Перевод суры Аль-Муминун на Филиппинский язык

  1. Сура mp3
  2. Другие суры
  3. Филиппинский
Священный Коран | Перевод Корана | Язык Филиппинский | Сура Аль-Муминун | المؤمنون - получите точный и надежный Филиппинский текст сейчас - Количество аятов: 118 - Номер суры в мушафе: 23 - Значение названия суры на русском языке: The Believers.

قَدْ أَفْلَحَ الْمُؤْمِنُونَ(1)

 Katiyakang matatagumpay ang mga sumasampalataya

الَّذِينَ هُمْ فِي صَلَاتِهِمْ خَاشِعُونَ(2)

 Sila na nagsisipag-alay ng kanilang panalangin ng may kataimtiman at ganap na pagpapasakop

وَالَّذِينَ هُمْ عَنِ اللَّغْوِ مُعْرِضُونَ(3)

 At sila na lumalayo sa Al-Laghw (marumi, kasinungalingan, masama, walang kabutihang salita, at lahat ng mga ipinagbabawal ni Allah)

وَالَّذِينَ هُمْ لِلزَّكَاةِ فَاعِلُونَ(4)

 At sila na nagbabayad ng Zakah (katungkulang kawanggawa)

وَالَّذِينَ هُمْ لِفُرُوجِهِمْ حَافِظُونَ(5)

 At sila na nangangalaga sa kanilang kalinisan (alalaong baga, sa labag na relasyong seksuwal, sa kanilang maseselang bahagi ng katawan)

إِلَّا عَلَىٰ أَزْوَاجِهِمْ أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ فَإِنَّهُمْ غَيْرُ مَلُومِينَ(6)

 Maliban sa kanilang mga asawa o (mga bihag), na angkin ng kanilang kanang kamay, - sa kanila, sila ay ligtas sa anumang panunumbat

فَمَنِ ابْتَغَىٰ وَرَاءَ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْعَادُونَ(7)

 Datapuwa’t sinumang maghanap ng higit pa rito, sila ang mga lumalabag sa hangganan ng kautusan

وَالَّذِينَ هُمْ لِأَمَانَاتِهِمْ وَعَهْدِهِمْ رَاعُونَ(8)

 Silanamatatapatsamgaipinagkatiwala(inilagak) sakanila at tumutupad sa mga kasunduan

وَالَّذِينَ هُمْ عَلَىٰ صَلَوَاتِهِمْ يُحَافِظُونَ(9)

 At sila na mahigpit na nagsasagawa (ng limang takdang) pagdarasal (sa tamang oras)

أُولَٰئِكَ هُمُ الْوَارِثُونَ(10)

 Katotohanang sila ang mga tagapagmana

الَّذِينَ يَرِثُونَ الْفِرْدَوْسَ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ(11)

 Sila ang magmamana ng Firdaus (Paraiso). Mananahan sila rito magpakai-lanman

وَلَقَدْ خَلَقْنَا الْإِنسَانَ مِن سُلَالَةٍ مِّن طِينٍ(12)

 At katotohanang nilikha Namin ang tao (Adan) mula sa lagkit ng putik (tubig at lupa)

ثُمَّ جَعَلْنَاهُ نُطْفَةً فِي قَرَارٍ مَّكِينٍ(13)

 At pagkatapos ay Aming nilikha siya (ang anak ni Adan) bilang isang Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae) at (inilagak) sa ligtas na himlayan (sinapupunan ng babae)

ثُمَّ خَلَقْنَا النُّطْفَةَ عَلَقَةً فَخَلَقْنَا الْعَلَقَةَ مُضْغَةً فَخَلَقْنَا الْمُضْغَةَ عِظَامًا فَكَسَوْنَا الْعِظَامَ لَحْمًا ثُمَّ أَنشَأْنَاهُ خَلْقًا آخَرَ ۚ فَتَبَارَكَ اللَّهُ أَحْسَنُ الْخَالِقِينَ(14)

 At pagkatapos ay ginawa Namin ang Nutfah na isang kimpal (isang makapal na piraso ng namuong dugo), at pagkatapos ay ginawa Namin ang kimpal sa isang maliit na tambok ng laman, at pagkatapos ay ginawa Namin mula sa tambok ng laman ang mga buto, at pagkatapos ay binalutan Namin ang mga buto ng laman, at pagkatapos ay Aming iniluwal siya bilang isang anyo ng paglikha. Kaya’t papurihan si Allah, ang Pinakamahusay sa Tagapaglikha

ثُمَّ إِنَّكُم بَعْدَ ذَٰلِكَ لَمَيِّتُونَ(15)

 Pagkatapos nito, katiyakang kayo ay mamamatay

ثُمَّ إِنَّكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ تُبْعَثُونَ(16)

 At pagkatapos, (muli), katotohanang kayo ay ibabangon sa Araw ng Muling Pagkabuhay

وَلَقَدْ خَلَقْنَا فَوْقَكُمْ سَبْعَ طَرَائِقَ وَمَا كُنَّا عَنِ الْخَلْقِ غَافِلِينَ(17)

 At katotohanang nilikha Namin sa itaas ninyo ang pitong kalangitan (sa magkakasunod na patong) at hindi kailanman Kami ay nakakaligta sa paglikha

وَأَنزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً بِقَدَرٍ فَأَسْكَنَّاهُ فِي الْأَرْضِ ۖ وَإِنَّا عَلَىٰ ذَهَابٍ بِهِ لَقَادِرُونَ(18)

