Yusuf suresi çevirisi Filipince

  1. Suresi mp3
  2. Başka bir sure
  3. Filipince
Kuranı Kerim türkçe meali | Kur'an çevirileri | Filipince dili | Yusuf Suresi | يوسف - Ayet sayısı 111 - Moshaf'taki surenin numarası: 12 - surenin ingilizce anlamı: Joseph.

الر ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْمُبِينِ(1)

 Alif, Lam, Ra (mga titik A, La, Ra). Ito ang mga Talata ng Maliwanag na Aklat (ang Qur’an, na nagbibigay ng kaliwanagan sa mga legal at ilegal na bagay, mga batas, isang patnubay at biyaya)

إِنَّا أَنزَلْنَاهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لَّعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ(2)

 Katotohanang ipinanaog Namin ito sa (wikang) Arabik na Qur’an upang ito ay inyong maunawaan

نَحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ أَحْسَنَ الْقَصَصِ بِمَا أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ هَٰذَا الْقُرْآنَ وَإِن كُنتَ مِن قَبْلِهِ لَمِنَ الْغَافِلِينَ(3)

 Isinalaysay Namin sa iyo (o Muhammad) ang mga pinakamagagandang kasaysayan sa pamamagitan ng Aming mga Pahayag sa Qur’an. At bago pa ang pahayag na ito, ikaw ay kabilang sa kanila na walang kaalaman hinggil dito (ang Qur’an)

إِذْ قَالَ يُوسُفُ لِأَبِيهِ يَا أَبَتِ إِنِّي رَأَيْتُ أَحَدَ عَشَرَ كَوْكَبًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ رَأَيْتُهُمْ لِي سَاجِدِينَ(4)

 At pagbalikan (sa gunita) nang sabihin ni Hosep sa kanyang ama: “O aking ama! Katotohanang aking namasdan (sa panaginip) ang labing-isang bituin at ang araw at ang buwan, nakita kong nagpapatirapa sila sa akin.”

قَالَ يَا بُنَيَّ لَا تَقْصُصْ رُؤْيَاكَ عَلَىٰ إِخْوَتِكَ فَيَكِيدُوا لَكَ كَيْدًا ۖ إِنَّ الشَّيْطَانَ لِلْإِنسَانِ عَدُوٌّ مُّبِينٌ(5)

 Siya (ang ama) ay nagsabi: “O aking anak! Huwag mong ipaalam ang iyong napanaginipan sa iyong mga kapatid na lalaki, kung hindi, baka sila ay magbalak ng laban sa iyo. Katotohanang si Satanas ay isang lantad na kaaway ng tao

وَكَذَٰلِكَ يَجْتَبِيكَ رَبُّكَ وَيُعَلِّمُكَ مِن تَأْوِيلِ الْأَحَادِيثِ وَيُتِمُّ نِعْمَتَهُ عَلَيْكَ وَعَلَىٰ آلِ يَعْقُوبَ كَمَا أَتَمَّهَا عَلَىٰ أَبَوَيْكَ مِن قَبْلُ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْحَاقَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ عَلِيمٌ حَكِيمٌ(6)

 Kaya’t ang iyong Panginoon ang hihirang sa iyo at magtuturo sa iyo ng kahulugan ng iyong mga panaginip (at ng iba pang bagay) at gaganapin Niya ang Kanyang paglingap sa iyo at sa mga angkan ni Hakob kung paano Niya ginanap ito sa iyong mga ama (sali’t saling lahi), kay Abraham at Isaac noon pang panahong sinauna! Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Lubos na Maalam, ang Puspos ng Karunungan.”

۞ لَّقَدْ كَانَ فِي يُوسُفَ وَإِخْوَتِهِ آيَاتٌ لِّلسَّائِلِينَ(7)

 Katotohanan, kay Hosep at sa kanyang mga kapatid ay may Ayat (mga tanda, aral, katibayan, kapahayagan, atbp.) sa mga naghahanap ng katotohanan

إِذْ قَالُوا لَيُوسُفُ وَأَخُوهُ أَحَبُّ إِلَىٰ أَبِينَا مِنَّا وَنَحْنُ عُصْبَةٌ إِنَّ أَبَانَا لَفِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(8)

 Nang kanilang sabihin: “Katotohanang si Hosep at ang kanyang kapatid (si Benjamin) ay higit na minamahal ng aming ama kaysa sa amin, subalit kami ay Usbah (malakas na pangkat). Katotohanang ang aming ama ay nasa lantad na kamalian

اقْتُلُوا يُوسُفَ أَوِ اطْرَحُوهُ أَرْضًا يَخْلُ لَكُمْ وَجْهُ أَبِيكُمْ وَتَكُونُوا مِن بَعْدِهِ قَوْمًا صَالِحِينَ(9)

 Patayin si Hosep o itapon siya sa ibang lupain, upang ang pagtangkilik ng inyong ama ay kanyang ipagkaloob lamang sa inyo, (at may sapat na panahon) para sa inyo na maging matuwid pagkaraan nito

قَالَ قَائِلٌ مِّنْهُمْ لَا تَقْتُلُوا يُوسُفَ وَأَلْقُوهُ فِي غَيَابَتِ الْجُبِّ يَلْتَقِطْهُ بَعْضُ السَّيَّارَةِ إِن كُنتُمْ فَاعِلِينَ(10)

 Ang isa sa kasamahan nila ay nagsabi: “Huwag ninyong patayin si Hosep, nguni’t kung gagawa kayo ng iba, siya ay ihagis ninyo sa ilalim ng balon, siya ay madadampot ng ilang nagdaraang sasakyan ng mga manlalakbay.”

قَالُوا يَا أَبَانَا مَا لَكَ لَا تَأْمَنَّا عَلَىٰ يُوسُفَ وَإِنَّا لَهُ لَنَاصِحُونَ(11)

 Sila ay nagsabi: “o aming ama! Bakit hindi ninyo ipagkatiwala sa amin si Hosep, - gayong kami ang kanyang tagapagmahal

أَرْسِلْهُ مَعَنَا غَدًا يَرْتَعْ وَيَلْعَبْ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ(12)

 Siya ay pasamahin ninyo sa amin bukas, upang masiyahan siya at maglaro, at katotohanang siya ay pangangalagaan naming mabuti.”

قَالَ إِنِّي لَيَحْزُنُنِي أَن تَذْهَبُوا بِهِ وَأَخَافُ أَن يَأْكُلَهُ الذِّئْبُ وَأَنتُمْ عَنْهُ غَافِلُونَ(13)

 Siya (Hakob) ay nagsabi: “Katotohanang ako ay nalulungkot na siya ay inyong isasama. Nangangamba ako na baka siya silain ng asong ligaw, habang kayo ay nagpapabaya sa kanya.”

قَالُوا لَئِنْ أَكَلَهُ الذِّئْبُ وَنَحْنُ عُصْبَةٌ إِنَّا إِذًا لَّخَاسِرُونَ(14)

 Sila ay sumagot: “Kung ang asong ligaw ay sisila sa kanya, gayong kami ay Usbah (malakas na pangkat) upang (pangalagaan siya), kung gayon, katiyakang kami ay mga talunan.”

فَلَمَّا ذَهَبُوا بِهِ وَأَجْمَعُوا أَن يَجْعَلُوهُ فِي غَيَابَتِ الْجُبِّ ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَيْهِ لَتُنَبِّئَنَّهُم بِأَمْرِهِمْ هَٰذَا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(15)

 Kaya’t nang siya ay kanilang dalhin, sila ay nagkaisa na itapon siya sa ilalim ng balon, at siya ay binigyan Namin ng inspirasyon: “Katotohanang (darating ang araw) na ipapaalam mo sa kanila ang pangyayaring ito, (sa panahong) ikaw ay hindi nila napag-aakala (nakikilala).”

وَجَاءُوا أَبَاهُمْ عِشَاءً يَبْكُونَ(16)

 At sila ay umuwi sa kanilang ama nang maggagabi na, na tumatangis

قَالُوا يَا أَبَانَا إِنَّا ذَهَبْنَا نَسْتَبِقُ وَتَرَكْنَا يُوسُفَ عِندَ مَتَاعِنَا فَأَكَلَهُ الذِّئْبُ ۖ وَمَا أَنتَ بِمُؤْمِنٍ لَّنَا وَلَوْ كُنَّا صَادِقِينَ(17)

 Sila ay nagsabi: “O aming ama! Kami ay nagpapaligsahan sa takbuhan at iniwan namin si Hosep na magbantay ng aming mga gamit nguni’t sinila siya ng asong ligaw, subalit hindi kayo maniniwala sa amin kahit na kami ay nagsasabi ng katotohanan.”

وَجَاءُوا عَلَىٰ قَمِيصِهِ بِدَمٍ كَذِبٍ ۚ قَالَ بَلْ سَوَّلَتْ لَكُمْ أَنفُسُكُمْ أَمْرًا ۖ فَصَبْرٌ جَمِيلٌ ۖ وَاللَّهُ الْمُسْتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ(18)

 At ipinakita nila ang kanyang damit na nababahiran ng huwad na dugo. Siya ay nagsabi: “Hindi, bagkus kayo sa inyong sarili ang naggawa-gawa (kumatha) ng ganitong dahilan. Kaya’t sa akin (ay naaangkop) ang pagtitiyaga (sa paghihintay). At si Allah lamang ang maaari (kong) mahingan ng tulong sa bagay na inyong pinangangatwiranan.”

