كهيعص(1) Kaf, Ha, Ya, Ain, Sad (mga titik Ka, Ha, Ya, A, Sa) |
ذِكْرُ رَحْمَتِ رَبِّكَ عَبْدَهُ زَكَرِيَّا(2) (Ito ay) isang pagbanggit sa habag ng iyong Panginoon sa Kanyang aliping si Zakarias |
إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ نِدَاءً خَفِيًّا(3) Nang siya ay manikluhod sa kanyang Panginoon (Allah); isang panawagan sa lihim |
قَالَ رَبِّ إِنِّي وَهَنَ الْعَظْمُ مِنِّي وَاشْتَعَلَ الرَّأْسُ شَيْبًا وَلَمْ أَكُن بِدُعَائِكَ رَبِّ شَقِيًّا(4) Na nagsasabi: “Aking Panginoon! Katotohanan, ang aking mga buto ay nagsisiurong na at ang puting buhok ay nakakalat na sa aking ulo, at ako kailanman ay hindi nawalan ng tugon sa aking panambitan sa Inyo, o aking Panginoon |
وَإِنِّي خِفْتُ الْمَوَالِيَ مِن وَرَائِي وَكَانَتِ امْرَأَتِي عَاقِرًا فَهَبْ لِي مِن لَّدُنكَ وَلِيًّا(5) At katotohanan, pinangangambahan ko ang aking mga kamag-anak na susunod sa akin sapagkat ang aking asawa ay baog. Kaya’t ako ay pagkalooban Ninyo mula sa Inyong sarili ng isang tagapagmana |
يَرِثُنِي وَيَرِثُ مِنْ آلِ يَعْقُوبَ ۖ وَاجْعَلْهُ رَبِّ رَضِيًّا(6) Na susunod sa aking yapak at magmamana rin sa lahi ni Hakob (ang pagmamana ng karunungang pangrelihiyon at Pagka-propeta, at hindi sa kayamanan, atbp.). At (Inyong) gawin siya, aking Panginoon, bilang isa na Inyong tunay na kalulugdan!” |
يَا زَكَرِيَّا إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَامٍ اسْمُهُ يَحْيَىٰ لَمْ نَجْعَل لَّهُ مِن قَبْلُ سَمِيًّا(7) (Si Allah ay nagwika): “O Zakarias! Katotohanang Kami ay nagbibigay sa iyo ng isang masayang balita ng isang anak na lalaki, ang kanyang pangalan ay tatawaging Juan. Hindi Kami nagbigay kaninuman ng gayong pangalan.” |
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَامٌ وَكَانَتِ امْرَأَتِي عَاقِرًا وَقَدْ بَلَغْتُ مِنَ الْكِبَرِ عِتِيًّا(8) Siya ay nagsabi: “Aking Panginoon! Paano ako magkakaroon ng isang anak na lalaki kung ang aking asawa ay baog, at ako ay sumapit na sa lubhang matandang gulang.” |
قَالَ كَذَٰلِكَ قَالَ رَبُّكَ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٌ وَقَدْ خَلَقْتُكَ مِن قَبْلُ وَلَمْ تَكُ شَيْئًا(9) Siya (Allah) ay nagwika: “Mangyari nga (at ito ay magaganap)!Ang iyong Panginoon ang nagpapahayag; ito ay magaan lamang sa Akin. Katiyakang ikaw ay Aking nilikha ng ikaw ay mula pa sa wala!” |
قَالَ رَبِّ اجْعَل لِّي آيَةً ۚ قَالَ آيَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ النَّاسَ ثَلَاثَ لَيَالٍ سَوِيًّا(10) (Si Zakarias) ay nagsabi: “Aking Panginoon. Magtakda Kayo sa akin ng isang Tanda.” Siya (Allah) ay nagwika: “Ang iyong tanda ay mangyayari na ikaw ay hindi makakapangusap sa sangkatauhan sa loob ng tatlong gabi, kahima’t ikaw ay walang anumang kapansanan sa iyong katawan.” |
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوْمِهِ مِنَ الْمِحْرَابِ فَأَوْحَىٰ إِلَيْهِمْ أَن سَبِّحُوا بُكْرَةً وَعَشِيًّا(11) At siya ay lumantad sa kanyang mga tao mula sa Al-Mihrab (isang lugar ng pagdarasal o pribadong silid, atbp.), siya ay nagsabi sa kanila sa pamamagitan ng senyas na ipagbunyi ang pagpaparangal kay Allah ng mga papuri sa umaga at sa hapon |
يَا يَحْيَىٰ خُذِ الْكِتَابَ بِقُوَّةٍ ۖ وَآتَيْنَاهُ الْحُكْمَ صَبِيًّا(12) (At ito ang ipinagtagubilin sa kanyang anak na lalaki): “O Juan! Manangan kang maigi sa Kasulatan (Torah, ang mga Batas).” At Aming pinagkalooban siya ng karunungan habang siya ay bata pa |
وَحَنَانًا مِّن لَّدُنَّا وَزَكَاةً ۖ وَكَانَ تَقِيًّا(13) At (pinapangyari Namin, na siya) ay maging may pagmamalasakit sa mga tao bilang isang habag (o paglingap) mula sa Amin, at dalisay sa mga kasalanan (alalaong baga, si Juan), at siya ay isang matuwid |
وَبَرًّا بِوَالِدَيْهِ وَلَمْ يَكُن جَبَّارًا عَصِيًّا(14) At masunurin sa kanyang magulang, at siya ay hindi palalo o palasuway (kay Allah o sa kanyang magulang) |
