Ali İmran suresi çevirisi Filipince

  1. Suresi mp3
  2. Başka bir sure
  3. Filipince
Kuranı Kerim türkçe meali | Kur'an çevirileri | Filipince dili | Ali İmran Suresi | آل عمران - Ayet sayısı 200 - Moshaf'taki surenin numarası: 3 - surenin ingilizce anlamı: The Family of Imraan.

الم(1)

 Alif, Lam, Mim (mga titik A, La, Ma)

اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ(2)

 Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang may Walang Hanggang Buhay, ang Tanging Isa na nagtataguyod at nangangalaga sa lahat ng mga nilalang

نَزَّلَ عَلَيْكَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ مُصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ وَأَنزَلَ التَّوْرَاةَ وَالْإِنجِيلَ(3)

 Siya (Allah) ang nagpapanaog ng Aklat (ang Qur’an) sa iyo (o Muhammad) ng may katotohanan, na nagpapatotoo sa mga ipinahayag noong pang una. At Siya ang nagpapanaog ng Torah (mga Batas) at ng Ebanghelyo

مِن قَبْلُ هُدًى لِّلنَّاسِ وَأَنزَلَ الْفُرْقَانَ ۗ إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ ذُو انتِقَامٍ(4)

 Noong pang una, bilang patnubay sa sangkatauhan, at ipinanaog Niya ang Pamantayan (ng paghatol sa pagitan ng matuwid at mali, ang Qur’an). Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya sa Ayat (mga aral, katibayan, kapahayagan, tanda, atbp.) ni Allah, sa kanila ay mayroong isang kasakit-sakit na kaparusahan; at si Allah ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Ganap na Nakakapangyari sa Pagpaparusa

إِنَّ اللَّهَ لَا يَخْفَىٰ عَلَيْهِ شَيْءٌ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ(5)

 Katotohanan! walang nalilingid kay Allah maging sa kalupaan at sa mga kalangitan

هُوَ الَّذِي يُصَوِّرُكُمْ فِي الْأَرْحَامِ كَيْفَ يَشَاءُ ۚ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(6)

 Siya ang humubog sa inyo sa sinapupunan (ng ina) sa Kanyang maibigan. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Puspos ng Kapangyarihan, ang Tigib ng Kaalaman

هُوَ الَّذِي أَنزَلَ عَلَيْكَ الْكِتَابَ مِنْهُ آيَاتٌ مُّحْكَمَاتٌ هُنَّ أُمُّ الْكِتَابِ وَأُخَرُ مُتَشَابِهَاتٌ ۖ فَأَمَّا الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ زَيْغٌ فَيَتَّبِعُونَ مَا تَشَابَهَ مِنْهُ ابْتِغَاءَ الْفِتْنَةِ وَابْتِغَاءَ تَأْوِيلِهِ ۗ وَمَا يَعْلَمُ تَأْوِيلَهُ إِلَّا اللَّهُ ۗ وَالرَّاسِخُونَ فِي الْعِلْمِ يَقُولُونَ آمَنَّا بِهِ كُلٌّ مِّنْ عِندِ رَبِّنَا ۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّا أُولُو الْأَلْبَابِ(7)

 Siya ang nagpapanaog sa iyo (o Muhammad) ng Aklat (ang Qur’an). Dito ay may mga Talata na ganap na maliwanag; ito ang mga pangunahing haligi ng Aklat (ito ang mga talata ng Al Ahkam [mga Kautusan, atbp.], Al Fara’id [mga katungkulang gawain], at Al Hudud [mga legal na batas para sa kaparusahan ng mga magnanakaw, mapangalunya, atbp.]), at ng mga iba pa na hindi lubhang maliwanag (alalaong baga, ang iba ay binigyang paliwanag ni Propeta Muhammad, ang ibang kahulugan naman ay natutuklasan sa patuloy na pag-unlad ng agham at teknolohiya, at ang iba ay tanging si Allah lamang ang nakakatalos). Kaya’t sa mga iba, na sa kanilang puso ay mayroong pagkalihis (sa katotohanan), sila ay sumusunod sa bagay na hindi ganap na maliwanag, na naghahangad ng Al-Fitnah (pagsamba sa maraming diyus-diyosan, mga pagsubok, atbp.), at naghahanap sa kanyang (Al-Qur’an) nalilingid na kahulugan, datapuwa’t walang sinuman ang nakakabatid ng mga ito maliban kay Allah. Ang mga matatatagsapananangansakarununganaynagsasabi:“Kami ay sumasampalataya rito; sa kabuuan nito (sa maliwanag at hindi maliwanag na mga Talata), na (ito) ay nagmula sa aming Panginoon.” At walang sinuman ang nakakatanggap ng paala-ala maliban sa mga tao na may pang-unawa

رَبَّنَا لَا تُزِغْ قُلُوبَنَا بَعْدَ إِذْ هَدَيْتَنَا وَهَبْ لَنَا مِن لَّدُنكَ رَحْمَةً ۚ إِنَّكَ أَنتَ الْوَهَّابُ(8)

 (Sila ay nagsasabi): “Aming Panginoon! Huwag (Ninyong) hayaan na ang aming puso ay lumihis (sa katotohanan) matapos na kami ay Inyong patnubayan, at kami ay gawaran Ninyo ng habag mula sa Inyo; katotohanang Kayo ang Tagapagkaloob.”

رَبَّنَا إِنَّكَ جَامِعُ النَّاسِ لِيَوْمٍ لَّا رَيْبَ فِيهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُخْلِفُ الْمِيعَادَ(9)

 “Aming Panginoon! Katotohanang Kayo ang magtitipon sa sangkatauhan nang sama-sama sa Araw na walang alinlangan. Katotohanang si Allah ay hindi kailanman sumisira sa Kanyang pangako.”

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَن تُغْنِيَ عَنْهُمْ أَمْوَالُهُمْ وَلَا أَوْلَادُهُم مِّنَ اللَّهِ شَيْئًا ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمْ وَقُودُ النَّارِ(10)

 Katotohanan, sa mga hindi sumasampalataya, ang kanilang mga ari-arian, gayundin ang kanilang mga anak ay hindi makakatulong sa kanila sa anumang (pagnanais) laban kay Allah; at sila ang magiging panggatong sa Apoy

كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ وَالَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ ۗ وَاللَّهُ شَدِيدُ الْعِقَابِ(11)

 (Ang kanilang pag-uugali) ay katulad ng mga tao ni Paraon at ng mga nangauna sa kanila; sila ay nagpasinungaling sa Aming Ayat (mga aral, tanda, katibayan, kapahayagan, atbp.), kaya’t sinakmal (winasak) sila ni Allah dahil sa kanilang kasamaan. At si Allah ay Mahigpit sa Kaparusahan

قُل لِّلَّذِينَ كَفَرُوا سَتُغْلَبُونَ وَتُحْشَرُونَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ ۚ وَبِئْسَ الْمِهَادُ(12)

 Ipagbadya (o Muhammad) sa mga hindi sumasampalataya: “Kayo ay magagapi at titipunin nang sama-sama sa Impiyerno, at tunay namang kasuklam-suklam ang pook na ito upang panahanan.”

قَدْ كَانَ لَكُمْ آيَةٌ فِي فِئَتَيْنِ الْتَقَتَا ۖ فِئَةٌ تُقَاتِلُ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَأُخْرَىٰ كَافِرَةٌ يَرَوْنَهُم مِّثْلَيْهِمْ رَأْيَ الْعَيْنِ ۚ وَاللَّهُ يُؤَيِّدُ بِنَصْرِهِ مَن يَشَاءُ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِّأُولِي الْأَبْصَارِ(13)

 Mayroon na (ngang) naging Tanda sa inyo (O mga Hudyo) sa dalawang pangkat ng sandatahan na nagkatagpo (sa paglalaban, alalaong baga, sa digmaan ng Badr); ang isa ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ni Allah, at ang iba, (sila) ay mga hindi sumasampalataya. Sila (na mga sumasampalataya) ay nakamalas sa kanila (na hindi sumasampalataya) sa kanilang sariling mga mata na dalawang ulit na higit na marami ang kanilang bilang (bagama’t sa katotohanan ay tatlong ulit na marami). At si Allah ang nagbibigay ng tulong na kalakip ang Kanyang Tagumpay sa sinumang Kanyang maibigan. Katotohanang naririto ang aral sa mga (tao) na may pang-unawa

زُيِّنَ لِلنَّاسِ حُبُّ الشَّهَوَاتِ مِنَ النِّسَاءِ وَالْبَنِينَ وَالْقَنَاطِيرِ الْمُقَنطَرَةِ مِنَ الذَّهَبِ وَالْفِضَّةِ وَالْخَيْلِ الْمُسَوَّمَةِ وَالْأَنْعَامِ وَالْحَرْثِ ۗ ذَٰلِكَ مَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَاللَّهُ عِندَهُ حُسْنُ الْمَآبِ(14)

 Maganda para sa kalalakihan (o sangkatauhan) ang pagmamahal sa mga bagay na kanilang hinahangad; mga babae, mga anak, higit na maraming mga ginto at pilak (kayamanan), mga magagandang kabayo, mga bakahan at mga sakahing lupa. Ito ang kaligayahan ng pangkasalukuyang mundo; datapuwa’t si Allah ay may mahusay na Sukli (ang Paraiso na may mga ilog na nagsisidaloy) na nasa sa Kanya

۞ قُلْ أَؤُنَبِّئُكُم بِخَيْرٍ مِّن ذَٰلِكُمْ ۚ لِلَّذِينَ اتَّقَوْا عِندَ رَبِّهِمْ جَنَّاتٌ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا وَأَزْوَاجٌ مُّطَهَّرَةٌ وَرِضْوَانٌ مِّنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِالْعِبَادِ(15)

 Ipagbadya: “Ipapaalam ko ba sa inyo ang mga bagay na higit na mainam dito? Para sa Al Muttaqun (mga matimtiman, mabubuti at banal na tao), ay mayroong halamanan (Paraiso) sa kanilang Panginoon, na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy. Naririto (ang kanilang) walang hanggang (tahanan) at mga dalisay na asawa (alalaong baga, sila ay walang regla, ihi o dumi, atbp.), at si Allah ay lubos na nalulugod sa kanila. At si Allah ang Ganap na Nakakamasid sa (Kanyang) mga alipin

الَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا إِنَّنَا آمَنَّا فَاغْفِرْ لَنَا ذُنُوبَنَا وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ(16)

 Sila na nagsasabi: “Aming Panginoon! Katotohanang kami ay sumampalataya, kaya’t kami ay patawarin Ninyo sa aming mga kasalanan at (Inyong) iligtas kami sa kaparusahan ng Apoy.”

الصَّابِرِينَ وَالصَّادِقِينَ وَالْقَانِتِينَ وَالْمُنفِقِينَ وَالْمُسْتَغْفِرِينَ بِالْأَسْحَارِ(17)

 (Sila ang) matimtiman sa pagtitiyaga, ang mga tapat (sa Pananalig, sa salita at gawa), ang masunurin na may matapat na debosyon sa pagsamba kay Allah. Ang mga gumugugol (na nagbibigay ng Zakah [katungkulang kawanggawa], at mga tulong sa Kapakanan ni Allah) at mga nananalangin at humihingi ng kapatawaran ni Allah sa mga huling oras ng gabi

شَهِدَ اللَّهُ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ وَالْمَلَائِكَةُ وَأُولُو الْعِلْمِ قَائِمًا بِالْقِسْطِ ۚ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(18)

 Si Allah ang nagpapatotoo ng La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), at ang mga Anghel, at sila na mayroong karunungan (ay nagbibigay din ng ganitong pagpapatotoo); (lagi Niyang) pinapanatili ang Kanyang Katarungan sa (Kanyang) mga nilikha. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang Diyos maliban sa Kanya [alalaong baga, walang sinuman ang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya]), ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Ganap na Maalam

إِنَّ الدِّينَ عِندَ اللَّهِ الْإِسْلَامُ ۗ وَمَا اخْتَلَفَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ إِلَّا مِن بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ۗ وَمَن يَكْفُرْ بِآيَاتِ اللَّهِ فَإِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ(19)

 Katotohanan, ang pananampalataya sa Paningin ni Allah ay Islam.Ang mga pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay hindi nagkakahidwa, maliban (lamang) nang pagkaraang dumatal sa kanila ang karunungan, sa pamamagitan ng pananaghili at pagsuway sa kanilang sarili. At sinuman ang hindi manampalataya sa Ayat (mga aral, katibayan, kapahayagan, tanda, atbp.) ni Allah, kung gayon, katiyakang si Allah ay Maagap sa pagtawag sa Pagsusulit

فَإِنْ حَاجُّوكَ فَقُلْ أَسْلَمْتُ وَجْهِيَ لِلَّهِ وَمَنِ اتَّبَعَنِ ۗ وَقُل لِّلَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ وَالْأُمِّيِّينَ أَأَسْلَمْتُمْ ۚ فَإِنْ أَسْلَمُوا فَقَدِ اهْتَدَوا ۖ وَّإِن تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا عَلَيْكَ الْبَلَاغُ ۗ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِالْعِبَادِ(20)

 Kaya’t kung sila ay nakikipagtalo sa iyo (O Muhammad), iyong ipagbadya: “Ako ay nagsuko ng aking sarili kay Allah (sa Islam) at (gayundin) ang mga sumusunod sa akin.” At iyong sabihin sa kanila na pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) at sa mga mangmang (ang paganong Arabo): “Kayo rin ba ay nagsusuko ng inyong sarili (kay Allah sa Islam)?” Kung sila ay gumagawa (nito), sila ay matuwid na napapatnubayan; datapuwa’t kung sila ay nagtatakwil, ang iyong tungkulin ay iparating lamang ang Kapahayagan; at si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng (Kanyang) mga alipin

إِنَّ الَّذِينَ يَكْفُرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَيَقْتُلُونَ النَّبِيِّينَ بِغَيْرِ حَقٍّ وَيَقْتُلُونَ الَّذِينَ يَأْمُرُونَ بِالْقِسْطِ مِنَ النَّاسِ فَبَشِّرْهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ(21)

 Katotohanan! Ang mga hindi sumasampalataya sa Ayat (mga aral, kapahayagan, katibayan, tanda, atbp.) ni Allah at pumapatay sa Propeta ng walang katuwiran (karapatan), at pumapatay sa mga tao na nagtuturo ng makatarungang pakikitungo, ipahayag sa kanila ang kasakit-sakit na kaparusahan

أُولَٰئِكَ الَّذِينَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّاصِرِينَ(22)

 Sila (nga ang mga tao) na ang mga gawa ay mawawala sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at sila ay walang magiging kawaksi

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ أُوتُوا نَصِيبًا مِّنَ الْكِتَابِ يُدْعَوْنَ إِلَىٰ كِتَابِ اللَّهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٌ مِّنْهُمْ وَهُم مُّعْرِضُونَ(23)

 Hindi baga ninyo napagmamalas sila na pinagkalooban ng bahagi ng Kasulatan? Sila ay inanyayahan sa Aklat ni Allahupangpagpasyahanangkanilanghindipagkakasundo, (ngunit) may isang lipon sa kanila ang tumalikod, at sila ay sumasalungat (tumututol)

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوا لَن تَمَسَّنَا النَّارُ إِلَّا أَيَّامًا مَّعْدُودَاتٍ ۖ وَغَرَّهُمْ فِي دِينِهِم مَّا كَانُوا يَفْتَرُونَ(24)

 Ito’y sa dahilang sila ay nagsasabi: “AngApoy ay hindi didila sa amin maliban lamang sa ilang araw.” At ang mga nakahiratihan na nilang gawin (na bulaang gawa) tungkol sa kanilang pananampalataya ay luminlang sa kanila

فَكَيْفَ إِذَا جَمَعْنَاهُمْ لِيَوْمٍ لَّا رَيْبَ فِيهِ وَوُفِّيَتْ كُلُّ نَفْسٍ مَّا كَسَبَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ(25)

 Paano (kaya ang mangyayari) kung sila ay Aming tipunin (nang sama-sama sa Araw na walang alinlangan [ang Araw ng Muling Pagkabuhay]), at ang bawat tao ay babayaran nang ganap sa anumang kanyang kinita? At sila ay hindi pakikitunguhan ng walang katarungan

قُلِ اللَّهُمَّ مَالِكَ الْمُلْكِ تُؤْتِي الْمُلْكَ مَن تَشَاءُ وَتَنزِعُ الْمُلْكَ مِمَّن تَشَاءُ وَتُعِزُّ مَن تَشَاءُ وَتُذِلُّ مَن تَشَاءُ ۖ بِيَدِكَ الْخَيْرُ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(26)