وَجَاءَتْ سَيَّارَةٌ فَأَرْسَلُوا وَارِدَهُمْ فَأَدْلَىٰ دَلْوَهُ ۖ قَالَ يَا بُشْرَىٰ هَٰذَا غُلَامٌ ۚ وَأَسَرُّوهُ بِضَاعَةً ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِمَا يَعْمَلُونَ(19)

 At may isang dumating na sasakyan ng mga manlalakbay; at inilabas nila ang kanilang lalagyan ng tubig at inilawit ito sa balon. Siya (ang isa sa kanila) ay nagsabi: “Anong magandang balita! Narito ang isang batang lalaki.” Kaya’t kanilang itinago siya bilang paninda (isang alipin). At si Alllah ang Lubos na Nakakabatid ng kanilang ginawa

وَشَرَوْهُ بِثَمَنٍ بَخْسٍ دَرَاهِمَ مَعْدُودَةٍ وَكَانُوا فِيهِ مِنَ الزَّاهِدِينَ(20)

 At siya ay kanilang ipinagbili sa murang halaga, - sa ilang dirham lamang (alalaong baga, sa ilang sensilyong pilak). At sila ay kabilang sa kanila na nagturing sa kanya na walang halaga

وَقَالَ الَّذِي اشْتَرَاهُ مِن مِّصْرَ لِامْرَأَتِهِ أَكْرِمِي مَثْوَاهُ عَسَىٰ أَن يَنفَعَنَا أَوْ نَتَّخِذَهُ وَلَدًا ۚ وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِي الْأَرْضِ وَلِنُعَلِّمَهُ مِن تَأْوِيلِ الْأَحَادِيثِ ۚ وَاللَّهُ غَالِبٌ عَلَىٰ أَمْرِهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ(21)

 At siya (ang tao), na mula sa Ehipto, na bumili sa kanya ay nagsabi sa kanyang asawa: “Iyong gawin na ang kanyang pananatili (rito) ay maging maginhawa, maaaring magbigay siya ng kapakinabangan sa atin o siya ay aampunin natin bilang anak.” Kaya’t sa ganito Namin pinamalagi siya sa kalupaan, upang maituro Namin sa kanya ang kahulugan ng mga pangyayari. At si Allah ang may ganap na kapangyarihan at pagpapasunod sa lahat ng Kanyang pinamamahalaan, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi nakakaalam

وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُ آتَيْنَاهُ حُكْمًا وَعِلْمًا ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(22)

 At nang siya (Hosep) ay sumapit na sa hustong gulang (ganap nang binata), ay iginawad Namin sa kanya ang karunungan at kaalaman (ang pagka-Propeta), sa gayon Namin ginagantimpalaan ang mga gumagawa ng kabutihan

وَرَاوَدَتْهُ الَّتِي هُوَ فِي بَيْتِهَا عَن نَّفْسِهِ وَغَلَّقَتِ الْأَبْوَابَ وَقَالَتْ هَيْتَ لَكَ ۚ قَالَ مَعَاذَ اللَّهِ ۖ إِنَّهُ رَبِّي أَحْسَنَ مَثْوَايَ ۖ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ(23)

 At siya (isang babae), na sa kanyang bahay siya ay namamalagi, ay nagbalak na siya ay akitin (upang gumawa ng masamang bagay), inilapat niya ang mga pintuan at nagsabi: “Halika, ikaw nga.” Siya ay nagsabi: “Ako ay nagpapakanlong (sa tukso) kay Allah! Tunay nga, ang iyong asawa ay aking amo! Pinahintulutan niya ang aking pananatili rito! (Kaya’t hindi ko siya kailanman maaaring dayain). Katotohanan, ang Zalimun (mga buhong, makasalanan, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ay hindi magtatagumpay.”

وَلَقَدْ هَمَّتْ بِهِ ۖ وَهَمَّ بِهَا لَوْلَا أَن رَّأَىٰ بُرْهَانَ رَبِّهِ ۚ كَذَٰلِكَ لِنَصْرِفَ عَنْهُ السُّوءَ وَالْفَحْشَاءَ ۚ إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُخْلَصِينَ(24)

 At tunay ngang siya ay pinagnanasaan niya (babae), at maaaring marahuyo na siya sa kanyang (babae) pagnanasa kung hindi lamang niya nakita ang katibayan ng kanyang Panginoon. At upang sa gayong (paraan) ay Aming maiiwas siya sa kasamaan at bawal na pakikipagtalik. Katotohanang isa siya sa Aming hinirang at pinatnubayang alipin (Tagapagbalita)

وَاسْتَبَقَا الْبَابَ وَقَدَّتْ قَمِيصَهُ مِن دُبُرٍ وَأَلْفَيَا سَيِّدَهَا لَدَى الْبَابِ ۚ قَالَتْ مَا جَزَاءُ مَنْ أَرَادَ بِأَهْلِكَ سُوءًا إِلَّا أَن يُسْجَنَ أَوْ عَذَابٌ أَلِيمٌ(25)

 Kaya’t kapwa sila tumakbo patungo sa pintuan, at pinunit niya ang kanyang (Hosep) damit sa likuran. Kapwa nila nakita ang kanyang amo (alalaong baga, ang asawa ng babae) sa pintuan. Siya (babae) ay nagsabi: “Ano ang kaparusahan sa kanya na nagtangka ng masama sa iyong asawa, maliban na siya ay ikulong o lapatan ng masakit na kaparusahan?”

قَالَ هِيَ رَاوَدَتْنِي عَن نَّفْسِي ۚ وَشَهِدَ شَاهِدٌ مِّنْ أَهْلِهَا إِن كَانَ قَمِيصُهُ قُدَّ مِن قُبُلٍ فَصَدَقَتْ وَهُوَ مِنَ الْكَاذِبِينَ(26)

 Siya (Hosep) ay nangusap: “Siya ang nagtangkang akitin ako,” - at isang saksi mula sa kanyang pamamahay (kasambahay) ang nagpatotoo (na nagsasabi): “Kung ang kanyang damit ay napunit sa harapan, kung gayon ang kanyang (babae) salaysay ay totoo at siya (Hosep) ay isang sinungaling

وَإِن كَانَ قَمِيصُهُ قُدَّ مِن دُبُرٍ فَكَذَبَتْ وَهُوَ مِنَ الصَّادِقِينَ(27)

 Datapuwa’t kung ang kanyang damit ay napunit sa likuran, kung gayon, siya (babae) ay nagsabi ng kasinungalingan at siya (Hosep) ay nagsasabi ng katotohanan!”

فَلَمَّا رَأَىٰ قَمِيصَهُ قُدَّ مِن دُبُرٍ قَالَ إِنَّهُ مِن كَيْدِكُنَّ ۖ إِنَّ كَيْدَكُنَّ عَظِيمٌ(28)

 Kaya’t nang makita niya (asawang lalaki) na ang kanyang damit ay napunit sa likuran; (ang asawa) ay nagsabi (sa babae): “Tunay nga, ito ay iyong patibong, o ikaw na babae! Katotohanang malakas ang iyong patibong

يُوسُفُ أَعْرِضْ عَنْ هَٰذَا ۚ وَاسْتَغْفِرِي لِذَنبِكِ ۖ إِنَّكِ كُنتِ مِنَ الْخَاطِئِينَ(29)

 O Hosep! Lumayo ka rito! (O babae!) humingi ka ng kapatawaran sa iyong kasalanan. Katotohanang ikaw ay isa sa mga makasalanan.”

۞ وَقَالَ نِسْوَةٌ فِي الْمَدِينَةِ امْرَأَتُ الْعَزِيزِ تُرَاوِدُ فَتَاهَا عَن نَّفْسِهِ ۖ قَدْ شَغَفَهَا حُبًّا ۖ إِنَّا لَنَرَاهَا فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(30)

 At ang mga kababaihan sa lungsod ay nagsabi: “Ang asawa ni Al-Aziz ay nagnais na tuksuhin ang kanyang (aliping) binata, tunay ngang mapusok ang kanyang pagmamahal sa kanya; katotohanang siya ay nakikita namin sa lantad na kamalian.”

فَلَمَّا سَمِعَتْ بِمَكْرِهِنَّ أَرْسَلَتْ إِلَيْهِنَّ وَأَعْتَدَتْ لَهُنَّ مُتَّكَأً وَآتَتْ كُلَّ وَاحِدَةٍ مِّنْهُنَّ سِكِّينًا وَقَالَتِ اخْرُجْ عَلَيْهِنَّ ۖ فَلَمَّا رَأَيْنَهُ أَكْبَرْنَهُ وَقَطَّعْنَ أَيْدِيَهُنَّ وَقُلْنَ حَاشَ لِلَّهِ مَا هَٰذَا بَشَرًا إِنْ هَٰذَا إِلَّا مَلَكٌ كَرِيمٌ(31)

 Kaya’t nang marinig niya (babaeng nanukso) ang kanilang pagpaparatang ay kanyang inanyayahan sila (ang kababaihan) at (kanyang) ipinaghanda sila ng piging; binigyan niya ang bawat isa sa kanila ng kutsilyo (upang ipanghiwa sa pagkain), at tinawag niya si Hosep: “Lumabas ka sa harapan nila.” Kaya’t nang kanilang makita siya (Hosep), sila ay namangha sa kanyang kakisigan at sa kanilang (pagkamangha) ay nahiwa nila ang kanilang kamay (o daliri). Sila ay nagsabi: “Si Allah ay Lubos at Ganap (o Huwag nawang pahintulutan ni Allah)!” Wala pa (ngang) ganitong lalaki! Ito ay wala ng iba pa maliban sa isang napakarikit (kagalang-galang) na anghel!”