وَسَلَامٌ عَلَيْهِ يَوْمَ وُلِدَ وَيَوْمَ يَمُوتُ وَيَوْمَ يُبْعَثُ حَيًّا(15) At Salamun (Kapayapaan) sa kanya sa araw na siya ay ipinanganak, sa araw na siya ay mamamatay, at sa araw na siya ay muling ibabangon sa pagkabuhay |
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ مَرْيَمَ إِذِ انتَبَذَتْ مِنْ أَهْلِهَا مَكَانًا شَرْقِيًّا(16) At banggitin sa Aklat (sa Qur’an, O Muhammad ang kasaysayan) ni Maria, nang siya ay humiwalay (muna) at mapag-isa (na malayo) sa kanyang pamilya sa isang lugar sa gawing silangan |
فَاتَّخَذَتْ مِن دُونِهِمْ حِجَابًا فَأَرْسَلْنَا إِلَيْهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرًا سَوِيًّا(17) Siya ay naglagay ng lambong (upang pangalagaan ang kanyang sarili) sa kanila; at Aming isinugo sa kanya ang Aming ruh (ang Anghel na si Gabriel), at siya ay tumambad sa harap niya sa anyo ng isang ganap na tao |
قَالَتْ إِنِّي أَعُوذُ بِالرَّحْمَٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِيًّا(18) Siya (Maria) ay nagsabi: “Katotohanang ako ay humihingi ng kaligtasan mula sa Pinakamapagbigay (Allah) [laban] sa iyo, kung ikaw ay may pangangamba kay Allah.” |
قَالَ إِنَّمَا أَنَا رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَامًا زَكِيًّا(19) (Ang Anghel) ay nagpahayag: “Ako ay isa lamang Tagapagbalita mula sa iyong Panginoon, (upang ibalita) sa iyo ang handog ng isang matuwid na anak na lalaki.” |
قَالَتْ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَامٌ وَلَمْ يَمْسَسْنِي بَشَرٌ وَلَمْ أَكُ بَغِيًّا(20) Siya (Maria) ay nagsabi: “Paano ako magkakaroon ng anak na lalaki gayong wala pang lalaki ang nakasaling sa akin, gayundin, ako ay isang malinis (na babae)?” |
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٌ ۖ وَلِنَجْعَلَهُ آيَةً لِّلنَّاسِ وَرَحْمَةً مِّنَّا ۚ وَكَانَ أَمْرًا مَّقْضِيًّا(21) Siya (Gabriel) ay nagpahayag: “Mangyari nga (at ito ay magaganap)”, ang iyong Panginoon ang nagwika: “Ito ay magaan sa Akin (Allah): At (nais Namin) na italaga siya (anak na lalaki) bilang isang Tanda sa sangkatauhan at isang Habag mula sa Amin (Allah), at ito ay isang bagay (na napagpasyahan na) sa pag-uutos (ni Allah).” |
۞ فَحَمَلَتْهُ فَانتَبَذَتْ بِهِ مَكَانًا قَصِيًّا(22) At siya ay nagdalangtao sa kanya, at siya ay pumaroon na kasama niya (ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan) sa isang malayong lugar (alalaong baga, sa Bethlehem, na mga apat hanggang anim na milya mula sa Herusalem) |
فَأَجَاءَهَا الْمَخَاضُ إِلَىٰ جِذْعِ النَّخْلَةِ قَالَتْ يَا لَيْتَنِي مِتُّ قَبْلَ هَٰذَا وَكُنتُ نَسْيًا مَّنسِيًّا(23) At ang sakit ng panganganak ay nagsadlak sa kanya sa tabi ng puno ng palmera (datiles). Siya ay nangusap: “Sana’y namatay na lamang ako bago ito nangyari sa akin, at nakalimutan at naglaho sa (kaninumang) paningin!” |
فَنَادَاهَا مِن تَحْتِهَا أَلَّا تَحْزَنِي قَدْ جَعَلَ رَبُّكِ تَحْتَكِ سَرِيًّا(24) At (ang sanggol na si Hesus, o si Gabriel) ay nangusap sa kanyang paanan na nagsasabi: “Huwag kang manimdim! Ang iyong Panginoon ay nagkaloob ng isang dalisdis ng tubig sa iyong ibaba (paanan) |
وَهُزِّي إِلَيْكِ بِجِذْعِ النَّخْلَةِ تُسَاقِطْ عَلَيْكِ رُطَبًا جَنِيًّا(25) At iyong ugain ang puno ng palmera (datiles) sa iyong harapan, at dito ay malalaglag ang mga sariwa at hinog na bunga para sa iyo |
فَكُلِي وَاشْرَبِي وَقَرِّي عَيْنًا ۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ الْبَشَرِ أَحَدًا فَقُولِي إِنِّي نَذَرْتُ لِلرَّحْمَٰنِ صَوْمًا فَلَنْ أُكَلِّمَ الْيَوْمَ إِنسِيًّا(26) Kaya’t kumain ka at uminom at maging masaya, at kung ikaw ay makakatagpo ng sinumang tao, iyong sabihin: “Katotohanang ako ay nagtalaga ng pag-aayuno sa Pinakamapagbigay (Allah), kaya’t ako ay hindi makikipag- usap sa sinumang tao sa araw na ito.” |
فَأَتَتْ بِهِ قَوْمَهَا تَحْمِلُهُ ۖ قَالُوا يَا مَرْيَمُ لَقَدْ جِئْتِ شَيْئًا فَرِيًّا(27) At kanyang dinala siya (ang sanggol) sa kanyang pamayanan na kanyang kilik. Sila ay nagsabi: “o Maria! Katotohanang ikaw ay nagdala ng isang bagay na Fariyya (isang hindi naririnig na pambihirang bagay) |
