المص(1) Alif, Lam, Mim, Sad (mga titik A, La, Ma, Sa) |
كِتَابٌ أُنزِلَ إِلَيْكَ فَلَا يَكُن فِي صَدْرِكَ حَرَجٌ مِّنْهُ لِتُنذِرَ بِهِ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ(2) (Ito ang) Aklat (ang Qur’an) na ipinanaog sa iyo (O Muhammad), kaya’t huwag hayaan ang iyong dibdib dahilan dito ay manliit, upang ikaw ay makapagbigay ng babala at isang Paala-ala sa mga sumasampalataya |
اتَّبِعُوا مَا أُنزِلَ إِلَيْكُم مِّن رَّبِّكُمْ وَلَا تَتَّبِعُوا مِن دُونِهِ أَوْلِيَاءَ ۗ قَلِيلًا مَّا تَذَكَّرُونَ(3) Ipagbadya [O Muhammad] sa mga paganong [Arabo] mula sa iyong pamayanan): “Sundin ninyo kung ano ang ipinanaog sa inyo mula sa inyong Panginoon (ang Qur’an at Sunna [mga aral at salitain] ni Propeta Muhammad), athuwagkayongsumunod sa anumang Auliya (mga tagapangalaga at kawaksi, atbp. na nag-uutos sa inyo na magtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah), maliban pa sa Kanya (Allah). Kakarampot lamang ang inyong naaala-ala |
وَكَم مِّن قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا فَجَاءَهَا بَأْسُنَا بَيَاتًا أَوْ هُمْ قَائِلُونَ(4) At maraming bilang ng mga bayan (mga pamayanan) ang Amin nang winasak (dahilan sa kanilang kasamaan). Ang Aming kaparusahan ay dumatal sa kanila (nang bigla) sa gabi o habang sila ay natutulog sa kanilang panghapong pamamahinga |
فَمَا كَانَ دَعْوَاهُمْ إِذْ جَاءَهُم بَأْسُنَا إِلَّا أَن قَالُوا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ(5) walang anumang sigaw ang kanilang nasambit nang ang Aming kaparusahan ay sumapit sa kanila maliban sa: “Katotohanang kami ay Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kabuktutan, buhong, tampalasan, atbp) |
فَلَنَسْأَلَنَّ الَّذِينَ أُرْسِلَ إِلَيْهِمْ وَلَنَسْأَلَنَّ الْمُرْسَلِينَ(6) At katiyakang Aming tatanungin ang (mga tao) na Aming pinadalhan nito (ng Aklat) at katotohanang Aming tatanungin ang mga Tagapagbalita |
فَلَنَقُصَّنَّ عَلَيْهِم بِعِلْمٍ ۖ وَمَا كُنَّا غَائِبِينَ(7) At katiyakang Aming isasalaysay sa kanila (ang kanilang buong kasaysayan) ng may kaalaman, at katotohanang Kami ay nakatunghay |
وَالْوَزْنُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ ۚ فَمَن ثَقُلَتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ(8) At ang pagtitimbang sa araw na yaon (ang Araw ng Muling Pagkabuhay) ay ang tunay (na pagtitimbang). Kaya’t sila na ang timbang (ng mabubuting gawa) ay mabigat, sila ang mga matatagumpay (sa pagpasok sa Paraiso) |
وَمَنْ خَفَّتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنفُسَهُم بِمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَظْلِمُونَ(9) At sa kanila na ang timbang ay magaan, sila ang nagpatalo sa kanilang sarili (sa pamamagitan ng pagpasok sa Impiyerno), sapagkat kanilang ikinaila at itinakwil ang Aming Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp) |
وَلَقَدْ مَكَّنَّاكُمْ فِي الْأَرْضِ وَجَعَلْنَا لَكُمْ فِيهَا مَعَايِشَ ۗ قَلِيلًا مَّا تَشْكُرُونَ(10) At katiyakang Kami ay nagbigay sa inyo ng kapamahalaan sa kalupaan at itinalaga Namin sa inyo rito ang inyong ikabubuhay (mga pagkain at pangangailangan). Kakarampot lamang ang pasasalamat na inyong ibinibigay |
وَلَقَدْ خَلَقْنَاكُمْ ثُمَّ صَوَّرْنَاكُمْ ثُمَّ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ لَمْ يَكُن مِّنَ السَّاجِدِينَ(11) At katiyakang Aming nilikha kayo (ang inyong amang si Adan), at pagkatapos ay (Aming) ginawaran kayo ng hubog (ang marangal na hubog ng tao), at pagkatapos ay Aming winika sa mga anghel, “Magpatirapa kayo kay Adan”, at sila ay nagpatirapa, maliban kay Iblis (isang Jinn na nasa lipon ng mga anghel), siya ay tumanggi na mapabilang doon sa mga nagpapatirapa |
قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسْجُدَ إِذْ أَمَرْتُكَ ۖ قَالَ أَنَا خَيْرٌ مِّنْهُ خَلَقْتَنِي مِن نَّارٍ وَخَلَقْتَهُ مِن طِينٍ(12) (Si Allah) ay nagwika: “Ano ang humadlang sa iyo (o Iblis) upang ikaw ay hindi magpatirapa, nang ikaw ay Aking pinag-utusan?” Si Iblis ay nagsabi: “Ako ay higit na mainam kaysa sa kanya (Adan), ako ay nilikha Ninyo mula sa liwanag (apoy), at siya (Adan) ay Inyong nilikha mula sa malagkit na putik.” |
قَالَ فَاهْبِطْ مِنْهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَن تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَاخْرُجْ إِنَّكَ مِنَ الصَّاغِرِينَ(13) (Si Allah) ay nagwika: “Bumaba ka (o Iblis) mula rito (sa Paraiso), hindi marapat sa iyo na ikaw ay magiging palalo rito, lumayas ka, sapagkat ikaw ay kabilang sa mga naaba at winalan ng karangalan.” |
قَالَ أَنظِرْنِي إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ(14) (Si Iblis) ay nagsabi: “Ako ay (Inyong) bigyan ng palugit hanggang sa Araw na sila ay ibabangon (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).” |
قَالَ إِنَّكَ مِنَ الْمُنظَرِينَ(15) (Si Allah) ay nagwika: “Ikaw ay isa sa mga binigyan ng palugit.” |
قَالَ فَبِمَا أَغْوَيْتَنِي لَأَقْعُدَنَّ لَهُمْ صِرَاطَكَ الْمُسْتَقِيمَ(16) (Si Iblis) ay nagsabi: “Sapagkat ako ay Inyong iniligaw, katotohanang ako ay uupo na naghihintay sa kanila (mga tao) laban sa Inyong Matuwid na Landas.” |
ثُمَّ لَآتِيَنَّهُم مِّن بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ وَعَنْ أَيْمَانِهِمْ وَعَن شَمَائِلِهِمْ ۖ وَلَا تَجِدُ أَكْثَرَهُمْ شَاكِرِينَ(17) At ako ay lalapit sa kanilang harapan at sa kanilang likuran, sa kanilang kanang bahagi at sa kanilang kaliwang bahagi, at hindi Ninyo matatagpuan na ang karamihan sa kanila ay nagbibigay ng pasasalamat (alalaong baga, sila ay hindi magiging masunurin sa Inyo) |
قَالَ اخْرُجْ مِنْهَا مَذْءُومًا مَّدْحُورًا ۖ لَّمَن تَبِعَكَ مِنْهُمْ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنكُمْ أَجْمَعِينَ(18) (Si Allah) ay nagwika (kay Iblis): “Lumayas ka rito (sa Paraiso), na walang kahihiyan at pinatalsik. Kung sinuman sa kanila (sangkatauhan) ang sumunod sa iyo, kung gayon, katotohanang Aking pupunuin ang Impiyerno (sa pamamagitan) ninyong lahat.” |
وَيَا آدَمُ اسْكُنْ أَنتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ فَكُلَا مِنْ حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَٰذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ الظَّالِمِينَ(19) “At, oAdan! Manirahankaatangiyongasawasa Paraiso, at kumain kayo rito kung (ano) ang kapwa ninyo maibigan, datapuwa’t huwag ninyong lapitan ang punong ito, kung hindi, kayo ay kapwa mapapabilang sa Zalimun (mga tao na walang katarungan at mapaggawa ng kamalian, atbp.).” |
فَوَسْوَسَ لَهُمَا الشَّيْطَانُ لِيُبْدِيَ لَهُمَا مَا وُورِيَ عَنْهُمَا مِن سَوْآتِهِمَا وَقَالَ مَا نَهَاكُمَا رَبُّكُمَا عَنْ هَٰذِهِ الشَّجَرَةِ إِلَّا أَن تَكُونَا مَلَكَيْنِ أَوْ تَكُونَا مِنَ الْخَالِدِينَ(20) At si Satanas ay bumulong ng mga mungkahi sa kanilang dalawa upang malantad sa kanila kung ano ang sa kanila ay nakalingid na maselang bahagi (ng kanilang katawan noon); siya ay nagsabi: “Ang inyong Panginoon ay hindi nagbawal sa inyo sa punongkahoy na ito, maliban (sa kadahilanang) baka kayo ay maging mga anghel o kayo ay maging walang kamatayan.” |
وَقَاسَمَهُمَا إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ النَّاصِحِينَ(21) At siya (Satanas) ay sumumpa (sa Ngalan) ni Allah sa kanilang dalawa (na nagsasabi): “Katotohanang ako ay isa sa matapat na bumabati sa inyong dalawa.” |
فَدَلَّاهُمَا بِغُرُورٍ ۚ فَلَمَّا ذَاقَا الشَّجَرَةَ بَدَتْ لَهُمَا سَوْآتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِن وَرَقِ الْجَنَّةِ ۖ وَنَادَاهُمَا رَبُّهُمَا أَلَمْ أَنْهَكُمَا عَن تِلْكُمَا الشَّجَرَةِ وَأَقُل لَّكُمَا إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمَا عَدُوٌّ مُّبِينٌ(22) Kaya’t kanyang iniligaw sila ng may panlilinlang. At nang kanilang matikman ang (bunga) ng punongkahoy, yaong nakalingid sa kanila na kanilang kahihiyan (maseselang bahagi ng katawan) ay naging lantad sa kanila, at sila ay nagsimulang magtagni-tagni ng mga dahon ng Paraiso sa kanilang sarili (upang maitago nila ang kanilang kahihiyan). At ang kanilang Panginoon ay tumawag sa kanila (na nagsasabi): “Hindi baga ipinagbawal Ko sa inyo ang punongkahoy na yaon at nangusap sa inyo na: “Katotohanang si Satanas ay isang lantad na kaaway sa inyo?” |
قَالَا رَبَّنَا ظَلَمْنَا أَنفُسَنَا وَإِن لَّمْ تَغْفِرْ لَنَا وَتَرْحَمْنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ(23) Sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Aming ipinariwara ang aming sarili. Kung kami ay hindi Ninyo patatawarin at hindi Ninyo igagawad sa amin ang Inyong Habag, katiyakang kami ay kabilang sa mga napalungi.” |
قَالَ اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ(24) (Si Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayo, ang bawat isa sa inyo ay (inyong) kaaway sa isa’t isa (alalaong baga, si Adan, Eba at Satanas, atbp.). Ang kalupaan ang inyong pananahanan at bilang isang kasiyahan, - sa natatakdaang panahon.” |
قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا تُخْرَجُونَ(25) Siya (Allah) ay nagwika: “doon kayo ay maninirahan, at doon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ay muling ilalabas (alalaong baga, ang muling pagkabuhay)” |
يَا بَنِي آدَمَ قَدْ أَنزَلْنَا عَلَيْكُمْ لِبَاسًا يُوَارِي سَوْآتِكُمْ وَرِيشًا ۖ وَلِبَاسُ التَّقْوَىٰ ذَٰلِكَ خَيْرٌ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ(26) O Angkan ni Adan! Kami ay nagkaloob ng saplot sa inyo upang inyong takpan ang inyong sarili (bihisan ang inyong maseselang bahagi, atbp.), at bilang isang palamuti. Datapuwa’t ang saplot ng kabutihan ang higit na mainam. Ito ay ilan sa Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) ni Allah, upang sila ay makaala-ala (alalaong baga, iwanan ang Kabulaanan at sundin ang Katotohanan) |
يَا بَنِي آدَمَ لَا يَفْتِنَنَّكُمُ الشَّيْطَانُ كَمَا أَخْرَجَ أَبَوَيْكُم مِّنَ الْجَنَّةِ يَنزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْآتِهِمَا ۗ إِنَّهُ يَرَاكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُ مِنْ حَيْثُ لَا تَرَوْنَهُمْ ۗ إِنَّا جَعَلْنَا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ(27) O Angkan ni Adan! Huwag hayaang si Satanas ay luminlang sa inyo, na katulad nang pagkakuha (pagkadaya) niya sa inyong magulang (Adan at Eba) mula sa Paraiso, na hinubaran sila ng kanilang saplot, upang maipakita sa kanila ang kanilang maseselang bahagi (ng katawan). Katotohanang siya at ang Qabiluhu (ang kanyang mga sundalo mula sa mga masasamang Jinn o ang kanyang tribo) ay nakakakita sa inyo mula sa lugar na sila ay hindi ninyo nakikita. Katotohanang Aming ginawa ang mga diyablo bilang Auliya (tagapangalaga at kawaksi) ng mga walang pananampalataya |
وَإِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً قَالُوا وَجَدْنَا عَلَيْهَا آبَاءَنَا وَاللَّهُ أَمَرَنَا بِهَا ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ لَا يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ ۖ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ(28) At nang sila ay gumawa ng isang Fahisha (masamang gawa, na lumilibot nang paikot sa Ka’ba na nakahubad, at ng lahatnguringbawalnapakikipagtalik, atbp.), silaaynagsabi: “Hindi, si Allah ay hindi kailanman nag-uutos ng Fahisha?” Kayo baga ay nagsasalita tungkol kay Allah ng bagay na hindi ninyo nababatid |
قُلْ أَمَرَ رَبِّي بِالْقِسْطِ ۖ وَأَقِيمُوا وُجُوهَكُمْ عِندَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَادْعُوهُ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ ۚ كَمَا بَدَأَكُمْ تَعُودُونَ(29) Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ay nag-utos ng katarungan at (nagwika) na Siya lamang ang marapat ninyong harapin (alalaong baga, huwag kayong sumamba sa iba pa maliban kay Allah at humarap sa Qibla, ang Ka’ba sa Makkah sa sandali nang inyong pagdarasal) sa bawat isa at lahat ng lugar ng pagsamba sa pananalangin (at huwag humarap sa iba pang huwad na diyos at mga imahen), at panikluhuran lamang Siya at ituon ang inyong matapat na pananampalataya sa Kanya sa pamamagitan ng hindi pag-aakibat ng anumang katambal sa Kanya, at may pagnanais na ginagawa ninyo ang mga gawang ito tungo sa Kapakanan lamang ni Allah. At sa pasimula, Kanyang inilabas kayo (sa pagkabuhay o pagkakaroon ng buhay), sa gayon din, kayo ay itatambad sa pagiging buo (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) [sa dalawang pangkat, ang isa ay nabibiyayaan (mga sumasampalataya), at ang isa ay kahabag-habag (mga hindi sumasampalataya) |
فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيْهِمُ الضَّلَالَةُ ۗ إِنَّهُمُ اتَّخَذُوا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ مِن دُونِ اللَّهِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُم مُّهْتَدُونَ(30) Ang isang pangkat ay Kanyang pinatnubayan, at ang isang pangkat ay nararapat na mapasakamalian; (sapagkat) katiyakang kanilang tinangkilik ang mga diyablo bilang Auliya (mga tagapangalaga at kawaksi) sa halip ni Allah, at nag-aakala na sila ay napapatnubayan |
۞ يَا بَنِي آدَمَ خُذُوا زِينَتَكُمْ عِندَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَكُلُوا وَاشْرَبُوا وَلَا تُسْرِفُوا ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْرِفِينَ(31) o Angkan ni Adan! Maglagay kayo ng palamuti (sa pamamagitan ng pagsusuot ng malinis na damit), habang nagdarasal at lumalakad nang palibot (ang Tawaf) sa Ka’ba, at (kayo) ay kumain at uminom, datapuwa’t huwag mag- aksaya sa pagiging maluho, katiyakang Siya (Allah) ay hindi nalulugod sa mga maluluho |
قُلْ مَنْ حَرَّمَ زِينَةَ اللَّهِ الَّتِي أَخْرَجَ لِعِبَادِهِ وَالطَّيِّبَاتِ مِنَ الرِّزْقِ ۚ قُلْ هِيَ لِلَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا خَالِصَةً يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ(32) Ipagbadya (o Muhammad): “Sino ang nagbawal sa magagandang (kaloob) na iginawad ni Allah para sa Kanyang mga alipin, at ng At-Tayyibat (lahat ng uri ng Halal [mga pinahihintulutang bagay at mga pagkain]) na dalisay at malinis?” Ipagbadya: “Ang mga ito, sa buhay sa mundong ito, ay para sa mga sumasampalataya, (at) tanging-tangi para sa kanila (na sumasampalataya) sa Araw ng Muling Pagkabuhay (alalaong baga, ang mga hindi sumasampalataya ay hindi makakahati sa kanila).” Sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga Batas Islamiko) sa masusing paraan sa mga tao na may kaalaman |
قُلْ إِنَّمَا حَرَّمَ رَبِّيَ الْفَوَاحِشَ مَا ظَهَرَ مِنْهَا وَمَا بَطَنَ وَالْإِثْمَ وَالْبَغْيَ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَأَن تُشْرِكُوا بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا وَأَن تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ(33) Ipagbadya (O Muhammad): “(Datapuwa’t) ang mga bagay na ipinagbawal ng aking Panginoon ay mga Al- Fawahish (malalaking kasamaan, lahat ng uri ng bawal na pakikipagtalik, atbp.) kahima’t ito ay ginawa nang lantad o lingid, (ang lahat ng uri) ng mga kasalanan, ang walang katarungang pang-aapi, ang pag-aakibat ng mga katambal (sa pagsamba) kay Allah na rito ay wala Siyang ibinigay na kapamahalaan, at pagsasabi ng mga bagay hinggil kay Allah na rito ay wala silang kaalaman |
وَلِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌ ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ لَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ(34) At ang bawat bansa (pamayanan) ay may kanyang natataningang panahon; kung ang kanyang takda ay sumapit na, kahit na sa isang oras (o isang sandali), sila ay hindi makakaantala (nito) at gayundin, kahit na sa isang oras (o isang sandali), sila ay hindi makapagpapauna (nito) |
يَا بَنِي آدَمَ إِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ رُسُلٌ مِّنكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِي ۙ فَمَنِ اتَّقَىٰ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ(35) O Angkan ni Adan! Kung may mga Tagapagbalita na dumatal mula sa lipon ninyo, na dumadalit sa inyo ng Aking mga Talata, kung gayon, sinuman ang maging matimtiman at maging matuwid, sa kanila ay walang pangangamba, gayundin sila ay hindi malulumbay |
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ(36) Datapuwa’t sila na nagtatakwil ng Aming Ayat (mga kapahayagan, tanda, aral, katibayan, atbp.), at nagtuturing dito ng may kapalaluan, sila ang magsisipanahan sa Apoy (Impiyerno), mananatili sila rito magpakailanman |
فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِآيَاتِهِ ۚ أُولَٰئِكَ يَنَالُهُمْ نَصِيبُهُم مِّنَ الْكِتَابِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا يَتَوَفَّوْنَهُمْ قَالُوا أَيْنَ مَا كُنتُمْ تَدْعُونَ مِن دُونِ اللَّهِ ۖ قَالُوا ضَلُّوا عَنَّا وَشَهِدُوا عَلَىٰ أَنفُسِهِمْ أَنَّهُمْ كَانُوا كَافِرِينَ(37) Sino pa ba kaya ang higit na walang katarungan maliban sa kanya na kumakatha ng kabulaanan laban kay Allah o nagtatakwil sa Kanyang Ayat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp.)? Sa gayong mga (tao), ang kanilang natatakdaang bahagi (ng mabubuting bagay sa buhay sa mundong ito at sa haba ng kanilang taning na panahon dito), ay sasapit sa kanila mula sa Aklat (ng mga Pag-uutos); hanggang kung ang Aming mga Tagapagbalita (ang Anghel ng kamatayan at kanyang mga alalay) ay dumatal sa kanila upang kunin ang kanilang kaluluwa, sila (mga Anghel) ay magsasabi: “Nasaan ang mga pinananalanginan ninyo at sinasamba maliban pa kay Allah?”, at sila ay magsasabi, “Sila ay naglaho at kami ay (kanilang) iniwan.” At sila ang magbibigay saksi sa kanilang sarili na sila ay mga hindi nananampalataya |
قَالَ ادْخُلُوا فِي أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِن قَبْلِكُم مِّنَ الْجِنِّ وَالْإِنسِ فِي النَّارِ ۖ كُلَّمَا دَخَلَتْ أُمَّةٌ لَّعَنَتْ أُخْتَهَا ۖ حَتَّىٰ إِذَا ادَّارَكُوا فِيهَا جَمِيعًا قَالَتْ أُخْرَاهُمْ لِأُولَاهُمْ رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ أَضَلُّونَا فَآتِهِمْ عَذَابًا ضِعْفًا مِّنَ النَّارِ ۖ قَالَ لِكُلٍّ ضِعْفٌ وَلَٰكِن لَّا تَعْلَمُونَ(38) (Si Allah) ay magwiwika: “Magsipasok kayo sa lipon ng mga bansa (pamayanan) na nagsiyao na nang una pa sa inyo, mga tao at mga Jinn, tungo sa Apoy. Sa bawat sandali na ang isang bagong pamayanan (bansa) ay pumapasok, ito ay nagtutungayaw sa kanyang kapwa bansa (pamayanan na lumipas na noon), hanggang sa sila ay titipunin nang sama- sama sa Apoy. Ang huli sa kanila ay magsasabi sa una sa kanila: “Aming Panginoon! Silaangluminlangsaamin, kaya’t Inyong bigyan sila ng dalawang kaparusahan sa Apoy.” Siya (Allah) ay magwiwika: “Sa bawat isa ay mayroong dalawang (parusa), datapuwa’t ito ay hindi ninyo nalalaman.” |
وَقَالَتْ أُولَاهُمْ لِأُخْرَاهُمْ فَمَا كَانَ لَكُمْ عَلَيْنَا مِن فَضْلٍ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنتُمْ تَكْسِبُونَ(39) Ang una sa kanila ay magsasabi sa huli sa kanila: “Ikaw ay higit na masahol (hindi mainam) sa amin, kaya’t lasapin ninyo ang kaparusahan ng inyong ginawa.” |
إِنَّ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا لَا تُفَتَّحُ لَهُمْ أَبْوَابُ السَّمَاءِ وَلَا يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ حَتَّىٰ يَلِجَ الْجَمَلُ فِي سَمِّ الْخِيَاطِ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُجْرِمِينَ(40) Katotohanan, ang mga nagpapasinungaling sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, tanda, aral, atbp.), at nagtuturing dito ng may kapalaluan, sa kanila, ang mga tarangkahan ng langit ay hindi bubuksan, at sila ay hindi makakapasok sa Paraiso hanggang ang kamelyo (ay mangyari) na maglagos sa butas ng karayom (na lubhang imposible). Sa ganito Namin binabayaran ang Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp) |
لَهُم مِّن جَهَنَّمَ مِهَادٌ وَمِن فَوْقِهِمْ غَوَاشٍ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الظَّالِمِينَ(41) Sasakanila ang kama (papag) ng Impiyerno (Apoy), at sa ibabaw nila ay mga pangbalabal (ng Apoy ng Impiyerno). Sa ganito Namin binabayaran ang Zalimun (mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, tampalasan, buhong, atbp) |
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَا نُكَلِّفُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ(42) Datapuwa’t ang mga sumampalataya (sa Kaisahan ni Allah, sa Islam), at nagsigawa ng kabutihan, hindi Namin binibigyan ng pabigat ang sinumang tao na labis sa kanyang makakaya, sila ang maninirahan sa Paraiso. Mananatili sila rito magpakailanman |
وَنَزَعْنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنْ غِلٍّ تَجْرِي مِن تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ ۖ وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي هَدَانَا لِهَٰذَا وَمَا كُنَّا لِنَهْتَدِيَ لَوْلَا أَنْ هَدَانَا اللَّهُ ۖ لَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ ۖ وَنُودُوا أَن تِلْكُمُ الْجَنَّةُ أُورِثْتُمُوهَا بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(43) At Aming papawiin sa kanilang dibdib ang anumang (magkapanabay na) pagkamuhi (o matinding hinanakit) o damdaming nasaktan (na kanilang naranasan, sa lahat man, sa buhay sa mundong ito); ng mga ilog na dumadaloy sa ilalim nila, at sila ay magsasabi: “Ang lahat ng mga papuri at pasasalamat ay kay Allah na namatnubay sa atin dito, kailanman ay hindi (sana) tayo makakatagpo ng patnubay kung hindi lamang tayo pinatnubayan ni Allah! Tunay nga, ang mga Tagapagbalita ng ating Panginoon ay dumatal na may Katotohanan.” At ipagbabadya sa kanila: “Ito ang Paraiso na inyong namana dahilan sa inyong ginawa.” |
وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ أَصْحَابَ النَّارِ أَن قَدْ وَجَدْنَا مَا وَعَدَنَا رَبُّنَا حَقًّا فَهَلْ وَجَدتُّم مَّا وَعَدَ رَبُّكُمْ حَقًّا ۖ قَالُوا نَعَمْ ۚ فَأَذَّنَ مُؤَذِّنٌ بَيْنَهُمْ أَن لَّعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الظَّالِمِينَ(44) At ang mga nagsisipanirahan sa Paraiso ay tatawag sa mga nagsisipanirahan sa Apoy (na nagsasabi): “Tunay naming natagpuan na totoo ang ipinangako ng aming Panginoon sa amin, natagpuan din ba ninyo na totoo ang ipinangako ng inyong Panginoon (ang Kanyang babala)?” Sila ay magsasabi: “oo”, at isang tagapagsalita ang magpapahayag sa pagitan nila: “Ang sumpa ni Allah ay nasa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, atbp) |
الَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ اللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا وَهُم بِالْآخِرَةِ كَافِرُونَ(45) Sila na humadlang (sa mga tao) tungo sa Landas ni Allah at naghahanap na gawin itong baluktot, sila nga ang hindi nananampalataya sa Kabilang Buhay |
وَبَيْنَهُمَا حِجَابٌ ۚ وَعَلَى الْأَعْرَافِ رِجَالٌ يَعْرِفُونَ كُلًّا بِسِيمَاهُمْ ۚ وَنَادَوْا أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَن سَلَامٌ عَلَيْكُمْ ۚ لَمْ يَدْخُلُوهَا وَهُمْ يَطْمَعُونَ(46) At sa pagitan nila ay may isang sagka (na nagbubukod sa kanila) at sa Al-Araf (isang dingding na nasa matataas na lugar), ay may mga tao (na ang mabubuti at masasamang gawa ay magkapantay sa timbangan), na makakakilala sa lahat (ng mga tao ng Paraiso at Impiyerno), sa pamamagitan ng kanilang mga tanda (ang mga nagsisipanahan sa Paraiso, ang tanda ay sa pamamagitan ng kanilang mapuputing mukha at ang nagsisipanahan sa Impiyerno ay sa pamamagitan ng kanilang maiitim na mukha), sila ay tatawag sa mga nagsisipanirahan sa Paraiso, “Sumainyo ang kapayapaan,” at sa sandaling ito, sila (ang mga tao sa Al-Araf), ay hindi pa makakapasok dito, datapuwa’t sila ay umaasa na makakapasok (dito) ng may katiyakan |
۞ وَإِذَا صُرِفَتْ أَبْصَارُهُمْ تِلْقَاءَ أَصْحَابِ النَّارِ قَالُوا رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ(47) At kung ang kanilang mga mata ay napapalingon sa gawi ng mga nagsisipanirahan sa Apoy, sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay huwag Ninyong ilagay sa lipon ng mga tao na Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian).” |
وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْأَعْرَافِ رِجَالًا يَعْرِفُونَهُم بِسِيمَاهُمْ قَالُوا مَا أَغْنَىٰ عَنكُمْ جَمْعُكُمْ وَمَا كُنتُمْ تَسْتَكْبِرُونَ(48) At ang mga tao sa Al-Araf (dingding) ay tatawag sa mga tao na kanilang makikilala sa pamamagitan ng kanilang mga tanda, na nagsasabi: “walang naging anumang kapakinabangan sa inyo ang inyong malaking bilang (at bunton ng mga kayamanan), at ang inyong kapalaluan laban sa Pananalig?” |
أَهَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَقْسَمْتُمْ لَا يَنَالُهُمُ اللَّهُ بِرَحْمَةٍ ۚ ادْخُلُوا الْجَنَّةَ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمْ وَلَا أَنتُمْ تَحْزَنُونَ(49) Pagmalasin! Hindi baga sila ang mga tao na inyong sinumpa noon (sapagkat sila ay nagsasabi) na si Allah ay hindi kailanman magpapakita sa kanila ng habag. (Pagmasdan! Ito ang ipinagbadya sa kanila): “Magsipasok kayo sa Paraiso, walang pangangamba ang sasainyo, gayundin, kayo ay hindi malulumbay.” |
وَنَادَىٰ أَصْحَابُ النَّارِ أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ أَفِيضُوا عَلَيْنَا مِنَ الْمَاءِ أَوْ مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ ۚ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى الْكَافِرِينَ(50) At ang mga nagsisipanirahan sa Apoy ay tatawag sa mga nagsisipanirahan sa Paraiso: “Buhusan ninyo kami ng kaunting tubig o anumang (bagay) na ipinagkaloob sa inyo ni Allah.” Sila ay magsasabi: “Ang (tubig at anumang ikabubuhay) ay kapwa ipinagbawal ni Allah sa mga hindi sumasampalataya |
الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَهْوًا وَلَعِبًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ فَالْيَوْمَ نَنسَاهُمْ كَمَا نَسُوا لِقَاءَ يَوْمِهِمْ هَٰذَا وَمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ(51) Na nagturing sa kanilang pananampalataya bilang isang paglilibang at paglalaro, at ang buhay ng mundong ito ay luminlang sa kanila.” Kaya’t sa Araw na ito, sila ay Aming kalilimutan, kung paano rin naman nila kinalimutan ang pakikipagtipan ng kanilang Araw, sapagkat sila ay nagtakwil sa Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, tanda, aral, atbp) |
وَلَقَدْ جِئْنَاهُم بِكِتَابٍ فَصَّلْنَاهُ عَلَىٰ عِلْمٍ هُدًى وَرَحْمَةً لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ(52) Katiyakang Kami ay nagpadala sa kanila ng isang Aklat (ang Qur’an), na Aming ipinaliwanag sa masusing paraan ng may karunungan, - isang patnubay at habag sa mga tao na sumasampalataya |
هَلْ يَنظُرُونَ إِلَّا تَأْوِيلَهُ ۚ يَوْمَ يَأْتِي تَأْوِيلُهُ يَقُولُ الَّذِينَ نَسُوهُ مِن قَبْلُ قَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ فَهَل لَّنَا مِن شُفَعَاءَ فَيَشْفَعُوا لَنَا أَوْ نُرَدُّ فَنَعْمَلَ غَيْرَ الَّذِي كُنَّا نَعْمَلُ ۚ قَدْ خَسِرُوا أَنفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا يَفْتَرُونَ(53) Sila baga’y nagsisipaghintay lamang sa huling katuparan ng gayong pangyayari? Sa Araw na ang pangyayari ay ganap nang natupad (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), sila na nagpabaya rito noon ay magsasabi: “Tunay nga, ang mga Tagapagbalita ng aming Panginoon ay dumatal na may Katotohanan, ngayon, mayroon pa bang mga tagapamagitan sa amin upang sila ay makapamagitan sa aming kapakanan? o maaari ba na kami ay muling ibalik (sa unang buhay sa mundo) upang kami ay makagawa ng (mabubuting) gawa, maliban pa roon sa (masasamang) gawa na aming ginawa?” Katotohanang ipinariwara nila ang kanilang sarili (alalaong baga, winasak ang kanilang sarili), at ang nakahiratihan na nilang kabulaanan (pagdalangin at pagsamba sa mga iba maliban pa kay Allah, katulad ng mga diyus-diyosan at imahen), ay lumayo na sa kanila |
إِنَّ رَبَّكُمُ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ يَطْلُبُهُ حَثِيثًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ وَالنُّجُومَ مُسَخَّرَاتٍ بِأَمْرِهِ ۗ أَلَا لَهُ الْخَلْقُ وَالْأَمْرُ ۗ تَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ(54) Katotohanan, ang inyong Panginoon ay si Allah, na lumikha sa kalangitan at kalupaan sa Anim na Araw at Siya ay nag-Istawa (pumaitaas) sa Luklukan (sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan). Tinakpan Niya ang gabi ng araw (maghapon), na mabilis na nagsasalitan sa isa’t isa, at (Kanyang nilikha) ang araw, ang buwan, at ang mga bituin ay ipinailalim Niya sa Kanyang Pag-uutos. Maluwalhati si Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang |
ادْعُوا رَبَّكُمْ تَضَرُّعًا وَخُفْيَةً ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ(55) Panikluhuran ninyo ang inyong Panginoon ng may kapakumbabaan at sa lihim. Siya ay hindi nalulugod sa mga lumalabag sa pag-uutos |
وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا وَادْعُوهُ خَوْفًا وَطَمَعًا ۚ إِنَّ رَحْمَتَ اللَّهِ قَرِيبٌ مِّنَ الْمُحْسِنِينَ(56) At huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan, matapos na ito ay maitalaga sa ayos, at inyong panikluhuran Siya ng may pangangamba at pag-asa. Katiyakan, ang Habag ni Allah (ay laging) malapit sa mga gumagawa ng kabutihan |
وَهُوَ الَّذِي يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا أَقَلَّتْ سَحَابًا ثِقَالًا سُقْنَاهُ لِبَلَدٍ مَّيِّتٍ فَأَنزَلْنَا بِهِ الْمَاءَ فَأَخْرَجْنَا بِهِ مِن كُلِّ الثَّمَرَاتِ ۚ كَذَٰلِكَ نُخْرِجُ الْمَوْتَىٰ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ(57) At Siya ang nagpapadala ng hangin bilang pagpapahayag ng mabuting balita, na pumapalaot sa harapan ng Kanyang habag (ang ulan). Hanggang nang sila (hangin) ay makapagdala ng mabigat na ulap, Aming itinaboy ito sa isang tigang na lupa, at Aming pinapangyari na ang ulan ay mamalisbis dito. At Kami ay nagpasibol dito (sa kalupaan) ng lahat ng uri ng bungangkahoy. Sa gayunding paraan ay Aming ibabangon ang patay, upang kayo ay makaala-ala o makinig |
وَالْبَلَدُ الطَّيِّبُ يَخْرُجُ نَبَاتُهُ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَالَّذِي خَبُثَ لَا يَخْرُجُ إِلَّا نَكِدًا ۚ كَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَشْكُرُونَ(58) Ang mga halaman ng isang mabuting lupa (ay madaling) sumibol sa kapahintulutan ng kanyang Panginoon, at sa hindi mabuting (lupa), rito ay walang sumibol maliban sa kakarampot lamang (bukod) pa sa may kahirapan. Sa ganito Namin ipinapaliwanag sa maraming paraan ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sa mga tao na nagbibigay ng pasasalamat |
لَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ(59) Katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan, at siya ay nagsabi: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. (La ilaha ill Allah: Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Katiyakang ako ay nangangamba para sa inyo sa kaparusahan ng dakilang Araw!” |
قَالَ الْمَلَأُ مِن قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(60) Ang mga pinuno ng kanyang pamayanan ay nagsabi: “Katotohanang ikaw ay namamalas namin sa isang lantad na kamalian.” |
قَالَ يَا قَوْمِ لَيْسَ بِي ضَلَالَةٌ وَلَٰكِنِّي رَسُولٌ مِّن رَّبِّ الْعَالَمِينَ(61) (Si Noe) ay nagbadya: “o aking pamayanan! walang kamalian sa akin, datapuwa’t ako ay isang Tagapagbalita mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang |
أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنصَحُ لَكُمْ وَأَعْلَمُ مِنَ اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ(62) Aking ipinararating sa inyo ang mga mensahe ng aking Panginoon at nagbibigay sa inyo ng matapat na pagpapayo. At aking nababatid mula kay Allah ang hindi ninyo nalalaman |
أَوَعَجِبْتُمْ أَن جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِّن رَّبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِّنكُمْ لِيُنذِرَكُمْ وَلِتَتَّقُوا وَلَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ(63) Kayo baga ay nagsisipamangha na may dumatal sa inyo na isang Paala-ala mula sa inyong Panginoon sa pamamagitan ng isang tao sa inyong lipon, upang kayo ay kanyang mabigyan ng babala, upang inyong pangambahan si Allah at upang inyong matanggap ang (Kanyang) Habag?” |
فَكَذَّبُوهُ فَأَنجَيْنَاهُ وَالَّذِينَ مَعَهُ فِي الْفُلْكِ وَأَغْرَقْنَا الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا عَمِينَ(64) Datapuwa’t sila ay nagpasinungaling sa kanya, kaya’t Aming iniligtas siya at ang mga kasama niya sa barko at Aming nilunod sila na nagpabulaan sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.). Katotohanang sila ay mga bulag na tao |
۞ وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ(65) At (sa pamayanan) ni A’ad (ay Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Hud, siya ay nagbadya: “O aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. (La ilaha ill Allah: Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Hindi baga kayo nangangamba (kay Allah)?” |
قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِن قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي سَفَاهَةٍ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ الْكَاذِبِينَ(66) Ang mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang mga tao (pamayanan) ay nagsabi: “Katotohanang namamalas ka namin sa kalokohan, at katotohanang kami ay nag-iisip na ikaw ay isa sa mga sinungaling.” |
قَالَ يَا قَوْمِ لَيْسَ بِي سَفَاهَةٌ وَلَٰكِنِّي رَسُولٌ مِّن رَّبِّ الْعَالَمِينَ(67) (Si Hud) ay nagsabi: “O aking pamayanan! Walang kalokohan sa akin, datapuwa’t ako ay isang Tagapagbalita mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang |
أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنَا لَكُمْ نَاصِحٌ أَمِينٌ(68) Ipinararating ko sa inyo ang mga mensahe ng aking Panginoon, at ako ay isang mapagkakatiwalaang tagapayo (o kapanalig) sa inyo |
أَوَعَجِبْتُمْ أَن جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِّن رَّبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِّنكُمْ لِيُنذِرَكُمْ ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِن بَعْدِ قَوْمِ نُوحٍ وَزَادَكُمْ فِي الْخَلْقِ بَسْطَةً ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ(69) Kayo baga ay namamangha na mayroong dumatal sa inyo na isang Paala-ala (at isang payo) mula sa inyong Panginoon sa pamamagitan ng isang tao sa inyong lipon upang kayo ay kanyang mabigyan ng babala? At alalahanin na kayo ay ginawa Niyang mga tagapagmana, makaraan ang mga tao (pamayanan) ni Noe, at kayo ay Kanyang pinarami na matataas (sa tindig). Kaya’t inyong alalahanin ang mga biyaya (na ipinagkaloob sa inyo) mula kay Allah upang kayo ay maging matagumpay.” |
قَالُوا أَجِئْتَنَا لِنَعْبُدَ اللَّهَ وَحْدَهُ وَنَذَرَ مَا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُنَا ۖ فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِن كُنتَ مِنَ الصَّادِقِينَ(70) Sila ay nagsabi: “Ikaw ay pumarito sa amin upang kami ay marapat na sumamba lamang kay Allah at iwanan ang sinasamba na kinagisnan ng aming mga ninuno. Kaya’t dalhin mo sa amin ang bagay na iyong ipinananakot sa amin kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.” |
قَالَ قَدْ وَقَعَ عَلَيْكُم مِّن رَّبِّكُمْ رِجْسٌ وَغَضَبٌ ۖ أَتُجَادِلُونَنِي فِي أَسْمَاءٍ سَمَّيْتُمُوهَا أَنتُمْ وَآبَاؤُكُم مَّا نَزَّلَ اللَّهُ بِهَا مِن سُلْطَانٍ ۚ فَانتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُم مِّنَ الْمُنتَظِرِينَ(71) (Si Hud) ay nagsabi: “Ang kaparusahan at poot ay tunay na dumatal sa inyo mula sa inyong Panginoon. Nakikipagtalo ba kayo sa akin dahilan sa mga pangalan na inyong binanggit, - kayo at ang inyong mga ninuno, na walang kapamahalaan mula kay Allah? Kung gayon (kayo ay) magsipaghintay, kasama rin ako sa lipon ninyo na naghihintay.” |
فَأَنجَيْنَاهُ وَالَّذِينَ مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِّنَّا وَقَطَعْنَا دَابِرَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۖ وَمَا كَانُوا مُؤْمِنِينَ(72) Kaya’t Aming iniligtas siya at ang kanyang mga kasama sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin at Aming pinutol ang mga ugat ng mga nagpabulaan saAmingAyat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp.), at sila ay hindi nananampalataya |
وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُم بَيِّنَةٌ مِّن رَّبِّكُمْ ۖ هَٰذِهِ نَاقَةُ اللَّهِ لَكُمْ آيَةً ۖ فَذَرُوهَا تَأْكُلْ فِي أَرْضِ اللَّهِ ۖ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ(73) At (sa pamayanan) ni Thamud (ay Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Salih. Siya ay nagbadya: “o aking payamanan! Sambahin ninyo si Allah, kayo ay wala ng iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya, (La ilaha ill Allah: Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Katotohanang may dumatal sa inyo na isang maliwanag na Tanda (ang himala nang paglabas ng isang babaeng kamelyo sa gitna ng isang malaking bato) mula sa inyong Panginoon. Ang babaeng kamelyong ito ni Allah ay isang Tanda sa inyo; kaya’t hayaan ninyo na manginain siya sa kalupaan ni Allah at huwag ninyong hipuin siya ng may pananakit, (kung hindi) baka ang isang kasakit-sakit na kaparusahan ay sumakmal sa inyo.” |
وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِن بَعْدِ عَادٍ وَبَوَّأَكُمْ فِي الْأَرْضِ تَتَّخِذُونَ مِن سُهُولِهَا قُصُورًا وَتَنْحِتُونَ الْجِبَالَ بُيُوتًا ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ(74) “At gunitain nang kayo ay ginawa Niyang tagapagmana makaraan (ang pamayanan) ni A’ad, at Kanyang binigyan kayo ng mga pananahanan sa kalupaan, kayo ay nagtatayo sa inyong sarili ng mga palasyo sa kapatagan at umuukit ng inyong tahanan sa kabundukan. Kaya’t alalahanin ang mga biyaya (na ipinagkaloob sa inyo) mula kay Allah, at huwag kayong magsipaglibot sa kalupaan sa paggawa ng kabuktutan.” |
قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِن قَوْمِهِ لِلَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِمَنْ آمَنَ مِنْهُمْ أَتَعْلَمُونَ أَنَّ صَالِحًا مُّرْسَلٌ مِّن رَّبِّهِ ۚ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلَ بِهِ مُؤْمِنُونَ(75) Ang mga pinuno ng mga palalo sa lipon ng kanyang pamayanan ay nagsabi sa kanila na mga ibinibilang na mahihina, - sa kanila na nagsisampalataya: “Nalalaman ba ninyo na si Salih ang siyang isinugo ng kanyang Panginoon.” Sila ay nagsabi: “Katotohanang kami ay nananalig sa bagay na ipinadala sa kanya.” |
قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا بِالَّذِي آمَنتُم بِهِ كَافِرُونَ(76) Ang mga palalo ay nagsabi: “Katotohanang kami ay hindi sumasampalataya sa inyong pinapanaligan.” |
فَعَقَرُوا النَّاقَةَ وَعَتَوْا عَنْ أَمْرِ رَبِّهِمْ وَقَالُوا يَا صَالِحُ ائْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِن كُنتَ مِنَ الْمُرْسَلِينَ(77) Kaya’t kanilang binigti ang babaeng kamelyo at walang pakundangang nilabag nila ang Pag-uutos ng kanilang Panginoon, at nagsabi: “o Salih! dalhin mo sa amin ang iyong mga banta kung ikaw ay tunay na isa sa mga Tagapagbalita (ni Allah).” |
فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ(78) Kaya’t ang lindol ay lumagom sa kanila, at sila ay napahandusay na walang buhay, na nakalupasay sa kanilang tahanan |
فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَةَ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ وَلَٰكِن لَّا تُحِبُّونَ النَّاصِحِينَ(79) At siya (Salih) ay lumingon sa kanila at nagsabi: “o aking pamayanan! Katotohanang aking ipinarating sa inyo ang mensahe ng aking Panginoon at kayo ay binigyan ko ng isang mabuting payo datapuwa’t hindi ninyo naiibigan ang mabubuting tagapayo.” |
وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ مَا سَبَقَكُم بِهَا مِنْ أَحَدٍ مِّنَ الْعَالَمِينَ(80) At (alalahanin) si Lut, nang sabihin niya sa kanyang pamayanan: “Inyo bagang ginagawa ang pinakamasamang kasalanan, na wala pang sinuman ang nakauna sa inyo sa lahat ng mga nilalang |
إِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ شَهْوَةً مِّن دُونِ النِّسَاءِ ۚ بَلْ أَنتُمْ قَوْمٌ مُّسْرِفُونَ(81) Katotohanang inyong idinaraos ang inyong pagnanasa sa mga lalaki, sa halip ng mga babae. Hindi, kayo ay mga tao na lumalabag ng lagpas sa hangganan (sa paggawa ng malalaking kasalanan).” |
وَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَن قَالُوا أَخْرِجُوهُم مِّن قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ(82) At ang sagot ng kanyang pamayanan ay tanging ang kanilang pagsasabi: “Sila ay palayasin ninyo sa inyong bayan, katotohanang sila ang mga tao na nagnanais na maging dalisay (sa mga kasalanan)!” |
فَأَنجَيْنَاهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ(83) At Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, maliban sa kanyang asawa; siya ay isa sa mga nanatili sa likuran (alalaong baga, nagpaiwan tungo sa kaparusahan) |
وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِم مَّطَرًا ۖ فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ(84) At nagpaulan Kami sa kanila ng ulan (ng mga bato). At pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp) |
وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُم بَيِّنَةٌ مِّن رَّبِّكُمْ ۖ فَأَوْفُوا الْكَيْلَ وَالْمِيزَانَ وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ(85) At (sa pamayanan) ng Madyan (Midian) ay (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Shu’aib. Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah, wala na kayong iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. (La ilaha ill Allah: wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Katotohanang isang maliwanag na Katibayan (Tanda) mula sa inyong Panginoon ang dumatal sa inyo; kaya’t magbigay ng tamang sukat at hustong timbang at huwag ipahamak sa kamalian ang mga tao sa kanilang mga bagay-bagay (na gawain), at huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan matapos na ito ay maitalaga sa ayos, ito ay higit na mainam sa inyo kung kayo ay sumasampalataya |
وَلَا تَقْعُدُوا بِكُلِّ صِرَاطٍ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِهِ وَتَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ كُنتُمْ قَلِيلًا فَكَثَّرَكُمْ ۖ وَانظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ(86) At huwag maupo sa bawat daan, na nananakot at humahadlang tungo sa Landas ni Allah, sa mga sumasampalataya sa Kanya, at naghahanap na ito ay gawing baluktot. At alalahanin nang kayo ay iilan lamang, at Kanyang pinarami kayo. At pagmalasin kung ano ang kinahinatnan ng Mufsidun (mga buktot, tampalasan, buhong, sinungaling, atbp) |
وَإِن كَانَ طَائِفَةٌ مِّنكُمْ آمَنُوا بِالَّذِي أُرْسِلْتُ بِهِ وَطَائِفَةٌ لَّمْ يُؤْمِنُوا فَاصْبِرُوا حَتَّىٰ يَحْكُمَ اللَّهُ بَيْنَنَا ۚ وَهُوَ خَيْرُ الْحَاكِمِينَ(87) At kung mayroong isang pangkat sa inyo na naniniwala sa ipinahayag sa akin at isang pangkat na hindi sumasampalataya, kayo ay maging matiyaga hanggang si Allah ay humatol sa pagitan natin, at Siya ang Pinakamahusay sa lahat ng Hukom.” |
۞ قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِن قَوْمِهِ لَنُخْرِجَنَّكَ يَا شُعَيْبُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَكَ مِن قَرْيَتِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۚ قَالَ أَوَلَوْ كُنَّا كَارِهِينَ(88) Ang mga pinuno ng mga palalo sa lipon ng kanyang pamayanan ay nagsabi: “Katiyakang ikaw ay aming itataboy, O Shu’aib, at sila na naniniwala sa iyo mula sa aming bayan, kung hindi, kayong (lahat) ay magbabalik sa aming relihiyon.” Siya (Shu’aib) ay nagsabi: “Kahit na ito ay aming kinasusuklaman |
قَدِ افْتَرَيْنَا عَلَى اللَّهِ كَذِبًا إِنْ عُدْنَا فِي مِلَّتِكُم بَعْدَ إِذْ نَجَّانَا اللَّهُ مِنْهَا ۚ وَمَا يَكُونُ لَنَا أَن نَّعُودَ فِيهَا إِلَّا أَن يَشَاءَ اللَّهُ رَبُّنَا ۚ وَسِعَ رَبُّنَا كُلَّ شَيْءٍ عِلْمًا ۚ عَلَى اللَّهِ تَوَكَّلْنَا ۚ رَبَّنَا افْتَحْ بَيْنَنَا وَبَيْنَ قَوْمِنَا بِالْحَقِّ وَأَنتَ خَيْرُ الْفَاتِحِينَ(89) Kami ay tunay na kakatha ng kasinungalingan laban kay Allah kung kami ay magbabalik sa inyong pananampalataya, matapos na kami ay sagipin dito ni Allah. At wala sa amin ang pagpapasya na magbalik dito (sa liwas na pananalig), malibang si Allah, ang aming Panginoon, ang magnais nito. Ang aming Panginoon ang nakakatalos ng lahat ng mga bagay sa Kanyang karunungan. Kay Allah (lamang) namin inilalagay ang aming pagtitiwala. Aming Panginoon! Kayo ang humatol sa katotohanan sa pagitan namin at ng aming pamayanan, sapagkat Kayo ang pinakamahusay sa lahat ng nagbibigay ng kahatulan.” |
وَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِن قَوْمِهِ لَئِنِ اتَّبَعْتُمْ شُعَيْبًا إِنَّكُمْ إِذًا لَّخَاسِرُونَ(90) Ang mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang pamayanan ay nagsabi (sa kanilang pamayanan): “Kung inyong susundin si Shu’aib, katiyakang kayo ay magiging mga talunan!” |
فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ(91) Kaya’t ang lindol ay lumagom sa kanila, at sila ay walang buhay na nakahandusay sa kanilang tahanan |
الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَأَن لَّمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۚ الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَانُوا هُمُ الْخَاسِرِينَ(92) Sila na nagpabulaan kay Shu’aib, ay nangyari, na wari bang sila ay hindi nagsipanirahan doon (sa kanilang tahanan). Ang mga nagpasinungaling kay Shu’aib, sila ang mga talunan |
فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ ۖ فَكَيْفَ آسَىٰ عَلَىٰ قَوْمٍ كَافِرِينَ(93) At siya (Shu’aib) ay bumaling sa kanila at nagsabi: “O aking pamayanan! Katotohanang aking ipinaabot ang mga mensahe ng aking Panginoon sa inyo at kayo ay binigyan ko ng mabuting payo. Kung gayon, bakit ako magdadalamhati (sa pagkawasak) ng mga tao na hindi sumampalataya.” |
وَمَا أَرْسَلْنَا فِي قَرْيَةٍ مِّن نَّبِيٍّ إِلَّا أَخَذْنَا أَهْلَهَا بِالْبَأْسَاءِ وَالضَّرَّاءِ لَعَلَّهُمْ يَضَّرَّعُونَ(94) At hindi Kami nagsugo ng propeta (na kanilang itinakwil) sa alinmang bayan, na hindi Namin sinakmal ang mga tao rito ng pasakit ng matinding kahirapan (o pagkawala ng kayamanan), at pagkawala ng kalusugan at mga kalamidad, upang sila ay maging aba sa kanilang sarili (at magtika kay Allah) |
ثُمَّ بَدَّلْنَا مَكَانَ السَّيِّئَةِ الْحَسَنَةَ حَتَّىٰ عَفَوا وَّقَالُوا قَدْ مَسَّ آبَاءَنَا الضَّرَّاءُ وَالسَّرَّاءُ فَأَخَذْنَاهُم بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(95) At Aming pinalitan ang kasamaan sa kabutihan, hanggang sa sila ay dumami sa bilang at sa kayamanan, at nangusap: “Ang aming mga ninuno ay dinapuan ng kasamaan (pagkawala ng kalusugan at mga kalamidad) at ng mabuting (kasaganaan, atbp.).” Kaya’t Aming sinakmal sila nang walang abog-abog habang sila ay walang kaalaman |
وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ الْقُرَىٰ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَفَتَحْنَا عَلَيْهِم بَرَكَاتٍ مِّنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ وَلَٰكِن كَذَّبُوا فَأَخَذْنَاهُم بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ(96) At kung ang pamayanan ng mga bayan ay nanampalataya at nagkaroon ng Taqwa (kabanalan at kataimtiman), katiyakang Amin (sanang) ibubukas sa kanila ang mga biyaya mula sa kalangitan at kalupaan, datapuwa’t sila ay nagpasinungaling (sa mga Tagapagbalita). Kaya’t Aming sinakmal sila (ng kaparusahan) dahilan sa kanilang kinita (alalaong baga, ang kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan at mga krimen na kanilang ginawa, atbp) |
أَفَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَن يَأْتِيَهُم بَأْسُنَا بَيَاتًا وَهُمْ نَائِمُونَ(97) Sila bagang pamayanan ng mga bayan ay nakadarama ng kaligtasan laban sa pagdatal ng Aming kaparusahan sa gabi habang sila ay natutulog |
أَوَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَن يَأْتِيَهُم بَأْسُنَا ضُحًى وَهُمْ يَلْعَبُونَ(98) o sila bagang pamayanan ng mga bayan ay nakadarama ng kaligtasan laban sa pagdatal ng Aming kaparusahan bago magtanghali habang sila ay naglalaro |
أَفَأَمِنُوا مَكْرَ اللَّهِ ۚ فَلَا يَأْمَنُ مَكْرَ اللَّهِ إِلَّا الْقَوْمُ الْخَاسِرُونَ(99) Sila baga’y nakadarama ng kaligtasan laban sa balak ni Allah? walang sinuman ang nakadarama ng kaligtasan sa balak ni Allah, maliban sa mga tao na (nakatakda) sa pagkawasak |
أَوَلَمْ يَهْدِ لِلَّذِينَ يَرِثُونَ الْأَرْضَ مِن بَعْدِ أَهْلِهَا أَن لَّوْ نَشَاءُ أَصَبْنَاهُم بِذُنُوبِهِمْ ۚ وَنَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ(100) At sa mga nagmana ng kalupaan sa magkakasunod (na panahon) mula sa (nakaraang) nagmamay-ari, hindi pa ba ito isang namamatnubay (na aral), na kung Aming ninais, Amin din silang parurusahan dahilan sa kanilang mga kasalanan. At Aming sinarhan ang kanilang puso upang sila ay hindi makarinig |
تِلْكَ الْقُرَىٰ نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنبَائِهَا ۚ وَلَقَدْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا بِمَا كَذَّبُوا مِن قَبْلُ ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ الْكَافِرِينَ(101) Ito ang kasaysayan ng mga bayan (pamayanan) na Aming isinalaysay sa iyo (o Muhammad). At katotohanang dumatal sa kanila ang kanilang mga Tagapagbalita namaymaliliwanagna Katibayan, datapuwa’t sila ay hindi nakahanda na manampalataya sa bagay na kanilang itinakwil noon pang una. Sa ganito sinasarhan ni Allah ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya (sa bawat isa at lahat ng uri ng pangrelihiyong patnubay) |
وَمَا وَجَدْنَا لِأَكْثَرِهِم مِّنْ عَهْدٍ ۖ وَإِن وَجَدْنَا أَكْثَرَهُمْ لَفَاسِقِينَ(102) At ang karamihan sa kanila ay Aming natagpuan na hindi tapat sa kanilang kasunduan, bagkus ang karamihan sa kanila ay tunay Naming natagpuan na Fasiqun (mapaghimagsik at palasuway kay Allah) |
ثُمَّ بَعَثْنَا مِن بَعْدِهِم مُّوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَظَلَمُوا بِهَا ۖ فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ(103) At pagkaraan nila ay Aming isinugo si Moises na kasama ang Aming mga Tanda kay Paraon at sa kanyang mga pinuno, datapuwa’t sa kamalian ay kanilang itinakwil siya. Kaya’t pagmasdan kung ano ang kinasapitan ng Mufsidun (mga mapaggawa ng kabuktutan, tampalasan, buhong, atbp) |
وَقَالَ مُوسَىٰ يَا فِرْعَوْنُ إِنِّي رَسُولٌ مِّن رَّبِّ الْعَالَمِينَ(104) At si Moises ay nagbadya: “o Paraon! Ako ay isang Tagapagbalita mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang |
حَقِيقٌ عَلَىٰ أَن لَّا أَقُولَ عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ ۚ قَدْ جِئْتُكُم بِبَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّكُمْ فَأَرْسِلْ مَعِيَ بَنِي إِسْرَائِيلَ(105) Marapat para sa akin na mangusap ako ng wala ng iba pa hinggil kay Allah maliban sa katotohanan. Katotohanang ako ay naparito sa inyo mula sa inyong Panginoon na may dalang maliwanag na katibayan. Kaya’t hayaan ang Angkan ng Israel ay lumisan na kasama ko.” |
قَالَ إِن كُنتَ جِئْتَ بِآيَةٍ فَأْتِ بِهَا إِن كُنتَ مِنَ الصَّادِقِينَ(106) (Si Paraon) ay nangusap: “Kung ikaw ay dumatal na may Tanda, ito ay iyong ilantad dito, - kung ikaw ay isa sa nagsasabi ng katotohanan.” |
فَأَلْقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعْبَانٌ مُّبِينٌ(107) (At si Moises) ay naghagis ng kanyang tungkod, at pagmasdan!, ito ay isang maliwanag na ahas |
وَنَزَعَ يَدَهُ فَإِذَا هِيَ بَيْضَاءُ لِلنَّاظِرِينَ(108) At kanyang inilabas ang kanyang kamay, at pagmalasin!, ito ay (naging) puti (na nagniningning) sa mga nakakamalas |
قَالَ الْمَلَأُ مِن قَوْمِ فِرْعَوْنَ إِنَّ هَٰذَا لَسَاحِرٌ عَلِيمٌ(109) Ang mga pinuno ng mga tao ni Paraon ay nagsabi: “Katotohanang siya ay isang magaling na manggagaway |
يُرِيدُ أَن يُخْرِجَكُم مِّنْ أَرْضِكُمْ ۖ فَمَاذَا تَأْمُرُونَ(110) Nais niyang itaboy kayo sa inyong lupain, kaya’t ano ang inyong maipapayo?” |
قَالُوا أَرْجِهْ وَأَخَاهُ وَأَرْسِلْ فِي الْمَدَائِنِ حَاشِرِينَ(111) Sila ay nagturing: “Pigilin siya at ang kanyang kapatid (sa ilang oras), at magpadala ng mga tagatawag (ng mga tao) sa mga lungsod upang maghanap, (at) |
يَأْتُوكَ بِكُلِّ سَاحِرٍ عَلِيمٍ(112) Upang kanilang dalhin sa inyo ang pinakamagagaling na manggagaway.” |
وَجَاءَ السَّحَرَةُ فِرْعَوْنَ قَالُوا إِنَّ لَنَا لَأَجْرًا إِن كُنَّا نَحْنُ الْغَالِبِينَ(113) Kaya’tangmgamanggagawayaypumaroonkay Paraon. Sila ay nangusap: “Katotohanang bang may malaking gantimpala sa amin kung kami ay maging matagumpay.” |
قَالَ نَعَمْ وَإِنَّكُمْ لَمِنَ الْمُقَرَّبِينَ(114) Siya (Paraon) ay nagsabi: “oo, at higit pa riyan, (kung kayo ay magtagumpay), kayo ay magiging pinakamalapit (sa akin).” |
قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِمَّا أَن تُلْقِيَ وَإِمَّا أَن نَّكُونَ نَحْنُ الْمُلْقِينَ(115) Sila ay nagsabi: “o Moises! Maaaring ikaw ang (maunang) maghagis, o sa amin ang (unang) hagis?” |
قَالَ أَلْقُوا ۖ فَلَمَّا أَلْقَوْا سَحَرُوا أَعْيُنَ النَّاسِ وَاسْتَرْهَبُوهُمْ وَجَاءُوا بِسِحْرٍ عَظِيمٍ(116) Siya (Moises) ay nagsabi: “Kayo ang (maunang) maghagis.” Kaya’t nang sila ang maghagis, kanilang ginaway ang mga mata ng mga tao at naghatid sila ng lagim sa kanila, at sila ay nagpamalas ng dakilang salamangka |
۞ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنْ أَلْقِ عَصَاكَ ۖ فَإِذَا هِيَ تَلْقَفُ مَا يَأْفِكُونَ(117) At Aming binigyan ng inspirasyon si Moises (na nagsasabi): “Ihagis mo ang iyong tungkod”, at pagmalasin!, ito ay lumulon nang walang humpay sa lahat ng mga kabulaanan na kanilang itinambad |
فَوَقَعَ الْحَقُّ وَبَطَلَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(118) Kaya’t ang katotohanan ay napatibayan, at ang lahat ng kanilang ginawa ay walang saysay |
فَغُلِبُوا هُنَالِكَ وَانقَلَبُوا صَاغِرِينَ(119) Kaya’t sila ay nagapi rito at noon din, at bumalik sa kanila ang kahihiyan (pagkaaba) |
وَأُلْقِيَ السَّحَرَةُ سَاجِدِينَ(120) At ang mga manggagaway ay napahandusay na nangangayupapa (sa pagsamba) |
قَالُوا آمَنَّا بِرَبِّ الْعَالَمِينَ(121) At sila ay nagsabi: “Kami ay sumasampalataya sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang |
رَبِّ مُوسَىٰ وَهَارُونَ(122) Ang Panginoon ni Moises at Aaron.” |
قَالَ فِرْعَوْنُ آمَنتُم بِهِ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَمَكْرٌ مَّكَرْتُمُوهُ فِي الْمَدِينَةِ لِتُخْرِجُوا مِنْهَا أَهْلَهَا ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ(123) Si Paraon ay nagsabi: “Kayo ba ay naniniwala sa kanya (Moises) bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot? Katiyakang ito ay isang pakana na inyong binalak sa lungsod upang itaboy ang mga tao rito, datapuwa’t inyong mapag-aalaman |
لَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُم مِّنْ خِلَافٍ ثُمَّ لَأُصَلِّبَنَّكُمْ أَجْمَعِينَ(124) Katiyakang aking puputulin ang inyong mga kamay at mga paa sa magkabilang panig at kayong lahat ay aking ipapako sa krus.” |
قَالُوا إِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ(125) Sila ay nagsabi: “Katotohanang kami ay magbabalik sa aming Panginoon |
وَمَا تَنقِمُ مِنَّا إِلَّا أَنْ آمَنَّا بِآيَاتِ رَبِّنَا لَمَّا جَاءَتْنَا ۚ رَبَّنَا أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَتَوَفَّنَا مُسْلِمِينَ(126) At ikaw ay gumagawa lamang ng paghihiganti sa amin sapagkat kami ay nanampalataya sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ng aming Panginoon nang ito ay sumapit sa amin! Aming Panginoon! diligan Mo po kami ng pagtitiyaga, at papangyarihin Ninyong mamatay kami na mga Muslim.” |
وَقَالَ الْمَلَأُ مِن قَوْمِ فِرْعَوْنَ أَتَذَرُ مُوسَىٰ وَقَوْمَهُ لِيُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ وَيَذَرَكَ وَآلِهَتَكَ ۚ قَالَ سَنُقَتِّلُ أَبْنَاءَهُمْ وَنَسْتَحْيِي نِسَاءَهُمْ وَإِنَّا فَوْقَهُمْ قَاهِرُونَ(127) Ang mga pinuno ng mga tao ni Paraon ay nagsabi: “Inyo bagang pababayaan si Moises at ang kanyang mga tao na magkalat ng kalokohan sa kalupaan at iwanan kayo at ang inyong mga diyos?” Siya (Paraon) ay nagsabi: “Aming papatayin ang kanilang mga anak na lalaki at hahayaan namin na mabuhay ang kanilang mga babae, at katotohanang kami ay mayroong lakas na hindi matututulan.” |
قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ اسْتَعِينُوا بِاللَّهِ وَاصْبِرُوا ۖ إِنَّ الْأَرْضَ لِلَّهِ يُورِثُهَا مَن يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ(128) Si Moises ay nagsabi sa kanyang mga tao: “Kayo ay manikluhod ng tulong kay Allah at maging matimtiman. Katotohanan, ang kalupaan ay pag-aangkin ni Allah. Ibinibigay Niyang pamana ito sa sinumang Kanyang maibigan sa Kanyang mga alipin, at ang (maluwalhating) katapusan ay para sa Muttaqun (mga matimtiman at banal na tao na may pagkatakot kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at gumagawa ng lahat ng mga kabutihan) |
قَالُوا أُوذِينَا مِن قَبْلِ أَن تَأْتِيَنَا وَمِن بَعْدِ مَا جِئْتَنَا ۚ قَالَ عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَن يُهْلِكَ عَدُوَّكُمْ وَيَسْتَخْلِفَكُمْ فِي الْأَرْضِ فَيَنظُرَ كَيْفَ تَعْمَلُونَ(129) Sila ay nagsabi: “Kaming (Angkan ng Israel) ay nagdusa ng mga kaguluhan bago ka pa dumatal sa amin, at mula nang ikaw ay dumating sa amin.” Siya ay nagsabi: “Mangyayaring ang inyong Panginoon ang wawasak sa inyong kaaway at gagawin kayong mga tagapagmana sa kalupaan, upang Kanyang mamalas kung paano kayo magsisikilos?” |
وَلَقَدْ أَخَذْنَا آلَ فِرْعَوْنَ بِالسِّنِينَ وَنَقْصٍ مِّنَ الثَّمَرَاتِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ(130) At katotohanang Aming pinarusahan ang mga tao ni Paraon sa maraming taon ng tagtuyot at kakulangan ng mga bunga (at pananim, atbp.), upang sila ay makaala- ala (makinig at sumunod) |
فَإِذَا جَاءَتْهُمُ الْحَسَنَةُ قَالُوا لَنَا هَٰذِهِ ۖ وَإِن تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ يَطَّيَّرُوا بِمُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُ ۗ أَلَا إِنَّمَا طَائِرُهُمْ عِندَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ(131) Datapuwa’t kailanma’t may mabuti na sumapit sa kanila, sila ay nagsasabi: “Ito ay amin.” At kung ang kasamaan ay maminsala sa kanila, sila ay nagtuturing dito na ito ay sanhi ng masamang pangitain na nakakabit kay Moises at sa kanyang mga kasama. Inyong maalaman! Ang kanilang masamang pangitain ay nasa (karunungan) ni Allah datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam |
وَقَالُوا مَهْمَا تَأْتِنَا بِهِ مِنْ آيَةٍ لِّتَسْحَرَنَا بِهَا فَمَا نَحْنُ لَكَ بِمُؤْمِنِينَ(132) Sila ay nagsabi (kay Moises): “Anumang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ang iyong dalhin sa amin, upang gumawa na kasama rito ang iyong panggagaway sa amin, kailanman ay hindi kami sasampalataya sa iyo.” |
فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ الطُّوفَانَ وَالْجَرَادَ وَالْقُمَّلَ وَالضَّفَادِعَ وَالدَّمَ آيَاتٍ مُّفَصَّلَاتٍ فَاسْتَكْبَرُوا وَكَانُوا قَوْمًا مُّجْرِمِينَ(133) Kaya’t Aming ipinadala sa kanila (ang mga ito): ang baha, ang mga tipaklong, ang mga kuto, ang mga palaka, at ang dugo: (bilang sunod-sunod) na mga maliliwanag na Tanda, datapuwa’t sila ay nanatili na mga palalo, at sila ay nasa lipon ng mga tao na Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp) |
وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيْهِمُ الرِّجْزُ قَالُوا يَا مُوسَى ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ ۖ لَئِن كَشَفْتَ عَنَّا الرِّجْزَ لَنُؤْمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرْسِلَنَّ مَعَكَ بَنِي إِسْرَائِيلَ(134) At nang ang kaparusahan ay sumapit sa kanila, sila ay nagsabi: “o Moises. Panikluhuran mo ang iyong Panginoon para sa amin dahilan sa Kanyang pangako sa iyo. Kung iyong papawiin ang kaparusahan sa amin, katotohanang kami ay sasampalataya sa iyo at hahayaan namin ang Angkan ng Israelayhumayonakasamamo.” |
فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الرِّجْزَ إِلَىٰ أَجَلٍ هُم بَالِغُوهُ إِذَا هُمْ يَنكُثُونَ(135) Datapuwa’tnangAming pawiin ang kaparusahan sa kanila sa isang natatakdaang panahon, na marapat nilang sapitin, pagmasdan! Sila ay sumira sa kanilang salita |
فَانتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَاهُمْ فِي الْيَمِّ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا عَنْهَا غَافِلِينَ(136) Kaya’t Kami ay kumuha ng kabayaran mula sa kanila. Sila ay Aming nilunod sa dagat, sapagkat itinakwil nila ang Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), at sila ay pabaya na kumuha ng babala mula sa kanila |
وَأَوْرَثْنَا الْقَوْمَ الَّذِينَ كَانُوا يُسْتَضْعَفُونَ مَشَارِقَ الْأَرْضِ وَمَغَارِبَهَا الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا ۖ وَتَمَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ الْحُسْنَىٰ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ بِمَا صَبَرُوا ۖ وَدَمَّرْنَا مَا كَانَ يَصْنَعُ فِرْعَوْنُ وَقَوْمُهُ وَمَا كَانُوا يَعْرِشُونَ(137) At Aming ginawa ang mga tao na itinuturing na mahina, na (kanilang) manahin ang mga silangang bahagi ng kalupaan at mga kanlurang bahagi niyaon na Aming binasbasan. Ang makatarungang pangako ng inyong Panginoon ay natupad para sa Angkan ng Israel dahilan sa kanilang pagbabata. At ganap Naming winasak ang lahat ng malalaking gawa at mga gusali na itinayo ni Paraon at ng kanyang mga tao |
وَجَاوَزْنَا بِبَنِي إِسْرَائِيلَ الْبَحْرَ فَأَتَوْا عَلَىٰ قَوْمٍ يَعْكُفُونَ عَلَىٰ أَصْنَامٍ لَّهُمْ ۚ قَالُوا يَا مُوسَى اجْعَل لَّنَا إِلَٰهًا كَمَا لَهُمْ آلِهَةٌ ۚ قَالَ إِنَّكُمْ قَوْمٌ تَجْهَلُونَ(138) At Aming dinala ang Angkan ng Israel (na ligtas) sa kabilang panig ng dagat, at sila ay sumapit sa isang pamayanan na may pagdedebosyon sa ilan sa kanilang mga imahen (pagsamba sa diyus-diyosan). Sila ay nagsabi: “o Moises! Gumawa ka sa amin ng isang diyos sapagkat sila ay may mga diyos.” Siya ay nagturing: “Katotohanang kayo ay mga tao na hindi nakakatalos (ng Kamahalan at Kadakilaan ni Allah, at kung ano ang ipinag-uutos sa inyo, alalaong baga, ang huwag sumamba sa iba pa maliban lamang kay Allah, ang Nag-iisa at Tanging diyos ng lahat ng mga nilalang) |
إِنَّ هَٰؤُلَاءِ مُتَبَّرٌ مَّا هُمْ فِيهِ وَبَاطِلٌ مَّا كَانُوا يَعْمَلُونَ(139) (Si Moises ay muling bumanggit): “Katotohanan, ang mga taong ito at ang kanilang pinagkakaabalahan (na pagsamba sa mga diyus-diyosan) ay wawasakin. At ang lahat ng kanilang ginagawa ay walang saysay.” |
قَالَ أَغَيْرَ اللَّهِ أَبْغِيكُمْ إِلَٰهًا وَهُوَ فَضَّلَكُمْ عَلَى الْعَالَمِينَ(140) Siya (Moises) ay nagsabi: “Ako baga ay hahanap para sa inyo ng isang diyos maliban pa kay Allah, samantalang Kanyang binigyan kayo ng mataas na katatayuan na higit sa lahat ng mga nilalang (ng inyong panahon).” |
وَإِذْ أَنجَيْنَاكُم مِّنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۖ يُقَتِّلُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَاءٌ مِّن رَّبِّكُمْ عَظِيمٌ(141) At (gunitain) nang Aming iniligtas kayo mula sa mga tao ni Paraon, na nagpapahirap sa inyo ng pinakamatinding kaparusahan, na pumapatay sa inyong mga anak na lalaki, at hinahayaang mabuhay ang inyong kababaihan. At dito ay mayroong isang malaking pagsubok mula sa inyong Panginoon |