 At pinamalisbis Namin mula sa alapaap ang tubig (ulan) sa (ganap) na sukat, at binigyan Namin ito ng hihimlayan sa lupa, at katotohanang magagawa Naming bawiin ito

فَأَنشَأْنَا لَكُم بِهِ جَنَّاتٍ مِّن نَّخِيلٍ وَأَعْنَابٍ لَّكُمْ فِيهَا فَوَاكِهُ كَثِيرَةٌ وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ(19)

 At inihantad Namin sa inyo mula rito ang mga halamanan ng punong palmera (datiles) at mga ubas, na rito ay maraming bungangkahoy para sa inyo, at dito kayo ay kumakain

وَشَجَرَةً تَخْرُجُ مِن طُورِ سَيْنَاءَ تَنبُتُ بِالدُّهْنِ وَصِبْغٍ لِّلْآكِلِينَ(20)

 At ng puno (oliba) na tumutubo mula sa Bundok ng Sinai, na nagbibigay ng langis, (at ito) ay pampagana sa kumakain

وَإِنَّ لَكُمْ فِي الْأَنْعَامِ لَعِبْرَةً ۖ نُّسْقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهَا وَلَكُمْ فِيهَا مَنَافِعُ كَثِيرَةٌ وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ(21)

 At katotohanan! Sa mga bakahan (hayupan) ay may tunay na aral sa inyo. Aming binigyan kayo ng inumin (gatas) na nanggagaling sa kanilang tiyan. At marami pa mula sa kanila ang mga kapakinabangan, at sila ay inyong kinakain

وَعَلَيْهَا وَعَلَى الْفُلْكِ تُحْمَلُونَ(22)

 At mula sa kanila, at sa mga barko, kayo ay naglalakbay (o dinadala)

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ أَفَلَا تَتَّقُونَ(23)

 At katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan, at siya ay nagsabi: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong ibang Ilah (diyos) malibansa Kanya. Hindibagakayonangangamba(sa Kanya, alalaong baga, sa Kanyang kaparusahan dahilan sa inyong pagsamba sa iba pa maliban sa Kanya)?”

فَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِن قَوْمِهِ مَا هَٰذَا إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْ يُرِيدُ أَن يَتَفَضَّلَ عَلَيْكُمْ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَأَنزَلَ مَلَائِكَةً مَّا سَمِعْنَا بِهَٰذَا فِي آبَائِنَا الْأَوَّلِينَ(24)

 Datapuwa’t yaong mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang mga tao ay nagsabi: “Siya (Noe) ay hindi hihigit pa sa isang tao na katulad ninyo, nagnanais siya na maging mataas (malakas) sa inyo. Kung ninais lamang ni Allah, katiyakang makakapagpanaog Siya ng mga anghel; hindi namin kailanman narinig ang ganitong bagay sa aming mga ninuno.”

إِنْ هُوَ إِلَّا رَجُلٌ بِهِ جِنَّةٌ فَتَرَبَّصُوا بِهِ حَتَّىٰ حِينٍ(25)

 “Siya ay isang tao lamang na kinapitan ng kabaliwan, kaya’t pansamantala kayong maghintay sa kanya.”

قَالَ رَبِّ انصُرْنِي بِمَا كَذَّبُونِ(26)

 (Si Noe) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay tulungan Ninyo sapagkat ako ay itinatakwil nila.”

فَأَوْحَيْنَا إِلَيْهِ أَنِ اصْنَعِ الْفُلْكَ بِأَعْيُنِنَا وَوَحْيِنَا فَإِذَا جَاءَ أَمْرُنَا وَفَارَ التَّنُّورُ ۙ فَاسْلُكْ فِيهَا مِن كُلٍّ زَوْجَيْنِ اثْنَيْنِ وَأَهْلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيْهِ الْقَوْلُ مِنْهُمْ ۖ وَلَا تُخَاطِبْنِي فِي الَّذِينَ ظَلَمُوا ۖ إِنَّهُم مُّغْرَقُونَ(27)

 Kaya’t siya ay binigyan Namin ng inspirasyon (na nagsasabi): “Balangkasin mo ang Barko sa harapan ng Aming mga Mata at sa ilalim ng Aming Rebelasyon (patnubay). Kaya’t nang ang Aming pag-uutos ay dumatal, at ang bangan ay umagos ng tubig, isakay sa barko ang dalawa sa bawat uri (lalaki at babae), at ang iyong pamilya, maliban sa kanila na ang Salita ay binitawan (pinagsabihan na). At huwag kang manikluhod sa Akin para sa kapakanan ng mga nagsigawa ng kamalian. Katotohanang sila ay lulunurin

فَإِذَا اسْتَوَيْتَ أَنتَ وَمَن مَّعَكَ عَلَى الْفُلْكِ فَقُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي نَجَّانَا مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ(28)

 At kung kayo ay nakasakay na sa barko, ikaw at sinumang kasama mo, kayo ay magsabi: “Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah lamang, na nagligtas sa amin sa mga tao na Zalimun (mapang-api, pagano, buktot, atbp)

وَقُل رَّبِّ أَنزِلْنِي مُنزَلًا مُّبَارَكًا وَأَنتَ خَيْرُ الْمُنزِلِينَ(29)

 At ipagbadya: “Aking Panginoon! Inyong ipahintulot na kami ay dumaong sa pinagpalang lugar, sapagkat Kayo ang Pinakamahusay sa nagpapadaong.”