يَا أُخْتَ هَارُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ امْرَأَ سَوْءٍ وَمَا كَانَتْ أُمُّكِ بَغِيًّا(28) o kapatid na babae ni Aaron (hindi si Aaron na kapatid ni Moises, datapuwa’t isa ring butihing lalaki sa panahon ni Maria)! Ang iyong ama ay isang tao na hindi gumagawa ng pangangalunya, gayundin ang iyong ina ay hindi isang maruming babae.” |
فَأَشَارَتْ إِلَيْهِ ۖ قَالُوا كَيْفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِي الْمَهْدِ صَبِيًّا(29) At siya (Maria) ay tumuro sa kanya. Sila ay nagsabi: “Paano kami makikipag-usap sa kanya na isang sanggol pa sa kanyang duyan?” |
قَالَ إِنِّي عَبْدُ اللَّهِ آتَانِيَ الْكِتَابَ وَجَعَلَنِي نَبِيًّا(30) Siya (Hesus) ay nagpahayag: “Katotohanang ako ay isang alipin ni Allah, ako ay Kanyang binigyan ng Kasulatan at ako ay hinirang Niya na isang propeta |
وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا أَيْنَ مَا كُنتُ وَأَوْصَانِي بِالصَّلَاةِ وَالزَّكَاةِ مَا دُمْتُ حَيًّا(31) At ginawa Niya na nabibiyayaan ako saan man akonaroroon, atnagtagubilinsaakinsapagdarasal, at Zakah (katungkulang kawanggawa), habang ako ay nabubuhay |
وَبَرًّا بِوَالِدَتِي وَلَمْ يَجْعَلْنِي جَبَّارًا شَقِيًّا(32) At maging masunurin sa aking ina, at (Kanyang) ginawaran ako na huwag maging palalo at mawalan ng pagtingin ng pasasalamat |
وَالسَّلَامُ عَلَيَّ يَوْمَ وُلِدتُّ وَيَوْمَ أَمُوتُ وَيَوْمَ أُبْعَثُ حَيًّا(33) Kaya’t Salam (Kapayapaan) ang sumaakin sa araw na ako ay ipinanganak, sa araw na ako ay mamamatay, at sa araw na ako ay muling ibabangon sa pagkabuhay!” |
ذَٰلِكَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ ۚ قَوْلَ الْحَقِّ الَّذِي فِيهِ يَمْتَرُونَ(34) Ito si Hesus, ang anak ni Maria, (ito ay) isang pahayag ng katotohanan, na rito sila ay nag-aalinlangan (o nagsisipagtalo-talo) |
مَا كَانَ لِلَّهِ أَن يَتَّخِذَ مِن وَلَدٍ ۖ سُبْحَانَهُ ۚ إِذَا قَضَىٰ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُن فَيَكُونُ(35) Hindi isang katampatan (sa Kamahalan ni) Allah na Siya ay magkaanak ng isang lalaki (ito ay tungkol sa paninirang puri ng mga Kristiyano laban kay Allah sa pagsasabi na si Hesus ay anak ni Allah). Tunay Siyang Maluwalhati (at Kataas-taasan sa lahat ng kanilang mga itinatambal sa Kanya). Kung Siya ay magtakda ng isang bagay, Siya ay magwiwika lamang ng “Mangyari nga” at ito ay magaganap |
وَإِنَّ اللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُّسْتَقِيمٌ(36) (Si Hesus ay nagsabi): “At katotohanang si Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon. Kaya’t (tanging) sambahin Siya. Ito ang Tuwid na Landas (ang Relihiyon ni Allah, ang Islam na Kanyang ipinag-utos sa lahat ng Kanyang mga Propeta) |
فَاخْتَلَفَ الْأَحْزَابُ مِن بَيْنِهِمْ ۖ فَوَيْلٌ لِّلَّذِينَ كَفَرُوا مِن مَّشْهَدِ يَوْمٍ عَظِيمٍ(37) At ang mga sekta ay nagkaiba- iba (alalaong baga, ang mga Kristiyano tungkol kay Hesus), kaya’t kasawian sa mga hindi sumasampalataya (sila na nagbibigay ng mga huwad na pagsaksi sa pagsasabi na si Hesus ay anak ni Allah), sa Pakikipagtipan ng Dakilang Araw (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay, kung kailan sila ay ihahagis sa naglalagablab na Apoy) |
أَسْمِعْ بِهِمْ وَأَبْصِرْ يَوْمَ يَأْتُونَنَا ۖ لَٰكِنِ الظَّالِمُونَ الْيَوْمَ فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(38) Gaano kaliwanag na kanilang (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at walang pananalig sa Kaisahan ni Allah) mamamalas at maririnig, sa Araw na sila ay haharap na sa Amin! Datapuwa’t ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, tampalasan, buhong, atbp.) sa ngayon ay nasa lantad na kamalian |