۞ وَوَاعَدْنَا مُوسَىٰ ثَلَاثِينَ لَيْلَةً وَأَتْمَمْنَاهَا بِعَشْرٍ فَتَمَّ مِيقَاتُ رَبِّهِ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً ۚ وَقَالَ مُوسَىٰ لِأَخِيهِ هَارُونَ اخْلُفْنِي فِي قَوْمِي وَأَصْلِحْ وَلَا تَتَّبِعْ سَبِيلَ الْمُفْسِدِينَ(142) At Aming itinalaga kay Moises ang tatlumpung gabi at idinagdag (sa bilang na ito) ang sampu (pa), at kanyang naganap ang taning na itinalaga ng kanyang Panginoon, na apatnapung gabi.At si Moises ay nagsabi sa kanyang kapatid na si Aaron: “Ikaw ang humalili sa akin sa lipon ng aking mga tao, gumawa ka sa tamang landas (na mag-utos sa mga tao na sundin si Allah at sambahin lamang Siya) at huwag mong sundin ang landas ng Mufsidun (mga mapaggawa ng kabuktutan, tampalasan, makasalanan, atbp.).” |
وَلَمَّا جَاءَ مُوسَىٰ لِمِيقَاتِنَا وَكَلَّمَهُ رَبُّهُ قَالَ رَبِّ أَرِنِي أَنظُرْ إِلَيْكَ ۚ قَالَ لَن تَرَانِي وَلَٰكِنِ انظُرْ إِلَى الْجَبَلِ فَإِنِ اسْتَقَرَّ مَكَانَهُ فَسَوْفَ تَرَانِي ۚ فَلَمَّا تَجَلَّىٰ رَبُّهُ لِلْجَبَلِ جَعَلَهُ دَكًّا وَخَرَّ مُوسَىٰ صَعِقًا ۚ فَلَمَّا أَفَاقَ قَالَ سُبْحَانَكَ تُبْتُ إِلَيْكَ وَأَنَا أَوَّلُ الْمُؤْمِنِينَ(143) At nang si Moises ay dumating sa oras at lugar na Aming itinalaga, at ang kanyang Panginoon ay nangusap sa kanya, siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ipakita Ninyo sa akin (ang Inyong Sarili), upang ako ay makamalas sa Inyo.” Si Allah ay nagwika: “Hindi mo ako mamamasdan, datapuwa’t tumingin ka sa bundok, kung ito ay patuloy na nakatindig sa kanyang lugar, Ako ay iyong mamamasdan.” Kaya’t nang ang kanyang Panginoon ay magpakita sa bundok (ang pagpapakita ni Allah sa bundok ay napakaliit lamang [na bahagi] ng Kanyang sarili. Ito ay humigit-kumulang sa dulo lamang ng isang daliri ayon sa pagpapaliwanag ng Propeta), Kanyang hinayaan na maguho ito, at si Moises ay napahindusay na walang malay. Nang siya ay pagbalikan ng ulirat, siya ay nagsabi: “Ang Kaluwalhatian ay Sumainyo, ako ay bumabaling sa Inyo sa pagsisisi at ako ang una sa mga sumasampalataya.” |
قَالَ يَا مُوسَىٰ إِنِّي اصْطَفَيْتُكَ عَلَى النَّاسِ بِرِسَالَاتِي وَبِكَلَامِي فَخُذْ مَا آتَيْتُكَ وَكُن مِّنَ الشَّاكِرِينَ(144) (Si Allah) ay nagwika: “o Moises, ikaw ay Aking hinirang ng higit sa ibang lalaki sa pamamagitan ng Aking mga Mensahe, at ng Aking pakikipag-usap (sa iyo). Kaya’t pananganan mo ang Aking ipinagkaloob sa iyo at maging isa sa mga may pagtingin ng pasasalamat (sa Akin).” |
وَكَتَبْنَا لَهُ فِي الْأَلْوَاحِ مِن كُلِّ شَيْءٍ مَّوْعِظَةً وَتَفْصِيلًا لِّكُلِّ شَيْءٍ فَخُذْهَا بِقُوَّةٍ وَأْمُرْ قَوْمَكَ يَأْخُذُوا بِأَحْسَنِهَا ۚ سَأُرِيكُمْ دَارَ الْفَاسِقِينَ(145) At isinulat Namin para sa kanya sa mga Tableta (Kalatas) ang mga aral na maaaring makuha sa lahat ng bagay at ang kapaliwanagan ng lahat ng bagay (at Kami ay nagwika): “Manangan ka rito ng may katatagan at pagtagubilinan mo ang iyong pamayanan na kunin ang mabubuti rito. Ipamamalas Ko sa iyo ang tahanan ng Al-Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah) |
سَأَصْرِفُ عَنْ آيَاتِيَ الَّذِينَ يَتَكَبَّرُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَإِن يَرَوْا كُلَّ آيَةٍ لَّا يُؤْمِنُوا بِهَا وَإِن يَرَوْا سَبِيلَ الرُّشْدِ لَا يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا وَإِن يَرَوْا سَبِيلَ الْغَيِّ يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا عَنْهَا غَافِلِينَ(146) Aking (Allah) itatalikod sa Aking Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) ang (mga tao) na nag-uugali ng kapalaluan sa kalupaan sa maling paraan, at (kahit na) makita nilang lahat ang Ayat (mga kapahayagan, aral, tanda, katibayan, atbp.), sila ay hindi mananampalataya rito. At kung kanilang makita ang daan ng kabutihan (paniniwala sa Nag- iisang diyos, kabanalan at mabuting gawa), hindi nila ito yayakapin bilang isang landas, datapuwa’t kung kanilang makita ang landas ng kamalian (pagsamba sa diyus-diyosan, krimen at masasamang gawa), kanilang yayakapin ang gayong landas, ito’y sa dahilang itinakwil nila ang Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) at hindi nakikinig (na matuto ng aral) na manggagaling dito |
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَلِقَاءِ الْآخِرَةِ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ ۚ هَلْ يُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(147) Sila na nagtatatwa ng Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) at ng Pakikipagtipan sa Kabilang Buhay (Araw ng Muling Pagkabuhay), walang saysay ang kanilang mga gawa. Sila baga’y umaasam na sila ay gagantimpalaan ng anuman maliban sa kung ano ang kanilang ginawa |
وَاتَّخَذَ قَوْمُ مُوسَىٰ مِن بَعْدِهِ مِنْ حُلِيِّهِمْ عِجْلًا جَسَدًا لَّهُ خُوَارٌ ۚ أَلَمْ يَرَوْا أَنَّهُ لَا يُكَلِّمُهُمْ وَلَا يَهْدِيهِمْ سَبِيلًا ۘ اتَّخَذُوهُ وَكَانُوا ظَالِمِينَ(148) At ang pamayanan ni Moises ay gumawa, samantalang siya ay wala, mula sa kanilang mga palamuti (alahas), ng isang imahen ng baka (upang sambahin). Ito ay mayroong tunog (na wari bang umuunga). Hindi ba nila napagmamalas na ito ay hindi nakakapagsalita sa kanila at hindi rin makakapamatnubay sa kanila sa (tuwid) na landas? Tinangkilik nila ito bilang sinasamba at sila ay Zalimun (mga mapaggawa ng kamalian, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, tampalasan, buhong, atbp) |
وَلَمَّا سُقِطَ فِي أَيْدِيهِمْ وَرَأَوْا أَنَّهُمْ قَدْ ضَلُّوا قَالُوا لَئِن لَّمْ يَرْحَمْنَا رَبُّنَا وَيَغْفِرْ لَنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ(149) At nang sila ay nagsisi (sa kamalian) at kanilang namasdan na sila ay napaligaw nang malayo, sila (ay nagtika at) nagsabi: “Kung ang aming Panginoon ay walang habag sa amin at kami ay hindi (Niya) patatawarin, katiyakang kami ay magiging mga talunan.” |
وَلَمَّا رَجَعَ مُوسَىٰ إِلَىٰ قَوْمِهِ غَضْبَانَ أَسِفًا قَالَ بِئْسَمَا خَلَفْتُمُونِي مِن بَعْدِي ۖ أَعَجِلْتُمْ أَمْرَ رَبِّكُمْ ۖ وَأَلْقَى الْأَلْوَاحَ وَأَخَذَ بِرَأْسِ أَخِيهِ يَجُرُّهُ إِلَيْهِ ۚ قَالَ ابْنَ أُمَّ إِنَّ الْقَوْمَ اسْتَضْعَفُونِي وَكَادُوا يَقْتُلُونَنِي فَلَا تُشْمِتْ بِيَ الْأَعْدَاءَ وَلَا تَجْعَلْنِي مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ(150) At nang si Moises ay magbalik sa kanyang pamayanan, na may galit at nagdadalamhati, siya ay nagsabi: “Isang masamang bagay ang inyong ginawa (alalaong baga, ang pagsamba sa imaheng baka) habang ako ay wala. Kayo baga’y nagmadali at nanguna na ipalabas ang kahatulan ng inyong Panginoon (nang iniwan ninyo ang pagsamba sa Kanya)? At kanyang ipinukol ang mga Tableta (Kalatas) at kanyang sinakmal ang kanyang kapatid (sa buhok) ng kanyang ulo at kanyang kinaladkad siya patungo sa kanya. Si Aaron ay nagsabi: “O anak ng aking ina! Katotohanan, ang mga tao ay naghusga sa akin (na ako ay) mahina at malapit na nila akong patayin, kaya’t huwag mong hayaan ang mga kaaway ay mangagalak sa akin, gayundin, ako ay huwag mong isama sa lipon ng mga tao na Zalimun (mga buktot at tampalasan, makasalanan, atbp.).” |
قَالَ رَبِّ اغْفِرْ لِي وَلِأَخِي وَأَدْخِلْنَا فِي رَحْمَتِكَ ۖ وَأَنتَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ(151) Si Moises ay nagsabi: “o aking Panginoon! Inyong patawarin ako at ang aking kapatid, at kami ay hayaan Ninyong makapasok sa Inyong Habag, sapagkat Kayo ang Pinakamaawain sa mga nagpapamalas ng habag.” |
إِنَّ الَّذِينَ اتَّخَذُوا الْعِجْلَ سَيَنَالُهُمْ غَضَبٌ مِّن رَّبِّهِمْ وَذِلَّةٌ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُفْتَرِينَ(152) Katiyakan, sila na tumangkilik sa baka (upang sambahin), ang poot ng kanilang Panginoon at pagkaaba ang sasapit sa kanila sa buhay sa mundong ito. Sa ganito Namin binabayaran ang gumagawa ng mga kabulaanan |
وَالَّذِينَ عَمِلُوا السَّيِّئَاتِ ثُمَّ تَابُوا مِن بَعْدِهَا وَآمَنُوا إِنَّ رَبَّكَ مِن بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَّحِيمٌ(153) Datapuwa’t sila na nagsigawa ng masasamang gawa at pagkatapos ay nagtika at sumampalataya, katiyakang ang inyong Panginoon, (magkagayunman) ay katotohanang Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain |
وَلَمَّا سَكَتَ عَن مُّوسَى الْغَضَبُ أَخَذَ الْأَلْوَاحَ ۖ وَفِي نُسْخَتِهَا هُدًى وَرَحْمَةٌ لِّلَّذِينَ هُمْ لِرَبِّهِمْ يَرْهَبُونَ(154) At nang ang poot ni Moises ay humupa na, kanyang kinuha ang mga Tableta (Kalatas), ang mga nasusulat (dito) ay patnubay at habag sa mga may pangangamba sa kanilang Panginoon |
وَاخْتَارَ مُوسَىٰ قَوْمَهُ سَبْعِينَ رَجُلًا لِّمِيقَاتِنَا ۖ فَلَمَّا أَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ قَالَ رَبِّ لَوْ شِئْتَ أَهْلَكْتَهُم مِّن قَبْلُ وَإِيَّايَ ۖ أَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ السُّفَهَاءُ مِنَّا ۖ إِنْ هِيَ إِلَّا فِتْنَتُكَ تُضِلُّ بِهَا مَن تَشَاءُ وَتَهْدِي مَن تَشَاءُ ۖ أَنتَ وَلِيُّنَا فَاغْفِرْ لَنَا وَارْحَمْنَا ۖ وَأَنتَ خَيْرُ الْغَافِرِينَ(155) At si Moises ay humirang sa kanyang pamayanan ng pitumpong (pinakamahuhusay) na lalaki tungo sa Aming natatakdaang oras at lugar ng pakikipagtipan, at nang sila ay sakmalin ng isang matinding lindol, siya ay nagsabi: “o aking Panginoon, kung ito ay Inyo lamang ninais, sila at ako ay maaari Ninyong wasakin kahit noon pa, kami ba ay wawasakin Ninyo dahilan sa mga gawa ng mga buktot sa lipon namin? Tanging sa pamamagitan lamang ng Inyong pagsubok Kayo ay namamatnubay sa sinumang Inyong maibigan, at nagliligaw at namamatnubay sa sinumang Inyong naisin. Kayo po ang aming Wali (Tagapangalaga), kaya’t Inyong patawarin kami at bigyan ng Habag, sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa mga nagpapatawad |
۞ وَاكْتُبْ لَنَا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ إِنَّا هُدْنَا إِلَيْكَ ۚ قَالَ عَذَابِي أُصِيبُ بِهِ مَنْ أَشَاءُ ۖ وَرَحْمَتِي وَسِعَتْ كُلَّ شَيْءٍ ۚ فَسَأَكْتُبُهَا لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَالَّذِينَ هُم بِآيَاتِنَا يُؤْمِنُونَ(156) At ipagkaloob Ninyo sa amin ang mabuti sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Katiyakang kami ay bumabaling sa Inyo.” Siya (Allah) ay nagwika: “(At sa) Aking kaparusahan, Aking binibigyang sakit ang sinumang Aking maibigan at ang Aking Habag ay nakakasakop sa lahat ng bagay. Ang (Habag) na ito ay Aking itatalaga sa Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na tao na umiiwas sa lahat ng masama at gumagawa ng lahat ng mabuti), at sa nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa); at sa mga nananalig sa Aming Ayat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp) |
الَّذِينَ يَتَّبِعُونَ الرَّسُولَ النَّبِيَّ الْأُمِّيَّ الَّذِي يَجِدُونَهُ مَكْتُوبًا عِندَهُمْ فِي التَّوْرَاةِ وَالْإِنجِيلِ يَأْمُرُهُم بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَاهُمْ عَنِ الْمُنكَرِ وَيُحِلُّ لَهُمُ الطَّيِّبَاتِ وَيُحَرِّمُ عَلَيْهِمُ الْخَبَائِثَ وَيَضَعُ عَنْهُمْ إِصْرَهُمْ وَالْأَغْلَالَ الَّتِي كَانَتْ عَلَيْهِمْ ۚ فَالَّذِينَ آمَنُوا بِهِ وَعَزَّرُوهُ وَنَصَرُوهُ وَاتَّبَعُوا النُّورَ الَّذِي أُنزِلَ مَعَهُ ۙ أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ(157) Sila na sumusunod sa Tagapagbalita, ang Propeta na hindi nakakabasa at hindi nakakasulat (Muhammad) na kanilang matatagpuan na nasusulat sa Torah (mga Batas) at sa Ebanghelyo, - siya ay nagtatagubilin sa kanila ng Al-Ma’ruf (ang Kaisahan ni Allah at lahat ng Kanyang mga ipinag-uutos) at nagbabawal sa kanila sa Al-Munkar (kawalan ng paniniwala, pagsamba sa diyus-diyosan at lahat ng masasama na ipinagbabawal sa Islam); kanyang pinahihintulutan sila sa At-Tayyibat ([lahat ng mabuti at pinapayagan], tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawa, mga paniniwala, mga tao, mga pagkain, atbp.), at nagbabawal sa kanila sa mga hindi pinahihintulutan, bilang Al-Khabaith (ang lahat ng kasamaan at hindi pinahihintulutan tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawa, mga paniniwala, mga tao, mga pagkain, atbp.), kanyang niluluwagan sila sa mabibigat na pasanin (ng Kasunduan kay Allah), at sa mga tanikala (ng pananagutan) na nakaatang sa kanila. Kaya’t sa kanila na nananalig sa kanya (Muhammad), inyong parangalan siya, tulungan siya at sundin ang Liwanag (ang Qur’an) na ipinanaog sa kanya, (at) sila ang magiging matatagumpay |
قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ جَمِيعًا الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ النَّبِيِّ الْأُمِّيِّ الَّذِي يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَكَلِمَاتِهِ وَاتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ(158) Ipagbadya (o Muhammad): “o sangkatauhan! Katotohanang ako ay isinugo sa inyong lahat bilang isang Tagapagbalita ni Allah, - Siya na nag-aangkin ng kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan. La ilah ill Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah); Siya ang naggagawad ng buhay at nagpapapangyari sa kamatayan. Kaya’t manampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), ang Propeta na hindi nakakabasa at hindi nakakasulat (Muhammad), na sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Salita (sa Qur’an, sa Torah [mga Batas] at sa Ebanghelyo at gayundin sa Salita ni Allah na: ‘Mangyari nga!’ At nangyari nga, alalaong baga, si Hesus na anak ni Maria), at siya ay inyong sundin upang kayo ay mapatnubayan.” |
وَمِن قَوْمِ مُوسَىٰ أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ(159) At sa lipon ng mga tao ni Moises ay mayroong isang pamayanan na umaakay (sa mga tao) ng may katotohanan at nagtatatag dito ng katarungan (alalaong baga, humahatol sa mga tao ng may katotohanan at katarungan) |
وَقَطَّعْنَاهُمُ اثْنَتَيْ عَشْرَةَ أَسْبَاطًا أُمَمًا ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ إِذِ اسْتَسْقَاهُ قَوْمُهُ أَنِ اضْرِب بِّعَصَاكَ الْحَجَرَ ۖ فَانبَجَسَتْ مِنْهُ اثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍ مَّشْرَبَهُمْ ۚ وَظَلَّلْنَا عَلَيْهِمُ الْغَمَامَ وَأَنزَلْنَا عَلَيْهِمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا مِن طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ ۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِن كَانُوا أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ(160) At Aming pinagbaha-bahagi sila sa labingdalawang tribo (bilang namumukod) na mga bansa (pamayanan). Aming pinag-utusan si Moises na may inspirasyon, nang ang kanyang pamayanan ay humingi sa kanya ng tubig, (at Kami ay nagwika): “Paluin mo ang bato ng iyong tungkod.” At pumulandit mula rito ang labindalawang batis: ang bawat pangkat ay nakakaalam ng kanilang lugar ng tubig. Aming (Allah) nilimliman sila ng mga ulap at Aming ipinanaog sa kanila ang Manna (isang uri ng matamis na ngatain), at ng mga pugo, (na nagsasabi): “Kumain kayo ng mabubuting bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo.” Kami (Allah) ay hindi nila mapipinsala, datapuwa’t pinipinsala (sinasaktan) nila ang kanilang sarili |
وَإِذْ قِيلَ لَهُمُ اسْكُنُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ وَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ وَقُولُوا حِطَّةٌ وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا نَّغْفِرْ لَكُمْ خَطِيئَاتِكُمْ ۚ سَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ(161) At (gunitain) nang ito ay sabihin sa kanila: “Magsipanirahan kayo sa bayang ito (Herusalem) at kumain kayo rito ng anumang inyong maibigan, at magsabi, “(o Allah), patawarin Ninyo ang aming mga kasalanan”; at magsipasok sa tarangkahan na nagpapatirapa (na nakayukod sa kapakumbabaan). Ipatatawad Namin sa inyo ang inyong mga kamalian. Aming pararamihin (ang pabuya) sa mga gumagawa ng kabutihan |
فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِجْزًا مِّنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَظْلِمُونَ(162) Datapuwa’t sila na nasa kanilang lipon na gumawa ng kamalian ay nagpalit (bumago) sa salita na ipinangusap sa kanila. Kaya’t Aming ipinadala sa kanila ang isang kaparusahan mula sa langit bilang ganti sa kanilang mga maling gawa |
وَاسْأَلْهُمْ عَنِ الْقَرْيَةِ الَّتِي كَانَتْ حَاضِرَةَ الْبَحْرِ إِذْ يَعْدُونَ فِي السَّبْتِ إِذْ تَأْتِيهِمْ حِيتَانُهُمْ يَوْمَ سَبْتِهِمْ شُرَّعًا وَيَوْمَ لَا يَسْبِتُونَ ۙ لَا تَأْتِيهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ نَبْلُوهُم بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ(163) At iyong tanungin sila (o Muhammad), tungkol sa bayan na nasa gilid ng dagat. Pagmasdan! Nang sila ay lumabag sa bagay (kautusan) ng Sabbath (Sabado): nang ang isda ay lantarang lumapit sa kanila sa araw ng Sabbath at hindi pumaroon sa kanila sa araw na wala silang Sabbath. Kaya’t sila ay Aming sinubukan sapagkat sila ay naghimagsik (tunghayan ang Qur’an) |
وَإِذْ قَالَتْ أُمَّةٌ مِّنْهُمْ لِمَ تَعِظُونَ قَوْمًا ۙ اللَّهُ مُهْلِكُهُمْ أَوْ مُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ قَالُوا مَعْذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ(164) At nang ang (isang) pamayanan sa lipon nila ay nagsabi: “Bakit kayo nangangaral sa mga tao, na napipintong wasakin ni Allah o parusahan sila ng matinding kaparusahan?” (Ang mga nangangaral) ay nagsabi: “Upang kami ay maging malaya sa kasalanan (o pag-uusig ng budhi) sa harapan ng inyong Panginoon (Allah), at marahil, sila ay magkaroon ng pangangamba kay Allah.” |
فَلَمَّا نَسُوا مَا ذُكِّرُوا بِهِ أَنجَيْنَا الَّذِينَ يَنْهَوْنَ عَنِ السُّوءِ وَأَخَذْنَا الَّذِينَ ظَلَمُوا بِعَذَابٍ بَئِيسٍ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ(165) Kaya’t nang kanilang malimutan ang paala-ala na ibinigay sa kanila, Aming iniligtas sila na nagbabawal sa kasamaan, datapuwa’t Aming nilagom ang mga gumawa ng kamalian ng isang matinding kaparusahan sapagkat sila ay naghimagsik (sumuway kay Allah) |
فَلَمَّا عَتَوْا عَن مَّا نُهُوا عَنْهُ قُلْنَا لَهُمْ كُونُوا قِرَدَةً خَاسِئِينَ(166) Kaya’t nang sila ay lumagpas na sa mga hangganan ng bagay na ipinagbabawal sa kanila, Kami ay nagwika sa kanila: “Maging unggoy kayo, na kinasusuklaman at itinatakwil.” (Ito ay isang mabigat na babala sa sangkatauhan na sila ay hindi marapat na sumuway sa bagay na ipinag-uutos sa kanila ni Allah, at maging malayo sa bagay na Kanyang ipinagbabawal) |
وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكَ لَيَبْعَثَنَّ عَلَيْهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَن يَسُومُهُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۗ إِنَّ رَبَّكَ لَسَرِيعُ الْعِقَابِ ۖ وَإِنَّهُ لَغَفُورٌ رَّحِيمٌ(167) At (alalahanin) nang ang inyong Panginoon ay magpahayag na katiyakang magpapatuloy Siya sa pagpaparating (ng sumpa o kaparusahan) laban sa kanila (alalaong baga, ang mga Hudyo), hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sila na nagbibigay pasakit sa kanila (mga sumasampalataya) ng kaaba-abang kaparusahan. Katotohanan, ang inyong Panginoon ay Maagap sa Pagbabayad (sa mga palasuway, buhong, atbp.) at katiyakang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain (sa mga masunurin at naninikluhod sa kapatawaran ni Allah) |
وَقَطَّعْنَاهُمْ فِي الْأَرْضِ أُمَمًا ۖ مِّنْهُمُ الصَّالِحُونَ وَمِنْهُمْ دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَبَلَوْنَاهُم بِالْحَسَنَاتِ وَالسَّيِّئَاتِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ(168) At Aming pinagbaha-bahagi sila (alalaong baga, ang mga Hudyo) sa maraming pangkatin dito sa kalupaan, ang ilan sa kanila ay matutuwid at ang iba ay malayo (sa katuwiran). At Aming sinubukan sila ng mabubuting (biyaya) at kasamaan (mga kapinsalaan), upang sila ay bumaling (sa kapatawaran ni Allah) |
فَخَلَفَ مِن بَعْدِهِمْ خَلْفٌ وَرِثُوا الْكِتَابَ يَأْخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا الْأَدْنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغْفَرُ لَنَا وَإِن يَأْتِهِمْ عَرَضٌ مِّثْلُهُ يَأْخُذُوهُ ۚ أَلَمْ يُؤْخَذْ عَلَيْهِم مِّيثَاقُ الْكِتَابِ أَن لَّا يَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ وَدَرَسُوا مَا فِيهِ ۗ وَالدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِّلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ(169) At pagkaraan nila ay sumunod ang (isang masamang) saling lahi na nakamana sa Aklat, datapuwa’t pinili nila (sa kanilang sarili) ang mga paninda ng payak (o mababang) buhay (ang masamang ligaya ng mundong ito) na nagsasabi (bilang pagdadahilan): “(Ang lahat ng bagay) ay ipatatawad sa atin.” At kung sakaling (muli), na ang katulad na alay (ng masamang ligaya ng mundong ito) ay dumatal sa kanila, muli silang mananamantala na gawin ito (gagawin nila ang mga kasalanang yaon). Hindi baga ang kasunduan ng Aklat ay kinuha sa kanila, na hindi sila magsasalita ng anuman tungkol kay Allah maliban sa katotohanan? At sila ay nag- aral kung ano ang nasa loob nito (ng Aklat). At ang Tahanan ng Kabilang Buhay ay higit na mainan sa Al-Muttaqun (mga matimtimang tao sa kabanalan at mapaggawa ng mga kabutihan at masunurin kay Allah). Hindi baga kayo nakakaunawa |
وَالَّذِينَ يُمَسِّكُونَ بِالْكِتَابِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ الْمُصْلِحِينَ(170) At sa kanila na nananangan nang matimtiman sa Aklat (alalaong baga, gumagawa ng ayon sa mga turo nito), at nag-aalay ng pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-us-Salat), katiyakang hindi Namin kailanman sasayangin ang gantimpala ng mga gumagawa ng kabutihan |
۞ وَإِذْ نَتَقْنَا الْجَبَلَ فَوْقَهُمْ كَأَنَّهُ ظُلَّةٌ وَظَنُّوا أَنَّهُ وَاقِعٌ بِهِمْ خُذُوا مَا آتَيْنَاكُم بِقُوَّةٍ وَاذْكُرُوا مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ(171) At (gunitain) nang Aming itinaas ang bundok sa ibabaw nila, na wari bang ito ay isang talukbong, at sila ay nag-akala na ito ay mahuhulog sa kanila. (Kami [Allah] ay nagwika): “Manangan kayo nang matatag sa bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo (alalaong baga ang Torah [mga Batas]), at alalahanin kung ano ang naririto (gumawa ng ayon sa pag-uutos nito), upang inyong pangambahan si Allah at Siya ay (inyong) sundin.” |
وَإِذْ أَخَذَ رَبُّكَ مِن بَنِي آدَمَ مِن ظُهُورِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَأَشْهَدَهُمْ عَلَىٰ أَنفُسِهِمْ أَلَسْتُ بِرَبِّكُمْ ۖ قَالُوا بَلَىٰ ۛ شَهِدْنَا ۛ أَن تَقُولُوا يَوْمَ الْقِيَامَةِ إِنَّا كُنَّا عَنْ هَٰذَا غَافِلِينَ(172) At (gunitain) nang ang inyong Panginoon ay maglabas (magpaanak) mula sa angkan ni Adan, mula sa kanilang mga himaymay, ng kanilang binhi (o mula sa himaymay ni Adan, ang kanyang mga anak at kaanak-anakan), at ginawa sila na sumaksi sa kanilang sarili (na [kami] ay nagsasabi): “Hindi baga Ako ang inyong Panginoon?” Sila ay nagsabi: “Oo! Kami ay sumasaksi,” (marahil) baka ninyo sabihin sa Araw ng Muling Pagkabuhay: “Katotohanang kami ay hindi nakakaalam nito.” |
أَوْ تَقُولُوا إِنَّمَا أَشْرَكَ آبَاؤُنَا مِن قَبْلُ وَكُنَّا ذُرِّيَّةً مِّن بَعْدِهِمْ ۖ أَفَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ الْمُبْطِلُونَ(173) o baka inyong sabihin: “Sila lamang na aming mga ninuno noong panahong sinauna ang tumangkilik sa iba pa bilang mga katambal sa pagsamba kay Allah, at kami (lamang) ay kanilang mga saling-lahi pagkaraan nila; Inyo bagang wawasakin kami dahilan sa mga gawa ng mga tao na nagsagawa ng Al-Batil (alalaong baga, ang pagsamba sa diyus-diyosan, paggawa ng krimen at kasalanan, paninikluhod sa iba pa sa pagsamba maliban pa kay Allah)?” |
وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ وَلَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ(174) Sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) sa masusing paraan, upang sila ay magbalik (sa Katotohanan) |
وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ الَّذِي آتَيْنَاهُ آيَاتِنَا فَانسَلَخَ مِنْهَا فَأَتْبَعَهُ الشَّيْطَانُ فَكَانَ مِنَ الْغَاوِينَ(175) At dalitin mo (o Muhammad) sa kanila ang kasaysayan niya na Aming ginawaran ng Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), datapuwa’t kanyang itinapon ito nang malayo, kaya’t sinundan siya ni Satanas, at siya ay napasama sa mga naligaw ng landas |
وَلَوْ شِئْنَا لَرَفَعْنَاهُ بِهَا وَلَٰكِنَّهُ أَخْلَدَ إِلَى الْأَرْضِ وَاتَّبَعَ هَوَاهُ ۚ فَمَثَلُهُ كَمَثَلِ الْكَلْبِ إِن تَحْمِلْ عَلَيْهِ يَلْهَثْ أَوْ تَتْرُكْهُ يَلْهَث ۚ ذَّٰلِكَ مَثَلُ الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ فَاقْصُصِ الْقَصَصَ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ(176) At kung Amin lamang ninais, katiyakang Aming itinaas siya rito (sa katuwiran), datapuwa’t kumapit siya sa kalupaan at sumunod sa kanyang palalong pagnanasa. Kaya’t ang kanyang larawan ay larawan ng isang aso; kung siya ay iyong itaboy, kanyang inilalabas ang kanyang dila, o kung siya ay iyong hayaang mag-isa, patuloy (pa rin) niyang inilalawit ang kanyang dila. Ito ang larawan ng mga tao na nagtatakwil sa Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.). Kaya’t iyong isalaysay ang kanilang kasaysayan, marahil sila ay magmumuni-muni |
سَاءَ مَثَلًا الْقَوْمُ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَأَنفُسَهُمْ كَانُوا يَظْلِمُونَ(177) Kasamaan ang kahalintulad ng mga tao na nagtatakwil sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), at nagtataboy sa kanilang sarili sa kamalian |