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ وَإِن كُنَّا لَمُبْتَلِينَ(30)

 Katotohanan, dito (sa ginawa Naming paglunod sa mga tao ni Noe) ay mayroong tiyak na Ayat (mga katibayan, aral, tanda, atbp. sa mga tao upang makaunawa), katotohanang Kami ay lagi nang nagbibigay ng pagsubok (sa mga tao)

ثُمَّ أَنشَأْنَا مِن بَعْدِهِمْ قَرْنًا آخَرِينَ(31)

 At pagkatapos nila, Kami ay lumikha ng iba pang saling-lahi

فَأَرْسَلْنَا فِيهِمْ رَسُولًا مِّنْهُمْ أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ أَفَلَا تَتَّقُونَ(32)

 At nagsugo Kami ng Tagapagbalita mula sa kanilang lipon (na nagsasabi): “Sambahin si Allah! wala na kayong ibang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. Hindi baga kayo nangangamba sa Kanya (alalaong baga, sa Kanyang kaparusahan dahilan sa inyong pagsamba sa iba maliban pa sa Kanya)

وَقَالَ الْمَلَأُ مِن قَوْمِهِ الَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِلِقَاءِ الْآخِرَةِ وَأَتْرَفْنَاهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا مَا هَٰذَا إِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْ يَأْكُلُ مِمَّا تَأْكُلُونَ مِنْهُ وَيَشْرَبُ مِمَّا تَشْرَبُونَ(33)

 At ang mga pinuno ng kanyang pamayanan na hindi sumasampalataya at nagtatakwil sa Pakikipagtipan sa Kabilang Buhay, at sila na binigyan Namin ng kasaganaan at kaalwanan sa buhay na ito, ay nagsabi: “Siya ay hindi hihigit pa sa pagiging tao na katulad ninyo, siya ay kumakain ng inyong kinakain, at siya ay umiinom ng inyong iniinom.”

وَلَئِنْ أَطَعْتُم بَشَرًا مِّثْلَكُمْ إِنَّكُمْ إِذًا لَّخَاسِرُونَ(34)

 “Kung kayo ay susunod sa isang tao na katulad ninyo, kung gayon, katotohanang kayo ay tiyak na mga talunan.”

أَيَعِدُكُمْ أَنَّكُمْ إِذَا مِتُّمْ وَكُنتُمْ تُرَابًا وَعِظَامًا أَنَّكُم مُّخْرَجُونَ(35)

 “Ipinangako ba niya sa inyo na kung kayo ay patay na at maging alabok at mga buto, na kayo ay lalabas nang buhay (sa muling pagbabangon)

۞ هَيْهَاتَ هَيْهَاتَ لِمَا تُوعَدُونَ(36)

 Malayo, lubhang malayo ang sa inyo ay ipinangako.”

إِنْ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا الدُّنْيَا نَمُوتُ وَنَحْيَا وَمَا نَحْنُ بِمَبْعُوثِينَ(37)

 “wala ng iba pa maliban sa ating buhay sa mundong ito! Tayo ay mamamatay at tayo ay nabubuhay! At tayo ay hindi na muling ibabangon!”

إِنْ هُوَ إِلَّا رَجُلٌ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا وَمَا نَحْنُ لَهُ بِمُؤْمِنِينَ(38)

 “Isa lamang siyang tao na kumatha ng kasinungalingan laban kay Allah, subalit kami ay hindi maniniwala sa kanya.”

قَالَ رَبِّ انصُرْنِي بِمَا كَذَّبُونِ(39)

 Siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay Inyong tulungan sapagkat ako ay ipinagkaila nila.”

قَالَ عَمَّا قَلِيلٍ لَّيُصْبِحُنَّ نَادِمِينَ(40)

 (Si Allah) ay nagwika: “Sa pasumandali lamang, katotohanang sila ay magsisisi.”

فَأَخَذَتْهُمُ الصَّيْحَةُ بِالْحَقِّ فَجَعَلْنَاهُمْ غُثَاءً ۚ فَبُعْدًا لِّلْقَوْمِ الظَّالِمِينَ(41)

 Kaya’t ang As-Saiha (kaparusahan, nakakakilabot na hiyaw) ay sumaklot sa kanila ng may katarungan, at sila ay ginawa Namin na tila basura ng mga patay na halaman. Kaya’t itaboy ang mga tao na Zalimun (buhong, buktot, pagano, atbp)

ثُمَّ أَنشَأْنَا مِن بَعْدِهِمْ قُرُونًا آخَرِينَ(42)

 At pagkatapos, pagkaraan nila, ay lumikha Kami ng ibang saling-lahi

مَا تَسْبِقُ مِنْ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسْتَأْخِرُونَ(43)

 walang bansa (pamayanan) ang makapagpapauna ng kanilang takdang panahon, o makakaantala niyaon

ثُمَّ أَرْسَلْنَا رُسُلَنَا تَتْرَىٰ ۖ كُلَّ مَا جَاءَ أُمَّةً رَّسُولُهَا كَذَّبُوهُ ۚ فَأَتْبَعْنَا بَعْضَهُم بَعْضًا وَجَعَلْنَاهُمْ أَحَادِيثَ ۚ فَبُعْدًا لِّقَوْمٍ لَّا يُؤْمِنُونَ(44)

 At pagkatapos ay aming isinugo ang Aming mga Tagapagbalita nang sunod-sunod; sa bawat panahon na may dumatal na Tagapagbalita sa isang pamayanan, sila ay nagtatakwil sa kanya, kaya’t hinayaan Naming sumunod ang bawat isa sa kanila (sa pagkawasak), at Aming ginawa sila bilang Ahadith (kasaysayan sa sangkatauhan upang makaalam ng aral sa kanila). Kaya’t lumayo sa mga tao na hindi nananampalataya