وَأَنذِرْهُمْ يَوْمَ الْحَسْرَةِ إِذْ قُضِيَ الْأَمْرُ وَهُمْ فِي غَفْلَةٍ وَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ(39) At sila ay iyong bigyan ng babala (o Muhammad), ng Araw ng dalamhati at Pagsisisi, kung ang pangyayari ay napagpasyahan na, habang (sila ngayon) ay nasa kalagayan nang pagwawalang bahala at sila ay hindi sumasampalataya |
إِنَّا نَحْنُ نَرِثُ الْأَرْضَ وَمَنْ عَلَيْهَا وَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ(40) Katotohanang Kami ang magmamana sa kalupaan at anumang naroroon, at sa Amin ang kanilang pagbabalik |
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِبْرَاهِيمَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صِدِّيقًا نَّبِيًّا(41) At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Abraham. Tunay ngang siya ay isang tao ng katotohanan, isang Propeta |
إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ يَا أَبَتِ لِمَ تَعْبُدُ مَا لَا يَسْمَعُ وَلَا يُبْصِرُ وَلَا يُغْنِي عَنكَ شَيْئًا(42) Nang kanyang sabihin sa kanyang ama: “o aking ama! Bakit ninyo sinasamba yaong hindi nakakarinig, at hindi nakakakita, gayundin ay hindi makakapagbigay sa inyo ng anuman |
يَا أَبَتِ إِنِّي قَدْ جَاءَنِي مِنَ الْعِلْمِ مَا لَمْ يَأْتِكَ فَاتَّبِعْنِي أَهْدِكَ صِرَاطًا سَوِيًّا(43) O aking ama ! Katotohanang may dumatal sa akin na karunungan na hindi sumapit sa inyo. Kaya’t ako ay inyong sundin, kayo ay aking gagabayan sa Matuwid na Landas |
يَا أَبَتِ لَا تَعْبُدِ الشَّيْطَانَ ۖ إِنَّ الشَّيْطَانَ كَانَ لِلرَّحْمَٰنِ عَصِيًّا(44) O aking ama! Huwag ninyong sambahin si Satanas. Katotohanang siya ay isang mapaghimagsik laban sa Pinakamapagbigay (Allah) |
يَا أَبَتِ إِنِّي أَخَافُ أَن يَمَسَّكَ عَذَابٌ مِّنَ الرَّحْمَٰنِ فَتَكُونَ لِلشَّيْطَانِ وَلِيًّا(45) o aking ama ! Katotohanang ako ay nangangamba, baka mangyari, na ang Kaparusahan ng Pinakamapagbigay (Allah) ay mabunsod sa inyo, at kayo ay magiging kasamahan ni Satanas (sa Apoy ng Impiyerno).” |
قَالَ أَرَاغِبٌ أَنتَ عَنْ آلِهَتِي يَا إِبْرَاهِيمُ ۖ لَئِن لَّمْ تَنتَهِ لَأَرْجُمَنَّكَ ۖ وَاهْجُرْنِي مَلِيًّا(46) Siya (ang ama ni Abraham) ay nangusap: “Ikaw baga ay nagtatakwil sa aking mga diyos, O Abraham? Kung ikaw ay hindi titigil (dito), katotohanang ikaw ay aking babatuhin. Kaya’t lumayo ka sa akin habang ikaw ay ligtas, bago pa kita ay maparusahan.” |
قَالَ سَلَامٌ عَلَيْكَ ۖ سَأَسْتَغْفِرُ لَكَ رَبِّي ۖ إِنَّهُ كَانَ بِي حَفِيًّا(47) Si Abraham ay nagsabi: “Ang kapayapaan ay sumainyo! Ako ay hihingi ng Kapatawaran para sa inyo mula sa aking Panginoon. Katotohanang Siya ay lagi nang sa akin ay Pinakamapagbigay |
وَأَعْتَزِلُكُمْ وَمَا تَدْعُونَ مِن دُونِ اللَّهِ وَأَدْعُو رَبِّي عَسَىٰ أَلَّا أَكُونَ بِدُعَاءِ رَبِّي شَقِيًّا(48) At ako ay tatalikod sa inyo sa lahat ng inyong pinananalanginan maliban pa kay Allah. At ako ay maninikluhod sa aking Panginoon; at ako ay umaasam na hindi mabibigo sa biyaya ng aking panawagan sa aking Panginoon.” |
فَلَمَّا اعْتَزَلَهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ مِن دُونِ اللَّهِ وَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ ۖ وَكُلًّا جَعَلْنَا نَبِيًّا(49) Kaya’t nang siya ay tumalikod sa kanila at sa kanilang mga sinasamba maliban pa kay Allah, ay Aming ipinagkaloob sa kanya si Isaac at Hakob, at ang bawat isa sa kanila ay Aming hinirang na Propeta |
وَوَهَبْنَا لَهُم مِّن رَّحْمَتِنَا وَجَعَلْنَا لَهُمْ لِسَانَ صِدْقٍ عَلِيًّا(50) At ipinagkaloob Namin sa kanila ang Aming Habag (isang masaganang biyaya at ikabubuhay), at iginawad Namin sa kanila ang karangalan sa mga dila (ng lahat ng mga bansa o pamayanan, alalaong baga, ang bawat isa ay nakakaala-ala sa kanila na may magagandang papuri) |
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ مُوسَىٰ ۚ إِنَّهُ كَانَ مُخْلَصًا وَكَانَ رَسُولًا نَّبِيًّا(51) At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Moises. Katotohanang siya ay hinirang, siya ay isang Tagapagbalita, (at) isang Propeta |