قَالَتْ فَذَٰلِكُنَّ الَّذِي لُمْتُنَّنِي فِيهِ ۖ وَلَقَدْ رَاوَدتُّهُ عَن نَّفْسِهِ فَاسْتَعْصَمَ ۖ وَلَئِن لَّمْ يَفْعَلْ مَا آمُرُهُ لَيُسْجَنَنَّ وَلَيَكُونًا مِّنَ الصَّاغِرِينَ(32)

 Siya (ang babaeng nanukso) ay nagsabi: “Siya ang binata na inyong isinisisi sa akin (dahil sa kanyang [o aking] pag-ibig), at aking tinangka na siya ay akitin, datapuwa’t tumanggi siya. At ngayon, kung siya ay tatanggi na sundin ang aking pag-uutos, walang pagsala na siya ay itatapon sa kulungan at mapapabilang sa mga mawawalan ng karangalan.”

قَالَ رَبِّ السِّجْنُ أَحَبُّ إِلَيَّ مِمَّا يَدْعُونَنِي إِلَيْهِ ۖ وَإِلَّا تَصْرِفْ عَنِّي كَيْدَهُنَّ أَصْبُ إِلَيْهِنَّ وَأَكُن مِّنَ الْجَاهِلِينَ(33)

 Kanyang (Hosep) ipinagbadya: “O aking Panginoon! Ang kulungan ay higit kong mamatamisin kaysa sa bagay na ako ay kanilang inaanyayahan. Malibang Inyong hadlangan ang kanilang hangarin sa akin, ako ay mahihilig na marahuyo sa kanila at mapapabilang sa mga mangmang.”

فَاسْتَجَابَ لَهُ رَبُّهُ فَصَرَفَ عَنْهُ كَيْدَهُنَّ ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ(34)

 Kaya’t ang kanyang Panginoon ay duminig sa kanyang pagdalangin at inilihis Niya ang kanilang pakay sa kanya. Katotohanang Siya ang Lubos na Nakakarinig ng lahat ng bagay, ang Ganap na Maalam

ثُمَّ بَدَا لَهُم مِّن بَعْدِ مَا رَأَوُا الْآيَاتِ لَيَسْجُنُنَّهُ حَتَّىٰ حِينٍ(35)

 Kaya’t napagtanto nila, pagkaraang mamalas nila ang katibayan (ng kanyang kawalan ng muwang sa gayong kasalanan) na pansamantala siyang ibilanggo sa ngayon

وَدَخَلَ مَعَهُ السِّجْنَ فَتَيَانِ ۖ قَالَ أَحَدُهُمَا إِنِّي أَرَانِي أَعْصِرُ خَمْرًا ۖ وَقَالَ الْآخَرُ إِنِّي أَرَانِي أَحْمِلُ فَوْقَ رَأْسِي خُبْزًا تَأْكُلُ الطَّيْرُ مِنْهُ ۖ نَبِّئْنَا بِتَأْوِيلِهِ ۖ إِنَّا نَرَاكَ مِنَ الْمُحْسِنِينَ(36)

 At doon ay may pumasok na dalawang binata sa kanya sa loob ng bilangguan. Ang isa sa kanila ay nagsabi: “Tunay nga, namasdan ko ang aking sarili (sa panaginip) na nagpipiga ng alak.” Ang isa naman ay nagsabi: “Tunay nga, namasdan ko ang aking sarili (sa panaginip) na nagsusunong ng tinapay sa aking ulo at ang mga ibon ay nagsisikain dito.” (Silang dalawa ay nagsabi): “Ipaalam mo sa amin ang kahulugan nito. Katotohanang itinuturing namin na ikaw ay isa sa Muhsinun (mga mapaggawa ng kabutihan at katuwiran).”

قَالَ لَا يَأْتِيكُمَا طَعَامٌ تُرْزَقَانِهِ إِلَّا نَبَّأْتُكُمَا بِتَأْوِيلِهِ قَبْلَ أَن يَأْتِيَكُمَا ۚ ذَٰلِكُمَا مِمَّا عَلَّمَنِي رَبِّي ۚ إِنِّي تَرَكْتُ مِلَّةَ قَوْمٍ لَّا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَهُم بِالْآخِرَةِ هُمْ كَافِرُونَ(37)

 Siya (Hosep) ay nagsabi: “Bago ang anumang pagkain ay dumating sa inyo (sa inaasahang paraan), upang pakainin ang sinuman sa inyo, katotohanang ipagtatapat ko sa inyo ang totoo at ang kahulugan nito. Ito nga ang itinuro sa akin ng aking Panginoon. Tunay na aking tinalikdan ang pananampalataya ng mga tao na hindi sumasampalataya kay Allah at walang pananalig sa Kabilang Buhay (alalaong baga, yaong Kan’aniun ng Ehipto na mga mapagsamba sa mga diyus-diyosan tulad ng araw, huwad na mga diyos, atbp)

وَاتَّبَعْتُ مِلَّةَ آبَائِي إِبْرَاهِيمَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ ۚ مَا كَانَ لَنَا أَن نُّشْرِكَ بِاللَّهِ مِن شَيْءٍ ۚ ذَٰلِكَ مِن فَضْلِ اللَّهِ عَلَيْنَا وَعَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ(38)

 At aking sinunod ang relihiyon ng aking mga ninuno, Abraham, Isaac at Hakob, at kami ay hindi kailanman nag-akibat ng anupamang katambal kay Allah. Ito ay mula sa Biyaya ni Allah sa atin at sa sangkatauhan, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay walang pagpapasalamat (alalaong baga, sila ay walang paniniwala kay Allah o hindi sumasamba sa Kanya).”

يَا صَاحِبَيِ السِّجْنِ أَأَرْبَابٌ مُّتَفَرِّقُونَ خَيْرٌ أَمِ اللَّهُ الْوَاحِدُ الْقَهَّارُ(39)

 “o dalawa kong kasama sa kulungan! Ang marami kaya at iba’t ibang panginoon (diyos) ay higit na mabuti, o si Allah, ang Tanging Isa, ang Hindi Mapapangibabawan

مَا تَعْبُدُونَ مِن دُونِهِ إِلَّا أَسْمَاءً سَمَّيْتُمُوهَا أَنتُمْ وَآبَاؤُكُم مَّا أَنزَلَ اللَّهُ بِهَا مِن سُلْطَانٍ ۚ إِنِ الْحُكْمُ إِلَّا لِلَّهِ ۚ أَمَرَ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا إِيَّاهُ ۚ ذَٰلِكَ الدِّينُ الْقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ(40)

 Ang anumang sinasamba ninyo maliban sa Kanya ay wala ng iba kundi mga pangalan lamang na inyong kinatha, kayo at ang inyong mga ninuno, na rito si Allah ay hindi naggawad ng kapamahalaan. Ang kautusan ay kay Allah lamang at wala ng iba. Kanyang pinag- utusan kayo na sambahin lamang Siya (sa Kanyang pagiging Tanging Isa), ito ang tunay na matuwid na relihiyon, nguni’t ang karamihan sa mga tao ay hindi nakakaalam

يَا صَاحِبَيِ السِّجْنِ أَمَّا أَحَدُكُمَا فَيَسْقِي رَبَّهُ خَمْرًا ۖ وَأَمَّا الْآخَرُ فَيُصْلَبُ فَتَأْكُلُ الطَّيْرُ مِن رَّأْسِهِ ۚ قُضِيَ الْأَمْرُ الَّذِي فِيهِ تَسْتَفْتِيَانِ(41)

 o dalawa kong kasama sa kulungan! Sa isa sa inyo, siya (bilang isang tagapaglingkod) ay magbubuhos ng alak sa kanyang panginoon (hari o amo) upang uminom, at sa isa naman, siya ay ibibitin sa krus at ang mga ibon ay magsisituka sa kanyang ulo. Kaya’t ito ang hatol sa mga bagay na inyong inusisa.”