ثُمَّ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ وَأَخَاهُ هَارُونَ بِآيَاتِنَا وَسُلْطَانٍ مُّبِينٍ(45)

 At pagkatapos ay isinugo Namin si Moises at ang kanyang kapatid na si Aaron, na mayroong Ayat (mga talata, tanda, aral, katibayan, atbp.) mula sa Amin, at ng lantad na kapamahalaan

إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَاسْتَكْبَرُوا وَكَانُوا قَوْمًا عَالِينَ(46)

 Kay Paraon at sa kanyang mga punong kawal, datapuwa’t sila ay nagsikilos nang magaspang at sila ay mga tao na mapagpaimbabaw (sa pagsuway sa kanilang Panginoon at ang pagmamataas nila nang labis sa Tagapagbalita at kay Allah)

فَقَالُوا أَنُؤْمِنُ لِبَشَرَيْنِ مِثْلِنَا وَقَوْمُهُمَا لَنَا عَابِدُونَ(47)

 Sila ay nagsabi: “Kami baga ay maniniwala sa dalawang tao (lalaki) na katulad namin, ang kanilang mga tao ay sumusunod sa amin ng may kapakumbabaan (at aming ginagamit sila upang paglingkuran kami sa aming kagustuhan).”

فَكَذَّبُوهُمَا فَكَانُوا مِنَ الْمُهْلَكِينَ(48)

 Kaya’t kapwa nila itinakwil sila (Moises at Aaron), at sila (mga tao ni Paraon) ay napasama sa mga winasak

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ(49)

 At katotohanang ipinagkaloob Namin kay Moises ang Kasulatan, upang sila ay mapatnubayan

وَجَعَلْنَا ابْنَ مَرْيَمَ وَأُمَّهُ آيَةً وَآوَيْنَاهُمَا إِلَىٰ رَبْوَةٍ ذَاتِ قَرَارٍ وَمَعِينٍ(50)

 At ginawa Namin ang anak ni Maria (si Hesus) at ang kanyang ina bilang isang Tanda, at Aming binigyan sila ng kublihan sa mataas na lupa, bilang lugar ng kapahingahan, katiwasayan, at mga dumadaloy na batis

يَا أَيُّهَا الرُّسُلُ كُلُوا مِنَ الطَّيِّبَاتِ وَاعْمَلُوا صَالِحًا ۖ إِنِّي بِمَا تَعْمَلُونَ عَلِيمٌ(51)

 “O (kayong) mga Tagapagbalita! Kumain kayo ng Tayyibat (lahat ng uri ng Halal [legal o pinahihintulutang] pagkain na ginawa ni Allah), at magsigawa ng kabutihan. Katotohanan! Ako ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa

وَإِنَّ هَٰذِهِ أُمَّتُكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَأَنَا رَبُّكُمْ فَاتَّقُونِ(52)

 At katotohanan! Ang relihiyon ninyong ito (ang Islam at Kaisahan ni Allah) ay isang relihiyon, at Ako ang inyong Panginoon, kaya’t panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Akin

فَتَقَطَّعُوا أَمْرَهُم بَيْنَهُمْ زُبُرًا ۖ كُلُّ حِزْبٍ بِمَا لَدَيْهِمْ فَرِحُونَ(53)

 Datapuwa’t sila (mga tao) ay bumuwag (sumira) sa kanilang relihiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang sekta, at ang bawat pangkat ay nagsasaya sa kanilang maling pananampalataya

فَذَرْهُمْ فِي غَمْرَتِهِمْ حَتَّىٰ حِينٍ(54)

 Kaya’t panandaliang hayaan sila sa kanilang kamalian

أَيَحْسَبُونَ أَنَّمَا نُمِدُّهُم بِهِ مِن مَّالٍ وَبَنِينَ(55)

 Sila ba ay nag-aakala na Aming pinagpala sila sa kayamanan at mga anak

نُسَارِعُ لَهُمْ فِي الْخَيْرَاتِ ۚ بَل لَّا يَشْعُرُونَ(56)

 dagliang ipinagkaloob Namin sa kanila ang magagandang bagay (sa makamundong buhay na ito upang sila ay walang makamtam na mabuting bagay sa Kabilang Buhay)? Hindi, datapuwa’t hindi nila ito napag-aakala

إِنَّ الَّذِينَ هُم مِّنْ خَشْيَةِ رَبِّهِم مُّشْفِقُونَ(57)

 Katotohanan! Sila na namumuhay ng may pangingimi sa pangangamba sa kanilang Panginoon

وَالَّذِينَ هُم بِآيَاتِ رَبِّهِمْ يُؤْمِنُونَ(58)

 At sila na naniniwala sa Ayat (mga aral, talata, katibayan, tanda, atbp.) ng kanilang Panginoon

وَالَّذِينَ هُم بِرَبِّهِمْ لَا يُشْرِكُونَ(59)

 At sila na hindi nagtatambal ng anupaman (sa pagsamba) bilang karibal sa kanilang Panginoon

وَالَّذِينَ يُؤْتُونَ مَا آتَوا وَّقُلُوبُهُمْ وَجِلَةٌ أَنَّهُمْ إِلَىٰ رَبِّهِمْ رَاجِعُونَ(60)

 Atsilananagbibigayngkanilangkawanggawa nang taos sa kanilang puso, na puspos ng pangangamba, sapagkat sila ay nakakatiyak nang pagbabalik sa kanilang Panginoon (sa pagsusulit)