 Ipagbadya (o Muhammad): “o Allah! Ang nag- aangkin ng Kaharian, Kayo ang nagkakaloob ng kaharian sa sinumang Inyong maibigan, at Kayo ang bumabawi sa kaharian sa sinumang Inyong maibigan, at Kayo ang naggagawad ng karangalan sa sinumang Inyong maibigan, at Kayo ang humahamak sa sinumang Inyong maibigan. Nasa sa Inyong mga Kamay ang mabuti. Katotohanang Kayo ay makakagawa ng lahat ng bagay

تُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَتُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ ۖ وَتُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَتُخْرِجُ الْمَيِّتَ مِنَ الْحَيِّ ۖ وَتَرْزُقُ مَن تَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ(27)

 Inyong ginawa na ang gabi ay pumasok (lumagom) sa araw (maghapon) at Inyong ginawa na ang araw (maghapon) ay pumasok (lumagom) sa gabi (alalaong baga, ang pagdaragdag at pagkabawas ng oras ng gabi at araw (maghapon) sa panahon ng taglamig at tag-init), Inyong pinalabas ang pagkabuhay (o nabubuhay) mula sa patay, at Kayo ang nagpalabas ng pagkamatay (o patay) mula sa pagkabuhay (o nabubuhay). At Kayo ang nagkakaloob ng Inyong yaman at panustos na walang pagbibilang (pasubali) sa sinumang Inyong maibigan”

لَّا يَتَّخِذِ الْمُؤْمِنُونَ الْكَافِرِينَ أَوْلِيَاءَ مِن دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۖ وَمَن يَفْعَلْ ذَٰلِكَ فَلَيْسَ مِنَ اللَّهِ فِي شَيْءٍ إِلَّا أَن تَتَّقُوا مِنْهُمْ تُقَاةً ۗ وَيُحَذِّرُكُمُ اللَّهُ نَفْسَهُ ۗ وَإِلَى اللَّهِ الْمَصِيرُ(28)

 Huwag hayaan na ang mga sumasampalataya ay tumangkilik sa mga hindi sumasampalataya bilang Auliya (tagapangalaga, katulong, kaibigan, atbp.) sa halip ng mga sumasampalataya, at sinuman ang gumawa ng gayon, (sila) ay hindi kailanman tutulungan ni Allah sa anumang paraan, maliban na lamang kung kayo ay katotohanang nangangamba sa panganib mula sa kanila. At si Allah ay nagbabala sa inyo laban sa Kanyang Sarili (sa Kanyang kaparusahan), at kay Allah ang huling pagbabalik

قُلْ إِن تُخْفُوا مَا فِي صُدُورِكُمْ أَوْ تُبْدُوهُ يَعْلَمْهُ اللَّهُ ۗ وَيَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(29)

 Ipagbadya (O Muhammad): “Kahima’t inyong ikubli kung ano ang nasa inyong puso o ilantad ito, si Allah ang nakakatalos nito, at batid Niya kung ano ang nasa kalangitan at kung ano ang nasa kalupaan. At si Allah ay makakapangyaring makagawa ng lahat ng bagay.”

يَوْمَ تَجِدُ كُلُّ نَفْسٍ مَّا عَمِلَتْ مِنْ خَيْرٍ مُّحْضَرًا وَمَا عَمِلَتْ مِن سُوءٍ تَوَدُّ لَوْ أَنَّ بَيْنَهَا وَبَيْنَهُ أَمَدًا بَعِيدًا ۗ وَيُحَذِّرُكُمُ اللَّهُ نَفْسَهُ ۗ وَاللَّهُ رَءُوفٌ بِالْعِبَادِ(30)

 Sa Araw na kakaharapin ng bawat tao ang lahat ng mabuti na kanyang ginawa, at ng lahat ng masama na kanyang ginawa; siya ay maghahangad na mayroon sanang malaking agwat sa pagitan niya at ng kanyang kasamaan. At si Allah ay nagbabala sa inyo laban sa Kanyang Sarili (sa Kanyang kaparusahan), at si Allah ay Puspos ng Kabaitan sa Kanyang mga alipin

قُلْ إِن كُنتُمْ تُحِبُّونَ اللَّهَ فَاتَّبِعُونِي يُحْبِبْكُمُ اللَّهُ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(31)

 Ipagbadya (o Muhammad sa sangkatauhan): “Kung (talagang) minamahal ninyo si Allah, kung gayon, ako ay inyong sundin (alalaong baga, tanggapin ang Kaisahan ni Allah, sundin ang Qur’an at Gawa ng Propeta), si Allah ay magmamahal sa inyo at magpapatawad sa inyong mga kasalanan. At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

قُلْ أَطِيعُوا اللَّهَ وَالرَّسُولَ ۖ فَإِن تَوَلَّوْا فَإِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْكَافِرِينَ(32)

 Ipagbadya (o Muhammad): “Sundin ninyo si Allah at ang Tagapagbalita (Muhammad).” Datapuwa’t kung sila ay tumalikod, kung gayon, si Allah ay hindi nalulugod sa mga hindi sumasampalataya

۞ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَىٰ آدَمَ وَنُوحًا وَآلَ إِبْرَاهِيمَ وَآلَ عِمْرَانَ عَلَى الْعَالَمِينَ(33)

 Si Allah ang humirang kay Adan, sa pamilya ni Abraham, at sa pamilya ni Imran nang higit sa lahat ng mga nilalang (ng kanilang kapanahunan)

ذُرِّيَّةً بَعْضُهَا مِن بَعْضٍ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ(34)

 Mga supling, isa mula sa iba, at si Allah ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakabatid

إِذْ قَالَتِ امْرَأَتُ عِمْرَانَ رَبِّ إِنِّي نَذَرْتُ لَكَ مَا فِي بَطْنِي مُحَرَّرًا فَتَقَبَّلْ مِنِّي ۖ إِنَّكَ أَنتَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ(35)

 (Gunitain) nang ang asawa ni Imran ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay nangako sa Inyo, na ang aking nasa sinapupunan ay iaalay ko tungo sa paglilingkod sa Inyo (malaya sa lahat ng makamundong gawa; upang maglingkod sa Inyong Lugar ng Pagsamba), kaya’t tanggapin Ninyo (siya) mula sa akin. Katotohanan, Kayo ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam.”

فَلَمَّا وَضَعَتْهَا قَالَتْ رَبِّ إِنِّي وَضَعْتُهَا أُنثَىٰ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا وَضَعَتْ وَلَيْسَ الذَّكَرُ كَالْأُنثَىٰ ۖ وَإِنِّي سَمَّيْتُهَا مَرْيَمَ وَإِنِّي أُعِيذُهَا بِكَ وَذُرِّيَّتَهَا مِنَ الشَّيْطَانِ الرَّجِيمِ(36)

 At nang kanyang maipanganak siya (ang batang si Maria), siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay nagsilang ng isang sanggol na babae, - at si Allah ang higit na nakakaalam kung ano ang kanyang ipinanganak, - at ang lalaki ay hindi katulad ng babae, at aking pinangalanan siya ng Maria (sa tuwirang kahulugan ay ‘babaeng tagapaglingkod ni Allah’), at ako ay humihingi ng pagkalinga (mula) sa Inyo para sa kanya at sa kanyang magiging anak (laban sa kasamaan) ni Satanas, ang itinakwil.”

فَتَقَبَّلَهَا رَبُّهَا بِقَبُولٍ حَسَنٍ وَأَنبَتَهَا نَبَاتًا حَسَنًا وَكَفَّلَهَا زَكَرِيَّا ۖ كُلَّمَا دَخَلَ عَلَيْهَا زَكَرِيَّا الْمِحْرَابَ وَجَدَ عِندَهَا رِزْقًا ۖ قَالَ يَا مَرْيَمُ أَنَّىٰ لَكِ هَٰذَا ۖ قَالَتْ هُوَ مِنْ عِندِ اللَّهِ ۖ إِنَّ اللَّهَ يَرْزُقُ مَن يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ(37)

 Kaya’t ang kanyang Panginoon (Allah) ay tumanggap sa kanya (Maria) ng may mabuting pagtanggap. Hinayaan Niya na siya ay lumaki sa kagandahang asal at siya ay itinagubilin sa ilalim ng pangangalaga ni Zakarias. Sa bawat sandali na siya (Zakarias) ay pumapasok sa Al Mihrab (isang silid dasalan o pribadong silid) upang (bisitahin) siya, kanyang natatagpuan siya na maraming pagkain. Siya ay nagsabi: “o Maria! Saan mo ba nakikita ang mga ito? Siya ay nagsabi: “Mula kay Allah.” Katotohanang si Allah ay nagkakaloob ng ikabubuhay sa sinumang Kanyang maibigan ng walang pagbibilang (pasubali)

هُنَالِكَ دَعَا زَكَرِيَّا رَبَّهُ ۖ قَالَ رَبِّ هَبْ لِي مِن لَّدُنكَ ذُرِّيَّةً طَيِّبَةً ۖ إِنَّكَ سَمِيعُ الدُّعَاءِ(38)

 At sa sandaling ito, si Zakarias ay nanikluhod sa kanyang Panginoon na nagsasabi: “o aking Panginoon! Ako ay gawaran (Ninyo) mula sa Inyo ng isang mabuting supling. Katotohanang Kayo ang Ganap na Nakakarinig ng panawagan.”

فَنَادَتْهُ الْمَلَائِكَةُ وَهُوَ قَائِمٌ يُصَلِّي فِي الْمِحْرَابِ أَنَّ اللَّهَ يُبَشِّرُكَ بِيَحْيَىٰ مُصَدِّقًا بِكَلِمَةٍ مِّنَ اللَّهِ وَسَيِّدًا وَحَصُورًا وَنَبِيًّا مِّنَ الصَّالِحِينَ(39)

 At (di naglaon) ang mga anghel ay tumawag sa kanya, habang siya ay nakatindig sa pananalangin sa loob ng Al-Mihrab (na nagsasabi): “Si Allah ay naghahatid sa iyo ng masayang balita ni Yahya (Juan) na nananampalataya sa salita na mula kay Allah (alalaong baga, sa pagkalikha kay Hesus [Mangyari nga! At siya ay nalikha! Si Hesus na anak ni Maria]), marangal, na nananatiling malayo sa pakikipag-ulayaw sa mga babae, isang Propeta, at isa sa mga matutuwid.”

قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَامٌ وَقَدْ بَلَغَنِيَ الْكِبَرُ وَامْرَأَتِي عَاقِرٌ ۖ قَالَ كَذَٰلِكَ اللَّهُ يَفْعَلُ مَا يَشَاءُ(40)

 Siya (Zakarias) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Paano akong magkakaroon ng anak na lalaki, gayong ako ay lubhang matanda na, at ang aking asawa ay baog?” Si Allah ay nagwika: “Si Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang naisin.”

قَالَ رَبِّ اجْعَل لِّي آيَةً ۖ قَالَ آيَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ النَّاسَ ثَلَاثَةَ أَيَّامٍ إِلَّا رَمْزًا ۗ وَاذْكُر رَّبَّكَ كَثِيرًا وَسَبِّحْ بِالْعَشِيِّ وَالْإِبْكَارِ(41)

 Siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Gumawa Kayo ng tanda para sa akin.” Si Allah ay nagwika: “Ang iyong tanda ay mangyayari na ikaw ay hindi makakapangusap sa sangkatauhan sa loob ng tatlong araw maliban lamang sa senyas. At labis mong alalahanin ang iyong Panginoon (sa pamamagitan ng pagpupuri sa Kanya nang paulit-ulit), at luwalhatiin mo (Siya) sa hapon at sa umaga.”

وَإِذْ قَالَتِ الْمَلَائِكَةُ يَا مَرْيَمُ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَاكِ وَطَهَّرَكِ وَاصْطَفَاكِ عَلَىٰ نِسَاءِ الْعَالَمِينَ(42)

 At (gunitain) nang ang mga anghel ay magbadya: “O Maria! Katotohanang si Allah ay humirang sa iyo, nagpadalisay sa iyo (sa pagsamba sa diyus-diyosan at kawalan ng pananalig), at ikaw ay hinirang nang higit sa lahat ng mga babae ng Alamin (lahat ng mga nilalang, [sa kanyang kapanahunan]).”

يَا مَرْيَمُ اقْنُتِي لِرَبِّكِ وَاسْجُدِي وَارْكَعِي مَعَ الرَّاكِعِينَ(43)

 “o Maria! Isuko mo ang iyong sarili ng may pagtalima sa iyong Panginoon (kay Allah, sa pagsamba lamang sa Kanya) at magpatirapa ka, at ikaw ay yumukod na kasama ng mga nagpapatirapa.”

ذَٰلِكَ مِنْ أَنبَاءِ الْغَيْبِ نُوحِيهِ إِلَيْكَ ۚ وَمَا كُنتَ لَدَيْهِمْ إِذْ يُلْقُونَ أَقْلَامَهُمْ أَيُّهُمْ يَكْفُلُ مَرْيَمَ وَمَا كُنتَ لَدَيْهِمْ إِذْ يَخْتَصِمُونَ(44)

 Ito ay bahagi ng balita ng Al-Ghaib (ang nakalingid, alalaong baga, ang balita ng mga nakaraang pamayanan na wala kayong kaalaman) na Aming ipinahayag sa iyo (o Muhammad). Ikaw ay wala sa lipon nila nang sila ay magsipaghagis ng mga palaso (o busog) at magpalabunutan kung sino sa kanila ang nararapat na bigyang katungkulan sa pangangalaga kay Maria; at wala ka rin sa kanila nang sila ay nagsisipagtalo

إِذْ قَالَتِ الْمَلَائِكَةُ يَا مَرْيَمُ إِنَّ اللَّهَ يُبَشِّرُكِ بِكَلِمَةٍ مِّنْهُ اسْمُهُ الْمَسِيحُ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ وَجِيهًا فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَمِنَ الْمُقَرَّبِينَ(45)

 (Gunitain) nang ipagbadya ng mga anghel: “o Maria! Si Allah ay naghahatid sa iyo ng masayang balita ng isang Salita (Mangyari nga! At ito ay naganap, alalaong baga, si Hesus na anak ni Maria) mula sa Kanya, ang kanyang pangalan ay tatawaging Mesiyas, si Hesus na anak ni Maria, na itinampok sa karangalan sa mundong ito gayundin sa Kabilang Buhay, at magiging isa sa mga malalapit kay Allah.”

وَيُكَلِّمُ النَّاسَ فِي الْمَهْدِ وَكَهْلًا وَمِنَ الصَّالِحِينَ(46)

 Siya (Hesus) ay mangungusap sa mga tao sa kanyang duyan at sa kanyang pagbibinata, siya ay magiging isa sa mga matutuwid

قَالَتْ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي وَلَدٌ وَلَمْ يَمْسَسْنِي بَشَرٌ ۖ قَالَ كَذَٰلِكِ اللَّهُ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۚ إِذَا قَضَىٰ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُن فَيَكُونُ(47)

 Siya (Maria) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Papaano akong magkakaroon ng anak (na lalaki) gayong wala pang lalaki ang sumaling sa akin.” Siya (Allah) ay nagwika: “Ito ay magaganap, sapagkat si Allah ay lumilikha ng Kanyang maibigan.” Kung Siya ay magtalaga ng isang bagay, Siya ay magwiwika lamang ng: “Mangyari nga!”, at ito ay magaganap

وَيُعَلِّمُهُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَالتَّوْرَاةَ وَالْإِنجِيلَ(48)

 At Siya (Allah) ay magtuturo sa kanya (Hesus) ng Aklat at Al-Hikmah (alalaong baga, ang Sunnah, [mga Gawa], ang pangungusap ng mga Propeta na walang kamalian, ang karunungan, atbp.) at ng Torah (Mga Batas) at ng Ebanghelyo

وَرَسُولًا إِلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَنِّي قَدْ جِئْتُكُم بِآيَةٍ مِّن رَّبِّكُمْ ۖ أَنِّي أَخْلُقُ لَكُم مِّنَ الطِّينِ كَهَيْئَةِ الطَّيْرِ فَأَنفُخُ فِيهِ فَيَكُونُ طَيْرًا بِإِذْنِ اللَّهِ ۖ وَأُبْرِئُ الْأَكْمَهَ وَالْأَبْرَصَ وَأُحْيِي الْمَوْتَىٰ بِإِذْنِ اللَّهِ ۖ وَأُنَبِّئُكُم بِمَا تَأْكُلُونَ وَمَا تَدَّخِرُونَ فِي بُيُوتِكُمْ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لَّكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ(49)

 At Kanyang hihirangin siya (Hesus) na isang Tagapagbalita sa Angkan ng Israel (na magsasabi): “Ako ay naparito sa inyo na may dalang Tanda mula sa inyong Panginoon; aking huhubugin para sa inyo mula sa malagkit na putik, na katulad nito, ang hugis ng isang ibon, sa pamamagitan ng kapahintulutan ni Allah; at aking pagagalingin siya na ipinanganak na bulag, at ang may ketong, at aking bibigyang muli ng buhay ang patay, sa pamamagitan ng kapahintulutan ni Allah. At ipapaalam ko sa inyo kung ano ang inyong kinakain, at kung ano ang iniimbak ninyo sa inyong mga tahanan. Katotohanang naririto ang isang tanda sa inyo kung kayo ay nananalig

وَمُصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيَّ مِنَ التَّوْرَاةِ وَلِأُحِلَّ لَكُم بَعْضَ الَّذِي حُرِّمَ عَلَيْكُمْ ۚ وَجِئْتُكُم بِآيَةٍ مِّن رَّبِّكُمْ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ(50)

 At ako ay pumarito (sa inyo) na nagpapatotoo kung ano (ang nakapaloob) sa Torah (mga Batas) noong pang una, at upang gawing tumpak (at makatarungan) sa inyo ang ilang bahagi (ng mga bagay) na sa inyo ay ipinagbabawal, at ako ay pumarito sa inyo na may katibayan mula sa inyong Panginoon. Kaya’t pangambahan ninyo si Allah at ako ay inyong sundin

إِنَّ اللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ ۗ هَٰذَا صِرَاطٌ مُّسْتَقِيمٌ(51)

 Katotohanan! Si Allah ay aking Panginoon at inyong Panginoon, kaya’t (tanging ) Siya (lamang) ang inyong sambahin. Ito ang Matuwid na Landas

۞ فَلَمَّا أَحَسَّ عِيسَىٰ مِنْهُمُ الْكُفْرَ قَالَ مَنْ أَنصَارِي إِلَى اللَّهِ ۖ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ نَحْنُ أَنصَارُ اللَّهِ آمَنَّا بِاللَّهِ وَاشْهَدْ بِأَنَّا مُسْلِمُونَ(52)

 At (di naglaon), nang mapag-alaman ni Hesus ang kanilang kawalan ng pananampalataya, siya ay nagsabi: “Sino baga ang aking makakatulong sa Kapakanan ni Allah?” Ang mga disipulo ay nagsabi: “Kami ang mga katulong ni Allah; kami ay sumasampalataya kay Allah at nagbibigay saksi na kami ay mga Muslim (na tumatalima kay Allah).”

