ay nasa Zalimun (mga buhong, buktot, makasalanan, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, mapang-api, atbp)

الَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ اللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا وَهُم بِالْآخِرَةِ هُمْ كَافِرُونَ(19)

 Sila na humahadlang (sa mga iba) tungo sa Landas ni Allah (sa pagiging Tanging Isa Niya, at sa Islam), at humahanap ng kalikuan dito, habang sila ay hindi nananalig sa Kabilang Buhay

أُولَٰئِكَ لَمْ يَكُونُوا مُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ وَمَا كَانَ لَهُم مِّن دُونِ اللَّهِ مِنْ أَوْلِيَاءَ ۘ يُضَاعَفُ لَهُمُ الْعَذَابُ ۚ مَا كَانُوا يَسْتَطِيعُونَ السَّمْعَ وَمَا كَانُوا يُبْصِرُونَ(20)

 Hindi, sa anupamang kaparaanan, sila ay hindi makakatakas (sa parusa ni Allah) sa kalupaan, at wala ring makakapangalaga sa kanila maliban kay Allah! Ang kaparusahan nila ay dadalawahin (dodoblehin)! Hindi nila matagalan na pakinggan (ang mga nangangaral ng katotohanan) at sila ay nasanay na hindi nakikita (ang katotohanan dahilan sa kanilang mariing pag- ayaw, kahima’t sila ay mayroong pandinig at pangmasid)

أُولَٰئِكَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا يَفْتَرُونَ(21)

 Sila nga ang nagpabaya sa kanilang sarili, at ang kanilang mga huwad na diyus-diyosan ay maglalaho sa kanila

لَا جَرَمَ أَنَّهُمْ فِي الْآخِرَةِ هُمُ الْأَخْسَرُونَ(22)

 walang pagsala, sila nga ang magiging lubos na talunan sa Kabilang Buhay

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَأَخْبَتُوا إِلَىٰ رَبِّهِمْ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ(23)

 Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at nagsisigawa ng mga kabutihan, at nagpapakumbabasakanilangsarili(sapagsisisiatpagsunod) sa harapan ng kanilang Panginoon, - sila ay magsisitahan sa Paraiso at mananatili rito magpakailanman

۞ مَثَلُ الْفَرِيقَيْنِ كَالْأَعْمَىٰ وَالْأَصَمِّ وَالْبَصِيرِ وَالسَّمِيعِ ۚ هَلْ يَسْتَوِيَانِ مَثَلًا ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ(24)

 Ang nakakahalintulad ng dalawang pangkat ay tulad ng bulag at ng bingi at ng nakakamasid at ng nakakarinig. Sila ba ay magkatulad kung paghahambingin? Hindi baga kayo magsisitalima

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ إِنِّي لَكُمْ نَذِيرٌ مُّبِينٌ(25)

 Katotohanang isinugo Namin si Noe sa kanyang pamayanan (at siya ay nagsa-bi): “Ako ay dumating sa inyo bilang isang lantad na tagapagbabala.”

أَن لَّا تَعْبُدُوا إِلَّا اللَّهَ ۖ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ أَلِيمٍ(26)

 “Na sambahin lamang ninyo si Allah; katotohanan, pinangangambahan ko para sa inyo ang kaparusahan ng kasakit-sakit na Araw.”

فَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِن قَوْمِهِ مَا نَرَاكَ إِلَّا بَشَرًا مِّثْلَنَا وَمَا نَرَاكَ اتَّبَعَكَ إِلَّا الَّذِينَ هُمْ أَرَاذِلُنَا بَادِيَ الرَّأْيِ وَمَا نَرَىٰ لَكُمْ عَلَيْنَا مِن فَضْلٍ بَلْ نَظُنُّكُمْ كَاذِبِينَ(27)

 Ang mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang angkan ay nagsabi: “Ikaw ay namamasdan namin bilang isang tao na katulad namin, at hindi rin namin nakikita ang sinuman na sumusunod sa iyo maliban sa pinakahamak sa amin, at sila ay sumusunod sa iyo na hindi gumagamit ng kanilang pag-iisip. At wala kaming nakikita sa iyo na mahalaga na higit pa sa amin, sa katotohanan, ikaw ay itinuturing namin na isang sinungaling.”

قَالَ يَا قَوْمِ أَرَأَيْتُمْ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّي وَآتَانِي رَحْمَةً مِّنْ عِندِهِ فَعُمِّيَتْ عَلَيْكُمْ أَنُلْزِمُكُمُوهَا وَأَنتُمْ لَهَا كَارِهُونَ(28)

 Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sabihin ninyo sa akin, kung ako ay mayroong maliwanag na katibayan mula sa aking Panginoon, at isang Habag (pagka-Propeta, atbp.) ang dumatal sa akin mula sa Kanya, datapuwa’t ang gayong (Habag) ay nakukubli sa inyong paningin. Kayo ba ay pipilitin namin na tanggapin ito (ang Islam) kung kayo ay may matinding pagkapoot dito

وَيَا قَوْمِ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مَالًا ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۚ وَمَا أَنَا بِطَارِدِ الَّذِينَ آمَنُوا ۚ إِنَّهُم مُّلَاقُو رَبِّهِمْ وَلَٰكِنِّي أَرَاكُمْ قَوْمًا تَجْهَلُونَ(29)

 At, o aking pamayanan! Hindi ako nanghihingi sa inyo ng gantimpala hinggil dito, ang aking pabuya ay wala ng iba maliban lamang na mula kay Allah. Hindi ko itataboy ang mga sumasampalataya. Katotohanang makakatipan nila ang kanilang Panginoon, datapuwa’t aking napagmamalas na kayo ay mga hangal na tao

وَيَا قَوْمِ مَن يَنصُرُنِي مِنَ اللَّهِ إِن طَرَدتُّهُمْ ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ(30)

 At, o aking pamayanan! Sino ang makakatulong sa akin laban kay Allah, kung sila ay aking itaboy? Hindi baga kayo nagsasaalang-alang

وَلَا أَقُولُ لَكُمْ عِندِي خَزَائِنُ اللَّهِ وَلَا أَعْلَمُ الْغَيْبَ وَلَا أَقُولُ إِنِّي مَلَكٌ وَلَا أَقُولُ لِلَّذِينَ تَزْدَرِي أَعْيُنُكُمْ لَن يُؤْتِيَهُمُ اللَّهُ خَيْرًا ۖ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا فِي أَنفُسِهِمْ ۖ إِنِّي إِذًا لَّمِنَ الظَّالِمِينَ(31)

 At ako ay hindi nagsasabi sa inyo na nasa akin ang mga kayamanan ni Allah, at gayundin naman ay aking nababatid ang Ghaib (mga bagay na nakalingid); at hindi ko rin sinasabi na ako ay isang anghel, at hindi ko rin sinasabi na ang inyong mga minamaliit ay hindi pagkakalooban ni Allah ng biyaya. Nababatid ni Allah ang nasa loob ng kanilang sarili (kung tungkol sa pananalig, atbp.). Kung magkakagayon, ako ay katiyakang mapapabilang sa Zalimun (mga buhong, buktot, mapang- api, makasalanan, atbp.).”

قَالُوا يَا نُوحُ قَدْ جَادَلْتَنَا فَأَكْثَرْتَ جِدَالَنَا فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِن كُنتَ مِنَ الصَّادِقِينَ(32)

 Sila ay nagsabi: “o Noe! Ikaw ay nakipagtalo sa amin at labis mong pinahaba ang pakikipagtalo mo sa amin, ngayon na, dalhin mo sa amin ang iyong ipinananakot, kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.”