أُولَٰئِكَ يُسَارِعُونَ فِي الْخَيْرَاتِ وَهُمْ لَهَا سَابِقُونَ(61)

 Sila ang nag-uunahan sa mabubuting gawa, at sila ang tampok sa kanila (halimbawa, sa pagsasagawa ng palagiang pagdarasal sa takdang oras)

وَلَا نُكَلِّفُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا ۖ وَلَدَيْنَا كِتَابٌ يَنطِقُ بِالْحَقِّ ۚ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ(62)

 At hindi Kami naggagawad (o sumusubok) sa sinumang tao maliban sa maaabot ng kanyang kakayahan, at nasa sa Amin ang isang Talaan na nagsasabi ng katotohanan, at sila ay hindi mapapalungi

بَلْ قُلُوبُهُمْ فِي غَمْرَةٍ مِّنْ هَٰذَا وَلَهُمْ أَعْمَالٌ مِّن دُونِ ذَٰلِكَ هُمْ لَهَا عَامِلُونَ(63)

 Hindi, datapuwa’t ang kanilang puso ay nababalutan (bulag) sa pag-unawa nito (ang Qur’an), at sila ay may iba pang (masasamang) gawa maliban pa rito, na kanilang ginagawa

حَتَّىٰ إِذَا أَخَذْنَا مُتْرَفِيهِم بِالْعَذَابِ إِذَا هُمْ يَجْأَرُونَ(64)

 Hanggang nang saklutin Namin ang iba sa kanila na nagtatamasa ng marangyang buhay, ng Aming kaparusahan, pagmasdan! Sila ay gumagawa ng mapagpakumbabang panalangin sa malakas na tinig

لَا تَجْأَرُوا الْيَوْمَ ۖ إِنَّكُم مِّنَّا لَا تُنصَرُونَ(65)

 Huwag kayong manikluhod sa malakas na tinig sa araw na ito! Katiyakang kayo ay hindi Namin tutulungan (diringgin)

قَدْ كَانَتْ آيَاتِي تُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ فَكُنتُمْ عَلَىٰ أَعْقَابِكُمْ تَنكِصُونَ(66)

 Katotohanan, ang Aming mga Talata (noon pa man) ay dinadalit na sa inyo, datapuwa’t kayo ay tumatalikod sa inyong sakong (nagtatakwil sa kanila, at may poot na pakinggan sila)

مُسْتَكْبِرِينَ بِهِ سَامِرًا تَهْجُرُونَ(67)

 Sa kapalaluan (sila, ang mga paganong Quraish at mga mapagsamba sa diyus-diyosan sa Makkah na nagmamagaling sapagkat sila ay naninirahan sa santuwaryo ng Makkah - ang Haram), at nangungusap ng kasamaan tungkol dito (ang Qur’an) sa gabi

أَفَلَمْ يَدَّبَّرُوا الْقَوْلَ أَمْ جَاءَهُم مَّا لَمْ يَأْتِ آبَاءَهُمُ الْأَوَّلِينَ(68)

 Hindi baga sila namamangha sa Salita (ni Allah, na ipinahayag Niya sa Propeta), o may dumating kaya sa kanila na hindi dumating sa kanilang mga ninuno

أَمْ لَمْ يَعْرِفُوا رَسُولَهُمْ فَهُمْ لَهُ مُنكِرُونَ(69)

 O ito ba’y sa dahilang hindi nila nakilala ang kanilang Tagapagbalita (na si Muhammad), kaya’t kanilang itinatakwil siya

أَمْ يَقُولُونَ بِهِ جِنَّةٌ ۚ بَلْ جَاءَهُم بِالْحَقِّ وَأَكْثَرُهُمْ لِلْحَقِّ كَارِهُونَ(70)

 o sila ba ay nagsasabi: “Mayroong kabaliwan sa kanya?” Hindi, datapuwa’t ipinahayag niya sa kanila ang Katotohanan (alalaong baga, ang Tauhid, ang sumamba lamang ng tangi kay Allah, ang manalig sa Qur’an, sa Relihiyon ng Islam), subalit ang karamihan sa kanila ay umaayaw sa katotohanan

وَلَوِ اتَّبَعَ الْحَقُّ أَهْوَاءَهُمْ لَفَسَدَتِ السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ وَمَن فِيهِنَّ ۚ بَلْ أَتَيْنَاهُم بِذِكْرِهِمْ فَهُمْ عَن ذِكْرِهِم مُّعْرِضُونَ(71)

 At kung ang Katotohanan ay naging sang- ayon sa kanilang ninanasa, katotohanan, ang kalangitan at kalupaan, at anumang bagay na nasa pagitan nito ay magiging kabulukan (tiwali)! Hindi, ipinarating Namin sa kanila ang kanilang Paala-ala, datapuwa’t nagsitalikod sila sa kanilang Paala-ala

أَمْ تَسْأَلُهُمْ خَرْجًا فَخَرَاجُ رَبِّكَ خَيْرٌ ۖ وَهُوَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ(72)

 o dili kaya, ikaw ba (o Muhammad) ay nanghihingi sa kanila ng ilang bayad? Datapuwa’t ang kabayaran ng iyong Panginoon ay higit na mainam, at Siya ang Pinakamainam sa lahat ng nagkakaloob ng pabuya

وَإِنَّكَ لَتَدْعُوهُمْ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُّسْتَقِيمٍ(73)

 At katiyakan na ikaw (o Muhammad) ay nanawagan sa kanila sa Matuwid na Landas (Tunay na Relihiyon – ang Islam at Kaisahan ni Allah)

وَإِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ عَنِ الصِّرَاطِ لَنَاكِبُونَ(74)

 At katotohanan, ang mga hindi nananampalataya sa Kabilang Buhay ay katiyakang lumilihis sa malayong pagkaligaw sa Landas (Tunay na relihiyon – ang Islam)

۞ وَلَوْ رَحِمْنَاهُمْ وَكَشَفْنَا مَا بِهِم مِّن ضُرٍّ لَّلَجُّوا فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ(75)

 At bagama’t Aming iginawad ang Habag sa kanila at Aming hinango sila sa kapighatian na taglay nila, magkagayunman, katotohanang sila ay lantarang nagpapatuloy sa kanilang paglabag (sa utos), na naglilibot ng bulag

وَلَقَدْ أَخَذْنَاهُم بِالْعَذَابِ فَمَا اسْتَكَانُوا لِرَبِّهِمْ وَمَا يَتَضَرَّعُونَ(76)

 At katotohanang sila ay sinaklot Namin ng kaparusahan, datapuwa’t sila ay hindi nagpakumbaba sa kanilang Panginoon, gayundin naman ay hindi sila lumuhog (kay Allah) ng may pagsuko sa Kanya

حَتَّىٰ إِذَا فَتَحْنَا عَلَيْهِم بَابًا ذَا عَذَابٍ شَدِيدٍ إِذَا هُمْ فِيهِ مُبْلِسُونَ(77)

 Hanggang nang Aming buksan sa kanila ang tarangkahan ng matinding kaparusahan, at pagmasdan! Sila ay ilulubog sa pagkawasak ng may matinding pagsisisi, dalamhati at kawalang pag-asa

وَهُوَ الَّذِي أَنشَأَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۚ قَلِيلًا مَّا تَشْكُرُونَ(78)

 Siya (Allah) ang lumikha sa inyo ng (senso ng) pandinig (tainga), paningin (mata), at puso (pang-unawa). Kakarampot na pasasalamat (lamang) ang inyong isinusukli

وَهُوَ الَّذِي ذَرَأَكُمْ فِي الْأَرْضِ وَإِلَيْهِ تُحْشَرُونَ(79)

 At Siya ang lumikha sa inyo sa kalupaan, at kayo sa Kanya ay muling titipunin

وَهُوَ الَّذِي يُحْيِي وَيُمِيتُ وَلَهُ اخْتِلَافُ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ(80)

 At Siya ang nagkakaloob ng buhay at Siya rin ang naggagawad ng kamatayan, at sa Kanya (ang kapamahalaan) nang pagsasalisihan ng gabi at araw. Hindi baga kayo nakakaunawa

بَلْ قَالُوا مِثْلَ مَا قَالَ الْأَوَّلُونَ(81)

 Hindi, datapuwa’t sila ay nagsasabi ng katulad nang mga sinasabi ng mga tao ng panahong sinauna

قَالُوا أَإِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ(82)

 Sila ay nagsasabi: “Kung kami ba ay patay na at naging alabok at mga buto, katiyakan bang kami ay muling ibabangon?”

لَقَدْ وُعِدْنَا نَحْنُ وَآبَاؤُنَا هَٰذَا مِن قَبْلُ إِنْ هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ(83)

 “Katotohanang ito ang ipinangako sa amin, kami at ng aming mga ninuno na una pa (sa amin). Ito ay isa lamang sa mga kathang isip ng sinaunang panahon!”

قُل لِّمَنِ الْأَرْضُ وَمَن فِيهَا إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ(84)

 Ipagbadya: “Kanino ang kalupaan at anu-ano ang nakapaloob dito? Kung inyong nalalaman?”

سَيَقُولُونَ لِلَّهِ ۚ قُلْ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ(85)

 Sila ay magsasabi: “Ito ay kay Allah!” Ipagbadya: “Hindi baga kayo makakaala-ala?”

قُلْ مَن رَّبُّ السَّمَاوَاتِ السَّبْعِ وَرَبُّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ(86)

 Ipagbadya: “Sino ang Panginoon ng pitong kalangitan, at ang Panginoon ng dakilang Luklukan?”

سَيَقُولُونَ لِلَّهِ ۚ قُلْ أَفَلَا تَتَّقُونَ(87)

 Sila ay magsasabi: “Si Allah”. Ipagbadya: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah (ang manalig sa Kanyang Kaisahan, sundin Siya, maniwala sa Muling Pagkabuhay at Kabayaran sa bawat isa at lahat ng mabuti at masamang gawa)?”

قُلْ مَن بِيَدِهِ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيْءٍ وَهُوَ يُجِيرُ وَلَا يُجَارُ عَلَيْهِ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ(88)

 Ipagbadya: “Nasa Kaninong Kamay ang kapamahalaan ng lahat ng bagay (alalaong baga, ang kayamanan ng isa at lahat ng bagay)? At Siya ang nangangalaga sa (lahat), datapuwa’t Siya ay walang tagapangalaga ([laban sa Kanya], alalaong baga, kung gusto Niyang magligtas, walang makakapagparusa o makakapinsala sa kanya, at kung si Allah ay magparusa o puminsala sa sinuman, walang makapagliligtas sa kanya

سَيَقُولُونَ لِلَّهِ ۚ قُلْ فَأَنَّىٰ تُسْحَرُونَ(89)

 Sila ay magsasabi: “(Ang lahat) ay nasa pag-aangkin ni Allah.” Ipagbadya: “Paano kayo kung gayon nalinlang at tumalikod sa katotohanan?”