رَبَّنَا آمَنَّا بِمَا أَنزَلْتَ وَاتَّبَعْنَا الرَّسُولَ فَاكْتُبْنَا مَعَ الشَّاهِدِينَ(53)

 Aming Panginoon! Kami ay naniniwala sa anuman na Inyong ipinanaog, at kami ay sumusunod sa Tagapagbalita (Hesus); kaya’t (Inyong) itala kami sa lipon ng mga nagbibigay patotoo (sa Katotohanan, alalaong baga, ang nagsasabi ng “wala ng iba pang diyos maliban kay Allah at Siya lamang ang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba)

وَمَكَرُوا وَمَكَرَ اللَّهُ ۖ وَاللَّهُ خَيْرُ الْمَاكِرِينَ(54)

 At sila (ang mga hindi sumasampalataya) ay nagbalak (na patayin si Hesus) at si Allah ay nagbalak din. At si Allah ang Pinakamahusay sa lahat ng nagbabalak

إِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَىٰ إِنِّي مُتَوَفِّيكَ وَرَافِعُكَ إِلَيَّ وَمُطَهِّرُكَ مِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا وَجَاعِلُ الَّذِينَ اتَّبَعُوكَ فَوْقَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۖ ثُمَّ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأَحْكُمُ بَيْنَكُمْ فِيمَا كُنتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ(55)

 At (gunitain) nang winika ni Allah: “O Hesus! Ikaw ay Aking kukunin at Aking itataas sa Aking Sarili (sa Kanyang piling), at ikaw ay Aking dadalisayin (sa maling paratang at kasinungalingan, na siya ay nagsasabi na siya ay anak ni Allah) sa mga nagpaparatang (nagtutungayaw sa kawalan ng pananampalataya), at Aking gagawin ang mga sumusunod sa iyo (ang mga sumasamba lamang sa Kaisahan ni Allah) na higit na mainam kaysa sa mga walang pananampalataya (sa Kaisahan ni Allah, o sa ibang mga Sugo, o sa mga Banal na Aklat) hanggang sa dumatal ang Araw ng Muling Pagkabuhay. At kayo ay magbabalik sa Akin, at kayo ay Aking hahatulan sa pagitan ninyo sa mga bagay na inyong kinahiratihan na hindi pinagkakasunduan

فَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَأُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّاصِرِينَ(56)

 At sa mga hindi sumasampalataya, sila ay Aking parurusahan ng matinding kaparusahan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at sila ay walang magiging kawaksi

وَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَيُوَفِّيهِمْ أُجُورَهُمْ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الظَّالِمِينَ(57)

 At sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at gumagawa ng kabutihan, si Allah ay magbabayad sa kanila ng ganap na gantimpala. At si Allah ay hindi nalulugod sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kabuktutan)

ذَٰلِكَ نَتْلُوهُ عَلَيْكَ مِنَ الْآيَاتِ وَالذِّكْرِ الْحَكِيمِ(58)

 Ang (mga bagay) na ito na Aming dinalit sa iyo (o Muhammad) ay mula sa mga Talata at Matalinong Paala-ala (alalaong baga, ang Qur’an)

إِنَّ مَثَلَ عِيسَىٰ عِندَ اللَّهِ كَمَثَلِ آدَمَ ۖ خَلَقَهُ مِن تُرَابٍ ثُمَّ قَالَ لَهُ كُن فَيَكُونُ(59)

 Katotohanan, ang kahalintulad ni Hesus sa Paningin ni Allah ay katulad ni Adan. Kanyang nilikha siya mula sa alabok, at (Kanyang) winika sa kanya: “Mangyari nga!” At siya ay nalikha

الْحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَلَا تَكُن مِّنَ الْمُمْتَرِينَ(60)

 (Ito) ang katotohanan mula sa iyong Panginoon, kaya’t huwag kang mapabilang sa mga nag- aalinlangan

فَمَنْ حَاجَّكَ فِيهِ مِن بَعْدِ مَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ فَقُلْ تَعَالَوْا نَدْعُ أَبْنَاءَنَا وَأَبْنَاءَكُمْ وَنِسَاءَنَا وَنِسَاءَكُمْ وَأَنفُسَنَا وَأَنفُسَكُمْ ثُمَّ نَبْتَهِلْ فَنَجْعَل لَّعْنَتَ اللَّهِ عَلَى الْكَاذِبِينَ(61)

 At kung sinuman ang makipagtalo sa iyo tungkol sa kanya (Hesus), matapos (ang lahat) ng kaalamang ito ay dumatal sa iyo (alalaong baga, na si Hesus ay isang alipin ni Allah at wala siyang bahagi ng Pagka-diyos), iyong ipagbadya (O Muhammad): “Halina kayo, tawagin natin ang ating mga anak (na lalaki) at inyong mga anak (na lalaki), ang aming kababaihan at inyong kababaihan, ang aming sarili at inyong sarili,- at tayo ay manalangin at tawagin (ng may katapatan) na ang Sumpa ni Allah ay sumapit sa kanila na nagsisinungaling.”

إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْقَصَصُ الْحَقُّ ۚ وَمَا مِنْ إِلَٰهٍ إِلَّا اللَّهُ ۚ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(62)

 Katotohanan! Ito ang tunay na pahayag (tungkol sa buhay ni Hesus), at La ilaha ill Allah (wala ng iba pang diyos maliban kay Allah [Siya lamang ang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba, ang Tangi at Tunay na Diyos na walang asawa o anak]). At katotohanang si Allah ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Ganap na Maalam

فَإِن تَوَلَّوْا فَإِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِالْمُفْسِدِينَ(63)

 At kung sila ay magsitalikod (at hindi tumanggap sa mga tunay na katibayan), kung gayon, katiyakang si Allah ay Ganap na Nakakabatid sa mga gumagawa ng kabuhungan

قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ تَعَالَوْا إِلَىٰ كَلِمَةٍ سَوَاءٍ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ أَلَّا نَعْبُدَ إِلَّا اللَّهَ وَلَا نُشْرِكَ بِهِ شَيْئًا وَلَا يَتَّخِذَ بَعْضُنَا بَعْضًا أَرْبَابًا مِّن دُونِ اللَّهِ ۚ فَإِن تَوَلَّوْا فَقُولُوا اشْهَدُوا بِأَنَّا مُسْلِمُونَ(64)

 Ipagbadya (O Muhammad): “O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano). Halina kayo sa isang salita (usapan) na makatarungan sa pagitan namin at ninyo, na atin lamang sambahin si Allah, na huwag tayong magtambal ng anumang iba pa sa Kanya, na huwag tayong tumangkilik ng iba pa bilang panginoon maliban kay Allah. At kung sila ay magsitalikod, inyong sabihin: “Maging saksi kayo na kami ay mga Muslim (na tumatalima kay Allah).”

يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ تُحَاجُّونَ فِي إِبْرَاهِيمَ وَمَا أُنزِلَتِ التَّوْرَاةُ وَالْإِنجِيلُ إِلَّا مِن بَعْدِهِ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ(65)

 O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Bakit kayo nakikipagtalo tungkol kay Abraham, gayong ang Torah (Mga Batas) at Ebanghelyo ay hindi ipinahayag hanggang pagkaraan niya? wala ba kayong pang-unawa

هَا أَنتُمْ هَٰؤُلَاءِ حَاجَجْتُمْ فِيمَا لَكُم بِهِ عِلْمٌ فَلِمَ تُحَاجُّونَ فِيمَا لَيْسَ لَكُم بِهِ عِلْمٌ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ(66)

 Katotohanan, kayo ang mga nakikipagtalo sa mga bagay na wala kayong kaalaman. Bakit kayo nakikipagtalo tungkol sa mga bagay na wala kayong kaalaman? Si Allah ang nakakaalam at kayo ay walang kaalaman

مَا كَانَ إِبْرَاهِيمُ يَهُودِيًّا وَلَا نَصْرَانِيًّا وَلَٰكِن كَانَ حَنِيفًا مُّسْلِمًا وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ(67)

 Si Abraham ay hindi Hudyo, gayundin naman, siya ay hindi Kristiyano, datapuwa’t siya ay tunay na Muslim na Hanifan (nananalig sa Islam, sa Kaisahan ni Allah, na karapat-dapat lamang na pag-ukulan ng pagsamba) at siya ay hindi nagtatambal ng anuman sa pagsamba kay Allah

إِنَّ أَوْلَى النَّاسِ بِإِبْرَاهِيمَ لَلَّذِينَ اتَّبَعُوهُ وَهَٰذَا النَّبِيُّ وَالَّذِينَ آمَنُوا ۗ وَاللَّهُ وَلِيُّ الْمُؤْمِنِينَ(68)

 Katotohanan, sa lipon ng sangkatauhan, ang may pinakamainam na pag- aangkin kay Abraham ay sila na nagsitalima sa kanya, at sa Propetang ito (Muhammad), at sila na nagsisampalataya (mga Muslim). At si Allah ang wali (Tagapangalaga at Kawaksi) ng mga sumasampalataya

وَدَّت طَّائِفَةٌ مِّنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَوْ يُضِلُّونَكُمْ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّا أَنفُسَهُمْ وَمَا يَشْعُرُونَ(69)

 May isang pulutong sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ang nagnanais na ihantong kayo sa pagkaligaw. Datapuwa’t hindi nila magagawang mailigaw ang sinuman maliban sa kanilang sarili, at ito ay hindi nila napag-uunawa

يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ تَكْفُرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَأَنتُمْ تَشْهَدُونَ(70)

 O Angkan ng Kasulatan! (mga Hudyo at Kristiyano): “Bakit hindi kayo nananampalataya sa Ayat (sa mga Talata tungkol kay Propeta Muhammad na nasasaad sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) ni Allah, habang kayo (sa inyong mga sarili) ay sumasaksi (sa katotohanan nito)

يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ تَلْبِسُونَ الْحَقَّ بِالْبَاطِلِ وَتَكْتُمُونَ الْحَقَّ وَأَنتُمْ تَعْلَمُونَ(71)

 o Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano): “Bakit ninyo binabahiran ang katotohanan ng kasinungalingan at naglilingid sa katotohanan gayong ito ay inyong nababatid?”

وَقَالَت طَّائِفَةٌ مِّنْ أَهْلِ الْكِتَابِ آمِنُوا بِالَّذِي أُنزِلَ عَلَى الَّذِينَ آمَنُوا وَجْهَ النَّهَارِ وَاكْفُرُوا آخِرَهُ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ(72)

 At ang isang pulutong sa Angkan ng Kasulatan ay nagsasabi: “Maniwala (kayo) sa umaga sa mga bagay na ipinahayag sa mga sumasampalataya (mga Muslim), at inyongitakwilitosadulongaraw(maghapon[otakipsilim]), upang sila ay magbalik.”

وَلَا تُؤْمِنُوا إِلَّا لِمَن تَبِعَ دِينَكُمْ قُلْ إِنَّ الْهُدَىٰ هُدَى اللَّهِ أَن يُؤْتَىٰ أَحَدٌ مِّثْلَ مَا أُوتِيتُمْ أَوْ يُحَاجُّوكُمْ عِندَ رَبِّكُمْ ۗ قُلْ إِنَّ الْفَضْلَ بِيَدِ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَن يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ(73)

 At huwag maniwala sa sinuman, malibansakanyanasumusunodsainyongpananampalataya. Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanan! Ang tunay na patnubay ay ang Patnubay ni Allah”, at huwag (kang) maniwala na kahit sinuman ay makakatanggap ng katulad ng iyong natanggap (na Kapahayagan), maliban na kanyang sundin ang iyong pananampalataya, kung hindi, sila ay matatali sa iyo sa pakikipagtalo sa harap ng iyong Panginoon. Ipagbadya (o Muhammad): “Ang lahat ng Biyaya ay nasa Kamay ni Allah; Siya ang nagkakaloob sa sinumang Kanyang maibigan.” At si Allah ay may Ganap na Kasapatan sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Puspos ng Kaalaman

يَخْتَصُّ بِرَحْمَتِهِ مَن يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ(74)

 Siya ang pumipili tungo sa Kanyang habag (sa Islam at Qur’an, at paghirang sa mga Propeta) sa sinumang Kanyang naisin, at si Allah ang Nagmamay-ari ng Malaking Kasaganaan

۞ وَمِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ مَنْ إِن تَأْمَنْهُ بِقِنطَارٍ يُؤَدِّهِ إِلَيْكَ وَمِنْهُم مَّنْ إِن تَأْمَنْهُ بِدِينَارٍ لَّا يُؤَدِّهِ إِلَيْكَ إِلَّا مَا دُمْتَ عَلَيْهِ قَائِمًا ۗ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوا لَيْسَ عَلَيْنَا فِي الْأُمِّيِّينَ سَبِيلٌ وَيَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ وَهُمْ يَعْلَمُونَ(75)

 Sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay mayrooon, na kung siya ay pagkatiwalaan ng bara ng ginto (isang malaking kayamanan, atbp.), walang pag-aatubili na ito ay kanyang babayaran; at sa lipon nila ay mayroon sa kanila, na kung pagkatiwalaan ng isang piraso ng sensilyong pilak, ay hindi magbabayad nito maliban na sila ay paulit-ulit na singilin, sapagkat sila ay nagsasabi: “walang maisisisi sa amin kung aming ipagkaluno at kunin ang mga ari-arian ng mga mangmang (mga Arabo).” Datapuwa’t sila ay nagsasabi ng kasinungalingan laban kay Allah habang ito ay kanilang nababatid

بَلَىٰ مَنْ أَوْفَىٰ بِعَهْدِهِ وَاتَّقَىٰ فَإِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَّقِينَ(76)

 Tunay nga, sinumang tumupad sa kanyang pangako at labis na mangamba kay Allah; katotohanang si Allah ay magmamahal sa Al-Mutaqqun (mga matimtiman at matutuwid na tao)

إِنَّ الَّذِينَ يَشْتَرُونَ بِعَهْدِ اللَّهِ وَأَيْمَانِهِمْ ثَمَنًا قَلِيلًا أُولَٰئِكَ لَا خَلَاقَ لَهُمْ فِي الْآخِرَةِ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ اللَّهُ وَلَا يَنظُرُ إِلَيْهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ(77)

 Katotohanan, ang mga bumibili ng maliit na pakinabang sa halaga ng Kasunduan kay Allah at (sa) kanilang mga pangako, sila ay walang magiging bahagi sa Kabilang Buhay (Paraiso). Si Allah ay hindi mangungusap sa kanila, gayundin (Siya) ay hindi titingin sa kanila sa Araw ng Muling Pagkabuhay, gayundin ay hindi Niya dadalisayin sila, at sila ay tatanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan

وَإِنَّ مِنْهُمْ لَفَرِيقًا يَلْوُونَ أَلْسِنَتَهُم بِالْكِتَابِ لِتَحْسَبُوهُ مِنَ الْكِتَابِ وَمَا هُوَ مِنَ الْكِتَابِ وَيَقُولُونَ هُوَ مِنْ عِندِ اللَّهِ وَمَا هُوَ مِنْ عِندِ اللَّهِ وَيَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ وَهُمْ يَعْلَمُونَ(78)

 At katotohanan, sa kanilang lipon ay may isang pulutong na nagbabago (nagpapalit sa kahulugan) ng Aklat sa pamamagitan ng kanilang dila (sa kanilang pagbabasa), upang iyong mapag-akala na ito ay mula saAklat, datapuwa’t ito ay hindi mula sa Aklat, at sila ay nagsasabi: “Ito ay mula kay Allah”, subalit ito ay hindi mula kay Allah; at sila ay nagsasabi ng kasinungalingan laban kay Allah habang ito ay kanilang nalalaman

مَا كَانَ لِبَشَرٍ أَن يُؤْتِيَهُ اللَّهُ الْكِتَابَ وَالْحُكْمَ وَالنُّبُوَّةَ ثُمَّ يَقُولَ لِلنَّاسِ كُونُوا عِبَادًا لِّي مِن دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِن كُونُوا رَبَّانِيِّينَ بِمَا كُنتُمْ تُعَلِّمُونَ الْكِتَابَ وَبِمَا كُنتُمْ تَدْرُسُونَ(79)

 Hindi (makakapangyari) sa sinumang tao na pinagkalooban ni Allah ng Aklat at Al-Hukm (karunungan at pang-unawa sa mga Batas ng pananampalataya, atbp.) at pagka-Propeta ay mangusap sa mga tao: “Kayo ay maging tagapagsamba sa akin sa halip (na tagapagsamba) ni Allah.” Sa isang banda o taliwas dito, (siya ay nararapat na magsabi): “Maging rabbaniyyun kayo (mga maalam na tao na nananampalataya at nagsasagawa ng kanilang nalalaman at nangangaral sa iba), sapagkat kayo ay nagtuturo ng Aklat, at ito ay inyong pinag-aaralan.”