وَنَادَيْنَاهُ مِن جَانِبِ الطُّورِ الْأَيْمَنِ وَقَرَّبْنَاهُ نَجِيًّا(52) At Aming tinawag siya sa kanang bahagi ng Bundok, at Aming pinahintulutan siya na makalapit sa Amin tungo sa isang pakikipag-usap sa kanya (Moises) |
وَوَهَبْنَا لَهُ مِن رَّحْمَتِنَا أَخَاهُ هَارُونَ نَبِيًّا(53) At ipinagkaloob Namin sa kanya ang kanyang kapatid na lalaki na si Aaron, (na isa ring) propeta, mula sa Aming Habag |
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِسْمَاعِيلَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صَادِقَ الْوَعْدِ وَكَانَ رَسُولًا نَّبِيًّا(54) At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Ismail. Katotohanang siya ay tapat sa kanyang pangako, siya ay isang Tagapagbalita, (at) isang Propeta |
وَكَانَ يَأْمُرُ أَهْلَهُ بِالصَّلَاةِ وَالزَّكَاةِ وَكَانَ عِندَ رَبِّهِ مَرْضِيًّا(55) At siya ay palagi nang nagtatagubilin sa kanyang pamilya at sa kanyang pamayanan ng As-Salah (alalaong baga, nag-uutos sa kanila na mag-alay ng dasal nang mahinusay), at ng Zakah (alalaong baga, ang magbayad ng katungkulang kawanggawa), at ang kanyang Panginoon ay nalulugod sa kanya |
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ إِدْرِيسَ ۚ إِنَّهُ كَانَ صِدِّيقًا نَّبِيًّا(56) At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Idris (Enoch). Katotohanang siya ay isang tao ng katotohanan, (at) isang Propeta |
وَرَفَعْنَاهُ مَكَانًا عَلِيًّا(57) At Aming itinanghal siya sa mataas na himpilan |
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِم مِّنَ النَّبِيِّينَ مِن ذُرِّيَّةِ آدَمَ وَمِمَّنْ حَمَلْنَا مَعَ نُوحٍ وَمِن ذُرِّيَّةِ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْرَائِيلَ وَمِمَّنْ هَدَيْنَا وَاجْتَبَيْنَا ۚ إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُ الرَّحْمَٰنِ خَرُّوا سُجَّدًا وَبُكِيًّا ۩(58) Sila nga ang pinagkalooban ni Allah ng Kanyang Biyaya sa lipon ng mga propeta, mula sa mga supling ni Adan, at sila na Aming tinangkilik (sa Barko o Arko) na kasama ni Noe, at sa mga supling ni Abraham at Israel, at mula sa lipon na Aming pinatnubayan at hinirang. Kung ang mga Talata (ng kapahayagan) ng Pinakamapagbigay (Allah) ay dinadalit sa kanila, sila ay nangangayupapa sa pagpapatirapa at pagtangis |
۞ فَخَلَفَ مِن بَعْدِهِمْ خَلْفٌ أَضَاعُوا الصَّلَاةَ وَاتَّبَعُوا الشَّهَوَاتِ ۖ فَسَوْفَ يَلْقَوْنَ غَيًّا(59) At may sumunod sa kanila na mga sali’t saling lahi na nagpabaya sa kanilang pagdalangin (alalaong baga, hinayaan nila ang kanilang pagdarasal na mawalan ng saysay, maaaring ito ay hindi pag-aalay ng dasal o hindi pag-aalay nito nang ganap at mahinusay o wala sa takdang oras, atbp.), at sumunod sa (kanilang) mga pagnanasa (mga buktot na gawain at pag-iimbot). Kaya’t sila ay ihahagis sa Impiyerno |
إِلَّا مَن تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ وَلَا يُظْلَمُونَ شَيْئًا(60) Maliban sa kanila na nagtitika at sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), at nagsisigawa ng kabutihan. Sila nga ang papasok sa Paraiso at sila ay hindi bibigyan ng kamalian (o kawalan ng katarungan), kahit na katiting |
جَنَّاتِ عَدْنٍ الَّتِي وَعَدَ الرَّحْمَٰنُ عِبَادَهُ بِالْغَيْبِ ۚ إِنَّهُ كَانَ وَعْدُهُ مَأْتِيًّا(61) (Sila ay magsisipasok) sa Walang Hanggang Halamanan (Paraiso), na ipinangako sa Lingid ng Pinakamapagbigay (Allah) sa Kanyang mga alipin. Katotohanan, ang Kanyang pangako ay magaganap |
لَّا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا إِلَّا سَلَامًا ۖ وَلَهُمْ رِزْقُهُمْ فِيهَا بُكْرَةً وَعَشِيًّا(62) Sila ay hindi makakarinig dito (sa Paraiso) ng anumang walang saysay na pag-uusap, bagkus ay Salam lamang (ang pagbati ng Kapayapaan). At sasakanila rito ang panustos na ikabubuhay sa umaga at sa hapon |