بَلْ أَتَيْنَاهُم بِالْحَقِّ وَإِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ(90)

 Hindi, datapuwa’t ipinarating Namin sa kanila ang Katotohanan (ang Islam at Kaisahan ni Allah), at katotohanang sila (ang mga hindi sumasampalataya) ay mga sinungaling

مَا اتَّخَذَ اللَّهُ مِن وَلَدٍ وَمَا كَانَ مَعَهُ مِنْ إِلَٰهٍ ۚ إِذًا لَّذَهَبَ كُلُّ إِلَٰهٍ بِمَا خَلَقَ وَلَعَلَا بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ(91)

 walang anak na lalaki (o supling, o mga anak) ang ipinanganak ni Allah, gayundin ay wala ng ibang Ilah (diyos) na kasama Niya; (at kung mayroon mang iba pang diyos), pagmasdan, ang bawat diyos ay kukuha sa anumang kanyang nilikha, at ang iba ay magpipilit na madaig ang iba! Maluwalhati si Allah nang higit sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya

عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ(92)

 Ang Lubos na Nakakaalam ng mga nalilingid at nakalantad! Higit siyang Mataas sa lahat ng mga itinatambal nila na kasama sa Kanya

قُل رَّبِّ إِمَّا تُرِيَنِّي مَا يُوعَدُونَ(93)

 Ipagbadya (O Muhammad): “Aking Panginoon! Kung Inyo sanang ipamamalas sa akin ang bagay na sa kanila ay ibinabanta (kaparusahan)

رَبِّ فَلَا تَجْعَلْنِي فِي الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ(94)

 “Aking Panginoon! Kaya’t (ako ay iligtas Ninyo sa Inyong kaparusahan), at ako ay huwag Ninyong ibilang sa mga tao na Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, atbp)

وَإِنَّا عَلَىٰ أَن نُّرِيَكَ مَا نَعِدُهُمْ لَقَادِرُونَ(95)

 At katotohanang magagawa Naming ipamalas sa iyo (o Muhammad) ang bagay na Aming ibinabanta sa kanila

ادْفَعْ بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ السَّيِّئَةَ ۚ نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَصِفُونَ(96)

 (Na) salansangin ang kasamaan sa bagay na higit na mabuti. Kami ay Ganap na Nakakatalos sa lahat nilang ipinahahayag

وَقُل رَّبِّ أَعُوذُ بِكَ مِنْ هَمَزَاتِ الشَّيَاطِينِ(97)

 At ipagbadya: “Aking Panginoon! Ako ay napapakalinga sa Inyo sa mga ibinubulong (inuulot) ng mga demonyo

وَأَعُوذُ بِكَ رَبِّ أَن يَحْضُرُونِ(98)

 At ako ay napapakalinga sa Inyo, aking Panginoon!, baka sila ay gumanyak (o lumapit) sa akin.”

حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَحَدَهُمُ الْمَوْتُ قَالَ رَبِّ ارْجِعُونِ(99)

 Hanggang (nang) ang kamatayan ay sumapit sa isa sa kanila (sila na nagtatambal ng kapangkat o karibal kay Allah), siya ay nagsasabi: “Aking Panginoon! Ako ay ibalik Ninyong muli

لَعَلِّي أَعْمَلُ صَالِحًا فِيمَا تَرَكْتُ ۚ كَلَّا ۚ إِنَّهَا كَلِمَةٌ هُوَ قَائِلُهَا ۖ وَمِن وَرَائِهِم بَرْزَخٌ إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ(100)

 Upang ako ay makagawa ng kabutihan sa mga bagay na aking naiwan!” Hindi, ito ay isa lamang salita na kanyang ipinangungusap, at sa likuran nila ay may Barzakh (isang hadlang), hanggang sa Araw na sila ay muling ibabangon

فَإِذَا نُفِخَ فِي الصُّورِ فَلَا أَنسَابَ بَيْنَهُمْ يَوْمَئِذٍ وَلَا يَتَسَاءَلُونَ(101)

 At kung ang Tambuli ay mahipan, walang magiging pagkakamag-anak sa pagitan nila sa Araw na ito, gayundin, sila ay hindi magtatanungan sa isa’t isa

فَمَن ثَقُلَتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ(102)

 At sila na ang timbangan (ng mabuting gawa) ay mabigat, - sila, sila ang matatagumpay

وَمَنْ خَفَّتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنفُسَهُمْ فِي جَهَنَّمَ خَالِدُونَ(103)

 At sila na ang timbangan (ng mabuting gawa) ay magaan, - sila yaong ipinatalo nila ang kanilang sarili, - sa Impiyerno sila ay mananatili

تَلْفَحُ وُجُوهَهُمُ النَّارُ وَهُمْ فِيهَا كَالِحُونَ(104)

 Ang Apoy ay susunog sa kanilang mukha, at dito sila ay magsisingiti, ng may nakalihis na mga labi (masamang anyo)

أَلَمْ تَكُنْ آيَاتِي تُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ فَكُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ(105)

 “Hindi baga ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay dinadalit sa inyo, at kayo ay (lagi nang) nagtatakwil dito?”

قَالُوا رَبَّنَا غَلَبَتْ عَلَيْنَا شِقْوَتُنَا وَكُنَّا قَوْمًا ضَالِّينَ(106)

 Sila ay magsasabi: “Aming Panginoon! Ang aming kabuktutan ay nakapanaig sa amin, at kami ay mga palasuway na tao.”