وَلَا يَأْمُرَكُمْ أَن تَتَّخِذُوا الْمَلَائِكَةَ وَالنَّبِيِّينَ أَرْبَابًا ۗ أَيَأْمُرُكُم بِالْكُفْرِ بَعْدَ إِذْ أَنتُم مُّسْلِمُونَ(80)

 Gayundin naman, siya ay hindi mag-uutos na tangkilikin ninyo ang mga anghel at mga propeta bilang panginoon (diyos). Ipag-uutos ba niya sa inyo na mawalan kayo ng pananalig matapos na kayo ay tumalima sa pag-uutos ni Allah

وَإِذْ أَخَذَ اللَّهُ مِيثَاقَ النَّبِيِّينَ لَمَا آتَيْتُكُم مِّن كِتَابٍ وَحِكْمَةٍ ثُمَّ جَاءَكُمْ رَسُولٌ مُّصَدِّقٌ لِّمَا مَعَكُمْ لَتُؤْمِنُنَّ بِهِ وَلَتَنصُرُنَّهُ ۚ قَالَ أَأَقْرَرْتُمْ وَأَخَذْتُمْ عَلَىٰ ذَٰلِكُمْ إِصْرِي ۖ قَالُوا أَقْرَرْنَا ۚ قَالَ فَاشْهَدُوا وَأَنَا مَعَكُم مِّنَ الشَّاهِدِينَ(81)

 At (gunitain) nang kunin ni Allah ang Kasunduan ng mga Propeta na nagsasabi: “Kunin ninyo kung anuman ang Aking ibigay sa inyo mula sa Aklat ng Al-Hikmah (pang- unawa sa mga Batas ni Allah, atbp.), hindi magtatagal ay mayroong darating sa inyo na isang Tagapagbalita (Muhammad) na magpapatotoo kung ano ang nasa inyo; nararapat na kayo ay maniwala sa kanya at tulungan siya.” Si Allah ay nagwika: “Kayo ba ay sumasang-ayon (dito) at inyo bang kukunin ang Aking Kasunduan (na Aking pinagtibay sa inyo)?” Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasang-ayon.” Siya (Allah) ay nagwika: “Kung gayon, kayo ay magpatotoo; at Ako ay nasa sa inyo sa lipon ng mga sumasaksi (para rito).”

فَمَن تَوَلَّىٰ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ(82)

 At kung sinuman ang tumalikod (dito) pagkaroon nito, sila ang Fasiqun (mga mapaghimagsik, ang mga nagtatakwil sa pagsunod kay Allah)

أَفَغَيْرَ دِينِ اللَّهِ يَبْغُونَ وَلَهُ أَسْلَمَ مَن فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ طَوْعًا وَكَرْهًا وَإِلَيْهِ يُرْجَعُونَ(83)

 Sila baga ay naghahanap ng iba pang Pananampalataya maliban (pa yaong) na kay Allah (Kaisahan ni Allah, at Siya lamang ang karapat-dapat na pag- ukulan ng pagsamba), samantalang sa Kanya ay tumatalima ang lahat ng mga nilalang sa kalangitan at kalupaan, nang bukal sa kalooban at hindi bukal sa kalooban. At silang lahat sa Kanya ay magbabalik

قُلْ آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنزِلَ عَلَيْنَا وَمَا أُنزِلَ عَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَالنَّبِيُّونَ مِن رَّبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِّنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ(84)

 Ipagbadya (o Muhammad): “Kami ay sumasampalataya kay Allah at sa anumang ipinanaog sa amin, at sa anumang ipinanaog kay Abraham, Ismail, Isaac, Hakob at Al-Asbat (mga anak na lalaki ni Hakob) at sa mga ipinagkaloob kay Moises, Hesus, at sa mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagbibigay sa kanila ng pagtatangi-tangi sa bawat isa sa kanila, at sa Kanya (Allah) kami ay tumatalima (sa Islam).”

وَمَن يَبْتَغِ غَيْرَ الْإِسْلَامِ دِينًا فَلَن يُقْبَلَ مِنْهُ وَهُوَ فِي الْآخِرَةِ مِنَ الْخَاسِرِينَ(85)

 At sinuman ang maghanap ng pananampalataya na iba sa Islam, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kanya, at sa Kabilang Buhay, siya ay isa sa mga talunan

كَيْفَ يَهْدِي اللَّهُ قَوْمًا كَفَرُوا بَعْدَ إِيمَانِهِمْ وَشَهِدُوا أَنَّ الرَّسُولَ حَقٌّ وَجَاءَهُمُ الْبَيِّنَاتُ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ(86)

 Paano baga papatnubayan ni Allah ang mga tao na nawalan ng paniniwala matapos na sila ay manampalataya, at matapos na sila ay magbigay saksi na angTagapagbalita (Muhammad) ay katotohanan, at matapos ang maliliwanag na katibayan ay dumatal sa kanila? At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga tampalasan at mapagsamba sa diyus-diyosan)

أُولَٰئِكَ جَزَاؤُهُمْ أَنَّ عَلَيْهِمْ لَعْنَةَ اللَّهِ وَالْمَلَائِكَةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ(87)

 Sila (nga) na ang kabayaran, ay (sasapit) sa kanila ang Sumpa ni Allah, ng mga anghel, at lahat ng sangkatauhan

خَالِدِينَ فِيهَا لَا يُخَفَّفُ عَنْهُمُ الْعَذَابُ وَلَا هُمْ يُنظَرُونَ(88)

 Sila ay mananatili roon (sa Impiyerno). Ang kanilang kaparusahan ay hindi pagagaanin, gayundin naman, ito ay hindi aantalahin o ipagpapaliban (kahit na sa maigsing sandali)

إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا مِن بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(89)

 Maliban sa mga nagsisisi matapos yaon at gumagawa ng kabutihan. Katotohanan, si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بَعْدَ إِيمَانِهِمْ ثُمَّ ازْدَادُوا كُفْرًا لَّن تُقْبَلَ تَوْبَتُهُمْ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الضَّالُّونَ(90)

 Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya matapos na sila ay manampalataya at sa kalaunan ay nagpatuloy na tumitindi ang kanilang kawalan ng paniniwala (alalaong baga, hindi paniniwala sa Qur’an at kay Propeta Muhammad) – kailanman ang kanilang pagsisisi ay hindi tatanggapin (sapagkat nagsisisi lamang sila sa kanilang dila, ngunit hindi mula sa kanilang puso). At sila ang mga naliligaw

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَمَاتُوا وَهُمْ كُفَّارٌ فَلَن يُقْبَلَ مِنْ أَحَدِهِم مِّلْءُ الْأَرْضِ ذَهَبًا وَلَوِ افْتَدَىٰ بِهِ ۗ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ وَمَا لَهُم مِّن نَّاصِرِينَ(91)

 Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya at namatay habang sila ay hindi nananampalataya, ang (buong) kalupaan na tigib ng ginto ay hindi tatanggapin kahit kaninuman mula sa kanila, kahit na ito ay (kanilang) ialay bilang isang pantubos. Para sa kanila ay isang masakit na kaparusahan at sila ay walang magiging kawaksi

لَن تَنَالُوا الْبِرَّ حَتَّىٰ تُنفِقُوا مِمَّا تُحِبُّونَ ۚ وَمَا تُنفِقُوا مِن شَيْءٍ فَإِنَّ اللَّهَ بِهِ عَلِيمٌ(92)

 Sa anumang kaparaanan ay hindi ninyo maaabot ang Al Birr (kabanalan, katuwiran, atbp., ang ipinapakahulugan dito ay ang gantimpala ni Allah, ang Paraiso), maliban na gugulin ninyo (sa Kapakanan ni Allah) ang mga bagay na inyong minamahal; at anumang bagay na inyong gugulin, si Allah ay ganap na nakakatalos nito

۞ كُلُّ الطَّعَامِ كَانَ حِلًّا لِّبَنِي إِسْرَائِيلَ إِلَّا مَا حَرَّمَ إِسْرَائِيلُ عَلَىٰ نَفْسِهِ مِن قَبْلِ أَن تُنَزَّلَ التَّوْرَاةُ ۗ قُلْ فَأْتُوا بِالتَّوْرَاةِ فَاتْلُوهَا إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(93)

 Ang lahat ng pagkain ay pinapayagan sa Angkan ng Israel, maliban kung ano ang ipinagbawal ni Israel sa kanyang sarili, bago pa ang Torah (mga Batas) ay ipinahayag. Ipagbadya (o Muhammad): “dalhin ninyo rito ang Torah (mga Batas) at dalitin ito, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”

فَمَنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ مِن بَعْدِ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ(94)

 At kung sinuman ang kumatha ng kasinungalingan matapos ito nang laban kay Allah, sila ay katiyakang Zalimun (mga hindi sumasampalataya, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp)

قُلْ صَدَقَ اللَّهُ ۗ فَاتَّبِعُوا مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ(95)

 Ipagbadya (o Muhammad): “Si Allah ay nagwika ng katotohanan; sundin ninyo ang pananampalataya ni Abraham na Hanifan (paniniwala sa Kaisahan ni Allah at Siya lamang ang karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba), at siya ay hindi isa sa Al-Mushrikun (mga pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan at hindi naniniwala sa Kaisahan ni Allah)

إِنَّ أَوَّلَ بَيْتٍ وُضِعَ لِلنَّاسِ لَلَّذِي بِبَكَّةَ مُبَارَكًا وَهُدًى لِّلْعَالَمِينَ(96)

 Katotohanan, ang unang Tahanan (ng pagsamba) na itinalaga sa sangkatauhan ay yaong sa Bakkah (Makkah), puspos ng biyaya, at isang patnubay sa lahat ng mga nilalang

فِيهِ آيَاتٌ بَيِّنَاتٌ مَّقَامُ إِبْرَاهِيمَ ۖ وَمَن دَخَلَهُ كَانَ آمِنًا ۗ وَلِلَّهِ عَلَى النَّاسِ حِجُّ الْبَيْتِ مَنِ اسْتَطَاعَ إِلَيْهِ سَبِيلًا ۚ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ عَنِ الْعَالَمِينَ(97)

 Sa loob nito ay may mga lantad na Tanda (bilang halimbawa), ang Maqam (ang bahagi na tinindigan) ni Abraham; sinuman ang pumasok dito, siya ay magkakamit ng kapanatagan. Ang Hajj (Pilgrimahe sa Makkah) sa Tahanan ay isang tungkulin na utang ng sangkatauhan kay Allah, sa mga may kakayahang gumugol (sa sasakyan, pagkain at tirahan); at sinuman ang hindi manampalataya (alalaong baga, ang tumalikod sa Hajj [Pilgrimahe sa Makkah]), kung gayon, siya ay hindi nananampalataya (kay Allah), at si Allah ay hindi nangangailangan ng tulong sa sinuman sa (Kanyang) mga nilalang

قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ تَكْفُرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَاللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا تَعْمَلُونَ(98)

 Ipagbadya: “O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Bakit ninyo itinatakwil ang Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) ni Allah, habangsiAllahang Saksisainyongginagawa?”

قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ تَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ اللَّهِ مَنْ آمَنَ تَبْغُونَهَا عِوَجًا وَأَنتُمْ شُهَدَاءُ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ(99)

 Ipagbadya: “O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Bakit ninyo pinipigilan ang mga sumasampalataya tungo sa landas ni Allah, na (kayo) ay nagnanais na gawin itong baluktot, samantalang kayo (sa inyong sarili) ay saksi (kay Muhammad bilang isang Tagapagbalita ni Allah at sa Islam bilang relihiyon ni Allah)? At hindi nalilingid kay Allah ang inyong ginagawa.”

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِن تُطِيعُوا فَرِيقًا مِّنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ يَرُدُّوكُم بَعْدَ إِيمَانِكُمْ كَافِرِينَ(100)

 O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay susunod sa isang pangkat ng mga pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), katotohanang kayo ay kanilang ibabalik sa kawalan ng pananalig matapos na kayo ay manampalataya

وَكَيْفَ تَكْفُرُونَ وَأَنتُمْ تُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ آيَاتُ اللَّهِ وَفِيكُمْ رَسُولُهُ ۗ وَمَن يَعْتَصِم بِاللَّهِ فَقَدْ هُدِيَ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُّسْتَقِيمٍ(101)

 At paano ba kayo mawawalan ng pananampalataya, habang sa inyo ay dinadalit ang mga Talata ni Allah, at nasa lipon ninyo ang Kanyang Tagapagbalita (Muhammad)? At sinuman ang manangan nang matatag kay Allah (alalaong baga, sumunod sa Islam at sa mga ipinag-uutos ni Allah), kung gayon, katiyakang siya ay tunay na napapatnubayan sa tamang landas

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ حَقَّ تُقَاتِهِ وَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسْلِمُونَ(102)

 o kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo si Allah (sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal) kung paano Siya nararapat na pangambahan. (Sundin ninyo Siya, magbigay ng pasasalamat sa Kanya at lagi Siyang alalahanin), at huwag (hayaang kayo) ay pumanaw maliban na kayo ay nasa loob (katatayuan) ng Islam (bilang mga Muslim) na may ganap na pagtalima kay Allah

وَاعْتَصِمُوا بِحَبْلِ اللَّهِ جَمِيعًا وَلَا تَفَرَّقُوا ۚ وَاذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ كُنتُمْ أَعْدَاءً فَأَلَّفَ بَيْنَ قُلُوبِكُمْ فَأَصْبَحْتُم بِنِعْمَتِهِ إِخْوَانًا وَكُنتُمْ عَلَىٰ شَفَا حُفْرَةٍ مِّنَ النَّارِ فَأَنقَذَكُم مِّنْهَا ۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ(103)

 At kayo ay manangan nang mahigpit, lahat kayo nang sama-sama, sa Lubid ni Allah (alalaong baga, sa Qur’an), at huwag kayong maging magkakahiwalay sa isa’t isa, at inyong alalahanin ang biyaya ni Allah sa inyo, sapagkat kayo ay magkakaaway at Kanyang pinag-isa ang inyong mga puso nang magkakasama, at sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay naging magkakapatid kayo (sa pananampalatayang Islam), at kayo ay nasa bingit na ng Lambak ng Apoy, at Kanyang iniligtas kayo rito. Sa ganito ay ginagawa ni Allah ang Kanyang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) na maging maliwanag sa inyo upang kayo ay mapatnubayan

وَلْتَكُن مِّنكُمْ أُمَّةٌ يَدْعُونَ إِلَى الْخَيْرِ وَيَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنكَرِ ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ(104)

 Hayaang may tumindig mula sa lipon ninyo na mga tao na nag-aanyaya sa lahat ng mabuti (Islam), na nagtatagubilin ng Al Ma’ruf (Kaisahan ni Allah sa Islam, at lahat ng mga ipinag-utos ni Allah na dapat gawin) at nagbabawal sa Al Munkar (pagsamba sa maraming diyus-diyosan, kawalan ng pananalig at lahat ng ipinagbabawal sa Islam). At sila ang magsisipagtagumpay

وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ تَفَرَّقُوا وَاخْتَلَفُوا مِن بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْبَيِّنَاتُ ۚ وَأُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ(105)

 At huwag kayong mapabilang sa mga naghihiwa-hiwalay at may pagkakasalungatan sa kanilang sarili matapos ang maliwanag na katibayan ay dumatal sa kanila. Sila ang daratnan ng nakakapangilabot na kaparusahan

يَوْمَ تَبْيَضُّ وُجُوهٌ وَتَسْوَدُّ وُجُوهٌ ۚ فَأَمَّا الَّذِينَ اسْوَدَّتْ وُجُوهُهُمْ أَكَفَرْتُم بَعْدَ إِيمَانِكُمْ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنتُمْ تَكْفُرُونَ(106)

 Sa Araw na ito (Araw ng Muling Pagkabuhay), ang ilang mga mukha ay magiging maputi (maliwanag) at ang ilang mukha ay magiging maitim (madilim); at sa kanila na ang mukha ay maiitim (sa kanila ay ipagbabadya): “Kayo ba ay nagtakwil ng pananampalataya matapos na ito ay inyong tanggapin? Kung gayon, inyong lasapin ang kaparusahan (sa Impiyerno) dahilan sa (inyong) pagtatakwil sa Pananampalataya.”