وَقَالَ لِلَّذِي ظَنَّ أَنَّهُ نَاجٍ مِّنْهُمَا اذْكُرْنِي عِندَ رَبِّكَ فَأَنسَاهُ الشَّيْطَانُ ذِكْرَ رَبِّهِ فَلَبِثَ فِي السِّجْنِ بِضْعَ سِنِينَ(42)

 At kanyang sinabi sa isa na batid niya na maliligtas: “Banggitin mo ako sa iyong panginoon (alalaong baga, sa iyong hari, upang ako ay makalabas ng bilangguan).” Datapuwa’t ginawa ni Satanas na kanyang malimutan na banggitin ito sa kanyang panginoon [o si Satanas ay nagbuyo kay Hosep upang kalimutan ang pag- aala-ala niya sa kanyang Panginoon, si Allah, upang humingi ng Kanyang Tulong, kaysa sa iba pa]. Kaya’t si Hosep ay nagtagal sa kulungan ng ilan pang taon

وَقَالَ الْمَلِكُ إِنِّي أَرَىٰ سَبْعَ بَقَرَاتٍ سِمَانٍ يَأْكُلُهُنَّ سَبْعٌ عِجَافٌ وَسَبْعَ سُنبُلَاتٍ خُضْرٍ وَأُخَرَ يَابِسَاتٍ ۖ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ أَفْتُونِي فِي رُؤْيَايَ إِن كُنتُمْ لِلرُّؤْيَا تَعْبُرُونَ(43)

 At ang hari (ng Ehipto) ay nagsabi: “Katotohanang namalas ko (sa panaginip) ang pitong matabang baka, na sinisila ng pitong payat (na baka), - at pitong luntiang puso ng mais, at pitong iba pang (mais) na lanta. o kayong mga taong tanyag! Ipaliwanag ninyo sa akin ang aking panaginip, kung kayo nga ang makakapagpaliwanag ng aking mga panaginip.”

قَالُوا أَضْغَاثُ أَحْلَامٍ ۖ وَمَا نَحْنُ بِتَأْوِيلِ الْأَحْلَامِ بِعَالِمِينَ(44)

 Sila ay nagsabi: “Mga huwad na panaginip na pinaghalo-halo; at kami ay hindi bihasa sa pagpapaliwanag ng mga panaginip.”

وَقَالَ الَّذِي نَجَا مِنْهُمَا وَادَّكَرَ بَعْدَ أُمَّةٍ أَنَا أُنَبِّئُكُم بِتَأْوِيلِهِ فَأَرْسِلُونِ(45)

 At ang isang lalaki na pinalabas sa kulungan (ang isa sa dalawang tao na nakakulong), na sa katagalan, ngayon ay nakaala-ala (kay Hosep) at nagsabi : “Sasabihin ko sa inyo ang kahulugan, kaya’t ipadala ninyo ako (kay Hosep).”

يُوسُفُ أَيُّهَا الصِّدِّيقُ أَفْتِنَا فِي سَبْعِ بَقَرَاتٍ سِمَانٍ يَأْكُلُهُنَّ سَبْعٌ عِجَافٌ وَسَبْعِ سُنبُلَاتٍ خُضْرٍ وَأُخَرَ يَابِسَاتٍ لَّعَلِّي أَرْجِعُ إِلَى النَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَعْلَمُونَ(46)

 Siya ay nagsabi: “O Hosep, ang tao ng katotohanan! Ipaliwanag mo sa amin (ang panaginip) ng pitong matabang baka na sinisila ng pitong payat (na baka), at ng pitong luntiang puso ng mais, at ng pitong iba pang (mais) na lanta, upang ako ay makabalik sa mga tao at kanilang mapag- alaman.”

قَالَ تَزْرَعُونَ سَبْعَ سِنِينَ دَأَبًا فَمَا حَصَدتُّمْ فَذَرُوهُ فِي سُنبُلِهِ إِلَّا قَلِيلًا مِّمَّا تَأْكُلُونَ(47)

 Si (Hosep) ay nagsabi: “Sa sunod-sunod na pitong taon, kayo ay magtatanim tulad din nang dati, at ang ani na inyong aanihin ay iiwanan ninyo sa mga busal, (lahat) - maliban lamang sa kakaunting ilan na inyong kakainin

ثُمَّ يَأْتِي مِن بَعْدِ ذَٰلِكَ سَبْعٌ شِدَادٌ يَأْكُلْنَ مَا قَدَّمْتُمْ لَهُنَّ إِلَّا قَلِيلًا مِّمَّا تُحْصِنُونَ(48)

 At pagkaraan nito ay darating sa inyo ang pitong mahihirap (na taon), na lalamon sa anumang inyong inimbak (na nakalaan) sa hinaharap para sa kanila, (lahat) - maliban sa kakaunti na (tangi) ninyong inimbak

ثُمَّ يَأْتِي مِن بَعْدِ ذَٰلِكَ عَامٌ فِيهِ يُغَاثُ النَّاسُ وَفِيهِ يَعْصِرُونَ(49)

 At pagkaraan nito ay darating ang taon na ang mga tao ay magkakaroon ng saganang ulan, at dito sila ay magpipiga (ng alak at langis).”

وَقَالَ الْمَلِكُ ائْتُونِي بِهِ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُ الرَّسُولُ قَالَ ارْجِعْ إِلَىٰ رَبِّكَ فَاسْأَلْهُ مَا بَالُ النِّسْوَةِ اللَّاتِي قَطَّعْنَ أَيْدِيَهُنَّ ۚ إِنَّ رَبِّي بِكَيْدِهِنَّ عَلِيمٌ(50)

 At ang hari ay nagsabi: “Inyong dalhin siya sa akin.” Subalit nang ang isinugo ay pumunta sa kanya (Hosep), siya ay nagsabi: Magbalik ka sa iyong panginoon at iyong itanong, “Ano ang nangyari sa mga babae na nahiwa (ng kutsilyo) ang kanilang mga kamay? Katotohanan, ang aking Panginoon (Allah) ay higit na nakakabatid ng kanilang balak.”

قَالَ مَا خَطْبُكُنَّ إِذْ رَاوَدتُّنَّ يُوسُفَ عَن نَّفْسِهِ ۚ قُلْنَ حَاشَ لِلَّهِ مَا عَلِمْنَا عَلَيْهِ مِن سُوءٍ ۚ قَالَتِ امْرَأَتُ الْعَزِيزِ الْآنَ حَصْحَصَ الْحَقُّ أَنَا رَاوَدتُّهُ عَن نَّفْسِهِ وَإِنَّهُ لَمِنَ الصَّادِقِينَ(51)

 (At ang hari) ay nagsabi (sa mga babae): “Ano ang inyong suliranin nang tangkain ninyong akitin si Hosep?” Ang mga babae ay nagsabi: “Huwag nawang ipahintulot ni Allah! wala kaming alam na masama laban sa kanya!” Ang asawa ni Al-Aziz ay nagsabi: “Ngayon, ang katotohanan ay naging malinaw (sa lahat), ako ang nagtangkang umakit sa kanya, at katotohanang siya ay isa sa nagsasabi ng katotohanan.’

ذَٰلِكَ لِيَعْلَمَ أَنِّي لَمْ أَخُنْهُ بِالْغَيْبِ وَأَنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي كَيْدَ الْخَائِنِينَ(52)

 Kaya’t si Hosep ay nagsabi: “Ako ay nagtanong sa ganitong pag-uusisa upang kanyang (Al-Aziz) maalaman na siya ay hindi ko pinagtaksilan nang lihim. At katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa pakana ng mga manlilinlang

۞ وَمَا أُبَرِّئُ نَفْسِي ۚ إِنَّ النَّفْسَ لَأَمَّارَةٌ بِالسُّوءِ إِلَّا مَا رَحِمَ رَبِّي ۚ إِنَّ رَبِّي غَفُورٌ رَّحِيمٌ(53)

 At hindi ko kinakalagan ang aking sarili (na walang sisi). Katotohanan, ang kaluluwa (ng tao, o ang katawang tao) ay nahihilig sa masama, malibang ang aking Panginoon ay maggawad ng Kanyang Habag (sa sinumang Kanyang maibigan). Katotohanan, ang aking Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”

وَقَالَ الْمَلِكُ ائْتُونِي بِهِ أَسْتَخْلِصْهُ لِنَفْسِي ۖ فَلَمَّا كَلَّمَهُ قَالَ إِنَّكَ الْيَوْمَ لَدَيْنَا مَكِينٌ أَمِينٌ(54)

 At ang hari ay nagsabi: “Inyong dalhin siya sa akin upang siya ay aking maidugtong sa aking pagkatao (alalaong baga, dahil si Hosep ay mapagkakatiwalaan at ang hari ay nagalak sa kanya, ibig ng hari na siya ay maglingkod sa kanya) .” At nang siya (hari) ay mangusap sa kanya, siya ay nagsabi: “Katotohanang sa araw na ito, ikaw ay kasama na namin sa mataas na katatayuan at ikaw ay lubos na pinagtitiwalaan.”