تِلْكَ الْجَنَّةُ الَّتِي نُورِثُ مِنْ عِبَادِنَا مَن كَانَ تَقِيًّا(63) Ito ang Paraiso na Aming ipagkakaloob bilang isang pamana sa kanila na Aming mga alipin na naging Al- Muttaqun (alalaong baga, mga matimtiman at banal na tao na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at tunay na nagmamahal kay Allah at nagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan at mabuting gawa na Kanyang ipinag-utos) |
وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمْرِ رَبِّكَ ۖ لَهُ مَا بَيْنَ أَيْدِينَا وَمَا خَلْفَنَا وَمَا بَيْنَ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِيًّا(64) At kami (na mga anghel) ay hindi bumababa (pumapanaog) maliban na pag-utusan ng iyong Panginoon (O Muhammad). Sa Kanya ang pag-aangkin (ng lahat) ng nasa aming harapan at (lahat) ng nasa aming likuran at anuman ang nasa pagitan ng dalawang ito, at ang iyong Panginoon, kailanman ay hindi nakakalimot |
رَّبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا فَاعْبُدْهُ وَاصْطَبِرْ لِعِبَادَتِهِ ۚ هَلْ تَعْلَمُ لَهُ سَمِيًّا(65) Ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, kaya’t (tanging) sambahin lamang Siya at maging matimtiman at matiyaga sa pagsamba sa Kanya. Kayo baga ay nakakaalam sa sinuman na katulad Niya? (di nga kasi, walang sinuman ang katulad o katapat Niya o maaaring maiwangki sa Kanya at wala Siyang katambal sa Kanyang pagka-Diyos; ‘Walang sinuman ang makakatulad Niya, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid’) |
وَيَقُولُ الْإِنسَانُ أَإِذَا مَا مِتُّ لَسَوْفَ أُخْرَجُ حَيًّا(66) At ang tao (na walang pananalig) ay nagsasabi: “Kung ako ba ay patay na, ako baga ay muling ibabangong (muli) sa pagkabuhay?” |
أَوَلَا يَذْكُرُ الْإِنسَانُ أَنَّا خَلَقْنَاهُ مِن قَبْلُ وَلَمْ يَكُ شَيْئًا(67) Hindi baga nagugunita ng tao na siya ay Aming nilikha noon, habang siya ay (mula) sa wala |
فَوَرَبِّكَ لَنَحْشُرَنَّهُمْ وَالشَّيَاطِينَ ثُمَّ لَنُحْضِرَنَّهُمْ حَوْلَ جَهَنَّمَ جِثِيًّا(68) Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Panginoon, katiyakang sila ay Aming titipunin nang sama-sama, at (gayundin) ang mga demonyo (na kasama nila), at sila ay Aming itatambad sa Impiyerno na lumiligid sa kanilang mga tuhod |
ثُمَّ لَنَنزِعَنَّ مِن كُلِّ شِيعَةٍ أَيُّهُمْ أَشَدُّ عَلَى الرَّحْمَٰنِ عِتِيًّا(69) At katotohanan, Amin silang kakaladkarin mula sa bawat sekta, silang lahat na pinakamasama sa matigas na paghihimagsik, laban sa Pinakamapagbigay (Allah) |
ثُمَّ لَنَحْنُ أَعْلَمُ بِالَّذِينَ هُمْ أَوْلَىٰ بِهَا صِلِيًّا(70) At katotohanan, ganap Naming batid sila na karapat-dapat na masunog dito |
وَإِن مِّنكُمْ إِلَّا وَارِدُهَا ۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتْمًا مَّقْضِيًّا(71) At walang sinuman sa inyo ang hindi magdaraan (tatawid) sa ibabaw nito (Impiyerno); ito ay nasa kapasiyahan ng iyong Panginoon, isang Pag-uutos na marapat na matupad |
ثُمَّ نُنَجِّي الَّذِينَ اتَّقَوا وَّنَذَرُ الظَّالِمِينَ فِيهَا جِثِيًّا(72) At Aming ililigtas sila na may pangangamba kay Allah at naging masunurin sa Amin. At Aming hahayaan ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, buhong, buktot, atbp.) dito, na (nanggigipuspos) sa kanilang mga tuhod (sa Impiyerno) |
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ قَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا أَيُّ الْفَرِيقَيْنِ خَيْرٌ مَّقَامًا وَأَحْسَنُ نَدِيًّا(73) At kung ang Aming Malilinaw na mga Talata ay ipinapahayag sa kanila, sila na hindi sumasampalataya (ang mga mayayaman at malalakas sa lipon ng mga paganong Quraish na namumuhay sa kariwasaan at luho) ay nagsasabi sa mga sumasampalataya (ang mga mahihina, mga mahihirap na kasamahan ni Propeta Muhammad na naghihikahos sa buhay): “Alin sa dalawang pangkat (alalaong baga, ang mga sumasampalataya at hindi nananampalataya) ang pinakamainam (sa punto) ng tungkulin, at gayundin kung tungkol sa himpilan (lugar ng kapulungan sa pagsasanggunian) |
وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُم مِّن قَرْنٍ هُمْ أَحْسَنُ أَثَاثًا وَرِئْيًا(74) At gaano na karaming henerasyon (mga unang pamayanan o mga bansa) ang Amin nang winasak na una pa sa kanila, na higit na mainam sa kayamanan, mga kalakal at panlabas na anyo?” |
قُلْ مَن كَانَ فِي الضَّلَالَةِ فَلْيَمْدُدْ لَهُ الرَّحْمَٰنُ مَدًّا ۚ حَتَّىٰ إِذَا رَأَوْا مَا يُوعَدُونَ إِمَّا الْعَذَابَ وَإِمَّا السَّاعَةَ فَسَيَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ شَرٌّ مَّكَانًا وَأَضْعَفُ جُندًا(75) Ipagbadya (o Muhammad) sa sinumang nasa kamalian; ang Pinakamapagbigay (Allah) ay mag-aabot sa kanya (ng lubid), hanggang sa kanilang makita ang bagay na sa kanila ay ipinangako, maaaring ang kaparusahan o ang oras, - at kanilang mapag-aalaman kung sino ang nasa pinakamasamang kalagayan, at kung sino ang mahina sa lakas (o sandatahan). [Ito ang sagot sa talata bilang] |
وَيَزِيدُ اللَّهُ الَّذِينَ اهْتَدَوْا هُدًى ۗ وَالْبَاقِيَاتُ الصَّالِحَاتُ خَيْرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ مَّرَدًّا(76) At si Allah ang nagdaragdag ng patnubay sa kanila na lumalakad nang matuwid (tunay na nananalig sa Kaisahan ni Allah, na nangangamba kay Allah ng labis at umiiwas sa paggawa ng lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at higit na nagmamahal kay allah sa paggawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos). At ang mabubuting gawa na nagtatagal ay higit na mainam sa Paningin ng iyong Panginoon, para sa gantimpala at higit na mabuti sa pagpapala |
أَفَرَأَيْتَ الَّذِي كَفَرَ بِآيَاتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالًا وَوَلَدًا(77) NapagmamasdanmobasiyananagpapabulaansaAming Ayat (sa Qur’an, at kay Muhammad) at (magkagayunman) ay nagsasabi: “Katiyakang ako ay bibigyan ng kayamanan at mga anak (kung ako ay muling bubuhayin)” |
أَطَّلَعَ الْغَيْبَ أَمِ اتَّخَذَ عِندَ الرَّحْمَٰنِ عَهْدًا(78) Talastas baga niya ang nalilingid o siya ba ay kumuha ng kasunduan mula sa Pinakamapagbigay (Allah) |
كَلَّا ۚ سَنَكْتُبُ مَا يَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُ مِنَ الْعَذَابِ مَدًّا(79) Hindi! Aming (Allah) itatala ang kanyang sinasabi, at Aming daragdagan ang kanyang kaparusahan (sa Impiyerno) |
وَنَرِثُهُ مَا يَقُولُ وَيَأْتِينَا فَرْدًا(80) At Aming mamanahin mula sa kanya (sa oras ng kanyang kamatayan) ang lahat ng kanyang ipinangungusap (alalaong baga, ang kanyang kayamanan at mga anak na Aming ipinagkaloob sa kanya sa mundong ito), at siya ay lalapit sa Amin na nag- iisa |
وَاتَّخَذُوا مِن دُونِ اللَّهِ آلِهَةً لِّيَكُونُوا لَهُمْ عِزًّا(81) At sila ay tumangkilik (sa pagsamba) ng ibang mga diyos maliban pa kay Allah, upang sila ay makapagbigay sa kanila ng karangalan, kapangyarihan at kapurihan (at upang makapangalaga rin sa kanila sa kaparusahan ni Allah, atbp) |
كَلَّا ۚ سَيَكْفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمْ وَيَكُونُونَ عَلَيْهِمْ ضِدًّا(82) Hindi, ang kanilang (tinatawag na mga diyos) ay magkakaila ng kanilang pagsamba sa kanila, at magiging mga kaaway nila (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) |
أَلَمْ تَرَ أَنَّا أَرْسَلْنَا الشَّيَاطِينَ عَلَى الْكَافِرِينَ تَؤُزُّهُمْ أَزًّا(83) Hindi baga ninyo namamasdan na Aming isinugo ang mga demonyo laban sa mga hindi sumasampalataya upang itulak sila na gumawa ng kasamaan |
فَلَا تَعْجَلْ عَلَيْهِمْ ۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمْ عَدًّا(84) Kaya’t huwag kang magmadali laban sa kanila; Kami (Allah) ay nagbibilang lamang sa kanila sa bilang ng (natataningang) panahon (ng mga araw sa buhay sa mundong ito at nag-aantala sa kanilang taning upang sila ay maragdagan pa sa kasamaan at mga kasalanan) |
يَوْمَ نَحْشُرُ الْمُتَّقِينَ إِلَى الرَّحْمَٰنِ وَفْدًا(85) Sa Araw na Aming titipunin ang Muttaqun (alalaong baga, ang mga matimtiman at matutuwid na tao na nangangamba ng labis kay Allah at umiiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at higit na nagmamahal kay Allah sa paggawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag- utos) tungo sa Pinakamapagbigay (Allah), na katulad ng isang kinatawan (na itinambad sa harap ng isang hari sa pagpaparangal) |