قَالَ إِنَّمَا يَأْتِيكُم بِهِ اللَّهُ إِن شَاءَ وَمَا أَنتُم بِمُعْجِزِينَ(33)

 Siya ay nagsabi: “Si Allah lamang ang makakapagbigay nito (ang kaparusahan) sa inyo, kung ito ay Kanyang naisin, at kayo ay hindi makakatalilis

وَلَا يَنفَعُكُمْ نُصْحِي إِنْ أَرَدتُّ أَنْ أَنصَحَ لَكُمْ إِن كَانَ اللَّهُ يُرِيدُ أَن يُغْوِيَكُمْ ۚ هُوَ رَبُّكُمْ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ(34)

 At ang aking pagpapaala-ala ay hindi magbibigay ng kapakinabangan sa inyo kahit na aking naisin na bigyan kayo ng mabuting payo, kung ang Kalooban ni Allah ay manatili kayong naliligaw. Siya ang inyong Panginoon! At kayo sa Kanya ay magbabalik.”

أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۖ قُلْ إِنِ افْتَرَيْتُهُ فَعَلَيَّ إِجْرَامِي وَأَنَا بَرِيءٌ مِّمَّا تُجْرِمُونَ(35)

 o sila kaya (na mga pagano ng Makkah) ay nagsasabi: Siya (Muhammad) ay nanghuwad (kumatha ng walang katotohanan) dito (sa Qur’an).” Ipagbadya: “Kung ako ang kumatha nito sa kabulaanan, nasa akin ang mabigat kong kasalanan, datapuwa’t ako ay walang muwang sa mga pagkakasala na inyong ginagawa.”

وَأُوحِيَ إِلَىٰ نُوحٍ أَنَّهُ لَن يُؤْمِنَ مِن قَوْمِكَ إِلَّا مَن قَدْ آمَنَ فَلَا تَبْتَئِسْ بِمَا كَانُوا يَفْعَلُونَ(36)

 At ang inspirasyon ay ibinigay kay Noe. “walang isa man sa iyong mga tao ang mananampalataya maliban sa mga nagsipanalig na. Kaya’t huwag kang malumbay dahilan sa kanilang mga ginagawa

وَاصْنَعِ الْفُلْكَ بِأَعْيُنِنَا وَوَحْيِنَا وَلَا تُخَاطِبْنِي فِي الَّذِينَ ظَلَمُوا ۚ إِنَّهُم مُّغْرَقُونَ(37)

 At iyong itindig ang Barko sa ilalim ng Aming Paningin at ng Aming inspirasyon, at Ako ay huwag mong pakiusapan (hinggil) sa kapakanan ng mga hindi sumasampalataya; walang pagsala na sila ay malulunod.”

وَيَصْنَعُ الْفُلْكَ وَكُلَّمَا مَرَّ عَلَيْهِ مَلَأٌ مِّن قَوْمِهِ سَخِرُوا مِنْهُ ۚ قَالَ إِن تَسْخَرُوا مِنَّا فَإِنَّا نَسْخَرُ مِنكُمْ كَمَا تَسْخَرُونَ(38)

 At habang siya ay nagtatayo ng Barko, kailanma’t ang mga pinuno ng kanyang pamayanan ay nagdaraan sa harapan niya, sila ay kumukutya sa kanya. Siya (Noe) ay nagsabi: “Kung kayo ay tumutuya sa amin, gayundin naman, kayo ay aming tinutuya na kagaya ng inyong pagkutya sa amin

فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ مَن يَأْتِيهِ عَذَابٌ يُخْزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيْهِ عَذَابٌ مُّقِيمٌ(39)

 At mapag-aalaman ninyo kung sino ang makakatanggap ng parusa na tatakip sa kanya sa kahihiyan, at kung sino ang magkakamit ng walang hanggang sakit.”

حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَمْرُنَا وَفَارَ التَّنُّورُ قُلْنَا احْمِلْ فِيهَا مِن كُلٍّ زَوْجَيْنِ اثْنَيْنِ وَأَهْلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيْهِ الْقَوْلُ وَمَنْ آمَنَ ۚ وَمَا آمَنَ مَعَهُ إِلَّا قَلِيلٌ(40)

 (Kaya’t nagpatuloy ang gayong pangyayari), hanggang sa sumapit ang Aming Pag-uutos at ang bangan ay umagos (ang tubig na tila mga dalisdis sa kalupaan). Aming ipinag- utos: “Magsisakay kayo, sa bawat uri ay dalawa (lalaki at babae), at ang inyong mag-anak, maliban sa kanya na ang Salita ay walang naging saysay (pamilya ni Noe na sumuway), at ang mga sumasampalataya. At walang naniwala sa kanya maliban sa iilan.”

۞ وَقَالَ ارْكَبُوا فِيهَا بِسْمِ اللَّهِ مَجْرَاهَا وَمُرْسَاهَا ۚ إِنَّ رَبِّي لَغَفُورٌ رَّحِيمٌ(41)

 At siya (Noe) ay nagsabi: “Magsisakay kayo, sa Ngalan ni Allah, ito ay gagalaw o mananatili sa kanyang punduhan. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”

وَهِيَ تَجْرِي بِهِمْ فِي مَوْجٍ كَالْجِبَالِ وَنَادَىٰ نُوحٌ ابْنَهُ وَكَانَ فِي مَعْزِلٍ يَا بُنَيَّ ارْكَب مَّعَنَا وَلَا تَكُن مَّعَ الْكَافِرِينَ(42)

 Kaya’t (ang barko) ay naglayag (na kasama) nila sa gitna ng gabundok na mga alon, at si Noe ay tumawag sa kanyang anak na lalaki na humiwalay sa kanila. “o aking anak! Sumakay ka sa amin at huwag kang mapabilang sa mga hindi sumasampalataya.”

قَالَ سَآوِي إِلَىٰ جَبَلٍ يَعْصِمُنِي مِنَ الْمَاءِ ۚ قَالَ لَا عَاصِمَ الْيَوْمَ مِنْ أَمْرِ اللَّهِ إِلَّا مَن رَّحِمَ ۚ وَحَالَ بَيْنَهُمَا الْمَوْجُ فَكَانَ مِنَ الْمُغْرَقِينَ(43)

 Ang kanyang anak na lalaki ay tumugon: “Aakyat ako sa bundok, ito ang magliligtas sa akin sa tubig.” Si Noe ay nagsabi: “Sa araw na ito ay walang tagapagligtas sa Pag-uutos ni Allah maliban sa kanya na ginawaran Niya ng Kanyang habag.” At ang malaking alon ay dumaan sa pagitan nila, kaya’t ang kanyang anak ay napasama sa mga nalunod

وَقِيلَ يَا أَرْضُ ابْلَعِي مَاءَكِ وَيَا سَمَاءُ أَقْلِعِي وَغِيضَ الْمَاءُ وَقُضِيَ الْأَمْرُ وَاسْتَوَتْ عَلَى الْجُودِيِّ ۖ وَقِيلَ بُعْدًا لِّلْقَوْمِ الظَّالِمِينَ(44)

 At dito ay ipinag-utos: “o kalupaan! Lagumin mo ang iyong tubig, at O kalangitan! Pahintuin mo ang iyong ulan.” At ang tubig ay bumaba (kumati) at ang kautusan ni Allah ay natupad (alalaong baga, ang pagkawasak ng mga tao ni Noe). At (ang barko) ay pumundo sa Bundok ng Judi, at dito ay ipinagsulit: “Kayo ay malayo na sa mga tao na Zalimun (mga buktot sa kasamaan at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.)!”

وَنَادَىٰ نُوحٌ رَّبَّهُ فَقَالَ رَبِّ إِنَّ ابْنِي مِنْ أَهْلِي وَإِنَّ وَعْدَكَ الْحَقُّ وَأَنتَ أَحْكَمُ الْحَاكِمِينَ(45)

 At si Noe ay nanikluhod sa kanyang Panginoon at nagsabi, “O aking Panginoon! Katotohanan, ang aking anak na lalaki ay kabilang sa aking pamilya! At walang pagsala, ang Inyong pangako ay katotohanan, at Kayo ang Pinakamakatarungan sa lahat ng mga hukom.”