قَالَ اجْعَلْنِي عَلَىٰ خَزَائِنِ الْأَرْضِ ۖ إِنِّي حَفِيظٌ عَلِيمٌ(55)

 Siya (Hosep) ay nagsabi: “Ako ay inyong ilagay upang pamahalaan ang mga bodega (bangan) sa kalupaan; tunay ngang babantayan ko ang mga ito ng may ganap na kaalaman (bilang isang Ministro ng Pananalapi sa Ehipto, bilang kapalit ni Al-Aziz na noon ay patay na)

وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِي الْأَرْضِ يَتَبَوَّأُ مِنْهَا حَيْثُ يَشَاءُ ۚ نُصِيبُ بِرَحْمَتِنَا مَن نَّشَاءُ ۖ وَلَا نُضِيعُ أَجْرَ الْمُحْسِنِينَ(56)

 Kaya’t (sa ganito) Namin binigyan si Hosep ng ganap na kapamahalaan sa kalupaan, na humawak ng pagmamay-ari rito, kung kailan at saan niya ibig. Ipinagkakaloob Namin ang Aming Habag sa sinumang Aming maibigan at hindi Namin pababayaan na mawala ang ganti (gantimpala) ng Al-Muhsinun (mga mapaggawa ng kabutihan at katuwiran)

وَلَأَجْرُ الْآخِرَةِ خَيْرٌ لِّلَّذِينَ آمَنُوا وَكَانُوا يَتَّقُونَ(57)

 At katotohanan, ang gantimpala ng Kabilang Buhay ay higit na mainam sa mga sumasampalataya at palagi nang sumusunod kay Allah (sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan at katuwiran)

وَجَاءَ إِخْوَةُ يُوسُفَ فَدَخَلُوا عَلَيْهِ فَعَرَفَهُمْ وَهُمْ لَهُ مُنكِرُونَ(58)

 At ang mga kapatid ni Hosep ay dumating at nagsipasok sa kanya, at kanyang nakilala sila, datapuwa’t sila ay hindi nakakilala sa kanya

وَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمْ قَالَ ائْتُونِي بِأَخٍ لَّكُم مِّنْ أَبِيكُمْ ۚ أَلَا تَرَوْنَ أَنِّي أُوفِي الْكَيْلَ وَأَنَا خَيْرُ الْمُنزِلِينَ(59)

 At nang kanyang mabigyan sila ng mga pagkain (ayon sa kanilang pangangailangan), siya ay nagsabi: “dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na lalaki mula sa inyong ama (ang tinutukoy niya ay si Benjamin). Hindi baga ninyo namamalas na ako ay nagbibigay ng ganap na sukat at ako ang pinakamainam sa mga tumatanggap ng panauhin

فَإِن لَّمْ تَأْتُونِي بِهِ فَلَا كَيْلَ لَكُمْ عِندِي وَلَا تَقْرَبُونِ(60)

 Datapuwa’t kung siya ay hindi ninyo dadalhin sa akin, wala kayong makakamit na takal (ng mais) mula sa akin, at hindi rin kayo makakalapit sa akin.”

قَالُوا سَنُرَاوِدُ عَنْهُ أَبَاهُ وَإِنَّا لَفَاعِلُونَ(61)

 Sila ay nagsabi: “Susubukan namin na kumuha ng pahintulot (para sa kanya) mula sa kanyang ama, at katotohanan na gagawin namin ito.”

وَقَالَ لِفِتْيَانِهِ اجْعَلُوا بِضَاعَتَهُمْ فِي رِحَالِهِمْ لَعَلَّهُمْ يَعْرِفُونَهَا إِذَا انقَلَبُوا إِلَىٰ أَهْلِهِمْ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ(62)

 At sinabi (ni Hosep) sa kanyang mga katulong na ilagay ang kanilang (mga kapatid ni Hosep) salapi (alalaong baga, ang salapi na kanilang ipinambayad sa mais) sa kanilang mga bag na gamit sa biyahe, at kanilang malalaman lamang ito kung sila ay dumating na sa kanilang mga kaanak (pamayanan) upang magbalik

فَلَمَّا رَجَعُوا إِلَىٰ أَبِيهِمْ قَالُوا يَا أَبَانَا مُنِعَ مِنَّا الْكَيْلُ فَأَرْسِلْ مَعَنَا أَخَانَا نَكْتَلْ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ(63)

 Kaya’t nang sila ay bumalik sa kanilang ama, sila ay nagsabi: “o aming ama! wala ng takal ng butil ang aming makukuha (maliban na dalhin namin ang aming kapatid). Kaya’t inyong payagan na sumama sa amin ang aming kapatid na lalaki, kung magkakagayon, ay makukuha namin ang aming takal (ng mais) at katotohanang siya ay aming pangangalagaan.”

قَالَ هَلْ آمَنُكُمْ عَلَيْهِ إِلَّا كَمَا أَمِنتُكُمْ عَلَىٰ أَخِيهِ مِن قَبْلُ ۖ فَاللَّهُ خَيْرٌ حَافِظًا ۖ وَهُوَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ(64)

 Siya ay nagsabi: “Ipagkakatiwala ko ba siya sa inyo, na walang masamang mangyayari sa kanya na tulad noong ipinagkatiwala ko sa inyo ang inyong kapatid (Hosep)? Datapuwa’t si Allah ang Higit na Makakapangalaga, at Siya ang Pinakamaawain sa mga nagpapamalas ng habag.”

وَلَمَّا فَتَحُوا مَتَاعَهُمْ وَجَدُوا بِضَاعَتَهُمْ رُدَّتْ إِلَيْهِمْ ۖ قَالُوا يَا أَبَانَا مَا نَبْغِي ۖ هَٰذِهِ بِضَاعَتُنَا رُدَّتْ إِلَيْنَا ۖ وَنَمِيرُ أَهْلَنَا وَنَحْفَظُ أَخَانَا وَنَزْدَادُ كَيْلَ بَعِيرٍ ۖ ذَٰلِكَ كَيْلٌ يَسِيرٌ(65)

 At nang buksan nila ang kanilang mga bag, natagpuan nila na ang kanilang salapi ay ibinalik sa kanila. Sila ay nagsabi: “o aming ama! Ano pa ba ang aming hihilingin! Narito, ang aming salapi ay ibinalik sa amin, kaya’t makakakuha kami (ng higit) pang pagkain para sa aming pamilya at mababantayan pa namin ang aming kapatid, at higit pa rito ay makapagdaragdag pa kami ng isang dami (sukat) ng karga ng kamelyo. Ang daming ito (sukat o takal) ay madali (para sa hari na ibigay).”

قَالَ لَنْ أُرْسِلَهُ مَعَكُمْ حَتَّىٰ تُؤْتُونِ مَوْثِقًا مِّنَ اللَّهِ لَتَأْتُنَّنِي بِهِ إِلَّا أَن يُحَاطَ بِكُمْ ۖ فَلَمَّا آتَوْهُ مَوْثِقَهُمْ قَالَ اللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٌ(66)

 Siya (Hakob) ay nagsabi: “Hindi ko siya pasasamahin sa inyo malibang kayo ay manumpa sa akin ng taos pusong pagsumpa sa Ngalan ni Allah, na siya ay inyong ibabalik sa akin, malibang kayo sa inyong sarili ay mapaligiran ng mga kaaway (o mawalan ng lakas).” At nang sila ay makapanumpa na nang mataos na pagsumpa, siya ay nagsabi: “Si Allah ang Saksi sa lahat ng ating tinuran.”

وَقَالَ يَا بَنِيَّ لَا تَدْخُلُوا مِن بَابٍ وَاحِدٍ وَادْخُلُوا مِنْ أَبْوَابٍ مُّتَفَرِّقَةٍ ۖ وَمَا أُغْنِي عَنكُم مِّنَ اللَّهِ مِن شَيْءٍ ۖ إِنِ الْحُكْمُ إِلَّا لِلَّهِ ۖ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ ۖ وَعَلَيْهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُتَوَكِّلُونَ(67)

 At kanyang sinabi sa kanila: “o aking mga anak (na lalaki)! Huwag kayong magsipasok sa iisang tarangkahan, datapuwa’t magsipasok kayo sa iba’t ibang tarangkahan, at hindi ako makakatulong sa inyo sa anupaman laban kay Allah. Katotohanan! Ang pagpapasya ay nakasalalay lamang kay Allah. Sa Kanya ay aking inilalagay ang aking pagtitiwala at hayaan ang lahat ng mga nagtitiwala ay magtiwala sa Kanya.”

وَلَمَّا دَخَلُوا مِنْ حَيْثُ أَمَرَهُمْ أَبُوهُم مَّا كَانَ يُغْنِي عَنْهُم مِّنَ اللَّهِ مِن شَيْءٍ إِلَّا حَاجَةً فِي نَفْسِ يَعْقُوبَ قَضَاهَا ۚ وَإِنَّهُ لَذُو عِلْمٍ لِّمَا عَلَّمْنَاهُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ(68)

 At nang sila ay magsipasok (kay Hosep) ayon sa tagubilin ng kanilang ama, ito ay hindi nakatulong sa kanila kahit na kaunti laban (sa kapasiyahan) ni Allah. Ito ay naging paraan lamang upang masiyahan ang ninanais ng puso ni Hakob. At katotohanan, siya ay pinagkalooban ng karunungan sapagkat siya ay Aming tinuruan, datapuwa’t ang karamihan ng mga tao ay hindi nakakaalam

وَلَمَّا دَخَلُوا عَلَىٰ يُوسُفَ آوَىٰ إِلَيْهِ أَخَاهُ ۖ قَالَ إِنِّي أَنَا أَخُوكَ فَلَا تَبْتَئِسْ بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(69)

 At nang sila ay pumasok at kaharap na si Hosep, kinuha niya (Hosep) ang kanyang kapatid (Benjamin) at nagsabi: “Katotohanan! Ako ang iyong kapatid (na lalaki), kaya’t huwag kang malumbay sa kanilang ginawa.”

فَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمْ جَعَلَ السِّقَايَةَ فِي رَحْلِ أَخِيهِ ثُمَّ أَذَّنَ مُؤَذِّنٌ أَيَّتُهَا الْعِيرُ إِنَّكُمْ لَسَارِقُونَ(70)

 Kaya’t nang sila ay kanya nang mabigyan ng kanilang mga pagkain, ay inilagay niya (ang ginintuang) tason sa bag ng kanyang kapatid (Benjamin), at doon ay mayroong sumigaw: “O kayong nasa sasakyang pambiyahe! Katotohanang kayo ay mga magnanakaw!”