مَن يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِي ۖ وَمَن يُضْلِلْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ(178) Sinumang patnubayan ni Allah, siya ay napapatnubayan, at sinuman ang Kanyang dalhin sa pagkaligaw, sila, sila ang mga talunan |
وَلَقَدْ ذَرَأْنَا لِجَهَنَّمَ كَثِيرًا مِّنَ الْجِنِّ وَالْإِنسِ ۖ لَهُمْ قُلُوبٌ لَّا يَفْقَهُونَ بِهَا وَلَهُمْ أَعْيُنٌ لَّا يُبْصِرُونَ بِهَا وَلَهُمْ آذَانٌ لَّا يَسْمَعُونَ بِهَا ۚ أُولَٰئِكَ كَالْأَنْعَامِ بَلْ هُمْ أَضَلُّ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْغَافِلُونَ(179) At katiyakang Aming nilikha ang marami sa mga Jinn at sangkatauhan tungo sa Impiyerno. Sila ay may puso na hindi nakakaunawa, sila ay may mga mata na hindi nakakakita, at sila ay may mga tainga na hindi nakakarinig (ng Katotohanan). Sila ay katulad ng bakahan (hayupan), hindi, higit silang napapaligaw. Sila! Sila ang walang iniintindi |
وَلِلَّهِ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ فَادْعُوهُ بِهَا ۖ وَذَرُوا الَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِي أَسْمَائِهِ ۚ سَيُجْزَوْنَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(180) At (ang lahat) ng Pinakamagagandang Pangalan ay angkin ni Allah, kaya’t Siya ay tawagin ninyo sa mga Pangalang yaon, at iwan ninyo ang mga pangkat ng nagpapabulaan o nagkakaila (o umuusal ng walang galang na salita) sa Kanyang Pangalan. Sila ay gagantihan sa kanilang mga ginawa |
وَمِمَّنْ خَلَقْنَا أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ(181) At sa lipon nila na Aming nilikha, mayroong pamayanan na namamatnubay (sa mga iba) sa katotohanan, at dito ay nagtitindig ng katarungan |
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا سَنَسْتَدْرِجُهُم مِّنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ(182) Sila na nagtatakwil ng Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sila ay unti-unti Naming sasakmalin ng kaparusahan sa paraang hindi nila napag-aakala |
وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ(183) At Aking bibigyan sila ng palugit; katiyakang ang Aking balak ay matibay |
أَوَلَمْ يَتَفَكَّرُوا ۗ مَا بِصَاحِبِهِم مِّن جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌ مُّبِينٌ(184) Hindi baga sila nagmumuni-muni? Walang anumang pagkasira ng isip sa kanilang kasama (Muhammad, alalaong baga, siya ay hindi nababaliw). Siya ay isa lamang lantad na tagapagbabala |
أَوَلَمْ يَنظُرُوا فِي مَلَكُوتِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا خَلَقَ اللَّهُ مِن شَيْءٍ وَأَنْ عَسَىٰ أَن يَكُونَ قَدِ اقْتَرَبَ أَجَلُهُمْ ۖ فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَهُ يُؤْمِنُونَ(185) Hindi baga nila napagmamalas ang pangingibabaw ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay na nilikha ni Allah, at maaaring ang katapusan ng kanilang buhay ay malapit na. Sa anong mensahe pagkaraan nito, sila pa ay sasampalataya |
مَن يُضْلِلِ اللَّهُ فَلَا هَادِيَ لَهُ ۚ وَيَذَرُهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ(186) Sinumang dalhin ni Allah sa pagkaligaw, walang sinuman ang makakapamatnubay sa kanya; at hinahayaan Niyang lumibot-libot sila na mga bulag sa kanilang pagmamalabis sa paglabag |
يَسْأَلُونَكَ عَنِ السَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَاهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِندَ رَبِّي ۖ لَا يُجَلِّيهَا لِوَقْتِهَا إِلَّا هُوَ ۚ ثَقُلَتْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا تَأْتِيكُمْ إِلَّا بَغْتَةً ۗ يَسْأَلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِيٌّ عَنْهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِندَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ(187) Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) hinggil sa oras (Araw ng Muling Pagkabuhay): “Kailan kaya ang kanyang natatakdaang oras?” Ipagbadya: “Ang karunungan dito ay nasa aking Panginoon (lamang). walang sinuman ang makakapagpahayag ng kanyang takdang oras maliban sa Kanya. Mabigat ang dalahin nito sa lahat ng dako ng mga kalangitan at kalupaan. Ito ay hindi daratal sa inyo maliban na ito ay biglang-bigla (walang babala).” Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) na wari bang ikaw ay mayroong ganap na kaalaman dito. Ipagbadya: “Ang kaalaman dito ay (tanging) na kay Allah lamang, datapuwa’t ang karamihan sa sangkatauhan ay hindi nakakaalam.” |
قُل لَّا أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ وَلَوْ كُنتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لَاسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِيَ السُّوءُ ۚ إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ(188) Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay walang pinanghahawakang kapangyarihan o kapakinabangan o kapinsalaan sa aking sarili malibang pahintulutan ni Allah. Kung ako lamang ay may kaalaman sa Al-Ghaib (mga bagay na nakalingid, o Kabilang Buhay), ginawa ko na sa aking sarili na makapagtabi ng malaking kayamanan, at walang anumang pasakit (kasamaan) ang maaaring sumapit sa akin. Ako ay isa lamang tagapagbabala at isang tagapagdala ng masayang balita sa mga tao na sumasampalataya.” |
۞ هُوَ الَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفْسٍ وَاحِدَةٍ وَجَعَلَ مِنْهَا زَوْجَهَا لِيَسْكُنَ إِلَيْهَا ۖ فَلَمَّا تَغَشَّاهَا حَمَلَتْ حَمْلًا خَفِيفًا فَمَرَّتْ بِهِ ۖ فَلَمَّا أَثْقَلَت دَّعَوَا اللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنْ آتَيْتَنَا صَالِحًا لَّنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ(189) Siya (Allah) ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang tao (Adan), at Kanyang nilikha mula sa kanya ang kanyang asawa (Eba), upang kanyang madama ang kasiyahan na mamuhay sa piling niya. Nang siya (ang tao) ay magkaroon ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagdalangtao at kanyang dinala ito na hindi naman kabigatan. At nang ito ay maging mabigat, kapwa sila ay nanalangin kay Allah, ang kanilang Panginoon, (na nagsasabi): “Kung Kayo ay magkakaloob sa amin ng isang Salih (isang bata na mabuti sa lahat ng bagay), katotohanang kami ay mapapabilang sa lipon ng mga tumatanaw ng pasasalamat.” |
فَلَمَّا آتَاهُمَا صَالِحًا جَعَلَا لَهُ شُرَكَاءَ فِيمَا آتَاهُمَا ۚ فَتَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ(190) Datapuwa’t nang Kanyang binigyan sila ng isang Salih (isang bata na mabuti sa lahat ng bagay), sila ay nag-akibat ng mga katambal (sa pangalan lamang at hindi sa pagsamba) sa Kanya (Allah), sa bagay na Kanyang ipinagkaloob sa kanila. Mataas si Allah, Siya ang Kataas-taasan sa lahat ng kanilang mga itinataguri bilang katambal sa Kanya |
أَيُشْرِكُونَ مَا لَا يَخْلُقُ شَيْئًا وَهُمْ يُخْلَقُونَ(191) Sila baga ay nagtataguri ng mga katambal kay Allah, sa kanila (mga diyus-diyosan) na walang anumang nilikha, bagkus ay sila ang nilikha |
وَلَا يَسْتَطِيعُونَ لَهُمْ نَصْرًا وَلَا أَنفُسَهُمْ يَنصُرُونَ(192) walang anumang tulong ang maibibigay nila sa kanila, gayundin naman, ay hindi nila matutulungan ang kanilang sarili |
وَإِن تَدْعُوهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ لَا يَتَّبِعُوكُمْ ۚ سَوَاءٌ عَلَيْكُمْ أَدَعَوْتُمُوهُمْ أَمْ أَنتُمْ صَامِتُونَ(193) At kung inyo silang tatawagan tungo sa patnubay, sila ay hindi susunod sa inyo. Ito ay walang pagkakaiba sa inyo kahima’t sila ay inyong tawagin o manatili kayong tahimik |
إِنَّ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِ اللَّهِ عِبَادٌ أَمْثَالُكُمْ ۖ فَادْعُوهُمْ فَلْيَسْتَجِيبُوا لَكُمْ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(194) Katotohanan, ang inyong pinaninikluhuran na mga iba maliban pa kay Allah ay mga alipin na katulad ninyo. Kaya’t sila ay inyong panikluhuran (mga diyus- diyosan) at hayaang kayo ay sagutin nila, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan |
أَلَهُمْ أَرْجُلٌ يَمْشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَيْدٍ يَبْطِشُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ أَعْيُنٌ يُبْصِرُونَ بِهَا ۖ أَمْ لَهُمْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۗ قُلِ ادْعُوا شُرَكَاءَكُمْ ثُمَّ كِيدُونِ فَلَا تُنظِرُونِ(195) Sila baga ay may mga paa na rito sila ay lumalakad? o sila ba ay may mga kamay na rito sila ay humahawak? o sila ba ay may mga mata na rito sila ay nakakakita? o sila ba ay may mga tainga na rito sila ay nakakarinig? Ipagbadya (o Muhammad): “Tawagin ninyo (ang inyong iniaakibat) na mga katambal (kay Allah) at kayo ay gumawa ng balak sa akin, at huwag ninyo akong bigyan ng palugit na panahon |
إِنَّ وَلِيِّيَ اللَّهُ الَّذِي نَزَّلَ الْكِتَابَ ۖ وَهُوَ يَتَوَلَّى الصَّالِحِينَ(196) Katotohanan, ang aking Wali (Tagapangalaga, Tagapagtaguyod at Kawaksi, atbp.) ay si Allah, na nagpahayag ng Aklat (ang Qur’an), at Siya ang nangangalaga (nagtataguyod at tumutulong) sa mga matutuwid.” |
وَالَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِهِ لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَكُمْ وَلَا أَنفُسَهُمْ يَنصُرُونَ(197) At yaong mga tinatawagan ninyo na mga iba maliban pa sa Kanya (Allah) ay hindi makakatulong sa inyo, gayundin naman ay hindi nila matutulungan ang kanilang sarili.” |
وَإِن تَدْعُوهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ لَا يَسْمَعُوا ۖ وَتَرَاهُمْ يَنظُرُونَ إِلَيْكَ وَهُمْ لَا يُبْصِرُونَ(198) At kung sila ay inyong panikluhuran sa patnubay, sila ay hindi nakakarinig at mamamalas ninyo na sila ay tumitingin sa inyo, datapuwa’t sila ay hindi nakakakita |
خُذِ الْعَفْوَ وَأْمُرْ بِالْعُرْفِ وَأَعْرِضْ عَنِ الْجَاهِلِينَ(199) Magpakita kayo ng pagpapatawad, magtagubilin kung ano ang mabuti at lumayo kayo sa mga luko-luko (alalaong baga, huwag ninyo silang parusahan) |
وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ الشَّيْطَانِ نَزْغٌ فَاسْتَعِذْ بِاللَّهِ ۚ إِنَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ(200) At kung ang masamang bulong ay lumapit sa inyo mula kay Satanas, kayo ay humanap ng kalinga (kaligtasan) kay Allah. Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam |
إِنَّ الَّذِينَ اتَّقَوْا إِذَا مَسَّهُمْ طَائِفٌ مِّنَ الشَّيْطَانِ تَذَكَّرُوا فَإِذَا هُم مُّبْصِرُونَ(201) Katotohanan, sila na matimtiman sa kabutihan; kung ang isang masamang isipin ay dumatal sa kanila mula kay Satanas, sila ay nakakaala-ala (kay Allah), at katotohanang sila ay nakakakita (ng matuwid) |
وَإِخْوَانُهُمْ يَمُدُّونَهُمْ فِي الْغَيِّ ثُمَّ لَا يُقْصِرُونَ(202) Datapuwa’t (tungkol) sa kanilang mga kapatid (mga masasamang kapatid), sila (mga diyablo) ay naghuhulog sa kanila sa malalim na kamalian, sila ay hindi tumitigil kung ito ay hindi pa ganap |
وَإِذَا لَمْ تَأْتِهِم بِآيَةٍ قَالُوا لَوْلَا اجْتَبَيْتَهَا ۚ قُلْ إِنَّمَا أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ مِن رَّبِّي ۚ هَٰذَا بَصَائِرُ مِن رَّبِّكُمْ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ(203) At kung ikaw ay hindi naghahatid sa kanila ng isang Himala (ayon sa kanilang [mga paganong Quraish] mungkahi), sila ay nagsasabi: “Bakit hindi mo dinala ito sa amin?” Ipagbadya: “Sinusunod ko lamang kung ano ang ipinahayag sa akin mula sa aking Panginoon. Ito (ang Qur’an) ay wala ng iba maliban na mga katibayan mula sa inyong Panginoon, at isang Patnubay at isang Habag sa mga tao na sumasampalataya.” |
وَإِذَا قُرِئَ الْقُرْآنُ فَاسْتَمِعُوا لَهُ وَأَنصِتُوا لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ(204) Kaya’t kung ang Qur’an ay dinadalit, kayo ay makinig dito, at maging tahimik upang kayo ay makatanggap ng habag (alalaong baga, sa oras ng sama-samang pagdarasal kung ang Imam [namumuno o namamahala sa Moske] ay namumuno sa pagdarasal, at gayundin, kung siya ay nagbibigay ng pangaral [sermon] sa pang-Biyernes na panalangin |
وَاذْكُر رَّبَّكَ فِي نَفْسِكَ تَضَرُّعًا وَخِيفَةً وَدُونَ الْجَهْرِ مِنَ الْقَوْلِ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ وَلَا تَكُن مِّنَ الْغَافِلِينَ(205) At iyong alalahanin (ikaw na bumabasa!), ang iyong Panginoon sa (pamamagitan) ng iyong dila at sa loob ng iyong sarili (sa kaluluwa), na mapagkumbaba at may pangangamba at walang kaingayan sa (mga) umaga, at sa (mga) hapon, at huwag kayong sumama sa kanila na nagpapabaya |
إِنَّ الَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَيُسَبِّحُونَهُ وَلَهُ يَسْجُدُونَ ۩(206) Katotohanan, ang (mga anghel) na nasa (piling) ng kanilang Panginoon ay hindi kailanman naging lubhang palalo sa pagsasagawa ng mga gawa ng pagsamba sa Kanya, bagkus, sila ay lumuluwalhati ng papuri sa Kanya at sila ay nagpapatirapa sa Kanya |