قَالَ يَا نُوحُ إِنَّهُ لَيْسَ مِنْ أَهْلِكَ ۖ إِنَّهُ عَمَلٌ غَيْرُ صَالِحٍ ۖ فَلَا تَسْأَلْنِ مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ ۖ إِنِّي أَعِظُكَ أَن تَكُونَ مِنَ الْجَاهِلِينَ(46)

 Siya (Allah) ay nagwika: “O Noe! Katotohanang siya ay hindi kabilang sa iyong pamilya; katotohanan, ang kanyang mga gawa ay hindi katampatan, kaya’t huwag kang magsumamo sa Akin sa bagay na wala kang kaalaman! Ikaw ay Aking pinaalalahanan, kung hindi, baka ikaw ay maging isa sa mga hangal.”

قَالَ رَبِّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ أَنْ أَسْأَلَكَ مَا لَيْسَ لِي بِهِ عِلْمٌ ۖ وَإِلَّا تَغْفِرْ لِي وَتَرْحَمْنِي أَكُن مِّنَ الْخَاسِرِينَ(47)

 Si Noe ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay nagpapakalinga sa Inyo, dahilan sa aking pagtatanong sa Inyo na wala akong kaalaman. At malibang ako ay Inyong patawarin at kahabagan, katotohanang ako ay magiging isa sa mga mapapahamak.”

قِيلَ يَا نُوحُ اهْبِطْ بِسَلَامٍ مِّنَّا وَبَرَكَاتٍ عَلَيْكَ وَعَلَىٰ أُمَمٍ مِّمَّن مَّعَكَ ۚ وَأُمَمٌ سَنُمَتِّعُهُمْ ثُمَّ يَمَسُّهُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٌ(48)

 dito ay ipinagbadya: “o Noe! Ikaw ay bumaba mula sa Barko nang may kapayapaan mula sa Amin at sumaiyo ang mga biyaya at sa mga tao na kasama mo (at kanilang mga anak), datapuwa’t, mayroon pang (ibang mga tao) sa kanila ang Aming pagkakalooban ng kasiyahan (nang pansamantala), subalit sa katapusan, isang masaklap na kaparusahan ang sasapit sa kanila mula sa Amin.”

تِلْكَ مِنْ أَنبَاءِ الْغَيْبِ نُوحِيهَا إِلَيْكَ ۖ مَا كُنتَ تَعْلَمُهَا أَنتَ وَلَا قَوْمُكَ مِن قَبْلِ هَٰذَا ۖ فَاصْبِرْ ۖ إِنَّ الْعَاقِبَةَ لِلْمُتَّقِينَ(49)

 Ito ang balita na Nakalingid na ipinahayag Namin sa iyo (o Muhammad), maging ikaw, o ang iyong pamayanan ay hindi nakakakilala sa kanila, bago pa rito. Kaya’t maging matimtiman. Katotohanan, ang mabuting wakas ay nasa Muttaqun (mga mabubuti at matutuwid na tao na may labis na pangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag- iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at higit na nagmamahal sa Kanya sa pamamagitan nang pagsunod sa lahat ng mabubuting gawa na ipinag-utos ni Allah)

وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ إِنْ أَنتُمْ إِلَّا مُفْتَرُونَ(50)

 At sa mga tao ni A’ad ay isinugo Namin ang kanilang kapatid na si Hud. Siya (Hud) ay nagsabi: “O aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong iba pang “Ilah” (Diyos) maliban sa Kanya. Katotohanan, wala kayong ginagawa kundi ang kumatha ng mga kasinungalingan!”

يَا قَوْمِ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى الَّذِي فَطَرَنِي ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ(51)

 “o aking pamayanan, ako ay hindi nanghihingi sa inyo ng pabuya sa (Mensaheng) ito. Ang aking pabuya ay mula lamang sa Kanya na lumikha sa akin. Hindi baga kayo nakakaunawa

وَيَا قَوْمِ اسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ يُرْسِلِ السَّمَاءَ عَلَيْكُم مِّدْرَارًا وَيَزِدْكُمْ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمْ وَلَا تَتَوَلَّوْا مُجْرِمِينَ(52)

 At aking pamayanan! dumulog kayo tungo sa kapatawaran ng inyong Panginoon at magbalik loob kayo sa Kanya. Pamamalibisbisin Niya mula (sa alapaap) ang saganang ulan at daragdagan niya ng lakas ang inyong lakas, kaya’t huwag kayong magsitalikod na tulad ng Mujrimun (mga buhong, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.).”

قَالُوا يَا هُودُ مَا جِئْتَنَا بِبَيِّنَةٍ وَمَا نَحْنُ بِتَارِكِي آلِهَتِنَا عَن قَوْلِكَ وَمَا نَحْنُ لَكَ بِمُؤْمِنِينَ(53)

 Sila ay nagsasabi: “O Hud! Wala kang katibayan na inihantad sa amin, at hindi namin tatalikuran ang aming mga diyos dahilan lamang sa iyong pangangaral! At kami ay hindi maniniwala sa iyo

إِن نَّقُولُ إِلَّا اعْتَرَاكَ بَعْضُ آلِهَتِنَا بِسُوءٍ ۗ قَالَ إِنِّي أُشْهِدُ اللَّهَ وَاشْهَدُوا أَنِّي بَرِيءٌ مِّمَّا تُشْرِكُونَ(54)

 Ang amin lamang masasabi ay: ang ilan sa aming mga diyos (mga huwad na diyus-diyosan) ay sumakmal sa iyo sa kasamaan.” Siya ay nagsabi: “Tinatawagan ko si Allah na sumaksi at kayo ang makakapagpatotoo na ako ay malaya sa lahat ng mga itinatambal ninyong mga kasama (kaakibat) sa pagsamba

مِن دُونِهِ ۖ فَكِيدُونِي جَمِيعًا ثُمَّ لَا تُنظِرُونِ(55)

 Sa Kanya (Allah). Kaya’t magbalak kayo laban sa akin, kayong lahat, at huwag na ninyong ipagpaliban (o bigyan ako ng palugit)

إِنِّي تَوَكَّلْتُ عَلَى اللَّهِ رَبِّي وَرَبِّكُم ۚ مَّا مِن دَابَّةٍ إِلَّا هُوَ آخِذٌ بِنَاصِيَتِهَا ۚ إِنَّ رَبِّي عَلَىٰ صِرَاطٍ مُّسْتَقِيمٍ(56)

 Ipinapaubaya ko ang aking pagtitiwala kay Allah, ang aking Panginoon at inyong Panginoon! wala ni isa mang gumagalaw (may buhay) na nilikha ang hindi Niya hawak ang kanilang palawit na buhok. Katotohanan, ang aking Panginoon ay nasa Matuwid na Landas (ang Katotohanan)

فَإِن تَوَلَّوْا فَقَدْ أَبْلَغْتُكُم مَّا أُرْسِلْتُ بِهِ إِلَيْكُمْ ۚ وَيَسْتَخْلِفُ رَبِّي قَوْمًا غَيْرَكُمْ وَلَا تَضُرُّونَهُ شَيْئًا ۚ إِنَّ رَبِّي عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ حَفِيظٌ(57)

 Kaya’t kung kayo ay magsitalikod, gayunpaman, ay akin nang naiparating sa inyo ang Mensahe kung bakit ako ay isinugo sa inyo. Ang aking Panginoon ay lilikha ng ibang mga tao na susunod sa inyo at hindi kayo makakapaminsala sa Kanya kahit na katiting. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Tagapangalaga ng lahat ng mga bagay.”

وَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا هُودًا وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِّنَّا وَنَجَّيْنَاهُم مِّنْ عَذَابٍ غَلِيظٍ(58)

 At nang ang Aming Pag-uutos ay sumapit, iniligtas Namin si Hud at yaong nagsipaniwala sa kanya sa pamamagitan ng Habag na mula sa Amin, at iniadya Namin sila sa kasakit- sakit na kaparusahan

وَتِلْكَ عَادٌ ۖ جَحَدُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ وَعَصَوْا رُسُلَهُ وَاتَّبَعُوا أَمْرَ كُلِّ جَبَّارٍ عَنِيدٍ(59)

 Sila nga ang mga tao ni A’ad. Itinakwil nila ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ng kanilang Panginoon at sinuway nila ang Kanyang mga Tagapagbalita, at sinunod nila ang pag-uutos ngbawatpalaloatsutil(mgasumasalansangsakatotohanan)

وَأُتْبِعُوا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا لَعْنَةً وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ أَلَا إِنَّ عَادًا كَفَرُوا رَبَّهُمْ ۗ أَلَا بُعْدًا لِّعَادٍ قَوْمِ هُودٍ(60)

 At sila ay tinugis ng sumpa sa mundong ito (at gayundin naman) sa Araw ng Muling Pagkabuhay. walang alinlangan! Katotohanan, si A’ad ay hindi nanampalataya sa kanilang Panginoon. Kaya’t layuan si A’ad, ang mga tao ni Hud

۞ وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ هُوَ أَنشَأَكُم مِّنَ الْأَرْضِ وَاسْتَعْمَرَكُمْ فِيهَا فَاسْتَغْفِرُوهُ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ ۚ إِنَّ رَبِّي قَرِيبٌ مُّجِيبٌ(61)

 AtsamgataoniThamud(ayisinugo) naminangkanilang kapatid na si Salih. Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah, wala na kayong ibang “Ilah” (Diyos) maliban sa Kanya. Kanyang ginawa (at itinanghal) kayo mula sa lupa at dito ay Kanyang itinira kayo, kaya’t humingi kayo ng Kanyang pagpapatawad at bumaling kayo sa Kanya sa pagsisisi. Katotohanan, ang aking Panginoon ay laging Malapit (sa lahat, sa pamamagitan ng Kanyang Karunungan), ang Maaasahan.”

قَالُوا يَا صَالِحُ قَدْ كُنتَ فِينَا مَرْجُوًّا قَبْلَ هَٰذَا ۖ أَتَنْهَانَا أَن نَّعْبُدَ مَا يَعْبُدُ آبَاؤُنَا وَإِنَّنَا لَفِي شَكٍّ مِّمَّا تَدْعُونَا إِلَيْهِ مُرِيبٍ(62)

 Sila ay nagsabi: “o Salih! Ikaw ay nasa aming piling bilang lunduan ng aming matimyas na pag-asa (at naghangad kami para sa iyo na ikaw ay aming maging pinuno) hanggang dumating (ang naiibang bagay na iyong dinala, na aming talikuran ang aming mga diyos at sambahin ang iyong Diyos [Allah])! Ngayon ay iyong pinagbabawalan kami na sambahin ang sinasamba ng aming mga ninuno at sambahin lamang ang iyong Diyos (Allah)! Datapuwa’t kami ay lubhang nag-aalinlangan sa bagay na kami ay iyong inaaanyayahan (ang Kaisahan ni Allah)

قَالَ يَا قَوْمِ أَرَأَيْتُمْ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّي وَآتَانِي مِنْهُ رَحْمَةً فَمَن يَنصُرُنِي مِنَ اللَّهِ إِنْ عَصَيْتُهُ ۖ فَمَا تَزِيدُونَنِي غَيْرَ تَخْسِيرٍ(63)

 Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sabihin ninyo sa akin, kung ako ay mayroong maliwanag na katibayan mula sa aking Panginoon, at may dumatal sa akin na Habag (ang pagka-Propeta, atbp.) mula sa Kanya, sino kaya baga ang makakatulong sa akin laban kay Allah kung ako ay susuway sa Kanya? Daragdagan ba ninyo ang aking pagkapanganyaya

وَيَا قَوْمِ هَٰذِهِ نَاقَةُ اللَّهِ لَكُمْ آيَةً فَذَرُوهَا تَأْكُلْ فِي أَرْضِ اللَّهِ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابٌ قَرِيبٌ(64)

 At aking pamayanan! Itong babaeng kamelyo ni Allah ay isang Tanda para sa inyo, at inyong hayaan siya na nanginginain sa kalupaan ni Allah at siya ay huwag ninyong saktan, kung hindi, baka ang isang napipintong kaparusahan ay sumunggab sa inyo.”

فَعَقَرُوهَا فَقَالَ تَمَتَّعُوا فِي دَارِكُمْ ثَلَاثَةَ أَيَّامٍ ۖ ذَٰلِكَ وَعْدٌ غَيْرُ مَكْذُوبٍ(65)

 Nguni’t binalda nila ang mga hita (ng babaeng kamelyo). Kaya’t siya (Salih) ay nagbadya: “Magpakasaya kayo sa inyong mga tahanan sa loob ng tatlong araw. Ito ay isang pangako (alalaong baga, isang banta), na hindi mapapasinungalingan.”

فَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا صَالِحًا وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِّنَّا وَمِنْ خِزْيِ يَوْمِئِذٍ ۗ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ الْقَوِيُّ الْعَزِيزُ(66)

 Kaya’t nang ang Aming Pag-uutos ay dumatal, iniligtas Namin si Salih at ang nagsipaniwala sa kanya sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin at sa kahihiyan sa Araw na yaon. Katotohanan, ang iyong Panginoon, Siya ang Tanging Ganap na Malakas, ang Lubos na Makapangyarihan

وَأَخَذَ الَّذِينَ ظَلَمُوا الصَّيْحَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دِيَارِهِمْ جَاثِمِينَ(67)

 At ang Nakakasindak na Tawag ay umabot sa mga buktot, kaya’t sila ay nakahandusay na patay, na nakalugmok sa kanilang mga tahanan

كَأَن لَّمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۗ أَلَا إِنَّ ثَمُودَ كَفَرُوا رَبَّهُمْ ۗ أَلَا بُعْدًا لِّثَمُودَ(68)

 Na wari bang sila ay hindi nanirahan doon. Walang alinlangan! Katotohanang si Thamud ay hindi nanampalataya sa kanilang Panginoon. Kaya’t layuan si Thamud

وَلَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُنَا إِبْرَاهِيمَ بِالْبُشْرَىٰ قَالُوا سَلَامًا ۖ قَالَ سَلَامٌ ۖ فَمَا لَبِثَ أَن جَاءَ بِعِجْلٍ حَنِيذٍ(69)

 At katotohanang may dumatal kay Abraham na mga Tagapagbalita (mga Anghel) mula sa Amin na may magandang balita. Sila ay nagsibati ng Salam (Kapayapaan!). Siya ay tumugon, Salam (Kapayapaan!), at nag-aapura siya sa pag-aasikaso sa kanila sa paghahanda ng litsong baka

فَلَمَّا رَأَىٰ أَيْدِيَهُمْ لَا تَصِلُ إِلَيْهِ نَكِرَهُمْ وَأَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيفَةً ۚ قَالُوا لَا تَخَفْ إِنَّا أُرْسِلْنَا إِلَىٰ قَوْمِ لُوطٍ(70)

 Datapuwa’t nang mamasdan niya na ang kanilang mga kamay ay hindi bumabaon (sa pagkain), siya ay nakadama ng pag-aalinlangan sa kanila, at siya ay nagkaroon ng pangangamba. Sila ay nagsabi: “Huwag kang matakot, kami ay isinugo laban sa mga tao ni Lut.”

وَامْرَأَتُهُ قَائِمَةٌ فَضَحِكَتْ فَبَشَّرْنَاهَا بِإِسْحَاقَ وَمِن وَرَاءِ إِسْحَاقَ يَعْقُوبَ(71)

 At ang kanyang asawa ay nakatindig dito, at siya ay natawa (maaaring dahil sa ang mga Tagapagbalita ay hindi kumain sa kanilang pagkain o siya ay nasiyahan nang malamang mawawasak ang mga tao ni Lut); datapuwa’t inihatid Namin sa kanya ang magandang balita ni Isaac, at pagkaraan niya, ay ni Hakob

قَالَتْ يَا وَيْلَتَىٰ أَأَلِدُ وَأَنَا عَجُوزٌ وَهَٰذَا بَعْلِي شَيْخًا ۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيْءٌ عَجِيبٌ(72)

 Siya (ang asawa ni Abraham) ay nagsabi (ng may pagkamangha): “Sa aba ko! Ako baga ay magdadalangtao pa gayong ako ay isa ng matandang babae, at narito ang aking asawa, isang matandang lalaki? Katotohanan! Ito ay isang kataka-takang bagay!”