وَأَمَّا الَّذِينَ ابْيَضَّتْ وُجُوهُهُمْ فَفِي رَحْمَةِ اللَّهِ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ(107)

 At sa kanila na ang mukha ay magiging maputi (maliwanag), sila ay hahantong sa Habag ni Allah (Paraiso), sila ay mananahan dito magpakailanman

تِلْكَ آيَاتُ اللَّهِ نَتْلُوهَا عَلَيْكَ بِالْحَقِّ ۗ وَمَا اللَّهُ يُرِيدُ ظُلْمًا لِّلْعَالَمِينَ(108)

 Ito ang mga Talata ni Allah; dinalit Namin ito sa iyo (o Muhammad) sa katotohanan, at si Allah ay hindi nagnanais ng kawalang katarungan sa Kanyang mga nilalang

وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ(109)

 At si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at ng lahat ng nasa kalupaan. At ang lahat ng bagay ay magbabalik kay Allah (upang pagpasyahan)

كُنتُمْ خَيْرَ أُمَّةٍ أُخْرِجَتْ لِلنَّاسِ تَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَتَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنكَرِ وَتُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ ۗ وَلَوْ آمَنَ أَهْلُ الْكِتَابِ لَكَانَ خَيْرًا لَّهُم ۚ مِّنْهُمُ الْمُؤْمِنُونَ وَأَكْثَرُهُمُ الْفَاسِقُونَ(110)

 Kayo (na tunay na naniniwala sa Kaisahan ni Allah at sumusunod kay Propeta Muhammad at sa kanyang mga gawa) ang pinakamainam sa lahat ng mga tao na nilikha sa (lipon) ng sangkatauhan, kayo ay nagtatagubilin ng Al-Ma’ruf (paniniwala sa Kaisahan ni Allah at sa lahat ng ipinag-uutos ng Islam) at nagbabawal sa Al-Munkar (paniniwala sa maraming diyus-diyosan, kawalan ng pananalig, at sa lahat ng ipinagbabawal sa Islam), at kayo ay sumasampalataya kay Allah. At kung ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay sumampalataya lamang, ito (sana) ay higit na mabuti para sa kanila; sa lipon nila ay may ilan na may pananalig, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay Al-Fasiqun (palasuway kay Allah at mapaghimagsik laban sa kautusan ni Allah)

لَن يَضُرُّوكُمْ إِلَّا أَذًى ۖ وَإِن يُقَاتِلُوكُمْ يُوَلُّوكُمُ الْأَدْبَارَ ثُمَّ لَا يُنصَرُونَ(111)

 Sila ay hindi makakagawa sa inyo ng kasahulan (kapinsalaan), maliban sa walang saysay na pang-iinis; at kung sila ay lumaban sa inyo, ay ipapakita nila ang kanilang likuran, at sila ay hindi tutulungan

ضُرِبَتْ عَلَيْهِمُ الذِّلَّةُ أَيْنَ مَا ثُقِفُوا إِلَّا بِحَبْلٍ مِّنَ اللَّهِ وَحَبْلٍ مِّنَ النَّاسِ وَبَاءُوا بِغَضَبٍ مِّنَ اللَّهِ وَضُرِبَتْ عَلَيْهِمُ الْمَسْكَنَةُ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانُوا يَكْفُرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَيَقْتُلُونَ الْأَنبِيَاءَ بِغَيْرِ حَقٍّ ۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوا وَّكَانُوا يَعْتَدُونَ(112)

 Ang kawalang dangal ay inilapat sa kanila kahit saan man sila naroroon, maliban kung sila ay nasa ilalim ng kasunduan (ng pangangalaga) mula kay Allah, at mula sa mga tao; sila ang humatak tungo sa kanilang sarili ng Poot ni Allah, at ang pagkawasak ay inilapat sa kanila. Ito’y sa dahilang sila ay hindi nanampalataya sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ni Allah at pinatay nila ang mga Propeta ng walang katarungan. Ito’y sa dahilang sinuway nila (si Allah) at nahirati na lumabag nang lagpas sa hangganan (nang pagsuway kay Allah; mga krimen at kasalanan)

۞ لَيْسُوا سَوَاءً ۗ مِّنْ أَهْلِ الْكِتَابِ أُمَّةٌ قَائِمَةٌ يَتْلُونَ آيَاتِ اللَّهِ آنَاءَ اللَّيْلِ وَهُمْ يَسْجُدُونَ(113)

 Hindi lahat sila ay magkakatulad; ang isang pangkat ng Angkan ng Kasulatan ay tumitindig sa katuwiran, sila ay dumadalit ng mga Talata ni Allah sa mga sandali ng gabi, na nagpapatirapa sa kanilang sarili sa pananalangin

يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَيَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنكَرِ وَيُسَارِعُونَ فِي الْخَيْرَاتِ وَأُولَٰئِكَ مِنَ الصَّالِحِينَ(114)

 Sila ay nananampalataya kay Allah at sa Huling Araw; sila ay nagtatagubilin ng Al-Ma’ruf (paniniwala sa Kaisahan ni Allah at pagsunod kay Propeta Muhammad) at nagbabawal sa Al-Munkar (pagsamba sa maraming diyus-diyosan, kawalan ng paniniwala at pagtutol kay Propeta Muhammad); at sila ay nagmamadali (sa lahat) ng mabubuting gawa; at sila ay nasa lipon ng matutuwid

وَمَا يَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ فَلَن يُكْفَرُوهُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالْمُتَّقِينَ(115)

 At anumang mabuti ang kanilang gawin, walang anuman ang itatakwil sa kanila; sapagkat ganap na batid ni Allah kung sino ang Al Muttaqun (mga matimtiman, matutuwid, mabubuting tao)

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَن تُغْنِيَ عَنْهُمْ أَمْوَالُهُمْ وَلَا أَوْلَادُهُم مِّنَ اللَّهِ شَيْئًا ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۚ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ(116)

 Katotohanan, ang mga nagtatakwil ng Pananampalataya (hindi sumasampalataya kay Muhammad bilang Tagapagbalita ni Allah at lahat ng kanyang dinala mula kay Allah), ang kanilang mga ari-arian gayundin ang kanilangmgaanakaywalangmaibibigaynakapakinabangan laban kay Allah. Sila ay magsisipanirahan sa Apoy, dito sila ay mananatili

مَثَلُ مَا يُنفِقُونَ فِي هَٰذِهِ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا كَمَثَلِ رِيحٍ فِيهَا صِرٌّ أَصَابَتْ حَرْثَ قَوْمٍ ظَلَمُوا أَنفُسَهُمْ فَأَهْلَكَتْهُ ۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ اللَّهُ وَلَٰكِنْ أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ(117)

 Ang kahalintulad ng kanilang ginugugol sa mundong ito ay katulad ng hangin na lubhang malamig; ito ay tumama sa ani ng mga tao na gumawa ng kamalian sa kanilang sarili at puminsala nito (alalaong baga, ang mabuting gawa ng isang tao ay tatanggapin lamang kung siya ay naniniwala sa Kaisahan ni Allah at sa lahat ng mga propeta, kasama na si Hesukristo at Muhammad). Sila ay hindi ipinalungi ni Allah, datapuwa’t sila ang nagpalungi sa kanilang sarili

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا بِطَانَةً مِّن دُونِكُمْ لَا يَأْلُونَكُمْ خَبَالًا وَدُّوا مَا عَنِتُّمْ قَدْ بَدَتِ الْبَغْضَاءُ مِنْ أَفْوَاهِهِمْ وَمَا تُخْفِي صُدُورُهُمْ أَكْبَرُ ۚ قَدْ بَيَّنَّا لَكُمُ الْآيَاتِ ۖ إِن كُنتُمْ تَعْقِلُونَ(118)

 O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong kunin bilang Bitanah (tagapayo, tagapangalaga, kawaksi, kaibigan, atbp.) ang mga nasa labas ng inyong pananampalataya (mga pagano, Hudyo, Kristiyano at mapagkunwari), sapagkat sila ay hindi titigil na gawin ang kanilang makakaya upang kayo ay pasamain. Sila ay nagnanais na bigyan kayo ng matinding kapinsalaan. Ang pagkamuhi ay ganap nang sumilay sa kanilang bibig, subalit ang inililingid ng kanilang dibdib ay higit na masama. Katiyakan, Aming ginawa na magaan sa inyo ang Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), kung kayo ay nakakaunawa

هَا أَنتُمْ أُولَاءِ تُحِبُّونَهُمْ وَلَا يُحِبُّونَكُمْ وَتُؤْمِنُونَ بِالْكِتَابِ كُلِّهِ وَإِذَا لَقُوكُمْ قَالُوا آمَنَّا وَإِذَا خَلَوْا عَضُّوا عَلَيْكُمُ الْأَنَامِلَ مِنَ الْغَيْظِ ۚ قُلْ مُوتُوا بِغَيْظِكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ(119)

 Ah! Kayo ang mga nagmamahal sa kanila datapuwa’t sila ay hindi nagmamahal sa inyo, at kayo ay nananampalataya sa lahat ng mga Kasulatan (alalaong baga, kayo ay naniniwala sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, samantalang sila ay hindi naniniwala sa inyong Aklat, ang Qur’an). At kung sila ay makadaupang palad ninyo, sila ay nagsasabi, “Kami ay sumasampalataya”. Subalit kung sila ay nag-iisa, kanilang kinakagat ang dulo ng kanilang daliri dahil sa galit sa inyo. Ipagbadya: “Kayo ay maglalaho sa inyong galit.” Katiyakang batid ni Allah kung ano ang (lahat ng lihim) na nasa dibdib

إِن تَمْسَسْكُمْ حَسَنَةٌ تَسُؤْهُمْ وَإِن تُصِبْكُمْ سَيِّئَةٌ يَفْرَحُوا بِهَا ۖ وَإِن تَصْبِرُوا وَتَتَّقُوا لَا يَضُرُّكُمْ كَيْدُهُمْ شَيْئًا ۗ إِنَّ اللَّهَ بِمَا يَعْمَلُونَ مُحِيطٌ(120)

 At kung ang mabuting bagay ay mangyari sa inyo, ito ay nakakapagpalumbay sa kanila, datapuwa’t kung ang ilang kasamaan ay manaig sa inyo, sila ay natutuwa rito. Ngunit kung kayo ay mananatiling matimtiman at maging Al Muttaqun (matiyaga sa pagbabata at pagiging matuwid), wala ni isa mang katiting na kapinsalaan ang magagawa ng kanilang katusuhan sa inyo. Katotohanang si Allah ang nakakatalos ng lahat nilang ginagawa

وَإِذْ غَدَوْتَ مِنْ أَهْلِكَ تُبَوِّئُ الْمُؤْمِنِينَ مَقَاعِدَ لِلْقِتَالِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ(121)

 At (gunitain) nang ikaw (o Muhammad) ay lumisan sa iyong mag-anak nang (isang) umaga upang italaga ang mga sumasampalataya sa kanilang puwesto sa digmaan (ng Uhud). At si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakaalam

إِذْ هَمَّت طَّائِفَتَانِ مِنكُمْ أَن تَفْشَلَا وَاللَّهُ وَلِيُّهُمَا ۗ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ(122)

 Nang ang dalawang pangkat sa lipon ninyo ay malapit na sanang mawalan ng pag-asa (damdamin), subalit si Allah ang kanilang naging Wali (Kapanalig at Tagapangalaga). At ang mga sumasampalataya ay nararapat na magtiwala kay Allah

وَلَقَدْ نَصَرَكُمُ اللَّهُ بِبَدْرٍ وَأَنتُمْ أَذِلَّةٌ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ(123)

 At si Allah ang nagpahintulot sa inyo na maging matagumpay sa Badr, nang kayo ay isa pang mahina at maliit na puwersa. Kaya’t lubha ninyong pangambahan si Allah (umiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbabawal at higit ninyong mahalin si Allah sa paggawa ng lahat ng uri ng mabuti na Kanyang ipinag-uutos) upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat

إِذْ تَقُولُ لِلْمُؤْمِنِينَ أَلَن يَكْفِيَكُمْ أَن يُمِدَّكُمْ رَبُّكُم بِثَلَاثَةِ آلَافٍ مِّنَ الْمَلَائِكَةِ مُنزَلِينَ(124)

 (Gunitain) nang ikaw (o Muhammad) ay magbadya sa mga sumasampalataya, “Hindi pa ba sapat sa inyo na ang inyong Panginoon (Allah) ay nangyaring tumulong sa inyo sa pamamagitan ng tatlong libong anghel; na (Kanyang) ipinanaog?”

بَلَىٰ ۚ إِن تَصْبِرُوا وَتَتَّقُوا وَيَأْتُوكُم مِّن فَوْرِهِمْ هَٰذَا يُمْدِدْكُمْ رَبُّكُم بِخَمْسَةِ آلَافٍ مِّنَ الْمَلَائِكَةِ مُسَوِّمِينَ(125)

 “Tunay nga, kung kayo ay mananatiling matiyaga at may kabanalan, at ang kaaway ay lumusob sa inyo; ang inyong Panginoon ay tutulong sa inyo sa pamamagitan ng limang libong anghel na may tatak (ng pagiging katangi-tangi).”