وَنَسُوقُ الْمُجْرِمِينَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرْدًا(86) At Aming itataboy ang Mujrimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, buhong, buktot, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) sa Impiyerno, sa uhaw na kalagayan (na katulad ng isang uhaw na kawan ng hayop na itinaboy sa tubigan) |
لَّا يَمْلِكُونَ الشَّفَاعَةَ إِلَّا مَنِ اتَّخَذَ عِندَ الرَّحْمَٰنِ عَهْدًا(87) walang sinumanangmaykapangyarihanngpamamagitan, maliban sa kanya na tumanggap ng pahintulot (o pangako) mula sa Pinakamapagbigay (Allah) |
وَقَالُوا اتَّخَذَ الرَّحْمَٰنُ وَلَدًا(88) At sila ay nagsasabi: “Ang Pinakamapagbigay (Allah) ay nagkaanak ng isang lalaki (o supling o mga anak, na katulad ng pagsasabi ng mga Hudyo: Si Ezra ay anak na lalaki ni Allah; at ang mga Kristiyano ay nagsasabi na Siya ay nagkaanak ng lalaki [si Hesus], ang mga paganong Arabo ay nagsasabi na Siya ay nagkaanak ng mga babae [o mga anghel, atbp.]).” |
لَّقَدْ جِئْتُمْ شَيْئًا إِدًّا(89) Katotohanang kayo ay nagtambad (nagtaguri) ng isang kakila-kilabot na masamang bagay |
تَكَادُ السَّمَاوَاتُ يَتَفَطَّرْنَ مِنْهُ وَتَنشَقُّ الْأَرْضُ وَتَخِرُّ الْجِبَالُ هَدًّا(90) Na rito ang kalangitan ay halos mapunit, at ang kalupaan ay mabiyak mula sa ilalim, at ang kabundukan ay malansag sa pagkaguho |
أَن دَعَوْا لِلرَّحْمَٰنِ وَلَدًا(91) dahilan sa nag-aakibat sila ng isang anak na lalaki (o supling o mga anak) sa Pinakamapagbigay (Allah) |
وَمَا يَنبَغِي لِلرَّحْمَٰنِ أَن يَتَّخِذَ وَلَدًا(92) Datapuwa’t hindi isang katampatan (sa Kamahalan) ng Pinakamapagbigay (Allah) na Siya ay magkaanak ng anak na lalaki (o supling o mga anak) |
إِن كُلُّ مَن فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ إِلَّا آتِي الرَّحْمَٰنِ عَبْدًا(93) walang sinuman sa kalangitan at sa kalupaan ang dumatal maliban na nagmula (siya) sa Pinakamapagbigay (Allah) bilang isang alipin |
لَّقَدْ أَحْصَاهُمْ وَعَدَّهُمْ عَدًّا(94) Katotohanang batid Niya ang bawat isa sa kanila, at silang lahat ay nabilang Niya sa ganap na pagsusulit (pagbibilang) |
وَكُلُّهُمْ آتِيهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فَرْدًا(95) At ang bawat isa sa kanila ay paparoon sa Kanya na nag-iisa sa Araw ng Muling Pagkabuhay (na walang anumang kawaksi, tagapangalaga o tagapagtanggol) |
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ سَيَجْعَلُ لَهُمُ الرَّحْمَٰنُ وُدًّا(96) Katotohanang sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad) at gumagawa ng mga gawa ng kabutihan, ang Pinakamapagbigay (Allah) ay magkakaloob ng pagmamahal sa kanila (sa puso ng mga sumasampalataya) |
فَإِنَّمَا يَسَّرْنَاهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ الْمُتَّقِينَ وَتُنذِرَ بِهِ قَوْمًا لُّدًّا(97) Kaya’t ginawa Namin ito (ang Qur’an), na magaan sa iyong sariling dila (o Muhammad), upang ikaw ay makapagbigay ng masayang balita sa Muttaqun (alalaong baga, mga matimtiman at matutuwid na tao na nangangamba ng labis kay Allah at umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at nagmamahal kay Allah ng labis at gumagawa ng lahat ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos), at upang mabigyan ng babala sa pamamagitan nito (ng Qur’an) ang Ludda (ang mga pinakapalaaway at magugulong tao) |
وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُم مِّن قَرْنٍ هَلْ تُحِسُّ مِنْهُم مِّنْ أَحَدٍ أَوْ تَسْمَعُ لَهُمْ رِكْزًا(98) At gaano na ba karaming henerasyon bago pa sa kanila ang Amin nang winasak! Ikaw ba (o Muhammad) ay makakatagpo kahit na isa man (lamang) sa kanila, o di kaya ay makakarinig ng kahit na isang bulong (man lamang) sa kanila |