قَالُوا أَتَعْجَبِينَ مِنْ أَمْرِ اللَّهِ ۖ رَحْمَتُ اللَّهِ وَبَرَكَاتُهُ عَلَيْكُمْ أَهْلَ الْبَيْتِ ۚ إِنَّهُ حَمِيدٌ مَّجِيدٌ(73)

 Sila ay nagwika: “Ikaw baga ay namamangha sa pag-uutos ni Allah? Ang Habag ni Allah at Kanyang mga Biyaya ay sumainyo, O Pamilya (ni Abraham). Katotohanan, Siya (Allah) ay Puspos ng Karangalan, ang Tigib ng Kaluwalhatian.”

فَلَمَّا ذَهَبَ عَنْ إِبْرَاهِيمَ الرَّوْعُ وَجَاءَتْهُ الْبُشْرَىٰ يُجَادِلُنَا فِي قَوْمِ لُوطٍ(74)

 At nang ang pangangamba ay mapawi (sa isipan) ni Abraham, at ang mabuting balita ay umabot sa kanya, siya ay nagsumamo sa amin (mga Tagapagbalita) para sa kapakanan ng mga tao ni Lut

إِنَّ إِبْرَاهِيمَ لَحَلِيمٌ أَوَّاهٌ مُّنِيبٌ(75)

 Katotohanan, at walang alinlangan, si Abraham, siya ay matiisin, at laging nang tumatawag kay Allah ng may kapakumbabaan, at mapagsisi (kay Allah sa lahat ng oras, nang paulit-ulit)

يَا إِبْرَاهِيمُ أَعْرِضْ عَنْ هَٰذَا ۖ إِنَّهُ قَدْ جَاءَ أَمْرُ رَبِّكَ ۖ وَإِنَّهُمْ آتِيهِمْ عَذَابٌ غَيْرُ مَرْدُودٍ(76)

 o Abraham! Kalimutan mo ito (ang paninikluhod para sa kapakanan ng mga tao ni Lut). Katotohanan, ang pag-uutos ng iyong Panginoon ay naipalabas na. Katotohanang daratal sa kanila ang kaparusahan na hindi mapapasubalian

وَلَمَّا جَاءَتْ رُسُلُنَا لُوطًا سِيءَ بِهِمْ وَضَاقَ بِهِمْ ذَرْعًا وَقَالَ هَٰذَا يَوْمٌ عَصِيبٌ(77)

 At nang ang Aming mga Tagapagbalita ay sumapit kay Lut, siya ay nalumbay sa kanilang salaysay at nakadama siya nang panliliit para sa kanila (na baka ang mga tao sa bayan ay lumapit sa kanila at gumawa ng sodomya sa kanila). Siya ay nagsabi: “Ito ay isang nakakahapis na araw.”

وَجَاءَهُ قَوْمُهُ يُهْرَعُونَ إِلَيْهِ وَمِن قَبْلُ كَانُوا يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ ۚ قَالَ يَا قَوْمِ هَٰؤُلَاءِ بَنَاتِي هُنَّ أَطْهَرُ لَكُمْ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَلَا تُخْزُونِ فِي ضَيْفِي ۖ أَلَيْسَ مِنكُمْ رَجُلٌ رَّشِيدٌ(78)

 At ang kanyang mga tao ay dumating sa kanya na rumaragasa, at noon pa mang una, sila ay hirati na sa paggawa ng mabibigat na kasalanan (sodomya, atbp.), siya ay nag-alok: “o aking mga tao! Naririto ang aking mga anak na babae (alalaong baga, ang mga anak na babae ng aking lahi), sila ay dalisay para sa inyo (kung sila ay inyong pakakasalan ng ayon sa batas). Kaya’t pangambahan ninyo si Allah at ako ay huwag ninyong hamakin sa harapan ng aking mga panauhin! wala ba sa lipon ninyo kahit na isa, ang may matuwid na pag- iisip?”

قَالُوا لَقَدْ عَلِمْتَ مَا لَنَا فِي بَنَاتِكَ مِنْ حَقٍّ وَإِنَّكَ لَتَعْلَمُ مَا نُرِيدُ(79)

 Sila ay nagsabi: “Katiyakan na iyong ganap na batid na kami ay walang pagnanasa o pangangailangan sa iyong mga anak na babae, at tunay, na batid mo kung ano ang aming nagugustuhan!”

قَالَ لَوْ أَنَّ لِي بِكُمْ قُوَّةً أَوْ آوِي إِلَىٰ رُكْنٍ شَدِيدٍ(80)

 Siyaaynagsabi:“Sanaaymayroonakonglakas(omgatao na makakatulong) upang kayo ay aking magapi, o di kaya ay makapanangan ang aking sarili sa isang makapangyarihang tulong (upang mahadlangan kayo).”

قَالُوا يَا لُوطُ إِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَن يَصِلُوا إِلَيْكَ ۖ فَأَسْرِ بِأَهْلِكَ بِقِطْعٍ مِّنَ اللَّيْلِ وَلَا يَلْتَفِتْ مِنكُمْ أَحَدٌ إِلَّا امْرَأَتَكَ ۖ إِنَّهُ مُصِيبُهَا مَا أَصَابَهُمْ ۚ إِنَّ مَوْعِدَهُمُ الصُّبْحُ ۚ أَلَيْسَ الصُّبْحُ بِقَرِيبٍ(81)

 Sila (ang mga Tagapagbalita) ay nagwika: “O Lut! Katotohanang kami ay mga Tagapagbalita mula sa iyong Panginoon! Ikaw ay hindi nila maaabutan (matutugis). Kaya’t maglakbay ka na kasama ng iyong pamilya sa ilang bahagi ng gabi, at huwag bayaan ang sinuman sa inyo na lumingon sa likuran, subalit ang iyong asawa (ay mananatili sa likuran), katotohanan, ang kaparusahan na igagawad sa kanila ay matitikman niya. Katiyakan, ang umaga ang kanilang takdang oras. Hindi baga ang umaga ay malapit na?”

فَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا جَعَلْنَا عَالِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهَا حِجَارَةً مِّن سِجِّيلٍ مَّنضُودٍ(82)

 Kaya’t nang ang Aming Pag-uutos ay sumapit, itinumba Namin (ang mga bayan ng Sodom sa Palestina) nang pataob, at pinaulan Namin sa kanila ang mga hinurnong putik na bato na nakakalat ng patong-patong

مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ ۖ وَمَا هِيَ مِنَ الظَّالِمِينَ بِبَعِيدٍ(83)

 Na minarkahan mula sa iyong Panginoon, at sila ay hindi malayo sa Zalimun (mga buhong sa kasamaan, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp)

۞ وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ وَلَا تَنقُصُوا الْمِكْيَالَ وَالْمِيزَانَ ۚ إِنِّي أَرَاكُم بِخَيْرٍ وَإِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ مُّحِيطٍ(84)

 At sa pamayanan ng Madyan (Midian) ay isinugo Namin ang kanilang kapatid na si Shuaib. Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sambahin si Allah, wala na kayong ibang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya, at huwag magbigay ng kapos na sukat o timbang, kayo ay aking nakikita sa pananagana; at katotohanan, aking pinangangambahan para sa inyo ang kaparusahan ng Araw na sumasakop

وَيَا قَوْمِ أَوْفُوا الْمِكْيَالَ وَالْمِيزَانَ بِالْقِسْطِ ۖ وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ(85)

 At akingpamayanan! Magbigaynghustongsukatattimbangng may katarungan at huwag bawasan ang bagay na nararapat sa mga tao, at huwag kayong gumawa ng kabuktutan sa kalupaan, na siyang nagiging dahilan ng katiwalian (kasamaan)

بَقِيَّتُ اللَّهِ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ ۚ وَمَا أَنَا عَلَيْكُم بِحَفِيظٍ(86)

 Kung ano ang ibahagi sa inyo ni Allah (matapos ninyong ibigay ang karapatan ng mga tao), ito ay higit na mabuti sa inyo kung kayo ay nananampalataya. At ako ay hindi itinalaga sa inyo bilang inyong tagapangalaga.”