وَمَا جَعَلَهُ اللَّهُ إِلَّا بُشْرَىٰ لَكُمْ وَلِتَطْمَئِنَّ قُلُوبُكُم بِهِ ۗ وَمَا النَّصْرُ إِلَّا مِنْ عِندِ اللَّهِ الْعَزِيزِ الْحَكِيمِ(126)

 Hindi ito ginawa ni Allah maliban sa isang mensahe ng mabuting balita sa inyo at bilang isang katiyakan (kapanatagan) sa inyong puso. At walang tagumpay malibang nagmula kay Allah, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Kaalaman

لِيَقْطَعَ طَرَفًا مِّنَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَوْ يَكْبِتَهُمْ فَيَنقَلِبُوا خَائِبِينَ(127)

 Na Kanyang maputol ang isang bahagi ng hindi sumasampalataya, omailantadsilasakabuktutan, upangsila ay umurong na bigo

لَيْسَ لَكَ مِنَ الْأَمْرِ شَيْءٌ أَوْ يَتُوبَ عَلَيْهِمْ أَوْ يُعَذِّبَهُمْ فَإِنَّهُمْ ظَالِمُونَ(128)

 Hindi para sa iyo (O Muhammad), ngunit para kay Allah ang pagpapasya; kahima’t Siya ay magbigay ng habag (upang patawarin) sila o parusahan sila; katotohanang sila ay Zalimun (mga tampalasan, buhong, buktot, mapagsamba sa diyus-diyosan)

وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ يَغْفِرُ لِمَن يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(129)

 At si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. Kanyang pinatatawad ang Kanyang maibigan, at nagpaparusa sa Kanyang maibigan. At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَأْكُلُوا الرِّبَا أَضْعَافًا مُّضَاعَفَةً ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ(130)

 O kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong magkamal ng riba (patubo sa pera at pautang), ng dalawang ulit at patong-patong, datapuwa’t pangambahan (ninyo) si Allah upang kayo ay maging matagumpay

وَاتَّقُوا النَّارَ الَّتِي أُعِدَّتْ لِلْكَافِرِينَ(131)

 At katakutan ninyo ang Apoy, na inihanda sa mga hindi sumasampalataya

وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَالرَّسُولَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ(132)

 At sundin si Allah at ang (Kanyang) Tagapagbalita (Muhammad) upang kayo ay magkamit ng habag

۞ وَسَارِعُوا إِلَىٰ مَغْفِرَةٍ مِّن رَّبِّكُمْ وَجَنَّةٍ عَرْضُهَا السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ أُعِدَّتْ لِلْمُتَّقِينَ(133)

 At maging maagap sa pag-uunahan tungo sa kapatawaran ni Allah, at sa Paraiso na kasinglawak na tulad ng kalangitan at ng kalupaan na inihanda sa Al- Muttaqun (mga matimtiman, mabuti, matuwid na tao)

الَّذِينَ يُنفِقُونَ فِي السَّرَّاءِ وَالضَّرَّاءِ وَالْكَاظِمِينَ الْغَيْظَ وَالْعَافِينَ عَنِ النَّاسِ ۗ وَاللَّهُ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ(134)

 Ang mga gumugugol (sa Kapakanan ni Allah; mga gawang kawanggawa, limos at tulong, atbp.) sa kasaganaan at kahirapan, na nagtitimpi ng galit at nagpapatawad ng mga tao; katotohanang si Allah ay nagmamahal sa mga gumagawa ng kabutihan

وَالَّذِينَ إِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً أَوْ ظَلَمُوا أَنفُسَهُمْ ذَكَرُوا اللَّهَ فَاسْتَغْفَرُوا لِذُنُوبِهِمْ وَمَن يَغْفِرُ الذُّنُوبَ إِلَّا اللَّهُ وَلَمْ يُصِرُّوا عَلَىٰ مَا فَعَلُوا وَهُمْ يَعْلَمُونَ(135)

 At yaong (mga tao) na kung sila ay nakagawa ng labag na pakikipagtalik o nagpalungi ng kanilang sarili sa kasamaan, ay nakakaala- ala kay Allah at humihingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan; - at sino pa ba kaya ang magpapatawad ng mga kasalanan maliban kay Allah? – At hindi matigas ang ulo sa pagpupumilit (sa kamalian) na kanilang nagawa

أُولَٰئِكَ جَزَاؤُهُم مَّغْفِرَةٌ مِّن رَّبِّهِمْ وَجَنَّاتٌ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ وَنِعْمَ أَجْرُ الْعَامِلِينَ(136)

 Sa ganito, ang gantimpala ay Kapatawaran mula sa kanilang Panginoon, at mga Halamanan na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), sila ay mananatili rito magpakailanman. Tunay na napakainam ang ganitong gantimpala sa mga gumagawa (at nagsisikap sa kabutihan ng ayon sa pag-uutos ni Allah)

قَدْ خَلَتْ مِن قَبْلِكُمْ سُنَنٌ فَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ(137)

 Maraming mga katulad na pamamaraan (at kasahulan sa buhay) ang nakaharap ng mga pamayanan (mga bansa, na sumasampalataya at hindi sumasampalataya) na nagsipanaw na nang una pa sa inyo (katulad ng inyong nakaharap sa Uhud), kaya’t magsipaglakbay sa kalupaan at pagmasdan kung ano ang kinasapitan ng mga hindi nagsisampalataya (sa Kaisahan ni Allah, sumuway sa Kanya at sa Kanyang mgaTagapagbalita)

هَٰذَا بَيَانٌ لِّلنَّاسِ وَهُدًى وَمَوْعِظَةٌ لِّلْمُتَّقِينَ(138)

 Ito (ang Qur’an) ay isang maliwanag na pangungusap sa sangkatauhan, isang patnubay at pagtuturo sa mga (tao) na Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid at mabuting tao)

وَلَا تَهِنُوا وَلَا تَحْزَنُوا وَأَنتُمُ الْأَعْلَوْنَ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ(139)

 Kaya’t huwag kayong maging mahina (laban sa inyong kaaway), at huwag ding malumbay, kayo ay mangunguna (sa tagumpay) kung katotohanan na kayo ay (tunay) na sumasampalataya

إِن يَمْسَسْكُمْ قَرْحٌ فَقَدْ مَسَّ الْقَوْمَ قَرْحٌ مِّثْلُهُ ۚ وَتِلْكَ الْأَيَّامُ نُدَاوِلُهَا بَيْنَ النَّاسِ وَلِيَعْلَمَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَيَتَّخِذَ مِنكُمْ شُهَدَاءَ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الظَّالِمِينَ(140)

 Kung ang sugat (o pamamatay) ay sumapit sa inyo, tiyakin ninyo na ang katulad na sugat (o pamamatay) ay sumapit din sa iba. At gayundin, ang mga araw (na mabuti at hindi lubhang mabuti) ay Aming ibinigay sa mga tao nang halinhinan, upang masubukan (ni Allah) ang mga sumasampalataya at upang Kanyang matipon ang mga martir mula sa inyong lipon. At si Allah ay hindi nalulugod sa Zalimun (mga buhong, buktot, tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan)

وَلِيُمَحِّصَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَيَمْحَقَ الْكَافِرِينَ(141)

 At upang masubukan ni Allah (o mapadalisay) ang mga sumasampalataya (sa kanilang kasalanan) at mawasak ang mga hindi sumasampalataya

أَمْ حَسِبْتُمْ أَن تَدْخُلُوا الْجَنَّةَ وَلَمَّا يَعْلَمِ اللَّهُ الَّذِينَ جَاهَدُوا مِنكُمْ وَيَعْلَمَ الصَّابِرِينَ(142)

 Napag-aakala ba ninyo na kayo ay makakapasok sa Paraiso bago pa man masubukan ni Allah ang karamihan sa inyo na nakipaglaban (sa Kanyang Kapakanan) at (gayundin) ay (Kanyang) masubukan sila na nanatiling matiyaga

وَلَقَدْ كُنتُمْ تَمَنَّوْنَ الْمَوْتَ مِن قَبْلِ أَن تَلْقَوْهُ فَقَدْ رَأَيْتُمُوهُ وَأَنتُمْ تَنظُرُونَ(143)

 Katiyakang kayo ay nagnais ng kamatayan (pagiging martir) bago ito ay inyong nakaharap. Ngayon, ito ay inyong napagmalas nang lantaran sa inyong sariling mga mata

وَمَا مُحَمَّدٌ إِلَّا رَسُولٌ قَدْ خَلَتْ مِن قَبْلِهِ الرُّسُلُ ۚ أَفَإِن مَّاتَ أَوْ قُتِلَ انقَلَبْتُمْ عَلَىٰ أَعْقَابِكُمْ ۚ وَمَن يَنقَلِبْ عَلَىٰ عَقِبَيْهِ فَلَن يَضُرَّ اللَّهَ شَيْئًا ۗ وَسَيَجْزِي اللَّهُ الشَّاكِرِينَ(144)

 Si Muhammad ay hindi hihigit pa sa isang Tagapagbalita, at katotohanang (marami) ng Tagapagbalita ang pumanaw nang una pa sa kanya. Kung siya ay namatay o napatay, kayo ba ay tatalikod sa inyong mga sakong (bilang hindi nananampalataya)? At siya na tumatalikod sa kanyang sakong, walang anumang katiting na kapinsalaan ang magagawa niya kay Allah, at si Allah ang magbibigay ng gantimpala sa mga may damdamin ng pasasalamat

وَمَا كَانَ لِنَفْسٍ أَن تَمُوتَ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ كِتَابًا مُّؤَجَّلًا ۗ وَمَن يُرِدْ ثَوَابَ الدُّنْيَا نُؤْتِهِ مِنْهَا وَمَن يُرِدْ ثَوَابَ الْآخِرَةِ نُؤْتِهِ مِنْهَا ۚ وَسَنَجْزِي الشَّاكِرِينَ(145)

 At walang sinuman ang maaaring mamatay maliban sa Kanyang kapahintulutan at sa natataningang araw. At sinuman ang maghangad ng gantimpala sa mundong (ito), Aming ipagkakaloob ito sa kanya; at sinumang maghangad ng gantimpala sa Kabilang Buhay, Aming ipagkakaloob ito sa kanya. At Aming gagantimpalaan ang mga may pagtanaw ng utang na loob

وَكَأَيِّن مِّن نَّبِيٍّ قَاتَلَ مَعَهُ رِبِّيُّونَ كَثِيرٌ فَمَا وَهَنُوا لِمَا أَصَابَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَمَا ضَعُفُوا وَمَا اسْتَكَانُوا ۗ وَاللَّهُ يُحِبُّ الصَّابِرِينَ(146)

 At marami sa propeta (alalaong baga, marami sa lipon ng mga propeta) ang nakipaglaban (sa Kapakanan ni Allah), at kanyang kasama (na nakipaglaban) aymalakingpangkatngrelihiyosoatmaalamnakalalakihan. Ngunit kailanman, hindi sila nawalan ng pag-asa (sa damdamin at puso) sa anumang sumapit sa kanila tungo sa Landas ni Allah, gayundin ay hindi sila pinanghinaan (ng loob) o ginawang kaaba-aba ang kanilang sarili. At si Allah ay nagmamahal sa mga matitiyaga

وَمَا كَانَ قَوْلَهُمْ إِلَّا أَن قَالُوا رَبَّنَا اغْفِرْ لَنَا ذُنُوبَنَا وَإِسْرَافَنَا فِي أَمْرِنَا وَثَبِّتْ أَقْدَامَنَا وَانصُرْنَا عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ(147)

 At sila ay hindi nagsasabi ng anuman maliban sa: “Aming Panginoon! Patawarin Ninyo ang aming mga kasalanan at ang aming paglabag (sa mga tungkulin namin sa Inyo), patatagin Ninyo ang aming mga paa at Inyong pagkalooban kami ng tagumpay laban sa mga hindi nananampalataya.”

فَآتَاهُمُ اللَّهُ ثَوَابَ الدُّنْيَا وَحُسْنَ ثَوَابِ الْآخِرَةِ ۗ وَاللَّهُ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ(148)

 Kaya’t ibinigay ni Allah sa kanila ang gantimpala ng mundong ito, at ang pinakamainam na gantimpala ng Kabilang Buhay. At si Allah ay nagmamahal sa mga gumagawa ng kabutihan

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِن تُطِيعُوا الَّذِينَ كَفَرُوا يَرُدُّوكُمْ عَلَىٰ أَعْقَابِكُمْ فَتَنقَلِبُوا خَاسِرِينَ(149)

 O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay susunod sa mga hindi sumasampalataya, kayo ay kanilang ibabalik sa inyong mga sakong, at kayo ay tatalikod (sa pananampalataya) bilang mga talunan

بَلِ اللَّهُ مَوْلَاكُمْ ۖ وَهُوَ خَيْرُ النَّاصِرِينَ(150)

 Hindi, si Allah ang inyong Maula (Patron, Panginoon, Kapanalig, Tagapangalaga, atbp.), at Siya ang Pinakamagaling sa lahat ng mga tumutulong

سَنُلْقِي فِي قُلُوبِ الَّذِينَ كَفَرُوا الرُّعْبَ بِمَا أَشْرَكُوا بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا ۖ وَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۚ وَبِئْسَ مَثْوَى الظَّالِمِينَ(151)

 Kami (Allah) ay maghahasik ng lagim sa puso ng mga hindi sumasampalataya sapagkat sila ay nagtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah, at (tungkol dito), Siya ay hindi nagbigay ng kapamahalaan; ang kanilang tirahan ay Apoy at gaano kasama ang tirahan ng Zalimun (mga buhong, buktot, tampalasan, mapagsamba sa diyus- diyosan, atbp)

وَلَقَدْ صَدَقَكُمُ اللَّهُ وَعْدَهُ إِذْ تَحُسُّونَهُم بِإِذْنِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا فَشِلْتُمْ وَتَنَازَعْتُمْ فِي الْأَمْرِ وَعَصَيْتُم مِّن بَعْدِ مَا أَرَاكُم مَّا تُحِبُّونَ ۚ مِنكُم مَّن يُرِيدُ الدُّنْيَا وَمِنكُم مَّن يُرِيدُ الْآخِرَةَ ۚ ثُمَّ صَرَفَكُمْ عَنْهُمْ لِيَبْتَلِيَكُمْ ۖ وَلَقَدْ عَفَا عَنكُمْ ۗ وَاللَّهُ ذُو فَضْلٍ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ(152)

 At katiyakang tinupad ni Allah ang Kanyang pangako sa inyo habang sila (na inyong kaaway) ay inyong pinapatay sa Kanyang pahintulot; hanggang (sa sandaling) kayo ay nawalan ng katapangan at humantong sa pakikipagtalo tungkol sa utos, at hindi sumunod matapos na maipakita Niya sa inyo (ang labing yaman ng digmaan) na inyong ninanais. Sa lipon ninyo ay mayroong nagnanais sa mundong ito at ang iba ay naghahangad sa Kabilang Buhay. At Kanyang binayaan na kayo ay tumalilis sa (inyong kaaway), upang kayo ay Kanyang masubukan. Datapuwa’t katotohanang kayo ay Kanyang pinatawad, at si Allah ang Pinakamapagbigay sa mga sumasampalataya

۞ إِذْ تُصْعِدُونَ وَلَا تَلْوُونَ عَلَىٰ أَحَدٍ وَالرَّسُولُ يَدْعُوكُمْ فِي أُخْرَاكُمْ فَأَثَابَكُمْ غَمًّا بِغَمٍّ لِّكَيْلَا تَحْزَنُوا عَلَىٰ مَا فَاتَكُمْ وَلَا مَا أَصَابَكُمْ ۗ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ(153)

 (At gunitain) nang kayo ay tumalilis (ng may pangingilabot) na hindi man lamang lumilingon sa sinuman, at ang Tagapagbalita (Muhammad) ay nasa inyong likuran na tumatawag sa inyo upang kayo (ay magbalik). dito, si Allah ay nagbigay sa inyo ng sunod-sunod na pagkabalisa sa pamamagitan ng kabayaran upang kayo ay maturuan na huwag malumbay sa bagay na nakaalpas sa inyo, gayundin naman sa bagay na sumapit sa inyo. At si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng lahat ninyong ginagawa

ثُمَّ أَنزَلَ عَلَيْكُم مِّن بَعْدِ الْغَمِّ أَمَنَةً نُّعَاسًا يَغْشَىٰ طَائِفَةً مِّنكُمْ ۖ وَطَائِفَةٌ قَدْ أَهَمَّتْهُمْ أَنفُسُهُمْ يَظُنُّونَ بِاللَّهِ غَيْرَ الْحَقِّ ظَنَّ الْجَاهِلِيَّةِ ۖ يَقُولُونَ هَل لَّنَا مِنَ الْأَمْرِ مِن شَيْءٍ ۗ قُلْ إِنَّ الْأَمْرَ كُلَّهُ لِلَّهِ ۗ يُخْفُونَ فِي أَنفُسِهِم مَّا لَا يُبْدُونَ لَكَ ۖ يَقُولُونَ لَوْ كَانَ لَنَا مِنَ الْأَمْرِ شَيْءٌ مَّا قُتِلْنَا هَاهُنَا ۗ قُل لَّوْ كُنتُمْ فِي بُيُوتِكُمْ لَبَرَزَ الَّذِينَ كُتِبَ عَلَيْهِمُ الْقَتْلُ إِلَىٰ مَضَاجِعِهِمْ ۖ وَلِيَبْتَلِيَ اللَّهُ مَا فِي صُدُورِكُمْ وَلِيُمَحِّصَ مَا فِي قُلُوبِكُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ(154)

 At makaraan ang panganib, Siya ay nagpapanaog ng kapanatagan sa inyo. Ang antok ay nakapanaig sa isang pangkat sa inyo, samantalang ang ibang pangkat ay nag-iisip ng tungkol sa kanilang sarili (kung paano sila makakaligtas, at hindi nagmamalasakit sa iba pa at sa Propeta) at nag- iisip ng mali tungkol kay Allah, – ang kaisipan ng kawalang kaalaman. Sila ay nagsabi, “Kami ba ay mayroong anumang bahagi sa pangyayari?” Ipagbadya (o Muhammad): “Katotohanang si Allah ang may pag-aangkin sa lahat ng pangyayari.” Itinatago nila sa kanilang sarili ang bagay na wala silang lakas ng loob na ilantad sa iyo, na nagsasabi: “Kung kami ay walang dapat gawin sa pangyayari, walang sinuman sa amin ang masasawi rito.” Ipagbadya: “Kahit na kayo ay namalagi sa inyong tahanan, ang mga itinalaga na mamatay, (sila) ay katiyakang patutungo sa pook ng kanilang kamatayan,” ngunit upang masubukan ni Allah kung ano ang laman ng kanilang puso at Mahis-in (subukan, dalisayin, maibsan) ang mga bagay na nasa inyong puso (mga kasalanan), at si Allah ang Ganap na Nakakatalos kung ano ang nasa (inyong) dibdib