قَالُوا وَأَقْبَلُوا عَلَيْهِم مَّاذَا تَفْقِدُونَ(71)

 Sila ay lumingon patungo sa kanila, at nagsabi: “Ano ba yaong nawawala sa inyo?”

قَالُوا نَفْقِدُ صُوَاعَ الْمَلِكِ وَلِمَن جَاءَ بِهِ حِمْلُ بَعِيرٍ وَأَنَا بِهِ زَعِيمٌ(72)

 Sila ay nagsabi: “Nawawala ang (ginintuang) tason ng hari, at sinuman ang makatagpo (o makapagpalitaw nito, [ang kapalit nito]) ay isang karga (ng pagkain) sa kamelyo. Ako ay naninindigan dito.”

قَالُوا تَاللَّهِ لَقَدْ عَلِمْتُم مَّا جِئْنَا لِنُفْسِدَ فِي الْأَرْضِ وَمَا كُنَّا سَارِقِينَ(73)

 Sila ay nagsabi: “Sa (pamamagitan ng Ngalan) ni Allah! Katotohanang nababatid mo na kami ay hindi pumarito upang magkalat ng kabuktutan sa kalupaan, at kami ay hindi mga magnanakaw!”

قَالُوا فَمَا جَزَاؤُهُ إِن كُنتُمْ كَاذِبِينَ(74)

 Ang mga (tauhan ni Hosep) ay nagsabi: “Ano baga ang magiging parusa sa kanya, kung kayo ay (napatunayan) na mga sinungaling.”

قَالُوا جَزَاؤُهُ مَن وُجِدَ فِي رَحْلِهِ فَهُوَ جَزَاؤُهُ ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي الظَّالِمِينَ(75)

 Sila (mga kapatid ni Hosep) ay nagsabi: “Ang kaparusahan sa sinuman, na sa kanyang bag ay matagpuan (ang nawawala), ay dapat na hulihin upang parusahan (sa gayong kasamaan). Sa gayon namin pinarurusahan ang Zalimun (mga buhong, mapaggawa ng kamalian, atbp.)!”

فَبَدَأَ بِأَوْعِيَتِهِمْ قَبْلَ وِعَاءِ أَخِيهِ ثُمَّ اسْتَخْرَجَهَا مِن وِعَاءِ أَخِيهِ ۚ كَذَٰلِكَ كِدْنَا لِيُوسُفَ ۖ مَا كَانَ لِيَأْخُذَ أَخَاهُ فِي دِينِ الْمَلِكِ إِلَّا أَن يَشَاءَ اللَّهُ ۚ نَرْفَعُ دَرَجَاتٍ مَّن نَّشَاءُ ۗ وَفَوْقَ كُلِّ ذِي عِلْمٍ عَلِيمٌ(76)

 Kaya’t si Hosep ay nagsimulang (maghalughog) sa kanilang mga bag bago (ang paghahalughog) sa bag ng kanyang kapatid (Benjamin). At inilabas niya ito mula sa bag ng kanyang kapatid. Kaya’t sa ganito Kami nagplano para kay Hosep. Hindi niya makuha ang kanyang kapatid na lalaki dahilan sa (umiiral) na batas ng hari (bilang isang alipin), maliban sa kapahintulutan ni Allah. (Ginawa ni Allah ang magkakapatid na magkabuklod sa kanilang paraan ng “kaparusahan”, alalaong baga, ang pang-aalipin sa isang magnanakaw). Itinataas Namin sa antas ng karunungan ang sinumang Aming maibigan, nguni’t ang higit sa lahat na may karunungan ay ang Lubos na Maalam (Allah)

۞ قَالُوا إِن يَسْرِقْ فَقَدْ سَرَقَ أَخٌ لَّهُ مِن قَبْلُ ۚ فَأَسَرَّهَا يُوسُفُ فِي نَفْسِهِ وَلَمْ يُبْدِهَا لَهُمْ ۚ قَالَ أَنتُمْ شَرٌّ مَّكَانًا ۖ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا تَصِفُونَ(77)

 Sila (mga kapatid ni Hosep) ay nagsabi: “Kung siya ay magnakaw, mayroon din siyang kapatid (si Hosep) na nagnakaw nang una pa (sa kanya).” Datapuwa’t ang mga bagay na ito ay sinarili na lamang ni Hosep, at hindi niya ipinagtapat ang mga lihim sa kanila. Sinambit niya sa (kanyang sarili): “Kayo ay nasa pinakamasamang pangyayari (usapin), at si Allah ang higit na nakakaalam ng lahat ninyong ipinaggigiitan!”

قَالُوا يَا أَيُّهَا الْعَزِيزُ إِنَّ لَهُ أَبًا شَيْخًا كَبِيرًا فَخُذْ أَحَدَنَا مَكَانَهُ ۖ إِنَّا نَرَاكَ مِنَ الْمُحْسِنِينَ(78)

 Sila ay nagsabi: “o tagapamahala ng kalupaan! Katotohanang siya ay may matandang ama (na mamimighati sa kanya); kaya’t kunin mo ang isa sa amin bilang kapalit niya. Tunay nga, aming inaakala na ikaw ay isa sa mga gumagawa ng kabutihan.”

قَالَ مَعَاذَ اللَّهِ أَن نَّأْخُذَ إِلَّا مَن وَجَدْنَا مَتَاعَنَا عِندَهُ إِنَّا إِذًا لَّظَالِمُونَ(79)

 Siya ay nagsabi: “Huwag nawang pahintulutan ni Allah na kami ay kumuha ng sinuman maliban sa kanya na siya naming kinatagpuan ng aming ari-arian. Katotohanang (kung ito ay aming gawin), kami ay magiging Zalimun (mga buktot, buhong, mapaggawa ng kamalian, atbp.).”

فَلَمَّا اسْتَيْأَسُوا مِنْهُ خَلَصُوا نَجِيًّا ۖ قَالَ كَبِيرُهُمْ أَلَمْ تَعْلَمُوا أَنَّ أَبَاكُمْ قَدْ أَخَذَ عَلَيْكُم مَّوْثِقًا مِّنَ اللَّهِ وَمِن قَبْلُ مَا فَرَّطتُمْ فِي يُوسُفَ ۖ فَلَنْ أَبْرَحَ الْأَرْضَ حَتَّىٰ يَأْذَنَ لِي أَبِي أَوْ يَحْكُمَ اللَّهُ لِي ۖ وَهُوَ خَيْرُ الْحَاكِمِينَ(80)

 Kaya’t nang sila ay nawalan na ng pag-asa sa kanya, sila ay lingid na nag-usap-usapan. Ang pinakamatanda sa kanila ay nagsabi: “Hindi baga ninyo alam na ang inyong ama ay kumuha ng sumpa mula sa inyo sa Ngalan ni Allah, at bago pa rito, kayo ay nabigo sa inyong tungkulin kay Hosep? Kaya nga, hindi ako aalis sa lupaing ito hanggang ako ay pahintulutan ng aking ama, o si Allah ay magpasya sa aking suliranin (sa pamamagitan nang pagpapalaya kay Benjamin) at Siya ang Pinakamarunong sa lahat ng Hukom.”

ارْجِعُوا إِلَىٰ أَبِيكُمْ فَقُولُوا يَا أَبَانَا إِنَّ ابْنَكَ سَرَقَ وَمَا شَهِدْنَا إِلَّا بِمَا عَلِمْنَا وَمَا كُنَّا لِلْغَيْبِ حَافِظِينَ(81)

 Magsibalik kayo sa inyong ama at sabihin, “o aming ama! Katotohanan, ang inyong anak na lalaki (Benjamin) ay nagnakaw, at kami ay hindi sumasaksi maliban lamang sa aming nalalaman, at hindi namin napag-aalaman ang nalilingid

وَاسْأَلِ الْقَرْيَةَ الَّتِي كُنَّا فِيهَا وَالْعِيرَ الَّتِي أَقْبَلْنَا فِيهَا ۖ وَإِنَّا لَصَادِقُونَ(82)

 At inyong tanungin (ang mga tao) ng bayan na aming pinuntahan, at sa sasakyang pambiyahe na aming sinakyang pabalik, at katiyakang kami ay nagsasabi ng katotohanan.”

قَالَ بَلْ سَوَّلَتْ لَكُمْ أَنفُسُكُمْ أَمْرًا ۖ فَصَبْرٌ جَمِيلٌ ۖ عَسَى اللَّهُ أَن يَأْتِيَنِي بِهِمْ جَمِيعًا ۚ إِنَّهُ هُوَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ(83)

 Siya (Hakob) ay nagsabi: “Hindi, ang inyong sarili ang bumalangkas ng isang pangyayari (na mabuti) lamang para sa inyo. Kaya’t ang pagtitiis ay higit na makakabuti sa akin. Nawa’y ibalik silang lahat ni Allah sa akin. Tunay nga, tanging Siya lamang! Siya ang Ganap na Nakakatalos ng lahat, ang Lubos na Maalam.”

وَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا أَسَفَىٰ عَلَىٰ يُوسُفَ وَابْيَضَّتْ عَيْنَاهُ مِنَ الْحُزْنِ فَهُوَ كَظِيمٌ(84)

 At siya ay tumalikod sa kanilang lahat at nagsabi: “Gaano kalaki ang aking pamimighati kay Hosep!” At nawalan siya ng paningin dahilan sa kalumbayan na kanyang pinaglalabanan

قَالُوا تَاللَّهِ تَفْتَأُ تَذْكُرُ يُوسُفَ حَتَّىٰ تَكُونَ حَرَضًا أَوْ تَكُونَ مِنَ الْهَالِكِينَ(85)

 Sila ay nagsabi: “Sa (pamamagitan ng Ngalan) ni Allah! Kayo (Hakob) ay hindi titigil sa pag-aala-ala kay Hosep hanggang sa kayo ay maging mahina na dahil sa katandaan, o hanggang sa mapabilang kayo sa mga pumanaw.”

قَالَ إِنَّمَا أَشْكُو بَثِّي وَحُزْنِي إِلَى اللَّهِ وَأَعْلَمُ مِنَ اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ(86)

 Siya ay nagsabi: “Ako ay dumaraing lamang kay Allah sa aking pamimighati at pagkalumbay, at nababatid ko mula kay Allah ang hindi ninyo nalalaman

يَا بَنِيَّ اذْهَبُوا فَتَحَسَّسُوا مِن يُوسُفَ وَأَخِيهِ وَلَا تَيْأَسُوا مِن رَّوْحِ اللَّهِ ۖ إِنَّهُ لَا يَيْأَسُ مِن رَّوْحِ اللَّهِ إِلَّا الْقَوْمُ الْكَافِرُونَ(87)

 o aking mga anak! Magsiyaon kayo at ipagtanong ang tungkol kay Hosep at sa kanyang kapatid na lalaki, at huwag kailanman mawalan ng pag-asa sa Habag ni Allah. Katiyakang walang nawawalan ng pag-asa sa Habag ni Allah, maliban sa mga tao na hindi sumasampalataya.”

فَلَمَّا دَخَلُوا عَلَيْهِ قَالُوا يَا أَيُّهَا الْعَزِيزُ مَسَّنَا وَأَهْلَنَا الضُّرُّ وَجِئْنَا بِبِضَاعَةٍ مُّزْجَاةٍ فَأَوْفِ لَنَا الْكَيْلَ وَتَصَدَّقْ عَلَيْنَا ۖ إِنَّ اللَّهَ يَجْزِي الْمُتَصَدِّقِينَ(88)

 Kaya’t nang sila ay magsipasok sa kanya (Hosep), sila ay nagsabi: “o pinuno ng lupain! Ang isang kagipitan ay sumapit sa amin at sa aming pamilya, at wala kaming dala maliban sa kakaunting puhunan lamang, kaya’t kami ay bayaran mo nang ganap na sukat at maging mapagkawanggawa sa amin. Katotohanang binibigyan ng ganti ni Allah ang mapagkawanggawa.”

قَالَ هَلْ عَلِمْتُم مَّا فَعَلْتُم بِيُوسُفَ وَأَخِيهِ إِذْ أَنتُمْ جَاهِلُونَ(89)

 Siya ay nagsabi: “Alam ba ninyo kung ano ang inyong ginawa kay Hosep at sa kanyang kapatid na lalaki nang kayo ay mga mangmang pa?”

قَالُوا أَإِنَّكَ لَأَنتَ يُوسُفُ ۖ قَالَ أَنَا يُوسُفُ وَهَٰذَا أَخِي ۖ قَدْ مَنَّ اللَّهُ عَلَيْنَا ۖ إِنَّهُ مَن يَتَّقِ وَيَصْبِرْ فَإِنَّ اللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجْرَ الْمُحْسِنِينَ(90)

 Sila ay nagsabi: “Tunay bang ikaw nga si Hosep?” Siya ay nagsabi: “Ako si Hosep, at ito ang aking kapatid (Benjamin). Si Allah ay katiyakang naging mapagpala sa amin. Katotohanang siya na may pagkatakot kay Allah at may pagsunod sa Kanya (sa pamamagitan nang pag- iwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at sa pagsasagawa ng mga mabubuti at matutuwid na gawa), at matiyaga, tunay nga, hindi hahayaan ni Allah na mawala ang Kanyang ganti sa mga gumagawa ng katampatan.”

قَالُوا تَاللَّهِ لَقَدْ آثَرَكَ اللَّهُ عَلَيْنَا وَإِن كُنَّا لَخَاطِئِينَ(91)

 Sila ay nagsabi: “Sa (pamamagitan ng Ngalan) ni Allah! Katotohanang higit kang minabuti ni Allah kaysa sa amin, at katotohanang kami ay naging makasalanan.”

قَالَ لَا تَثْرِيبَ عَلَيْكُمُ الْيَوْمَ ۖ يَغْفِرُ اللَّهُ لَكُمْ ۖ وَهُوَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ(92)

 Siya ay nagsabi: “Sa araw na ito, walang sisi ang ibubunton sa inyo, patawarin nawa kayo ni Allah, at Siya ang Pinakamaawain sa mga nagpapamalas ng habag

اذْهَبُوا بِقَمِيصِي هَٰذَا فَأَلْقُوهُ عَلَىٰ وَجْهِ أَبِي يَأْتِ بَصِيرًا وَأْتُونِي بِأَهْلِكُمْ أَجْمَعِينَ(93)

 Kayo ay humayo na dala ang aking damit, at ipagpag ninyo ito sa mukha ng aking ama, ang kanyang paningin ay muling magbabalik, at dalhin ninyo sa akin ang buo ninyong pamilya.”

وَلَمَّا فَصَلَتِ الْعِيرُ قَالَ أَبُوهُمْ إِنِّي لَأَجِدُ رِيحَ يُوسُفَ ۖ لَوْلَا أَن تُفَنِّدُونِ(94)

 At nang ang sasakyang pambiyahe ay umalis na (sa Ehipto), ang kanilang ama ay nangusap: “Katotohanang aking nalalanghap ang kinalalagyan ni Hosep, hindi, huwag ninyo akong tawaging ulyanin.”

قَالُوا تَاللَّهِ إِنَّكَ لَفِي ضَلَالِكَ الْقَدِيمِ(95)

 Sila ay nagsabi: “Sa (pamamagitan ng Ngalan) ni Allah! Tunay nga, kayo (Hakob) ay nasa inyong katandaan na at nagguguni- guni.”

فَلَمَّا أَن جَاءَ الْبَشِيرُ أَلْقَاهُ عَلَىٰ وَجْهِهِ فَارْتَدَّ بَصِيرًا ۖ قَالَ أَلَمْ أَقُل لَّكُمْ إِنِّي أَعْلَمُ مِنَ اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ(96)

 At nang ang tagapagdala ng magandang balita ay dumating, ay ipinagpag niya ang damit (ni Hosep) sa buo niyang mukha (Hakob), at nanauli ang kanyang paningin. Siya ay nangusap: “Hindi baga sinabi ko na sa inyo, na nalalaman ko mula kay Allah ang hindi ninyo nalalaman.”

قَالُوا يَا أَبَانَا اسْتَغْفِرْ لَنَا ذُنُوبَنَا إِنَّا كُنَّا خَاطِئِينَ(97)

 Sila ay nagsabi: “o aming ama! Manikluhod kayo (kay Allah) para sa kapatawaran ng aming mga kasalanan, katotohanang kami ay naging mga makasalanan.”

قَالَ سَوْفَ أَسْتَغْفِرُ لَكُمْ رَبِّي ۖ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ(98)

 Siya ay nangusap: “Hihilingin ko sa aking Panginoon ang (Kanyang) pagpapatawad sa inyo, katotohanang Siya, (at) Siya lamang ang Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”

فَلَمَّا دَخَلُوا عَلَىٰ يُوسُفَ آوَىٰ إِلَيْهِ أَبَوَيْهِ وَقَالَ ادْخُلُوا مِصْرَ إِن شَاءَ اللَّهُ آمِنِينَ(99)

 Kaya’t nang sila ay magsitungo kay Hosep, ay inilapit niya ang kanyang magulang (ama) sa kanyang sarili at nagsabi: “Pumasok kayo sa Ehipto, sa kapahintulutan ni Allah, nang matiwasay (sa kapayapaan at kapanatagan).”