قَالُوا يَا شُعَيْبُ أَصَلَاتُكَ تَأْمُرُكَ أَن نَّتْرُكَ مَا يَعْبُدُ آبَاؤُنَا أَوْ أَن نَّفْعَلَ فِي أَمْوَالِنَا مَا نَشَاءُ ۖ إِنَّكَ لَأَنتَ الْحَلِيمُ الرَّشِيدُ(87)

 Sila ay nagsabi: “o Shuaib! Ang iyo bang mga pagdalangin ay nag-uutos na aming talikdan ang sinasamba ng aming mga ninuno o kaya ay aming talikuran ang nais naming gawin sa aming ari-arian. Katotohanang ikaw ay matiisin at may tamang pag-iisip!” (Ito ay sinasabi nila ng may panunuya)

قَالَ يَا قَوْمِ أَرَأَيْتُمْ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّي وَرَزَقَنِي مِنْهُ رِزْقًا حَسَنًا ۚ وَمَا أُرِيدُ أَنْ أُخَالِفَكُمْ إِلَىٰ مَا أَنْهَاكُمْ عَنْهُ ۚ إِنْ أُرِيدُ إِلَّا الْإِصْلَاحَ مَا اسْتَطَعْتُ ۚ وَمَا تَوْفِيقِي إِلَّا بِاللَّهِ ۚ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ أُنِيبُ(88)

 Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sabihin ninyo saakin, kungakoaymayroongmaliwanagnakatibayanmula sa aking Panginoon, at biniyayaan niya ako ng mabuting panustos mula sa Kanyang Sarili (pasasamain ko ba ito sa pamamagitan ng paghahalo rito ng hindi pinahihintulutang salapi [ilegal na kita]). Hindi ko nais bilang pagsalansang sa inyo na aking gawin ang mga bagay na ipinagbabawal ko sa inyo. Hinahangad ko lamang ang inyong kapakanan (pagbabago) sa abot ng aking makakaya. At ang aking patnubay ay hindi nanggagaling (sa iba pa) maliban lamang kay Allah, sa Kanya ako ay nananalig, at sa Kanya ako ay nagsisisi

وَيَا قَوْمِ لَا يَجْرِمَنَّكُمْ شِقَاقِي أَن يُصِيبَكُم مِّثْلُ مَا أَصَابَ قَوْمَ نُوحٍ أَوْ قَوْمَ هُودٍ أَوْ قَوْمَ صَالِحٍ ۚ وَمَا قَوْمُ لُوطٍ مِّنكُم بِبَعِيدٍ(89)

 O aking pamayanan! Huwag hayaan ang aking Shiqaq (pagkakahiwalay, pagkakasalungat, pagkapoot, pagtanggi, atbp. dahil sa inyong kawalan ng pananalig kay Allah at sa inyong pagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.) ang maging dahilan upang tamuhin ninyo ang kinahinatnan ng mga tao ni Noe o ni Hud o ni Salih, at ang mga tao ni Lut ay hindi malayo sa inyo

وَاسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ ۚ إِنَّ رَبِّي رَحِيمٌ وَدُودٌ(90)

 At humingi kayo ng pagpapatawad sa inyong Panginoon at bumaling kayo sa Kanya sa pagsisisi. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Pinakamaawain, ang Pinakamapagmahal.”

قَالُوا يَا شُعَيْبُ مَا نَفْقَهُ كَثِيرًا مِّمَّا تَقُولُ وَإِنَّا لَنَرَاكَ فِينَا ضَعِيفًا ۖ وَلَوْلَا رَهْطُكَ لَرَجَمْنَاكَ ۖ وَمَا أَنتَ عَلَيْنَا بِعَزِيزٍ(91)

 Sila ay nagsabi: “O Shuaib! Hindi namin nauunawaan ang karamihan ng iyong sinasabi, at nakikita namin na ikaw ay mahinang tao sa ating lipon (sinasabi rito na siya ay isang bulag). Kung hindi lamang sa iyong pamilya, disin sana ikaw ay binato na namin! Sapagkat sa ating karamihan ikaw ay walang kapamahalaan.”

قَالَ يَا قَوْمِ أَرَهْطِي أَعَزُّ عَلَيْكُم مِّنَ اللَّهِ وَاتَّخَذْتُمُوهُ وَرَاءَكُمْ ظِهْرِيًّا ۖ إِنَّ رَبِّي بِمَا تَعْمَلُونَ مُحِيطٌ(92)

 Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Ang aking pamilya baga ay higit na mahalaga sa inyo kaysa kay Allah? Sapagkat inyong itinaboy Siya sa inyong likuran (sa pagsuway). Datapuwa’t katotohanan, ang aking Panginoon ang nakakapaligid sa lahat ninyong ginagawa

وَيَا قَوْمِ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّي عَامِلٌ ۖ سَوْفَ تَعْلَمُونَ مَن يَأْتِيهِ عَذَابٌ يُخْزِيهِ وَمَنْ هُوَ كَاذِبٌ ۖ وَارْتَقِبُوا إِنِّي مَعَكُمْ رَقِيبٌ(93)

 At aking pamayanan! Kumilos kayo nang ayon sa inyong kakayahan at paraan at gagawin ko ang aking paraan. Hindi magtatagal ay inyong mapag-aalaman kung sino ang sasapitin ng kaparusahan na kadusta- dustang babalot sa kanya, at kung sino ang sinungaling! At magmanman kayo! Katotohanan, ako rin ay nagmamasid na kasama ninyo.”

وَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا شُعَيْبًا وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِّنَّا وَأَخَذَتِ الَّذِينَ ظَلَمُوا الصَّيْحَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دِيَارِهِمْ جَاثِمِينَ(94)

 At nang ang Aming Pag-uutos ay dumatal, iniligtas Namin si Shuaib at ang mga tao na nagsipaniwala sa kanya sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin. At ang kalagim- lagim na Panaghoy ay sumakmal sa mga buktot, at sila ay mga patay na nakahandusay na nalulugmok sa kanilang mga tahanan

كَأَن لَّمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۗ أَلَا بُعْدًا لِّمَدْيَنَ كَمَا بَعِدَتْ ثَمُودُ(95)

 Na wari bang sila ay hindi nanirahan doon! Kaya’t lumayo sa Madyan (Midian)! Katulad din nang paglayo kay Thamud! (Ang lahat ng mga bansa o pamayanang ito ay winasak)

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا وَسُلْطَانٍ مُّبِينٍ(96)

 At katotohanang isinugo Namin si Moises na taglay ang Aming Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), at isang lantad na kapamahalaan

إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَاتَّبَعُوا أَمْرَ فِرْعَوْنَ ۖ وَمَا أَمْرُ فِرْعَوْنَ بِرَشِيدٍ(97)

 Kay Paraon at sa kanyang mga pinuno, datapuwa’t sinunod nila ang pag-uutos ni Paraon, at ang pag-uutos ni Paraon ay hindi katumpakan

يَقْدُمُ قَوْمَهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فَأَوْرَدَهُمُ النَّارَ ۖ وَبِئْسَ الْوِرْدُ الْمَوْرُودُ(98)

 Siya ay mangunguna sa kanyang mga tao sa Araw ng Muling Pagkabuhay at kanyang aakayin sila sa Apoy, at katiyakang kasamaan ang lugar kung saan sila ay ihahatid