رَبَّنَا أَخْرِجْنَا مِنْهَا فَإِنْ عُدْنَا فَإِنَّا ظَالِمُونَ(107)

 “Aming Panginoon! Kami ay hanguin Ninyo rito, at kung kami ay sakaling magbalik sa kasamaan, katotohanang kami ay Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, atbp)

قَالَ اخْسَئُوا فِيهَا وَلَا تُكَلِّمُونِ(108)

 Siya (Allah) ay magwiwika: “Manatili kayo riyan sa pagdurusa! At huwag kayong mangusap sa Akin!”

إِنَّهُ كَانَ فَرِيقٌ مِّنْ عِبَادِي يَقُولُونَ رَبَّنَا آمَنَّا فَاغْفِرْ لَنَا وَارْحَمْنَا وَأَنتَ خَيْرُ الرَّاحِمِينَ(109)

 Katotohanan! Mayroong mga pangkat ng Aking mga alipin ang lagi nang nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay sumasampalataya, kaya’t patawarin kami, at gawaran kami ng habag, sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa lahat ng nagpapamalas ng Habag!”

فَاتَّخَذْتُمُوهُمْ سِخْرِيًّا حَتَّىٰ أَنسَوْكُمْ ذِكْرِي وَكُنتُم مِّنْهُمْ تَضْحَكُونَ(110)

 Datapuwa’t sila ay itinuring ninyo na katatawanan, na naging dahilan upang inyong makalimutan ang Pag-aala-ala sa Akin habang kayo ay nanglilibak sa kanila

إِنِّي جَزَيْتُهُمُ الْيَوْمَ بِمَا صَبَرُوا أَنَّهُمْ هُمُ الْفَائِزُونَ(111)

 Katotohanan! Ako ay nagkaloob sa kanila ng gantimpala sa Araw na ito dahilan sa kanilang pagtitiyaga, katotohanang sila ang matatagumpay

قَالَ كَمْ لَبِثْتُمْ فِي الْأَرْضِ عَدَدَ سِنِينَ(112)

 Siya (Allah) ay magwiwika: “Ilang taon ba kayong nanatili sa lupa?”

قَالُوا لَبِثْنَا يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ فَاسْأَلِ الْعَادِّينَ(113)

 Sila ay magsasabi: “Kami ay nanatili ng isang araw o bahagi ng isang araw. Tanungin ang mga nagtatala.”

قَالَ إِن لَّبِثْتُمْ إِلَّا قَلِيلًا ۖ لَّوْ أَنَّكُمْ كُنتُمْ تَعْلَمُونَ(114)

 Siya (Allah) ay magwiwika: “Nanatili lamang kayo nang sandali, - kung inyo lamang nalalaman!”

أَفَحَسِبْتُمْ أَنَّمَا خَلَقْنَاكُمْ عَبَثًا وَأَنَّكُمْ إِلَيْنَا لَا تُرْجَعُونَ(115)

 “Napag-aakala ba ninyo na Aming nilikha lamang kayo sa paglalaro (na walang layunin), at kayo ay hindi muling magbabalik sa Amin?”

فَتَعَالَى اللَّهُ الْمَلِكُ الْحَقُّ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ الْعَرْشِ الْكَرِيمِ(116)

 Higit na Kataas-taasan si Allah, ang tunay na Hari, La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Panginoon ng Mataas na Luklukan

وَمَن يَدْعُ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ لَا بُرْهَانَ لَهُ بِهِ فَإِنَّمَا حِسَابُهُ عِندَ رَبِّهِ ۚ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الْكَافِرُونَ(117)

 At sinuman ang tumawag (o sumamba) sa iba pang diyos maliban kay Allah, na roon siya ay walang katibayan, kung gayon, ang kanyang pagsusulit ay tanging sa kanyang Panginoon lamang. Katotohanan! Ang Al-Kafirun (ang mga hindi sumasampalataya, pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, atbp.) ay hindi magsisipagtagumpay

وَقُل رَّبِّ اغْفِرْ وَارْحَمْ وَأَنتَ خَيْرُ الرَّاحِمِينَ(118)

 At ipagbadya (o Muhammad): “Aking Panginoon! Magkaloob Kayo ng pagpapatawad at habag! Sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa mga nagpapamalas ng habag!”


Больше сур в Филиппинский:


Аль-Бакара Аль-'Имран Ан-Ниса'
Аль-Маида Юсуф Ибрахим
Аль-Хиджр Аль-Кахф Марьям
Аль-Хадж Аль-Касас Аль-'Анкабут
Ас-Саджда Я-Син Ад-Духан
Аль-Фатх Аль-Худжурат Каф
Ан-Наджм Ар-Рахман Аль-Ваки'а
Аль-Хашр Аль-Мульк Аль-Хакка
Аль-Иншикак Аль-А'ла Аль-Гашия

Скачать суру Al-Muminun с голосом самых известных рекитаторов Корана:

Сура Al-Muminun mp3: выберите рекитатора, чтобы прослушать и скачать главу Al-Muminun полностью в высоком качестве
surah Al-Muminun Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Al-Muminun Bandar Balila
Bandar Balila
surah Al-Muminun Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Al-Muminun Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Al-Muminun Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Al-Muminun Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Al-Muminun Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Al-Muminun Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Al-Muminun Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Al-Muminun Fares Abbad
Fares Abbad
surah Al-Muminun Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Al-Muminun Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Al-Muminun Al Hosary
Al Hosary
surah Al-Muminun Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Al-Muminun Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Saturday, January 18, 2025

Помолитесь за нас хорошей молитвой