إِنَّ الَّذِينَ تَوَلَّوْا مِنكُمْ يَوْمَ الْتَقَى الْجَمْعَانِ إِنَّمَا اسْتَزَلَّهُمُ الشَّيْطَانُ بِبَعْضِ مَا كَسَبُوا ۖ وَلَقَدْ عَفَا اللَّهُ عَنْهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٌ(155)

 Ang mga tumalikod sa (karamihan) ninyo nang araw na ang dalawang pangkat (karamihan ng tao) ay magtagpo (alalaong baga, sa digmaan ng Uhud), si Satanas ang gumawa sa kanila na tumalilis (tumakas sa gitna ng labanan) dahilan sa ilang (kasalanan) na kanilang kinita. Datapuwa’t si Allah ay katotohanang nagpatawad sa kanila. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamapagpaumanhin

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ كَفَرُوا وَقَالُوا لِإِخْوَانِهِمْ إِذَا ضَرَبُوا فِي الْأَرْضِ أَوْ كَانُوا غُزًّى لَّوْ كَانُوا عِندَنَا مَا مَاتُوا وَمَا قُتِلُوا لِيَجْعَلَ اللَّهُ ذَٰلِكَ حَسْرَةً فِي قُلُوبِهِمْ ۗ وَاللَّهُ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ(156)

 O kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong tumulad sa kanila na hindi nananampalataya (mga mapagkunwari) at nagsasabi sa kanilang kapatid kung sila ay naglalakbay sa kalupaan o lumalabas upang lumaban: “Kung sila lamang ay nanatili sa amin, sila sana ay hindi nasawi o napatay,” upang gawin ni Allah na ito ay maging sanhi ng pagsisisi sa kanilang puso. Si Allah ang nagbibigay ng buhay at nagbibigay ng kamatayan. At si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng anumang inyong ginagawa

وَلَئِن قُتِلْتُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ أَوْ مُتُّمْ لَمَغْفِرَةٌ مِّنَ اللَّهِ وَرَحْمَةٌ خَيْرٌ مِّمَّا يَجْمَعُونَ(157)

 At kung kayo ay napatay o nasawi sa Landas ni Allah, ang kapatawaran at habag mula kay Allah ay higit na mainam kaysa sa lahat nilang naipon (na makamundong kayamanan, atbp)

وَلَئِن مُّتُّمْ أَوْ قُتِلْتُمْ لَإِلَى اللَّهِ تُحْشَرُونَ(158)

 At kahit na kayo ay nasawi o napatay, katotohanang kay Allah, kayong (lahat) ay titipunin

فَبِمَا رَحْمَةٍ مِّنَ اللَّهِ لِنتَ لَهُمْ ۖ وَلَوْ كُنتَ فَظًّا غَلِيظَ الْقَلْبِ لَانفَضُّوا مِنْ حَوْلِكَ ۖ فَاعْفُ عَنْهُمْ وَاسْتَغْفِرْ لَهُمْ وَشَاوِرْهُمْ فِي الْأَمْرِ ۖ فَإِذَا عَزَمْتَ فَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَوَكِّلِينَ(159)

 At sa pamamagitan ng habag ni Allah, sila ay inyong pinakitunguhan nang mabanayad. At kung kayo ay naging mabagsik at naging matigas ang puso, sila marahil ay magkakawatak-watak sa paligid ninyo, kaya’t pabayaan ninyo (ang kanilang kamalian), at manawagan (kay Allah) ng kapatawaran sa kanila; at sangguniin sila tungkol sa pangyayari. At kung kayo ay nakagawa na ng pasya, ibigay ninyo ang inyong pagtitiwala kay Allah, katiyakang si Allah ay nagmamahal sa mga nagtitiwala (sa Kanya)

إِن يَنصُرْكُمُ اللَّهُ فَلَا غَالِبَ لَكُمْ ۖ وَإِن يَخْذُلْكُمْ فَمَن ذَا الَّذِي يَنصُرُكُم مِّن بَعْدِهِ ۗ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ(160)

 At kung siAllah ay tumulong sa inyo, walang sinuman ang makakapanaig sa inyo; at kung kayo ay Kanyang talikdan, sino pa ba kaya maliban sa Kanya ang makakatulong sa inyo? At kay Allah (lamang), hayaan ang mga sumasampalataya ay magtiwala

وَمَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَن يَغُلَّ ۚ وَمَن يَغْلُلْ يَأْتِ بِمَا غَلَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفْسٍ مَّا كَسَبَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ(161)

 Hindi isang katampatan para sa sinumang propeta ang kumuha ng walang katarungan sa isang bahagi ng labing yaman ng digmaan (Ghulul, - magnakaw sa labing yaman ng digmaan bago pa ito paghati-hatiin), at sinuman ang luminlang sa kanyang mga kasamahan tungkol sa labing yaman ng digmaan, sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay kanyang ilalabas ang bagay na kanyang kinuha (ng walang katarungan). At ang bawat tao ay babayaran nang ganap sa anumang kanyang kinita, - at sila ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan

أَفَمَنِ اتَّبَعَ رِضْوَانَ اللَّهِ كَمَن بَاءَ بِسَخَطٍ مِّنَ اللَّهِ وَمَأْوَاهُ جَهَنَّمُ ۚ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ(162)

 Siya kaya na sumusunod sa mabuting kaluguran ni Allah (sa hindi pagkuha ng labing yaman ng digmaan ng walang pahintulot) ay katulad niya na humahatak sa kanyang sarili ng Poot ni Allah (sa pamamagitan ng pagkuha ng labing yaman ng digmaan ng walang pahintulot o Ghulul)? – ang kanyang pananahanan ay Impiyerno, - at tunay na pagkasama-sama ang gayong hantungan

هُمْ دَرَجَاتٌ عِندَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِمَا يَعْمَلُونَ(163)

 Sila ay nasa magkakaibang antas sa paningin ni Allah, at si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng anumang kanilang ginagawa

لَقَدْ مَنَّ اللَّهُ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ إِذْ بَعَثَ فِيهِمْ رَسُولًا مِّنْ أَنفُسِهِمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِهِ وَيُزَكِّيهِمْ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَإِن كَانُوا مِن قَبْلُ لَفِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(164)

 Katotohanang si Allah ay nagbigay ng malaking biyaya sa mga sumasampalataya nang Kanyang isinugo sa karamihan nila ang isang Tagapagbalita (Muhammad) na nagmula sa kanilang lipon, na dumadalit sa kanila ng Kanyang mga Talata (ang Qur’an), at nagpapadalisay sa kanila (sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya) at nagtuturo sa kanila ng nasa Aklat (ang Qur’an) at Al-Hikmah (karunungan at mga gawa ng Propeta, alalaong baga, sawikain, pagsamba, atbp.), samantalang bago pa rito, sila ay nasa lantad na kamalian

أَوَلَمَّا أَصَابَتْكُم مُّصِيبَةٌ قَدْ أَصَبْتُم مِّثْلَيْهَا قُلْتُمْ أَنَّىٰ هَٰذَا ۖ قُلْ هُوَ مِنْ عِندِ أَنفُسِكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(165)

 (Ano ang nangyayari sa inyo)? Nang ang isang kapinsalaan ay humampas sa inyo, bagama’t inyong hinampas (ang inyong mga kaaway) na dalawang ulit na matindi, kayo ay nagsasabi: “Saan kaya nanggagaling itong sumapit sa amin?” Ipagbadya (sa kanila), “Ito ay mula sa inyong sarili (dahilan sa inyong masasamang gawa).” At si Allah ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay

وَمَا أَصَابَكُمْ يَوْمَ الْتَقَى الْجَمْعَانِ فَبِإِذْنِ اللَّهِ وَلِيَعْلَمَ الْمُؤْمِنِينَ(166)

 Ang inyong pinagdusahan (na kapinsalaan) sa araw (ng digmaan ng Uhud), nang ang dalawang sandatahan ay magkatagpo ay sa pamamagitan ng kapahintulutan ni Allah, upang Kanyang masubukan ang mga sumasampalataya

وَلِيَعْلَمَ الَّذِينَ نَافَقُوا ۚ وَقِيلَ لَهُمْ تَعَالَوْا قَاتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ أَوِ ادْفَعُوا ۖ قَالُوا لَوْ نَعْلَمُ قِتَالًا لَّاتَّبَعْنَاكُمْ ۗ هُمْ لِلْكُفْرِ يَوْمَئِذٍ أَقْرَبُ مِنْهُمْ لِلْإِيمَانِ ۚ يَقُولُونَ بِأَفْوَاهِهِم مَّا لَيْسَ فِي قُلُوبِهِمْ ۗ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا يَكْتُمُونَ(167)

 At upang Kanyang masubukan ang mga mapagkunwari, sa kanila ay ipinagbadya: “Halina kayo, tayo ay makipaglaban (tungo) sa Landas ni Allah o (kahit paano) ay ipagtanggol (ninyo) ang inyong sarili.” Sila ay nagsabi: “Kung alam lamang namin na ang paglalaban ay magaganap, katiyakang kami ay susunod sa inyo.” Sila nang araw na ito ay higit na malapit sa kawalan ng pananalig kaysa sa Pananampalataya, na nagsasabi sa kanilang bibig ng bagay na wala sa kanilang puso. At si Allah ang may ganap na kaalaman sa anumang kanilang ikinukubli

الَّذِينَ قَالُوا لِإِخْوَانِهِمْ وَقَعَدُوا لَوْ أَطَاعُونَا مَا قُتِلُوا ۗ قُلْ فَادْرَءُوا عَنْ أَنفُسِكُمُ الْمَوْتَ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(168)

 (Sila ang) nagsabi tungkol sa nasawi nilang mga kapatid habang sila ay nakaupo (sa kanilang tahanan): “Kung sila lamang ay nakinig sa amin, sila sana ay hindi napatay.” Ipagbadya: “Pigilan ninyo ang kamatayan sa inyong sarili kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”

وَلَا تَحْسَبَنَّ الَّذِينَ قُتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ أَمْوَاتًا ۚ بَلْ أَحْيَاءٌ عِندَ رَبِّهِمْ يُرْزَقُونَ(169)

 Huwag ninyong akalain na ang mga nasawi sa Landas ni Allah ay patay. Hindi, sila ay buhay, sa (piling) ng kanilang Panginoon, at sila ay may mga panustos (o ikabubuhay)

فَرِحِينَ بِمَا آتَاهُمُ اللَّهُ مِن فَضْلِهِ وَيَسْتَبْشِرُونَ بِالَّذِينَ لَمْ يَلْحَقُوا بِهِم مِّنْ خَلْفِهِمْ أَلَّا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ(170)

 Sila ay nagsasaya sa ipinagkaloob sa kanila ni Allah mula sa Kanyang biyaya, na nagsasaya para sa kapakanan ng mga hindi pa nakasama sa kanila subalit naiwan pa (hindi pa naging martir), sa kanila ay walang daratal na pangangamba, gayundin sila ay hindi malulumbay

۞ يَسْتَبْشِرُونَ بِنِعْمَةٍ مِّنَ اللَّهِ وَفَضْلٍ وَأَنَّ اللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجْرَ الْمُؤْمِنِينَ(171)

 Sila ay nagsasaya sa Biyaya at Kasaganaan mula kay Allah, at hindi hahayaan ni Allah na mawalang kabuluhan ang gantimpala ng mga sumasampalataya

الَّذِينَ اسْتَجَابُوا لِلَّهِ وَالرَّسُولِ مِن بَعْدِ مَا أَصَابَهُمُ الْقَرْحُ ۚ لِلَّذِينَ أَحْسَنُوا مِنْهُمْ وَاتَّقَوْا أَجْرٌ عَظِيمٌ(172)

 Ang mga tumugon (sa panawagan) ni Allah at ng (Kanyang) Tagapagbalita (Muhammad), matapos na masugatan; sila na gumawa ng kabutihan at nangamba kay Allah ay mayroong malaking gantimpala

الَّذِينَ قَالَ لَهُمُ النَّاسُ إِنَّ النَّاسَ قَدْ جَمَعُوا لَكُمْ فَاخْشَوْهُمْ فَزَادَهُمْ إِيمَانًا وَقَالُوا حَسْبُنَا اللَّهُ وَنِعْمَ الْوَكِيلُ(173)

 Ang (mga mapagkunwari) na nagsabi sa mga tao (na sumasampalataya): “Katotohanan, ang mga tao (mga pagano) ay nagtipon-tipon laban sa inyo (na malaking sandatahan), kung gayon, inyong katakutan sila.” Datapuwa’t ito ay lalo (lamang) nagpasidhi sa kanilang Pananampalataya, at sila ay nagsabi: “Si Allah (lamang) ay sapat na sa amin, at Siya ang Pinakamainam sa Pag-aayos ng lahat ng pangyayari (para sa amin).”

فَانقَلَبُوا بِنِعْمَةٍ مِّنَ اللَّهِ وَفَضْلٍ لَّمْ يَمْسَسْهُمْ سُوءٌ وَاتَّبَعُوا رِضْوَانَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ ذُو فَضْلٍ عَظِيمٍ(174)

 Kaya’t sila ay nagbalik na taglay ang Biyaya at Kasaganaan mula kay Allah. walang anumang kapinsalaan ang sumaling sa kanila; at sila ay sumunod sa mabuting kaluguran ni Allah. At si Allah ang nag-aangkin ng Malaking Kasaganaan

إِنَّمَا ذَٰلِكُمُ الشَّيْطَانُ يُخَوِّفُ أَوْلِيَاءَهُ فَلَا تَخَافُوهُمْ وَخَافُونِ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ(175)

 Si Satanas lamang ang nagmumungkahi sa inyo ng pagkatakot sa kanyang auliya (mga kakampi at kaibigan [mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad]), huwag ninyong katakutan sila, datapuwa’t inyong pangambahan Ako, kung kayo ay (tunay) na sumasampalataya

وَلَا يَحْزُنكَ الَّذِينَ يُسَارِعُونَ فِي الْكُفْرِ ۚ إِنَّهُمْ لَن يَضُرُّوا اللَّهَ شَيْئًا ۗ يُرِيدُ اللَّهُ أَلَّا يَجْعَلَ لَهُمْ حَظًّا فِي الْآخِرَةِ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ(176)

 At huwag hayaan na sila ay magbigay sa iyo ng kalumbayan (o Muhammad), na nagmamadali sa kawalan ng pananampalataya; katotohanan, wala isa mang katiting na kapinsalaan ang magagawa nila kay Allah. Ito ay kagustuhan ni Allah na huwag silang bigyan ng anumang bahagi ng Kabilang Buhay. Sa kanila ay may malaking kaparusahan

إِنَّ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الْكُفْرَ بِالْإِيمَانِ لَن يَضُرُّوا اللَّهَ شَيْئًا وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ(177)

 Katotohanan, ang bumibili ng kawalan ng pananampalataya sa halaga ng Pananalig, walang anumang kasahulan ang magagawa nila kay Allah. Sa kanila ay may malaking kaparusahan

وَلَا يَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّمَا نُمْلِي لَهُمْ خَيْرٌ لِّأَنفُسِهِمْ ۚ إِنَّمَا نُمْلِي لَهُمْ لِيَزْدَادُوا إِثْمًا ۚ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ(178)

 At huwag hayaan ang mga hindi sumasampalataya ay mag-akala na ang Aming pagpapaliban ng kanilang kaparusahan ay mabuti para sa kanila. Amin lamang ipinagpapaliban ang kanilang kaparusahan upang kanilang dagdagan pa ang kanilang pagiging makasalanan. At sa kanila ay mayroong kahiya-hiyang kaparusahan

مَّا كَانَ اللَّهُ لِيَذَرَ الْمُؤْمِنِينَ عَلَىٰ مَا أَنتُمْ عَلَيْهِ حَتَّىٰ يَمِيزَ الْخَبِيثَ مِنَ الطَّيِّبِ ۗ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُطْلِعَكُمْ عَلَى الْغَيْبِ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَجْتَبِي مِن رُّسُلِهِ مَن يَشَاءُ ۖ فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ ۚ وَإِن تُؤْمِنُوا وَتَتَّقُوا فَلَكُمْ أَجْرٌ عَظِيمٌ(179)

 Si Allah ay hindi mag-iiwan sa mga sumasampalataya sa kalagayan na kinalalagyan ninyo ngayon, hanggang sa Kanyang makita ang pagkakaiba ng masasama at mabubuti. At hindi rin ilalantad sa inyo ni Allah ang mga lihim ng Ghaib (mga bagay na hindi nakikita at lingid sa ating kaalaman), subalit si Allah ay humihirang ng Kanyang mga Tagapagbalita sa sinuman na Kanyang mapusuan. Kaya’t sumampalataya kayo kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita, at sa inyo ay may malaking gantimpala

وَلَا يَحْسَبَنَّ الَّذِينَ يَبْخَلُونَ بِمَا آتَاهُمُ اللَّهُ مِن فَضْلِهِ هُوَ خَيْرًا لَّهُم ۖ بَلْ هُوَ شَرٌّ لَّهُمْ ۖ سَيُطَوَّقُونَ مَا بَخِلُوا بِهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ وَلِلَّهِ مِيرَاثُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ(180)

 At huwag hayaan ang mga mapag-imbot na nagtatago sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanila mula sa Kanyang Kasaganaan (Biyaya) ay mag-akala na ito ay mabuti sa kanila (kaya sila ay hindi nagbabayad ng Zakah [katungkulang kawanggawa]). Hindi, ito ay higit na masama sa kanila; ang mga bagay na kanilang itinatago ng may kasakiman ay itatali sa kanilang leeg na katulad ng (kadenang) kuwelyo sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At si Allah ang nag-aangkin ng mga pamana ng kalangitan at kalupaan; at si Allah ay Ganap na Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa

لَّقَدْ سَمِعَ اللَّهُ قَوْلَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ فَقِيرٌ وَنَحْنُ أَغْنِيَاءُ ۘ سَنَكْتُبُ مَا قَالُوا وَقَتْلَهُمُ الْأَنبِيَاءَ بِغَيْرِ حَقٍّ وَنَقُولُ ذُوقُوا عَذَابَ الْحَرِيقِ(181)

 Katotohanan, si Allah ay nakarinig sa pangungusap ng (mga Hudyo) na nagsasabi: “Katotohanang si Allah ay maralita at tayo ay mayaman!” Aming itatala ang kanilang sinalita at ang kanilang pagpatay sa mga Propeta ng walang katarungan, at Aming wiwikain: “Lasapin ninyo ang kaparusahan ng naglalagablab (na Apoy).”

ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيكُمْ وَأَنَّ اللَّهَ لَيْسَ بِظَلَّامٍ لِّلْعَبِيدِ(182)

 Ito’y dahil sa gayong (kasamaan) na dinala ng inyong mga kamay sa harapan ninyo. At katiyakang si Allah ay hindi kailanman naging di- makatarungan sa (Kanyang) mga alipin

الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ عَهِدَ إِلَيْنَا أَلَّا نُؤْمِنَ لِرَسُولٍ حَتَّىٰ يَأْتِيَنَا بِقُرْبَانٍ تَأْكُلُهُ النَّارُ ۗ قُلْ قَدْ جَاءَكُمْ رُسُلٌ مِّن قَبْلِي بِالْبَيِّنَاتِ وَبِالَّذِي قُلْتُمْ فَلِمَ قَتَلْتُمُوهُمْ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(183)

 (Magkakatulad) ang (mga Hudyo) na nagsabi: “Katotohanang si Allah ay tumanggap sa aming pangako na kami ay hindi sasampalataya sa sinumang Tagapagbalita maliban na siya (Tagapagbalita) ay magdala sa amin ng isang handog na sisilain ng apoy (mula sa langit).” Ipagbadya: “Katotohanang may dumatal sa inyo na mga Tagapagbalita nang una pa sa akin na may maliwanag na mga Tanda, at gayundin kung ano ang inyong hinihingi; kung gayon, bakit kaya sila ay inyong pinatay, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan?”

فَإِن كَذَّبُوكَ فَقَدْ كُذِّبَ رُسُلٌ مِّن قَبْلِكَ جَاءُوا بِالْبَيِّنَاتِ وَالزُّبُرِ وَالْكِتَابِ الْمُنِيرِ(184)

 At kung sila ay magtakwil sa iyo (o Muhammad), ito ay katulad (din nang nangyari) sa mga Tagapagbalita na nauna sa iyo, na dumatal na may Al-Bayyinat (maliwanag na mga Tanda, katibayan, atbp.) at Kasulatan at Aklat ng kaliwanagan

كُلُّ نَفْسٍ ذَائِقَةُ الْمَوْتِ ۗ وَإِنَّمَا تُوَفَّوْنَ أُجُورَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۖ فَمَن زُحْزِحَ عَنِ النَّارِ وَأُدْخِلَ الْجَنَّةَ فَقَدْ فَازَ ۗ وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا مَتَاعُ الْغُرُورِ(185)

 Ang bawat isa (o kaluluwa) ay makakalasap ng kamatayan. At sa Araw ng Muling Pagkabuhay lamang, ang inyong kinita ay babayaran nang ganap. At sinuman ang inilayo sa Apoy at tinanggap sa Paraiso, katotohanang siya ay matagumpay. Ang buhay sa mundong ito ay isa lamang pagsasaya ng kalinlangan (isang bagay na mandaraya)

۞ لَتُبْلَوُنَّ فِي أَمْوَالِكُمْ وَأَنفُسِكُمْ وَلَتَسْمَعُنَّ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِن قَبْلِكُمْ وَمِنَ الَّذِينَ أَشْرَكُوا أَذًى كَثِيرًا ۚ وَإِن تَصْبِرُوا وَتَتَّقُوا فَإِنَّ ذَٰلِكَ مِنْ عَزْمِ الْأُمُورِ(186)

 Katiyakang kayo ay susubukan sa inyong kayamanan at mga ari-arian at sa inyong sariling (katawan), at katiyakang kayo ay makakarinig ng lubhang maraming (bagay) na magbibigay sa inyo ng pighati, mula sa kanila na nakatanggap ng Kasulatan nang una pa sa inyo (mga Hudyo at Kristiyano), at mula sa kanila na nagtataguri ng mga katambal kay Allah, datapuwa’t kung kayo ay magtiis sa pagtitiyaga, at maging Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid at mabuting tao), – kung gayon, katotohanang ito ay magiging isang bagay na magbibigay pasya sa lahat ng mga pangyayari, at ito ay hango sa malalaking bagay, (na nararapat ninyong pananganan sa lahat ng inyong pagpupunyagi)

وَإِذْ أَخَذَ اللَّهُ مِيثَاقَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ لَتُبَيِّنُنَّهُ لِلنَّاسِ وَلَا تَكْتُمُونَهُ فَنَبَذُوهُ وَرَاءَ ظُهُورِهِمْ وَاشْتَرَوْا بِهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۖ فَبِئْسَ مَا يَشْتَرُونَ(187)

 (At gunitain) nang si Allah ay kumuha ng isang Kasunduan mula sa kanila na binigyan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) upang gawin ito (ang balita ng pagdatal ni Propeta Muhammad at ng karunungang pangrelihiyon) na maalaman at maging maliwanag sa sangkatauhan, at ito ay huwag itago, datapuwa’t itinapon nila ito sa kanilang likuran at dito ay bumili ng ilang kaaba- abang pakinabang! At katotohanang pinakamasama ang kanilang binili

لَا تَحْسَبَنَّ الَّذِينَ يَفْرَحُونَ بِمَا أَتَوا وَّيُحِبُّونَ أَن يُحْمَدُوا بِمَا لَمْ يَفْعَلُوا فَلَا تَحْسَبَنَّهُم بِمَفَازَةٍ مِّنَ الْعَذَابِ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ(188)

 Huwag ninyong akalain na ang mga nagsisipagsaya sa bagay na kanilang ginawa (o binili) at naiibigan ay purihin sa anumang kanilang ginawa, - huwag ninyong akalain na sila ay makakatakas sa kaparusahan. Sa kanila ay may kasakit-sakit na kaparusahan

وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(189)

 At kay Allah ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan, at si Allah ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay

إِنَّ فِي خَلْقِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَاخْتِلَافِ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ لَآيَاتٍ لِّأُولِي الْأَلْبَابِ(190)

 Katotohanan! Sa pagkakalikha ng kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at araw, katiyakang naririto ang mga Tanda sa mga tao na may pang-unawa

الَّذِينَ يَذْكُرُونَ اللَّهَ قِيَامًا وَقُعُودًا وَعَلَىٰ جُنُوبِهِمْ وَيَتَفَكَّرُونَ فِي خَلْقِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ رَبَّنَا مَا خَلَقْتَ هَٰذَا بَاطِلًا سُبْحَانَكَ فَقِنَا عَذَابَ النَّارِ(191)

 Ang mga nag-aala-ala kay Allah (nang lagi, at sa pananalangin) nang nakatayo, nakaupo at nakahilig sa kanilang tagiliran, at nag-iisip nang mataman tungkol sa pagkakalikha ng kalangitan at kalupaan (na nagsasabi): “Aming Panginoon! Hindi Ninyo nilikha ang (lahat) ng ito ng walang layunin, luwalhatiin Kayo! (Higit Kayong mataas sa lahat ng mga itinataguri nilang katambal sa Inyo). Inyong gawaran kami ng kaligtasan sa kaparusahan ng Apoy

رَبَّنَا إِنَّكَ مَن تُدْخِلِ النَّارَ فَقَدْ أَخْزَيْتَهُ ۖ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنصَارٍ(192)

 Aming Panginoon! Katotohanan, ang sinumang Inyong tanggapin sa Apoy, katiyakang siya ay Inyong winalan ng dangal, at kailanman ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, tampalasan) ay hindi makakatagpo ng anumang kawaksi

رَّبَّنَا إِنَّنَا سَمِعْنَا مُنَادِيًا يُنَادِي لِلْإِيمَانِ أَنْ آمِنُوا بِرَبِّكُمْ فَآمَنَّا ۚ رَبَّنَا فَاغْفِرْ لَنَا ذُنُوبَنَا وَكَفِّرْ عَنَّا سَيِّئَاتِنَا وَتَوَفَّنَا مَعَ الْأَبْرَارِ(193)

 Aming Panginoon! Katotohanang narinig namin ang panawagan niya (Muhammad) na nananawagan sa Pananampalataya: “Manampalataya (kayo) sa inyong Panginoon,” at kami ay sumampalataya. Aming Panginoon! Patawarin Ninyo ang aming mga kasalanan at burahin ang aming kasamaan, at hayaan kami na mamatay sa kalagayan ng katuwiran na kasama ang Al-Abrar (ang mga tumatalima kay Allah at mahigpit na tumutupad sa Kanyang pag-uutos)

رَبَّنَا وَآتِنَا مَا وَعَدتَّنَا عَلَىٰ رُسُلِكَ وَلَا تُخْزِنَا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ إِنَّكَ لَا تُخْلِفُ الْمِيعَادَ(194)

 Aming Panginoon! Igawad Ninyo sa amin ang Inyong ipinangako sa pamamagitan ng Inyong mga Tagapagbalita at kami ay huwag Ninyong alisan ng dangal sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sapagkat kailanman ay hindi Kayo sumisira sa (Inyong) pangako.”

فَاسْتَجَابَ لَهُمْ رَبُّهُمْ أَنِّي لَا أُضِيعُ عَمَلَ عَامِلٍ مِّنكُم مِّن ذَكَرٍ أَوْ أُنثَىٰ ۖ بَعْضُكُم مِّن بَعْضٍ ۖ فَالَّذِينَ هَاجَرُوا وَأُخْرِجُوا مِن دِيَارِهِمْ وَأُوذُوا فِي سَبِيلِي وَقَاتَلُوا وَقُتِلُوا لَأُكَفِّرَنَّ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَلَأُدْخِلَنَّهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ثَوَابًا مِّنْ عِندِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ عِندَهُ حُسْنُ الثَّوَابِ(195)

 Kaya’t ang kanilang Panginoon ay tumanggap sa kanila (sa kanilang pagsusumamo at sa kanila ay tumugon), “Kailanman ay hindi Ko hahayaan na mawala ang gawa ng sinuman sa inyo, maging siya ay lalaki o babae. Kayo ay (magkakapanalig) sa bawat isa, kaya’t ang mga nagsilikas at itinaboymulasakanilangtahanan,atnagdusangkapinsalaan dahilan sa Aking Kapakanan, at lumaban at napatay sa Aking Kapakanan, katotohanang Aking ipatatawad sa kanila ang kanilang masasamang gawa at sila ay (Aking) tatanggapin sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso); isang gantimpala mula kay Allah, at na kay Allah ang pinakamainam na mga gantimpala.”

لَا يَغُرَّنَّكَ تَقَلُّبُ الَّذِينَ كَفَرُوا فِي الْبِلَادِ(196)

 Huwag hayaan ang pagwawaldas (at kasaganaan) ng mga hindi sumasampalataya sa kalupaan ay makalinlang sa inyo

مَتَاعٌ قَلِيلٌ ثُمَّ مَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۚ وَبِئْسَ الْمِهَادُ(197)

 Isang maigsing pagsasaya; hindi maglalaon, ang kanilang huling hantungan ay Impiyerno; at tunay na pagkasama- sama ng pook na ito upang tigilan

لَٰكِنِ الَّذِينَ اتَّقَوْا رَبَّهُمْ لَهُمْ جَنَّاتٌ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا نُزُلًا مِّنْ عِندِ اللَّهِ ۗ وَمَا عِندَ اللَّهِ خَيْرٌ لِّلْأَبْرَارِ(198)

 Datapuwa’t sa kanila nanangangambasa Kanilang Panginoon, aymga Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), sila ay mananahan dito (magpakailanman), isang kasiyahan mula kay Allah; at ang na kay Allah ang pinakamainam sa Al-Abrar (ang mga masunurin kay Allah)

وَإِنَّ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَمَن يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَمَا أُنزِلَ إِلَيْكُمْ وَمَا أُنزِلَ إِلَيْهِمْ خَاشِعِينَ لِلَّهِ لَا يَشْتَرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۗ أُولَٰئِكَ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِندَ رَبِّهِمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ(199)

 At katiyakan, na mayroon sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), ang sumasampalataya kay Allah at sa bagay na ipinahayag sa inyo, at sa bagay na ipinahayag sa kanila, na nagpapakumbaba sa kanilang sarili sa harapan ni Allah. Hindi nila ipinagbibili ang mga Talata ni Allah sa maliit na halaga; para sa kanila ay may isang gantimpala na nasa kanilang Panginoon. Katotohanang si Allah ay Maagap sa Pagsusulit

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اصْبِرُوا وَصَابِرُوا وَرَابِطُوا وَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ(200)

 o kayong nagsisisampalataya! Magsipagbata kayo at higit na magtiyaga (ng higit sa inyong kaaway), at bantayan ninyo ang inyong nasasakupan sa pamamagitan nang pagtatalaga ng pangkat na sandatahan sa mga lugar na ang kaaway ay maaaring lumusob sa inyo, at pangambahan si Allah, upang kayo ay maging matagumpay


Filipince diğer sureler:

Bakara suresi Âl-i İmrân Nisâ suresi
Mâide suresi Yûsuf suresi İbrâhîm suresi
Hicr suresi Kehf suresi Meryem suresi
Hac suresi Kasas suresi Ankebût suresi
As-Sajdah Yâsîn suresi Duhân suresi
fetih suresi Hucurât suresi Kâf suresi
Necm suresi Rahmân suresi vakıa suresi
Haşr suresi Mülk suresi Hâkka suresi
İnşikâk suresi Alâ suresi Gâşiye suresi

En ünlü okuyucuların sesiyle Ali İmran Suresi indirin:

Surah Al Imran mp3: yüksek kalitede dinlemek ve indirmek için okuyucuyu seçerek
Ali İmran Suresi Ahmed El Agamy
Ahmed El Agamy
Ali İmran Suresi Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
Ali İmran Suresi Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
Ali İmran Suresi Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
Ali İmran Suresi Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
Ali İmran Suresi Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
Ali İmran Suresi Ali Al Hudhaifi
Ali Al Hudhaifi
Ali İmran Suresi Fares Abbad
Fares Abbad
Ali İmran Suresi Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
Ali İmran Suresi Muhammad Jibril
Muhammad Jibril
Ali İmran Suresi Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
Ali İmran Suresi Al Hosary
Al Hosary
Ali İmran Suresi Al-afasi
Mishari Al-afasi
Ali İmran Suresi Nasser Al Qatami
Nasser Al Qatami
Ali İmran Suresi Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Sunday, December 22, 2024

Bizim için dua et, teşekkürler