وَأُتْبِعُوا فِي هَٰذِهِ لَعْنَةً وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ بِئْسَ الرِّفْدُ الْمَرْفُودُ(99)

 Sila ay tinugis ng isang sumpa sa (mapanlinlang na buhay ng mundong ito) at gayon din (sila ay tutugisin ng isang sumpa) sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At kahapis- hapis ang gantimpala na igagawad (sa kanila sa Kabilang Buhay)

ذَٰلِكَ مِنْ أَنبَاءِ الْقُرَىٰ نَقُصُّهُ عَلَيْكَ ۖ مِنْهَا قَائِمٌ وَحَصِيدٌ(100)

 Ang mga ito ay ilan sa mga kasaysayan (balita) ng mga bayan (pamayanan) na Aming isinalaysay sa iyo (o Muhammad), ang iba sa kanila ay nakatindig pa, at ang iba ay gapas na (sa lilik ng panahon, alalaong baga, naglaho na ang kanilang guho)

وَمَا ظَلَمْنَاهُمْ وَلَٰكِن ظَلَمُوا أَنفُسَهُمْ ۖ فَمَا أَغْنَتْ عَنْهُمْ آلِهَتُهُمُ الَّتِي يَدْعُونَ مِن دُونِ اللَّهِ مِن شَيْءٍ لَّمَّا جَاءَ أَمْرُ رَبِّكَ ۖ وَمَا زَادُوهُمْ غَيْرَ تَتْبِيبٍ(101)

 Hindi Namin sila ipinalungi, datapuwa’t ipinalungi nila ang kanilang sarili. Kaya’t ang kanilang mga diyos, maliban pa kay Allah, na sila nilang pinanana-langinan, ay hindi nagbigay ng kapakinabangan sa kanila nang dumatal ang Pag-uutos ng iyong Panginoon, at hindi rin ito nakapagdagdag ng anuman sa kanilang kinasadlakan maliban sa pagkapariwara

وَكَذَٰلِكَ أَخْذُ رَبِّكَ إِذَا أَخَذَ الْقُرَىٰ وَهِيَ ظَالِمَةٌ ۚ إِنَّ أَخْذَهُ أَلِيمٌ شَدِيدٌ(102)

 Ito ang Pagdaklot ng iyong Panginoon, nang Kanyang samsamin (ang pamayanan) ng mga bayan habang sila ay gumagawa ng kamalian. Katotohanan, ang Kanyang Pagdaklot ay masakit at masidhi

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِّمَنْ خَافَ عَذَابَ الْآخِرَةِ ۚ ذَٰلِكَ يَوْمٌ مَّجْمُوعٌ لَّهُ النَّاسُ وَذَٰلِكَ يَوْمٌ مَّشْهُودٌ(103)

 Katotohanan, sa mga ito ay (mayroong) tiyak na aral sa mga may pagkatakot sa kaparusahan ng Kabilang Buhay. Ito ang Araw na ang sangkatauhan ay titipunin nang sama-sama, at ito ang Araw ng Pagpapatotoo (na ang lahat ng mga naninirahan sa kalangitan at kalupaan ay naroroon)

وَمَا نُؤَخِّرُهُ إِلَّا لِأَجَلٍ مَّعْدُودٍ(104)

 At inaantala lamang Namin ito hanggang sa sandali (na noon pa) ay itinakda na

يَوْمَ يَأْتِ لَا تَكَلَّمُ نَفْسٌ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۚ فَمِنْهُمْ شَقِيٌّ وَسَعِيدٌ(105)

 Sa Araw na ito ay dumating, walang tao ang makakapangusap malibang pahintulutan (ni Allah). Ang iba sa kanila ay mga sawingpalad at ang iba ay mga pinagpala

فَأَمَّا الَّذِينَ شَقُوا فَفِي النَّارِ لَهُمْ فِيهَا زَفِيرٌ وَشَهِيقٌ(106)

 At sa mga sawingpalad, sila ay nasa Apoy, na bumubuntong hininga sa mataas at mababang tunog

خَالِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ إِلَّا مَا شَاءَ رَبُّكَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ فَعَّالٌ لِّمَا يُرِيدُ(107)

 Sila ay mananahan dito sa lahat nang panahon na ang mga kalangitan at kalupaan ay nananatili, malibang naisin ng inyong Panginoon. Katotohanan, ang inyong Panginoon ang tagagawa ng Kanyang maibigan

۞ وَأَمَّا الَّذِينَ سُعِدُوا فَفِي الْجَنَّةِ خَالِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ إِلَّا مَا شَاءَ رَبُّكَ ۖ عَطَاءً غَيْرَ مَجْذُوذٍ(108)

 At sa mga pinagpala, sila ay nasa loob ng Paraiso, at mananahan dito sa lahat ng panahon na ang mga kalangitan at kalupaan ay nananatili, malibang naisin ng inyong Panginoon, isang gantimpala na walang hanggan

فَلَا تَكُ فِي مِرْيَةٍ مِّمَّا يَعْبُدُ هَٰؤُلَاءِ ۚ مَا يَعْبُدُونَ إِلَّا كَمَا يَعْبُدُ آبَاؤُهُم مِّن قَبْلُ ۚ وَإِنَّا لَمُوَفُّوهُمْ نَصِيبَهُمْ غَيْرَ مَنقُوصٍ(109)

 Kaya’t huwag kang mag- alinlangan (o Muhammad) sa mga bagay na sinasamba ng mga mapagsamba sa diyus-diyosan (mga pagano). wala silang sinasamba maliban sa mga sinamba ng kanilang mga ninuno noon pang una. At katotohanan, ganap Naming babayaran sa kanila ang kanilang bahagi nang walang bawas

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ فَاخْتُلِفَ فِيهِ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَفِي شَكٍّ مِّنْهُ مُرِيبٍ(110)

 Katotohanang ibinigay Namin kay Moises ang Aklat, datapuwa’t ang pagka- kahidwa ay lumabas dito, at kung hindi (lamang) sa Salita na winika noon mula sa inyong Panginoon, ang kaso (pangyayari) sana ay napagpasyahan na sa pagitan nila, at katotohanang sila ay nag-aalinlangan tungkol dito (sa Qur’an)

وَإِنَّ كُلًّا لَّمَّا لَيُوَفِّيَنَّهُمْ رَبُّكَ أَعْمَالَهُمْ ۚ إِنَّهُ بِمَا يَعْمَلُونَ خَبِيرٌ(111)

 At katotohanan, ang inyong Panginoon, sa bawat isa sa kanila, ay magbabayad nang ganap sa kanilang mga gawa. Katotohanang Siya ang Lubos na Nakakaalam ng lahat nilang ginagawa

فَاسْتَقِمْ كَمَا أُمِرْتَ وَمَن تَابَ مَعَكَ وَلَا تَطْغَوْا ۚ إِنَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ(112)

 Kaya’t manindigan ka (O Muhammad) sa Tuwid na Landas (ng Islam at Kaisahan ni Allah, alalaong baga, iyong hilingin kay Allah na ikaw ay maging matimtiman at buo ang loob), kung paano ikaw ay pinag-utusan (at ng iyong mga kasamahan) na bumabaling (kay Allah) sa pagsisisi, at huwag suwayin (ang kapahintulutan ni Allah). Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakamasid ng lahat ninyong ginagawa

وَلَا تَرْكَنُوا إِلَى الَّذِينَ ظَلَمُوا فَتَمَسَّكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ اللَّهِ مِنْ أَوْلِيَاءَ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ(113)

 At huwag kang kumiling tungo sa mga tao na gumagawa ng kamalian, (kung hindi), baka ang Apoy ay dumila sa iyo, at wala kang magiging tagapangalaga maliban pa kay Allah, at ikaw ay hindi mabibigyan ng tulong

وَأَقِمِ الصَّلَاةَ طَرَفَيِ النَّهَارِ وَزُلَفًا مِّنَ اللَّيْلِ ۚ إِنَّ الْحَسَنَاتِ يُذْهِبْنَ السَّيِّئَاتِ ۚ ذَٰلِكَ ذِكْرَىٰ لِلذَّاكِرِينَ(114)