وَرَفَعَ أَبَوَيْهِ عَلَى الْعَرْشِ وَخَرُّوا لَهُ سُجَّدًا ۖ وَقَالَ يَا أَبَتِ هَٰذَا تَأْوِيلُ رُؤْيَايَ مِن قَبْلُ قَدْ جَعَلَهَا رَبِّي حَقًّا ۖ وَقَدْ أَحْسَنَ بِي إِذْ أَخْرَجَنِي مِنَ السِّجْنِ وَجَاءَ بِكُم مِّنَ الْبَدْوِ مِن بَعْدِ أَن نَّزَغَ الشَّيْطَانُ بَيْنِي وَبَيْنَ إِخْوَتِي ۚ إِنَّ رَبِّي لَطِيفٌ لِّمَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ هُوَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ(100)

 At itinaas niya ang kanyang magulang sa luklukan at sila ay nagpatirapa (nagbigay galang) sa kanya (Hakob). Siya (Hosep) ay nagsabi: “O aking ama! Ito ang kahulugan ng aking panaginip noon pang una! Pinahintulutan ng aking Panginoon na ito ay mangyari! Siya ay tunay na mabuti sa akin nang ako ay hanguin Niya sa bilangguan, at kayo ay dinala (Niyang) lahat dito (sa akin) mula sa pamumuhay sa disyerto, pagkaraang makapagtanim si Satanas ng galit sa pagitan ko at ng aking mga kapatid. Katotohanan, ang Aking Panginoon ay Pinakamapagpala at Pinakamabait sa sinumang Kanyang maibigan. Katotohanan! Siya ay Tigib ng Kaalaman, ang Puspos ng Karunungan

۞ رَبِّ قَدْ آتَيْتَنِي مِنَ الْمُلْكِ وَعَلَّمْتَنِي مِن تَأْوِيلِ الْأَحَادِيثِ ۚ فَاطِرَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ أَنتَ وَلِيِّي فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۖ تَوَفَّنِي مُسْلِمًا وَأَلْحِقْنِي بِالصَّالِحِينَ(101)

 AkingPanginoon!Katotohanangakoaypinagkalooban Ninyo ng kapangyarihan (kapamahalaan), at itinuro (Ninyo) sa akin ang pagpapakahulugan ng mga panaginip; Kayo lamang ang tanging Manlilikha ng mga kalangitan at kalupaan! Kayo ang aking Wali (Tagapangalaga, Kawaksi, Tagapagtaguyod, Tagapagbantay, atbp.) sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Ako ay bayaan (Ninyo) na mamatay bilang isang Muslim (na sumusuko sa Inyong Kalooban) at ako ay (Inyong) ibilang sa mga matutuwid.”

ذَٰلِكَ مِنْ أَنبَاءِ الْغَيْبِ نُوحِيهِ إِلَيْكَ ۖ وَمَا كُنتَ لَدَيْهِمْ إِذْ أَجْمَعُوا أَمْرَهُمْ وَهُمْ يَمْكُرُونَ(102)

 Ito ang balita ng Ghaib (bagay na nakalingid) na ipinahayag Namin sa iyo (o Muhammad) sa inspirasyon. Ikaw ay wala sa kanilang harapan nang sama-sama nilang balakin ang kanilang plano, gayundin nang sila ay naghahanda ng pakana

وَمَا أَكْثَرُ النَّاسِ وَلَوْ حَرَصْتَ بِمُؤْمِنِينَ(103)

 At ang karamihan sa mga tao ay hindi mananampalataya gaano man kasidhi ang iyong naisin

وَمَا تَسْأَلُهُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ لِّلْعَالَمِينَ(104)

 At wala kang hinihintay na ganti sa kanila (sa mensaheng) ito (sa mga nagtatatwa ng iyong pagka- propeta), sapagkat ito (ang Qur’an) ay wala ng iba maliban sa isang Paala-ala at Patnubay sa Aalamin (mga tao, Jinn at lahat ng mga nilalang)

وَكَأَيِّن مِّنْ آيَةٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ يَمُرُّونَ عَلَيْهَا وَهُمْ عَنْهَا مُعْرِضُونَ(105)

 At gaano na ba karami ang mga Tanda sa kalangitan at kalupaan ang hindi nila pinahalagahan (ipinagwalang bahala), habang sila ay salungat (tutol) dito

وَمَا يُؤْمِنُ أَكْثَرُهُم بِاللَّهِ إِلَّا وَهُم مُّشْرِكُونَ(106)

 At ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya kay Allah, maliban pa rito, sila ay nagtataguri ng mga katambal (sa Kanya)

أَفَأَمِنُوا أَن تَأْتِيَهُمْ غَاشِيَةٌ مِّنْ عَذَابِ اللَّهِ أَوْ تَأْتِيَهُمُ السَّاعَةُ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(107)

 Sila baga ay nakadarama ng katiwasayan sa daratal na lambong ng belo ng poot (kaparusahan) ni Allah laban sa kanila, o ang darating na (Huling) Oras laban sa kanila, sa isang iglap lamang, sa sandali na hindi nila napag-aakala

قُلْ هَٰذِهِ سَبِيلِي أَدْعُو إِلَى اللَّهِ ۚ عَلَىٰ بَصِيرَةٍ أَنَا وَمَنِ اتَّبَعَنِي ۖ وَسُبْحَانَ اللَّهِ وَمَا أَنَا مِنَ الْمُشْرِكِينَ(108)

 Ipagbadya mo (o Muhammad): “Ito ang aking daan; kayo ay aking inaanyayahan tungo kay Allah (alalaong baga, sa Kanyang Kaisahan, sa Islam), na may tiyak na kaalaman, ako at ang sinumang sumusunod sa akin (ay marapat ding mag-anyaya sa iba tungo kay Allah, alalaong baga, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam) ng may sapat na kaalaman. Luwalhatiin at Ipagbantog si Allah (sa lahat ng iba pa, alalaong baga, higit Siyang Mataas sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya). At ako ay hindi kasama sa Mushrikun (mga sumasamba sa diyus-diyosan, pagano, walang pananalig, mapaggawa ng kamalian, atbp)

وَمَا أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ إِلَّا رِجَالًا نُّوحِي إِلَيْهِم مِّنْ أَهْلِ الْقُرَىٰ ۗ أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۗ وَلَدَارُ الْآخِرَةِ خَيْرٌ لِّلَّذِينَ اتَّقَوْا ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ(109)

 At hindi Kami kailanman nagsugo nang una pa sa iyo (ng mga Tagapagbalita) na hihigit pa sa pagiging tao, na Aming binigyang inspirasyon (hinirang) mula sa pamayanan ng mga bayan. Hindi baga sila nagsipaglakbay sa kalupaan at kanilang napagmalas kung ano ang kinasapitan ng mga tao nanaunasakanila?Atkatotohanan, angtahananng Kabilang Buhay ay siyang pinakamainam sa mga may pagkatakot kay Allah at sumusunod sa Kanya (sa pamamagitan nang pag- iwas sa mga kasalanan at kasamaan at pagsasagawa ng mga kabutihan at katuwiran). Hindi baga kayo nakakaunawa

حَتَّىٰ إِذَا اسْتَيْأَسَ الرُّسُلُ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ قَدْ كُذِبُوا جَاءَهُمْ نَصْرُنَا فَنُجِّيَ مَن نَّشَاءُ ۖ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُنَا عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ(110)

 (Sila ay binigyan ng palugit), hanggang nang ang Aming mga Tagapagbalita ay mawalan na ng pag-asa at nag-isip na sila ay itinuring na mga sinungaling ng kanilang pamayanan (sila ay itinatwa at itinakwil), sa gayong kalagayan ay dumatal ang Aming tulong, at sinumang Aming maibigan ay naligtas. At ang Aming kaparusahan ay hindi maiilagan ng Mujrimun (mga taong buhong, buktot, kriminal, palasuway kay Allah, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, lagi sa kasalanan, atbp)

لَقَدْ كَانَ فِي قَصَصِهِمْ عِبْرَةٌ لِّأُولِي الْأَلْبَابِ ۗ مَا كَانَ حَدِيثًا يُفْتَرَىٰ وَلَٰكِن تَصْدِيقَ الَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ وَتَفْصِيلَ كُلِّ شَيْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ(111)

 Katotohanan, sa kanilang kasaysayan ay mayroong aral para sa mga tao na may pang-unawa. Ito (ang Qu’ran) ay hindi isang huwad na katha (pahayag), bagkus, ay isang pagpapatotoo sa mga nangaunang Kasulatan (ang Torah [mga Batas], Ebanghelyo, atbp.), isang masusi at puspusang paliwanag sa lahat (ng bagay), at isang patnubay at Habag sa mga tao na sumasampalataya


Filipince diğer sureler:

Bakara suresi Âl-i İmrân Nisâ suresi
Mâide suresi Yûsuf suresi İbrâhîm suresi
Hicr suresi Kehf suresi Meryem suresi
Hac suresi Kasas suresi Ankebût suresi
As-Sajdah Yâsîn suresi Duhân suresi
fetih suresi Hucurât suresi Kâf suresi
Necm suresi Rahmân suresi vakıa suresi
Haşr suresi Mülk suresi Hâkka suresi
İnşikâk suresi Alâ suresi Gâşiye suresi

En ünlü okuyucuların sesiyle Yusuf Suresi indirin:

Surah Yusuf mp3: yüksek kalitede dinlemek ve indirmek için okuyucuyu seçerek
Yusuf  Suresi Ahmed El Agamy
Ahmed El Agamy
Yusuf  Suresi Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
Yusuf  Suresi Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
Yusuf  Suresi Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
Yusuf  Suresi Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
Yusuf  Suresi Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
Yusuf  Suresi Ali Al Hudhaifi
Ali Al Hudhaifi
Yusuf  Suresi Fares Abbad
Fares Abbad
Yusuf  Suresi Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
Yusuf  Suresi Muhammad Jibril
Muhammad Jibril
Yusuf  Suresi Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
Yusuf  Suresi Al Hosary
Al Hosary
Yusuf  Suresi Al-afasi
Mishari Al-afasi
Yusuf  Suresi Nasser Al Qatami
Nasser Al Qatami
Yusuf  Suresi Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Friday, November 22, 2024

Bizim için dua et, teşekkürler