 At ikaw ay mag-alay ng panalangin nang ganap (Iqamat-as-Salat), sa dalawang dulo ng maghapon at sa ilang oras ng gabi (alalaong baga, ang limang takdang pagdarasal sa maghapon). Katotohanan, ang mabubuting gawa ay nakakapalis ng masasamang gawa (alalaong baga, ang mga maliliit na kasalanan). Ito ay paala-ala (isang tagubilin) sa mga may pagmumuni-muni (na tumatanggap ng payo)

وَاصْبِرْ فَإِنَّ اللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجْرَ الْمُحْسِنِينَ(115)

 At maging matimtiman; katotohanang si Allah ay hindi magpapawalang saysay sa gantimpala (biyaya) ng mga mapaggawa ng kabutihan

فَلَوْلَا كَانَ مِنَ الْقُرُونِ مِن قَبْلِكُمْ أُولُو بَقِيَّةٍ يَنْهَوْنَ عَنِ الْفَسَادِ فِي الْأَرْضِ إِلَّا قَلِيلًا مِّمَّنْ أَنجَيْنَا مِنْهُمْ ۗ وَاتَّبَعَ الَّذِينَ ظَلَمُوا مَا أُتْرِفُوا فِيهِ وَكَانُوا مُجْرِمِينَ(116)

 Kung mayroon lamang sa karamihan ng nakaraang sali’t saling lahi na nauna sa iyo na matutuwid na mga tao na nagbabawal sa kanila sa Al-Fasad (paggawa ng mga kabuktutan sa kalupaan, pagsamba sa mga diyus- diyosan, lahat ng uri ng krimen at kasalanan, atbp.) dito sa kalupaan, (nguni’t wala), maliban lamang sa iilan sa kanila na iniligtas Namin (sa kapinsalaan). Sila na nagsigawa ng kamalian ay tumugis sa kasayahan ng mabubuting bagay (sa makamundong) buhay na ito at sila ay naging Mujrimun (mga buhong, tampalasan, walang pananalig kay Allah, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp)

وَمَا كَانَ رَبُّكَ لِيُهْلِكَ الْقُرَىٰ بِظُلْمٍ وَأَهْلُهَا مُصْلِحُونَ(117)

 At ang iyong Panginoon ay hindi magwawasak sa mga bayan nang walang katarungan, habang ang kanilang pamayanan ay matutuwid

وَلَوْ شَاءَ رَبُّكَ لَجَعَلَ النَّاسَ أُمَّةً وَاحِدَةً ۖ وَلَا يَزَالُونَ مُخْتَلِفِينَ(118)

 At kung ninais lamang ng iyong Panginoon, katotohanang magagawa Niyang likhain ang sangkatauhan sa iisang Ummah (mga bansa at pamayanan na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at sumusunod lamang sa isang relihiyon, alalaong baga, ang Islam), datapuwa’t sila ay hindi magtitigil sa pagkakahidwa-hidwa

إِلَّا مَن رَّحِمَ رَبُّكَ ۚ وَلِذَٰلِكَ خَلَقَهُمْ ۗ وَتَمَّتْ كَلِمَةُ رَبِّكَ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ(119)

 Maliban sa kanya na ginawaran ng iyong Panginoon ng Kanyang Habag (ang tagasunod ng Katotohanan, ang Islam at Kaisahan ni Allah), at sa dahilang ito ay Kanyang nilikha sila. At ang Salita ng iyong Panginoon ay mangyayari: “Katotohanan, Aking pupunuin ang Impiyerno ng mga Jinn at mga tao nang sama-sama.”

وَكُلًّا نَّقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنبَاءِ الرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهِ فُؤَادَكَ ۚ وَجَاءَكَ فِي هَٰذِهِ الْحَقُّ وَمَوْعِظَةٌ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ(120)

 At ang lahat ng mga isinalaysay Namin sa iyo (o Muhammad) na mga balita (kasaysayan) ng mga Tagapagbalita ay katumpakan upang magawa Namin na maging malakas at matatag ang iyong puso. At dito (sa kabanata ng Qur’an) ay dumatal sa iyo ang Katotohanan, gayundin ang isang Pagpapayo at Paala-ala sa mga sumasampalataya

وَقُل لِّلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنَّا عَامِلُونَ(121)

 At ipagbadya sa mga hindi sumasampalataya: “Magsigawa kayo ng ayon sa inyong kakayahan at paraan, Kami ay gumagawa (ng ayon sa aming paraan)

وَانتَظِرُوا إِنَّا مُنتَظِرُونَ(122)

 At kayo ay maghintay! Kami (rin) ay naghihintay.”

وَلِلَّهِ غَيْبُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَإِلَيْهِ يُرْجَعُ الْأَمْرُ كُلُّهُ فَاعْبُدْهُ وَتَوَكَّلْ عَلَيْهِ ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ(123)

 At kay Allah ang pag-aangkin ng Ghaib (nakalingid) ng mga kalangitan at kalupaan at sa Kanya ang pagbabalik ng lahat ng mga bagay (upang pagpasyahan). Kaya’t (O Muhammad), iyong sambahin Siya at ibigay mo ang iyong pagtitiwala sa Kanya. At ang iyong Panginoon ay Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa. ProPetA hoseP


سورهای بیشتر به زبان فیلیپینی:

سوره البقره آل عمران سوره نساء
سوره مائده سوره يوسف سوره ابراهيم
سوره حجر سوره کهف سوره مریم
سوره حج سوره قصص سوره عنکبوت
سوره سجده سوره یس سوره دخان
سوره فتح سوره حجرات سوره ق
سوره نجم سوره رحمن سوره واقعه
سوره حشر سوره ملک سوره حاقه
سوره انشقاق سوره أعلى سوره غاشية

دانلود سوره هود با صدای معروف‌ترین قراء:

انتخاب خواننده برای گوش دادن و دانلود کامل سوره هود با کیفیت بالا.
سوره هود را با صدای احمد العجمی
أحمد العجمي
سوره هود را با صدای ابراهيم الاخضر
ابراهيم الاخضر
سوره هود را با صدای بندر بليلة
بندر بليلة
سوره هود را با صدای خالد الجليل
خالد الجليل
سوره هود را با صدای حاتم فريد الواعر
حاتم فريد الواعر
سوره هود را با صدای خليفة الطنيجي
خليفة الطنيجي
سوره هود را با صدای سعد الغامدي
سعد الغامدي
سوره هود را با صدای سعود الشريم
سعود الشريم
سوره هود را با صدای الشاطري
الشاطري
سوره هود را با صدای صلاح ابوخاطر
صلاح بوخاطر
سوره هود را با صدای عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سوره هود را با صدای عبد الرحمن العوسي
عبدالرحمن العوسي
سوره هود را با صدای عبد الرشيد صوفي
عبد الرشيد صوفي
سوره هود را با صدای عبد العزيز الزهراني
عبدالعزيز الزهراني
سوره هود را با صدای عبد الله بصفر
عبد الله بصفر
سوره هود را با صدای عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سوره هود را با صدای علي الحذيفي
علي الحذيفي
سوره هود را با صدای علي جابر
علي جابر
سوره هود را با صدای غسان الشوربجي
غسان الشوربجي
سوره هود را با صدای فارس عباد
فارس عباد
سوره هود را با صدای ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سوره هود را با صدای محمد أيوب
محمد أيوب
سوره هود را با صدای محمد المحيسني
محمد المحيسني
سوره هود را با صدای محمد جبريل
محمد جبريل
سوره هود را با صدای محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سوره هود را با صدای الحصري
الحصري
سوره هود را با صدای العفاسي
مشاري العفاسي
سوره هود را با صدای ناصر القطامي
ناصر القطامي
سوره هود را با صدای وديع اليمني
وديع اليمني
سوره هود را با صدای ياسر الدوسري
ياسر الدوسري


Monday, November 18, 2024

به قرآن کریم چنگ بزنید